You are on page 1of 2

Prince L. Lagria G8 – St.

Francis
Q4 – 7th Unit Assessment
FILIPINO:

1. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Florante, ano ang gagawin mo upang
ikaw mismo sa sarili mo ay hindi ka mawalan ng pag-asa sa kabila ng
iyong sitwasyon na nararanasan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
SAGOT: Kung ako ang nasa kalagayan ni Florante, upang hindi ako
mawalan ng pag – asa sa kabila ng hirap na aking naranasan, kailangan
ko lamang isipin ang mga magagandang bagay na aking naranasan
kasama ang aking mga mahal sa buhay. At palagi ko lamang tatandaan
ang mga mabubuting aral na itinuro sa akin ng aking mga magulang.
2. Mahalaga ba ang salitang tiwala sa isang relasyon? Patunayan ang iyong
sagot.
SAGOT: Para sa akin, mahalaga ang tiwala para sa isang relasyon. Tiwala
ang isa sa mga pinaka – importanteng bagay na dapat na malaman ng
bawat – isa bago makipag – relasyon. Hindi mo kayang lubusang mahalin
ang isang tao kung hindi ka magtitiwala sa kanya. Mahalaga ito upang
mas maging matibay pa ang isang relasyon na walang pagdududa.
3. Kung ikaw si Aladin, kakalabanin mo ba ang iyong ama alang-alang
lamang sa pag-ibig? Ipaliwanag.
SAGOT: Ang ating mga magulang ang ating unang pag – ibig. Walang
sinuman ang makakahigit sa pag – ibig ng isang ama o magulang. Kung
ako ang nasa katayuan ni Aladin, hinding – hindi ko kakalabanin ang
aking ama alang – alang sa pag – ibig. Dahil unang – una, kung matino at
totoong mahal ako ng babaeng inaagaw ng aking ama, sasabihin at
ipapaintindi ng babaeng mahal ko sa aking ama na ako ang mahal niya.
Hindi magiging hadlang ang babaeng mahal ko sa relasyon naming mag –
ama.
4. Kung ikaw si Aladin, tutulungan mo ba si Florante sa kanyang kalagayan
gayong isa kayong magkaaway? Patunayanan ang iyong sagot.
SAGOT: Kung ako ang nasa kinatatayuan ni Aladin, tutulungan ko pa rin
siya sa kanyang kalagayan kahit na kami ay magkaaway. Hindi sa lahat
ng panahon dapat pairalin ang galit dahil minsan, ang taong kaaway natin
ay may kahinaan din. Dapat, matuto tayong magpatawad o magpalipas ng
galit sa panahong may nangangailangan sa atin.
5. Ilarawan ang katangian ni Sultan Ali- Adab bilang isang ama. Ipaliwanag
ng maayos ang iyong sagot.
SAGOT: Si Sultan Al Adab ay ama ni Prinsipe Aladin ng Persya. Ang sultan
ay masasabing isang malupit, ganid at makasariling tao dahil inagaw niya
ang kasintahan ng kanyang anak na si Flerida. Pinalayas din ng sultan
ang kanyang anak sa kanyang kaharian. si sultan ali adab ay isang
matapang sapagkat ni walang alinlangan nyang sinagot ang haring
sultan.Makasarili, Hindi mapagkandiling ama, poot, masamang ama.
Sultan Ali-Adab naman ay isang mang-aagaw na ama dahilan ng pag-kuha
ng kasintahan ni Aladin na si Flerida at isang malupit na ama dahil
binanta niya si Aladin kung siya'y sumuway. Ang mga sumusunod ay ang
mga katangian ni Sultan Al Adab: Malupit, Ganid, Makasariling tao, Mang
aagaw, Matapang, Hindi mapagkandiling ama, Masamang ama.
6. Ano sa palagay mo ang kahihinatnan ng pagtulong ni Aladin kay Florante?
Patunayan ang iyong sagot.
SAGOT: Matapos mabasa ang tungkol sa pagtulong ni Aladin kay
Florante, masasabi kong ang kahihinatnan nito ay magiging matalik na
mag – kaibigan sina Florante at Aladin. Mawawala na ang hidwaan nila sa
isa’t – isa. At mamumuhay sila ng payapa at Malaya.

You might also like