You are on page 1of 26

Ang mahalagang

pangyayari sa pakikibaka
ng mga Pilipino sa
Digmaang Pilipino-
Amerikano
Inihanda ni:
AURORA B. PATAL
Sa iyong palagay, ano-
ano ang kailangan
upang maging malaya
ang isang bansa?
Pagtatag ng Unang
Republika
Nagalit ang mga Espanyol
sa pakikialam ng mga
Amerikano sa kanila
kaya’t nagdeklara ito ng
digmaan laban sa US
Abril 21, 1898 nang dumating
sa Hongkong ang namumuno
sa hukbong dagat(naval fleet)
ng Amerika sa Asya na si
Commodore George Dewey.
Inatasan siyang pumunta sa
Pilipinas upang labanan ang
mga Espanyol.
Mayo 1, 1898 walang kamalay-
malay ang mga Espanyol
napasok ng iskwadron ni
Dewey ang Maynila. Nag-
umpisa ang labanan nang 5:41
ng umaga at natalo ang
Espanyol nang 12:30 ng hapon.
Mayo 19, 1898 bumalik si
Aguinaldo sa Pilipinas sa
pag-aakalang walang
masamang hangad ang
mga Amerikano na
sakupin ang ating bansa.
Nakianib siya kina
Commodore George Dewey at
hinimok niya ang mga
katutubo na tulungan ang
mga Amerikano sa
pakikipaglaban sa mga
Kastila.
Itinatag ang
Rebolusyonaryong
Pamahalaan sa tulong ni
Apolinario Mabini na
kilala bilang “Utak ng
Himagsikan”
Layunin ng
Pamahalaang ito na
magkaroon ng
kasarinlan ang
Pilipinas hanggang sa
kilalanin ito ng ibang
bansa.
Hindi pa man
nasusupil ang mga
Espanyol, Ipinahayag
na ni Aguinaldo ang
kalayaan ng Pilipinas
noong Hunyo 12, 1898 sa
Kawit, Cavite.
Itianaas ang watawat
ng Pilipinas na tinahi
ni Marcela Agoncillo
habang tinutugtog ang
Himno Marcha
Nacional na nilikha ni
Julian Felipe
Si Jose Palma ang naglapat
ng liriko at ito ay naging
Pambansang Awit.
Nag-umapaw sa kagalakan
ang mga Pilipino sa araw ng
kalayaan.
Sina Commodore Dewey at
Hen. Merrit ay lihim na
nakipagkasundo sa bagong
Kastilang Gob. Fermin
Jaudenes na magkaroon ng
kunwaring labanan sa pagitan
ng mga Amerikano at mga
Espanyol sa Maynila.
Pagkatapos palalabasin
na natalo at sumuko ang
mga kastila sa mga
Amerikano,
at hindi nila isasali ang
mga Pilipino sa labanan.
Agosto 13, 1898 ng umaga,
naganap ang kunwaring
labanan o “Mock Battle of
Manila” sa Look ng Maynila.
Ika-5:30 ng hapon, isinuko ng
mga Espanyol ang lungsod
ng Maynila sa mga
Amerikano.
Nang magtangkang
pumasok ang mga
Pilipino sa Maynila,
Binalaan sila ni Heneral
Greene, na sinumang
magpumilit ay
papuputukan.
Dito nagsimula
ang hindi
pagkakasundo
ng mga Pilipino
at Amerikano..
Bakit mahalaga na
makamit ng mga Pilipino
ang kalayaan?
Paano nakamit ng mga
Pilipino ang kalayaan sa
pananakop ng mga
Espanyol?
Sino-sino ang
nakatulong sa
pagtatatag ng
Pamahalaang
Pilipino noong
1898?
Pagtambalin ang Hanay A
at Hanay B. Isulat ang titik
sa patlang.
___1. Ang unang pangulo ng
Republika ng Pilipinas.
___ 2. Ang “Utak ng
Himagsikan”
___ 3. Sumulat ng musika ng
Pambansang Awit.
___ 4. Gumawa ng Bandilang
Pilipino.
___ 5. Ang naglapat ng liriko
ng Pambansang Awit.
Hanay B
a. Marcela Agoncillo
b. Jose Palma
c. Emilio Aguinaldo
d. Apolinario Mabini
e. Julian Felipe
f. Pedro Paterno
Kasunduan
Ayusin ang
pagkakasunod-
sunod ayon sa
pangyayari.
Isulat ang 1-5
___ Mock Battle of Manila
___ Dumating ang mga Amerikano sa
Pilipinas
___ Ipinahayag ang kalayaan ng
Pilipinas
___ Sumuko ang mga Espanyol sa mga
Amerikano
___ Itinatag ang Pamahalaang
Rebolusyonaryo
Magandang
Buhay!!!

You might also like