MGA DAHILAN AT PANGYAYARING NAGBIGAY DAAN SA PAGTATAKDA NG
BATAS MILITAR SA BANSA DULOT NG DUMARAMING PROBLEMA SA BANSA
Di-makatarungang pagtingin sa mga Pilipino ng mga Amerikano sa kanilang base-militar
sa ating bansa Di konstitusyonal na pagpapadala ng mga sundalong Pilipino Digmaang Vietnam pagbagsak ng ekonomiya ng bansa Paglabag sa mga karapatang pantao Malawak na katiwalian sa pamahalaan Militarisasyon sa kanayunan Karahasan ng pamahalaan - pambobomba sa iba't-ibang lugar na nagbunga ng pagsasara ng ilang gusaling pangkalakalan at iba pang estalistamiyento, paaralan, at tanggapang pampubliko at pampribado. Ang kaguluhan sa Plaza Miranda kung saan may sumabog na granda habang nagsasagawa ng political rally ang Liberal Party. Ginamit ni Pangulong Marcos ang pangyayaring ito upang suspindihin ang writ of habeas corpus (karapatan ng mga nahuli na maiharap sa korte at pag-uasapan ang kanyang kaso.) Suliranin sa mga rebelde sa Mindanao - ang pagkakatatag ng Bangsa Moro Liberation Organization (MBLO) at Moro National Liberation Front (MNLF), na naitatag dahil sa pagtututol ng mga Muslim sa malawakang pagdami ng mga Krisiyano sa ilang lugar sa Mindanao, kahirapan, at Jabidah Massacre.