You are on page 1of 7

“LAGIM NG BAKUNA”

Tagapagsalaysay: Alas nwebe na ng gabi at rinig parin ang ingay ng isang pamilyang
magkasamang naka-upo sa hapag kainan habang nanonood ng telebisyon. Ang gabing
pinalibutan ng kanilang halakhak, malakas na palitan ng mga salita, at nababakas rito ang
masayang pagsasama.
Reporter: MGA HINDI NAKAPAGPABAKUNA, HINDI PAPAPASUKIN SA LOOB NG
MALL. Mahigpit ng ipinatupad sa iba’t ibang mall na bawal nang pumasok ang mga hindi
nakapagpabakuna umpisa ngayong enero 10, taong kasalukuyan.
Milagros: Wow ha… edi wag! (Pagtataray)
Aling Milay: Anak. Ikaw anong plano mo?
Milagros: Wala nay.
Aling Milay: Ha? Bagong taon na nak at tsaka dalawampung taong gulang kana. Magpabakuna
ka na!
Rosalie: Takot kasi yan sa karayom nay. Duwag! Duwag! Duwag Milagros!
Milagros: Pakialam mo ba? Hindi ka nga marunong maglaba ng panty mo!
Regine: Whahahahah…
Rosalie: Hahahaha eh ano naman atleast bakunado. Si nanay na ang bahala sa panty ko
hahahaha...
Aling Milay: Hay nako ang kukulit. Milagros sinasabi ko na sayo na magpabakuna kana at wag
mo nang hintayin na hindi kana pwedeng makalabas ng bahay dahil sa kaduwagan mong yan.
Milagros: Takot nga po ako!
Regine: Sobra-sobra naman yang takot mo milag parang ikamamatay mo ang pagpapabakuna
ha.
Milagros: Mamamatay talaga ako! At tsaka ayoko ko maging zombie no.
(Sabay na nagtawanan ang lahat)
Milagros: Anong nakakatawa? Totoo naman ah! Palibhasa hindi kayo nanonood ng tiktok. May
nakita kaya ako don na magiging zombie sa susunod ang lahat ng magpapabakuna.
Rosalie: Duwag na nga… bobo pa!
Milagros: Talino mo naman ikaw nga tong tres ang grade sa modern math.
Roselie: Biro lang milag. Ikaw ang seryoso mo talaga hahahaha… (Sabay alis pabalik ng sariling
kwarto).
Aling Milay: Oh? Kayong dalawa anong tinutunganga nyo’t hugasan nyo na ang mga plato at
magpahinga na.
Regine at Milagros: Ok inay…
Regine: Duwag ka dw hahahaha… (Pabulong na biro kay Milagros)
Milagros: Putot!
(Sabay na nagtawanan ang dalawa)
Kinabukasan…
Milagros: Tulong! Tuloooonnnngggg!!! Ayoko ko pang mamatay, tulong!!!
Aling Milay: Milagros! gising… gising anak… gising. (Tinatapik-tapik ang balikat ni Milagros)
Milagros: Inaaayyy… tulong…
Rosalie: Anong nangyayari ba’t ang ingay?
Aling Milay: Si Milagros sumisigaw at humihingi ng tulong. Ano namang tulong iyan nak?
Milagros: Andami pong zombie nay! Hinahabol po nila ako! Pagod na nga ako sa pagtakbo…
(Umiyak dahil sa takot na nadarama)
Aling Milay: Hay milag… panaginip lang iyan at malabong mangyari. Nanalangin ka ba kagabi
bago matulog?
Milagros: Wala po. Nakalimutan ko.
Aling Milay: Yan ang sinasabe ko sa inyo na manalangin palagi para maiwasan ang panaginip
na hindi maganda. Sa susunod wag kalimutan ha. (Sabay yakap kay Milagros)
Milagros: Opo inay.
Rosalie: Akala ko kung ano… Makabalik nga sa pagtulog.
Aling Milay: Pssstt… oy anong makabalik? Gisingin mo na si regine at may pupuntahan tayo.
Rosalie: At saan naman po ito?
Aling Milay: Sa mall.
Rosalie: Mall?
Aling Milay: Oo nga. Bingi?
Rosalie: Hahahaha sa mall? Babye milag!
Milagros: So what! Hindi naman talaga ako susunod dahil may exam ako mamaya. Bleeehhh!
Rosalie: Duwag kase! Hahahaha…
Makalipas ang tatlumpu’t limang oras…
Aling Milay: Rosalie? Regine? Baba na kayo’t aalis na tayo.
Rosalie: Opo nay. (Sigaw nito) Regine parang pagong oh! Bilisan mo naman.
Regine: Wait!
Rosalie: Ano nanaman!
Regine: Natatae ako hahahaha sabihin mo sa inay 5 minutes.
(Tunog ng isinaradong pinto ng palikuran.)
Rosalie: Takte naman Regine! 5 minutes daw nay! (Pasigaw nito)
Aling Milay: Nako! Milag isarado mo ang bahay kung aalis kami at tsaka pakainin mo yung
mga pusa at aso, labhan mo na rin yung kaunting linabhan na binabad ko sa balde.
Milagros: Dami naman… (Mahinang sambit nito)
Aling Milay: Reklamo ka nanaman. Kunin mo nalang yung isang daan sa ibabaw ng higaan ko’t
ibili mo ng iyong tanghalian.
Regine: (Hinihingal ng bahagya) Saan tayo kakain nay? Sa Jollibee pwede po ba?
Aling Milay: Oh siya. Sige… sige…
Regine: Yehey!
Rosalie: Paano naman si milag? Tuna lang sapat na? hahahaha
Regine: hahahaha woy tama na.
Milagros: Bruha may 100 ako dito at bibili ako ng adobong manok sa karinderya. Pweee!
Rosalie: So? Maiinggit na ba ko? Hahahaha
Aling Milay: Labas na nga kayo Rosalie. Wala ng masasakyan maya-maya. Milag mag-ingat ka
nalang rito at baka mahapunan kami.
Milagros: Ok nay. Babush…
Tagapagsalaysay: Sa pag-iisa ni Milagros, itinuon niya na lamang ang mga oras sa pagsagot ng
kaniyang mga modules pagkatapos gawin ang mga inutos sa kaniya.
Kriiinnnggg………. Kriiinnnggg…….
Anastacia: Bes? Milag? Sagot!
Milagros: Oh ano! Nagmamadali yarn?
Anastacia: Pabakuna tayo bukas oh. Dali na!
Milagros: Pabakuna ka mag-isa!
Anastacia: Ay suplada! Bahala ka hindi ka makakapunta sa reunion natin sa highschool kung
hindi ka nakapagpabakuna.
Milagras: Weeehhh??? Kailan ba yan?
Anastacia: Next month.
Milagros: Ok.
Anastacia: Anong ok?
Milagros: Ayoko ko nga sa bakuna! Natatakot ako jusko.
Anastacia: Hahahaha potek naman milag para kang bata. Hindi mo makikita crush mo pag d ka
nakapunta. Kawawa ka naman.
Milagros: Akala ko ba nasa states siya?
Anastacia: Uuwi daw siya next week.
Milagros: Pag-iisipan ko.
Anastacia: Hahahaha nag-iisip kapa pala? Oh sige… isip well. Bye milag, mwua!
Tanghali ng kinabukasan….
Aling Milay: Milag? Anak? Tumawag nga pala sa akin si Anastacia. Sabi niya pabakuna dw
kayo bukas at susunduin ka niya rito alas otso ng umaga.
Milagros: Ano! So siya na ang magdedesisyon?
Aling Milay: Ako ang magdedesisyon at bukas sasama ka sa kaniya!
Milagros: Nge! Seryoso ba nay? Ayoko nga d ba?
Aling Milay: D kita mautusan na mang grocery sa supermarket dahil sa hindi ka
nagpapabakuna. Kaya’t bukas ng umaga mag-ayos ka’t sasamahan ko kayo ng kaibigan mo.
Wag kang aangal kundi hindi kita bibigyan ng allowance buong buwan!
Tagapagsalaysay: Wala ng magawa si Milagros kundi ang tumahimik at mag-isip kung
kakayanin niya ba ito. Sumagi rin sa kaniya ang pagkikita nila ng kaniyang crush sa pebrero
kung sakaling makapupunta siya sa nasabing reunion. Nagbubutong hininga na lamang siya
habang isinet ang alarma, alas syete ng umaga.
Aling Milay: Milag? Gising na kanina pa tumutunog yung alarma mo.
Milagros: Ay sorry po. Sige nay mag-aayos lang ako.
Makalipas ang tatlumpung minuto…
Anastacia: Tita? Tao po… tao po…
Regine: Ate tacia? Pasok po kayo.
Anastacia: Milag! Andito nako! (Pasigaw nitong bungad papasok ng bahay)
Milagros: Eh ano naman? Kikiligin na ba ako?
Aling Milay: Magandang Umaga tacia. Sandali lang pala nakalimutan kong pakainin yung isang
aso.
Anastacia: Sige po tita. Oh! Milag? Handa kana ba? Hahahaha
Milagros: Oo, handang mamatay!
Anastacia: Makasama lang si crush?
Milagros: Loko! Pag ako naging zombie ikaw una kong kakainin.
Anastacia: Hahahaha siguradong masasarapan ka. Ang sarap ko kaya!
Milagros: Sino nagsabe? Sugar Daddy mo??? Hahahaha
Anastacia: LOL!
Aling Milay: Oh! Tara na’t baka humaba ng masyado ang pila roon.
Anastacia: Ok tita. Let’s go milag, my friend! Hahahaha
Sa sentro ng pagbabakuna…
Anastacia: Hindi naman masakit… Hoy! Ikaw na milag.
Doktor: Next please.
Milagros: Uuwi nako nay! Ayoko ko… huhuhuhu…
Aling Milay: Milag! Andito na tayo tumahimik ka’t nakakahiya. Punta kana don.
Milagros: (Tuluyan ng napaiyak) Nanay…. Ayoko ko po natatakot ako… please uwi na tayo…
Anastacia: Pasensya po… hehehe takot lang yan maging zombie hahahaha…
Milagros: Please wag po… ayoko ko na uuwi nalang ako.
(Lumapit ang doktora)
Doktora: Iha? Marami pang pumipila. Hali kana’t mabilis lamang ito.
Milagros: Ayoko ko po doktora. Natatakot ako sa karayom…
Doktora: Parang kagat lang ito ng langgam…
Milagros: Ilang langgam po??? Huhuhuhu…
Anastacia: Sorry doc hahahaha ganyan po talaga yan…
Milagros: Ayoko pong maging zombie!
(Nagtawanan ang lahat ng nakarinig)
Aling Milay: Milag! Tahimik! Kanina ka pa ha! (Pabulong na sambit nito)
Doktora: Nako. Iha hindi yan mangyayari.
Milagros: Totoo naman po at napanood ko ito sa tiktok.
Doktora: Huwag kang maniwala sa mga nakikita mo sa social media iha. Pagkatiwalaan mo
kami’t sigurado tayong lalakas ang immune system mo laban sa anumang sakit. (Sabay himas ng
buhok ni Milagros)
Milagros: Sige po doktora huhuhuhu… pero dahan-dahan lang please… masakit yan eh!
Tagapagsalaysay: Ipinikit nito ang kaniyang mga mata habang naka upo sa ibinigay na upuan,
itinaas ang damit sa bandang balikat at huminga ng malalim.
Doktora: Dilat na iha.
Milagros: Tapos na?
Anastacia: Oo prend! Nakakatawa yung ekspresyon mo milag. Para kang sumasakay sa bus
habang nakalabas yang ulo mo sa bintana hahahaha….
Doktora: Hahahaha sige tingnan mo nalang rito ang petsa ng second dose mo iha. Mag-ingat
kayo.
Aling Milay: Salamat doc.
Milagros: Crush malapit na kitang makita muli… (Kinikilig)
Anastacia: Si Milag nga pala. Milag lang Duwag!
Milagros: Hoy wag mo yang sasabihin sa kaniya!
Anastacia: Hahahaha milag lang duwag.
Milagros: Hahahaha atleast eto oh tapos na sa una…
(Sabay na nagtawanan ang dalawa)

You might also like