Professional Documents
Culture Documents
Siya si Irene. Isang babaeng may pangarap sa buhay. Mahirap lamang sila kung
kaya't soya ay nagsisikap makapagtapos sa kanyang pag-aaral. Isang hamak na may
bahay lamang ang kanyang ina, si Aling Neneng. Iniwan na sila ng kanyang ama nasa
tiyan pa lamang siya ng kanyang ina. Nakapag-asawa naman ang kanyang ina ng isang
tindero sa palengke Ito ay si Tonyo. Napakabait ni Tonyo siya na ang tumayong ama ni
Irene mula pagkabata. Kanyang itinuring na tunay na anak si Irene. Minahal niya ito at
inalagaan.
Masyado na itong nahihirapan kung kaya't kinausap niya ito. "Nay, huminto muna
kaya ako sa pag-aaral?", kanyang sabi sa ina. "Aba! Hindi iyan pwede anak.
Magpapatuloy ka sa iyong pag-aaral kahit ano pa ang mangyari. Sisikapin kong
itataguyod ang iyong pag-aaral", sagot ng kanyang ina. "Pero inay! Masyado na kayong
nahihirapan. Pwede na naman akong makapagtrabaho kasi nakapag-kolehiyo na ako".
Nagpatuloy sa pag-aaral si Irene. Para hindi masyadong mahirapan ang kanyang ina ay
sinubukan niyang humingi ng tulong sa kanyang tunay na ama. Pinuntahan niya ito sa
kanilang bahay ngunit ang tanging sumalubong sa kanya ay ang madrastang asawa ng
kanyang ama. "Ano ang ginagawa mo dito?", galit na tanong ng asawa ng kanyang
ama. "Hindi ikaw ang sadya ko. Kaya umalis ka dyan", sagot ni Irene. "Ano?
Manghihingi ka ng pera ha? Wala kang makukuhang pera", ang sabi ng kanyang
madrasta. "Si itay ang kailangan ko. Wag kang sabat ng sabat si itay naman ang
nagtatrabaho kaya wala kang karapatang sumbatan ako", palaban na sabi ni Irene. "Ah!
Di ka talaga aalis ah?" Kumuha ng tubig ang madrasta ni Irene at binuhos ito sa kanya.
Di inaasahang dumating ang kanyang ama. Buong akala niya'y kakampihan siya
ng kanyang ama. Ngubit sinigawan pa siya nito, "unuwi kana Irene! Wag ka ng
manggulo pa sa amin. Wag ka ng babalik kahit kailan", pasigaw na sabi ng kanyang
ama sa kanya. Natulala si Irene. Unti-unting tumulo ang kanyang nga luha sa kanyang
mamula-mulang pisngi. Hindi niya lubis maisip na kaya iyong gawin ng kanyang ama.
Umuwi si Irene sa bahay nila ng may puot sa dibdib para sa kanyang ama.
Ang mga pangyayaring iyon ay ginawang inspirasyon ni Irenen para siya ay mas
magsikap sa kanyang pag-aaral. Ang kanyang tagumpay ang siyang magiging ganti
niya sa mga taong nang-api sa kanya. Dumating ang araw na kanyang pinakahihintay.
Ang araw ng kanyang Graduation. Masaya ang kanyang ina sa araw na iyun pati na rin
ang kanyang Tatay Tonyo. Naging Cum Laude siya. Ngayon ay nagre-rebyo na siya
para sa exam niya para sa LET.
Kahit mahirap ang kanilang buhayay kinaya niya parin harapin ito. Kinaya niyang
lagpasan at talunin ang mga pagsubok na dunating. Masasabing mahirap pero kaya.
Basta't wag lamang tayong susuko sa ating mga pangarap sa buhay. Huwag nating
hayaang talunin tayo ng mga pagsubok lamang dahil kahit ano pa man yan kakayanin
natin sa tulong ng ating Mahal na Panginoon at ng ating pamilya.