You are on page 1of 2

“ANG LIHIM NA PAGTINGIN”

Arnel H. Hernandez

Ang Lihim na Pagtingin ay isang kwentong isinulat ni Arnel H. Hernandez.


Ang kwentong ito ay tungkol sa magkaibigang sina Marjorie at John. Sila’y lsalukuyang
nasa ikaapat na taon ng kolehiyo. Matagal na silang magkaibigan halos kalahati na ng
kanilang buhay, sila ang magkasama.

Ngunit lahat ay nagbago nang magkaroon ng nobya si John dahil dito unting
unting lumayo si Marjorie dahil nasasaktan siya sapagkat siya’y may pagtingin sa
kaibigan. Hindi na sila nagkita at nag-usap, nalaman niya nalang na wala na ang
kaibigan. Nagsisi siya dahil hindi niya nasabi ang totoo nyang nararamdaman na mahal
niya ito.

Ang kwentong ito’y nagbibigay ng kirot sa puso ng mambabasa, talagang


nagpapahiwatig ng may akda ang emosyon na gusto niyang iparating sa bawat
mambabasa. Tunay na nahuli ng kwento ang puso at damdamin ng nagbabasa nito.
Nagtutugma rin ito sa kasaukuyang panahon. Nalulungkot ako sa sinapit ng tauhan, sana
mas pinahalagahan at sinabi nya sa kaibigan ang kanyang nararamdamn bago nahuli ang
lahat.

Marami na ang tumatakbo sa aking isipan. Sana maaga niya napagtanto ang
kanyang damdamin, sana sila ang nagkatuluyan, sana inalagaan at naprotektahan nya ang
kanyang kaibigan, baka nabago pa ang kahinatnan ng kwento. Sa tingin ko pa nga kung
nabago ang mga tagpung iyon ay maaaring sila pa ang magkakatuluyan.

Tunay nasa huli ang pagsisisi kung maaga lang sana niya napagtanto ang kanyang
pab-ibig sa kaibigan sana sila pa ang magkatuluyan at sana buhay pa si Marjorie.

Siguro ito ang gusting iparating ng may akda na dapat pahalagahan natin ang
taong nagmamahal sa atin bago pa mahuli ang lahat. Gusto nya siguro ipakita na dapat
bigyan ng importansya ang mga tao sa paligid natin. Linikha niya siguro ito para
magbigay aral at bigyang importansya ang tao sa paligid natin.

You might also like