You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

BATANGAS STATE UNIVERSITY


ARASOF-Nasugbu
R. Martinez St., Brgy. Bucana, Nasugbu, Batangas
Telephone No.: (043) 416-03-49/50

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education Program

Walang Sugat
MGA ELEMENTO NG DULA

1. Iskrip o Banghay

Sa dulang Walang sugat na sinulat ni Severino Reyes ay kapansin pansin ang paggamit
ng mga malalalim na salita at purong tagalog na minsan ay sinasamahan ng wikang
espanyol. Maririnig rin ang paraan ng pagbigkas ng bawat linya ay nasa anyong patula o
mayroong tugmaan sa dulo.

Nagsimula ang kwento sa pagpunta ni Tenyong sa bahay nina Julia. Naabutan


niya si Julia na nagbuburda. Dito ay ipinakita o naipakilala rin si Lucas na sa huli ay
naging mensahero nicTenyong .Nagsimula ang kapana-panabik ang tagpo nang ang Ama
ni tenyong ay mabilanggo at mamatay sa kamay ng mga prayle. At doon na nga
nagsimula ang paghihiganti ni Tenyong sa mga prayle sa pagsama niya sa mga
Katipunero. Kalauan ay unti unti nang natatalo nila ang mga Kastila, ngunit nagkaroon
ng balita na mapapasakal si Julia kay Miguel. Kaya naman ay dali daling gumawa ng
paraan ang Heneral ni Tenyong para matupad ang kagustuhan ni Tenyong na mapakasal
kay Julia saa pamamagitan ng pagpapanggap na malubha ang ang lagay ni Tenyong
buhat sa labanan. Sa huli ay napakasal si Julia kay Tenyong sa tulong ng Heneral.
Walang sugat si Tenyong at ito’y pagpapanggap ngunit huli na ang lahat nakasal na ang
dalawa.

2. Aktor o Karakter

 Tenyong-isang lalaking mapagmahal sa kanyang kasintahan,pamilya at sa bayan


 Julia- ang babaeng pinakamamahal ni Tenyong
 Juana- ina ni Julia
 Lucas-kanang kamay at utusan ni Tenyong
 Miguel- ang lalaking ipinagkasundo kay Julia para pakasalan
 Tadeo- ang ama ni Miguel; may lihim na pagtingin kay Juana 7.
 Kapitan inggo-ama ni Tenyong; asawa ni Putin; namatay dahil sa kalupitan ng
mga Kastila
 Kapitana Putin- ina ni Tenyong at asawa ni inggo
 Marcelo-alkalde o punong bayan 10. Heneral-malapit na kabigan ni Tenyong
 Kura- ang paring nagkumpisal kay Tenyong
 Mediko-ang gumamot kay Tenyong
 Religioso 1 at Religioso 2- malulupit na prayle 14. Monica- alila ni Julia

3. Dayalogo
Madamdaming napahayag ng mga aktor sa dula ang mga mensahe at dayalogong nais
nilang bigkasin. Kakikitaan ito ng sinseridad sa bawat bato ng mga salita. Mayroon ding
bahagi ng dayalogo na sa pamamagitang awit nila ipinahahayag ang mga kani-kanilang
mensahe.
4. Tanghalan
Ang pook kung saan ginanap ang dula at ang mga tagpuan ay sakto at hindi mo na
kailangan pang hulaan kung anong tagpo at lugar naroroon ang mga aktor. Nagkaroon ng
pokus sa bawat tagpo at mayroong pokus sa kung sino ang gumaganap sa bawat tagpo.

5. Tagadirehe o direktor
Mahusay na naipabatid at naganapan ng direktor ang kanyang trabaho sapagkat ang
dula’y mayroong magandang kinalabasan.Nagkaroon din ng maayos na daloy ang bawat
tagpo sa pamamagitan ng paglalagay ng mga kantahan.
6. Manonood
Bagamat hindi ipinakita ang manonood sa dula ay kung isa man ako sa manood ay lubos
ang aking paghanga sa napakahusay na pagganap ng mga aktor.
7. Tema
Ang tema ng dula ay isang pag iibigan ng dalawang magkasintahan ngunit mababakas na
mayroong nais ipahiwatig ang kabuoan ng dula. Ito ay ang kalupitan ng mga kura o pari
sa panahon ng Kastila at kung paanong ang mga Pilipino ay handang labanan ang
kanilang kalupitan alang alang sa bayan.

You might also like