You are on page 1of 1

Alin ang Mas Mainam na Disiplina sa Anak—Pangaral o Pamalo?

Sabi nila, buti pa ang mga bata noon, disiplinado. Bahay at eskuwela lang ang
kanilang mundo. Ang kanilang gawain ay ang mag-aral at tumulong sa mga gawaing bahay.
Ngayon, karamihan sa mga bata ay madalas na nasa labas ng bahay, gala rito at gala roon.
Kaya nga maraming napapabalitang mga bata na napapahamak. Bihira rin silang mag-aral.
Para sa kanila, makapasa lang ay ayos na kahit pa sabihing ang kanilang grado ay pasang-
awa lang. Hindi na nga nakakatulong sa bahay ay nagiging sakit pa sa ulo. Siyempre, hindi
ito hinahayaan lang ng mga magulang. Marapat na habang bata pa lang ay madisiplina na
upang sa kanilang paglaki ay hindi sila mapariwara.

May dalawang estilo na ginagamit ang mga magulang,


ang pagbibigay ng pangaral o sermon at ang pamarnalo. Noon
pa man ay ginagamit na ang estilo ng pamamalo sa
pagdidisiplina sa mga bata at may mga iba na ginagamit pa rin
ito hanggang ngayo Maski nga ang mga eskuwelahan noon ay
ganito ang sistema. Mas madadala umano ang mga bata sa
ganitong paraan.

Kapag sila'y pinalo, hindi na nila uulitin ang kanilang


ginawa dahil sa takot na paluing muli. Subalit sa kabila nito, ano
ang natutuhan ng bata? Ang maging disiplinado upang hindi
mapalo? Ang mag-aaral para makasagot sa tanong ng guro at
hindi mapalo? Nasaan ang aral doon? Kaya nga ganyan ang
pagbibigay ng pangaral mula sa salitang ugat na "aral." Ito na
ang ginagamit ng mga magulang sa ngayon pagdating sa
pagdidisiplina sa kanilang anak. Sa ganitong paraan,
mauunawaan ng mga bata kung bakit nagalit ang kanilang mga
magulang. Mapagtatanto nila na mali nga ang kanilang ginawa.
Higit sa lahat, alam na nila ang hindi at dapat nilang gawin sa susunod.

Sa panahon ngayon, may mga magulang na pinapairal pa rin ang pamamalo. Ayon sa
kanila, pasok sa isang tainga at labas sa kabila lang naman ang ginagawa ng bata kapag
sinesermonan. Subalit sa aking pananaw mas mainan na disiplinahin ang bata sa
pamamagitan ng pangaral. Ang pamamalo ay sa pisikal lamang na pagbibigay ng leksiyon.
Ang mga bakas ay humihilom at nawawala. Samantalang ang mali, nariyan ang kanilang
mabuting konsensiya na magpapaalala sa kanya. Isa pa, makakatulong ito upang matamo
ang kanilang kaganapan pagdating sa pagdedesisyon.
Mula: http//bakasngmgasinulat.wordpress.com

You might also like