You are on page 1of 6

Pangalan:____________________

DIOSDADO P. MACAPAGAL

(DIYEMBRE 30, 1961-DISYEMBRE 30, 1965)

Siya ang ika-9 siyam na Pangulo ng Republika ng

Pilipinas noong Disyembre 30 1961 hanggang 1965. Ama

ni Gloria Macapagal-Arroyo na naging pangulo rin sa

Pilipinas. Tinagurian si Diosdado Macapagal bilang "Batang

Mahirap mula sa Lubao" dahil anak siya ng isang mahirap

na magsasaka at kilala din siya bilang Ama ng reporma sa

lupa.

Isinilang siya sa San Nicolas, Lubao, Pampanga noong Setyembre 28, 1910 kina

Urbano Macapagal at Romana Pangan. Tumira siya sa isang tahanan at pumailalim sa

pangangalaga ni Don Honorio Ventura hanggang magtapos ng pagka-Doktor sa mga

Batas mula sa Pamantasan ng Santo Tomas noong 1936 at pumasok sa politika.

Narito ang mga sumusunod na kontribusyon sapanahon panunungkulan ni Pangulong

Diosdado P. Macapagal na nakapagdududlot ng kaunlaran sa lipunan at bansa. Sa

panahon panunungkulan ni Pangulong Diosdado P. Macapagal ay inilahad niya ang

kangyang patakaran at programa na nagdudulot ng kaunlaran sa lipunan at bansa.

 Paglutas sa mga suliranin may kaugnayan sa kawalan ng hanapbuhay ng

maraming Pilipino.

 Pagtiyak na magkaroon ng sapat na pagkain ang boung bansa sa pamamagitan

ng pagpapalaki ng produksiyun.

 Pag-akay sa mga Pilipino,sa pamamagitang ng pagiging huwaran sa pamumuhay

ng payak at walang halong karangyaan.


 Pagkaroon ng malinis at matapat na pangasiwaan.

Bukod sa program ay marami pa siya mga naiambag tulad ng sumusunod.

Pagkaroon ng pagbabago ang mga Lupang Sakahan (Agricultural Land Reform

Code). Layunin nito ay mabigyan ng sariling lupa ang magsasaka , noong

Agosto 8, 1963 ay pinagtibay ng kongreso.kung saan isisnasaad na uupahan

nalang ang lupa sa halagang 25% ng ani.Kasama sa mga sumusunod na

pagbabago Ang sumusunod

1. Pagpapahalaga sa karangalan ng maliit na magsasaka at pagliligtas sa

masamang kinagawian na pinairal sa mga sakahan.

2. Pagbigay ng pagkakataon sa mga lupang sakahang makapagbibigay ng

malaking kita at produksiyon sa bansa.

3. Pagpapairal ng patas at walang kinikilingang mga batas para sa lahat

kinalaman sa paggawa.

4.Pagpapairal sa sistemang nagbibigay ng sapat na pagkakataon sa mga

magsasaka na gawin silang higit na nagsasarili at higit na may pananagutan sa

mga lupang kanilang sinasakahan.

Maliban dito ay mayroon din siyang nagawa gaya ng sumusunod

 Pagpapalaganap ng Wikang Filipino.

 Pagbabagosaaraw ng kalayaan mula Hulyo 4 sa Hulyo 12 1964.

 Pagtatag ng MAPHILINDO.
A. Panuto: Pagtapat-tapatin. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

HANAY A HANAY B

_____1. Naging anak ni pangulong A. Romana Pangan at Urbano

Diosdado Macapagal na naging Presidente ng Pilipinas

_____2. Siya ang tinaguriang Ama ng B. Gloria Macapagal-Arroyo

Reporma sa lupa.

_____3. Lugar kung saan Ipinanganak C. Pangulong Diosdado


Macapagal

si Pangulong Diosdado Macapagal.

_____4. Kapanganakan ni Pangulong D. San Nicolas, Lubao Pampanga

Diosdado Macapagal.

_____5. Mga magulang ni Pangulong E. Setyembre 28, 1910

Diosdado Macapagal.
B. Panuto: Punan ang patlang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon

Matapat Pag- akay Paglutas

Malinis Produksiyun

1. Pagkakaroon ng sapat na pagkain ang buong bansa sa pamamagitan ng pagpapalaki


ng ______.

2. ______ sa mga Pilipino sa pamamagitan ng pagiging huwaran sa pamumuhay ng


payak at walang halong karangyaan.

3. ______ sa mga suliranin may kaugnay sa kawalan ng hanapbuhay sa maraming


Pilipino.

4. Pagkaroon ng __________at 5. _______________.


C. Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot.

1. Sino ang nagpalit ng petsa ng Araw ng kalayaan?

A. Carlos Garcia C. Ramon Magsaysay

B. Diosdado Macapagal D. Ferdinand Marcos

2. Ito ang wika na ipinatupad ni Diosdado Macapagal para sa opisyal na kumunikasyon

pandiploma.

A. Wikang Pilipino C. Wikang Espanyol

B. Wikang English D. Wikang Chinese

3. Pang-ilang pangulo si Diosdado Macapagal.?

A. Pang-anim na Pangulo C. Pang-siyam na Pangulo

B. Pang-walong Pangulo D. Pang-pitong Pangulo

4. Anong Petsa inilipat ang Araw ng kalayaann?

A. Hunyo 26, 1964 C. Hunyo 15, 1964

B. Hunyo 10, 1964 D. Hunyo 12, 1964

5. Ano ang isa sa layunin ng Agricultural Land Reform?

a. Layunin nito ay mabigyang ng sariling palaisdaan ang mga magsasaka.

b. Layunin nito ay mabigyang ng sariling halalamanin ang mga magsasaka.

c. Layunin nito ay mabigyang ng sariling lupa ang magsasaka.

d. Layunin nito ay mabigyang ng sariling bahay ang mga magsasaka.


D. Panuto: Gumawa ng isang maikling sanaysay na nagpapakita ng mabuting dulot ng

panunungkulan ni Pangulong Diosdado Macapagal sa bansang Pilipinas.

________________________________________________________

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

------------------------------------------------------------------------------------------------------

------------------------------------------------------------------------------------------------------

------------------------------------------------------------------------------------------------------

You might also like