You are on page 1of 24

6

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan - Modyul 5:
Ang Malasariling Pamahalaan:
Komonwelt
Araling Panlipunan - Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan - Modyul 5: Ang Malasariling Pamahalaan: Komonwelt
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Raiza O. Lopez
Patnugot: Rosalin S. Muli EdD, CESE
Ricky C. Balingit
Tagasuri: John Paul C. Paje EdD
Janet Y. Paras
Romeo P. Lorido
Bryan M. Balintec
Tagaguhit: Carlo D. Yambao
Tagalapat: Erwin H. Iruma
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Celia R. Lacanlale PhD
Ruby Murallos Jimenez PhD
June D. Cunanan

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
6

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan - Modyul 5:
Ang Malasariling Pamahalaan:
Komonwelt
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Malasariling Pamahalaan:
Komonwelt!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
ika-21 siglong mga kasanayan habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Malasariling Pamahalaan:
Komonwelt!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin
dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
Pagyamanin iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng marka o sulat ang
anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Alam n’yo ba na ang Pamahalaang Komonwelt ay naitatag upang sanayin ang


mga Pilipinong pamahalaan ang sariling bansa sa loob ng sampung taon?
Sa modyul na ito, mas lubusan ninyong mauunawaan kung ano ang
istruktura ng Pamahalaang Komonwelt at ang mga naging epekto nito sa buhay ng
mga Pilipino.
Pagkatapos ng aralin ikaw ay inaasahang:
1. nailalarawan ang Pamahalaang Komonwelt;
2. nakabubuo ng isang project proposal para sa pamahalaan tungkol sa suliraning
pangkalusugan ng bansa sa kasalukuyan; at
3. nabibigyang pagpapahalaga ang mga programang nagawa sa panahon ng
Komonwelt.

Mga Tala para sa Guro

Ang inyong patnubay at pagsubaybay ay kinakailangan ng


iyong mag-aaral upang matutuhan niya ang mga aralin at
masagutan nang wasto ang mga gawain sa kagamitang ito.

Subukin

Basahing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel?
1. Sa panahon ng Komonwelt, mga Pilipino na ang nahalal na pinuno ng bansa.
Sino ang nahalal na unang pangulo ng Komonwelt?
A. Sergio Osmeña C. Manuel Quezon
B. Manuel Roxas D. Elpidio Quirino
2. Ang pamahalaan ay nahati sa tatlong sangay. Anong sangay ang nagbibigay
parusa sa mga lumalabag sa batas?
A. Lehislatura C. Ehekutibo
B. Hudikatura D. Wala sa nabanggit

1
3. Kung si Manuel Quezon ang nahalal na unang pangulo ng Komonwelt, sino
naman ang nahalal na pangalawang pangulo ng bansa?
A. Sergio Osmeña
B. Manuel Roxas
C. Manuel Quezon
D. Elpidio Quirino
4. Sa matagal na panahong sinakop tayo ng mga dayuhan, hindi nabigyan ng
pagkakataon ang mga Pilipino na pamahalaan ang sariling bansa. Sa panahon
ng mga Amerikano, nagkaroon tayo ng pagkakataon na pamahalaan ang sariling
bansa sa loob ng sampung taon sa ilalim ng anong uri ng pamahalaan?
A. Pamahalaang Sibil
B. Pamahalaang Militar
C. Pamahalaang Puppet
D. Pamahalaang Komonwelt
5. Mahabang proseso ang dinaan bago nakamit ang karapat-dapat na batas
pangkalayaan. Anong batas ang nagtadhana ng pagkakaroon ng Malasariling
Pamahalaan?
A. Batas Jones
B. Batas Pilipinas
C. Batas Tydings-McDuffie
D. Batas Hare-Hawes-Cutting
6. Upang maitatag ang Malasariling Pamahalaan, kinailangan ang Saligang Batas.
Ano ang itinatag na naatasang bumuo ng bagong Saligang Batas alinsunod sa
Batas Tydings-McDuffie?
A. Mababang Kapulungan
B. Kumbensyong Konstitusyunal
C. Mataas na Kapulungan
D. Pambansang Asamblea
7. Bilang isang arkipelago, ang Pilipinas ay sagana sa iba’t ibang wika mula sa iba’t
ibang panig ng bansa. Upang magkaunawaan ang lahat, ninais ni Pangulong
Manuel Quezon na magkaroon ng isang wikang pambansa. Ano ang naging
pambansang wika ng Pilipinas?
A. Tagalog
B. Filipino
C. Kapampangan
D. Bisaya
8. Bago nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na pamunuan ang bansa, ang
pangulo ng Amerika ang nagpapadala ng magiging kinatawan nito sa bansa. Sa
pagkakatatag ng Pamahalaang Komonwelt, paano pinili ang mga namuno sa
bansa gaya ng pangulo at pangalawang pangulo?
A. Sa pamamagitan ng halalan
B. Sa pamamagitan ng pagbibigay kapangyarihan ng Amerika
C. Sa pamamagitan ng isang paligsahan
D. Sa pamamagitan ng palabunutan o toss coin

2
9. Maraming suliraning kinaharap ang administrasyon Quezon sa kanyang
pagsisimulang mamuno. Paano niya hinarap ang mga suliraning ito?
A. Humingi siya ng tulong sa pangulo ng Amerika.
B. Inalis niya ang mga kagawaran at posisyong hindi mahalaga at
pinalitan ng bagong makakatulong sa bansa.
C. Nagbigay ng malaking halaga para sa pondo ng bansa
D. Lahat ng nabanggit.
10. Sa pagkakatatag ng Komonwelt, may banta pa rin ng pananakop mula sa ibang
bansa lalo na sa mga kaaway ng Amerika kung kaya’t nagtatag ang bansa ng
Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Ano ang layunin nito?
A. Para maliitin ang kalaban
B. Para proteksyunan ang bansa
C. Para laging makipag-away
D. Para maging sikat ang bansa

Mahalagang paalala:
Kung nakuha mo lahat ang tamang sagot, maaari mo ng laktawan
ang modyul na ito.
Binabati kita!
Kung hindi naman, ipagpatuloy lamang ang pagbabasa sa modyul
at sagutin ang mga inihandang gawain para sa iyo.

3
Aralin
Ang Malasariling Pamahalaan:
1 Komonwelt
Matagal na panahon at mahabang proseso ang pinagdaanan ng mga Pilipino
bago maitatag ang Malasariling Pamahalaan na tinatawag na Komonwelt. Sa
pamahalaang ito, mga Pilipino na ang mamumuno sa bansa bilang paghahanda sa
ganap na paglaya ng bansa.

Balikan

Maraming pinagdaanan ang bansa at ang mga Pilipino bago nakamit ang
inaasam na Malasariling Pamahalaan na tinawag na Pamahalaang Komonwelt.
Hindi naging biro ang pinagdaanan ng mga mambabatas na Pilipino upang
makakuha ng isang batas pangkalayaan na lubos na katanggap-tanggap para sa
mga Pilipino.
Maraming mga batas ang dinaanan gaya ng Batas Jones, Batas Cooper, Batas
Hare-Hawes-Cutting hanggang sa makuha ang Batas Tydings-McDuffie na naging
daan sa pagkatatag ng Pamahalaang Komonwelt.

Piliin sa loob ng panaklong ang salitang bubuo sa diwa ng pahayag. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1. Ang Batas Pilipinas ng 1902 ay isinulong ni (Henry Allen Cooper o William
Atkinson Jones) na nagbigay sandigan sa kalayaan ng bansa.
2. Ang Batas Awtonomiya ng Pilipinas ay isinulong ni (Henry Allen Cooper o William
Atkinson Jones) na naglalayong mabigyan ng kasarinlan ang Pilipinas sa
sandaling ito ay magkaroon ng matatag na pamahalaan.
3. Ang (Misyon Quezon o Misyong OsRox) ang unang misyong pangkalayaan noong
1919.
4. Nakapag-uwi ng batas pangkalayaan ang Misyong OsRox na tinanggihan ng
Asamblea ng Pilipinas na kilala bilang (Batas Jones o Batas Hare-Hawes-
Cutting).
5. Ang (Batas Cooper o Batas Tydings-McDuffie) ang nagbigay daan sa pagkakatatag
ng Pamahalaang Komonwelt.

4
Tuklasin

Pag-aralan ang timeline at sagutin ang mga sumusunod na katanungan


tungkol dito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Philippine
Batas Jones PAMAHALAANG
SIMULA Assembly
(1916) KOMONWELT
(1907)

Unang Misyong Constitutional


Pamahalaang
Philippine Bill Pangkalayaan ni Convention/ Pagbuo
Militar
(1902) Quezon ng Saligang Batas
(1898) (1935)
(1919)

Komisyong Batas Tydings-


Pamahalaang Sibil Misyong OsRox
Schrurman McDuffie
(Hulyo, 1901) (1931)
(1899) (1934)

Batas Hare-Hawes- Ikalawang Misyong


Komisyong Taft Susog Spooner Pangkalayaan ni
Cutting Quezon
(1900) (Marso, 1901)
(1932) (1933)

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang unang uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Amerikano?
2. Anong misyong pangkalayaan ang nakakuha ng isang batas pangkalayaan na
tinawag na Batas Hare-Hawes-Cutting?
3. Bakit tinanggihan ng mga Pilipino ang Batas Hare-Hawes-Cutting?
4. Anong batas ang nakakuha ng Ikalawang Misyong Pangkalayaan ni Quezon?
5. Anong uri ng pamahalaan ang naitatag dahil sa Batas Tydings-McDuffie?

5
Suriin

Pinasinayaan ang Pamahalaang Komonwelt noong Nobyembre 1, 1935. Ang


pangunahing layunin nito ay maihanda ang Pilipinas sa ganap na pagsasarili sa loob
ng sampung taon.

Istruktura ng Pamahalaang Komonwelt


1. Ehekutibo – ito ay pinamumunuan ng pangulo at ng kanyang gabinete.

Manuel L. Quezon Sergio Osmeña


Pangulo Pangalawang Pangulo
2. Lehislatura – ito ay hawak ng Pambansang Asamblea. Ito ang nagsisilbing
tagagawa ng batas. Ito ay nahahati sa dalawa:
• Mataas na Kapulungan o Senado – binubuo ng 24 na senador
• Mababang Kapulungan o Kapulungan ng mga Kinatawan.

Pambansang Asamblea

3. Hudikatura – ito ay hawak ng Korte Suprema na siyang lumilitis sa mga


nagagawang paglabag sa batas.
Mga Programa ng Pamahalaan sa Panahon ng Komonwelt
1. Ang Tanggulang Pambansa
Alinsunod sa Batas Komonwelt Bilang 1 o Batas ng Tanggulang Pambansa -
binuo ang hukbong panlupa, pandagat at panghimpapawid bilang bahagi ng
Sandatahang Lakas.

6
Heneral Douglas MacArthur
Tagapayong Militar ng Bansa

2. Katarungang Panlipunan
Ito ay ang pagiging makatao ng mga batas at pagkakapantay-pantay ng lahat.
Ang mga sumusunod na batas ay naipatupad:
• Minimum Wage Act
• Tenancy Act of 1933 o Batas Kasama
• Eight-Hour Labor Act
• Court of Industrial Relations
• Rural Progress Administration of the Philippines
• National Defense Act o Pampublikong Tagapagtanggol
3. Patakarang Homestead
Ito ay nagbibigay karapatan sa mga magsasakang Pilipino na makakuha ng
bahagi ng kanilang lupang sinasaka na hindi hihigit sa 24 ektaryang lupang
pansakahan na nagbigay sa kanila ng titulo o Torrens Title bilang katibayan sa
ilalim ng batas sa titulo.
4. Pagkilala sa Karapatan ng Kababaihan sa Pagboto
• Binigyan ng karapatan ang kababaihan na bumoto at pumasok sa politika at
manungkulan sa anumang pwesto sa pamahalaan.
• Si Carmen Planas ang unang babaeng naging konsehal ng bansa.
• Si Elisa Ochoa ng Agusan ang unang babaeng nahalal sa Mababang
Kapulungan.
5. Pagsulong sa Pambansang Wika
• Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa na hango sa Commonwealth Act
No. 184.
• Si Jaime C. De Veyra ang naging pangulo nito kasama ang mga kagawad na
kinatawan ng iba't ibang katutubong wika sa bansa.
• Tagalog ang naging basehan ng pambansang wika.
• Sa halip na “Pilipino”, sinasaad sa Saligang Batas ng 1973 na wikang
"Filipino" ang opisyal na wika ng bansa kasama ang Ingles at Español.

7
Malaki ang pagkakaiba ng Pamahalaang Komonwelt sa ibang uri ng
pamahalaan na naitatag sa bansa ng mga dayuhang mananakop.
Sa panahong ito, ang layunin ng pamahalaan ay sanayin ang mga Pilipino sa
sariling pamamahala, gawing matatag ang sistemang pampolitika at mapaunlad ang
kabuhayan ng bansa bago ito maging isang ganap na malayang bansa.
Inaasahang tatagal ng sampung taon ang Malasariling Pamahalaang ito
hanggang sa tuluyang ipagkaloob ng Amerika ang kalayaan ng bansa.

Pagyamanin

A. Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B. Isulat sa sagutang papel ang tamang


sagot.
A B
1. Bilang ng taon ng Pamahalaang A. Jaime C. De Veyra
Komonwelt.
2. Ang unang batas na pinagtibay ng B. Batas sa Tanggulang Pambansa
Pambansang Asamblea.
3. Binubuo ito ng hukbong panlupa, C. Heneral Douglas MacArthur
pandagat at panghimpapawid.
4. Inatasang maging tagapayong militar
D. Sampung taon
ng bansa ni Manuel Quezon.
5. Naging unang pangulo ng
Surian ng Wikang Pambansa. E. Sandatahang Lakas

F. Siyam na taon

B. Buuin ang mga pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.


Layunin ng Pamahalaang Komonwelt na sanayin ang mga Pilipino na
pamahalaan ang sariling bansa.

Nahalal na pangulo ng Pamahalaang Komonwelt si 1. ______________ at pangalawang


pangulo si 2. ______________. Nagkaroon din ng tatlong sangay ng pamahalaan, ito
ay ang 3. ______________ na pamumunuan ng pangulo, 4. ______________ na tagagawa
ng batas at 5. ______________ na nasa ilalim ng Korte Suprema.

8
C. Iguhit ang Like icon (_____) kung ang pahayag ay tama at Dislike icon
(_____) kung ito ay mali. Iguhit ang sagot sa sagutang papel.

1. Naitatag ang Pamahalaang Komonwelt dahil sa Batas Hare-Hawes-Cutting.


2. Ang Pamahalaang Komonwelt ay magtatagal ng sampung taon.
3. Si Sergio Osmeña ang nahalal na pangulo ng Pamahalaang Komonwelt.
4. Naitatag ang tatlong sangay ng pamahalaan, ang ehekutibo, lehislatura at
hudikatura dahil sa Saligang Batas ng 1935.
5. Ang Asamblea ng Pilipinas ay nahahati sa tatlong kapulungan.

D. SINO AKO? Piliin kung sino ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

Manuel L. Quezon Sergio Osmeña Heneral Douglas MacArthur

Jaime C. De Veyra Carmen Planas


1. Ako ang nahirang na tagapayong militar ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
2. Ako ang naging unang pangulo ng Surian ng Wikang Pambansa.
3. Ako ang unang babae na nahalal bilang isang konsehal.
4. Ako ang nahalal na unang pangulo ng Pamahalaang Komonwelt.
5. Ako ang nahalal na pangalawang pangulo ng Pamahalaang Komonwelt.

9
E. Isulat kung anong programa ng pamahalaan noong panahon ng Komonwelt ang
inilalarawan sa bawat pahayag. Pumili ng sagot sa kahon at isulat sa sagutang
papel.

A. Ang Tanggulang Pambansa


B. Patakarang Homestead
C. Katarungang Panlipunan
D. Pagsulong sa Pambansang Wika
E. Pagkilala sa Karapatan ng mga Kababaihan sa Pagboto

1. Alinsunod sa Batas Komonwelt Bilang 1 naitatag ang Sandatahang Lakas na


binubuo ng hukbong panlupa, pandagat at panghimpapawid.
2. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga kababaihan na bumoto at lumahok sa
pamumuno sa anumang posisyon sa pamahalaan.
3. Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa upang magkaroon ng isang
pambansang wika na magdudulot ng pagkakaisa sa mga Pilipino.
4. Layunin ng programang ito na mabigyan ng lupang sakahan ang mga magsasaka
o kasama.
5. Nagpatupad ng mga makataong mga batas at pagkakapantay-pantay ng lahat ng
bumubuo sa lipunan sa pamamagitan ng pagpapanatiling balanse ng kalagayang
ekonomiko at panlipunan ng bansa.

F. Buuin ang Fact Storming Web sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga programa


ng pamahalaan sa panahon ng Komonwelt. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

PAGLINANG NG PATAKARANG
WIKANG PANLIPUNAN
PAMBANSA __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ MGA PROGRAMA NG
__________________
PAMAHALAAN SA
PANAHON NG
KOMONWELT
PATAKARANG PAGKILALA SA
TANGGULANG KARAPATAN NG
PAMBANSA MGA
__________________ PATAKARANG
HOMESTEAD KABABAIHAN
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________

10
Isaisip

Punan ng tamang sagot ang patlang na bubuo sa diwa ng pahayag. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
Ang Batas Tydings-McDuffie ang naging batayan ng Saligang Batas ng 1935.
Ito ang nagbigay daan sa pagkakatatag ng Malasariling Pamahalaan na tinawag na
___________na tatagal ng sampung taon. Si ___________ ang nahalal na pangulo at
pangalawang pangulo naman si ___________. Ito ay binubuo ng tatlong sangay, ang
___________, ___________, at ___________. Maraming naging programa ang
pamahalaan gaya ng pagtatag ng Tanggulang Pambansa, pagpapatupad ng
Patakarang Homestead, pagsulong katarungang panlipunan, paglikha sa
pambansang wika at pagkilala sa karapatan ng mga kababaihan sa pagboto

Isagawa

Sumulat ng isang project proposal sa inyong barangay tungkol sa programang


nais mong ipatupad bilang tugon sa kasalukuyang suliraning pangkalusugan na
COVID-19. Gawing gabay ang mga bahagi nito. Gawin ito sa sagutang papel.

I. Pamagat
II. Proponent ng Proyekto
III. Kategorya ng Proyekto
IV. Petsa
V. Rasyonal
VI. Deskripsyon ng Proyekto
VII. Badyet
VIII. Pakinabang

11
Rubrik sa Pagwawasto ng Isagawa

Pamantayan 5 4 3 2 1
May Malinaw Marami Iilan ang Hindi
malinaw ang ang malilinaw malinaw ang
Presentasyon at mensahe malinaw at na ipinakikitan
kompleto ngunit ‘di mensahe g mensahe
ng hindi gaanong at marami at kulang na
mensahe kompleto kompleto ang kulang ang
ang kulang sa mensahe
mensahe mensahe
May Maayos Hindi Hindi Hindi
maayos at ngunit gaanong gaanong maayos at
Nilalaman kompleto may ilang maayos at maayos at may
ng detalye kulang na may kulang kaguluhan
detalye kaunting ang ang detalye
detalye detalye
May May Hindi Kulang Walang
malawak kaugnaya gaanong ang kaugnayan
Kaugnayan sa na n sa paksa malawak kaugnaya sa paksa ang
paksa kaugnaya ngunit ang n sa paksa nakasaad
n sa kulang kaugnaya
paksa n sa paksa

Tayahin

Basahing mabuti ang mga tanong at isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Alinsunod sa Saligang Batas ng 1935, nagdaos ng isang pambansang halalan
noong Setyembre 7, 1935. Ano ang layunin nito?
A. Upang piliin ang pambansang wika para sa bansa
B. Upang piliin ang mamamahala sa Pamahalaang Komonwelt
C. Upang piliin ang mamumuno sa Sandatahang Lakas ng bansa
D. Upang suriin ang mga sumasang-ayon na makaboto ang mga babae
2. Sa panahon ng Pamahalaang Komonwelt, layunin nitong magkaroon ng mga
batas na magiging patas sa lahat ng tao sa lipunan. Alin sa mga sumusunod na
batas ang hindi nagtataguyod ng katarungang panlipunan?
A. Eight-Hour Labor Act
B. Minimum Wage Act
C. Tenancy Act
D. Anti-Terrorism Bill

12
3. Ang pangulo ng bansa ang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan na may
kasamang mabigat na responsibilidad o tungkulin. Alin ang katungkulan ng
pangulo ng bansa ayon sa Saligang Batas?
A. May kontrol sa lahat ng kagawaran at kawani ang tagapagpaganap.
B. Maglitis sa mga paglabag sa batas
C. Gumawa ng mga batas na ipapatupad sa bansa.
D. Maghatol ng parusa sa mga gumawa ng krimen.
4. Isang mahalagang bagay na naitatag ng Pamahalaang Komonwelt ang
pagkakaroon natin ng sariling Sandatahang Lakas. Bakit kailangang magkaroon
ng reserbang lakas ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas?
A. Upang makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa bansa
B. Upang makatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa
C.Upang makatulong sa pagtatanggol ng bansa sa oras ng kagipitan
D. Wala sa nabanggit
5. Ang sangay na Hudikatura ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Korte Suprema.
Bakit ang Korte Suprema ang lumilitis ng mga kaso o paglabag sa batas?
A. dahil ito ay kanyang kapangyarihan ayon sa Saligang Batas
B. dahil ito ay utos ng pangulo ng Amerika
C. dahil ang mga kawani nito ay tapat
D. Lahat ng nabanggit
6. Sa matagal na panahon, hindi pantay ang pagtrato sa mga kalalakihan at
kababaihan sa ating lipunan. Ano sa palagay mo ang naramdaman ng mga
kababaihan nang mabigyan sila ng pagkakataong makaboto at humabol sa
anumang posisyon sa pamahalaan?
A. Natakot sila sa panibagong responsibilidad.
B. Natuwa sila na bahagi rin sila ng lipunan.
C. Tumanggi sila sa karapatang ibinigay sapagkat abala na sa pamilya.
D. Namuhay sila sa anino ng diskriminasyon sa lipunan.
7. Maraming naging mabuting epekto ang mga programa sa panahon ng Komonwelt
sa mga Pilipino. Isa na rito ang pagkakaroon sarili nating Sandatahang Lakas.
Ano ang dahilan kung bakit isang Amerikano ang nagsilbing tagapayo ng militar
sa halip na isang Pilipino rin?
A. Dahil sakop pa rin tayo ng mga Amerikano
B. Dahil hindi marunong makipaglaban ang mga Pilipino
C. Dahil mas marami ng karanasan ang mga Amerikano sa pakikipaglaban
D. Dahil ayaw ng mga Pilipinong sundalo ng mabigat na tungkulin

13
8. Sa pagkakatatag ng Pamahalaang Komonwelt, maraming mga Pilipino ang
nabigyan ng pagkakataong mamuno at magamit ang angking galing sa
pamamalakad ng bansa. Ano sa palagay mo ang epekto nito sa mga
mamamayang Pilipino?
A. Nagkaroon ng kumpyansa na pamahalaan ng mga Pilipino ang
Pamumuno sa bansa.
B. Nawalan ng tiwala sa pamahalaan ang mga Pilipino upang mamuno.
C. Nangamba sa estado ng pamahalaan ang mga Pilipino sa pamumuno ng
bansa.
D. Wala sa nabanggit
9. Ang Pamahalaang Komonwelt ay tatagal ng sampung taon. Sa iyong palagay,
bakit ganito katagal ang ibinigay na panahon ng mga Amerikano ang ating
kalayaan?
A. Dahil pinag-iisipan pa nila kung palalayain nga tayo
B. Dahil wala silang balak na palayain talaga tayo
C. Dahil nais nilang mahasang maigi ang mga Pilipino sa pamamahala
D. Wala sa nabanggit
10. Ang Pamahalaang Komonwelt ay may tatlong sangay. Bakit kaya kinakailangang
hatiin sa tatlong sangay ang pamahalaan?
A. Upang mahati ang tungkulin sa bawat sangay
B. Upang maraming Pilipino ang makilahok sa pamahalaan
C. Upang maging mas marami ang matuto sa pamamahala
D. Wala sa nabanggit

14
Karagdagang Gawain

Sumulat ng isang talata na naglalaman ng iyong opinyon tungkol sa


pamahalaan natin sa kasalukuyang panahon. Gawin ito sa sagutang papel.

Rubrik sa Pagwawasto ng Karagdagang Gawain


5 4 3
Nilalaman Punong-puno ng Maganda ang mga
Hindi makatotohanan
ideya ideya
Napakaayos ng Maayos ang Medyo magulo ang
Organisasyon
pagkakasulat ng pagkakasulat ng pagkakasulat ng
talata talata talata
Intensyon Napakalinaw Malinaw ‘Di gaanong malinaw

15
16
Subukin
1. C 2. B 3. A 4. D 5. C 6. D 7. B 8. A 9. B 10. B
Balikan
1. Henry Allen Cooper
2. William Atkinson Jones
3. Misyong Quezon
4. Batas Hare-Hawes-Cutting
5. Batas Tydings-McDuffie
Pagyamanin
A B C D
1. Dislike
1. D 1. Manuel Quezon 1. Hen. Douglas MacArthur
2. Like
2. B 2. Sergio Osmeña 2. Jaime C. De Veyra
3. Dislike
3. E 3. Ehekutibo 3. Carmen Planas
4. Like
4. C 4. Lehislatura 4. Manuel Quezon
5. Like
5. A 5. Hudikatura 5. Sergio Osmeña
E F Gamitin ang Rubrik sa
Pagwawasto ng
1. A PAGLINANG NG WIKANG PAMBANSA
Pagkakaroon ng isang pambansang wika na
Isagawa at
2. E
Filipino para sa pagkakaisa ng mga Pilipino. Karagdagang Gawain
3. D
4. B PATAKARANG TANGGULANG PAMBANSA
5. C Pagtatag ng Sandatahang Lakas ng bansa
upang ipagtanggol ang bansa sa mga
kalaban.
PATAKARANG HOMESTEAD
Pagbibigay ng bahagi ng lupang sinasaka ng
mga kasama o magsasaka upang magkaroon
ng pagmamay-ari ng lupa.
PAGKILALA SA KARAPATAN NG MGA
KABABAIHAN
Nagkaroon ng karapatang bumoto at
makatakbo sa anumang posisyon sa
pamahalaan ang mga kababaihan.
PATAKARANG PANLIPUNAN
Pagtaguyod ng mga batas para maging
pantay-pantay ang mga tao sa lipunan.
Isaisip
1. Pamahalaang Komonwelt 2. Manuel Quezon 3. Sergio Osmeña
4. Ehekutibo 5. Lehislatura 6. Hudikatura
Tayahin
1. B 2. D 3. A 4. C 5. A 6. B 7. C 8. A 9. C 10. A
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
"Araling Panlipunan K To 12 Curriculum Guide". 2020. Slideshare.Net.
https://www.slideshare.net/kenjoyb/araling-panlipunan-k-to-12-
curriculum-guide.

Baisa-Julian, Lontoc, Ailene G., Nestor S. 2017. Bagong Lakbay Ng Lahing


Pilipino 6. 927 Quezon Avenue, Quezon City: Koordineytor: Alma M. Dayag
Phoenix Publishing House.

K-12 Most Essential Learning Competencies (MELC) – Teach Pinas. Teach


Pinas, 2020. https://www.teachpinas.com/ k-12-most-essential-learning-
competencies-melc/.

Updates, News, Teaching Materials, Reading Articles, and Be Contributor.


2020. "Most Essential Learning Competencies (MELC) KG to Grade 12 SY
2020-2021". DepEd Click. https://www.deped-click.com/2020/05/most-
essential-learning-competencies.html.

17
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region III


Learning Resource Management Section (LRMS)
Diosdado Macapagal Government Center,
Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

You might also like