You are on page 1of 17

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan-Modyul 5
Ang Kahalagahan ng Komunikasyon
sa Pagpapatatag ng Pamilya
Edukasyon sa Pagpapakatao– Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa
Pagpapatatag ng Pamilya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marilyn W. Tedio
Editor: Albert Rendon Antipuesto
Tagasuri: Eric D. Pasana
Tagaguhit: Marilyn W. Tedio
Tagalapat: Albert Rendon Antipuesto
Cover Art Designer: Reggie D. Galindez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Omar A. Obas CESO VI - Schools Division Superintendent
Jasmin P.Isla - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Cynthia Diaz -REPS, Subject Area Supervisor
Meilrose B. Peralta, Ed.D- CID Chief
Hazel G. Aparece, Ed.D- Division EPS In Charge of LRMS
Antonio R. Pasigado, Jr.- Division ADM Coordinator
Vicentina A. Acuña- Division Subject Coordinator
.
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon- Rehiyon ng
SOCCSKSARGEN
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon
Name of Division XII
ADM Coordinator Antonio R. Pasigado Jr.
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph

ii
Paunang Salita

Ang Self- Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para


sa ating mag- aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang
mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag- aaral ng mga mag- aaral
sa kani- kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro.
Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman
ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang
bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag- aaral na ingatan ang SLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag- ugnayan agad sa


kanilang guro kung sila ay makraranas ng suliranin sa pag- unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating
mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.

iii
Alamin

Matapos mong naipamalas ang iyong kaalaman, kakayahan at pag-unawa


sa nakaraang aralin, siguradong nakilala at nasuri mo ang mga gawi o karanasan
sa sariling pamilya na nagpapakita ng kahalagahan ng edukasyon, paggabay sa
pagpapasya at paghubog sa pananampalataya.
Ang pagganap ng pamilya sa pagtataguyod ng edukasyon ay napakalaking
papel upang magabayan ka sa tamang direksyon ng iyong buhay. Tinuturuan kang
magpasya nang sa gayon ay makatatayo ka sa sariling mong paa. Higit sa lahat
ang paghubog ng pamilya sa pananampalataya ng bawat kasapi nito ay
nagpapatatag ng ispiritwal ng katauhan mo.
Sa araling ito ay iyong matutunan ang kahalagahan ng komunikasyon sa
pagpapatatag ng pamilya. Ano ba ang napapansin mo sa paraan ng
pakikipagkomunikasyon? Sa panahon ngayon na ang makabagong teknolohiya ang
binibigyang pansin lalo na sa mga kabataang katulad mo ay abalang-abala ang
karamihan sa kanilang mga gadgets?
Nang umusbong ang makabagong teknolohiya, ay marami na ring
pagbabago lalong-lalo na sa larangan ng komunikasyon. Sa loob ng tahanan, ang
dating ingay noon ng pakikipagkwentuhan ng mag-anak ay tila unti-unting
napapalitan nang katahimikan ngayon. Paano ito nangyari? Palibhasa’y abala ang
mga magulang at bihira na lamang ang panahon sa pakikipagkwentuhan, bagkus
dinadaan na lamang ito sa text, tawag sa cellphone o pag-chat. Bagama’t kakaiba
na ang estilo ng pagpapalitan ng mensahe, masasabi ba nating bukas pa rin ang
komunikasyon sa isa’t isa?
Ngayong kinakaharap ng buong mundo ang pandemyang COVID 19 ay
marami tayong dapat isaalang-alang sa ating komunikasyon. May mga limitasyon
na dapat sundin. Ngunit gayon pa man upang masisiguro ang ating kaligtasan,
ang mga makabagong teknolohiya ay may kapakinabangan.
Ang social media bilang sentro ng komunikasyon sa makabagong panahon
ay napakahalaga sa magkakapamilya. Malayo man o malapit ang ating mga mahal
sa buhay ay huwag nating kalimutan ang makipagdayalogo. Anomang pagbabago
ay huwag mong hayaang lunurin at angkinin ng teknolohiya ang panahon sa
pakikipagdayalogo. Manapaý gamitin ang mga ito sa makabuluhang pamamaraan.

Kaya ba ninyong masagot at maipaliliwanag ang mahalagang tanong na:


Bakit mahalaga ang komunikasyon sa pagpapatatag ng pamilya?

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod na


kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya o pamilyang
nakasama, naobserbahan o napanood na nagpapatunay ng pagkakaroon
o kawalan ng bukas na komunikasyon.
2. Nabibigyang puna ang uri ng komunikasyon na umiiral sa isang
pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood.

1
Subukin

Paunang Pagtataya (Pre-Test)

A. Panuto: Tukuyin ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya o


pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood na nagpapatunay ng
pagkakaroon o kawalan ng bukas sa komunikasyon. Lagyan ng tsek (√)
kung ito ay nagpapakita ng bukas sa komunikasyon at ekis (X) naman kung
hindi.
____1. Pagkakaroon ng pagmamahal sa isa’t isa.
____2. Ang pagsisigawan ng mag- anak sa tuwing nag- aaway.
____3. Ang pagkakaroon ng sama ng loob ng isang kasapi sa pamilya.
____4. Ipaunawa ang nais ng magulang para sa kanilang mga anak.
____5. Pakikinig ng magulang sa opinyon ng mga anak sa tuwing
nagkakausap.

B. Panuto: Bigyang-puna ang uri ng komunikasyon na umiiral sa isang


pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood. Pagkatapos ay sagutin
ang sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng napiling sagot bago ang
bilang.

Sina G. at Gng Cruz ay masyadong mahigpit sa mga anak. Ang


salita at utos ay di nababali, ni walang pinahihintulutang sumagot o
sumuway man lang kung hindi tatamaan ang mga ito, kaya naman
lahat ng kanilang mga anak ay nakapagtapos ng kani-kanilang kurso.
Samantala ang mag-asawang Del Monte ay masyadong maluwag
sa mga anak, dahil na rin sa kakulangan ng oras sa mga anak bagkus
natuon ang kanilang panahon sa kabuhayan ng pamilya, kayat isa sa
tatlo nitong mga anak lamang ang nakapagtapos.

_____6. Anong katangian ang pinaiiral ng mag-asawang Cruz?


A. matapang C. mahigpit
B. malupit D. Madisiplina

_____7. Paano naiiba ang pamilyang Del Monte sa pamilyang Cruz?


A. masayahin C. hindi mahigpit
B. mayaman D. nakapagtapos ang mga anak

_____8. Bakit karamihan sa mga anak ng mga Del Monte ang hindi
nakapagtapos?
A. marami na silang pera
B. walang interes sa pag-aaral
C. nagumon sa paglalaro ng online games
D. walang sapat na panahon ang magulang sa mga paalala

2
______9. Batay sa sitwasyon, ano ang pinakamabisang sangkap upang
magtagumpay ang mithiin ng magulang para sa mga anak?
A. naibibigay ang lahat ng mga luho
B. palaging magulang ang tama
C. magiging takot ang mga anak sa magulang
D. may maayos na komunikasyon ang bawat isa

______10. Sa panahon ngayon, na kinakaharap ng buong mundo ang krisis


sa pandemyang COVID 19. Ano ang mahalagang papel na
gagampanan ng magulang para sa kanilang mga anak?
A. higpitan itong huwag lumabas ng bahay
B. bigyan ng mapaglilibangan kagaya ng gadgets upang hindi
makapaggala
C. kausapin nang maayos hinggil sa mga dapat at hindi dapat
gawin
D. mahigpit na pagdidisiplina upang hindi makalalabas ng bahay

Aralin Ang Kahalagahan Ng Komunikasyon Sa


3 Pagpapatatag Ng Pamilya

Sa araling ito ay matututunan mo ang kahalagahan ng komunikasyon sa


pagpapatatag ng pamilya. Dito masusubok ang iyong kakayahan sa pagsagot sa
mga gawain na may kaugnayan sa paksa.

Ikaw bilang kasapi ng iyong pamilya naranasan mo na bang hindi maging


maayos ang pakikitungo ng iyong kapatid maging ng iyong magulang sa iyo? Ano
kaya sa palagay mo ang dahilan?

Minsan iyong naisip na hindi ka nila mahal. Agad kang nagtampo at hindi
umimik. Natural lamang na makararamdam ka ng ganoong uri ng saloobin. Kaya
nais kong pagtuunan mo ng panahon ang pagsagot sa modyul na ito. Upang mas
lalo mo pang maunawaan kung gaano kahalaga ang komunikasyon sa
pagpapatatag ng inyong pamilya. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto
upang maisagawa mo nang maayos ang mga gawain. Layunin ng gawaing ito na
matulungan kang buksan ang iyong puso’t isipan sa mga dapat gawin kapag
nagkaroon ng suliranin sa komunikasyon.

Halika, sama-sama nating tuklasin ang hiwaga ng komunikasyon sa


pagpapatatag ng pamilya.

3
Balikan

Ngayon ay sisimulan natin ang ating mga gawain. Pagmasdan at suriing


mabuti ang mga larawan.

1. 2. 3.
1

Gawain 1. Ano ang ipinahihiwatig ng unang larawan, ikalawang larawan at


ikatlong larawan? Magaling! Ito ay nga tungkol sa kahalagahan ng edukasyon,
pananampalataya at wastong paggabay ng magulang sa anak.

Mga Tala para sa Guro


Siguraduhing ginagabayan mo ang mga mag- aaral gamit ang
anomang midyum na mayroon sila. Panatilihin ang
komunikasyon mo at ng mga mag- aaral. Maging handa sa
anumang katanungan mayroon sila.

4
Tuklasin

Gawain
Panuto: Gamit ang istratehiyang PIN (Positive, Interesting, Negative) isulat ang mga
Positibo, Kawili-wili, Negatibong gawain batay sa mga sumusunod na mga larawan
sa ibaba. AKO muna ang sasagot, pagkatapos gawing huwaran ang aking ginawa.

(1.) (2.) (3.)

Sagot ng guro
POSITIVE INTERESTING NEGATIVE (NEGATIBO)
(POSITIBO) (KAWILI-WILI)
Malayang Nangingibabaw ang Maaaring makapagdudulot
nakapagpapahayag ng pagmamahalan ng ng pagkakawatak-watak
saloobin pamilya ng pamilya

Handa ka na ba? Ngayon, IKAW na naman ang gagawa gamit ang


istratehiyang PIN.
POSITIVE INTERESTING NEGATIVE
(POSITIBO) (KAWILI-WILI) (NEGATIBO)
1.

2.

3.

Rubriks para sa Gawain


Batayan Pinakamahusay Mahusay Kailangan pang Iskor
(5) (3) Paunlarin (2)
Nilalaman Napakalinaw ang Malinaw ang Di gaanong malinaw
ideyang inilahad ideyang inilahad ang ideyang inilahad
tungkol sa positibo, tungkol sa tungkol sa positibo,
kawili-wili at positibo, kawili- kawili-wili at
negatibong gawain wili at negatibong negatibong gawain
tungkol sa larawan gawain tungkol sa tungkol sa larawan
larawan
Wastong gamit Angkop ang May iilang hindi Hindi angkop at
ng salita at paggamit ng mga angkop na salita maraming mali na
parirala ayon salita at pariralang at pariralang mga salita at
sa sitwasyon ginamit sa ginamit sa pariralang ginamit
paglalahad paglalahad sa paglalahad

5
Suriin

Sa puntong ito ay nais kong paglaanan mo ng panahon na suriin at


unawaing mabuti ang larawan tungkol sa mga gawain o karanasan sa
sariling pamilya o pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood na
nagpapatunay ng pagkakaroon ng bukas na komunikasyon.

1. 2.

Tanong:

1. Alin sa dalawang larawan ang nagpapakita ng bukas na komunikasyon?

2. Bakit mo nasabing may bukas na komunikasyon ang naturang larawan?

3. Kung papipiliin ka, alin ang gusto mo? Bakit?

Pagmasdang mabuti ang mga larawan?

BERBAL DI-BERBAL

VS

Ano nga ba ang dalawang uri ng komunikasyon?

6
Ang berbal (pasalita) na komunikasyon ay ginagamitan ng makabuluhang
tunog at sa paraang pasalita. Tumutukoy rin ito sa pagpaparating ng ideya o
mensahe gamit ang mga salitang nagrerepresenta sa mga kaisipan

Ang di berbal (di pasalita) ay pagpapalitan ng mensahe o


pakikipagtalastasan na ang daluyan o channel ay hindi lahat ng
sinasalitang tunog kundi kasama ang kilos ng katawan at ang tinig na
iniangkop sa mensahe.

Berbal
Mga halimbawa:
1. Aalis na ako.
2. Ok ka lang ba, mag-ingat ka.
3. Umuwi ka kaagad.
4. Tanghali na!
5. Gising na!

Di- berbal

Mga halimbawa:
1. Kumpas ng kamay
2. Galaw ng braso
3. Taas ng kilay
4. Iba-ibang uri ng tingin
5. Pagtitig at iba pa

https://www.google.com/search?q=copyleft+2+uri+ng+komunikasyon&tbm=isch&s
ource=iu&ictx=1&fir=UxfTqgGPbhnuKM%253A%252C4kgD5QnnMS_YZM%252C_&
vet=1&usg=AI4_-kQsfWeFeLVwgdptaH8Oj9AXiwLFxw&sa=X&ved=2ahUKEwiV3aT-
jPjpAhWl3mEKHVfzBTgQ9QEwAnoECAoQBQ&biw=1366&bih=657#imgrc=qAnTK_
C93mJU_M&imgdii=iJppuImNydmgdM

Pagyamanin

Batay sa iyong nabasa nais kong gawin mo ang gawain.

Gawain
Panuto: Kilalanin ang uri ng komunikasyon na umiiral berbal o di berbal.

Upang lubusang maunawaan ang gawain, AKO muna ang sasagot sa unang
pahayag/ sitwasyon bilang gabay mo sa pagbuo ng tamang sagot.

7
Berbal Madalas na di nagkakasundo ang magkapatid na Dan at Ron, kapwa
ayaw magpatalo sa argumento, minarapat ng ama na mamagitan sa
matinong pakikipag-usap sa dalawa. ( sagot ng guro)

______1. Umalingawngaw ang isang madamdaming awitin na nagpaluha kay


Divina. Nang marinig ang awiting ito napagtanto niya na kailangan niyang
magpakumbaba at humingi ng tawad sa magulang.
______2. Tumulo ang luha ni Melissa ni walang boses ang lumabas mula sa bibig
nito sapat na upang bumalik at yakapin siya ni Ruben.
______3. Napagalitan ng mga magulang si Kristy sa kadahilanang gabi na itong
nakauwi, sinaktan ng mga ito ang bata, sa pasang inabot di na ito
lumabas ng kwarto. Dumating ang kaklase nito upang ihatid ang parte
sa napanalunang patimpalak na sinalihan. Umabot sa anim napung
libong piso ang halaga,nadismaya ang magulang sa aksyong ginawa. Huli
man ang pagsisisi, humingi sila ng kapatawaran sa anak.
______4. Pinalakpakan at napatayo ang mga hurado sa naging performans sa
pagkanta ni Sarah. Nag- uumapaw ang kaligayahan ng dalaga sa naging
resulta ng kanyang pag-awit.

Mahalaga pa ba ang berbal o di berbal na komunikasyon sa


pamilyang may maayos at matatag na pagsasamahan?

Ngayon TAYO na naman ang gagawa . Sundan ang aking ginawa.

SAGOT (GURO) SAGOT (MAG-AARAL)

Mahalaga ang berbal o di berbal


na komunikasyon sa pamilyang may
maayos at matatag na samahan upang
mas paibayuhin pa ang kanilang
samahan at mas lalo pang mapatatag
ang kanilang ugnayan sa isa’t isa.

Isaisip

Isaisip natin na ang pamilyang may maayos na komunikasyon ay


namumuhay nang may paggalang, pagmamahalan at higit sa lahat may
pagkakaisa na harapin ang anomang hamon na dumarating sa buhay. Hindi
maiiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pamilya ngunit kung
bukas ang komunikasyon sa isa’t isa malaki ang pag-asang maisaayos ang lahat
ng gusot. Kaya bilang kabataang kagaya mo huwag hayaang lunurin ka ng
anomang banta sa komunikasyon. Panatilihing may diyalogo nang sa gayon
mapag-usapan ang lahat ng bagay na ikauunlad at ikatatatag ng pamilya.
Gawain

8
Panuto: Ngayon, upang mas lalo mo pang maintindihan ang mahalagang
konsepto ng aralin, samahan ninyo ako na suriin ang mga sumusunod na mga
katanungan. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano- ano ba ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya o pamilyang


nakasama, naobserbahan o napanood na nagpapatunay ng pagkakaroon o
kawalan ng bukas na komunikasyon?
2. Bakit mahalaga ang bukas na komunikasyon para mapatatag ang isang
pamilya?
3. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapapanatiling bukas ang komunikasyon
ng iyong pamilya?

Rubriks para sa Gawain

Batayan Pinakamahusay Mahusay Kailangan pang Iskor


(5) (3) Paunlarin
(2)
Nilalaman Napakahusay at May ideya ngunit Malabo ang ideya
malinaw ang hindi gaanong at hindi naaayon
ideya tungkol sa malinaw batay sa sa paksa batay sa
konsepto ng konsepto ng konsepto ng
komunikasyon komunikasyon sa komunikasyon sa
sa pagpapatatag pagpapatatag ng pagpapatatag ng
ng pamilya pamilya pamilya

Wastong gamit Tama ang May 1-2 mali sa May 1-3 mali sa
ng salita, paggamit ng mga paggamit ng salita, paggamit ng
pangungusap, salita, pangungusap at salita,
at bantas pangungusap at bantas pangungusap at
bantas bantas

Isagawa

Ngayon naman, palawakin pa natin ang kaalaman sa pagsagot sa gawain.

Gawain
Panuto : Gamit ang istratehiyang SAG (Sketch Appropriate Graphics) Sanhi at
Bunga. Ibigay MO ang magiging BUNGA kung mapanatiling bukas sa
komunikasyon ang isang pamilya. Isulat ang iyong sagot sa fishbone.

Pagiging bukas sa
komunikasyon ng
pamilya

9
Rubriks sa Fishbone- Sanhi at Bunga

Batayan Napakahusay Mahusay Kailangan pang Iskor


(5) (3) paunlarin
(2)
Organisasyon Angkop at wasto Di- gaanong Malayo sa
ng mga Ideya ang ibinigay na angkop at wasto hinihinging
ideya ang ibinigay na impormasyon
ideya

Bukod- tangi ka sa lahat ng nilalang na ginawa ng Diyos. Taglay mo ang


matalinong pag-iisip na wala sa iba Niyang nilikha. Talagang napakapalad mo
sapagkat magagawa mong makontrol ang anomang bagay na kaya mong gawin.
Nasisiguro kong busog at puno ka ng kaalamang tutulong sa iyo na gampanan
ang pagiging responsableng anak.
Inaasahan sa pamamagitan ng modyul na ito, nalinang ang iyong kaalaman
at kakayahan sa mga uri ng komunikasyon na umiiral sa isang pamilya.
Napahalagahan ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at
mga anak na nagbibigay-daan sa mabuting ugnayan ng pamilya at sa kapwa.
Nawa’y babaunin at isasabuhay ang mga aral na napulot sa modyul na ito.

Mabuhay ka!

Tayahin

Panapos na Pagtataya (Post Test)

A. Panuto: Tukuyin ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya o pamilyang


nakasama, naobserbahan o napanood na nagpapatunay ng pagkakaroon o
kawalan ng bukas sa komunikasyon. Lagyan ng tsek (√) kung ito ay
nagpapakita ng bukas sa komunikasyon at ekis (X) naman kung hindi.
____1. Ang pagsisigawan ng mag- anak sa tuwing nag- aaway.
____2. Pagkakaroon ng pagmamahal sa isa’t isa.
____3. Ang pagkakaroon ng sama ng loob ng isang kasapi sa pamilya.
____4. Pakikinig ng magulang sa opinyon ng mga anak sa tuwing
nagkakausap.
____5. Ipaunawa ang nais ng magulang para sa kanilang mga anak.

B. Panuto: Bigyang-puna ang uri ng komunikasyon na umiiral sa isang pamilyang


nakasama, naobserbahan o napanood. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod
na tanong. Isulat ang titik ng napiling
sagot bago ang bilang.

10
Sina G. at Gng Cruz ay masyadong mahigpit sa mga anak. Ang salita
at utos ay di nababali, ni walang pinahihintulutang sumagot o sumuway
man lang kung hindi tatamaan ang mga ito, kaya naman lahat ng kanilang
mga anak ay nakapagtapos ng kani-kanilang kurso.
Samantala ang mag-asawang Del Monte ay masyadong maluwag sa
mga anak, dahil na rin sa kakulangan ng oras sa mga anak bagkus
natuon ang kanilang panahon sa kabuhayan ng pamilya, kaya’t isa sa
tatlo nitong mga anak lamang ang nakapagtapos.

_______6. Paano naiiba ang pamilyang Del Monte sa pamilyang Cruz?


A. masayahin C. hindi mahigpit
B. mayaman D. nakapagtapos ang mga anak
_______7. Anong katangian ang pinaiiral ng mag-asawang Cruz?
A. matapang B. malupit C. Mahigpit D. madisiplina
_______8. Bakit karamihan sa mga anak ng mga Del Monte ang hindi
nakapagtapos?
A. marami na silang pera
B. walang interes sa pag-aaral
C. nagumon sa paglalaro ng online games
D. walang sapat na panahon ang magulang sa mga paalalaala
______9. Sa panahon ngayon, na kinakaharap ng buong mundo ang krisis sa
pandemyang COVID 19? Ano ang mahalagang papel na gagampanan ng
magulang para sa kanilang mga anak?
A. higpitan itong huwag lumabas ng bahay
B. bigyan ng mapaglilibangan kagaya ng gadgets upang hindi
makapaggala
C. kausapin nang maayos hinggil sa mga dapat at hindi dapat gawin
D. mahigpit na pagdidisiplina upang hindi makalalabas ng bahay
______10. Batay sa sitwasyon, ano ang pinakamabisang sangkap upang
magtagumpay ang mithiin ng magulang para sa mga anak?
A. naibibigay ang lahat ng mga luho
B. palaging magulang ang tama
C. magiging takot ang mga anak sa magulang
D. may maayos na komunikasyon ang bawat isa

11
Karagdagang Gawain

Matapos mong mapagtagumpayang sagutan ang modyul, narito ang


karagdagang gawain sa araling ito.

Ngayon, upang mas lalo mo pang mapagnilayan ang konsepto ng aralin,


kapanayamin ang inyong mga magulang tungkol sa mga hakbang na kanilang
ginawa upang mapabuti ang bukas na komunikasyon sa inyong pamilya.
Gamit ang isang cellphone, i- record ang panayam. Kung walang cellphone,
kumuha ng papel at panulat upang maisulat ang detalye ng panayam.

Rubriks sa Pakikipanayam

Batayan Napakahusay Mahusay Nalilinang


(5) (3) (2)
Nilalaman napakalinaw at Malinaw at maayos Di gaanong
napakaayos na na naisulat ang malinaw at
naisulat ang detalyeng nakuha detalyado ang
detalyeng nakuha mula sa panayam naitalang mga
mula sa panayam detalye

Angkop sa Angkop na angkop Angkop sa paksa Di gaanong


paksa sa paksa ang ang impormasyon angkop sa paksa
impormasyon ang impormasyon

12
Susi sa Pagwawasto

Mga Sanggunian:

https://www.google.com/search?q=copyleft+2+uri+ng+komunikasyon&tbm=isch&s
ource=iu&ictx=1&fir=UxfTqgGPbhnuKM%253A%252C4kgD5QnnMS_YZM%252C_&
vet=1&usg=AI4_ kQsfWeFeLVwgdptaH8Oj9AXiwLFxw&sa=X&ved=2ahUKEwiV3aT
- -

jPjpAhWl3mEKHVfzBTgQ9QEwAnoECAoQBQ&biw=1366&bih=657#imgrc=qAnTK_
C93mJU_M&imgdii=iJppuImNydmgdM

ESP 8 Modyul ng mga mag aaral


-

13
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran
ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin
na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang
nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning
Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na
kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampubikong paaralan ng
Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng
paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong
1.0. Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento at
rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMDS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of sssKoronadal

Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

14

You might also like