You are on page 1of 8

Parent’s/Guardian’s

Signature
CALONGBUYAN ELEMENTARY SCHOOL
ESP 6
QUARTER 2 __________________
SUMMATIVE TEST 1

Pangalan:__________________________________ Petsa:_____________Marka;_________

1-3. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa patlang bago ang bawat bilang.

________1. Paano mo tutuparin ang isang pangako?


A. Tutuparin ito na buo ang loob.
B. Tutuparin ito na bukal sa kalooban.
C. Tutuparin ito na may kahalong yamot.
D. Ang titik A at B ay tama.

________2. . Ano ang gagawin mo sa isang pangakong di natupad?


A. Maging leksyon na huwag mangako kung di kayang tuparin.
B. Hihingi ng kapatawaran dahil sa hindi pagtupad nito.
C. Gawin itong inspirasyon upang baguhin ang sarili.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.

________3. Ano ang gagawin mo sa isang taong nabigong tuparin ang pangako niya sa
iyo?
A. Magalit at magtanim ng sama ng loob.
B. Huwag mo ring tuparin ang pangako mo sa kaniya
C. Kausapin upang maintindihan ang rason kung bakit hindi niya natupad ang
kaniyang pangako.
D. Ipagkalat na masama siyang tao sa kadahilanang hindi niya natupad ang
kaniyang pangako.

4-10. Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Lagyan ng tsek (/ ) kung ito ay


nagpapakita ng pagtupad sa pangako o kasunduan; ekis ( x ) naman kung hindi.

_____ 4. Nagdriwang ng ika- 12 kaarawan si Martha. Hindi nakadalo ang kanyang


kaibigang si Alicia dahil nakalimutan niya ito.

_____ 5. Bagama’t hirap sa buhay, pinilit pa rin ni Mang Berto na bumili ng masarap
na pagkain bilang pasalubong kay Anthony gaya ng pangako niya sa anak.

_____ 6. Hindi na nakikipag-away si Solomon ayon sa napag-usapang kasunduan


nilang magkaibigan.

_____ 7. Humiram ng laruan si Andres sa kapitbahay na si Chester. Hindi niya ito


isinauli.

_____ 8. Tuwang-tuwa si Michelle dahil ibinili siya ng kanyang nanay ng ipinangakong


laruan na pinakapangarap niya.

______9. Nakalimutan ni Aimee na i-text ang nanay pagkarating sa training venue


tulad ng ipinangako niya.

______10. Sumama si Jessie sa mga kaibigan dahil napagkasunduan nilang bisitahin


ang isa pa nilang kaklase.
11-15. Sagutin ng TAMA o MALI ang pangungusap. Isulat ang sagot sa
kuwaderno.

______________ 1. Pinakokopya ni Sam si Ellen tuwing may pagsusulit.

______________ 2. Sabay na nag-aaral ang magkaibigan.

______________ 3. Pinagtatanggol ang kaibigan kahit ito ay may masamang


nagawa.

______________ 4. Walang kai-kaibigan sa maling gawain kaya pinagsasabihan ni


Anna ang kaniyang kaibigan.

______________ 5. Pinapasunod ni Fred ang kaniyang kaibigan sa mali niyang


ginagawa.
Parent’s/Guardian’s
Signature
CALONGBUYAN ELEMENTARY SCHOOL
ESP 6
QUARTER 2 __________________
SUMMATIVE TEST 2

Pangalan:__________________________________ Petsa:_____________Marka;___________
Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa patlang bago ang bawat bilang.

__________1. Nasira ng baha ang tinitirhang bahay ng iyong kaibigan. Walang natirang
anumang gamit sa kanya. Ano ang gagawin mo?
A. Magbibigay ng mga lumang gamit na pinaka-ayaw na.
B. Bahala na ang barangay na magbigay ng tulong sa kanila.
C. Hindi na magpapakita sa kaibigan at maghahanap na ng bagong
makakasama sa araw-araw.
D. Magbibigay ng mga magagandang damit at gamit sa paaralan na di na
ginagamit ngunit maayos pa.

__________2. Umiiyak ang kaibigan mo dahil wala siyang nagawang proyekto. Wala
siyang nabiling kagamitan dahil hindi siya nabigyan ng kanyang ina sapagkat kapos
sila sa pera. Ano ang maaari mong gawin?
A. Ipapasa ang sariling proyekto at hindi siya papansinin.
B. Bibigyan siya ng mga kagamitang natira sa paggawa ng proyekto.
C. Pababayaan na lang ang kaibigan dahil walang magagawa sa problema niya.
D. Kakausapin ang kanyang ina dahil sa hindi makatarungang ginawa nito sa
anak.

__________3. Pareho kayong nangunguna sa klase ng iyong kaibigan. Ngunit ang iyong
kaibigan ang napili ng inyong guro upang kumatawan ng inyong paaralan sa
paligsahan sa Matematika. Ano ang iyong gagawin?
A. Maghihinakit sa kaibigan.
B. Tutulungan ang kaibigan sa pagrereview.
C. Sasabihin sa magulang na kausapin ang guro upang baguhin ang kanyang
desisyon.
D. Hindi siya papansinin dahil hindi siya umayaw nang kinausap ng guro
tungkol dito.

__________4. Kakaiba ang kulay ng balat at kulot ang buhok ng iyong matalik na
kaibigan kaya marami ang nanunukso sa kanya. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi na makikipagkaibigan sa kanya para hindi madamay.
B. Kakausapin ang kaibigan na lumipat na lang siya sa ibang paaralan.
C. Sasabihin sa kaibigan na tanggapin na lang niya ang panlalait dahil totoo
naman.
D. Kakausapin nang mabuti ang mga nanlalait sa kaibigan upang tigilan na
ang ginagawa nila.

__________5. Napansin mong nahihirapan ang kaibigan mo sa pagguhit ng kanyang


proyekto. Magaling ka namang gumuhit, ano ang maaari mong gawin?
A. Hindi na lang siya papansinin.
B. Tutulungan ko siya sa abot ng aking makakaya.
C. Hahayaan siyang maghirap sa paggawa ng kanyang proyekto.
D. Lalayuan na lang siya dahil hindi naman siya marunong gumuhit.
II. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpakikita ng mabuting
pakikipagkaibigan at MALI kung hindi.

_______1. Nagtampo ka sa iyong kaibigan dahil hindi ka niya pinakopya sa inyong


pagsusulit kahit nakiusap ka na.

_______2. Nakita mong pinagtatawanan ang iyong kaibigan dahil sa sira-sira nitong
tsinelas kaya ipinagtanggol mo siya sa mga taong kumukutya sa kanya.

_______3. Lumiban sa klase ang iyong kaibigan dahil nagkasakit siya. Tinuruan mo
siya sa mga araling hindi niya maintindihan.

_______4. Nakalimutan ng kaibigan mo ang kanyang baong pera kaya binigyan mo na


lang siya ng iyong baong pagkain

_______5. Nakita mong nagsisigarilyo ang kaibigan mo. Alam mong masama ito sa
kanyang kalusugan kaya pinagsabihan mo siya tungkol sa masamang epekto nito.
Parent’s/Guardian’s
Signature
CALONGBUYAN ELEMENTARY SCHOOL
ESP 6
QUARTER 2 __________________
SUMMATIVE TEST 3

Pangalan:__________________________________ Petsa:_____________Marka;___________
Basahin ang bawat tanong. Bilugan ang titik na angkop na iyong gagawin sa
bawat sitwasyon.

_________1. May napulot kang payong habang naglalakad. Ano ang iyong
gagawin?
A. Itatago para may magamit sa tag-ulan.
B. Ibibigay sa guro upang maibalik sa may-ari.
C. Hindi papansinin at dadaanan lang ang payong.
D. Sisirain at iiwan sa daan upang may makakita nito.

_________2. Nakita mo ang iyong kapatid na nangungupit sa pitaka ng inyong


nanay. Ano ang iyong gagawin?
A. Hahayaan na lamang siya.
B. Magpapalibre sa kapatid.
C. Tatakutin at aawayin ang kapatid.
D. Sasabihin sa nanay ang totoo para mapagsabihan ang kapatid.

_________3. Kinuha mo ang ginawang proyekto ng iyong kaklase. ipinasa mo


ito na nakapangalan sa iyo, Nagustuhan ito ng inyong guro at ikaw ang pinuri.
Ano ang iyong dapat gagawin?
A. Aangkinin ang karangalan.
B. Paninindigan na sa iyo ang proyekto..
C. Tatakutin ang kaklase upang hindi magreklamo.
D. Aaminin sa guro na hindi mo ginawa ang proyektong iyong ipinasa

_________4. Sa dami ng taong bumubili hindi namalayan ng tindera na sobra


ang ibinigay niyang sukli saiyo. Ano ang iyong gagawin?
A. Agad na ibubulsa ang sukli.
B. Ibabalik sa tindera ang sobrang sukli.
C. Ibibili agad ng pagkain ang sobrang sukli.
D. Hindi papansinin ang pagkakamali ng tindera.

_________5. Nabasag mo ang plorera sa inyong silid-aralan. Nakita ito ng


inyong guro kaya tinanong niya kung sino sa inyo ang nakabasag nito. Ano
ang dapat mong gawin?
A. Hindi magsasalita dahil wala namang nakakita.
B. Ituturo ang ibang kaklase para siya ang mapagalitan.
C. Liliban muna sa klase upang hindi marinig ang sasabihin ng guro.
D. Aaminin sa guro ang nagawang kasalanan at hihingi ng paumanhin.
II. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpakikita ng pagiging
matapat at MALI kung hindi.

_______1. Sinabi ni Jayden sa kaniyang nanay na siya ang nakabasag sa baso.

_______2. Nakapulot ng payong si Denise at nakasulat ang pangalan ng


kaniyang kaibigan dito, agad niya itong ibinalik .

_______3. Kumuha si Cynthia ng pera sa pitaka ng kanyang nanay na hindi


nagpapaalam.

_______4. Agad na ibinulsa ni Jinky ang sobrang sukli na iniabot ni Aling


Marta sa kanya.

_______5. Nagpaalam si Shekinah sa kaniyang Nanay na pupunta sa bahay ng


kanyang kaklase upang gumawa ng proyekto subalit sa tabing dagat siya
nagpunta .
Parent’s/Guardian’s
Signature
CALONGBUYAN ELEMENTARY SCHOOL
ESP 6
QUARTER 2 __________________
SUMMATIVE TEST 4

Pangalan:__________________________________ Petsa:_____________Marka;___________
Basahin ang bawat tanong. Bilugan ang titik na angkop na iyong gagawin
sa bawat sitwasyon.

___________1. Nais mong ipahayag ang iyong ideya tungkol sa inyong paksa ngunit
may nagsasalita pa. Ano ang gagawin mo?
A. Tatayo ako at sisingit sa nagsasalita.
B. Pauupuin ko na ang nagsasalita at ako naman ang magsasalita.
C. Lalakasan ko na lang ang boses ko upang maipahayag ko agad ang ideya ko.
D. Hihintayin kong matapos ang nagsasalita at itataas ko ang aking kamay upang
mapansin at matawag ng aming guro.

___________2. Naatasan ng guro ang dalawang mag-aaral sa bawat grupo na sila ang
magtatala ng makukuhang puntos ng magkabilang panig sa larong basketball.
Napansin mong labis-labis na ang puntos ng kalaban sa inyo. Ano ang maaari mong
gawin?
A. Hindi na lang bibigyang pansin ang ginagawa ng tagapuntos.
B. Pupunta ako sa namumuno ng laro at sasabihin ko ang aking saloobin ng
mahinahon tungkol sa pagbibigay ng puntos.
C. Hihikayatin ang aking mga kasama na sumigaw ng madaya upang makuha ang
atensyon ng lahat.
D. Hihikayatin ko ang ibang mga kasapi na pumunta sa gitna ng court upang
ipakita ang pagkadismaya sa nagpupuntos.

___________3. Mayroong maling nasabi ang guro tungkol sa kanyang paliwanag sa


aralin ninyo sa agham. Napansin mo ito. Ano ang dapat mong gawin?
A. Sasabihin ko sa aking mga katabi na mali ang sinabi ng aming guro.
B. Pagtatawanan ang guro habang sinasabi ko ang tamang paliwanag.
C. Itataas ko ang aking kamay at ipaliliwanag ko ang aking ideya tungkol sa sinabi
ng aming guro.
D. Hindi na ako maniniwala sa aming guro dahil hindi tama ang kanyang
paliwanag.

___________4. Nais mong mapabuti ang serbisyo ng kantina sa inyong paaralan


sapagkat sa tingin mo ay hindi ito sapat. Ano ang gagawin mo?
A. Susulat ako sa namamahala ng kantina tungkol sa mga napapansin kong di sapat
na serbisyo nito.
B. Kakausapin ang aking mga kaibigan na huwag nang kumain dito dahil hindi
maganda ang serbisyo.
C. Kakausapin ko ang namamahala at sisigawan sa hindi magandang serbisyo nito.
D. Hindi na lang bibigyang pansin ang hindi magandang serbisyo dahil masarap
naman ang kanilang pagkain.

___________5. Naniniwala ang iyong ama na mainam magtanim ng binhi ng palay


tuwing kabilugan ng buwan. Alam mong ito ay isang pamahiin lamang, ano ang
maaari mong gawin?
A. Tutulungan ko ang aking ama sa pagtatanim dahil ito ang kanyang ideya.
B. Pagtatawanan ko ang aking ama dahil wala naman siyang basehan.
C. Pababayaan na lamang ang aking ama dahil wala namang mawawala kung
gagawin niya ito.
D. Ipaliliwanag ko sa aking ama na ito ay pamahiin lamang at walang kinalaman
ang pagtatanim sa kabilugan ng buwan.

II. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang sa


suhestiyon at MALI kung hindi.

_______1. Pinapakinggan niya ang lahat ng suhestiyon ng kanyang kapangkat sa


paggawa ngkanilang proyekto.

_______2. Iminungkahi ng kanyang kaibigan na ayusin ang kulay ng kanyang poster


upang mas lalong gumanda subalit hindi niya ito sinunod.

_______3. Ang mabuting pakikitungo sa kapwa ay mahalaga upang magkaroon ng


magandang samahan.

_______4. Matutong pakinggan ang suhestiyon ng ating kapwa dahil ito ay isang
paraan ng pagpapakita ng pagiging magalang.

_______5. Iparamdam sa ibang tao na hindi mo nagugustuhan ang kaniyang ideya .

You might also like