Mga taong bayan, mga Hukbong Tagalog, mga Hukbong Intsik, Kapisanan ng Cruz Rojang babae, mga kawal na rebulosyonaryo, mga batang lalakit babae, bandang musika ng Hukbong Tagalog, mga Kaluluwa ng nangamatay sa labanan, ang Haring Kamatayan, Rehimiyento ng Artiller, Infanteria at Ingeniena.
BAHAGI I
(Isang bakurang may sagingan at iba pang halaman sa tabi. Sa gitna ay isang balag.)
LABAS I
(Asalhayop at mga taong bayan. Nangakahanay ang babae sa kanan at ang mga lalaki naman sa kaliwa. Nanga-taas ang kanang kamay nilang lahat, na tumatangan sa kopang ginto. Masasaya ang anyo nila.)
(Asalhayop, Masunurin, Walang tutol, mga taong bayan.)
Walangtutol : Mag-inuman, magsayawan.
Masunurin : Si Asalhayop ay ipagdiwang.
Koro : Ipagdiwang.
1.o : Mapala ang kanyang buhay.
1.a : At lumawig habang araw.
2.o : Habang araw.
Walangtutol : Dangal niyay huwag dadalawin ng siphayoy ng hilahil.
2.a : Huwag dadalawin.
3.a : Dangal niyay magluningning sa ligayang sasapitin.
Koro : Magluningning.
Masunurin : Madlang puri, madlang biyaya sa kaniyay sumagana.
Koro : Sumagana.
3.a : Madlang yaman, madlang tuwa sa kaniyay lumawig nawa.
Koro : Lumawig nawa.
Asalhayop : Katotot giliw, mga kaibigan, sa inyoy salamat nang habang buhay.
Ang inyong nais na tungkol sa akin ay aking biyaya sa sasapitin.
Kayo ang dangal ko, at kayong tunay ang tanging suhay sa aking buhay.
(Lalapitang isa-isa ni Asal. Ang mga Koro at ipipingki sa kani-kanilang kopa ang kanyang hawak.)
Mag-inuman, magsayawan, mag-awitan, limutin ang kalumbayan.
Koro : Mag-inuman.
(Anyong iinumin ng lahat ang laman ng kani-kanilang kopa.
Biglang lalabas si Ina, at si Tag. Magugulat ang mga dadatnan.Titigan sila ng kagulat-gulat ni Ina.)
LABAS 2
(Sila rin, Inangbayan, Tagalog)
Inangbayan : Mga walang loob,
mga walang damdam,
bagoy nagluluksa
ang kawawang bayan.
Mga walang puso,
mga walang dangal,
nahan ang pangakong
kayo ay dadamay
sa mga pumanaw?
(Tatawa nang malakas si Asal at ituturo si Ina.)
Inangbayan : Asalhayop!
Asalhayop : Masdan ninyo si Inangbayan,
Ang buwisit at manggagaway.
(Magtatawanan ang koro.)
Humayo ka, Inangbayan,
Huwag sabihin ang patay.
(Magtatawanan ang koro.)
Koro : Mag-inuman.
(Anyong iinumin ang laman ng mga kopa.)
Inangbayan : Huwag!
Huwag ninyong lagukin, huwag ninyong mainom ang
hinahawakang alak na may lason.
(Magtatawanan ang koro.)
Ang inyong kaluluwa ay malilinggatong, kayoy isusumpa ng
mga pahanon.
(Magtatawanan ang koro.)
Mainit pang tunay sa mga buruhan ang bangkay ng inyong nuno at magulang.
(Magtatawanan ang koro.)
Hayo at mag-isip ng tinutunguhan, hayo at bakahin ang mga
kaaway.
(Mahabang tawanan nila Asal at ng Koro.)
Koro : Magsayawan.
(Iinumin ni Asal, at ng Koro ang laman ng mga kopa. Tititigan sila nang kagulat-gulat ni Ina.)
Inangbayan : Mga walang kaluluwa! Ang inyong mga kasayahan ngayon ay pagdustang tunay sa libingan ng ating marangal na lipi. Ano? Hindi baga ninyo nararamdaman sa ibutod ng inyong mga puso ang lamig ng kamatayan ng bayan? Hindi baga kayo nangahihiya sa sarili, ngayong kayo nangagsasayahan sa ilalim ng talampakan ni Haringbata ang magiging anak ni Hingiskang?
Asalhayop : Mahusay manalumpati ang ating ina, ang mangangaway.
Inangbayan : Asalhayop!
Asalhayop : Bigyan ako ng kaunting alak.
Koro : Kami man.
Inangbayan : Ako man.
Asalhayop : Kita ninyo? Kita ninyoy huminging kusa, pagkakitang hindi natin siya alintanahin?
Magaling na talaga si aling inangbayan.
Asalhayop : (Kay ina) Heto ang alak na alay ko sa iyo. (Bibigyan siya ng isang kopa.) Mag-inuman!
(Itataas ni Asal at Koro ang kanilang mga kopa.)
Walangtutol : Mabuhay si Asalhayop!
Koro : Mabuhay!
Inangbayan : Sumpain nawa ni Bathala ang hindi magsisi sa paglapastangan sa araw na ito! Ito ngang tunay na araw ng kamatayan ng mga tagapagtanggol ng bayan. Ito ang araw ng pagkalugso ng ating kahambal-hambal sa Balintawak. Sumpain nawa ni Bathala ang hindi magsisi!Taos sa puso ko yaring sumpa, at sa katunayan ay ayan!
(Ipupukol sa lupa ang kopang hawak)
Asalhayop : Inangbayan!
Koro : (Biglang lalapitan ni Asal at tatampalin. Si Ina, ay mabubuwal, kasabay ng pagtawa ng Koro.)
Asalhayop : Manggagaway!
(Kasabay ng tampal at tawanan. Kasabay ng pagsakal sa kanya at pagtindig ni Ina.)
Walangtutol : Huwag! Bitiwan mo. Asalhayop.
(Bibitiwan.)
Inangbayan : Asalhayop, paglapastangan mo sa akin ay nahulog sa Apo, sa kamay ni Mandagaran, ang taksil mong kaluluwa. At kayong mga nakianib sa kanya, kayong mga anak kong pinakamamahal, ay nangahawa na mandin sa kanyang sawing palad. Dinudusta ninyo sa libingan ang dangal ng inyong mga nuno.
Ah! Hindi ko inakala kailan pa man, na kayoy hindi ko maihahalubilo sa mga angkang nagkalat dito sa Dulong-Silangan.
Mga anak ko, mga bunsong pinakaiibig, kayoy nangaliligaw. Panumbalikin ninyo ang inyong mga loob, pagsisihan ninyo ang paglapastangan sa akin at sa dakilang araw ng pagkalugso ng bayan. Kapag nilimot ninyo ang araw na ito ay lilimutin din ninyo ang libingang luksa ng inyong mga magulang.
Kayoy nangabulag na lubos. Buksan ninyo ang inyong mga mata.
(Biglang itataas ang tabing. Lilitaw ang mga libingang may mga pangalang sulat sa panahong una at may mga sabit na luksa at sari-saring putong.)
Ayan at tanawin ninyo sila!
(Mangagluluhuran si Tag at Koro at mangangahulog sa kanilang kamay ang mga kopoang hawak, tanging hindi lamang si Asal at tatalikdan ang mga nasabing libingan.)
Sa mga libingang iyan ay nalalagak ang mga buto nila Gat-Salian, Bituin at laksa-laksang iba pang bayaning kawal ng bayan.
Oh! Yayamang nilapastangan ninyo ang araw na ito at ang mga libingang iyan; yayamang dinudusta ninyo ang daklilang pangalan ng inyong mga nuno; yayamang inilublob ninyo sa pusali ng kapalamarahan ang banal na kasulatan ng ating maharlikang lipi, ay ipagpatuloy na ninyo ang inyong baliw na kasayahan, 3 colors ipagpatuloy na ninyo, mga bunsong ginigiliw, ngunit pakiusap ko lamang, na doon sa ibabaw nila, sa ibabaw ng mga libingang iyan, ay doon kayo mag-inuman ng alak, doon kayo magsayawan at mag-awitan, doon ninyo sambilatin at yurakan iyang mga laksang sabit, doon ninyo huwag tugutang libakin ang inyong sariling dangal.
(Tatangis at marahang lalakad na tungo sa mga libingan.)
Mga bunsong pinakamamahal! Paalam ako sa inyo! Paalam ako sa inyo!
(Mahuhulog na muli ang dating tabing.)
LABAS 3
(Sila rin, wala lamang si Inangbayan)
Tagailog : Mga kapatid ko! Oh! Anot kayoy nangalulumbay? Dahil baga sa pag-aalala ninyo sa nalugsong buhay ng bayan sa araw na ito? Ah, tunay nga! Sapul noon hangga ngayon ay dalawampung taon nang singkad,dalawampung taong pagkakaalipin. Ngunit huwag. Ngayoy nahahanda nang lahat kapag kayoy umayos sa aking mga panukala
Koro : Magsabi ka!
Tagailog : Ibig baga ninyong bawiin sa kamay ng kaaway itong bayang sinamsam nila sa kamay ng ating mga magulang?
Koro : Ngayon din.
Tagailog : Tayo nat magsandatang lahat.
Koro : Tayo na.
(Aalis na lahat, matitira si Asal.)
LABAS 4
(Asalhayop)
(Tatanawin ang mga nagsisialis)
Asalhayop : Mga mangmang!
Ang mga taong ito ay may mga walang pinag-aralan. Mabuti pa ang aso, mabuti pa ang kalabaw, mabuti pa ang hayop kaysa sa kanila, sapagkat ang mga hayop ay nabubuhay at marurunong magsipamuhay, ngunit ang mga taong ito ay hindi.
Nangatatahimik ang aming mga magulang. At ano? kung ipaghiganti ko baga sila ay mangabubuhay pa kayang muli? Babawiin daw ang kalayaan ng bayan. At bakit pa? Mabuti ang may salaping alipin kaysa mahirap na laya. Mga hangal!
(Magkukuro) Mabuti nga.
Hahanapin ko ang mga Intsik, hahanapin ko si Haringbata at aking sasabihin sa kanya ang lahat ng nangyari. Salapi na naman ito!
(Anyong aalis. Lalabas si Haringbata.)
LABAS 5
(Asalhayop, Haringbata, mamayay Inangbayan)
Haringbata : Asalhayop.
Asalhayop : Ako poy sumasayapak mo, dakilat marangal na Haringbata.
Haringbata : Salamat.
(Lalabas si Ina, at manunubok sa tabi ng tabing. Hindi siya makikita ng dalawa.)
Asalhayop : Ako po sana ay talagang paparoon sa inyong bahay at may nasang sabihing malaking bagay.
Haringbata : Ano yaon?
Asalhayop : Si Tagailog at lahat niyang kasama, na pawang kapatid niyat kapatid ko rin ay kaaalis din po dito ngayon. Mangagsasakbat ng sandata at kayo po ay babakahin.
Inangbayan : (Mapaglilo!)
Haringbata : Tunay?
Asalhayop : Tunay po.
Haringbata : At bakit daw?
Asalhayop : Ibig daw po nilang mabawi ang kanilang kalayaan.
Haringbata : Mga masiging! At saan nangaroon?
Asalhayop : Ewan po, hahanapin ko sila at pakikialaman ko ang kanilang lihim, upang di maipagbigay alam ko sa inyo at mangahulog sa inyong kamay.
Inangbayan : (Buhong!)
Haringbata : Salamat. Talasan mo ang iyong mga taingat mata. Heto ang salapi mong bayad.
(Bibigyan ng salapi)
At kung mangahulog na sila sa ilalim ng aking kapangyarihan ay dadagdagan ko pa iyan, at bibigyan kita ng katungkulang mataas.
Asalhayop : Salamat po.
Haringbata : Hihintayin kita ngayong gabi sa aking bahay, at ipagbigay alam mo sa akin ang lahat nilang panukala. Heto ang tandang ilalahad mo sa taliba upang di ikaw ay papasukin.
(Bibigyan siya ng isang tsapang tanso at aalis.)
Asalhayop : Asahan po ninyo.
(Titingnan ang salapi.)
Heto ang salapi ko, heto ang tunay na Ina kong bayan, ang tunay na Bathala. At madaragdagan pa; at matataas pa ang aking katungkulan.
Sayang palad!
Inangbayan : ( Walang puri! )
LABAS 6
(Sila rin, Tagailog)
Asalhayop : Tagailog, hinahanap kita.
Tagailog : Akoy gayon din, kitay aking hinahanap.
Asalhayop : Sasalakayin baga natin si Haringbata?
Tagailog : Oo, bukas. Humanda kat ikaw ay kasama.
Asalhayop : Papaano ang paraang gagawin natin?
Tagailog : Akoy magdadala kunwari ng buwis.
Asalhayop : Mahusay. At saan tayo dadaan?
Tagailog : Sa tabing-dagat ang kalahati, at ang kalahati naman ay sa Diliman. Heto nat nagdadatingan ang ating mga bayaning kawal, kasama ang mga babaeng tagapagsiyasat ng sugatan.
LABAS 7
(Sila rin, Walangtutol, Masunurin, Korong lalaki at babae. Ang mga lalaki ay pawang sandatahan.)
Walangtutol : Tagailog, narito na kami.
Tagailog : Hintayin natin ang mga ibang kasama.
Asalhayop : Akoy kasama ninyo, ngunit akoy uuwi pa muna sandali.
Tagailog : Hihintayin ka namin dito, at dito tayo magbubuhat sa pagsasalakay kay Haringbata.
Asalhayop : Asahan ninyong akoy darating. Asahan ninyong kung saan kayo mamatay ay doon din ako magpapakamatay. Paalam.
Inangbayan : Wala ka bagang taglay na kahit anong tanso sa katawan?
Sumagot ka.
Lahat : Sumagot ka.
Asalhayop : Wala. Anhin ko ang tanso?
Inangbayan : Dinggin ninyo? Wala raw siyang taglay na salapi, at wala rin namang taglay na kahit anong tanso.
(Tatawa nang malakas si Ina.)
Asalhayop : Ngitngit ni Bathala! Anot nagtatawa ka?
Inangbayan : Dakpin ninyo at ipinagbili tayong lahat kay Haringbata.
Lahat : Oh!
Asalhayop : Ako?
Inangbayan : Ikaw.
Asalhayop : Sinungaling si Inangbayan. Sinasabi kong sinungaling si Inangbayan.
Inangbayan : Mga bunso, siyasatin ninyo ang katawan ni Asalhayop, at may taglay na salapi, at may taglay na tanso.
Tagailog : (Sa Koro) Siyasatin ninyo.
Asalhayop : Hindi ako pasisiyasat.
Tagailog : Dakpin ninyo.
(Tatanganan si Asal ng mga sandatahan ng mga babae ang kanyang katawan. Makukunan sa bulsa ng salapi at isang tsapang tanso.)
Masunurin : Tunay nga!
Lahat : Tunay nga!
Tagailog : Anot ipinagkaila mo ang iyong taglay?
Asalhayop : Akoy sapagkat Datapwat
(Tatawa nang malakas si Ina.)
Inangbayan : Yayamang hindi niya matutuhang turan ay aakuin ko na siya at ako na ang magsasabi.
Asalhayop : Inangbayan! Mahabag ka!
Tagailog : Sabihin mo, Inangbayan.
Lahat : Sabihin mo.
Asalhayop : Inangbayan!
Inangbayan : Ang salaping iyan ay siyang pinagbilhan ng nilako niyang buhay ng bayan kay Haringbata.
Lahat : Oh!
Inangbayan : At ang tansong iyan ay siyang ilalahad sa mga taliba ng kaaway, upang siyay papasukin at maisiwalat ang ating lahat ng lihim.
Asalhayop : Sumpa ng Apo! Ngitngit ni Mandagaran!
Inangbayan : Pagmasdan ninyo ang tanso at may tatak marahil ni Haringbata.
(Pagmamasdan ng lahat ang tanso)
Masunurin : Tunay nga.
Koro : Tunay nga.
Walangtutol : Kay Haringbatang tatak.
Tagailog : Asalhayop!
Asalhayop : Patawad!
Inangbayan : Ngayon at inyo nang nakilala kung sino nga si Asalhayop, ay paalam na ako sa inyo.
(Tuloy aalis. Anyong hahabulin ng lahat.)
Lahat : Inangbayan?
LABAS 8
(Sila rin, wala lamang si Inangbayan)
Tagailog : (Kay Asal) Oh! Walang pusong kapatid! Walang dangal! Sa mga ugat mo ay tumatakbo ang maruming dugo ni Lakasalian, yaong taksil na nagpagapos ng leeg ng ating kawawang Inangbayan, kay Hangiskang na ama ng suwail na Haringbata.
Pagmasdan ninyot kumikislap sa kaniyang mga mata ang alipato ng kanyang paglililo.
Bayang Tagalog, tandaan ninyo yaring hatol.
Dapat mahalin ang ating mga kapatid, ang ating mga magulang, ang ating sariling buhay, ngunit lalo pa nating dapat mahalin ang dangal ng ating kahambal-hambal na Inangbayan.
(Sandaling palipas) Kaya nga, ang sino pa mang maglilo sa kanya, kapatid man natin o magulang kaya, ay huwag pagpitaganan; takpan ang mata ng awa at idalhag siya sa bangin ng lalong dustang kamatayan, at idagan sa kanyang ulo ang matinding sumpa ng ating pagkakapaalipin.
(Sandaling palipas) Bayang Tagalog, kung sakaling mawalan man tayo ng hiya sa mukha nating bantad, at pabayaan nating makatkat sa ating noo ang limbag ng puri, manang katutubo ng ating mga kaluluwa, ay magkaroon man lamang tayong kaunting tapang sa pagkitil ng sariling buhay. Ibuhos natin ang ating dugo,lamurayin natin ang ating laman, iwalat natin ang ating mga buto, huwag na lamang kumalat- kalat sa lansangan ang mabusilak na dangal ng liping Tagalog, huwag na lamang tayo ring ito ang maglublog sa putik ng lagim, ng kagalang-galang na mukhang tumatangis ng ating kahabag-habag na Inangbayan.
(Sandaling palipas) Bayang Tagalog, si Asalhayop ay nagtaksil. Sunugin siyang buhay.
Koro : Patawad!
Tagailog : Bayang Tagalog, kung malaki ang pagmamahal mo kay Asalhayop, ako naman ay lalo pa, ngunit lalo pang malaki ang pagmamahal ko sa ating Inangbayan. Inilako ni Asalhayop si Inangbayan kay Haringbata, kaya dapat siyang mamatay, sapagkat dapat na lipulin ang lahat ng halamang lasong tumubo at umusbong sa lupang Tagalog.
(Sandaling palipas)
Sunugin sya ng Buhay.
Koro : Patawad!
Tagailog : Bayang Tagalog, bayang pinakamamahal kong lubha, wala sino pa mang makasasalag sa madaling hampas niyaring hatol. Ibig ko pang akoy mamatay, huwag na lamang ipahutok ang katuwiran. Kaya nga, sinumang may nais na humingi ng patawad na naitong suwail, ay patayin na muna ako, saksakin na muna yaring dibdib. Alin sa dalawa: mabuhay ang kataksilan at ako ang mamatay ang kataksilan
(Sandaling palipas)
Sunugin siyang buhay.
Koro : Patawad!
Koro : Oh! Bayang Tagalog! Bayan ng marangal nan liping Tagalog, huwag mong ihingi ng patawad ang nagtaksil sa dakilang dangal ng ating mga kasulatan.
(Bubunutin ang kanyang sundang.)
At yayamang ayaw ako ilugso ng mga nagtatanggol sa kanya, ako ang maglulugso sa mga sasagot sasanla sa aking matatag na hatol. Iwawalat ko ang dibdib ng balang kumibo, hahalukayin ko ang puso ng balang magsigaw ng wikang Patawad.
(Itataas ang kanyang sundang. Mapapaurong ang lahat.)
Tagailog : Hukbong Tagalog, lahi ng katapangan, mga anak sa digma, tulinan ninyo.
Napaparam ang ulap ng sakim, sumisilay ang araw ng kalayaan: (Tuloy pasok)
LABAS 9
(Masunurin, Korong Babae)
Masunurin : Laban kayo, mga kawal, at bawiin itong bayan.
1.a : Sandali pay ating tunay na tagumpay.
Koro : Ang tagumpay.
Masunurin : Nagkaabot ang hukbo at nagkahalubilo.
2.a : Laban kayo, laban kayo, ang kalabay
Koro : Tumatakbo.
Masunurin : Hayot abuluyan ang mga sugatan.
Koro : Abuluyan.
LABAS 10
(Maglalabasan ang mga kawal na Intsik, karamihay sugatan at nagabubuwal.)
(Sila rin, Haringbata, Inangbayan, mamamayay si Tagailog. Kaladkad ni Haringbata si Inangbayan.)
Haringbata : Papatayin kita.
Koro : Si Inangbayan.
(Lalabas si Tagailog)
Tagailog : Haringbata!
(Sabay saksak. Mabubuwal si Haringbata.)
Haringbata : Mamamatay ako!
Koro : Patay si Haringbata!
LABAS 12
(Sila rin, kawal na Tagalog)
Tagailog : Ating-ating ang tagumpay. Atin ang ating katuwiran.
Inangbayan : Mabuhay si Tagailog.
Koro : Mabuhay!
Tagailog : Mabuhay si Inangbayan!
Koro : Mabuhay!
Inangbayan : Mabuhay ang ating kawal!
Koro : Mabuhay!
Tagailog : Mabuhay ang ating lipi sa lilim ng kalayaan!
Koro : Mabuhay!
Inangbayan : (Tatanaw sa kanan.) Sino ang mga dumarating?
Tagailog : Sino kaya?
Koro : Sino kaya?
(Tutugtugin ang Marcha Red Espaola at lalabas si Dilat-na-bulag at Matanglawin.)
LABAS 13
(Sila rin, Dilat-na- bulag,Matanglawin.)
Inangbayan : Sino kayo?
Dilat-na-bulag: Akoy si Dilat-na-bulag.
Matanglawin : Akoy si Matanglawin.
Tagailog : Kalaban ba kayo?
Dilat-na-bulag: Kami ay kaibigan.
Inangbayan : Ano ang inyong nais?
Matanglawin : Ang kayoy iligtas sa pagkapanganyaya
Tagailog : May sakuna baga?
Dilat-na-bulag: Mayroon.
Matanglawin : Tanawin ninyo sa dakong kanan ang tila wari nagdidilim na langgam na paparito, at yaoy mga kawal na babaka sa inyong bayan.
Inangbayan : At sino nga sila?
Dilat-na-bulag: Mga kapatid din ninyo.
Tagailog : (Sumpa ng langit!)
Koro : Sumpa ng langit!
Matanglawin : Tanawin naman ninyo sa dakong kaliwa ang lalo pang makapal. Babakahin kayo.
Inangbayan : At sino naman ang mga iyon?
Dilat-na-bulag: Inyo ring mga kapatid.
Tagailog : Sumpa ni Bathala!
Koro : Sumpa ni Bathala!
Matanglawin : Tanawin ninyo sa dakong yaon ang maraming kawal na mapuputi. Yaon ay aming hukbo. Tanawin ninyo sa dagat ang mga sasakyang pambaka. Ang lahat na iyan ay amin. At kung kayo ay kakapatid sa amin, ang aming ari, ang aming hukbo, ang aming mga sasakyan at ang aming mga puso at kaluluwa, ay inyo ring lahat. Ipagtatanggol namin kayo sa lahat ng ligalig at pagkapaalipin.
Inangbayan : Tapat baga ang inyong pakikipagkapatid sa amin?
Dilat-na-bulag: Tapat.
Tagailog : Hindi ninyo bibigyang ligalig ang kalayaan ng aming mga anak?
Matanglawin : Tatalaan ko ito. (Tatala rin sa isang pergamino.) Ayan.
Inangbayan : Ngayon, ang sumpaan.
Dilat-na-bulag: Ang sumpaan.
Lahat : Ang sumpaan.
(Isasaksak si Tagailog at Matanglawin ang kani-kanilang sundang sa bisig sa kaliwa, sasahurin sa isang sarong ginto ni Ina ang dugo ni Tagailog at si Dilat-na-bulag naman ang kay Matanglawin.)
Dilat-na-bulag: (Kay Tagailog) Inumin mo ito.
Inangbayan : (Kay Matanglawin) Inumin mo ito.
(Tatanggapin nila Tagailog at Matanglawin ang mga sarong ginto.)
Tagailog : Sa sarong gintong iyong tangan ay nalalamang totoo ang dalisay na dugo ko dugong tunay ng bayan ko.
Matanglawin : Sa sarong gintong iyong tangan ay tunay na nalalaman yaring duro kong dalisay na dugo ng aking bayan.
Lahat : Inumin ninyo.
Dilat-na-bulag: (Hahawakan ang kamay ni Ina.)
Ang kamay kong iyong tangan
ay kamay ng aking bayan,
kung di mo pagsisiluhan,
ang ditoy pinagsumpaan,
kamay na itoy mag-aalay
sa iyo ng biyayang tunay.
Ngunit kung lalapastangan,
kamay na ito ay tatangan
ng sundang na kamandagan,
ang puso moy tatarakan.
Inangbayan : Sa dibdib koy masisilip
ang dalisay kong pag-ibig,
ang kaluluwa kong malinis,
ang mga banal kong nais
na sa atin ay bibigkis,
ang puso tay nang magkatalik.
Ngunit kung magbabalawis
sa ating pagkakapatid,
pag-ibig koy magngingitngit
at sa iyoy siyang tutugis.
Koro : Kami naman ay gayon din.
Tagailog : Ang magtapat ay mabuhay.
Koro : Mabuhay.
Matanglawin : Ang magtaksil ay mamatay.
Koro : Mamatay.
Inangbayan : Ang dugong iyay maging lunas sa puso ng kung sinumang magtatapat. Datapwat kung magsusukab sa buhay niyay maging lason at kamandag.
Lahat : Inumin!
(Iinumin ni Tagailog at Matanglawin ang dugo. Mahuhulog na bigla ang tabing.) Buod Kahapon Ngayon At Bukas
ni Aurelio Tolentino
Kalayaan : ama ni Walangtutol.
Inangbayan : ang sumimbolo sa bayang Pilipinas.
Dilat na bulag : ang sumimbolo sa espanya.
Bagong Sibol : ang sumimbolo sa amerika.
Masunurin : ang babaeng pilipina.
Tagailog : bidang tauhan, na kumakatawan sa Pilipinong rebolusyonaryo. (rebeldeng tauhan)
Matanglawin : ang gobyerno ng Espanya.
Malaynatin : ang gobyenor Ng Amerika.
Asalhayop : ang mapaglilong tagalog.
HaringBata : ang haring Intsik.
Walangtutol : ang Pilipinong pasibo, at anak ni Inang Bayan.
Halimaw : ang Kastilang pari.
Ang kahapon ngayon at bukas ay nag-papakita di pagsang-ayon ng pagpapalawak ng kapangyrihan na pinamumunuan ng isang bansa sa loob at labas ng kanyang teritoryo at
Naka-pokus ang tagumpay ni InangBayan laban sa mga nangliliit sa kanya. Kasma na dito si Asalhayop na nakipag-sabwatan kay Haringbata upang ipagbigay alam na Sila Tagailog ay maybalak babakahin si Haringbata. Ngunit ng siya ay pawing paalis na ay napigilan siya ni Inangbayan at sinabing dakpin siya dahil ipinagbili ni Asalhayop ang kanilang kalayaan. Sa kanilang narinig ay hinatulan nila si Asalhayop ng kamatayan at nagpatuloy na sumalakay kay Haringbata. Nang sila'y magsilusob ay mutikang mapatay ni haring bata si inag bayan kundi dumating si tagailog at sinaksak siya; nabuwal at namatay si haringbata. Nang namatay si haringbata ay may dumating sina Dilat na bulag at matanglawin na nangnanais na silay iligtas sapgkat mayroong sakuna; di lumaon sila'y na papayag at nag-sumpaan gamit ang kanilang dugo at sabay nila itong ininom. Teoeyang klasismo _ Dahil ito'y tumatalakay sa mataas na uri ng tao. Sinasabing ang mataas na uri ay yaong yumayaman at nakapag-aral at itinuturing ring makapangyarihan . Mensahe Kahapon ,nagyon at bukas ay humahango sa kasaysayan ng pilipinas.Naipapakita dito ang kahalagahan ng pakamit ng kalayaan.Naipapakita rin dito ang mga pilipinong nagtaksil at handang labanan ang kapwa pilipino dahil sa salapi. pero para sa akin hindi ko ipagpapalit ang aking kalayaan dahil sa salapi.mas mahalaga ang kalayaan kaysa sa salapi.oo nga may salapi ka pero di ka naman malaya sunud sunuran ka at kinokontrol ng pera.Pero tandaan natin na ang kalayaan ay pinapahalagahan at hindi inaabuso.
Kahapon, Ngayon, at Bukas Binasa kong muli ang Kahapon, Ngayon, at Bukas (Larawan ng Bayan) na mahabang tulang pasalaysay ni Aurelio Tolentino noong nakaraang linggo. Nalathala ang munting aklat noong Setyembre 1913, at mula sa Limbagang Tolentino na may tanggapang nasa San Nicolas, Maynila. Ang totooy nakasaad sa dahong pambungad na novelang Tagalog ang akda, ngunit nakasaad naman sa ilalim na Tula ni Aurelio Tolentino. Mahihinuha rito na wala pang malinaw na pagtatangi kung ano ang nobela at ang tula sa panitikang Tagalog, dahil ang mismong nobela o maikling kuwento ay maituturing na bagong uri ng panitikang nagsisimula pa lamang mamukadkad sa panig ng Tagalog noong bungad ng siglo 20. May 84 pahina ang akda ni Tolentino, at malayo sa bersiyon ng dulang naging sanhi upang ibilanggo siya ng rehimeng Amerikanong takot sa paghihimagsik ng mga Filipino. Pito ang kabanata ng tula, at kabilang dito ang Talimhagang Paalam, Ang Libingan ni Lakhang Bayan, Watawat ng Kalayaan, Ang Mag-inang Bihag, Pangakong Mahigpit, Maligayang Kababalaghan, at Natupad ang Tipan. May pambungad namang Patungkol na alay ng awtor sa kaniyang bayang pinakaiibig. Apat lamang ang pangunahing tauhan sa tula: una, si Raha Lakhang Bayan; ikalawa, si Samuel, ang banyagang kaibigang naging kaaway ni Lakhang Bayan; ikatlo, siKalayaan, na esposa ni Lakhang Bayan; at si Mithi, na anak nina Lakhang Bayan at Kalayaan. Payak lamang ang daloy ng kuwento. Bago pa man dumating ang mga banyagang mananakop ay pinaghaharian ang kapuluan ni Raha Lakhang Bayan. Ang nasabing raha ay inilarawang matapang, matalino, bantog, mayaman, dakila, at tagalog na wagas. Payapa niyang napamahalaan ang bayan, at naging katuwang sina Kalayaan at Mithi. Samantala, ang kaniyang kaibigang si Samuel (na sagisag sa Estados Unidos) na mula pa sa ibayong dagat ay inilarawang pantas at mayaman, lahing puti, at napadako umano sa kapuluan upang tulungan si Raha Lakhang Bayan na patumbahin ang kaaway na walang kasing-lupit (na mahihiwatigang sumasagisag sa Espanya). Matapos daluhan si Raha Lakhang Bayan ay lalabis ang pagnanasa ni Samuel na palawakin ang lupaing sakop o tirahan nito. Sasalakayin ni Samuel ang kuta ni Lakhang Bayan, at pataksil na papatayin ito bago itapon sa bangin. Susunugin ng hukbo ni Samuel ang saklaw ng Lakhang Bayan, at mapipilitang lumikas tungo sa gubat at parang ang mag-inang Kalayaan at Mithi. Ngunit hindi magtatagal ay mabibihag ni Samuel ang mag-ina. Bibihisan ng banyagang damit ang mag-ina, at pipilitin silang mamuhay gaya ng nakagisnan ni Samuel. Magpapasok din ng pagbabago si Samuel mulang impraestruktura hanggang edukasyon hanggang ekonomiya, ngunit ang lahat ng iyon ay mula pa rin sa yaman ng Lakhang Bayan at hindi mula sa bulsa ni Samuel. Magpapataw ng malaking buwis si Samuel sa kaniyang sakop, na lalong magpapahirap sa mga mamamayan. Isang gabi, nanalangin si Samuel sa Maykapal kung tapos na ang kaniyang tungkulin para sa bayang sinasakop niya. Sinagot siya ng kalikasan, at makaraang kumulog at kumidlat, bumangon sa libingan si Raha Lakhang Bayan. Magkakabati ang dalawa, at ibibigay naman ni Samuel ang kalayaan sa bayan ng naturang raha. Hitik sa alusyon ang naturang tula, ngunit kung may pagkakahawig man ang mga iyon sa kasaysayan ay lubhang napabawa na ng awtor. Ang mapagkandiling asimilasyon na isinulong ng Estados Unidos sa Filipinas ay halatang pinatatamaan sa tula, ngunit ang pagwawakas ng Amerikanisasyon matapos igawad ang kalayaan sa Filipinas ay hindi ganap na matutuldukan. Manapay lalong lalakas ang puwersa ng Estados Unidos sa Filipinas, mulang edukasyon hanggang sandatahang lakas, at mulang kultura hanggang negosyo at moda. Iigting din ang kutsabahan ng mga maykayang pamilya at ng rehimeng Amerikano, at ito ang lilitaw mulang agrikultura at industriya hanggang politika at kalakarang ipinakilala ng Amerika sa Filipinas. Marahil may kaugnayan dito ang panggigipit ng estado sa gaya ni Tolentino na ipinakulong saka binugbog at pinahirapan ng mga Amerikano sa loob ng bilibid noong 1903. Pinaratangan si Tolentino na naghahasik ng sedisyon dahil sa pagtatanghal ng dulang Kahapon, Ngayon, at Bukas sa Teatro Libertad, Santa Cruz, Maynila. Itinampok sa dula ang pananakop ng mga banyaga sa Filipinas, at nagbabanta na armadong pag-aaklas ang taumbayan nang makamit ang kalayaan. Nakalaya lamang si Tolentino nang patawarin siya ni William Cameron Forbesmatapos ang siyam na taon sa bilangguan. Napakapayak ang tumbasan ng mga sagisag sa tula ni Tolentino, at ang resureksiyon ni Raha Lakhang Bayan ay itinadhana ng Maykapalimbes na mula sa lakas ng taumbayanat nabahiran ng biblikong pahiwatig. Pambihira rin ang resureksiyon, dahil ihuhudyat iyon ng pagdating ng ibon at hayop na pawang ilahs, habang yumayanig ang lupa at animoy sasabog ang bulkan. Kung bakit nagkaisa ang naturang mga ibon at hayop at salubungin ang resureksiyon ni Raha Lakhang Bayan ay dapat pag-aralan pang maigi. Kung ang nasabing tagpo ay alusyon sa panibagong himagsikan, nakahihindik ang tagpo dahil nagbabalikwas ang likas na kaligiran sa rehimen ni Samuel at si Samuel sampu ng kaniyang hukbo ay nanganganib na lurayin ng naturang mga ibon at hayop. Sa kabila ng lahat, ang anumang kahinaan ng Kahapon, Ngayon, at Bukas ay wala sa nilalaman, bagkus sa mga salik na hindi naipaloob dito. Ang nasabing akda ay tila munting introduksiyon lamang sa kasaysayan, ngunit kaululan kung iisipin ang gayon dahil may sariling lunan ang nasabing tula na bukod sa kasaysayan. Dumudukal nang malalim ang tula sa tradisyon ng awit at korido, gayunman ay lumalampas pa rin doon dahil ang paksa ng tula ay malayo sa mga pakikipagsapalaran ng hari o prinsipe, bagkus ng isang bayang naghahanap ng kalayaan matapos sakupin ng dayo. Ang unang kabanata ng tula, na pinamagatang Talimhagang Paalam, ang pinakamagandang seksiyon kompara sa iba. Pambihira ang palitan ng opinyon nina Raha Lakhang Bayan at Samuel, at sinematiko ang pagwawakas nang ihagis ni Samuel sa bangin si Raha Lakhang Bayan. Maalam din si Tolentino sa mga alusyong buhat kina Flavius Vegetius Renatus, Aristotle, Sun Tzu, Herbert Spencer, Sigmund Freud, Robert Burton, at iba pa na pawang isinalin niya sa bibig ni Samuel na kausap noon si Raha Lakhang Bayan. Halimbawa na rito ang sumusunod: Ang ibig mamuhay sa katahimikan ay dapat gumayak sa mga labann, ang nagkailangan ng saganang buhay ay dapat humarap sa mga patayan. Na tila hango sa winika ni Vegetius na Qui desiderat pacem, praeparet bellum (He who desires peace must prepare for war) o kayay ni Aristotle na Nakikidigma tayo upang makapamuhay sa kapayapaan (We make war that we may live in peace). Taliwas naman iyon sa mga konsepto ng Katipunan nina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto, at lilitaw sa mga terminong gaya ng katwiran, bait, dangal, at pag-ibig na pawang mamumutawi sa mga labi nina Raha Lakhang Bayan, Kalayaan, at Mithi. Ang maganda sa tulay waring sinadyang gawing simple ang taludturan, gaya ng sa awit ni Francisco Balagtas, at iniayon sa madlang mambabasang naghahanap ng bagong panitikang makapagbubukas ng kani-kanilang isip. Hindi pa tapos ang larawan ng bayang iginuhit ni Tolentino sa pamamagitan ng tula. Ang Bkas sa tula ni Tolentino ay patuloy na nagaganap ngayon, at ito ay hindi lamang sasaklaw sa kalayaan at kasarinlan, bagkus maging sa katarungan at kaunlaran. Kinakailangang suriin din muli ang Kahapon dahil masalimuot ang pag-aaral ng kasaysayang alinsunod sa pananaw ng mga Filipino. Marahil, nasa kamay na ng bagong henerasyon ng mga Filipino kung ano ang naaangkop na larawan ng bayan na kanilang iguguhit sa pag-iral sa kasalukuyan, alinsunod sa kanilang karanasan, at sa nabubuong agos ng kasaysayan. (Roberto T. Aonuevo)
Teoryang Klasismo Dahil ito'y tumatalakay sa mataas na uri ng tao. Sinasabing ang mataas na uri ay yaong yumayaman at nakapag-aral at itinuturing ring makapangyarihan .
Tauhan at churva Kalayaan : ama ni Walangtutol.
Inangbayan : ang sumimbolo sa bayang Pilipinas.
Dilat na bulag : ang sumimbolo sa espanya.
Bagong Sibol : ang sumimbolo sa amerika.
Masunurin : ang babaeng pilipina.
Tagailog : bidang tauhan, na kumakatawan sa Pilipinong rebolusyonaryo. (rebeldeng tauhan)
Matanglawin : ang gobyerno ng Espanya.
Malaynatin : ang gobyenor Ng Amerika.
Asalhayop : ang mapaglilong tagalog.
HaringBata : ang haring Intsik.
Walangtutol : ang Pilipinong pasibo, at anak ni Inang Bayan.
Halimaw : ang Kastilang pari.
Ang kahapon ngayon at bukas ay nag- papakita di pagsang-ayon ng pagpapalawak ng kapangyrihan na pinamumunuan ng isang bansa sa loob at labas ng kanyang teritoryo at Naka-pokus ang tagumpay ni InangBayan laban sa mga nangliliit sa kanya. Kasma na dito si Asalhayop na nakipag-sabwatan kay Haringbata upang ipagbigay alam na Sila Tagailog ay maybalak babakahin si Haringbata. Ngunit ng siya ay pawing paalis na ay napigilan siya ni Inangbayan at sinabing dakpin siya dahil ipinagbili ni Asalhayop ang kanilang kalayaan. Sa kanilang narinig ay hinatulan nila si Asalhayop ng kamatayan at nagpatuloy na sumalakay kay Haringbata. Nang sila'y magsilusob ay mutikang mapatay ni haring bata si inag bayan kundi dumating si tagailog at sinaksak siya; nabuwal at namatay si haringbata. Nang namatay si haringbata ay may dumating sina Dilat na bulag at matanglawin na nangnanais na silay iligtas sapgkat mayroong sakuna; di lumaon sila'y na papayag at nag-sumpaan gamit ang kanilang dugo at sabay nila itong ininom.
PANGKALAHATANG BUOD:
Inilugar ang nobela noong papaupos na ang kolonyalismong Espanyol sa bansa. Inilahad dito kung paano nagpasiya si Modesto Magsikap na kamtin ang sariling hustisya at ang mabigat nitong resulta. Sinaksak at napatay ni Modesto si Sarhento Cruz, ang maangas na manliligaw ni Elisea Liwayway. Tumakas si Modesto ngunit nahuli at ikinulong. Di nagtagal, isang pangkat ng bandido ang pumasok sa bayan at pinalaya ang lahat ng bilanggo. Nagbalik si Modesto sa kaniyang bayan at nabatid na namatay na ang kaniyang ama. Noong burol, napatay ni Modesto si Tenyente Rosca, ang isa pang manliligaw ni Elisea. Ikinulong ang dalawa niyang kapatid habang tumindi ang paghahanap kay Modesto. Sa paniniwalang hindi niya makakamit ang hustisya sa Filipinas na pinamumunuan ng mga Kastilang administrador at frayle, tumulak pa-Amerika si Modesto. Sa kaniyang mga liham kay Elisea, ikinuwento niya ang magagandang pagkakataong makikita sa bansang iyon. Makalipas ang limang taon, nagbalik si Modesto at nakumbinsi na mapagkandili ang pananakop ng Amerika.