You are on page 1of 5

68

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Markahan 1

CapSLET
Capsulized Self-Learning
Empowerment Toolkit

Schools Division Office of Zamboanga City


Region IX, Zamboanga Peninsula
Zamboanga City

HINDI IPINAGBIBILI
Para sa Tanging Gamit ng Sangay ng Lungsod ng Zamboanga

“Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede!”


ASIGNATURA AT
EsP 8 MARKAHAN 1 LINGGO 3 ARAW
BAITANG
CODE EsP8PBIc-2.2
Nasusuri ang mga banta sa pamilyang Pilipino sa pagbibigay ng edukasyon,
KASANAYANG
PAMPAGKATUTO
paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya.

PANGKALAHATANG PANUTO: Huwag sulatan ang kagamitang ito. Isulat ang inyong sagot sa
inilaang Sagutang Papel para sa Pagsasanay at Pagtatasa.

ARALIN NATIN
Layunin : Natutukoy ang mga banta sa pamilyang Pilipino sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa
pagpapasya at paghubog ng pananampalataya.
Paksa: Ang mga Banta sa Pamilyang Pilipino
Tunghayan/suriin ang larawan at basahin ang teksto. Pagkatapos, tukuyin ang mga banta sa
pamilyang Pilipino.
Sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan, mahalagang
handa ang mga anak na harapin ang anumang hamon na
inihahain nito. Magagawa lamang nila ang mga ito kung
naihanda sila ng kanilang mga magulang gamit ang mga
pagpapahalagang naituro sa kanila sa tahanan bilang sandata
at kalasag. Ang pornograpiya, droga, maruming pulitika, peer
pressure, at iba pa, ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga
sitwasyong kahaharapin ng isang anak sa lipunan.
Hindi madali ang pagganap sa mga tungkulin ng pamilya para
sa mga kasapi nito. Lalo na mayroong mga banta sa pamilyang Pilipino na dapat ay malampasan.
Suriin ang mga sumusunod (kawikaan).
 Kung ang isang bata ay namumuhay sa pamumuna o sa pamimintas, natututo siyang maging
mapanghusga.
 Kung ang isang bata ay namumuhay sa katiwasayan, natututo siyang maniwala sa kaniyang
sarili.
 Kung ang isang bata ay namumuhay sa poot, natututo siyang lumaban.
 Kung ang isang bata ay namumuhay sa pagtanggap, natututo siyang magmahal.
 Kung ang isang bata ay namumuhay sa takot, palagi siyang mababalot ng pag-aalala.
 Kung ang isang bata ay namumuhay sa pagkilala, natututo siyang bumuo ng layunin sa buhay.
 Kung ang isang bata ay namumuhay sa awa, palaging may awa sa kaniyang sarili.
 Kung ang isang bata ay namumuhay sa papuri, natututuhan niyang magustuhan ang kaniyang
sarili.
 Kung ang isang bata ay namumuhay sa selos, natututo siyang palaging makaramdam ng
pagkakasala.
 Kung ang isang bata ay namumuhay sa pakikipagkaibigan, natututuhan niya na masarap
mabuhay sa napakagandang mundo.

“Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede!”


Pagtatasa ng Pagkatuto1: Ano-ano ang mga banta sa pamilyang Pilipino batay sa tekstong
binasa?
Pagtatasa ng Pagkatuto2: Ano ang iyong kuro-kuro sa kawikaang binasa?

Sanayin Natin! (Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)

Panuto: Sagutin ang tanong gamit ang katulad na tsart sa ibaba.

Mga Banta sa Pamilyang Paano ito malalampasan? Ano ang magiging bunga nito
Pilipino sa pamilyang Pilipino?
A. Pagbibigay ng Edukasyon
Hal.
Dahil sa kahirapan ay Magtulong-tulong ang Magiging mulat ang
napipilitan maghanap buhay lahat ng kasapi ng lahat ng kasapi na
ang ama at ina kaya pamilya upang mahalagang gampanan
nababawasan ang kanilang matulungan ang mga nila ang kanilang mga
panahon sa pagbabantay ng magulang sa kanilang tungkulin sa pamilya
kanilang mga anak at sa mga gampanin sa upang mapunan ang
pagtuturo sa kanila ng mga pagtuturo sa mga anak, pagkukulang ng mga
mabuting asal. lalo na ang mga magulang bunga ng
nakatatandang miyembro kanilang
ng pamilya. pagsasakripisyo para
matugunan ang
pangunahing
pangangailangan ng
pamilya.
B. Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pasiya

C. Paghubog ng pananampalataya

TANDAAN
Mahahalagang Konsepto

 Ang karapatan para sa edukasyon ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan. Ito ang
dahilan kung bakit ang mga magulang ang itinuturing na una at pangunahing guro ng mga
anak sa tahanan.
 Pangunahing dapat na ituro ng magulang sa kanilang mga anak ang wastong paggamit ng
kalayaan sa mga materyal na bagay.
 Mahalagang maunawaan na wala pa ring makahihigit sa pagtuturo sa pamamagitan ng
pagpapakita ng Halimbawa. Ang halimbawa ang pundasyon ng impluwensya. Ang mga bagay
na nakikita ng mga bata na ginagawa ng kanilang mga magulang, ang mga salita na kanilang
naririnig sa mga ito, at ang paraan ng kanilang pag-iisip ang tunay na makaiimpluwensya sa
kanilang mga iisipin, sasabihin, at isasagawa.

“Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede!”


SUBUKIN NATIN
Sukatin ang iyong natutuhan!
(Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)
A. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot at isulat sa bawat patlang.

Kaibigan Halimbawa Banta


Kahirapan Social Media
Simple Takot Magulang

____________ 1. Ang mga _________ ang itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak
sa tahanan.
____________ 2. Stratehiya ng magulang upang maturuuan ang mga anak na mabuting
pagpapahalaga sa bawat salita at kilos ay pagpapakita ng ___________.
____________ 3. Ito ay maaaring maging banta sa misyon ng pamilyang pilipino sa pagbibigay
ng edukasyon , paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya.
____________ 4. Upang maisaisip ng mga bata na na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at
hindi sa kung anong meron siya dapat siyang mamuhay ng _______
____________ 5. Sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan, mahalagang handa ang mga kabataan
na harapin ang anumang _________ na maaaring maging balakid kung hindi
nya ito malalampasan.

B. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Ilagay ang Tama sa patlang kung ang
sinasaad ay tama at isulat ang Mali kung ang sinasaad ay mali.
____________ 1. Maaaring manggagaling sa barkada ang masamang impluwensya.
____________ 2. Itinuturing na una at pangunahin ang guro, dahil sa kanila nakasalalay ang
pundasyon ng mga bata sa paglaki.
____________ 3. Karapatan ng mga bata na makapag-aral.
____________ 4. Ang modernong teknolohiya ay walang epekto sa pamilyang Pilipino.
____________ 5. Upang lumaki ng mabuti ang mga bata ay dapat malaya sila laban sa batas
na pinapatupad sa bahay at paaralan.

Huling Paalala: Pagkatapos mo sa gawaing ito, ibigay sa iyong guro ang sagutang papel para sa
mga pagsasanay at pagtatasa at kumuha ng panibagong CapSLET.

- DepEd. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 8: Modyul para sa mag-aaral.


(Modyul 2 pp. 40-42 ). FEP Printing Corporation.
Sanggunian
- Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes.
- https://images.app.goo.gl/mENN8Fgw4b65HpqH9

“Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede!”


This learning resource contains copyrighted materials. The use of which has not
been specifically authorized by the copyright owner. We are making this learning
resource in our efforts to provide printed and e-copy learning resources available for
the learners in reference to the learning continuity plan of this division in this time
DISCLAIMER:
of pandemic. This LR is produced and distributed locally without profit and will be
used for educational purposes only. No malicious infringement is intended by the
writer. Credits and respect to the original creator/owner of the materials found in
this learning resource.

Inihanda ni:

DELMAR P. TAHIL
Zamboanga National High School West

“Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede!”

You might also like