You are on page 1of 16

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan-Modyul 4
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng
Edukasyon, Paggabay sa Pagpapasya,
at Paghubog ng Pananampalataya
Edukasyon sa Pagpapakatao Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan Modyul 2: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon,
Paggabay sa Pagpapasya at Paghubog ng Pananampalataya.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Maricel C. Dano, Leah F. Cabaya, Cherie Mae V. Hermoso
Editor: Albert R. Antipuesto
Tagasuri: Vicentina B. Acuña
Tagaguhit: Maricel C. Dano, Leah F. Cabaya, Cherie Mae V. Hermoso
Tagalapat: Albert R. Antipuesto
Tagadesinyo ng Takip-Sining: Reggie D. Galindez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV- Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V-Assistant Regional Director
Omar A. Obas,CESO V-Schools Division Superintendent
Jasmin P. Isla-Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo P. Tingson Jr.-REPS,LRMS
Peter Van C. Ang-ug - REPS,ADM
Cynthia Diaz - REPS, Subject Area Supervisor
Meilrose B. Peralta,Ed.D. CID Chief
Hazel G. Aparece, Ed.D.-Division EPS In-Charge of LRMS
Antonio R. Pasigado Jr.- Division ADM Coordinator
Vicetina B. Acuña- Division Subject Area Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon- Rehiyon ng SOCCSKSARGEN

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon XII


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self- Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa


ating mag- aaral sa kanilang pag-
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o
kung sinumang gagabay at tutulong sa pag- aaral ng mga mag- aaral sa kani- kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman


ng mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag- aaral na ingatan ang SLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag- ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makraranas ng suliranin sa pag- unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Sa nakaraang aralin ay natutunan mo ang tungkol sa mga banta sa pamilya at


mga gawi o karanasan tungkol sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya
at paghubog ng pananampalataya. Nabanggit sa araling ito na ang mga magulang ay
may malaking gampanin sa loob ng pamilya na kailangang gampanan upang
maiwasan ang mga possibleng maging banta sa bawat kasapi nito. Isa sa naging
banta ay ang kahirapan na siyang tinuturing kalimitan ng mga magulang na malaking
hadlang upang makapagtapos ang mga anak. Natalakay din sa aralin na ito kung
paano gabayan ng mga magulang ang mga anak sa paggawa ng mabuting
pagpapasiya. Binigyan diin dito na ang pagsisisi ay bunga ng maling pagpili o
pagpapasya. Ang pagkakaroon ng kakayahan sa mabuting pagpapasya ay bunga ng
karunungan at pagpapahalagang naitanim ng mga magulang sa kanilang mga anak
noong sila ay bata pa lamang.

Kumusta ka at ang iyong pamilya? Nakita at naramdaman mo ba ang


pagmamahal at kung gaano ka kahalaga sa kanila? Napaparamdam ba nila kung
gaano ka espesyal at naparamdam mo rin ba kung gaano sila kahalaga para sayo?

Sa modyul na ito ay naipaliliwanag


pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya.

Kailan mo ba huling narinig na nagbigay-payo sa iyo ang iyong mga magulang,


matatandaan mo pa ba kung ilang beses ka ginabayan nila upang ikaw ay makagawa
ng tamang pagpapasya at kailan kayo huling nagsimba o nanalangin kasama ang
buong pamilya? Titingnan natin kung paano isinasagawa ng mga magulang ang
pagpapahalaga sa edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog ng
pananampalataya para sa kanilang pamilya at sa huli ay sasagutin natin ang
mahalagang tanong na: Paano matitiyak ang tagumpay ng pagsasakatuparan ng
mga misyon ng pamilya sa kanilang mga anak?

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman,


kakayahan, at pag-unawa:
1. Naipaliliwanag na: Bukod sa paglalang ay may pananagutan ang mga
magulang na bigyan ng maayos na edukasyon ang kanilang mga anak,
gabayan sa pagpapasya at hubugin sa pananampalataya. Ang karapatan at
tungkulin ng mga magulang na magbigay ng edukasyon ang bukod-tangi at
pinakamahalagang gampanin ng mga magulang.

2. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga gawi


sa pag-aaral at pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya.

1
Subukin
Paunang Pagtataya (Pre- Test)

A. Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot sa mga sumusunod na


pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon at isulat
ito sa patlang bago ang bilang.

A. edukasyon at pananampalataya
B.may pinakamahalagang papel sa buhay ng mga anak
C. karapatan para sa edukasyon
D. Diyos ang sentro ng buhay
E. mabuting pagpapasya

________1. Ang kabataan ay ginagabayan ng pamilya sa pamamagitan ng


pagbibigay ng pagpapahalaga sa___________.
________2. Isa sa dapat bigyang gabay ng mga magulang ay ang___________
ng mga anak para sa pagpili ng desisyon sa buhay.
________3. Kinakailangang bigyang pansin ng mga magulang ang mga
karapatan ng mga anak, isa na dito ang ____________ para sa
paghahanda ng kanilang kinabukasan.
________4. Ang matiwasay at magandang pagsasama ng pamilya ay may
pagmamahalan at _________________.
________5. Ang pagkasira ng pamilya ay nagdulot din ng pagkasira ng
buhay ng anak dahil ang pamilya ay tinuring na _________.

B. Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay nagsasaad ng gampanin o


pananagutan ng mga magulang sa pamilya at Mali kung hindi
nagpapakita.

________6. Ang mga magulang ay nagsisilbing modelo sa kanilang mga anak


lalong- lalo na sa usaping pananampalataya.

________7. Gampanin ng mga magulang na mabigyan ng edukasyon ang


mga anak bilang paghahanda sa kanilang kinabukasan.

________8. Ang mga magulang ang tinuturing na gabay para sa mabuting


pagpapasya ng mga anak.

________9. Ang mga magulang ay maagang nakikitang nakikipagtsismisan


at nakikipagsugalan sa kapitbahay.

________10. Isa sa mga gampanin ng magulang ay turuan ang mga


anak kung paano uminom ng alak at manigarilyo.

2
Ang Misyon ng Pamilya sa
Pagbibigay ng Edukasyon,
Aralin
Paggabay sa Pagpapasya, at
2
Paghubog ng
Pananampalataya
Sa araling ito ay makikilala mo ang mga gawi o karanasan sa sariling pamilya na
nagpapakita ng pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog ng
pananampalataya. Tatalakayin din sa araling ito ang mga banta na dapat malampasan
ng pamilya tungo sa pagkakaroon ng isang masaya at matiwasay na pagsasama.

Balikan

Handa ka na ba?

Bago natin sisimulan ang ating talakayan, magkaroon muna tayo ng isang gawain.

A. Isulat sa bawat piraso ng metastrip/papel ang mahahalagang gampanin


ng pamilya para sa lahat ng kasapi nito. AKO muna ang magbibigay ng
unang halimbawa ng mahalagang gampanin ng pamilya. Ngayon naman,
ikaw na ang sunod na gumawa!

tahanan

B. Suriin ang larawang nasa ilalim at sagutin ang mga katanungang naka
handa.

Halaw sa:Larawan ng manunulat

3
1. Ano ba ang kahalagahan ng edukasyon?
2. Bakit mahalagang mabigyan ng pansin ng mga magulang ang
pagbibigay halaga sa edukasyon?
3. Paano nakatutulong ang magulang sa pagkamit ng maayos na
edukasyon at magandang kinabukasan ng mga anak?

Mga Tala para sa Guro

4
Tuklasin

A. Kapag May Tiyaga

Halaw sa: Larawan ng manunulat

Ang kuwentong ito ay hango sa tunay na buhay ng isa sa mga manunulat


ng modyul na ito na hindi ininda ang kahirapan upang makamit ang tamis ng
tagumpay.

Siya si Leah, anak nina G. at Gng. Jay Cabaya, panganay sa tatlong


magkakapatid at kabilang sa hikahos na pamilya. Sa murang edad ay namulat
na siya sa kahirapan ng buhay. Siya ay may malawak na imahinasyon at may
matayog na pangarap para sa kanyang pamilya.

Kahit malabong mangyari ang kanyang pangarap, hindi siya tumigil sa


pakikipagsapalaran. Pinasok niya ang pag-aaral at pagtatrabaho kahit mahirap
pagsabayin ang dalawa. Ngunit kahit gaano kahirap ang kanyang naranasan,
siya ay matiyagang nagdoble kayod para sa kanyang minimithing pangarap.
Mas pinagbutihan niya ang kanyang pag-aaral at ginawang hamon ang
kanyang kapatid na maagang nabuntis.

Matapos ang maraming taong paghihirap ay nakamit ni Leah ang


kanyang pangarap sa buhay. Unti-unting naaahon sa kahirapan ang kanyang
pamilya. Kahit gaano pa man kahirap ang buhay kung may pagsisikap at
pagtitiyaga, ikaw ay magta-tagumpay. Isa ng ganap na guro si Leah na
kasalukuyang nagtatrabaho sa pampublikong paaralan sa lungsod ng
Kidapawan.

Tanong:
1. Ano ang pangunahing kaisipan ng kwento ni Leah?
2. Bakit kaya naging mahalaga ang edukasyon sa paghubog ng isang
indibidwal?
3. Gaano kahalaga ang edukasyon sa paghahanda sa kinabukasan?

4. Paano pinakita ni Leah ang pagpapahalaga sa edukasyon?

5
Pamantayan sa Pagbibigay Puntos

KAALAMAN Naipaliliwanag nang 6 puntos


maayos ang kahalagahan
ng edukasyon sa paghubog
ng isang indibidwal.
PARAAN NG Malikhaing nailahad ang 4 puntos
PAGLALAHAD kahalagahan ng pagsisikap
tungo sa pagkamit ng mga
mithiin sa buhay.
KABUUAN 10 puntos

D. ngkulin Ng Mga Magulang Sa Anak

1 Timoteo 5:8

Ang sinumang hindi kumalinga


sa kanyang mga kamag- anak
lalo na sa mga kabilang sa
kanyang pamilya, ay tumalikod
sa pananampatalaya, masama
pa kaysa sa isang di
Halaw sa:Larawan ng manunulat mananampalataya.

Ang magulang ay may pinakamalaking responsibilidad sa paghubog ng


kanyang mga anak. Ang pagtalikod at hindi pagsakatuparan ng tungkulin ng mga
magulang sa kanilang anak ay isang malaking kasalanan sa Panginoon at maging sa
mata ng lipunan.
Mahalagang maturuan ng mga magulang ang kanilang mga anak ng
kahalagahan ng pananalig sa Diyos upang mahubog sila nang maayos at lumaki na
may wastong asal at pag-uugali. Napakalaki ng gampanin ng magulang kung
pananampalataya ang pag-uusapan sapagkat sa tahanan nagsisimula ang paghubog
ng tamang pag-iisip at pagpapasya ng isang bata. Naniniwala tayo na maging
maganda ang takbo ng buhay ng pamilya natin kung ang Panginoon ang siyang sentro
at isasabuhay ang kanyang mga salita.

Batay sa 1 Timoteo 5:8, ipinapakita ng pamilyang Hermoso ang kanilang


matibay na samahan bilang pamilya sa pamamagitan ng pagtulong, pagkalinga at
magandang pakikitungo sa kanilang mga kamag-anak. Tinuruan nila ang bawat
kasapi nito kung paano makikipag-ugnayan sa Dakilang Maykapal bilang bahagi ng
paghubog ng kanilang pananampalataya.

Tanong:

6
1. Ano ang pangunahing kaisipan sa binasang teksto?

2. Ano-ano ba ang mga mahahalagang tungkulin ng magulang na dapat nilang


gampanan sa kanilang mga anak?

3. Bakit mahalaga ang papel ng magulang sa paghubog ng ating pagkatao?

4. Paano nakatutulong ang tungkulin ng mga magulang sa paghubog ng


pananampalataya ng anak?
Pamantayan sa Pagbibigay Puntos

KAALAMAN Naipaliliwanag nang maayos ang kahalagahan ng 6 puntos


papel ng magulang tungo sa paghubog ng
pananampalataya ng isang tao.

PARAAN NG Malikhaing nailahad ang kahalagahan ng 4 puntos


PAGLALAHAD paghubog ng pananampalataya ng isang
pamilya.
KABUUAN 10 puntos

Suriin

Gawain 1

Panuto: Sa loob ng graphic organizer ay idikit ang larawan ng iyong pamilya na


nagpapakita ng mahalagang gampanin nito.

TAYO na.. Gawin natin ito !

Pinakamahalagang
gampanin ng magulang
sa kanilang pamilya

Larawan Larawan

(Sagot ng guro :
- Tinuturuang maging
responsable at
kapaki-pakinabang
ang mga anak.)
Tanong:
1. Ano ang mahalagang gampanin ng magulang sa kanyang pamilya?

7
2. Bakit mahalagang bigyang- pansin ng mga magulang ang kanilang
gampanin sa loob ng pamilya?
3. Paano nakatutulong ang pamilya sa magandang paghubog ng isang indibidwal?

Gawain 2
Panuto: Surin mo kung ano ang nais ipahiwatig ng bawat larawan na ibinigay.
Maaari mong isulat ang iyong sagot sa isang malinis na papel.
1.)

Halaw sa:Larawan ng manunulat

Sagot:

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. )

https://ccsearch.creativecommons.org/photos/f https://ccsearch.creativecommons.org/photo
Halaw sa:Larawan ng manunulat 6995f79-fe23-4a3e-9c8f-4cafaa4ce3c4 s/56de9e00-df02-41f6-b62f-470fb8d6b27f

Sagot :

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

8
Pamantayan sa Pagbibigay Puntos

PAMANTAYAN Deskripsyon Puntos


Paglalahad ng Kaalaman Naibibigay ang kaalaman na may 4
kaugnayan sa tekstong binasa

Organisasyon Maayos na inilahad ang mga 3


pagpapaliwanag at ideya.
Pagpapahayag Malinaw at maayos ang pagpapahayag 3
ng pagpapaliwanag at kaisipan
Kabuuan: 10

Pagyamanin

Ang pamilya ang may pinakamalawak na saklaw sa paghubog ng isang


indibidwal. Pinakapangunahin nito ay ang paghubog ng pananampalataya,
pagpapahalaga ng edukasyon at mabuting pagpapasya para sa kagandahan at
paghahanda sa mabuting kinabukasan ng mga anak.
Naging maingat ang mga magulang sa lahat ng bagay upang mabigyan ng
maayos at magandang buhay ang mga anak, minsan masasabi natin na naging
mahigpit sila ngunit sa huli napagtanto natin na para rin ito sa ating kabutihan.

A. Suriin mo ang ating ginawa tungkol sa pinakamahalagang gampanin ng


magulang sa kanilang pamilya.
1. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng magulang upang
maging kapakipakinabang ang anak sa lipunan?
2. Bakit kailangang gampanan nang maayos ang responsibilidad ng mga
magulang sa kanilang anak, lalong-lalo na sa pagpapahalaga ng edukasyon at
pananampalataya?
3. Sa paanong paraan nabibigyan ng magulang ang pagpapahalaga ng edukasyon
at pananampalataya? Ipaliwanag.
Pamantayan sa Pagbibigay Puntos
PAMANTAYAN Deskripsyon Puntos

Paglalahad ng Kaalaman Naibibigay ang kaalaman na may 4


kaugnayan sa tekstong binasa

Organisasyon Maayos na inilahad ang mga 3


pagpapaliwanag at ideya.
Pagpapahayag Malinaw at maayos ang pagpapahayag 3
ng pagpapaliwanag at kaisipan
Kabuuan: 10

9
Isaisip

Mahalagang mahubog ng pamilya ang pananampalataya ng mga kasapi nito


dahil naniniwala tayo na ang Diyos lamang ang pinakamakapangyarihan at siyang
tanging makatutulong sa atin sa mga oras na tayo ay nagigipit. Ang matibay na
pananampalataya at paniniwala sa Diyos ang nagsisilbing dahilan kung bakit
nagsisikap at nagpapatuloy sa buhay ang mga tao sa kabila ng kahirapan at mga
pagsubok. Ang paniniwalang tutulungan tayo ng Diyos ang mahigpit na
pinanghahawakan ng mga Pamilyang Pilipino. Kalimitan sa mga krimen na
nangyayari sa lipunan ngayon ay dahil sa mga taong kumakapit sa patalim
sapagkat walang matibay na pananampalataya sa Diyos at hindi naniniwalang may
Diyos. Sa halip na maging mabuting mamamayan ay nagiging salot pa ito sa
lipunan. Upang maiwasan ang pagdami ng ganitong uri ng tao, kailangang bata pa
lang ay ipaunawa na natin ang kahalagahan ng matibay na pananampalataya.

Tanong:
1. Ano ang pinakamahalagang naiambag ng iyong magulang sa iyong pagkatao?
2. Bakit mahalagang malinang ang paghubog ng pananampalataya sa buhay ng
isang tao?
3. Bakit kailangan nating gawing sentro ang Diyos sa ating pamilya?
4. Paano nakatutulong ang edukasyon at pananampatalaya sa mabuting
pagpapasya ng isang tao?

Pamantayan sa Pagbibigay Puntos

PAMANTAYAN PUNTOS
Nilalaman Naibibigay ang kaalaman na may kaugnayan sa 6
tekstong binasa
ORGANISASYON Mahusay ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya at 4
kalaaman.
KABUUAN 10

10
Isagawa

A. Magtala ng tatlong (3) hakbang na iyong gagawin at ipaliwanag ang


kahalagahan ng gampanin ng isang magulang sa pagtataguyod ng
edukasyon at paggabay sa pananampalataya ng mga anak.
1.
2.
3.
B. Magbigay ng sariling opinyon, kung ikaw ay magiging magulang sa tamang
panahon, ano-ano ang iyong gagawin upang maisasabuhay at malalaman ng
iyong mga anak ang angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga gawi sa
pag-aaral at pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya?

Pamantayan sa Pagbibigay Puntos

PAMANTAYAN PUNTOS
NILALAMAN Nailalahad ang tamang ugnayan ng kaalaman 5
at karanasan.
ORGANISASYON Mahusay ang pagkakasunod-sunod ng mga 3
ideya at kaalaman.
PRESENTASYON Maayos at malinaw ang pagkakasulat ng mga 2
sagot.
Tandaan KABUUAN: 10

Ang pagtupad ng mga magulang sa tungkulin sa kanilang mga anak ang


siyang susi sa pagkakaroon ng isang masayang pamilya. Nararapat na sa simula
pa lang ay naibigay na nila ang tamang edukasyon, paggabay sa tamang
pagpapasya ng kanilang mga anak at ikintal sa isipan ang kahalagahan ng
pananampalataya sa Diyos na gawin itong sentro ng kanilang buhay.

Ang bawat isa ay may mahalagang papel na ginagampanan sa kanyang


pamilya. Sa pamamagitan ng pananampalataya ay matuturuan tayo kung ano
ang dapat na sa. Bilang isang pamilya,
kailangan nating malaman kung ano ang inaasahan ng Panginoon na gagawin
natin upang magampanan ang ating layunin sa buhay. Kung magagampanan
natin nang tama lahat ang ating tungkulin at responsibilidad, walang hanggang
pagsasama ang mararanasan at matatamasa ang tunay na kaligayahan ng bawat
isa. Ang matibay na pananampalataya ng pamilya ay nagpapatatag ng
pundasyon nito.

Samakatuwid, ang pagiging magandang huwaran ng magulang sa kanilang


mga anak ay siyang maging tanglaw at magsilbing daan upang magkaroon ng
isang masaya, matiwasay at masaganang pamilya.

11
Tayahin

Panapos na Pagtataya (Post Test)

A. Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot sa mga sumusunod na


pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon at isulat
ito sa patlang bago ang bilang.

A. edukasyon at pananampalataya
B.may pinakamahalagang papel sa buhay ng mga anak
C. karapatan para sa edukasyon
D. Diyos ang sentro ng buhay
E. mabuting pagpapasya

_____1. Ang kabataan ay ginagabayan ng pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay


ng pagpapahalaga sa___________.
_____2. Isa sa mga dapat bigyang gabay ng mga magulang ay ang___________ ng
mga anak para sa pagpili ng desisyon sa buhay.
_____3. Kinakailangang bigyang pansin ng mga magulang ang mga karapatan ng
mga anak, isa na dito ang ____________ para sa paghahanda ng kanilang
kinabukasan.
______4. Ang matiwasay at magandang pagsasama ng pamilya ay may
pagmamahalan at _________________.
______5. Ang pagkasira ng pamilya ay nagdulot din ng pagkasira ng buhay ng
anak, dahil ang pamilya ay tinuring na _________.

B. Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay nagsasaad ng


gampanin o pananagutan ng mga magulang sa pamilya at Mali kung
hindi nagpapakita ng gampanin ng mga magulang.
________6. Ang mga magulang ay nagsisilbing modelo sa kanilang mga anak
lalong- lalo na sa usaping pananampalataya.
________7. Gampanin ng mga magulang na mabigyan ng edukasyon ang mga
anak bilang paghahanda sa kanilang kinabukasan.
________8. Ang mga magulang ang tinuturing na gabay para sa mabuting
pagpapasya ng mga anak.
________9. Ang mga magulang ay maaga pang nakikitang nakikipagtsismisan at
nakikipagsugalan sa kapitbahay.
________10. Isa sa mga gampanin ng magulang ay turuan ang mga anak kung
paano uminom ng alak at manigarilyo.

12
Karagdagang Gawain

Para sa huling gawain gumawa ng isang scrap book gamit ang larawan ng iyong
pamilya at ibahagi ang kahalagahan ng paghubog nito sa iyong pagkatao.

13

You might also like