You are on page 1of 16

KATARUNGAN

PANLIPUNAN
KATARUNGAN-pagbibigay sa
kapuwa ng nararapat sa kanya.
-Ayon kay Dr. Manuel Dy, Jr.
ang katarungan ay isang
pagbibigay at hindi isang
pagtanggap.
Bakit kailangan maging makatarungan sa
iyong kapuwa?

Ito ay hindi lamang ikaw ay tao kundi dahil


ikaw rin ay namumuhay sa lipunan ng mga
tao. Ang pagiging makatarungan ay
minimum na pagpapakita mo ng
pagmamahal mo bilang tao na namumuhay
kasama ang iba.
Ayon kay Santo Tomas De Aquino, ang
katarungan ay isang gawi na gumagamit
ng kilos-loob sa pagbibigay ng
nararapat sa isang indibidwal. Ang kilos-
loob na isang makatuwirang pagkagusto
ay magpapatatag sa iyong pagiging
makatarungan bilang tao. Sa
pamamagitan ng pagiging
makatarungan, sinusunod mo ang likas
na Batas Moral.
MAKATARUNGANG TAO
Ano ang isangmakatarungang tao?
Ayon kay Andre Comte-Sponville(2003),
isa kang makatarungang tao kung
ginagamit mo ang iyong lakas sa
paggalang sa batas at sa Karapatan ng
kapuwa. Isinasaalang-alang mo rin ang
pagiging patas sa lahat ng tao.
PANGUNAHING PRINSIPYO NG
KATARUNGAN
Bilang tao, Karapatan ng bawat isa na
mabuhay at mamuhay ng hindi
hinahadlangan o pinanghihimasukan ng
iba. Kung nilabag ang karapatang ito,
mawawalan ng katarungan.

PAGGALANG SA KARAPATAN NG IBA


NAGSISIMULA SA
PAMILYA ANG
KATARUNGAN
Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng
mga magulang mo sa paghubog ng iyong
pagiging makatarungan. Iminumulat ka nila sa
katotohanan ng Karapatan at tungkulin ka
bilang tao hindi lamang sa pamilya kundi pati
na rin sa lipunan.
Ginagabayan ka nila upang mapahalagahan at
maisabuhay mo sa iyong pang-araw-araw na
ugnayan sa iyong kapuwa ang mga Karapatan
at tungkuling ito.
ANG MORAL NA
KAAYUSAN BILANG
BATAYAN NG LEGAL NA
KAAYUSAN NG
KATARUNGAN
“ ANG BATAS AY PARA
SA TAO AT HINDI ANG
TAO PARA SA BATAS”
KATARUNGAN
PANLIPUNAN
Katarungan – isang mahalagang
pundasyon ng panlipunang pamumuhay.
-pantay-pantay
KATARUNGANG PANLIPUNAN
Ayon kay Dr. Emmanuel Dy, Jr., ang katarungan
panlipunan hindi lamang sa ugnayan ng tao sa
kanyang kapwa kundi sa ugnayan din niya sa
kalipunan.
Kapuwa –personal o interpersonal na ugnayan mo
sa ibang tao.
Kalipunan –ugnayan ng tao sa isang institusyon o
sa isang tao dahil sa kanyang tungkulin sa isang
institusyon.
Ang katarungang panlipunan ay namamahala
sa kaayusan sa ugnayan ng tao sa kanyang
kapuwa at sa ugnayan ng tao sa kalipunan.
Inilalagay nito sa ays ang panlipunang
ugnayan ayon sa kraytirya ng pagsunod ng
batas. Isinaalng-alang din nito ang mga
panlipunan, pampolitikal, at pang-
ekonomiyang aspekto ng tao, problema sa
lipunan at mga maaaring solusyon ng mga ito
tungo sa kabutihang panlahat.
AKROSTIK

Gumawa ng isang akrostik gamit ang isang KATARUNGAN. Punan ng


bawat letra ng mga salitang mayroong kinalaman sa paksang
tinalakay.
K-
A-
T-
A-
R-
U-
N-
G-
A-
N-
END

You might also like