You are on page 1of 17

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 7:
Ating Isakatuparan at Igalang,
Batas Pambansa at Pandaigdigan
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag:sa

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph


Sanggunian

Kurikulum guide – Edukasyon sa Pagpapakatao 6

Ylarde, Zenaida at Gloria A. Peralta, 2016. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon, Edukasyon sa
Pagpapakatao 6 - Batayang Aklat

Bayugo, Jasmin. “Pagtupad sa mga Batas para sa Kaligtasan sa Daan” 2019.


https://lrmds.deped.gov.ph/detail/14317

Bernardo, Alice. “Ang mga Batas sa Pilipinas” 2014.


https://www.slideshare.net/aralpan6/ang-mga-batas-sa-pilipinas

Honradez, Editha. “31 ang mga batas sa bansa” 2015.


https://www.slideshare.net/edithahonradez/31-ang-mga-batas-sa-bansa
Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 7: Ating Isakatuparan at Igalang, Batas Pambansa at Pandaigdigan Unang Edisyon,
2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang
akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatangaring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM

Awtor : Maria Linda B. Muli

Co-Awtor - Content Editor : Jeanette Peñaflor

Co-Awtor - Language Reviewer : Cris V. Regala

Co-Awtor - Illustrator : Mary Grace L. Beltran


Co-Awtor - Layout Artist : Maria Linda B. Muli
DISTRICT MANAGEMENT TEAM:
District Supervisor, Dinalupihan : Rodger R. De Padua, EdD
Principal District LRMDS Coordinator : Miralou T. Garcia, EdD
Teacher District LRMDS Coordinator : Jennifer G. Cruz
District SLM Content Editor : Alma Q. Flores
District SLM Language Reviewer : Cris V. Regala :

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD

Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE Education


Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, EsP/Values : Jacqueline C. Tuazon
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano
Division Book Designer : Rommel M. Magcalas
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Schools Division of Bataan
Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 7:
Ating Isakatuparan at Igalang,
Batas Pambansa at Pandaigdigan
Karagdagang Gawain

Pagnilayin ang bawat kaganapan ng pagtupad mo sa batas. Itsek (√) kung gaano
mo kadalas naisasakatuparan ang bawat isa ayon sa iyong karanasan.

Gawaing Lagi Madalas Paminsanminsan Hindi


1. Pagtawid sa tamang pook-
tawiran.
2. Pagsakay sa pinakaligtas na
lugar ng upuan sa sasakyan.
3. Paghuhugas ng mga kamay.
4. Pag-iwas sa pagbili o pagbenta
ng sigarilyo.
5. Pagtatapon ng basura sa
tamang tapunan.
6. Pagsusuot ng helmet kung
nakaangkas.
7. Bumababa sa tamang babaan.
8. Sumasakay sa tamang sakayan.
9. Pagsusuot ng seatbelt kung
nasa harapan ng sasakyan
10. Iniingatan ang mga karatula o
babala.

Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral
sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga


paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanikanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral
na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong
tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin
upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali
ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat
isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa
ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami


na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Bilang isang mag-aaral, nakatupad ka na ba sa mga batas natin? Kahit saan ka man,
patuloy ka bang sumusunod sa mga patakaran o tuntunin pambansa at
pandaidigan? Nakakikilala ka ba ng ilan sa mga batas na kinakailangang tuparin,
sundin at gawin?

Napakahalagang matutuhan mo bilang bata na maisaisip, maigalang at makatupad


sa mga batas pambansa at pandaigdigan man. Nakapagdudulot ito ng kaayusan at
kapayapaan para sa lahat.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:

* Nakatutupad sa mga batas pambansa at pandaigdigan (EsP6PPP-IIIh-i-40) para


sa:
• kaligtasan sa daan;
• pangkalusugan; at
• pag-abuso sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot
c. Laban sa Ipinagbabawal na Gamot
1.

Isagawa

Gawain 1
Ipaliwanag ang pangunahing mensahe ng kasabihang ito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

“Walang sinuman ang pinakahigit na nakatataas sa batas”

Isapuso at gamiting gabay ito sa iyong pang araw-araw na pamumuhay upang


lalong maipakita mo ang pagtupad at paggalang sa mga batas pambansa at pandaigdigan.

Tayahin

Isulat ang tsek (√) kung nakatutupad sa batas at ekis (X) naman kung hindi. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Nagkaroon ng ordinansa o kautusang pambarangay na tuwing Sabado ay may
malawakang paglilinis ang buong barangay sa bawat lugar. Maraming residente
ang nakilahok kung kayat nahirang na pinakamalinis na barangay ang Barangay
Masinop.
2. May isang di-kilalang lalaki ang nag-aalok sa iyo ng malaking pera kapalit ng
paghahatid mo ng bagay na nakabalot pa, sa isang lalaki sa kabilang daan.
Dalidali mo itong hinatid.
3. Hindi ipinarada ng iyong tatay ang motorsiklong sinasakyan ninyo sa lugar na
may nakasulat na “NO Parking”.
4. Nagtetext habang nagmamaneho ang tsuper ng jeepney na sinasakyan mo.
5. Patuloy na ginagamit ng inyong kapitbahay ang kaniyang kotse na lubos ang
paglalabas ng usok.
_______4. Paggamit ng cellphone habang nagmamaneho.
_______5. Pinipiling tumawid sa takdang tawiran o sa overpass.
_______6. Nagsusuot ng helmet kung nagmamaneho ng motorsiklo.
_______7. Hindi nakainom ng alak habang namamasada o nagmamaneho.
_______8. Pinauupo ang mga batang maliliit sa harapang upuan ng sasakyan.
_______9. Nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa mga kaibigan o kakilala.
_______10. Pagmamaneho sa daan ng mga drayber na may lisensya lamang.

Gawain 2
Buuin ang diwa ng bawat pahayag. Pumili ng mga tampok na salita sa loob ng kahon.

pangkalusugan tumutupad makikinabang


pagpapairal magsilbing aral

1. Marapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang ______________ ng mga batas.

2. Ang lahat ng batas ay nagpapataw ng parusa upang ito ay ______________ sa lahat.

3. Higit na uunlad at may kaayusan sa ating bansa kung lahat tayo ay _____________
sa batas.
4. Ang batas ______________ ay naglalayon na mapangalagaan tayo laban sa sakit.

5. Mamamayan ang _______________ sa kabutihang dulot ng mga batas at patakaran .

Isaisip

Ano-ano ang iyong mga natutunan sa ating aralin? Ipakita sa pamamagitan ng


pagkumpleto sa talahanayan sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Dapat kong gawin o tuparin tungkol sa mga Kabutihang dulot ng pagtupad sa


batas na para sa: batas:
a. Kaligtasan sa Daan:
1.

b. Pangkalusugan
1.
Subukin

Isulat ang T kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagtupad sa batas at HT naman


kung hindi. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

1. Madalas na pag-uubos ng oras sa isang pook-sugalan o pook-inuman.

2. Iniiwasang gumamit ng mga pook-tawiran atoverpass upang mas mapabilis


sa pupuntahan.
3. Hindi pagbebenta ng sigarilyo sa mga menor de edad.
4. Pagpipili ng mga basura at pagsisinop dito upang hindi kumalat kung saan.
5. Hindi nabigyang pansin ang mga taong biktima ng bawal na gamot.

6. Isang drayber na isinasakay o ibinababa lamang ang kaniyang pasahero sa


itinakdang lugar.

7. Pag-iingat sa mga karatula o babala sa kalsada upang mas mapakinabangan


nang matagal.
8. Pagtatapon ng basura sa kanal o ilog na katabi ng inyong bahay.

9. Ang sinturong pangkaligtasan ng sasakyan ay isinusuot kung kailan lamang


gusto.

10. Sinuot ang helmethabang nagmamaneho ng motor kahit sa malapit na


distansya lamang.

Mga Tala para sa Guro


Isang katungkulan mong matiyak na ang bawat mag-aaral ay
nabibigyan ng sapat na tulong at pag-alalay mula sa kanilang mga
magulang, nakatatandang kapatid o tagapag-alaga sa kanilang
tahanan o may paggabay din mula sa mga kamag-anak, kaibigan o
kapitbahay sa kung kinakailangang pagkakataon.
Aralin
Ating Isakatuparan at Igalang, Batas
1 Pambansa at Pandaigdigan
Anuman ang iyong edad at katayuan sa buhay, lahat tayo ay kinakailangang
sumunod sa mga batas na ipinapatupad dito sa ating bansa at gayundin sa iba pang
mga bansa. Dapat na gawin o isakilos ang pagtupad sa mga batas bilang
pananagutan mo sa pagiging isang mamamayang Pilipino. Maalam ka man o hindi
sa mga batas ay nararapat mo itong hindi suwayin upang ang iyong pang arawaraw
na pamumuhay ay magdulot ng kaligtasan, kaayusan at kapayapaan para sa ating
lahat.
Bilang mag-aaral, dapat na iyong tupadin ang ilan sa mga batas pambansa o
pandaigdigan na mapag-aaralan sa modyul na ito. Halina at tayo’y matuto.

Balikan

Basahin ang mga pahayag na may kaugnayan sa pagkamalikhain upang magbigay


ng solusyon. Isulat ang letra mula sa pagpipilian sa ibaba sa iyong sagutang papel.
a. Gagamitin ang lumang pambalot na naitabi noon.
b. Manghihiram muna sa kapitbahay ng perang pambaon.
c. Magalang na hihiram ng ballpen sa guro o kamag-aral.
d. Tataniman ito ng mga halamang gulay.
e. Babatiin ko siya nang buong puso saka yayakapin.

__1. May pagsusulit kayo ngunit nakalimutan mo ang iyong ballpen sa bahay.

__2. Hindi nakapag-iwan ng iyong baon ang nanay sa pagmamadali na

mamalengke.

__3. Walang mabiling bagong pambalot ng regalo para kay Lola Nena.
__4. Kaarawan ng iyong ate ngunit nais mo siyang pasiyahin sa payak na paraan.
__5. Nakapaglinis kayo ni Itay ng iyong malawak na bakuran na may matabang
Matagumpay na nakapag-ulat ang mga magkakaibigan. Sila ay pinalakpakan ng
lahat. “Mahusay!”, wika ng kanilang guro.

Suriin

Sagutan ang mga gabay na tanong. Itala ito sa iyong kuwaderno o papel upang mas
malalim na mapag-isipan ang tungkol sa tampok na aralin. Maaaring humingi ng
tulong sa mga kasama sa bahay.

1. Anong pangunahing paksa ang naiulat sa klase ng magkakaibigang mag-aaral?

2. Isa-isahin ang mga paksang naisabatas na binanggit ng tatlong mag-aaral sa

kuwento.

3. Paano ka tutupad sa mga batas para sa kaligtasan sa daan?


4. Paano ka tutupad sa mga batas para sa kalusugan?
5. Paano ka tutupad sa mga batas laban sa pag-aabuso ng ipinagbabawal na

gamot?

6. Bakit kailangan mong tumupad sa mga batas na pinaiiral dito sa ating bansa?

Pagyamanin

Gawain 1
Isulat sa iyong sagutang papel ang salitang TAMA kung ang sitwasyon ay
nagpapakita ng pagtupad sa batas at HINDI kung hindi nagpapakita ng pagtupad sa
batas.
_______1. Hindi susundin ang ilaw trapiko lalo kung nagmamadali sa pupuntahan.
_______2. Pagtawid sa pagitan ng mga sasakyang nakahinto sa gitna ng daan.
_______3. Palagiang pagsusuot ng sinturong pangkaligtasan upang makaiwas sa
aksidente.

Tagapag-ulat: Bea Canlas


Paksang Iuulat: Mga dapat tandaan tungkol sa
mga batas para sa kalusugan
1. Pagbabawal sa paninigarilyo sa
pampublikong lugar at sa mga
sasakyang pambayan.
2 . Ipinagbabawal din sa mga sasakyan
ang labis na pagbubuga ng usok
saanman.
3 . Hindi pinapahintulutan ang pagtatapon
ng mga basura sa kalye o kalsada o saanman.
4. Bawal na pagbubukas ng mga sinehan,
pook-sugalan, pook-inuman na malapit
sa simbahan at paaralan.
5 . Pagbabawal sa pagbebenta ng
sigarilyo at alak sa mga menor de edad
na may gulang na 17 pababa.
6. Palagiang pagsusuot ng face mask ,
face shield at social distancing sa
tuwing lumalabas ng tahanan ang
taong nasa edad 16 hanggang 60.

Tagapag-ulat: Liza Ruiz


Paksang Iuulat: Mga dapat tandaan tungkol sa mga
batas laban sa ipinagbabawal na gamot
1. Hindi pinapahintulutan ang pagbebenta o
paggamit ng anumang uri ng ipinagbabawal
na gamot.
2. Paglalaan at pagbubuo ng mga programa
laban sa pagsugpo ng pagkalat ng mga
bawal na gamot o droga.
3. Pagkakaroon ng programa para sa
gamutan at rehabilitasyon ng mga naging
biktima ng pag-abuso sa bawal na gamot.

Bilang pagwawakas ng ulat, nilinaw at pinaliwanag ng magkakaibigan ang


kahalagahan ng mga batas. Ayon sa kanila, ang mga batas ay nararapat sundin at
gawin ng mga mamamayan. Ito ay pinaiiral at sumasaklaw para sa lahat sa buong
bansa at walang sinuman ang hindi kabilang. Ang mga batas ay tinutupad at hindi
sinusuway upang makamit ng lahat ang kaayusan, kaligtasan at kapayapaan.
Nagiwan ng isang tanong ang tatlong tagapag-ulat, “Paano mo naipapamalas ang
pagsunod sa mga batas?
Tuklasin

Halina at basahin mo ang isang kuwento na nasa ibaba. Tuklasin kung anong mga
dapat mabatid tungkol sa mga batas pambansa at pandaigdigan.

Mga Responsableng Mag-aaral


Ni: Maria Linda B. Muli
Masiglang natapos ang talakayan sa loob ng
silid-aralan ni Bb. Lopez. Ang kaniyang
mga mag-aaral ay kasalukuyang nag-uusap-
usap na lamang tungkol sa isang pag-uulat
ng bawat pangkat para sa asignaturang
Araling Panlipunan. Ang unang pangkat na
binubuo nila Leo, Bea at Liza ay naatasang
mag-ulat ng mga batas na dapat sundin at
igalang ng bawat mamamayang Pilipino.
Nilinaw rin na ang iuulat nila ay ilan sa
kabahagi ng mga batas pambansa na siyang
umiiral dito sa Pilipinas at batas pandaigdigan din na siya namang umiiral din sa
ibang mga bansa at maaaring sa buong mundo.
Napagkasunduan ng magkakaibigang Leo, Bea at Liza na magkaroon sila ng
kanikaniyang paksang iuulat. Si Leo sa mga batas para sa kaligtasan sa daan; si
Bea para sa mga batas pangkalusugan; at si Liza ay para sa mga batas laban sa
pagaabuso sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Narito ang ilan sa mga batas na naihandang iuulat ng magkakaibigang mag-aaral.

Tagapag-ulat: Leo Santos


Paksang Iuulat: Mga dapat tandaan tungkol sa mga batas para sa kaligtasan sa
daan

1. Paggamit ng seat belt ng nagmamaneho at pasahero sa unahan ng sasakyan.


2. Ipinagbabawal ang pagpapaupo sa unahan ng sasakyan ng mga batang 6 na
taong gulang pababa.
3. Pagsusuot ng helmet habang nakasakay o nakaangkas sa motorsiklo.
4. Hindi pagsisira ng mga sign boards o babala na nasa kalsada.
5. Paggamit o pagtawid sa tamang tawiran o pedestrian lanes.
6. Pagsakay o pagbaba sa mga sasakyan sa lugar na sadyang hintuan at babaan
(loading/unloading area)

You might also like