You are on page 1of 20

6

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan - Modyul 2:
Pag-unlad ng Transportasyon
at Komunikasyon sa Panahon
ng mga Amerikano
Araling Panlipunan - Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan - Modyul 2: Pag-unlad ng Transportasyon at Komunikasyon
sa Panahon ng mga Amerikano
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Roselyn T. Castro
Patnugot: Rosalin S. Muli EdD, CESE
Ricky C. Balingit
Tagasuri: John Paul C. Paje EdD
Janet Y. Paras
Romeo P. Lorido
Bryan M. Balintec
Tagaguhit: Carlo D. Yambao
Tagalapat: Erwin H. Iruma
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Celia R. Lacanlale PhD
Ruby Murallos Jimenez PhD
June D. Cunanan

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis,
City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
6

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan - Modyul 2:
Pag-unlad ng Transportasyon
at Komunikasyon sa Panahon
ng mga Amerikano
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pag-unlad ng Transportasyon at
Komunikasyon sa Panahon ng mga Amerikano!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
ika-21 siglong mga kasanayan habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pag-unlad ng Transportasyon at
Komunikasyon sa Panahon ng mga Amerikano!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin
dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
Pagyamanin iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng marka o sulat ang
anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Isang mapagpalang araw! Paano kaya tayo makakarating sa isang lugar na


nais nating puntahan sa mabilis na panahon? Paano naman kung nais mong
kausapin ang iyong tatay na nasa ibang bansa? Ano ang gagamitin mong kagamitan
upang mapadali ang inyong pag-uusap?
Naisip mo na ba ang sagot sa aking mga katanungan? Magaling kung ganoon!
Sa modyul na ito, iyong pag-aaralan ang pag-unlad ng transportasyon at
komunikasyon noong panahon ng mga Amerikano.
Pagkatapos ng aralin ikaw ay inaasahang:
1. natatalakay ang pag-unlad ng transportasyon at komunikasyon at ang epekto
nito sa pamumuhay ng mga Pilipino;
2. napahahalagahan ang mga kagamitang ginagamit sa transportasyon at
komunikasyon na impluwensya ng mga Amerikano; at
3. nakasusulat ng isang sanaysay tungkol sa kahalagahan sa paggamit ng
transportasyon at komunikasyon lalo na sa panahon ng pandemya.

Mga Tala para sa Guro


Maaari mo nang simulan ang mga inihandang mga gawain.
Inaasahan na ito ay makatutulong sa iyo para umunlad ang iyong
kaalaman.
Basahin itong mabuti at tandaan ang mga importanteng
detalye.

Subukin

Basahin ang bawat pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel?
1. Ano-ano ang mga unang ipinagawa ng mga Amerikano sa bansa para sa
pag-unlad ng transportasyon?
A. bahay at lupa C. simbahan at parke
B. palaruan at palikuran D. tulay at lansangan

1
2. Anong unang sasakyan ang nagkaroon sa Pilipinas para mapabilis ang
paglalakbay?
A. bisikleta C. kariton
B. gareta D. motorsiklo
3. Ano ang tawag sa pinakamalaking daungan sa silangan?
A. Pier 5 C. Pier 9
B. Pier 7 D. Pier 10
4. Anong kagamitan ang ipinakilala rin noon ng mga Amerikano bilang paraan
ng paghahatid ng balita?
A. kompyuter
B. laptop
C. smartphone
D. radyo
5. Anong sasakyan ang iyong gagamitin para mapabilis ang iyong pagpunta sa
ibang bansa?
A. barko
B. eroplano
C. kotse
D. trak
6. Kailan nagsimula ang ugnayang panghimpapawid ng Estados Unidos at
Pilipinas?
A. Enero 29, 1945
B. Marso 29, 1945
C. Disyembre 29, 1945
D. Nobyembre 29, 1945
7. Bakit naging mahalaga ang komunikasyon at transportasyon na dala
ng mga Amerikano?
A. dahil malaya na silang lumayo
B. dahil marami silang pwedeng puntahan
C. dahil nagagawa na nila ang mga nais nilang gawin
D. dahil nagkaroon ng pagkakataong makipag-ugnayan at makapaglakbay
ang mga Pilipino
8. Ano ang naging bunga ng pagiging matagumpay ng transportasyon at
komunikasyon noong panahon ng mga Amerikano?
A. nagkaroon ng pagkakataon na lumabas ang mga tao
B. natuto ng mga gawaing bahay ang mga kababaihan
C. napabilis ang pakikipag-ugnayan ng mga tao
D. nagawa ng mga tao ang mga gusto nila
9. Paano mo mapahahalagahan ang transportasyon at komunikasyon?
A. pag-ingatan ito habang ginagamit
B. paandarin kahit hindi ginagamit
C. paulanin kahit saan
D. painitin sa labas ng bahay

2
10. Paano nakatutulong ang mga kagamitang pangkomunikasyon sa pang-
araw-araw na pamumuhay?
A. nakakausap ang mga pamilya kahit sila’y nasa malalayong lugar
B. nakakapaglaro ng Mobile Legends
C. nakakapag-post sa facebook
D. nakakapag-Tiktok

Mahalagang paalala:
Kung nakuha mo lahat ang tamang sagot, maaari mo ng laktawan
ang modyul na ito.
Binabati kita!
Kung hindi naman, ipagpatuloy lamang ang pagbabasa sa modyul
at sagutin ang mga inihandang gawain para sa iyo.

3
Aralin Pag-unlad ng Transportasyon

1 at Komunikasyon sa Panahon
ng mga Amerikano

Balikan

Sa panahon ngayon, marami ng iba’t ibang mga kagamitan ang nakatutulong


sa mga mag-aaral upang mas mapabilis ang kanilang pagkatuto. Kabilang sa mga
ito ang mga makabagong teknolohiya na kung saan maaari nating pagkunan ng mga
impormasyon tungkol sa ating mga aralin.
Tingnan at pag-aralan ang larawan. Ano ang ipinapakita ng mga ito? Tukuyin
kung ano ang nais ipahiwatig at kahalagahan nito lalo na sa panahon ngayon ng
pandemya. Gumawa ng maikling talata na may limang pangungusap. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

4
Tuklasin

Pag-aralan ang mga larawan. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na


katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang ipinapakita ng mga nasa larawan?


2. Kayo ba ay nakasakay na sa mga ito? Kung hindi, ano na ang nasakyan mo?
3. Ano ang kahalagahan ng mga ito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay?

Suriin

Ang transportasyon at komunikasyon ay mahahalagang salik sa pag-unlad


ng isang lugar kaya naman ang mga ito ay mga bagay na pinagtuunan ng pansin ng
mga Amerikano sa bansa.

5
Inuna nilang ipagawa ang mga lansangan at tulay. Nagkaroon ng iba’t ibang
uri ng sasakyan sa bansa tulad ng bisikleta, trak at motorsiklo na nagpabilis sa
paglalakbay. Ang unang kotse ay dinala sa bansa noong 1903. Noong 1912, ang
batas hinggil sa mga sasakyang de-motor ay pinasimulan at sa taon ding iyon ay
may higit na isang libo ang nagpatala ng kanilang mga sasakyan.
Ang dating hinihilang kabayong trambiya ay napalitan ng trambiyang
pinatatakbo ng elektrisidad na pinasimulan ng MERALCO noong 1903. Noong 1906,
naglagay ng mga riles ng tren sa Cebu at Panay ang Philippine Railway Company.
Noong 1916, binili ng pamahalaan ang Manila-Dagupan Railway na pag-aari ng
isang kompanyang Britanya. Ito ay tinawag na Manila Railroad Company, na ang
biyahe ay mula sa San Fernando, La Union hanggang Legazpi, Albay.
Umunlad din ang paglalakbay pantubig dahil sa pagkakaroon ng mga
daungan, parola at breakwater. Sa Maynila, maraming modernong daungan o pier
ang nabuksan at isa na rito ang Pier 7 na sinasabing isa sa pinakamalaking daungan
sa silangan.
Sa panahong ito, naipakilala rin ng mga Amerikano ang sasakyang
panghimpapawid. Ang unang paglipad na komersyal ay isinagawa ng Philippine
Aerial Taxi Company (PATCO) na may biyahe mula Baguio hanggang Maynila at
Paracale.
Ang ugnayang panghimpapawid sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas ay
nagsimula nang dumating sa Maynila buhat sa California ang eroplanong China
Clipper ng Pan-American Airways noong Nobyembre 29, 1935.

Pagyamanin

A. Isulat ang T kung tama ang ideyang isinasaad ng pangungusap at M naman kung
hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Napapadali ang ugnayan ng mga nasa malayong lugar dahil sa maayos na
komunikasyon.
2. Malaki ang naitutulong ng mga transportasyon upang makapaglakbay sa iba’t
ibang mga lugar.
3. Napabagsak ng mga Amerikano ang sistema ng transportasyon
at kominukasyon sa Pilipinas.
4. Maraming mga naantalang mga biyahe dahil sa kawalan ng transportasyon.
5. Bumilis ang sistema ng paghatid ng mga liham, telegram at money order.

B. Ayusin ang mga nakahalong mga letra upang mabuo ang salitang tinutukoy ng
bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
(opteleon) 1. Ginagamit upang mapabilis ang komunikasyon ng dalawang tao na
nasa magkaibang lugar.
(repi) 2. Tawag sa daungan ng mga sasakyang pandagat.

6
(dayro) 3. Kagamitang ginagamit panghatid ng mga balita sa mga iba’t ibang
estasyon.
(rent) 4. Pagbibiyahe na dumadaan sa mga riles papunta at pabalik sa iba’t
ibang mga lugar.
(repolano) 5. Sasakyang panghimpapawid na ginagamit upang mas mabilis
makatungo sa nais na puntahan.
C. Hanapin ang limang (5) mga kagamitang ginagamit sa transportasyon at
komunikasyon na maaaring nakahiga o nakatayo. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

T E L E P O N O P P A I N T U S K T

A R T R A T T O G N M U L S E R P R

B E G O S D O P L J O G D T E O A A

A E H P O G U P D E R P S U O N K K

H A I L P S R H O P E K L S A T O E

O T F A R T T O G N M U L S E I T L

M O G N L D O P L J O G D T E O S T

R P I O T B N I O P M A E O S P E I

T S A A R T O L M O T O R A L A R T

D. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.

Manila Road Company Philippine Railway Company


Philippine Aerial Taxi Company (PATCO) MERALCO
China Clipper ng Pan-American Airways Pier 7

1. Ang ________________ ang nagsagawa ng unang paglipad na komersyal ng


sasakyang panghimpapawid na may biyahe mula Baguio hanggang Maynila at
Paracale.
2. Ang ________________ ay sinasabing isa sa pinakamalaking daungan sa silangan.
3. Ang dating hinihilang kabayong trambiya ay napalitan ng trambiyang
pinatatakbo ng elektrisidad na pinasimulan ng ________________.

7
4. Binili ng pamahalaan ang Manila-Dagupan Railway na pag-aari ng isang
kompanyang Britanya na kalaunan ay tinawag na ________________.
5. Ang ugnayang panghimpapawid sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas ay
nagsimula nang dumating sa Maynila buhat sa California ang eroplanong
________________.

E. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari. Isulat ang bilang na 1-5 sa


patlang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
______ Ang unang kotse ay dinala sa bansa.
______ Binili ng pamahalaan ang Manila-Dagupan Railway na pag-aari ng
isang kompanyang Britanya.
______ Dumating sa Maynila buhat sa California ang eroplanong China
Clipper ng Pan-American Airways.
______ Ang batas hinggil sa mga sasakyang de-motor ay pinasimulan at sa
taon ding iyon ay may higit na isang libo ang nagpatala ng kanilang
mga sasakyan.
______ Naglagay ng mga riles ng tren sa Cebu at Panay ang Philippine
Railway Company.
Ano ang magandang naidulot ng pananakop ng mga Amerikano sa sistema
ng transportasyon at komunikasyon sa Pilipinas? Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

8
Isaisip

May natutunan ka ba sa iyong aralin? Tingnan natin kung masasagot mo ang


nasa ibaba. Punan ng tamang salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng
bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Sa panahon ng mga Amerikano, inuna nilang ipagawa ang mga


(1.) ___________________ at (2.) ___________________sa bansa.
Ang unang kotse ay dinala sa bansa noong (3.) ___________________.
Ang dating hinihilang kabayong trambiya ay napalitan ng trambiyang
pinatatakbo ng elektrisidad na pinasimulan ng (4.) ___________________noong 1903.
Noong 1906 naglagay ng mga riles ng tren sa Cebu at Panay ang
(5.)___________________.
Noong 1916, binili ng pamahalaan ang Manila-Dagupan Railway na pag-aari
ng isang kompanyang Britanya na (6.) ___________________.
Ang (7.) ___________________sinasabing isa sa pinakamalaking daungan sa
silangan.
Ang unang paglipad na komersyal ay isinagawa ng (8.) ___________________na
may biyahe mula Baguio hanggang Maynila at Paracale.
Ang ugnayang panghimpapawid sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas ay
nagsimula nang dumating sa Maynila buhat sa California ang eroplanong (9.)
___________________ noong Nobyembre 29, 1935.

Isagawa

Palagay mo, Isulat mo!


Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong pumunta sa isang lugar, saan mo
nais pumunta at ano ang iyong sasakyan? Sumulat ng isang sanaysay na may lima
hanggang walong pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

9
Tayahin

Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Anong kagamitan sa transportasyon ang naunang nagkaroon sa panahon ng


mga Amerikano?
A. bisikleta C. kariton
B. gareta D. motorsiklo
2. Anong kagamitang pangkomunikasyon naman ang unang nagkaroon para
makausap ang mga nasa malalayong lugar?
A. kompyuter C. tablet
B. laptop D. telepono
3. Ano ang tawag sa pinakamalaking daungan sa silangan?
A. Pier 5 C. Pier 9
B. Pier 7 D. Pier 10
4. Anong kagamitan ang ipinakilala rin noon ng mga Amerikano bilang paraan ng
paghahatid ng balita?
A. kompyuter C. radyo
B. laptop D. smartphone
5. Anong sasakyan ang iyong gagamitin para mapabilis ang iyong pagpunta sa
ibang bansa?
A. barko C. kotse
B. eroplano D. trak
6. Kailan dinala sa bansa ang kauna-unahang kotse?
A. 1902 C. 1904
B. 1903 D. 1905
7. Ano ang naging epekto ng pag-unlad ng komunikasyon at transportasyon na
dala ng mga Amerikano sa pamumuhay ng mga Pilipino?
A. naparami ang mga naglalakad
B. napaliit ang bilang ng mga sasakyan
C. napabilis ang anumang uri ng transaksyon
D. napahina ang pang-industriyang kalakalan
8. Paano mo mapahahalagahan ang mga kagamitang pangtransportasyon at
komunikasyon?
A. gamitin sa mga ‘di kailangang gawain
B. gamitin panghatak ng mga kaibigan
C. gamitin panggala sa mga nais ninyong puntahan
D. gamitin sa makabuluhang pamamaraan tungo sa pag-unlad

10
9. Ano ang kahalagahan ng mga transportasyon sa kasalukuyang panahon?
A. pang-aliw sa mga barkada
B. pangporma sa mga lakaran
C. pang-display sa mga bagong kaibigan
D. pang-service sa panahon ng matinding pangangailangan
10. Ano ang kahalagahan ng mga komunikasyon sa kasalukuyang panahon?
A. madali mong makakausap ang mga taong nasa ibang lugar
B. malalaman ang buhay ng mga nagpo-post sa facebook
C. mabilis kang makahahanap ng bagong kakilala
D. makakapanood ng mga nagti-Tiktok

Karagdagang Gawain

Sumulat ng limang pangungusap sa iyong sagutang papel na nagsasaad ng


pagpapahalaga sa mga kagamitang pangtransportasyon at komunikasyon.

11
12
Subukin Balikan Tuklasin
1. D (Maaaring iba- (Maaaring iba-iba
2. D iba ang kanilang ang kanilang mga
3. B mga sagot.) sagot.)
4. D
5. B
6. A
7. D
8. C
9. A
10. A
Pagyamanin
A B C
1. T 1. telepono
2. T 2. pier
3. M 3. radyo
4. M 4. tren
5. T 5. eroplano
RUBRIK SA PAGSULAT NG SANAYSAY
para sa Gawain F, Isagawa at Karagdagang Gawain
D E F MGA PAMANTAYAN PUNTOS
1. Philippine Aerial Taxi 1. 1 (Maaaring Nakapanghihikayat ang introduksyon. 5
Malinaw na nakalahad ang pangunahing
Company (PATCO) 2. 4 iba-iba ang paksa gayundin ang panlahat na pagtanaw
2. Pier 7 3. 5 kanilang ukol dito.
3. MERALCO 4. 3 Makabuluhan ang bawat talata dahil sa 5
mga sagot) husay na pagpapaliwanag at pagtalakay
4. Manila Railroad 5. 2 tungkol sa paksa.
Company Lohikal at mahusay ang pagkakasunud- 5
5. China Clipper ng sunod ng mga ideya.
Pan-American Airways Wasto at magkakaugnay ang mga ginamit 5
na salita
Kabuuang Puntos 20
Isagawa Tayahin Karagdagang
A.
(Maaaring iba- 1. D 6. B Gawain
iba ang kanilang 2. D 7. C
mga sagot) 3. B 8. D (Maaaring iba-iba
4. C 9. D ang kanilang mga
5. B 10. A sagot)
B.
1. T
2. T
3. M
4. M
5. T
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
"Araling Panlipunan K To 12 Curriculum Guide". 2020. Slideshare.Net.
https://www.slideshare.net/kenjoyb/araling-panlipunan-k-to-12-
curriculum-guide.

Baisa-Julian, Ailene G., Lontoc, Nestor S., Koordineytor: Dayag, Alma M.


2019. Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 6 (Ikalawang Edisyon).
927 Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House

K-12 Most Essential Learning Competencies (MELC) – Teach Pinas. Teach


Pinas, 2020. https://www.teachpinas.com/ k-12-most-essential-learning-
competencies-melc/.

Updates, News, Teaching Materials, Reading Articles, and Be Contributor.


2020. "Most Essential Learning Competencies (MELC) KG to Grade 12 SY
2020-2021". DepEd Click. https://www.deped-click.com/2020/05/most-
essential-learning-competencies.html.

13
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region III


Learning Resource Management Section (LRMS)
Diosdado Macapagal Government Center,
Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

You might also like