You are on page 1of 8

Basahin natin!

Alam niyo ba na si Diosdado Macapagal ang ika-9


na Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong Disyembre 30 1961
hanggang 1965. Siya ay ama ni Gloria Macapagal-Arroyo na naging
pangulo rin sa Pilipinas. Tinagurian si Diosdado Macapagal bilang
"Batang Mahirap mula sa Lubao" dahil anak siya ng isang mahirap
na magsasaka at kilala din siya bilang Ama ng reporma sa lupa.
Siya ay isinilang sa San Nicolas, Lubao, Pampanga noong
Setyembre 28, 1910-kina Urbano Macapagal at Romana Pangan.
Tumira siya sa isang tahanan at pumailalim sa pangangalaga ni Don
Honorio Ventura hanggang magtapos ng pagka-Doktor sa mga Batas
mula sa Pamantasan ng Santo Tomas noong 1936 at pumasok sa
politika.
Narito ang mga sumusunod na kontribusyon sa panahon
panunungkulan ni Pangulong Diosdado P. Macapagal na
nakapagdudulot ng kaunlaran sa lipunan at bansa.

❖ Paglutas sa mga suliranin na may kaugnayan sa kawalan


ng hanapbuhay ng maraming Pilipino.

❖ Pagtiyak na magkaroon ng sapat na pagkain ang buong


bansa sa pamamagitan ng pagpapalaki ng produksiyon.

❖ Pag-akay sa mga Pilipino sa pamamagitan ng pagiging


huwaran sa pamumuhay ng payak at walang halong
karangyaan.

❖ Pagkakaroon ng malinis at matapat na pangangasiwa.


Bukod sa programa ay marami pa siya mga naiambag tulad ng
mga sumusunod.
• Pagkaroon ng pagbabago sa mga Lupang Sakahan
(Agricultural Land Reform Code). Layunin nito ay
mabigyan ng sariling lupa ang magsasaka, at ito ay
pinagtibay ng kongreso noong Agosto 8, 1963. Kung saan
isinasaad na uupahan nalang ang lupa sa halagang 25%
ng ani. Kasama sa mga sumusunod na pagbabago ang
sumusunod:

1. Pagpapahalaga sa karangalan ng maliit na magsasaka at


pagliligtas sa masamang kinagawian na pinairal sa mga
sakahan.
2. Pagbigay ng pagkakataon sa mga lupang sakahang
makapagbibigay ng malaking kita at produksiyon sa bansa.
3. Pagpapairal ng patas at walang kinikilingang mga batas para
sa lahat na may kinalaman sa paggawa.
4.Pagpapairal sa sistemang nagbibigay ng sapat na
pagkakataon sa mga magsasaka na gawin silang higit na
nagsasarili at higit na may pananagutan sa mga lupang
kanilang sinasakahan.

Maliban dito ay mayroon din siyang nagawa gaya ng


sumusunod
✓ Pagpapalaganap ng Wikang Filipino.
✓ Pagbabago sa araw ng kalayaan mula Hulyo 4 sa
Hulyo 12 1964.
✓ Pagtatag ng MAPHILINDO.
Sagutan natin!

A. Panuto: Pagtapatin ang mga tanong sa hanay A sa tama nitong

sagot sa hanay B.

HANAY A HANAY B

1. Ang naging anak ni pangulong A. Romana Pangan at Urbano


Diosdado Macapagal na naging
presidente ng Pilipinas. B. Gloria Arroyo

2. Siya ang tinaguriang Ama ng C. Noynoy Aquino


Reporma sa lupa. D. Pangulong Diosdado
Macapagal
3. Lugar kung saan ipinanganak
si pangulong Diosdado E. San Nicolas, Lubao Pampanga
Macapagal.
4. Si Pangulong Diosdado
Macapagal ay kinilala sa tawag F. Laguna
na __________________.

5. Mga magulang ni Pangulong G. Batang mahirap mula sa Lubao


Diosdado Macapagal. H. Batang mahirap mula sa Cubao
B. Panuto: Punan ang patlang. Piliin ang sagot sa loob
ng kahon.

Matapat Pag- akay Paglutas


Malinis Produksiyon

1. Pagkakaroon ng sapat na pagkain sa buong bansa sa


pamamagitan ng pagpapalaki ng ______.

2. ______ sa mga Pilipino sa pamamagitan ng pagiging


huwaran sa pamumuhay ng payak at walang halong
karangyaan.

3. ______ sa mga suliranin na may kaugnay sa kawalan ng


hanapbuhay sa maraming pilipino.

4. Pagkaroon ng __________at 5. _______________


na pangangasiwa.
C. Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot.

1. Sino ang nagpalit ng petsa ng Araw ng kalayaan?


A. Carlos Garcia C. Ramon Magsaysay
B. Diosdado Macapagal D. Ferdinand Marcos

2. Ito ang wika na ipinatupad ni Diosdado Macapagal para sa


opisyal na kumunikasyon pandiploma.
A. Wikang Pilipino C. Wikang Espanyol
B. Wikang English D. Wikang Chinese

3. Pang-ilang pangulo si Diosdado Macapagal.?


A. Pang-anim na Pangulo C. Pang-siyam na Pangulo
B. Pang-walong Pangulo D. Pang-pitong Pangulo

4. Anong Petsa inilipat ang araw ng kalayaan?


A. Hunyo 26, 1964 C. Hunyo 15, 1964
B. Hunyo 10, 1964 D. Hunyo 12, 1964

5. Ano ang isa sa layunin ng Agricultural Land Reform?


a. Layunin nito ay mabigyan ng sariling palaisdaan ang mga
magsasaka.
b. Layunin nito ay mabigyan ng sariling halamanin ang mga
magsasaka.
c. Layunin nito ay mabigyan ng sariling lupa ang mga
magsasaka.
d. Layunin nito ay mabigyan ng sariling bahay ang mga
magsasaka.
D. Panuto: Gumawa ng isang maikling sanaysay na
nagpapakita ng mabuting dulot ng panunungkulan ni
Pangulong Diosdado Macapagal sa bansang Pilipinas.

You might also like