You are on page 1of 7

1

KABANATA 1

PANIMULA

BACKGROUND NG PAG-AARAL

Ang edukasyon ay isang bagay na hinding-hindi maaagaw

ninuman. Mahalaga ito sa bawat indibidwal dahil dito

nakasalalay ang kanyang kinabukasan at kung ano ang kanyang

kahihinatnan dito sa mundo (Lagas, 2016). Ang pag-aaral na

ito ay nakatuon kahalagahan ng edukasyon sa mga magaaral.

Bilang mga mananaliksik nais naming matukoy kung gaano

kahalaga sa bawat estudyante ang pag-aaral. Bilang isang

mananaliksik at magaaral ang edukasyon ang pinakamahalaga

dahil dito nakasalalay ang aming kinabukasan. Ngunit gaano

nga ba kaimportante ang pag-aaral ngayon sa mga kabataan.

Isa sa magandang proyekto ni Jose Rizal ay ang

pagpapatayo ng paaralan dahil naniniwala siya na sa sa

pamamagitan ng edukasyon, ito ang magiging daan sa mga

kabataan na maiangat sila para sa mas mabuting kinabukasan

sapagkat kung may pinag-aralan mas makakahanap ng mas

magandang trabaho na tulay rin tungo sa matiwasay at

pagkakaroon ng magandang kinabukasan. Isa ang Iloilo City

National Highschool sa mga may pinakamaraming magaaral. Isa

rin ang paaralan na ito sa mga estudyante na may

pinakamaraming naitalang hindi maganda ang estado ng

This study source was downloaded by 100000839073686 from CourseHero.com on 02-15-2022 22:10:17 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/71626308/KAHALAGAHAN-NG-EDUKASYONFILIPINO-RESEARC-11docx/
2

kanilang pag-aaral. Sa pananaliksik na ito nakasaad ang mga

kahalagahan ng edukasyon sa mga estudyante ng Iloilo City

National Highschool.

Ang edukasyon ay mahalagang bahagi ng ebanghelyo at ng

paghahandang makibahagi sa lipunan at maglaan para sa sarili

at sa pamilya (Kahalagahan ng edukasyon, 2013, p.g 54-55).

At yamang totoo na ang karagdagang edukasyon ay karaniwang

nagbibigay ng pagkakataon para sa dagdag na temporal na

pagpapala, ang higit na pagpapahalaga sa karagdagang

kaalaman ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon na magkaroon

ng mas malaking impluwensya sa pagsasakatuparan ng mga

layunin ng Panginoon (Cardon 2013). At, ang edukasyon ay

mahalaga sa bawat isa dahil dito nakasalalay ang kinabukasan

ng bawat tao at kung ano ang kanyang kahihinatnan dito sa

mundo (WordPress.com,2008). Lagi natin tandaan na tayo

gumgawa ng ating sariling kapalaran kaya kung anuman ang

ating tatahakin ay nakasalalay sa ating mga kamay.

Sa mga nakaraang mga pag-aaral tungkol sa kahalgahan

ng eduksayon sa mga estudyante naitala na ang isa hanggang

lima sa bawat apatnapung estudyante sa isang silid aralan ay

nagpapabaya sa kanilang pagaaral. Bilang mga mananaliksik

nais naming malaman kung ano ang kahalagahan ng pag-aaral sa

kanilang buhay. Sa mga naunang pag-aaral tungkol sa

edukasyon naipakita na ang karamihan sa mga problema nga mga

This study source was downloaded by 100000839073686 from CourseHero.com on 02-15-2022 22:10:17 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/71626308/KAHALAGAHAN-NG-EDUKASYONFILIPINO-RESEARC-11docx/
3

guro at eskwelahan ay ang mga estudyanteng hindi nagbibigay

halaga sa kanilang pag-aaral at napapabayaan ito.

Bilang mga mananaliksik sa tungkol sa kahalagahan ng

edukasyon ay nalaman namin na ang ibang mga estudyante ay

walang sapat na kaalaman sa kahalagahan ng edukasyon. Kaya

ang aming grupo ay nagsagawa ng pagaaral tungkol sa

kahalagahan ng edukasyon sa mga mag-aaral ng ICNHS. Ang

layunin ng aming pananaliksik ay upang palawakin ang

kaalaman ng mga estudyante sa kahalagahan ng edukasyon. At

para malaman kung gaano kahalaga ang edukasyon sa mga

magaaral ngayong henerasyon.

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga magaaral

para palawakin ang kanilang kaalaman sa kahalagahan ng

edukasyon. Ito ay magsisilbing inspirasyon nila para maging

pursigido pa sa kanilang pag-aaral. At makatutulong ito sa

kanila upang sila ay magkaroon nga sapat na impormasyon sa

kahihinatnan ng kanilang kinabukasan kapag binigyan nila ng

importansya ang pag-aaral.

LAYUNIN NG PAG-AARAL:

Ang pangkalahatang layunin ng aming pananaliksik ay

upang matukoy kung gaano kahalaga ang edukasyon sa mga mag-

aaral ng Iloilo City National Highschool.

Mga Tiyak na layunin:

This study source was downloaded by 100000839073686 from CourseHero.com on 02-15-2022 22:10:17 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/71626308/KAHALAGAHAN-NG-EDUKASYONFILIPINO-RESEARC-11docx/
4

 Para malaman kung bakit mahalaga ang edukasyon sa bawat

kabataan.

 Upang matukoy kung paano makatutulong ang edukasyon sa

kinabukasan ng mga kabataan.

 Para malaman kung paano nakakaepekto ang estado ng

buhay sa pag-aaral.

SULIRANING SUSURIIN:

IPOTESIS:

Alternatibong Ipotesis

Mayroong ganap na relasyon ang kahalagahan ng edukasyon

ayon sa edad, pamilya, kaibigan, estado ng buhay, ekonomiya,

school attainment at social status.

Null na Ipotesis

Walang ganap na relasiyon ang kahalagahan ng edukasyon

ayon sa edad, pamilya, kaibigan, estado ng buhay, ekonomiya,

school attainment at social status.

Ang mga sumusunod ay ang mga katanungan na nabuo

ayon sa aming layunin tungkol sa aming pananaliksik:

 Ano ang kahalagahan ng edukasyon sa mga mag-aaral ng

Iloilo City National Highschool?

 Paano makatutulong ang edukasyon sa kinabukasan ng mga

kabataan?

This study source was downloaded by 100000839073686 from CourseHero.com on 02-15-2022 22:10:17 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/71626308/KAHALAGAHAN-NG-EDUKASYONFILIPINO-RESEARC-11docx/
5

 Paano nakaka-epeketo ang estado ng buhay sa pag-aaral

ng kabataan?

KAHALAGAHAN NG GAGAWING PANANLIKSIK

- Estudyante ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga

estudyante upang palawakin ang kanilang kaalaman

tungkol sa kahalagahan ng edukasyon sa kanilang buhay.

- Paaralan ang pananaliksik rin na ito ay makakatulong sa

mga paaralan upang matulungan sila sa mga estudyante na

ipaintindi kung gaano ka importante ang edukasyon para

sa mga magaaral.

- Mananaliksik bilang isang mananaliksik ang pag-aaral na

ito ay makakatulong din sa amin upang mas mapalawak o

mas mapalalim pa naming ang aming kaalaman tungkol sa

edukasyon. Ang pag-aaral na ito ay para sa amin upang

maintindihan ang mga nakalap na datos tungkol sa

kahalagahan ng edukasyon.

- Mga Mananaliksik sa Hinaharap ang pag-aaral na ito ay

makakatulong din sa mga susunod na mga mananliksik na

may kaparehong isyu o topiko at layunin. Ito ay

makakatulong sa kanila upang mas madagdagan pa ang

kanilang impormasyon tungkol sa kahalagahan ng

edukasyon.

SAKLAW AT LIMITASYON

This study source was downloaded by 100000839073686 from CourseHero.com on 02-15-2022 22:10:17 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/71626308/KAHALAGAHAN-NG-EDUKASYONFILIPINO-RESEARC-11docx/
6

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Iloilo City

National Highschoool na naitalang isa sa mga may

pinakamaraming estudyante sa probinsya ng Iloilo. Ang pag-

aaral na ito ay isinagawa sa taong 2018. Ang mga pag-aaral

ay isinagawa sa mga mag-aaral at mga guro ng Iloilo City

National Highschool sa pamamagitan ng mga panayam at

obserbasyon sa mga estudyante at mga guro ng nasabing

paaralan. Bilang mga mananliksik ang aming grupo ay nagbasa

rin ng mga naunang mga pag-aaral na may kinalaman sa aming

topiko, mga libro or artikulo tungkol sa kahalagahan ng

edukasyon upang mas madagdagan pa ang aming kaalaman tungkol

sa edukasyon. At makakuha ng sapat at angkop na impormasyon

tungkol sa aming pag-aaral sa kahalagahan ng edukasyon.

KAHULUGAN NG MGA TERMINOLOHIYA

Edukasyon-ay isang proseso ng pagtanggap at pagbigay ng

sistematikong kaalaman o instruksiyon sa paaralan (Englsih-

Filipino Dic.)

-Sa aming pananaliksik ang eduksayon ang

pinakaimportanteng bagay na makakamtan ng isang tao.

Estudyante- isang tao na nag-aaral sa isang paaralan o

kolehiyo(Collins Dictionary).

This study source was downloaded by 100000839073686 from CourseHero.com on 02-15-2022 22:10:17 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/71626308/KAHALAGAHAN-NG-EDUKASYONFILIPINO-RESEARC-11docx/
7

-Sa pag-aaral na ito ang estudyante ay ang taong

makakabenipisyo sa pananaliksik na ito kung gaano kahalaga

ang edukasyon sa kanila.

Pampublikong Paaralan- ang paaralan ay isang institusyon na

dinesenyo para paglaanan o makapagbigay ng kaalaman para sa

mga estudyante at guro. (Cambridge Dictionary).

-Sa aming pag-aaral ang paaralan ay ang lugar

kung saan isinagawa ang aming pag-aaral katulad ng Iloilo

City National Highschool.

This study source was downloaded by 100000839073686 from CourseHero.com on 02-15-2022 22:10:17 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/71626308/KAHALAGAHAN-NG-EDUKASYONFILIPINO-RESEARC-11docx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like