You are on page 1of 23

Fourth Quarter

Araling Panlipunan
6
BATAS MILITAR
Kalagayang Pampulitika sa Bansa

1. Naging magulo ang kalagayang pulitika sa ating bansa


pagkatapos ng dekada 70, sanhi ng pagsibol ng iba’t ibang
ideolohiya at paniniwala ng taong-bayan.
2. Communist Party of the Philippines (CPP) ay nagsimula noong
1930 at muling pinalakas at tinatag noong Disyembre 26, 1968. Ang
samahang ito ay naaayon sa ideolohiya ni Mao Zedong, pinuno ng
mga kamunistang Tsino. Kabilang dito ang National Democratic
Front (NDF) at New People’s Army (NPA).
3. Naging masalimuot ang kalagayan ng bansa noong 1969 dahil sa
mga karahasang dulot ng pagprotesta ng ilang kilusan. Ang mga
karahasang ito ay nagdulot ng pagkakatatag ng BATAS MILITAR sa
bansa.
Kapag hindi na kayang pigilan ng mga pulis at
ibang sibil ng awtoridad ang kaguluhan sa isang
lugar o bansa, maaaring humalili sa ganap ng
pamahalaan ang pwersang military. Ang batas
na nagpapatupad ng kaganapang ito ay
tinatawag na batas military o martial law.
Bakit nga ba nagkaroon ng batas military?

 Suliraning Pangkabuhayan.

Dahil sa dami ng mga proyektong inilunsad ng pamahalaang


Marcos, naipon ang utang ng Pilipinas. Sumabay dito ang pagtaas
ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Dahil dito tumaas
din ang presyo ng mga bilihin.
Bagama’t umangat ang ekonomiya, hindi naman nito nagamit ng
tama ang likas na yaman. Yumaman ang mga kapitalista ngunit
lalong nagging mahirap ang mga mahihirap.
Bakit nga ba nagkaroon ng batas military?

 Suliraning Pampulitika at Panlipunan

1. Nagkaroon ng private army o pwersang military ang mga


mayayamang negosyante at pulitiko na wala sa huridiksiyon ng
pamahalaan.
2. Hindi nakayanang ng mga mamamayan ang papalalang estado ng
administrasyong Marcos kaya’t nagsagawa sila ng mga pagaaklas at
demonstrasyon. Ito ay tinatawag na Parliaments of the streets.
3. Kabataang Makabayan, Samahang Demokratiko ng Kabataan at
Student Cultural Association of UP. Binuo nila ang Movement for the
Advancement of Nationalism upang magkaroon ng malawak na
alyansa ng mga mabayang kabataan.
Bakit nga ba nagkaroon ng batas military?

 Suliraning Pampulitika at Panlipunan

4. Sumama rin ang National Association of Trade Union at Malayang


Samahang Magsasaka. Sila ay may kaugnayan sa CPP.
5. CPP, NDF, NPA at Moro National Liberation Front (MNLF)
 Pagbomba sa Plaza Miranda

1. Agosto 21, 1971, naganap ang pagbomba sa Plaza Miranda na


naghudyat ng pagpataw ng batas military. Nagdaos ng
pangangampanya ang mga oposisyong partido Liberal sa Plaza
Miranda Quiapo na dinalohan ng 4000 katao. Alas-9 ng gabi,
ipinakilala ang mga local na kandidato nang biglang may naghagis ng
2 Granada.
2. 95 na tao ang nasugatan.
3. Pinaratangang may pakana ng pagsabog ay si Marcos. Ngunit
makalipas ang ilang taon, idiniin ni Maj. Gen. Victor Corpus na ang
pinuno ng CPP na si Jose Maria Sison ang utak ng krimen,
 Pagsuspende sa Writ of Habeas Corpus

1. Isinisi ni Marcos sa mga komunista ang pagbomba sa Plaza Miranda.


2. Paglagda ng pangulo sa Proklamasyon Bilang 889 na
nagsususpende sa writ of habeas corpus o ang karapatang dinggin
sa hukuman ang mga kaso ng mga inaaresto ng pamahalaan.
Maaaring arestuhin ang kahit sino kahit walang warrant of arrest.
Binawi ito noong Enero 7, 1972.

Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan ng Writ of Habeas Corpus sa


mga Pilipino noon?
 Pananambang kay Enrile

1. Setyembre 1972 nang


diumanoy tambangan ng mga
rebelled ang noo’y National
Defense Secretary na si Juan
Ponce Enrile. Pinaulanan ng bala
ang isa sa mga kotseng convoy ng
kalihim. Swerteng sa kabilang
kotse sakay ang kalihim kaya siya
nakaligtas sa pananambang.
 Pagbunyag ni Ninoy Aquino sa “Oplan
Sagittarius”

1. Senador Benigno “Ninoy” Aguino Jr. ang


pinakamatinding katunggali sa pulitika ni Marcos
noon.
2. Lalong lumala ang iringan ng dalawa sa
pagbunyag ni Aquino sa Oplan Sagittarius.
3. Oplan Sagittarius – isang top secret military plan
upang mapasakamay ng Philippine Constabulary
ang Metro Manila at iba pang lugar na malapit
dito bilang panimula ng Martial Law.
4. Inaresto si Aquino isang araw matapos ibunyag
ang Oplan Sagittarius. Kasabay ang pagdeklara
ng Martial Law.
Ang Deklarasyon ng Martial Law
o Batas Militar
1. Setyembre 21, 1972 Inihayag ni Pang. Marcos ang pagsasailalim
ng bansa sa Proklamasyon Blg. 1081 0 martial law.
2. Ibinatay ni Marcos sa Saligang Batas ng 1935 ang pagdedeklara
ng batas military. Ayon sa Artikulo VII, Section 10 ng Saligang
Batas ng 1935.
“Ang pangulo ang komandante ng lahat ng walong sandatahang
lakas ng Pilipinas, at maaari niyang gamitin ang mga ito upang
magapi ang mga taong gumagawa ng mga karahasang labag sa
batas gaya ng pananakop, paghihimagsik, o rebelyon. Maaari din
niyang suspendihin ang writ of habeas corpus at ipataw ang batas
military sa bansa.”
3. Enero ng taong 1973, isang taon matapos ang pagdedeklara ng
batas militar, ipinatupad niya ang bagong saligang batas, na
nagbibigay sa kanya ng lubos na kapangyarihan sa pamamahala.
Mga Epekto ng Batas Militar
1. Reporma sa Kabuhayan at Lipunan
a. New Society – reporma sa kabuhayan, lipunan, edukasyon at
pulitika.
b. Ani Marcos, “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang
kailangan.”
c. Dumami ang mga dayuhang namumuhunan sa bansa dahil
gumanda ang seguridad.
d. Nagsunod-sunod ang pag-angat ng ekonomiya, tumaas ang
GNP ng Pilipinas, at umangat ang lebel ng industriyalisasyon
ng bansa.
e. Reporma sa lupa, 500 000 magsasaka ang nagkaroon ng
sarili nilang lupang sakahan sa 45 probinsya.
f. Masagana 99 – 99 kaban ng bigas sa bawat ektarya
g. Suportang pinansyal at teknikal para sa
magsasaka.
h. Agricultural Technician.
i. Naging sapat ang dami ng bigas para sa buong
bansa at nagging isa pa sa mga pangunahing
tagapagluwas ng bigas sa mundo.
j. Paglinis at pagsasaayos ng pamahalaan – 7000
empleyado ng gobyerno ang tinanggal sa
serbisyo dahil sa kaso ng kurupsiyon.
k. Nagkaroon ng masidhing disiplina ang mga
Pilipino.
Crony Capitalism
1. Upang magkaroon ng malakas na control sa
pulitika at ekonomiya, ginamit ni Marcos ang
pamamalakad ng crony o kanyang mga kaalyado
sa administrasyon.
2. Kinuha niya ang kapangyarihan ng malalaking
negosyo, hinati-hati iyon at ibinahago sa kanyang
mga crony.
3. Umiral ang kapitalismo o pagkontrol ng mga
pribadong tao o organisasyon ng mga capital na
pangangailangan ng mga mamamayan gaya ng
langis at kuryente.
1. Pag-aari ng pamilya Lopez – istasyon ng telebisyon,
pagawaan ng diyaryo, pinakamalaking tagapagsuplay
ng kuryente sa bansa.
2. Inilipat ang kapangyarihan ng mga negosyo sa mga
liyalista at crony ni Marcos na sina Benjamin Kokoy
Romualdez (kapatid ni Imelda) at Roberto Benedicto.
3. Nagkaroon din ng monopoly sa ilang industriya tulad
ng pinansyal na serbisyo atg pagmamanupaktura.
 Paglaganap ng Aktibismo
1. Hindi napigil ang paglaganap ng aktibismo sa bansa
2. Jose Pepe Diokno, Jovito Salonga at Benigno Aquino Jr –
walang takot na tumuya sa Administrayong Marcos.
3. Maski ang mga alagad ng sining ay sumali sa aktibismo
Noong 1976, ginawa ni Benjamin Behn Cervantes ang
pelikulang “Sakada”
Catalino Lino Brocka – Maynila sa Kuko ng Liwanag,
Jaguar at Bayan Ko, Kapit sa Patalim.
Pinangunahn nina Brocka ang isang bagong uri ng
aktibismo – masining na aktibismo.
 Diktadura at Paglabag sa Karapatang Pantao
1. Sa ilalim ng BM, binuwag ang senado, kongreso atg
batasang pambansa.
2. Hukumang Militar, hawak ng puwersang military ang
hustisya at maaari nilang gawin ang nais nila sa mga
taong mayroong kaso. Suspendido ang writ of habeas
corpus. Nagbunsod ng maraming pag-aresto, hindi
lamang criminal, maski ang gma pulitikong kalaban ng
administrasyon.
3. Lumaganap ang kaso ng DESAPARECIDO o ng mga
taong bigla na lang nawala. Karamihan sa kanila ay
mga aktibista.
 Ang Martial Law o Batas Militar ay batas na
nagpapatupad ng ganap na pamamahala ng puwersang
military sa isang lugar o bansa. Ito ay upang maging mas
mainam ang pagpigil ng pamahalaan sa mga kaguluhang
nagaganap.
 Ang pangulo ang komandante ng lahat ng sandatahang
lakas ng bansa kaya’t ito lamang ang nag-iisang may
lubos na kapangyarihan sa ilalim ng batas military.
 Iba’t ibang mga suliranin at pangyayari sa bansa ang
nagbigay-daan sa pagpapatupad ng batas military sa
bansa. Ilan sa mga ito ay ang pagsibol ng iba’tibang
ideolohiya at paniniwala ng mga mamamayan at mga
suliraning pangkabuhayan, panlipunan at pampulitika.
 Bago ipatupad ang batas military, sinuspende ang writ
of habeas corpus o ang karapatan ng mamamayan
laban sa illegal na pagpiit nanng walang kasulatan mula
sa hukuman. Binawi ito noong Enero 7, 1972.
 Nilagdaan ng pangulong Marcos ang Proklamasyon Blg.
1081 o batas military noong Setyembre 21, 1972. sa
bias nito, napasailalim ang buong Pilipinas sa batas
militar,. Inihayag sa madla ang bias nito noong
Setyembre 22, 1972.
 Bagamat maraming negatibong epekto ito, nagdulot din
ito ng ilang magagandang epekto gaya ng mga reporma
sa kabuhayan at sa lipunan.

You might also like