You are on page 1of 64

POSITIVE

DISCIPLINE PRIMER:
Isang Praymer para sa Magulang
at Tagapag-alaga
Hinihikayat ng Save the Children ang iba na
kopyahin, paramihin o paghalawan para sa lokal na
pangangailangan ang anumang bahagi o maging
ang kabuuan ng librong ito, kasama na ang mga
larawan, sa kondisyon na ang mga bahaging
ginamit ay dapat ipamahagi nang libre o eksakto sa
gastos—hindi para tumubo.

Sinulat ni Carolina T. Francisco, Maria Regina


Tongson, at Jean Mariz Villanueva (Interns 2017)
In-edit ni Rowena O. Alvarez

Layout at mga drawing ni:


Marianne Antonette F. Escarlan

Pasasalamat kina:
Wilma Bañaga, Mona Mariano, Maria Hilda
Catubay, Peter Mallonga, Zaida Padullo

Inilathala
Save the Children Philippines
3F Midland Building 1040 EDSA
Barangay Magallanes Village, Makati City
Philippines
www.savethechildren.org.ph

Marso 2019
PANIMULA
Noong 2008, inilathala ng Save the Children ang “Disiplina, Hindi
Parusa,” isang praymer na nagbibigay ng impormasyon upang
wakasan ang lahat ng uri ng Corporal Punishment ng mga bata sa
Pilipinas, alinsunod sa rekomendasyon ng World Report on Violence
against Children (2006). Ang pagpaparusa sa ngalan ng disiplina ang
pinakamalaganap na karahasang nararanasan ng bata at karaniwan
itong nangyayari sa loob ng tahanan.

Tuloy-tuloy ang gawain ng Save the Children at iba pang mga


organisasyon upang suportahan ang panukalang batas na nagbabawal
sa pagpaparusa sa ngalan ng disiplina, ang Positive Discipline Bill. Ang
pagpasa nito ay nagbibigay-daan sa programa para tulungan ang mga
magulang kung paano nila didisiplinahin ang kanilang mga anak nang
walang pananakit o pananakot. Tuloy-tuloy din ang Save the Children
at iba pang organisasyon sa pagtuturo sa mga magulang at tagapag-
alaga ng Positive Discipline o Disiplinang Walang Karahasan.

Ang praymer na ito ay pagpapatuloy ng sinimulan ng “Disiplina, Hindi


Parusa.” Ipinapakita ng mga pag-aaral hindi lamang sa ibang bansa
kundi pati na rin sa Pilipinas na ang pagpaparusa ay mas nakasasama
kaysa nakabubuti sa mga bata. Hindi rin ito nakakatulong sa
pagpapalaki ng malusog, responsable, at mapagkalingang mga bata.

i
Marami na ring mga magulang at guro ang gumagamit ng Positive
Discipline at makikita rito ang ilan sa kanilang mga karanasan.

Subalit marami pa ring mga magulang ang nangangailangan


ng impormasyon at suporta upang matutunan nila ang Positive
Discipline. Maraming magulang ang nangangailangan ng tulong para
mapangibabawan ang stress o ligalig na kung minsan ay nagiging
dahilan kung bakit humahantong sa pananakit ang pagdidisiplina. Sa
pamamagitan ng araw-araw na positibong interaksyon at paggabay,
makikita ng magulang na mas matututo ang mga bata kung inuunawa
natin sila, pinakikinggan sila, at binibigyan sila ng tamang impormasyon
at gabay na makakatulong sa kanilang pag-unlad.

Sa tahanan unang natututo ang bata ng mga bagay na dapat niyang


malaman upang mabuhay nang maayos hanggang sa kanyang
pagtanda. Kung siya ay lalaki sa tahanang ligtas, walang karahasan, may
pagkalinga at respeto sa bawat miyembro ng pamilya, mapapalakas
ang kanyang tiwala sa pamilya, sa kanyang sarili, at sa kanyang
kakayahan. Ang kanyang pamilya ay lagi niyang mapaghuhugutan ng
lakas para harapin ang mga pagsubok sa labas ng tahanan.

Hindi kailangang maging marahas ang magulang upang madisiplina


ang kanilang anak. Bilang mga magulang at tagapag-alaga ng mga
bata, responsibilidad natin ang laging humanap ng paraan sila ay
matuto ng mga bagay na makakatulong sa kanila.

Piliin natin ang Positive Discipline. #ChoosePositiveDiscipline

Para sa karagdagang suporta at impormasyon, bisitahin ang aming


Facebook page: www.facebook.com/groups/IPracticePositiveDiscipline
at www.facebook.com/parentinghotline

ii
N I LA LA M A N
Panimula
i

Unang Bahagi:
Ang Pagdidisiplina ng Anak:
Isa sa Pinakamahalagang Papel ng Magulang
1

Ikalawang Bahagi:
Positive Discipline:
Disiplinang Walang Karahasan
12
POSITIVE
DISCIPLINE PRIMER:
Isang Praymer para sa Magulang
at Tagapag-alaga
UNANG BAHAGI:
Ang Pagdidisiplina ng Anak:
Isa sa Pinakamahalagang Papel ng Magulang

1
UNANG BAHAGI:
Ang Pagdidisiplina ng Anak:
Isa sa Pinakamahalagang Papel
ng Magulang
Para sa mga Pilipino, ang mga anak ay mahalaga
at itinuturing na biyaya. Dahil dito, binibigyan
ng napakalaking pagpapahalaga ang pagtuturo
sa kanila patungo sa tamang direksyon. Para
sa ating mga Pilipino, mahalagang papel ng
mga magulang ang gabayan ang mga anak
mula sa pagkabata upang matutunan nila ang
tamang katuwiran at magkaroon ng sariling
disiplina. Mahalaga na magkaroon ang bata
ng kakayahang mag-isip, unawain at bigyang-
kahulugan ang mga nangyayari sa kanyang
paligid at sa mundo, pagkilala kung ano ang
tama at mali, at alamin kung paano kumilos,
magsalita, at makitungo sa kapwa. Dahil sa
simula ay kulang pa ang mga bata ng mga
naturang kakayahan, tinutulungan sila ng
POSITIVE DISCIPLINE PRIMER: UNANG BAHAGI

kanilang mga magulang o tagapag-alaga


upang sila ay mahubog ayon sa kung ano ang
itinuturing ng lipunan na pagiging mabuting
mga indibidwal at mamamayan (Aguilar, 2009
sa Alampay, 2014 p. 109). Ang pagdidisiplina
ay isa sa mga paraang ginagamit ng mga
magulang tungo sa ganitong layunin. Itinuturing
itong paraan ng pagpapakita ng pagmamahal
ng isang magulang sa kanyang anak. Kaya
naman kapag ang isang bata ay lumaki nang

2
maayos, ipinapalagay na ito ay dahil sa tamang
disiplina, pagsubaybay, at tamang pagtuturo ng
mga bagay na pinahahalagahan ng pamilya at
lipunan. Kaya din kung minsan ay inaako ng
mga magulang ang responsibilidad kapag ang
kanilang anak ay hindi lumaki nang maayos o
hindi naging maganda ang kanilang relasyon
sa isa’t isa (Alampay at Jocson, 2011).

Paano ba magdisiplina ang karamihan ng mga


Pilipino? Para sa marami, dapat ang magulang
ay istrikto, at ang mga anak ay masunurin at
may respeto sa mga nakatatanda o sinumang

ANG PAGDIDISIPLINA NG ANAK: ISA SA PINAKAMAHALAGANG PAPEL NG MAGULANG


may awtoridad. Ang mga pagpapahalagang
ganito at ang paniniwala na ang mga bata ay
wala pang sapat na kakayahang makaunawa
ang gumagabay sa mga paraang ginagamit
para turuan ang mga bata.

Sa isang survey ng Pulse Asia na ginawa noong


2011, inamin ng 2 sa 3 magulang na gumagamit
sila ng pisikal na parusa para disiplinahin ang
kanilang anak na 0-16 taong gulang (Pulse
Asia, Inc., 2011). Ayon din sa pinakahuling
pag-aaral ng Council for the Welfare of
Children, noong 2016, 3 sa 5 bata sa Pilipinas
ang nakararanas ng pisikal na karahasan sa
tahanan. Ito ay karaniwang ginagamit ng mga
magulang at tagapag-alaga kapag dinidisiplina
ang bata. Gayundin, 3 sa 5 bata sa Pilipinas ay
dumaranas ng sikolohikal na karahasan tulad
ng pagmumura at pagsasabi ng masasakit
na salita, pagbabanta na sasaktan o iiwanan

3
ang bata (Council for the Welfare of Children,
2016).

Ang pagpaparusa ay paggamit ng pisikal na


puwersa na may layuning magdulot ng sakit
o paghihirap sa bata, gaano man kagaan.
Mayroon ding pagpaparusang hindi pisikal
pero ito ay malupit o minamaliit ang katayuan
ng bata (UN Committee on the Rights of the
Child, 2006).

Kahit ganito ang nangyayari, hindi ganoon


karami ang mga magulang na naniniwala na
kailangang gumamit ng pisikal na parusa para
disiplinahin ang mga anak (Landsford 2010).
Hangga’t maaari, ayaw nilang gumamit ng
pisikal na parusa kung sapat na ang pagkausap
para disiplinahin ang kanilang mga anak (De
Leon 2012; Ochoa 2014). Kahit na negatibo
ang pananaw nila sa paggamit ng pisikal na
parusa batay sa kanilang sariling karanasan
noong sila ay bata pa, ginagamit pa rin ito ng
mga magulang dahil nakikita nilang sumusunod
POSITIVE DISCIPLINE PRIMER: UNANG BAHAGI

agad ang mga bata sa inuutos o pinapagawa


pagkatapos parusahan ang anak (Gershoff,
2002).

4
Epektibo nga ba ang
pagpaparusa sa mga bata?
Ipinapakita ng karamihan ng mga pag-aaral sa
buong mundo (Gershoff, 2002) at sa Pilipinas
(Dela Cruz et al., 2001) na ang pagpaparusa
ay mas nakasasama kaysa nakabubuti. Ilan sa
mga negatibong resulta ng pisikal at sikolohikal
na pagpaparusa sa mga bata ay:

• Pisikal na sakit at pinsala (injury)


• Hindi nila natututunan kung bakit ang

ANG PAGDIDISIPLINA NG ANAK: ISA SA PINAKAMAHALAGANG PAPEL NG MAGULANG


isang bagay ay dapat o hindi dapat
gawin; kung gayon, ang paggawa ng
isang bagay ay hindi kusang-loob kundi
ginagawa lamang para iwasan ang
parusa
• Natututunan ng bata na ang paggamit
ng dahas o pananakit ang solusyon sa
hindi pagkakasundo; ang mga batang
dumadanas ng pagpaparusa ay mas
malamang na manakit ng ibang bata,
ng kanilang magulang, o ng kanilang
girlfriend o boyfriend, o maging
mapang-api sa kapwa
• Itinatago ng bata ang kanyang
nararamdaman; ang mga batang
dumadanas ng pagpaparusa ay
mas malamang na magkaroon ng
problemang pangkaisipan tulad ng
labis na pag-inom ng alak, paggamit
ng droga o ng mga ipinagbabawal

5
na gamot, o eating disorder (tulad ng
sobrang kumain, ayaw kumain, atbp.)
• Ipinapalagay ng bata na siya ay
walang halaga at hindi karapat-dapat
na igalang ng ibang tao; ang mga
batang dumadanas ng pagpaparusa ay
mas malamang na laging nag-aalala
(anxious) o magkaroon ng labis na
pananamlay o kalungkutan (depressed)
• Ipinapalagay ng bata na siya ay walang
kakayahang gumawa ng mabuti at
tama; ang mga batang dumadanas ng
pagpaparusa ay mas malamang na
magkaroon ng mababang grado sa
paaralan o mas mababang intelligence
quotient (IQ) at mas malamang na
tumigil sa pag-aaral.

Kung gayon, ang pagpaparusa ay hindi epektibo


sa pagtuturo sa mga bata kung ano ang tama
at mali. Bagkus, ito ay nagdudulot pa ng mas
pangmatagalang problema kapwa para sa
bata at sa mga magulang.
POSITIVE DISCIPLINE PRIMER: UNANG BAHAGI

6
Hindi ba karapatan ng mga
magulang na magdesisyon kung
paano nila didisiplinahin ang
kanilang mga anak?
Ang lahat ng tao ay may mga pantay-pantay
na karapatan. Ito ay pinagkasunduan ng lahat
ng mga bansang miyembro ng United Nations
(UN) noong 1948 sa pamamagitan ng Universal
Declaration of Human Rights. Ang Pilipinas ay
isa sa mga kauna-unahang miyembro o founding
member ng UN. Kasama sa Deklarasyon ang

ANG PAGDIDISIPLINA NG ANAK: ISA SA PINAKAMAHALAGANG PAPEL NG MAGULANG


mga sumusunod na karapatan:

ƒƒ (Artikulo 1) Ang lahat ng tao’y isinilang


na malaya at pantay-pantay sa karangalan
at karapatan. Sila’y pinagkalooban ng
katwiran at budhi at dapat magpalagayan
ang isa’t isa sa diwa ng kapatiran.

ƒƒ (Artikulo 2) Ang bawat tao’y karapat-


dapat sa lahat ng karapatan at kalayaang
nakalahad sa Payahag na ito, nang walang
anumang uri ng pagtatangi, gaya ng lahi,
kulay, kasarian, wika, relihiyon, kuro-
kurong pampulitika o iba pa, pinagmulang
bansa, ari-arian, kapanganakan, o iba pang
katayuan.

ƒƒ (Artikulo 3) Ang bawat tao’y may


karapatan sa buhay, kalayaan, at
kapanatagan sa sarili o security of person.

7
ƒƒ (Artikulo 5) Walang sinumang
pahihirapan o lalapatan ng malupit, di-
makatao o nakalalait na pakikitungo o
parusa.

ƒƒ (Artikulo 25) Ang pagkaina at pagkabata


ay nararapat sa tanging kalinga at tulong.
Ang lahat ng bata, maging anak lehitimo o
di-lehitimo ay magtatamasa ng gayunding
pangangalagang panlipunan.

ƒƒ (Artikulo 26) Ang edukasyon ay patungo


sa ganap na pagpapaunlad ng pagkatao at
pagpapalakas ng paggalang sa karapatan
ng tao at mga pangunahing kalayaan.
Itataguyod nito ang pagkakaunawaan,
pagbibigayan, at pagkakaibigan ng lahat
ng bansa, mga pangkat na panlahi o
panrelihiyon, at palawakin ang mga gawain
ng UN sa ikapapanatili ng kapayapaan.

ƒƒ (Artikulo 26) Ang mga magulang ay may


pangunahing karapatang pumili ng uri ng
POSITIVE DISCIPLINE PRIMER: UNANG BAHAGI

edukasyong ipagkakaloob sa kanilang mga


anak.

ƒƒ (Artikulo 29) Sa paggamit ng kanyang


karapatan at mga kalayaan, ang bawat
tao’y masasaklaw lamang ng mga
katakdaan gaya ng ipinapasya ng batas
na tanging sa layunin lamang ng pagtamo
ng kaukulang pagkilala at paggalang sa
mga karapatan at kalayaan ng iba at

8
pagtugon sa makatarungang kahilingan
ng moralidad, kaayusang pambayan at
ang pangkalahatang kagalingan ng isang
demokratikong lipunan.

ƒƒ (Artikulo 29) Ang mga karapatan at


kalayaang ito ay hindi magagamit sa
anumang pangyayari nang salungat sa
mga layunin at simulain ng UN. http://www.
ohchr.org/EN/UDHR/Pages/Language.
aspx?LangID=tgl

Sa ilalim ng mga karapatang ito, walang

ANG PAGDIDISIPLINA NG ANAK: ISA SA PINAKAMAHALAGANG PAPEL NG MAGULANG


kalayaan ang sinuman na saktan o parusahan
ang kanyang kapwa. Kung gayon, hindi kasama
sa karapatan ng mga magulang ang saktan
o parusahan ang kanilang mga anak anuman
ang pagkakataon o sitwasyon.

Sa pagdaan ng mga taon, nakikita ng mga


bansa na may mga grupong hindi natatamo
at natatamasa ang kanilang karapatan.
Halimbawa, ang mga manggagawa ay
hindi natatamo ang kanilang karapatan
sa makatarungang pasahod at maayos na
kondisyon ng paggawa. Kaya nagkaroon ng
kasunduan para kilalanin ang mga karapatang
pang-ekonomiya, panlipunan at kultura
(1966), kasama na rito ang makatarungang
pasahod at maayos na kondisyon sa trabaho.
Nagkaroon din ng natatanging kasunduan
tungkol sa paglaban sa diskriminasyon laban
sa kababaihan (1979).

9
Sa mga kasunduang ito, malinaw na itinakda
ang obligasyon ng gobyerno na ipatupad ang
mga karapatang ito.

Ano ang kahalagahan ng UN


Convention on the Rights of the
Child para sa Pilipinas?
Tulad ng pagkilala sa karapatan ng mga
manggagawa, kababaihan, migrante, katutubo,
matatanda, at may disability, kinilala rin ng
mga bansang miyembro ng UN na may
natatanging pangangailangan ang mga bata
na kailangang tutukan upang matamasa nila
ang kanilang mga karapatan. Halimbawa, sa
panahon ng giyera o ng disaster, ang mga
bata ang unang nasasaktan, nagkakasakit,
namamatay, o napagsasamantalahan. Kahit
sa normal na mga pakakataon, ang mga bata
ay dumadanas ng pang-aabuso, karahasan,
pagsasamantala, at pagpapabaya. Kaya’t
noong 1989, nagkasundo ang mga bansa na
magbigay ng dagdag na proteksyon sa mga
POSITIVE DISCIPLINE PRIMER: UNANG BAHAGI

bata. Binuo ang United Nations Convention


on the Rights of the Child (UNCRC) na
pinagtibay ng pagpirma ng karamihan ng mga
miyembro ng UN. Sa pagpirma ng Pilipinas sa
dokumento noong 1990 ay tinanggap ng ating
bansa ang responsibilidad na ipatupad ang
UNCRC. Bilang pagtupad sa obligasyong ito,
naipasa ng Pilipinas ang ilang mahahalagang
batas na may kinalaman sa mga bata:

10
• Pagbibigay ng natatanging proteksyon
ng mga bata laban sa abuso,
pagsasamantala, at diskriminasyon
(Republic Act 7610 o RA 7610)
• Proteksyon laban sa pananakot at
pang-aapi sa paaralan (RA 10627)
• Pansamantalang pangangalaga o
foster care (RA 10165)
• Proteksyon ng mga bata sa panahon
ng disaster (RA 10821)

Totoong napakalaking responsibilidad ang


pangalagaan ang mga anak upang lumaki

ANG PAGDIDISIPLINA NG ANAK: ISA SA PINAKAMAHALAGANG PAPEL NG MAGULANG


silang malusog at matamasa nila ang lahat
ng kanilang mga karapatan. Napakalaki ng
papel ng mga magulang bilang pangunahing
tagapag-alaga ng kanilang mga anak at
pangunahin sa pagsusulong ng karapatan ng
mga anak nila. Kaya naman importante na ang
ating gobyerno ay may mga angkop at sapat
na programa para tulungan at suportahan
ang mga magulang na maisakatuparan ang
mga ito. Kailangan ding handa ang gobyerno
na umaksyon para maiwasan at tugunan ang
anumang sitwasyong may negatibong epekto
sa kagalingan ng mga bata.

Ang pangangalaga sa mga bata, kung gayon


ay responsibilidad hindi lamang ng magulang,
kundi ng buong komunidad, at ng pamahalaan.
Dahil dito, kinakailangan ang pagtutulungan
nating lahat tungo sa pagtupad ng mga
karapatan nila.

11
IKALAWANG BAHAGI:
Positive Discipline:
Disiplinang walang karahasan

12
IKALAWANG BAHAGI
Positive Discipline: Disiplinang
walang karahasan
Ang Positive Discipline in Everyday Parenting
(PDEP) ay ginawa sa pagtutulungan ng Save
the Children, ng Global Initiative to End the
Corporal Punishment of Children at ni Dr.
Joan Durrant ng University of Manitoba bilang
tugon sa panawagan ng World Report on
Violence against Children na palakasin ang
kakayahan ng mga magulang na alagaan ang
kanilang mga anak, pagdidisiplina nang walang
karahasan, at paglutas ng problema at hindi
pagkakasundo sa loob ng pamilya. Ito rin ay
tugon sa kahilingan ng maraming opisina ng
Save the Children sa iba’t ibang bansa kung
paano tutulungan ang mga magulang sa

POSITIVE DISCIPLINE: DISIPLINANG WALANG KARAHASAN


pagdidisiplina nang hindi gumagamit ng pisikal
at sikolohikal na pagpaparusa. Ang pagsasanay
ng mga magulang sa PDEP ay sinimulan
noong 2007. Ang pagsasanay naman para sa
mga guro, ang Positive Discipline in Everyday
Teaching (PDET), ay sinimulan noong 2010.

13
Ano ang Positive Discipline?
Ang Positive Discipline ay isang paraan ng
pagtuturo sa mga bata na nagbibigay-gabay
sa kanilang kilos nang may pagkilala at
paggalang sa kanilang karapatan sa malusog
na pag-unlad, proteksyon laban sa karahasan,
at pakikilahok sa sarili nilang pagkatuto. Ang
Positive Discipline ay nakabatay sa mga pag-
aaral tungkol sa maayos na pag-unlad ng bata,
sa epektibong pagpapalaki ng anak, at sa mga
prinsipyong gumagabay sa karapatan ng bata.

Ang Positive Discipline ay hindi pagbibigay ng


pahintulot sa lahat ng kagustuhan ng bata.
Hindi ito tungkol sa pagpaparusa.

Ang Positive Discipline ay tungkol sa


pangmatagalang solusyon na nakatutulong sa
pagbuo at pag-unlad ang sariling disiplina ng
bata, gayundin ang iba pang mga kakayahang
POSITIVE DISCIPLINE PRIMER: IKALAWANG BAHAGI

magagamit niya sa kanyang pagtanda. Ito ay


pagtuturo ng paggalang sa kapwa, paggalang
sa sarili, at paggalang sa karapatan ng tao.
Ito ay pagtuturo ng hindi pagiging marahas sa
salita at sa gawa.

14
Ang Positive Ang Positive
Discipline ay Hindi Discipline Ay
88 Hinahayaan ang mga 99 Pagtulong sa bata na
batang gawin ang lahat unti-unting magkaroon ng
ng gusto nila kontrol sa sarili

POSITIVE DISCIPLINE: DISIPLINANG WALANG KARAHASAN


88 Kawalan ng panuntunan, 99 Pakikipag-usap nang
hangganan o inaasahan malinaw
88 Tungkol sa mabilisang 99 Pagbuo ng relasyon na
reaksyon sa mga may paggalang sa pagitan
sitwasyon ng magulang at anak
88 Pagpaparusa bukod sa 99 Pagtuturo sa bata kung
pamamalo at paninigaw paano gumawa ng
tamang desisyon
99 Pagpapalakas ng
kakayahan at tiwala ng
bata sa sarili
99 Pagtuturo ng paggalang
sa kapwa

15
Ang Positive Discipline ay isang pananaw kung
paano tuturuan ang bata ng mga pahalaga
(values) at mga ugali sa pang-araw-araw na
buhay. Pinag-iisipan muna ng magulang kung
ano ang mga nais niyang ituro sa kanyang
anak. Pinagpaplanuhan niya kung paano
niya ito ituturo nang may konsiderasyon
sa mga katangian ng bata sa iba’t-ibang
yugto ng kanyang buhay. Hinihikayat nito
ang kooperasyon ng bata sa mga gawain sa
halip na pasunurin siya sa lahat ng iutos ng
magulang. Sa ganitong paraan, naiiwasan ang
mga hindi pagkakasundo na humahantong sa
pagpaparusa (Durrant, 2013).

Paano ba ipinatutupad ang


Positive Discipline?
Ang pagsasagawa ng Positive Discipline ay
tulad ng pagpapatayo ng bahay. Kailangan may
malinaw na plano kung anong klase ng bahay
POSITIVE DISCIPLINE PRIMER: IKALAWANG BAHAGI

ang gusto mong itayo. Ito ang magsasabi kung


anong klaseng kagamitan ang iyong kailangan.
Sa pagtatayo ng bahay, kailangan ding unawain
kung ano ang mga materyales na gagamitin at
dapat ay palaging may nakahandang paraan
kung paano haharapin at lulutasin ang mga
problemang posibleng makaharap mo sa
pagpapatayo ng bahay.

16
Tulad ng pagpapatayo ng bahay, ang Positive
Discipline din ay may mahahalagang sangkap:

POSITIVE DISCIPLINE: DISIPLINANG WALANG KARAHASAN


1. Pagtukoy ng inyong pangmatagalang
layunin sa pagpapalaki ng inyong anak;
2. Pagbibigay ng kalinga at gabay;
3. Pag-unawa sa paraan ng pag-iisip at
damdamin ng mga bata; at
4. Paglutas ng mga problema.

17
POSITIVE DISCIPLINE PRIMER: IKALAWANG BAHAGI

18
Building Blocks ng Positive Discipline
1. Pagtukoy ng Pangmatagalang
Layunin
Ang pang-araw-araw na buhay ng mga
magulang ay puno ng paghanap ng mga paraan
upang makamit ang mga panandaliang layunin
tulad ng paghihikayat sa ating anak na:

• Isuot ang kanyang sapatos ngayon din


• Tumabi sa kalsada ngayon din
• Pumasok na sa loob ng bahay ngayon
din
• Tumigil sa pananakit sa kapatid ngayon
din

Ang mga ganitong pagkakataon ay


nagdudulot ng stress o ligalig o pagmamadali
sa mga magulang. Ito ay normal na reaksyon
ng sinumang tao. Kaya lang, kapag ang

POSITIVE DISCIPLINE: DISIPLINANG WALANG KARAHASAN


magulang ay dumadanas ng stress, maaaring
ang mabilisang reaksyon sa mga ganitong
pagkakataon ay humantong sa pamamalo at
paninigaw. Ang mga ganitong mabilisang tugon
ay hindi nagtuturo sa mga anak kung ano ang
nais nating matutunan nila sa pangmatagalan.

19
Ano ang nangyayari sa atin
kapag tayo ay nakararanas ng
stress?
Ang ating utak ay may mga bahaging
responsable sa iba’t ibang gawain ng buong
katawan. Ang bahaging responsable sa
pangangatwiran, pagdedesisyon, pagpaplano,
at pagtitimpi ay tinatawag na “Thinking Brain”.

Ang bahaging responsable sa mabilisang


reaksyon kung may panganib na nagdudulot
sa atin ng takot at pangamba ay tinatawag na
“Emotional Brain”.

Ang “Thinking Brain” at “Emotional


Brain” ay may koneksyon sa isa’t isa upang
hindi sa lahat ng pagkakataong may panganib
at nakadarama tayo ng takot at pangamba ay
kailangan ng mabilisang reaksyon, na siyang
gawain ng “Emotional Brain” (Durrant, Barker,
POSITIVE DISCIPLINE PRIMER: IKALAWANG BAHAGI

at Plateau, 2013).

Halimbawa, kapag ikaw ay tatawid ng daan,may


panganib na ikaw ay mabundol o masagasaan
ng mga sasakyan. Makararamdam ka ng takot
at mag-uutos ng mabilisang reaksyon ang
“Emotional Brain” tulad ng pagtakbo nang
mabilis para makatawid. Ngunit kung ikaw
ay kalmado, gagana rin ang “Thinking Brain”
para sabihan si “Emotional Brain” na tumigil

20
sandali, tumingin sa kaliwa at sa kanan, at
tumawid kapag malayo pa ang paparating na
mga sasakyan. Sa ganitong paraan, ikaw ay
nakagagawa ng desisyon na makatutulong sa

POSITIVE DISCIPLINE: DISIPLINANG WALANG KARAHASAN


iyo.

21
Ang ating kamay ay maaari nating gamitin
upang tandaan kung ano ang nagyayari sa
ating utak sa panahon ng stress. Maaari nating
ihalintulad ang mga bahagi ng ating utak sa
mga bahagi ng ating kamay:

• Apat na daliri (fingers)


xx cerebral cortex o
thinking brain
• Hinlalaki (thumb)
xx limbic system o
emotional brain
• Pulsuhan (wrist)
xx brain stem at spinal
cord

Ito ang itsura ng ating utak kapag


POSITIVE DISCIPLINE PRIMER: IKALAWANG BAHAGI

tayo ay kalmado.

Makikitang may koneksyon ang thinking


brain at emotional brain at magkasama
nilang pinag-uusapan kung may panganib
o stress at kung ano ang pinakamabuting
tugon dito.

22
Ito naman ang itsura ng ating
utak kapag napangibabawan
tayo ng stress.

Nagiging napakabilis ng reaksyon ng


emotional brain at nawawala ang
koneksyon nito sa thinking brain.
Dahil dito maaaring makagawa
tayo o makapagsabi ng mga bagay
na pagsisisihan natin kapag tayo ay
kalmado na.

Makikita sa ibaba ang mga maaari nating gawin


upang ibalik ang koneksyon ng thinking brain at
emotional brain.

Kapag tayo ay kalmado, mas makakatugon sa anumang stress

POSITIVE DISCIPLINE: DISIPLINANG WALANG KARAHASAN


sa paraan nakakatulong sa atin at hindi natin masasaktan
ang ating anak.

23
Ngunit sa panahon ng matinding stress o ligalig
tulad ng patong-patong na mga pangyayari
tulad ng matinding trapik, kakulangan sa
pera para sa mga gastusin, mga kailangang
tapusin sa trabaho, mga hindi pagkakasundo
sa pagitan ng mag-asawa/mag-partner, may
mga panahong ang “Emotional Brain” ay
napakabilis ng reaksyon at kumikilos nang
hiwalay sa “Thinking Brain.” Ito ang nagiging
dahilan kung bakit minsan sa tindi ng galit ng
magulang ay may nagagawa siya o nasasabing
hindi niya gusto sa kanyang anak na maaari
niyang pagsisihan kapag siya ay kalmado na.

Kapag ang bata ay may ginawang hindi gusto


ng magulang, ang magulang ay maaaring
makaranas ng stress. Kapag namayani ang
kanyang “Emotional Brain” ay posibleng
parusahan niya o pagsalitaan ng masasakit
ang kanyang anak. Kapag ganito ang nangyari,
ano naman kaya ang mararamdaman ng
anak? Masasaktan siya at ang pansin niya ay
POSITIVE DISCIPLINE PRIMER: IKALAWANG BAHAGI

nakatutok sa pag-iwas sa sakit. Siya rin ay


makararanas ng stress at depende sa kanyang
edad, ay maaaring hindi pa gaanong bihasa sa
pagkontrol ng kanyang emosyon. Malaki ang
posibilidad na mamamayani rin ang kanyang
“Emotional Brain” at siya ay kikilos sa paraang
hindi gusto ng magulang. Kung patuloy siyang
paparusahan, hindi mapuputol ang ganitong
paikot-ikot na pangyayari at hindi maituturo
sa bata ang kilos o ugali na gusto nating
matutunan niya.

24
Maraming mga magulang ang nagsasabi na
hindi naman nila talaga gustong saktan ang
kanilang mga anak. Nagagawa lamang nila ito
dahil sa stress.

Ano ang Dapat Gawin Kung


Nakararamdam ng Stress?
Ang stress o ligalig ay nararamdaman natin
araw-araw at hindi natin ito maiiwasan sa
lahat ng pagkakataon. Para malaman natin
kung ano ang gagawin kapag nakararanas ng
stress, mahalagang alam natin kung tayo ay
nakararamdam na ng stress.
Ano ang nangyayari sa iyong katawan?
• Bumibilis ang paghinga
• Bumibilis ang pagtibok ng puso
• Tumataas ang presyon ng dugo
• Pinagpapawisan

POSITIVE DISCIPLINE: DISIPLINANG WALANG KARAHASAN


• Pakiramdam na maiihi o mapapadumi
• Sumasakit ang ulo o tiyan
• May tensyon sa mga kalamnan o
muscles
• Nanggigigil

Ano ang nangyayari sa iyong boses?


• Tumataas o nagiging matinis ang boses
• Nanginginig kapag nagsasalita
• Lumalakas ang boses
• Hindi makapagsalita

25
Ano ang nararamdaman mo?
• Galit
• Takot
• Naiirita
• Nag-aalala
• Nauubusan ng pasensya (frustrated)

Ang mga nangyayaring ito sa ating katawan,


boses, at damdamin ang nagsasabi na tayo
ay nakadarama na ng stress. Ito ay normal
na reaksyon sa stress. Ibig sabihin, malaki ang
posibilidad na gumana ang ating “Emotional
Brain” hiwalay sa “Thinking Brain” at posibleng
kumilos tayo nang padalosdalos at hindi nag-
iisip.

Kapag ganito na ang ating nararamdaman,


mahalagang ibalik natin ang koneksyon ng
ating “Emotional Brain” sa “Thinking Brain.”
Paano? Narito ang ilan sa mga sinasabi ng
mga magulang na paraan para bumaba ang
nararamdaman nilang stress:
POSITIVE DISCIPLINE PRIMER: IKALAWANG BAHAGI

• Paghinga ng malalalim
• Pagbibilang hanggang sampu
• Pag-inom ng tubig
• Pagpapahangin sa labas
• Pakikinig sa musika
• Pakikipag-usap sa asawa/partner,
kaibigan, o sinumang malapit sa kanila

26
Kapag nakita ng ating anak na sinisikap
nating kontrolin ang ating galit, natututunan
niya sa ating halimbawa kung paano rin niya
kokontrolin ang kaniyang galit.

Kapag tayo ay kalmado, mas napapag-


isipan nating mabuti ang gagawin natin
at hindi tayo nagre-react kaagad sa
mga gawain ng ating anak na hindi natin
gusto. Maaari nating isipin kung ano nga
ba ang gusto nating ituro sa ating anak
at kung paano natin ito ituturo sa kanya.

POSITIVE DISCIPLINE: DISIPLINANG WALANG KARAHASAN

27
Ano nga ba ang gusto nating
ituro sa ating anak?
Isipin natin kung anong mga ugali ang nais
mong makuha ng iyong anak paglaki niya.
Narito ang ilan sa mga katangian at ugaling
madalas mabanggit ng mga magulang na gusto
nilang magkaroon ang kanilang mga anak:

• Malusog (healthy)
• May magandang-loob (kind)
• Mapagmahal at maalaga (caring)
• Magalang at may respeto sa kapwa
• Responsable
• Kayang magsarili / may sariling
desisyon
• Kayang pangibabawan ang mga
problema at krisis
• May pananampalataya sa Diyos
• Malakas ang loob
• Bukas ang isip
• May tiwala sa sarili
POSITIVE DISCIPLINE PRIMER: IKALAWANG BAHAGI

• May malasakit sa kapwa


• Hindi marahas

Karamihan sa mga magulang ay gustong


magkaroon ng isang relasyon sa kanilang anak
na:

• Malapit ang kalooban sa isa’t isa


• May paggalang at pagmamahal sa isa’t
isa

28
• May bukas at matapat na komunikasyon
sa isa’t isa
• May pagtitiwala sa isa’t isa
• May pagbibigay ng suporta sa isa’t isa

Ang mga ugali at katangiang ito ang ating


pangmatagalang layunin para sa ating anak.
Ito ang magbibigay sa atin ng direksyon at
gabay sa mga panahong kailangan nating
gawin ang mga panandaliang layunin. Kung
gusto na nating bumangon, maligo, magbihis,
kumain, at maghanda ang ating anak sa
pagpasok sa eskwela, at gusto rin natin siyang
maging responsable at makipag-usap nang
may paggalang sa iba, makatutulong kaya ang
pagpaparusa at paninigaw? Ang pamamalo at
paninigaw ay hindi nakatutulong makamit ang
mga pangmatagalang layunin natin.

Maaari nating tingnan ang mga pang-araw-

POSITIVE DISCIPLINE: DISIPLINANG WALANG KARAHASAN


araw na problema bilang mga oportunidad
para makamit kapwa ang ating panandaliang
layunin at pangmatagalang layunin para sa
ating anak. Halimbawa, kung alam nating hirap
bumangon kaagad sa umaga ang ating anak,
tulungan natin siyang maghanda sa gabi pa
lamang para hindi kayo nagmamadali sa umaga.
Itinuturo nito ang kahalagahan ng paghahanda
(pagiging responsable) at pakikipag-usap ng
may paggalang upang maiwasan ang hindi
pagkakasundo o conflict kung saan maaaring
kapwa kayo makapagbitiw ng masasakit na
salita.

29
2. Pagbibigay ng Kalinga at
Gabay: Mga Kagamitan sa
Pagtuturo
Kapag alam na natin kung saan tayo patungo,
maaari nating gamitin ang dalawang mabisang
kagamitan para makarating doon. Ito ay ang
pagbibigay ng Kalinga at Gabay.

Pagbibigay ng Kalinga
Bilang nakatatanda, ganado tayong sumubok,
matuto mula sa ating pagkakamali, at maging
mas mahusay sa susunod na pagkakataon kung
pakiramdam natin na sinusuportahan tayo ng
mga taong nakapaligid sa atin. Ganoon din ang
mga bata. Natututo sila kapag nararamdaman
nila na sila ay ligtas, minamahal, at may tiwala,
pag-unawa at paggalang sa kanila.
Kung ang mga bata ay natatakot sa mga taong
inaasahan nila, hindi sila ganadong sumubok ng
mga bagay-bagay, hindi gaanong nagtatapat
POSITIVE DISCIPLINE PRIMER: IKALAWANG BAHAGI

30
kung sila ay may problema, at kulang ang
tiwala sa sarili. Ang iba ay naghihinanakit at
nagiging agresibo. Ang iba naman ay laging
nag-aalala o malungkutin.

Sa kapaligirang may pagkalinga at


seguridad, nakararamdam ang mga
bata na sila ay ligtas at minamahal kahit
na sila ay nagkakamali. Nagiging mas
ganado silang matuto, nagkakaroon ng
tiwala sa sarili, at lumalakas ang kanilang
pagtitiwala sa kanilang mga magulang.
Natututunan din nila ang pagbibigay
ng konsiderasyon at paggalang sa
nararamdaman ng kanilang kapwa.
Ang isang tahanang mapagkalinga
ang pundasyon sa pagkamit ng iyong
pangmatagalang layunin.

Ano nga ba ang Kalinga?

POSITIVE DISCIPLINE: DISIPLINANG WALANG KARAHASAN


• Sinisiguro mo na ang iyong anak ay
nakararamdam na siya ay ligtas at
may seguridad
• Sinisiguro mo na nararamdaman ng
inyong anak na siya ay mahal mo
anuman ang mangyari
• Pagpapakita ng pagmamahal sa
pamamagitan ng salita at kilos
• Iniisip mo kung paano mag-isip ang
iyong anak sa kanyang edad
• Iniisip mo kung ano ang mga
pangangailangan ng iyong anak sa
kanyang edad

31
• Iniisip mo kung ano ang nararamdaman
ng iyong anak

Ang mga magulang ay nagbibigay ng kalinga


sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng:

• Pagpapakita na sila ay minamahal pa


rin kahit na sila ay nagkakamali
• Pag-alo sa kanila kung sila ay
nasasaktan o natatakot
• Pakikinig sa kanila
• Pagtingin sa mga sitwasyon mula sa
kanilang punto de bista
• Pagbibigay ng suporta kapag sila ay
nahihirapan
• Paghihikayat sa kanila kapag may
kailangang gawing mahirap na bagay
• Pagsasabi sa kanila na naniniwala tayo
sa kanila
• Pagkilala sa kanilang pagsisikap at
tagumpay
• Pagpapakita na may tiwala tayo sa
POSITIVE DISCIPLINE PRIMER: IKALAWANG BAHAGI

kanila

Ayon sa mga magulang, nagpapakita sila ng


Kalinga sa kanilang mga anak sa ganitong
paraan:

• Pagyakap at paghalik
• Pagsasabi ng “Mahal Kita”
• Pakikipaglaro o paglalaan ng panahon
para sa kanila
• Pakikinig sa kanila

32
• Pagkilala at papuri sa mga ginawa
nilang maganda at tama
• Paghihikayat sa kanila na sumubok uli
kapag nagkamali o hindi nagtagumpay
• Pag-alo sa kanila kapag sila ay
nasasaktan, nalulungkot o nag-aalala
• Pagtugon sa text, mensahe sa Facebook

POSITIVE DISCIPLINE: DISIPLINANG WALANG KARAHASAN

33
Pagbibigay ng Gabay
Bilang nakatatanda, mas matututo tayo
kung tayo ay binibigyan ng impormasyong
kailangan natin, kapag tayo ay mahinahong
kinakausap tungkol sa ating pagkakamali, at
kapag ipinapakita sa atin kung paano natin
mapapahusay ang ating gawain sa susunod na
pagkakataon.

Ang mga bata ay mas natututo rin kapag


sila ay may impormasyon, kapag sila ay
tinutulungan ng mga paraang nakatutulong
para makamit nila ang kanilang mga layunin,
at kapag naiintindihan nila ang mga dahilan ng
mga patakaran.

Ano nga ba ang Gabay?


• Pagbibigay ng pamantayan o patakaran
ng kilos at pag-uugali
• Malinaw na pagpapaliwanag ng dahilan
ng mga patakaran
• Tinutulungan mo ang iyong anak
POSITIVE DISCIPLINE PRIMER: IKALAWANG BAHAGI

na magtagumpay sa mga bagay na


kailangan at gusto niyang gawin
• Pagiging mabuting halimbawa sa iyong
anak
• Hinihikayat mo ang iyong anak na
mag-isip para sa kanyang sarili
• Magkasama kayo sa paglutas ng mga
problema

34
Kung tayo ay magtatakda ng patakaran
para sa ating mga anak na hindi natin
mismo sinusunod, o kapag inaasahan natin
silang matuto at pinaparusahan sila kapag

POSITIVE DISCIPLINE: DISIPLINANG WALANG KARAHASAN


nagkakamali, malilito sila at mag-aalala. Kapag
pinilit natin silang kumilos sa isang paraan,
hindi nila ito susundin. Kung sinasaktan natin
sila kapag sila ay nagkakamali, matatakot na
silang sumubok uli.

Ngunit kung ipapakita natin sa ating halimbawa


ang mga kilos na gusto nating gawin ng ating
mga anak, at ibibigay natin ang impormasyong
kailangan nila upang makagawa ng mahusay
na desisyon, tataas ang kanilang tiwala sa
sarili, at mapapaunlad ang kakayahan nilang
kumilos mag-isa.

35
Ang mga magulang ay nagbibigay ng gabay
para sa kanilang mga anak sa pamamagitan
ng:
• Pagpapakita ng mabuting halimbawa
• Pagpapaliwanag ng mga dahilan sa
mga patakaran
• Pagkonsulta sa mga anak sa pagbuo ng
mga patakaran
• Pakikinig sa kanilang opinyon
• Pagtulong sa kanilang ayusin ang
kanilang pagkakamali upang sila ay
matuto
• Pagpapakita sa kanila ng epekto ng
kanilang mga kilos sa ibang tao
• Madalas ng pakikipag-usap sa kanila
• Pagiging makatarungan at bukas sa
pagbabago
Ayon sa mga magulang, nagpapakita sila ng
Gabay sa kanilang mga anak sa ganitong
paraan:
• Pagbibigay sa mga anak ng tamang
impormasyon
POSITIVE DISCIPLINE PRIMER: IKALAWANG BAHAGI

• Sa halip na magalit, ipakita sa iyong


anak kung paano dapat gawin ang nais
mong gawin niya
• Pagsasabi sa kanya ng maaaring
maging resulta ng kanyang aksyon
• Pagkasunduan kung ano ang mga
dapat gawin at matapos sa loob ng
isang araw
• Pagpapakita ng mabuting halimbawa
• Pagtatakda ng malinaw na patakaran
kasama ang mga bata

36
• Paghihikayat sa mga anak na sabihin
ang kanilang opinyon at pananaw
tungkol sa mga bagay-bagay
• Pagpapaliwanag kung bakit hindi dapat
gawin ang isang bagay
• Pagsasanay sa mga anak na magkaroon
ng routine o pagkakasunod-sunod na
mga gawain sa araw-araw

3. Pag-unawa sa paraan ng
pag-iisip at damdamin ng
bata
Kung minsan inaasahan natin ang mga bata
na kumilos sa paraang lampas na sa kanilang
kakayahan. Halimbawa, inaasahan natin ang
sanggol na matulog nang tuloy-tuloy buong
magdamag o ang 3-taong gulang na umupo
nang matagal. Kung minsan iniisip natin na

POSITIVE DISCIPLINE: DISIPLINANG WALANG KARAHASAN


ang mga bata ay “matigas ang ulo” o “laki
sa layaw” kapag ayaw nilang matulog o
kapag sila ay nagwawala sa galit. Kapag ang
inaaasahan natin ay hindi tugma sa kakayahan
ng ating mga anak o kung sa tingin natin ay
sinasadya nilang suwayin ang ating gusto,
maaaring magkaroon ng hindi pagkakasundo
na mahirap lutasin dahil ito ay mula sa ating
maling paniniwala.

Kapag nakita natin ang mundo mula sa


punto de bista ng batang isang-taong gulang,
5-taong gulang o 13-taong gulang, maaari

37
nating maunawaan ang dahilan ng kanilang
mga ikinikilos. Dito lamang tayo magiging mas
epektibong magulang at guro.

Ang ating relasyon sa ating mga anak ay


nagsisimula pagkapanganak nila. Sa mga unang
buwan, binubuo natin ang tiwala ng ating mga
anak sa atin at pinapaunlad natin ang pagiging
malapit nila sa atin. Ito ang magiging batayan
ng ating relasyon sa kanila sa mga darating
na taon. Ang ating tungkulin ay magbigay ng
ligtas na kapaligiran para sa sanggol – isang
lugar kung saan mapupunan ang kanilang
mga pangangailangan, hindi sila papaluin o
yuyugyugin, kung saan sila makagagalaw
nang walang panganib, at kung saan sila
makatatanggap ng suporta at pag-alo kapag
sila ay natatakot. Kailangan nating igalang
ang kanilang mga paraan ng pagpapahayag at
ipakita sa kanila na mapagkakatiwalaan tayong
tumugon sa kanilang mga pangangailangan.
POSITIVE DISCIPLINE PRIMER: IKALAWANG BAHAGI

Habang lumalawak ang pang-unawa ng


mga bata tungkol sa kanilang kapaligiran,
maaari na tayong magsimulang magbigay ng
gabay sa isang kapaligirang may emosyonal
na seguridad. Kailangan nating tingnan ang
sitwasyon mula sa kanilang punto de bista para
makatugon tayo sa paraang makatutulong
sa kanila. Kailangan natin unawain kung ano
talaga ang nais nilang sabihin kapag umiiyak
sila, nagsasabing “hindi” o pumapadyak. Ang
tungkulin natin sa pagkakataong ito ay ipakita

38
sa kanila kung paano magpakita ng damdamin
sa tamang paraan at kung paano lutasin ang
hindi pagkakasundo nang walang pananakit.

Habang sila ay lumalaki, lumalaki rin ang


kagustuhan nilang matuto. Tinuturuan natin
sila ng respeto sa sarili kapag may paggalang
tayo kung sinasagot natin ang mga tanong
nila. Hinihikayat natin silang matuto kung
hinahayaan natin silang magsiyasat. Ipinapakita
natin sa kanila na sila ay may kakayahan
kapag binibigyan natin sila ng pagkakataong
humanap ng solusyon sa mga problema. Kapag
ang mga bata ay naniniwalang may kakayahan
sila, mas naihahanda silang pangibabawan
ang mga problemang haharapin nila sa mga
darating na taon.

Kapag pumasok na sila sa paaralan, lalong


lumalawak ang mundong ginagalawan ng

POSITIVE DISCIPLINE: DISIPLINANG WALANG KARAHASAN


bata. Ang mga batang nakita kung paano
lutasin ng mga magulang nila ang mga hindi
pagkakasundo, galit at stress nang hindi
nananakit ay mas malamang na makalulutas
ng mga hindi pagkakasundo sa maayos na
paraan. Ang mga batang may pagtingin na siya
ay mabuti, may malasakit sa kapwa, at may
kakayahan ay mas malamang na makagagawa
ng mahusay na desisyon. Ang mga batang
natutong makinig, makipag-usap at nakikitungo
sa iba nang may paggalang ay mas malamang
na kikilos tulad nito sa kanilang mga guro at
kamag-aral. Ang mga batang nakaramdam

39
ng suporta at pagtanggap mula sa kanilang
mga magulang ay mas malamang na lalapit sa
kanila para humingi ng payo at tulong.

Kasabay ng pagdadalaga at pagbibinata


ang matinding pagnanais na magsarili, ang
mga pisikal at emosyonal na pagbabago, at
matinding pagnanais na maging kabahagi
ng mga kasing-edad niya. Ang tungkulin ng
magulang sa panahong ito ay suportahan ang
pagdedesisyon ng bata habang nakabantay
para saluhin siya kung sakali. Kailangan nilang
tulungan ang mga anak na mapaunlad ang pag-
alam ng tama at mali, gayundin ang pagiging
responsable at may kakayahan. Kailangan ay
nariyan ang mga magulang para magbigay-
suporta kapag nagkamali ang kanilang
mga anak. Ang mga batang sigurado na ang
mga magulang nila ay maaasahan ay mas
malamang na makikinig sa kanilang payo. Ang
mga batang nakatanggap ng suporta at gabay
sa kanilang mga magulang ay mas malamang
POSITIVE DISCIPLINE PRIMER: IKALAWANG BAHAGI

na lumapit sa kanila bago pa man magkaroon


ng problema.

Kapag teenager na ang ating mga anak, sila ay


bumubuo na ng sarili nilang identidad. Maaaring
bigla na lamang nilang baguhin ang kanilang
pananamit, hilig sa musika, pang-akademikong
interes o plano para sa hinaharap. Kadalasan,
ang mga teenager ay sumusubok ng iba’t
ibang identidad na malayo sa identidad ng
kanilang magulang. Nakikinig sila sa musikang

40
ayaw ng kanilang mga magulang, may mga
opinyong hindi sinasang-ayunan ng kanilang
mga magulang. Sa pamamagitan ng pagiging
kakaiba sa kanilang mga magulang, unti-unti
nilang nalalaman kung sino talaga sila.

Sa huling yugtong ito ng pagkabata, ang


pagtitiwala ay lubhang mahalaga. Kailangang
malaman ng mga bata na nariyan ang mga
magulang, nagbibigay ng malinaw at tapat
na impormasyon, malinaw na ekspektasyon
at gabay, at ligtas na kapaligiran. Tulad rin ito
noong ang mga anak ay maliliit pa – kailangan
pa ring gawin ng mga magulang na ligtas ang
kapaligiran, magbigay ng impormasyon, at
suportahan ang pag-unlad ng kanilang anak sa
panahong ito. Magagawa ito sa pamamagitan
ng pagpapalakas ng relasyon ng magulang at
anak, pagbabantay sa mga gawain ng anak,
at pagpapaunlad ng kanilang kakayahang

POSITIVE DISCIPLINE: DISIPLINANG WALANG KARAHASAN


magsarili (Durrant, 2015).

4. Paglutas ng problema
Kapag natukoy na natin ang pangmatagalang
layunin bilang magulang, kapag naunawaan
na natin ang kahalagahan ng pagbibigay ng
kalinga at gabay para makamit ang layunin,
at nauunawaan na natin ang paraan ng pag-
iisip at damdamin ng ating mga anak sa iba’t
ibang edad, maaari na natin itong pagsama-
samahin kapag tumutugon sa problema gamit
ang Positive Discipline.

41
Ang pagtugon gamit ang Positive Disciplne
ay pagbibigay ng kalinga at gabay na
makatutugon sa pangangailangan ng bata sa
pag-unlad at nagtuturo sa kanila ng mga dapat
nilang malaman na dadalhin nila hanggang sa
pagtanda. Ito ay hindi tungkol sa pagpaparusa.
Ito ay paglutas ng problema. Kailangan nito ng
pag-iisip at pagsasanay.

Kapag ikaw ay nasa isang mahirap na


sitwasyon, daanan muna ang mga hakbang na
ito bago tumugon:
1. Pag-isipan kung ano ang problema
nang walang paghuhusga at paninisi.
2. Isipin ang maraming posibleng dahilan
kung bakit ganoon ang ikinilos ng
iyong anak. Pag-isipan kung ano ang
nararamdaman at naiisip niya sa
kanyang edad. Tingnan ang sitwasyon
mula sa kanyang punto de bista.
Tanungin ang sarili: Paano kaya
isasalarawan ng aking anak ang
POSITIVE DISCIPLINE PRIMER: IKALAWANG BAHAGI

sitwasyon?
3. Isipin ang iyong pangmatagalang
layunin para sa iyong anak.
4. Tandaan na ang iyong anak ay may
pangangailangang makadama ng
respeto, pang-unawa, seguridad, at
pagmamahal (Kalinga).

42
5. Tanungin ang sarili: Ano ang kailangang
Impormasyon at Gabay ng aking anak
para malutas ang problema? Ano
ang iyong magagawa sa ganitong
sitwasyon na makatutulong maabot
ang iyong pangmatagalang layunin?
6. Tumugon sa paraang nagpapakita
na ikaw ay may paggalang sa iyong
anak, nagbibigay ng impormasyong
nakatutulong makamit ang iyong
pangmatagalang layunin.

Hindi palaging madali na tumugon sa mahihirap


na sitwasyon sa paraang nakatutulong. Pero
mainam na paghandaan at planuhin kung
paano ka tutugon. At magsanay, magsanay,
magsanay.

Epektibo nga ba ang Positive


Discipline?

POSITIVE DISCIPLINE: DISIPLINANG WALANG KARAHASAN


Nakita sa mga pag-aaral na ang Positive
Discipline ay nakatutulong sa mga sumusunod:

Mas malusog na pag-unlad at kagalingan


ng bata
• Sa mga magulang na gumagamit ng mga
salitang nagpapakita ng paghihikayat at
pagbibigay-halaga sa halip na mga salitang
nakasasakit, lumalaki ang kanilang mga
anak na may mataas na pagtingin sa sarili
at may mababang antas ng pag-aalala

43
o pagiging palaaway. Nakatutulong ito
upang mas madaling umangkop ang mga
bata sa iba’t ibang sitwasyon habang sila ay
lumalaki (Dalisay, 2013; Lansford et al., 2014;
Fernandez, 2008; Maximo & Carranza, 2016;
Mirabueno & Ramirez, 2015; Pesigan et al.,
2014). Ang mga magulang na malambing at
nagpapakita ng pagmamahal sa kanilang
mga anak ay nakatutulong sa pag-unlad ng
kanilang pag-iisip; bukod sa kung ano ang
itinuturo ng mga ina sa kanilang mga anak,
mahalaga rin kung paano nila ito itinuturo
(Umali-Razon, 1981) . At bagamat ang
naturang pananaliksik ay nag-pokus sa
mga ina, ang prinsipyong ito ay angkop at
lapat din sa lahat ng mga babae at lalaki
na tumatayo bilang magulang o tagapag-
alaga ng bata.

Mas mahusay na pagtupad ng mga gawain


sa paaralan (academic performance)
• Ang mga batang may mga magulang na
POSITIVE DISCIPLINE PRIMER: IKALAWANG BAHAGI

nagpapakita ng suporta at nanghihikayat


sa kanila ay may positibong pagtingin sa
edukasyon at mas nagpapakita ng interes
na magpursigi sa pag-aaral (Duchesne &
Larose, 2007). Ang mga magulang na may
pakikilahok sa pagkatuto ng kanilang mga
anak sa pamamagitan ng pagsuporta,
pakikipag-usap sa kanila tungkol sa mga
gawain sa paaralan, at nakikipagtulungan
sa mga patakaran at inaasahan ay mas
nakatutulong na mapagbuti ang grado

44
ng kanilang mga anak. Ang positibong
epekto ng pakikilahok ng mga magulang
sa pag-aaral ng kanilang mga anak para
makatapos at makakuha ng mahusay
na grado ay makikita sa mga pamilya
mayaman man o mahirap (Bacus, 2014;
Blair, 2013; Hindin, 2005).

Mas mahusay na ugnayan sa pamilya


• Ang mga magkakapatid ay may mas
mahusay na ugnayan sa isa’t isa sa mga
pamilya kung saan ang mga magulang
ay madaling makausap at tumugon sa
mga pangangailangan ng kanilang mga
anak (Harper, 2010). Kapag ipinapakita
ng mga nakatatanda na mahusay ang
pakikipag-ugnayan nila sa ibang tao,
mas malamang na sundin ng mga anak
ang kanilang halimbawa sa sarili nilang
pakikipag-ugnayan sa mga kapamilya

POSITIVE DISCIPLINE: DISIPLINANG WALANG KARAHASAN


at iba pang kamag-anak (De Guzman,
Carlo, & Pope Edwards, 2008; Pastorelli
et al., 2016). Ang mga batang lumaki sa
pamilyang may bukas na komunikasyon sa
isa’t isa ay mas kumportableng magsabi
ng kanilang naiisip at nararamdaman sa
kanilang mga magulang. Ang resulta nito
ay mas nagsisikap silang lutasin ang mga
hindi pagkakasundo sa loob ng bahay (Qin,
2008).

45
Mga Halimbawa sa Tunay na Buhay
Maria Hilda Catubay, Ina

Si Hilda ay ina ng 10-taong gulang na batang babae at


3-taong gulang na batang lalaki. Hiwalay na sila ng kanyang
asawa at wala siyang permanenteng hanapbuhay. Kumikita
siya sa pamamagitan ng mga trabahong nakukuha niya mula
sa impormasyon mula sa mga kaibigan, kapitbahay, at mga
kakilala. Hindi siya makakuha ng permanenteng trabaho dahil
hindi pa niya maiwan ang kanyang bunso.

Ayon kay Hilda, malapit din sa kanya ang kanyang mg anak


pero hindi gaano. Noon kasing naging ina siya, naging napaka-
istrikto niya sa kanyang panganay at lagi niya itong napapalo.

Nang una niyang marinig ang tungkol sa Positive Discipline,


hindi siya gaanong kumbinsido. Sa tingin niya ay lalong sasama
ang ugali ng mga bata kapag hindi sila pinarusahan. Matapos
ang kuwentuhan nila ng isang kaibigan, sinabi sa kanya ng
kanyang panganay, “Alam mo Ma, ang sakit talaga pag
POSITIVE DISCIPLINE PRIMER: IKALAWANG BAHAGI

pinapalo mo ako.”

Ayaw niyang pakinggan ang kanyang anak noong una. Isang


araw, habang binubuklat niya ang kanyang notebook kung
saan nakasulat ang mga listahan ng dapat niyang gawin sa
bawat araw, nakita niya ang isinulat ng kanyang anak, “Alam
mo, Ma, masarap matulog ‘pag hindi mo ako pinapalo.”

Hindi madali sa kanyang magbago mula sa pamamalo tungo


sa Positive Discipline. Nagbago ang lahat nang pinag-uusapan
nila ng isang kapitbahay ang anak nito na naglayas at maagang

46
nagkaanak. Ang batang iyon ay nakaranas din ng pagpaparusa.
Nag-alala si Hilda na baka ganoon din ang kahihinatnan ng
kanyang anak na malapit nang magdalaga. Paano kung siya
rin ay maglayas? Paano kung mabuntis siya sa maagang edad?
Hindi ito ang gusto niyang mangyari sa kanilang mag-ina.
Noon siya nagdesisyong subukan ang Positive Discipline.

Sa umpisa, hirap na hirap siyang maging malumanay at


mahinahon. Ibang-iba ito sa kanyang ugali at personalidad
dahil madali siyang magalit. Unti-unting nagbago ang lahat.
Kapag may nagawang pagkakamali ang kanyang anak na
babae, sinasabi nito sa kanya, “Huwag kang mag-alala, Ma,
pagbubutihan ko sa susunod.”

“Sa totoo lang, mas mahusay ang relasyon namin ngayon. Ang
anak ko, mas may tiwala sa sarili. Nagkaroon siya ng maraming
kaibigan. Lagi siyang nagkukuwento sa akin. Pinapaalala niya
sa akin kung nakikita niyang baka may gawin akong hindi
maganda. Kung positibo ang tingin mo sa ginagawa ng bata,
walang dahilan para ka magalit.” Naging madali para kay

POSITIVE DISCIPLINE: DISIPLINANG WALANG KARAHASAN


Hilda na maipaliwanag sa kanyang panganay kung ano ang
kanyang inaasahan mula sa kanya. Naging mas bukas naman
ito kapag sa tingin niya ay napakahirap ng mga ipinagagawa
sa kanya. Ikinukuwento niya ang kanyang mga ginagawa sa
buong araw at wala siyang isinisikreto sa kanyang ina.

Kung minsan, nagsisisi si Hilda sa mga ginawa niyang


pagpaparusa sa anak noong una pero gumagaan ang
pakiramdam niya dahil sa ngayon ay maganda na ang
kanilang relasyon. “Ang bunso ko, hindi ko pinapalo. Kapag
aalis ako, sinasabi niya, ‘Ingat, Ma, I love you! I miss you!’ kahit
sa palengke lang ako pupunta.”

47
Peter Mallonga, Ama

Si Peter Mallonga ay ama ng 15-taong gulang na lalaki at


23-taong gulang na babae. Siya rin ay School Administrator
ng Infant Jesus Academy sa Marikina, Antipolo, at Kalibo,
Aklan. Matapos siyang dumalo sa isang pagsasanay tungkol sa
Positive Discipline ay nakaramdam siya ng pagsisisi kung paano
siya nakikitungo sa kanyang mga anak. Noong umuwi siya,
tinanong niya sa mga anak niya kung naaalala nila ang mga
panahong sila ay pinarusahan niya. Sinabi nilang naaalala nila
kung gaano kasakit ang parusa pero hindi na nila natatandaan
ang dahilan kung bakit sila pinarusahan.

Nakita niya na mali pala ang kanyang ginawa at humingi


siya ng paumanhin sa kanyang mga anak. Naisip niyang
importanteng makita ng kanyang mga anak na seryoso siyang
magbago. Alam niyang hindi niya mababago kaagad-agad
ang kanyang mga nakasanayan. Hiniling niya sa kanyang mga
anak na kapag siya ay nagalit at malamang na makapagsalita
nang masasakit sa kanila, na ipaalala sa kanya, “Papa, Positive
Discipline!”
POSITIVE DISCIPLINE PRIMER: IKALAWANG BAHAGI

“Ngayon kapag lumalapit sila sa akin, ikinukuwento nila kung


ano ang mga naiisip nila, sinasabi nila sa akin kung ano ang
nagpapalungkot sa kanila, ang kanilang mga problema, at ang
masasayang nangyari sa kanila. Ito ay mga bagay na hindi ko
naranasan sa sarili kong mga magulang.”

48
Zaida Padullo, School Principal
Judge Feliciano Belmonte Sr. High School

Naniniwala si Principal Zaida Padullo na dapat siyang maging


istrikto sa kanyang mga estudyante sa High School. Sa unang
araw niya sa paaralan bilang principal, pinatalsik niya ang 16
na estudyante na nahuli niyang nakikipag-away sa eskwelahan.

Subalit noong 2006, isa sa kanyang mga estudyante ang


namatay dahil sa labis na pambubugbog na dinanas nito
sa kanyang ina. “Grabe ang epekto nito sa akin,” sabi niya.
Nangako siya sa sarili, “Hindi na kailanman mamamatay ang
kahit sinong estudyante ko dahil sa pambubugbog. Pagkatapos
noon ay niyakap ko na ang Positive Discipline.”

Dumalo siya sa isang pagsasanay bilang Positive Discipline


Facilitator at sinikap niyang maturuan ng Positive Discipline
ang lahat ng 200 guro sa kanyang high school.

“Noong nagsimula akong magpatupad ng Positive Discipline

POSITIVE DISCIPLINE: DISIPLINANG WALANG KARAHASAN


sa Judge Feliciano Belmonte Sr. High School, ito ay ika-45
sa 46 na high school sa Quezon City pagdating sa academic
performance. Pagkatapos ng isang taon, ang high school namin
ay naging ika-20 na at sa dalawang magkasunod na taon ay
ika-3 na. Epektibo ang Positive Discipline at kaya natin itong
gawin.”

Saan ako makakakuha ng suporta o karagdagang


impormasyon tungkol sa Positive Discipline?

Para sa libreng kopya ng librong Positive Discipline in Everyday


Parenting, bisitahin ang website:
https://resourcecentre.savethechildren.net/library/positive-discipline-
everyday-parenting-pdep-fourth-edition

49
REFERENCES
1. Alampay, L.P. (2014). Parenting in the Philippines. In H. Selin and P.
Schvaneveldt (Eds.), Parenting Across Cultures: Childrearing, Motherhood
and Fatherhood in Non-Western Cultures. The Netherlands: Springer.
2. Alampay, L.P. and Jocson, R.M. (2011). Attrubutions and Attitudes of
Mothers and Fathers in the Philippines, Parent Sci. Pract. 2001 July 29;
11 (2-3): 163-176.
3. Alampay, L. P., Godwin, J., Lansford, J. E., Bombi, A. S., Bornstein, M. H.,
Chang, L., Deater-Deckard, K., Di Giunta, L., Dodge, K., Malone, P. S.,
Oburu, P., Pastorelli, C., Skinner, A.T., Sorbing, E., Tapanya, S., Uribe
Tirado, L. M., Zelli, A., Al-Hassan, S., and Bacchini, D. (2017). Severity and
justness do not moderate the relation between corporal punishment
and negative child outcomes: A multicultural and longitudinal study.
International Journal of Behavioral Development, 0165025417697852.
4. Children are unbeatable. (n.d.). Why do we need full legal reform to end
all corporal punishment. Retrieved from http://nospank.net/endallcp.htm
5. Council for the Welfare of Children & UNICEF Philippines (2016).
National baseline study on violence against children: Philippines:
Executive Summary. Manila, Philippines: Author.
6. Council for the Welfare of Children & UNICEF Philippines (2017).
Philippine Plan of Action to End Violence against Children. Manila,
Philippines.
7. Dalisay, M.G. (2013). Parenting styles and self-esteem among criminology
students of Lyceum of the Philippines University-Batangas. Graduate
School Research Journal, 7(2), 37-46.
8. De Leon, M.P.E. (2012). Methods and Practice of Urban Filipino Parents
in Promoting Mabuting Asal among Preschool Children, Social Science
Diliman, July - December 2012 8:2 41-66.
9. De Guzman, M.R.T., Carlo, G., & Pope Edwards, C. (2008). Prosocial
behaviors in context: Examining the role of children’s social companions.
International Journal of Behavioral Development, 32(6), 522-530
10. Dela Cruz, M. T., Protacio, E., Balanon, F., Yacat, J., & Francisco, C. (2001).
Trust and power: child abuse in the eyes of the child and the parent.
POSITIVE DISCIPLINE PRIMER

Manila: Save the Children UK & United Nations Children’s Fund.


11. Duchesne, S., & Larose, S. (2007). Adolescent Parental Attachment and
Academic Motivation and Performance in Early Adolescence. Journal of
Applied Social Psychology, 37(7), 1501-1521.
12. Durrant, J.E. (2000). A generation without smacking: The impact of
Sweden’s ban on physical punishment. London: Save the Children.

50
13. Durrant, J. E. (2013). Positive discipline in everyday parenting. Third
Edition. Stockholm: Save the Children Sweden.
14. Durrant, J. E. (2015) Positive Discipline in Everyday Parenting Primer.
Stockholm: Save the Children Sweden.
15. Durrant, J. E., Barker, L. A. and Plateau, D. P. (2014). Positive Discipline
in Everyday Parenting: A Manual for Parent Program Facilitators.
Unpublished manuscript. Save the Children.
16. Durrant, J.E. & Janson, S. (2005). Law reform, corporal punishment, and
child abuse: The case of Sweden. International Review of Victimology,
12(1), 139-158.
17. Fernandez, K. G. (2008). Motivation as a mediating variable between
parental support and anxiety. Philippine Journal of Psychology, 41(1).
18. Fréchette, S., Zoratti, M., & Romano, E. (2015). What is the link between
corporal punishment and child physical abuse? Journal of Family
Violence, 30(2), 135-148.
19. Gershoff, E. T. (2002). Corporal punishment by parents and associated
child behaviors and experiences: a meta-analytic and theoretical review.
Psychological bulletin, 128(4), 539.
20. Gershoff, E. T., & Grogan-Kaylor, A. (2016). Spanking and child outcomes:
Old controversies and new meta-analyses. Journal of Family Psychology,
30(4), 453-469.
21. Global Initiative to End All Corporal Punishment of Children (2015).
The positive impact of prohibition of corporal punishment on
children’s lives: messages from research. Retrieved from: http://www.
endcorporalpunishment.org/ assets/pdfs/research-summaries/Summary-
of-research-impact-of-prohibition.pdf
22. Global Initiative to End All Corporal Punishment of Children (June
2017). Country report for Philippines. Retrieved from http://www.
endcorporalpunishment.org/progress/country-reports/philippines.html
23. Harper, S. E. (2010). Exploring the role of Filipino fathers: Paternal
behaviors and child outcomes. Journal of Family Issues, 31(1), 66-89.
24. Hindin, M. J. (2005). Family dynamics, gender differences and educational
attainment in Filipino adolescents. Journal of adolescence, 28(3), 299-
316.
25. Lansford, J. E., Alampay, L. P., Al-Hassan, S., Bacchini, D., Bombi, A. S.,
Bornstein, M. H., Chang, L., Deater-Deckard, K., Di Guinta, L., Dodge, K.,
Oburu, P., Pastorelli, C., Runyan, D., Skinner, A., Sorbring, E., Sombat, T.,
Tirado, L. M. U., & Zelli, A. (2010). Corporal punishment of children in nine
countries as a function of child gender and parent gender. International
journal of pediatrics, 2010. doi: 10.1155/2010/672780.
REFERENCES

51
26. Lansford, J. E., Sharma, C., Malone, P. S., Woodlief, D., Dodge, K. A., Oburu,
P., Pastorelli, C., Skinner, A.T., Sorbing, E., Tapanya, S., Tirado, L. M. U.,
A.S.,Zelli, Al-Hassan, S., Alampay, L.P., Bacchini, D., Bombi, A. S., Bornstein,
M. H., Chang, L., Deater-Deckard, K., & Di Guinta, L. (2014). Corporal
punishment, maternal warmth, and child adjustment: A longitudinal study
in eight countries. Journal of Clinical Child & Adolescent Psychology,
43(4), 670-685.
27. Maximo, S. I., & Carranza, J. S. (2016). Parental attachment and love
language as determinants of resilience among graduating university
students. SAGE Open, 6(1), 2158244015622800.
28. Mirabueno, J. V. R. & Ramirez, G. A. (2015). The relationship between
parenting styles and the self-concept of adolescents. (Unpublished
master’s thesis). University of the Philippines Diliman, Quezon City,
Philippines.
29. Modig, C., Janson, S., & Långberg, B. (2011). Never violence-thirty years
on from Sweden’s Abolition of Corporal Punishment. Government
Offices of Sweden & Save the Children.
30. Ochoa, D.P. (2014). Parental socialization of moral behaviors in the
context of poverty. Philippine Journal of Psychology, 47(1), 41-72.
31. Pastorelli, C., Lansford, J. E., Luengo Kanacri, B. P., Malone, P. S., Di Giunta,
L., Bacchini, D., Bombi, A.S., Zelli, A., Miranda, M.C., Bornstein, M.H.,
Tapanya, S., Uribe Tirado L.M., Alampay, L.P., Al-Hassan, S.M., Chang,
L., Deater-Deckard, K., Dodge, K.A., Oburu, P., Skinner, A.T., & Sorbing,
E. (2016). Positive parenting and children’s prosocial behavior in eight
countries. Journal of Child Psychology and Psychiatry, 57(7), 824-834.
32. Pesigan, I. J. A., Luyckx, K., & Alampay, L. P. (2014). Brief report: Identity
processes in Filipino late adolescents and young adults: Parental
influences and mental health outcomes. Journal of adolescence, 37(5),
599-604.
33. Pinheiro, Paulo Sergio (2006).World Report on Violence against Children.
Geneva, Switzerland: United Nations Secretary-General’s Study on
Violence against Children.
34. Positive Discipline of Children Act of 2017, HB 4907, 17th Congress.
(2017).
35. Protacio-de Castro E. (2003). Negotiating trust and power: Parenting
POSITIVE DISCIPLINE PRIMER

in the context of conflict resolution. Psychosocial Trauma and Human


Rights Program, Center for Integrative and Development Studies,
University of the Philippines, Quezon City; Save the Children. Retrieved
from http://web.archive.org/web/20060823191315/www.childprotection.
org.ph/monthlyfeatures/mar2k5b.doc
36. Pulse Asia, Inc. (2011). Pulse Asia’s Ulat ng Bayan Survey, November 10-
23, 2011.

52
37. Qin, D. B. (2008). Doing well vs. feeling well: Understanding family
dynamics and the psychological adjustment of Chinese immigrant
adolescents. Journal of Youth and Adolescence, 37(1), 22-35.
38. Sanapo, M. S., & Nakamura, Y. (2011). Gender and physical punishment:
The Filipino children’s experience. Child Abuse Review, 20(1), 39-56
39. Save the Children United Kingdom (2006). Philippine Laws related to the
Discipline and Punishment of Children. Quezon City, Philippines: Save the
Children United Kingdom.
40. Save the Children Sweden (2008). Corporal Punishment in the Philippines.
Quezon City: Author.
41. The United Nations. (1989). Convention on the Rights of the Child.
Treaty Series, 1577, 3.
42. Umali-Razon, P. G. (1981). Child rearing practices of Filipino urban
mothers: Relationship to children’s cognitive development. Philippine
Journal of Psychology, 14(1).
43. Universal Declaration of Human Rights – Filinpino (Tagalog). http://
www.ohchr.org/EN/UDHR/Pages/Language.aspx?LangID=tgl
44. UN Committee on the Rights of the Child (CRC). 2007. General comment
No. 8 (2006): The Right of the Child to Protection from Corporal
Punishment and Other Cruel or Degrading Forms of Punishment (Arts.
19;28, Para 2; and 37, inter alia), p. 4. Retrieved from http://www.refworld.
org/docid/460bc7772.html
45. UN Committee on the Rights of the Child (CRC). 2009. Consideration of
Reports Submitted by States Parties Under Article 44 of the Convention
Concluding observations: The Philippines. Retrieved from http://www2.
ohchr.org/english/bodies/crc/docs/co/CRC-C-PHL-CO4.pdf
46. UN Committee on the Rights of the Child (CRC). 2011. General
comment No. 13: The right of the child to freedom from all forms of
violence. Retrieved from http://www.refworld.org/docid/4e6da4922.html
47. UN Office of the High Commissioner for Human Rights. (2009). The
Philippines and the Convention on the Rights of the Child. Retrieved
from http://bangkok.ohchr.org/news/crc.aspx.
REFERENCES

53
Ano nga ba ang Positive Discipline? Bakit kailangan nito? Epektibo ba ito?
Kaya ba itong gawin ng mga magulang mula sa mahirap na pamilya? Ito ay
ilan lamang sa mga tanong ng mga magulang kapag Positive Discipline ang
pinag-uusapan.

Maraming naniniwala na kailangang saktan at takutin ang bata para magtanda


at matuto. Totoo kaya ito?

Ang “Positive Discipline: Isang Praymer para sa Magulang at


Tagapag-alaga” ay ginawa upang pag-isipan at sagutin ang mga ito. Bilang
mga magulang at tagapag-alaga, lagi tayong naghahanap ng mga paraan para
maturuan natin ang ating mga anak at ang mga bata sa ating pangangalaga.

Hinihikayat ang lahat na basahin at subukan ang Positive Discipline.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming Facebook page:


www.facebook.com/groups/IPracticePositiveDiscipline
at www.facebook.com/parentinghotline

You might also like