You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

BATANGAS STATE UNIVERSITY


ARASOF-Nasugbu
R. Martinez St., Brgy. Bucana, Nasugbu, Batangas
Telephone No.: (043) 416-03-49/50
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Bachelor of Secondary Education Program

Bekimon:Register ng mga Bakla sa Kalye ng Max Suniel, Brgy.Carmen, Cagayan De Oro


City

Ang pananaliksik na ito ay isinumite bipang parsyal na pangangailangan sa asignaturang


COR 003 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipinom Ito ay isinumite kay
Bb. Celesty Batincala nina Velez, Rosita, Lumag, Sheila, Duran Camille, Nacalaban Shane,
Magdale Angelou, Caban Joshua, Filasol Joshua, Caruz Guendolyn, at Cardona Errycka Jade
noong taong 2017 buwan ng Oktubre.

Ang wika ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng kasaysayan at kultura ng isang


bansa.Ito ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng mga tao , indidibidwal, o grupo sa isang lugar o
bansa.Malaki ang ginagampanan ng isang wika, lalong lalo na sa pakikipagkomunikasyon o
pakikipagtalastasan ng bawat tao.Sa paglipas ng panahon at pag usbong ng ibang henerasyon
nagkakaroon ng malaking pagbabago o pag unlad sa isang wika.Nagkakaroon ng baryasyon sa
mga wikang ginagamit ng mga Pilipino. Bawat lugar sa ating bansa ay nagkakaroon pagkakaiba
sa mga dayalektang ginagamit na siyang nagsisilbing pagkakakilanlan ng kanilang grupo.Hindi
din kaila ang pag-usbong ng ibat ibang grupo gaya ng mga taong nasa ikalawang kasarian
partikular na nga ang mga beki o baklang ating tinatawag. Ang pag-usbong ng grupong ito ay
nagresulta sa pag usbong rin ng register ng wika na ginagamit ng mga beki,ito nga ay ang
bekimon. Ang pag aaral ay naglalayong tuklasin kung paano nabuo ang mga salitang ito at
bigyang pakahulugan ang bawat salitang kanilang ginagamit. Ang pagkakaroon ng mga beki ng
kanilang sariling lenggwahe ay nagsisilbing secret code ng grupo na sila lamang ang
nakakaintindi.
Gumamit ang mga mananaliksik ng pagkalap ng impormasyon o datos sa pamamagitang
ng mga libro o babasahin. Nakatulong rin ang paggamit ng internet sa sa pagkalap at
pagpapalinaw ng mga impormasyong nakalap. Ang wika ng mga bakla ay nakapaloob sa
tinatawag nating sosyolek. Sa pagkalap ng mga mananaliksik ng mga salitang bekimon ay
nakakuha sila ng 29 na mga salitang bekimon. Ilan sa halimbawa nito ay ang fodra(papa) ,
shokaw(ikaw, itech(ito) at marami pang iba. Sa kabubuuan ng pag aaral ,natuklasan ng
mananaliksik na nabubuo ang salitang bekimon sa pamamagitan ng pagbabaliktad ng mga letra
mula sa mga orihinal na salita, pagpapalit ng mga pangalan ng artista at iba pa. Natuklasan din
ng mananaliksik na ang salitang bekimon ay paraan ng mga bakla upang itago ang kanilang
pinag uusapan sa ibang tao. Ito ay maituturing na makulay na lenggwahe .Madaling
mauunawaan ang salitang bekimon kung paisa-isang salita lamang ang gagamitin , ngunit kung
Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
ARASOF-Nasugbu
R. Martinez St., Brgy. Bucana, Nasugbu, Batangas
Telephone No.: (043) 416-03-49/50
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Bachelor of Secondary Education Program

magsasama sama na ito sa isang pangungusap ay mahirap nang intindihin. Napagtanto din ng
mananaliksik na malaki ang epekto ang paggamit ng salitang bekimon sa ating pambansang wika
sapagkat nakasisira ito sa pormalidad ng komunikasyong Filipino at hindi nalilinang ang
paggamit ng wikang Filipino. Hindi maikakaila na sa pagdaan ng panahon ay may mga
umuusbong na panibagong salita.
Ang pananaliksik na Bekimon:Register ng mga Bakla sa Kalye ng Max Suniel, Brgy
Carmen, Cagayan De Oro City ay isang matagumpay na pag aaral sa rehistro ng wika. Isa itong
mahusay na pag aaral sapagkat nabigyang pansin ang mga salitang ginagamit ng mga bakla na
alam naman natin na mahirap intindihin lalong lalo kapag buong pangungusap ang kanilang
ginagamit . Naging daan din ang pananaliksik na ito upang mabigyang pansin ang mga taong
nasa ikalawang kasarian na tinatawag nating bakla o beki. Alam naman natin na hindi
masyadong nabibigyang pansin ang mga beki sa ating lipunan,kaya masasabi kong naging
magandang halimbawa ang pananaliksik na ito upang mas lalo pang mabigyang pansin ang mga
grupong nasa ikalawang kasarian. Ang pananaliksik na ito ay nagbukas sa isipan ng maraming
tao upang maintindihan ang salita ng mga beki. Malaking tulong ito sa mga tulad kong hindi
nakakaintindi ng kanilang salita. Magagamit ko ang impormasyon na ito sa mga pagkakataong
nakakarinig ako ng usapan ng mga beki lalo pa at may mga kakilala at kamag anak akong beki.
Nabigyang linaw sa pananaliksik na ito kung bakit napagkasunduan ng mga beki na bumuo ng
salitang sila lamang ang nakakaintindi, ito ay upang maitago ang kanilang usapan sa ibang tao,
lalo pa at mga pribadong diskusyon sa mga katulad nilang beki. Batid naman ng lahat na kapag
masyadong bulgar ang usapan ng mga bakla ay may mga taong hindi nagugustuhan kung ano
man ang kanilang usapan.Kaya minarapat nila bumuo ng mga salitang tanging sila lamang ang
may kakayahang makaunawa. Matagumpay ang pagkakalap ng mga datos at impormasyon
sapagkat nakapagbigay ito ng linaw sa nais layunin ng pag aaral na mabigyang kahulugan ang
mga salitang bekimon at maibigay ang dahilan kung paano ito nabuo.
Isa sa napansin kong kahinaan ng pananaliksik ay ang paraan ng pangangalap ng
impormasyon sapagkat, kumuha lamang sila ng mga datos at impormasyon sa libro at
internet.Bagamat may nakuha silang mga salita na hindi naman kaila sa atin na salitang bekimon
ay hindi naman natin masasabi na nagmula talaga ito sa lugar na Max Suniel, Brgy Carmen,
Cagayan De Oro City. Hindi nila napagtuunan ng maaayos ang panganalap ng impormasyon sa
pamamagitan ng panayaman sa taong tuon ng paksa. Isa pa sa kahinaan ng pananaliksik ay hindi
nakapagbigay ng halimbawa ng paggamit ng salitang bekimon sa isang pangungusap. Walang
kongkretong halimbawa ng isang pangungusap gamit ang salitang bekimon. Isa itong kahinaan
Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
ARASOF-Nasugbu
R. Martinez St., Brgy. Bucana, Nasugbu, Batangas
Telephone No.: (043) 416-03-49/50
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Bachelor of Secondary Education Program

sapagkat nabanggit sa pananaliksik na mas mahirap intindihin ang salitang bekimon kapag isang
buong pangungusap na ito. Mawawalan ng pagkakataong pagkumparahin ng mambabasa ang
salitang bekimon sa isang pangungusap na may salitang bekimon. Hindi rin nabigyang linaw
kung ano ang konklusyon ng isinagawang pangangalap ng impormasyon gamit ang
questionnaire.Sinabi lang rito na gumamit ng questionnaire ngunit hindi nabanggit ng
mananaliksik kung ano ang nakuha nilang datos sa isinagawa nilang pagtatanong.
Sa kabuuan bagama’t may ilang kakulangan sa pag aaral na ito, masasabi ko namang
matagumpay ito dahil napalabas nila ang nais nilang makuhang mga kasagutan. Nasagot at
natugunan naman ng mananalisik ang layunin ng kanilang pag aaral sa rehistro ng wika ng mga
beki na tinatawag nating bekimon. Isa sa rekomendasyon na aking maibibigay sa pag aaral na ito
ay dapat sa susunod mailagay ng mga mananaliksik kung kanino nagmula ang teoryang kanilang
inilagay rito kagaya nalang nitong pangungusap na “ Isa sa pinakamahalagang bahagi ng kultura
at kasaysayan ng isang lugar ang wika. Dapat matutunang bigyang halaga at kredito ang gawa o
mga sinabi ng isang tao. Sa aking pagkaka alam hindi rin maaaring sabihin na hindi nagkaroon
ng pagkakataon na makanuo ng panayaman sa mga taong sangkot sa pag aaral sapagkat ang
pagbuo ng isang pananaliksik ay nararapat bigyang halaga at oras. Isa itong akademikong papel
na marami ang makakabasa kaya, kailangang malinaw at malakas at mga sumusuportang
impormasyon sa pag aaral. Isa pang rekomenedasyon na aking masasabi ay pagpapalawak o
pagdaragdag pa ng mga salitang bekimon na nakalap ng mananaliksik upang mas lalo pang
tumibay ang resulta ng pag aaral.

You might also like