You are on page 1of 23

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
CAYABU NATIONAL HIGH SHOOL
Tanay, Rizal

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7
IKALAWANG MARKAHAN
ARALIN 2.2
Panitikan: Alamat
Teksto: “Alamat ng Pitong Islang Makasalanan”
Wika: Mga Pahayag sa Paghahambing
Bilang ng Araw: 6 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) F7PN-IIc-d-8


 Naihahayag ang nakitang mensahe ng napakinggang alamat.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) F7PB-IIc-d-8


 Nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng binasang alamat ng
kabisayaan.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) F7PT-IIc-d-8


 Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga salitang paulit ulit na
ginamit sa akda.

PANONOOD (PD) F7PD-IIc-d-8


 Naihahambing ang binasang alamat sa napanood na alamat ayon sa
mga elemento nito.

PAGSASALITA (PS) F7PS-IIc-d-8


 Nanghihikayat na pahalagahan ang aral na nakapaloob sa binasang
alamat.

PAGSULAT (PU) F7PU-IIc-d-8


 Naisusulat ang alamat sa anyong komiks.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) F7WG-IIc-d-8


 Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa paghahambing.

Ikalawang Markahan | 24
TUKLASIN
I. LAYUNIN

. PANONOOD (PD) F7PD-IIc-d-8


 Naihahambing ang binasang alamat sa napanood na alamat ayon sa
mga elemento nito.

II. PAKSA

Panitikan: Pagkilala sa Elemento ng Alamat


Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (SINE TIME)


Magpapanood ang guro ng videoclip ng isang alamat.
ALAMAT NG BUKO
https://www.youtube.com/watch?v=Kv23h22Ns_U

Gabay na Tanong:
a. Isa-isahin ang mga damdaming namayani sa inyo sa panonood ng
alamat.
b. Ano-ano ang mga pangkalahatang mensahe ng nabasang alamat?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang


gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Ano-ano ang mga elemento ng isang alamat?

Ikalawang Markahan| 25
3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (DUGTUNGANG PAGBASA)


Babasahin ng mga mag-aaral ang isang alamat.

ANG PINAGMULAN NG TAGALOG

Ayon sa sali’t-salin sabi, ang pagkakatawag ng TAGALOG sa mga mamamayang


nasa pinakapuso ng GITNANG LUZON, ay likha ng isang pagkakataon lamang. Umano
nang panahon ng mga Kastila, ay may isang nayong nasa may hanggahan ng lalawigang
Bulacan at Nueva Ecija. Ang nayon ay napabantog hindi dahil sa may maliit na batis ito, na
dinadaluyan ng malinaw na tubig; at may matatabang lupaing natatamnan ng maraming
namumungang punungkahoy; kundi dahil sa pagsilang doon ng isang napakagandang
dalaga, na ang pangalan ay Talya.
Dahil sa pambihirang kagandahan ni Talya, ang nayong iyon ay pinagdarayo ng
mga binatang nagbubuhat pa sa iba’t ibang pook at bayan. Sa nayong iyon si Talya lamang
ang may pinakamaraming binata na pawang namimintuho at nakikipagsapalaran sa pag-
ibig ng dalaga.
Bagama’t si Talya ay walang sinumang sinasagutan sa mga binatang nanunuyo sa
kanya, magiliw naman niyang pinakikiharapan ang lahat. Sapagka’t wala siyang malamang
piliin, ay gumawa siya ng paraan upang minsanang matipon sa kanilang tahanan ang mga
binatang iyon at saka niya sinasabi ang ganito. “Sinuman sa inyo ang unang makapagdala
sa aking harap ng isang malaki, malakas at buhay na sawa, ay siya kong iibigin at
pakakasalan. Halos lahat ng kaharap niyang binata ay pawang natigilan at hindi
nakapagsalita. Nguni’t anu-ano ay isang tinig ang bumasag sa katahimikang yaon.
“Ako ang nangangako sa iyo Talya”... – matatag na sagot ng binatang si ILOG, na
kilala nilang lahat sa katapangan. Sa pagkakatigagal ng mga kaharap na binata ay umalis
sa ilog noon din, nagbulung-bulungan ang mga binatang naiwan. Tinitiyak nilang hindi na
makababalik si ilog. May ilang oras na nakararaan ay hindi nga nagbabalik si Ilog.
Nangangamba naman si Talya at ikalulungkot niyang mapahamak ang binatang matapang
at masunurin.
Nguni’t walang anu-ano ay dumating si Ilog, na hawak ang leeg at sa buntot ang
isang malaking sawa. Namangha ang mga binatang dinatnan at pati naman ng mga taong
nagdaraan nang makitang hawak-hawak ni Ilog ang napakalaking sawa.”Talya”! – ang
malakas na sigaw ni Ilog, - narito ang sawang pinahahanap mo. Ano pa ang ibig mong
gawin sa sawang ito upang mapaligaya ka? Tagain mo ang sawang iyan: - ang sigaw ni
Talya. Binitawan ni Ilog ang sawa sa pagkakapigil nito sa buntot; at hinugot sa baywang at
hinugot sa baywang ang matalim na gulok. Tinaga ang dakong buntot na sawa.
Siyang pagdaraan noon ng dalawang kasadores na Kastila. Dahil sa nagkakagulo
ang mga manonood kay Ilog, ang akala ng mga iyon ay may itinatanghal sa nayong iyon.
“Ano bang palabas iyan, at ano bang bayan ito – ang tanong ng dalawang Kastila?,
na napatingin pa kay Talya. Nagkataon naming nakita ni Talya, na ang sawa ay ibig
bumawa ng huling pagtatanggol sa sarili. Nang maputulan ng buntot ay namilipit ito sa binti
ni Ilog, kaya’t sa takot nitong malingkis ang binata napasigaw si Talya: Taga, Ilog!... Taga
Ilog- na ang ibig sabihin ng dalaga ay tagain pa uli ni Ilog ang nasabing malaking sawa. At
kung patay na naman iyon ay handa na siyang pakasal sa matapang na binata.
Ang akala naman ng dalawang Kastila, ay sinagot sila ni Talya sa kanilang
itinatanong; kaya’t isinaulo pa nila ang mga katagang: Tagailog, Tagailog! Hindi na hinintay
ng dalawang Kastila na matapos pa ang akala nila’y palabas sa pook na iyon. Nang
dumating sila sa kabayanan ay isiniwalat ang kanilang nasaksihan, na naganap sa bayan
ng Tagailog, na nang lumaon ay na tinawag na TAGALOG

Ikalawang Markahan | 26
ANALISIS

1. Bahagi na ba ng kulturang Pilipino ang pagbabasa ng mga alamat?


Patunayan.
2. Mayroon bang kultura, paniniwala at kaugalian ng mga Pilipino ang
masasalamin sa mga alamat? Isa-isahin ito.
3. Suriin ang alamat na napanood at nabasa batay sa mga elemento.

ELEMENTO ALAMAT NG BUKO ALAMAT NG


TAGALOG
Tauhan
Tagpuan
Buod
Mensahe

4. Nakatulong ba ang mga elemento sa pagpapalutang ng mga katangian


ng alamat? Paano?
5. Paano ninyo mapapahalagahan ang mga alamat sa ating bansa?

Pagbibigay ng Input ng Guro


D A G D A G K A A L A M AN- (FOR YOUR INFORMATION)

KATUTURAN NG ALAMAT
Ang salitang alamat o legend ay mula sa salitang Latin na legendus
na nangangahulugang “upang mabasa”. Isang mahalagang bahagi ng
kulturang Pilipino ang mg alamat. Ang mga ito ay nagsasaad kung paano
nagsimula ang mga bagay-bagay. Karaniwan itong nagtataglay ng mga
kababalaghan o mga hindi pangkaraniwang pangyayari. Ang karaniwang
paksa ng alamat ay ang ating katutubong kultura, mga kaugalian at
kapaligiran.

MGA ELEMENTO NG ALAMAT

1. Tauhan- ang mga taong gumaganap sa kuwento. May dalawang uri


ng tauhan, ang protagonista na siyang itinuturing na bida at ang
antagonista na itinuturing na kontrabida sa akda.

2. Tagpuan- ang lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda.

3. Buod/ Banghay- ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa


akda. Nahahati ito sa mga pangyayari. Ang simula, pataas na aksyon,
kasukdulan, pababang aksyon at wakas.

4. Mensahe- ang aral na nais ipabatid ng akda.

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

Ikalawang Markahan| 27
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya ( BUKONSEPT)


Ilagay sa puno ng buko ang tamang pahayag na tutugon sa mga elemento
ng alamat.

ARAL

Mga taong gumaganap sa kuwento. Lugar kung saan naganap ang mga
pangyayari sa akda.
TAUHAN

TAGPUAN

Pagkakasunod-sunod ng mga Aral na nais ipabatid ng akda.


pangyayari sa akda.
BANGHAY

http://previews.123rf.com/images/iimages/iimages1502/iimages150200627/36011333-Coconut-trees-at-the-beach-across-the-parola-Stock-Vector.jpg
https://img.clipartfest.com/b66ff80fc2ecb6980a4e892b3f5149b9_coco20clipart-buko-clipart_1300-1300.jpeg

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (CREATE YOUR OWN)


Gagawa ang mga mag-aaral ng sarili nilang alamat tungkol sa larawang
ipakikita ng guro. Ang alamat ay nararapat na kakitaan ng iba’t ibang
elemento.

http://3.bp.blogspot.com/-lWlYR9864WQ/UO01H9qWfLI/AAAAAAAAAC0/gVsBhuChEro/s1600/batangas+coffee.jphttp://www.25travels.com/wp-content/uploads/2011/10/Taal.jpg

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng isang alamat na inyong tinalakay noong elementarya.


2. Suriin ang mga elemento ng alamat na ito.
3. Basahin at unawaing mabuti ang alamat na “Alamat ng Pitong Islang
Makasalanan” pagkatapos ay isulat ang buod nito. Humanda sa talakayan.
4.

Ikalawang Markahan | 28
LINANGIN
I.LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) F7PN-IIc-d-8


 Naihahayag ang nakitang mensahe ng napakinggang alamat.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) F7PB-IIc-d-8


 Nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng binasang alamat ng
kabisayaan.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) F7PT-IIc-d-8


 Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga salitang paulit ulit na
ginamit sa akda.

PAGSASALITA (PS) F7PS-IIc-d-8


 Nanghihikayat na pahalagahan ang aral na nakapaloob sa binasang
alamat.

II. PAKSA

Panitikan: Mensahe ng Alamat- “Alamat ng Pitong Islang Makasalanan”


Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (BIBLE STORY)


Magpapanood ang guro ng isang videoclip na may pamagat na “Alibughang
Anak”, isang parabula.

ANG ALIBUGHANG ANAK


https://www.youtube.com/watch?v=BiXh9RncUKg

Gabay na Tanong:
a. Ano-ano ang inyong mga saloobin sa napanood?
b. Ibigay ang mensaheng nais iparating ng napanood.

Ikalawang Markahan| 29
Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang


gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Ano ang mensaheng nais iparating ng akdang “Alamat ng Pitong Islang


Makasalanan?”

3. Paglinang ng Talasalitaan

Mungkahing Estratehiya (ANONG INTERPRETASYON MO)


Ibibigay ng mga mag-aaral ang sariling interpretasyon sa mga salitang
ginamit sa akda.

Baybayin Nimpa Lulan


Humagulgol Naghahangad Pumalaot

4. Paghihinuha sa Pamagat

Mungkahing Estratehiya (WHAT DO YOU KNOW)


Magbibigay ng mga mahahalagang impormasyon ang mga mag-aaral
tungkol sa salitang kasalanan at ipaliliwanag ito.

KASALANAN

Ikalawang Markahan | 30
5. Pagpapabasa ng Akda

Mungkahing Estratehiya (DUGTUNGANG PAGBASA)


Babasahin ng ilang piling mag-aaral ang pabula.
ALAMAT NG ISLA NG PITONG MAKASALANAN

Noong unang panahon, isang matandang mangingisda at ang kanyang pitong


anak na dalaga ang naninirahan sa isang tahanang nakaharap sa baybayin ng
dagat-Bisaya. Ang kanilang tirahan ay nasa bayan ng Dumangas, Isla ng Panay.
Araw-araw makikita ang pitong dalagang masayang nagsasagawa ng mga
gawaing-bahay o kaya namay nasa dalampasigan at nagtatampisaw o masayang
lumalangoy, naghahabulan, at nagtatawanan. Tila sila mga nimpang kay gaganda
habang nakikipaghabulan sa mga alon sa baybayin.
Ang kagandahan ng pitong dalaga ay bantog hindi lang sa kanilang bayan
kundi maging sa malalayong lugar. Kaya naman, hindi kataka-takang ang kanilang
tahanan ay dinarayo ng maraming binatang naghahangad na makuha ang kamay
ng isa sa mga dalagang napupusuan. Mahal na mahal ng ama ang mga anak at
ang labis niyang ikinatatakot ay ang makapag-asawa ang sinuman sa kanyang
mga dalaga ng mga lalaking maaaring maglayo sa kanya. “Sana, kung
makahahanap man ng mapapangasawa ang aking mga anak ay tagarito lang sa
aming isla upang hindi sila mapalayo sa akin,” ang naibubulong ng ama sa sarili
habang pinagmamasdan ang kanyang mga anak na abala sa mga gawaing bahay.
Isang araw nga ay isang pangkat ng makikisig na binatang mangangalakal ang
dumating sa kanilang bayan. Nabalitaan din pala ng mga binata ang kagandahan
ng mga dalaga kaya’t nagsadya sila sa bayang iyon hindi lang para sa kanilang
mga kalakal kundi para makilala rin ang mga dalaga. Sakay sila ng magagara at
mabibilis na bangka.
Mamahaling regalo ang ibinigay ng mga binata sa dalaga. Naging mabilis ang
pagkakaunawaan ng pitong dalaga sa pitong batang estranghero. Inanyayahan
nilang magtungo sa kanilang bayan ang pitong dalaga na agad namang
nagsipayag.
Subalit hindi naging madali ang paghingi nila ng pahintulot sa kanilang ama.
“Hindi nyo pa kilala ng lubusan ang mga binatang iyan. Bakit kayo sasama? Hindi
ako papayag”. Ang matigas na wika niya kahit pa nagpupumilit ang kanyang mga
anak na sumama sa mga binata.
Isang araw, habang nasa dagat at nagingisda ang ama ay gumawa ng isang
mapanagahas na pasya ang mga dalaga. “Sasama ako sa aking kasintahan, sa
ayaw at sa gusto ni Ama,” ang wika ng panganay na si Delay.
“Ako man, ako man,” ang sunod-sunod na sabi ng iba pang dalaga.
Sinamantala ng magkakapatid ang pag-alis ng ama upang mangisda. Bitbit ang
kani-kanilang pansariling gamit ay sumakay na ang mga suwail na anak sa tatlong
bangkang dala ng mga binata palayo sa kanilang tahanan.

Ikalawang Markahan| 31
Nang sila’y nasa bahagi na ng baybayin ng Guimaras kung saan nagingisda
ang kanilang ama ay natanaw niya ang tatlong bangka ng mga estranghero lulan
ang kanyang pitong anak na dalaga. Buong lakas na sumagwan ang ama para
mahabol ang kanyang pinakamamahal na mga anak subalit lubhang mabagal ang
kanyang maliit na bangka kompara sa makabagong bangka ng mga estranghero
kaya hindi na niya nahabol ang mga anak.
Buong pait na lumuha at nagmakaawa ang ama sa kanyang mga anak. “ Mga
anak, huwag kayong umalis. Bumalik kayo! Maawa kayo,” ang walang katapusang
pagsigaw at pagmamakaawa ng ama habang patuloy siya sa paggaod subalit hindi
siya pinakinggan ng walang turing niyang mga anak. Laylay ang mga balikat sa
matinding pagod sa paggaod at sa labis na kalungkutan sa paglisan ng kanyang
mga anak, walang nagawa ang matanda kundi lumuha nang buong kapaitan.
Wari’y nakidalamhati rin sa kanya maging ang kalangitan sapagkat ang maliwanag
na sikat ng araw ay biglang naparaan at sa halip ay napalitan ng pagdilim ng
himpapawid. Gumuhit ang matatalim na kidlat na sinabayan ng malalakas na
dagundong ng kulog. Biglang pumatak ang malakas na ulan kaya’t walang nagawa
ang matanda kundi umuwi na lamang.
Sa kanyang pag-uwi ay isang napakatahimik at napakalungkot na tahanan ang
kanyang dinatnan. Hindi napigil ng matanda ang muling pagluha nang masagana.
Wari’y sinasabayan din ng malalakas na patak ng ulan sa bubungan ng kanyang
ulilang tahanan ang walang katapusang pagluha sa kaawa-awang matanda. Labis-
labis ang kanyang kalungkutan at pangungulila sa kanyang mga anak. Sa kabila
ng ginawa ng mga suwail na anak ay ang kanila pa ring kaligtasan ang inalala ng
ama lalo pa’t masamang panahon ang kanilang nakasalubong sa paglalakbay.
Kinaumagahan, hindi pa sumisikat ang araw ay pumalaot na ang matanda.
Iniisip niyang maaaring sumilong ang bangka ng mga estranghero dahil sa sama
ng panahon nang nagdaang gabi. Baka sakaling mahabol pa niya ang kanyang
mga anak. Subalit anong laking pagtataka niya nang siya’y nasa laot na.
Nakatanaw siya ng maliliit na islang tila isinabog sa gitna ng laot sa pagitan ng
kanilang isla ang Dumangas at isla ng Guimaras. Sa lugar na ito siya nangisda
kahapon at alam na alam niyang walang mga islang tulad nito sa lugar nang
nagdaang araw.
Kinabahan ang matanda at kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso
ang mabili niyang paggaod papunta sa mga mumunting isla. Anong laking
panlulumo niya ng makita ang nagkalat na bahagi ng bangkang sinakyan ng
kanyang mga anak na nakalutang sa paligid. Binilang niya ang mumunting isla.
Pito! Pito rina ng kanyang mga anak na dalaga. Humagulhol ang matanda. Parang
nahulaan na niya ang nangyari. Nalunod ang kanyang mga anak nang ang
sinasakyan nilang mga bangka ay hinampas ng malalakas na along dala ng biglang
pagsama ng panahon kahapon at sumadsad sa mga korales at matatalas na
batuhan kaya nagkahiwa-hiwalay ang mga ito.
Ang mga mumunting isla ay tinawag na Isla de los Siete Pecados o Mga Isla
ng Pitong Makasalanan. Ito ay bilang pag-alala sa pagsuway at kasalanang
nagawa ng pitong suwail na dalaga sa kanilang mapagmahal na ama.

Ikalawang Markahan | 32
6. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (WHAT’S NEXT)


Pagsasalaysay ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa tulong ng
mga flow chart.
7. Pangkatang Gawain

Ang Kagandahan
ng Pitong dalaga sa
isla

Pagdating ng
mga lalaki sa
Isla

Pag-alis ng mga dalaga


sa isla at pagsama sa
mga lalaki

Mungkahing Estratehiya (DO YOUR TASKS)


Pipili ang bawat pangkat ng paksang kanilang tatalakayin tungkol sa alamat
na binasa sa tulong ng mga mungkahing estratehiya.

Paksa:
Paksa:
Katangian ng Alamat
Sariling interpretasyon sa mga
Mungkahing Estratehiya:
Akrostiks 1
salitang ginamit sa akda
Mungkahing Estratehiya:
Pantomina
2
Paggawa ng akrostiks mula sa
Pagtatanghal ng pantomina na
salitang ALAMAT na naglalaman
nagpapakita ng interpretasyon sa
ng mga katangian ng akdang
mga salitang ginamit sa akda
tinalakay

Paksa: Paksa:
Pagpapahalaga sa mga aral na Mensahe ng Alamat
nakapaloob sa binasang alamat
Mungkahing Estratehiya:
Usapan 3 Mungkahing Estratehiya:
Hugot Lines
4
Pagtatanghal ng usapan na nagpapakita Paggawa ng mga hugot lines na
ng pagpapahalaga sa mga aral na nagpapakita ng mensahe ng
nakapaloob sa binasang alamat
alamat

Ikalawang Markahan| 33
RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN
BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang
at naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o
Organisasyon nilalaman o kaisipan na nilalaman o kaisipan na nais
ng mga kaisipan na nais nais iparating kaisipan na nais iparating sa
Kaisipan iparating sa sa manonood iparating sa manonood (1)
o Mensahe manonood (4) (3) manonood (2)
(4)
Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Istilo/ kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
Pagkama- kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
likhain pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng
(3) ginamit ng pangkat sa ginamit ng pangkat sa
pangkat sa presentasyon pangkat sa presentasyon (0)
presentasyon (2) presentasyon(1)
(3)
Kaisahan Lubos na Nagpamalas Di-gaanong Di nagpamalas ng
ng Pangkat nagpamalas ng ng pagkakaisa nagpamalas ng pagkakaisa ang
o pagkakaisa ang ang bawat pagkakaisa ang bawat miyembro
Kooperasyon bawat miyembro miyembro sa bawat miyembro sa kanilang
(3) sa kanilang kanilang sa kanilang gawain (0)
gawain (3) gawain (2) gawain (1)

8. Pagtatanghal ng pangkatang gawain

9. Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang


gawain

10. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks
na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Ilarawan ang mga pangunahing tauhan sa binasa. Ano-ano ang mga


positibo at negatibong katangiang taglay nila?
2. Bakit hindi pumayag ang ama nang magpaalam ang kanyang mga anak
na sasama sa mga binatang bago pa lang nilang nakikilala?
3. Ipaliwanag ang mahahalagang mensaheng nangibabaw sa akda.
Makatutulong ba ito sa bawat isang mambabasa? Pangatwiranan.
4. Kung ikaw ang isa sa mga dalaga, susunod ka ba sa iyong ama? Kung
ikaw naman ang ama, ano ang gagawin mo para mapasunod mo ang
iyong anak sa iyong kagustuhan?
5. Bakit naging alamat ang akdang tinalakay? Ano- ano ang masasabi mo
sa lugar na Bisayas batay sa binasa?

Ikalawang Markahan | 34
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya ( PICTURE CONCEPT)


Mula sa larawang ipapakita ng guro ay bubuo ang mga mag-aaral ng
pangunahing konsepto ng aralin.

http://cdn.rainbowresource.netdna-cdn.com/products/032336.jpg

Ang mensaheng nais iparating ng akdang “Alamat ng Pitong Islang


Makasalanan” ay ____________

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (THINK AND SHARE)


Sasagutin ng mga mag-aaral ang katanungang inihanda ng guro.

Paano mo pahahalagahan ang aral na nakapaloob sa alamat na


tinalakay?
a. Bilang isang anak
b. Bilang isang mag-aaral
c. Bilang isang mamamayan

EBALWASYON

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng


tamang sagot.

1. Paano naiiba ang alamat sa ibang akdang pampanitikan?


a. Ito ay inaawit at itinatanghal sa tanghalan.
b. Ito ay naglalahad ng mga totoong pangyayari.
c. Ito ay tumutukoy sa pinagmulan ng isang bagay.
d. Nagpapakita ng kabayanihan ng tauhan.
2. Ano ang slogang angkop sa mensahe ng binasang alamat na “Pitong
Islang Makasalanan”?
a. Kapwa ko, Mahal ko! c. Magulang mo, mahalin mo!
b. Kapag may tiyaga, may nilaga. d. Tapat ko, Linis ko.

Ikalawang Markahan| 35
3. Ang pitong dalaga’y tila mga ___________ dahil sa taglay nilang
kagandahang hinahangaan ng madla. Ano ang angkop na salita sa
pangungusap?

a. baybayin c. lulan
b. nimpa d. humagulgol

4. Bakit nasawi ang mga anak sa akdang “Alamat ng Buko”?

a. Dahil sa kanilang kapabayaan


b. Dahil sa kanilang itinagong lihim
c. Dahil sa kanilang pagsusuwail
d. Dahil sa kanilang pag-aagawan sa isang babae

5. Paano mo gagamitin ang mensahe ng nabasang alamat sa pang-araw


araw na pamumuhay?

a. Sumunod sa mga magulang dahil hangad lamang nila ang iyong


kabutihan.
b. Mag-aral ng mabuti para magkaroon ng magandang kinabukasan.
c. Magkaroon ng disiplina sa sarili at ito ang susi sa kaunlaran.
d. Maging matulungin sa kapwa dahil ito ay may mabuting kapalit.

Sagot:
C C B D A

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng isang alamat mula sa Luzon. Basahin ito at isa-isahin ang mga
aral na napulot mula sa aralin na makatutulong sa inyo bilang mga kabataan.
2. Ano-ano ang mga pahayag sa paghahambing? Isa-isahin ang mga ito.

Ikalawang Markahan | 36
PAUNLARIN
I.LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) F7WG-IIc-d-8


 Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa paghahambing.

II. PAKSA

Wika: Mga Pahayag sa Paghahambing


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (WATCH AND LEARN)


Magpapanood ang guro ng isang videoclip tungkol sa lugar na Isla Verde.
ISLA VERDE
https://www.youtube.com/watch?v=w6xXvk4fOLI

Gabay na Tanong:
a. Ilarawan ang Isla Verde bilang isang “tourist spot” sa lungsod Batangas.
b. Ihambing ang ganda nito sa iba pang lugar na inyong napuntahan.

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang


gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Bakit mahalaga ang paggamit ng mga pahayag sa paghahambing?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (READ AND LEARN)

Ikalawang Markahan| 37
Babasahin ng piling mag-aaral ang alamat nang may kasiningan.

Ikalawang Markahan | 38
Ilalagay ng mga mag-aaral ang mga salitang naglalarawan sa binasang
alamat

higit lalo
mas

pinaka
magsing-

http://www.batangascity.gov.ph/web/about-the-city/city-profile/batangas-city-map

ANALISIS

1. Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang mga salitang inilagay sa


mapa.
2. Ano kaya ang tawag sa mga salitang ito na naglalarawan?
3. Mahalaga ba ang paggamit ng mga salitang naglalarawan sa
pangungusap? Patunayan.
4. Pansinin ang mga salitang nasa labas ng mapa. Gamitin din ito kasama
ng mga salitang naglalarawan.

Ikalawang Markahan| 39
5. Ano ang iyong masasabi sa mga pangungusap na ginamitan ng
ganitong pahayag?

Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M AN- (FOR YOUR INFORMATION)

KATUTURAN NG PANG-URI

Ang pang-uri ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa


pangngalan o panghalip. Narito ang iba’t ibang kaantasan ng pang-uri.

1. LANTAY- anyo ng pang-uri na naglalarawan lamang sa isang


pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
Maliwanag ang sikat ng araw.
2. PAHAMBING- naghahambing o nagtutulad ng dalawang pangngalan o
panghalip.
a. Pahambing na pasahol- nagsasaad ng nakahihigit o nakalalamang
na katangian ng isa o dalawang pangngalan o panghalip
Halimbawa:
Mas maliwanag ang sikat ng araw ngayon kaysa kahapon.
b. Pahambing na Patulad- nagsasaad na magkatulad na katangian
ng isa o dalawang pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
Magkasing-liwanag ang sikat ng araw ngayon at kahapon.
3. PASUKDOL- nagpapakita ng pinakamatinding katangian ng
paghahambing.
Halimbawa:
Ang sikat ng araw ang pinakamaliwanag sa buong mundo.

A B S T R A K S YSanggunian:
ON PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

Mungkahing Estratehiya ( MAP CONCEPT)


Bubuuin ng mga mag-aaral ang mapa ng Isla Verde upang mabuo ang
pangkalahatang konsepto ng aralin

Ikalawang Markahan | 40
paggamit pahayag

Mahalaga
mabisa
APLIKASYON
paghahambing

Ginabayang Pagsasanay
Mungkahing Estratehiya (PABORITONG PASYALAN)
paglalarawan

Alin sa iba pang lugar sa probinsya o lungsod ng Batangas ang iyong


narating na? Ilarawan ang lugar na ito gamit ang mga pang-uri sa iba’t
ibang kaantasan.

Mahalaga ang paggamit ng mga pahayag sa paghahambing sa mabisang


Malayang Pagsasanay paglalarawan.
Mungkahing Estratehiya (GAWIN NATIN)
Salungguhitan ang mga pang-uring ginamit sa bawat pangungusap.
Pagkatapos ay suriin ang kaantasan nito.

1. Ang dalisay na pagmamahal ng mga magulang ay kailangan ng mga


anak.(lantay)
2. Mas makabubuti sa mga anak kung palalakihin silang may disiplina
kaysa palakihin sila sa layaw. (pahambing)
3. Magsinghalaga ang ina at ama sa buhay ng mga anak. (pahambing)
4. Maraming libangan ang nagtuturo ng maling pagpapahalaga sa
kabataan.(lantay)
5. Pinakamahirap iwasan sa lahat ng makabagong gamit ang telebisyon
dahil lagi itong nakikita sa isang pindot lang sa remote ay bubukas na
ito. (pasukdol)

Ikalawang Markahan| 41
EBALWASYON

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng


tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may pang-uri?


a. Magbibigay siya ng ticket para sa kanilang pamamasyal.
b. Sagana sa luntiang mga kahoy at pananim ang lugar.
c. Mayroon siyang binabalak na pamamasyal sa ibang lugar.
d. Ang mag-anak ay naghahanda para sa kanilang family outing.

2. Piliin ang pangungusap na may wastong gamit ng kaantasan ng pang-uri.


a. Sa ngayon, maraming kabataan na ang nalululong sa paglalaro ng
videogames kaysa noong mga nagdaang panahon.
b. Ang tamang paggabay sa mga anak ay mainam pa ring paraan ng
pagtuturo kaysa sa labis na pamamalo o pananakit ng bata.
c. Lahat ng maaaring gawin ng anak ay pinakamasakit sa isang magulang.
d. Kaya pilitin nating maging masunurin ngayon kaysa noon.

Panuto: Tukuyin ang tamang pang-uri na pupuno sa diwa ng pangungusap.


Isulat ang titik ng tamang sagot.

3. Ang (buti) anak ay marunong sumunod sa payo ng magulang.


a. mas mabuti b. mabuti c. pinakamabuti d. mapagbuti
4. Natutunan natin mula sa binasang alamat na sa lahat pala ng maaaring gawin
ng anak, ang (masakit) sa isang magulang ay ang pagsuway ng anak na
humahantong sa sarili nitong kapahamakan.
a. mas masakit b. nakasasakit c. pinakamasakit d. parehong
masaki
5. Ang ating mga magulang ang (dalisay) magmahal sa lahat ng taong
makakasalamuha natin.
a. pinakadalisay b. mas dalisay c. dinadalisay d. parehong dalisay

Sagot:
B C B C A

Pagkuha ng Index of Mastery


SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Magdikit ng isang larawan ng lugar na iyong napuntahan na o nais puntahan


sa bansa. Gumawa ng talatang naglalarawan sa lugar na ito. Gumamit ng mga
pang-uri sa iba’t ibang kaantasan.
2. Humanda sa pagsulat ng Awtput 2.2.

Ikalawang Markahan | 42
ILIPAT
I.LAYUNIN

PAGSULAT (PU) F7PU-IIc-d-8


 Naisusulat ang alamat sa anyong komiks.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 2.2


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estatehiya (ALAMAT NG BATANGAS)


Magpapabasa ang guro ng isang alamat.

Ikalawang Markahan| 43
Ikalawang Markahan | 44
Ikalawang Markahan| 45
Gabay na Tanong:
Suriin ang alamat batay sa elemento nito.
TAUHAN
TAGPUAN
BUOD/ BANGHAY
ARAl/ MENSAHE

2. Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS

GOAL: Naisusulat ang alamat sa anyong komiks.

ROLE: Isa kang mahusay na manunulat ng komiks.

AUDIENCE: Mga mag-aaral at guro sa inyong paaralan.

SITUATION: Ang komiks na “KWENTONG BATANGUENO” ay


nangangailangan ng mga magsusulat ng isang komiks na
nagsasalaysay ng alamat nito.

PRODUCT: Alamat ng Batangas sa anyong komiks

STANDARD- RUBRIKS NG AWTPUT


Lubos na nagpapakita Nagpakita ng Ang nilalaman ng
ORIHINALIDAD ng orihinalidad ang orihinalidad ang talata ay nagmula sa
AT NILALAMAN nilalaman ng komiks. nilalaman ng komiks. mga naisulat na
(4) (4) (3) komiks.(1)
Napakahusay ng pagpili Mahusay ang naging Hindi gaanong
PAGGAMIT NG sa mga salitang ginamit pagpili sa mga mahusay ang naging
SALITA sa komiks. salitang ginamit sa pagpili ng mga
(3) (3) komiks. salitang ginamit sa
(2) komiks.(1)
Lubos na kinakitaan Kinakitaan nang Hindi kinakitaan nang
PAGGAWA NG nang maayos at maayos at maayos at
TALATA organisadong talata ang organisadong talata organisadong talata
(3) naisulat na komiks. ang naisulat na ang naisulat na
(3) komiks. (2) komiks.(1)
KABUUAN (10)

3. Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.


4. Pagpapabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa
pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN
1. Manood sa youtube ng isang halimbawang alamat sa Pilipinas. Ibigay ang
buod ng inyong napanood.
2. Ano ang dula bilang akdang pampanitikan? Ibigay ang kahulugan nito.

Ikalawang Markahan | 46

You might also like