You are on page 1of 14

MGA HAMON

SA
KASARINLAN
NG PILIPINAS
ANG
PAGSILANG NG
IKATLONG
REPUBLIKA
Ang pamahalaang Komonwelt
ay patuloy na umiral sa Washington,
USA kahit napasailalim ang bangsa
sa kapangyarihan ng mga Hapones.
Si Quezon ay nanungkulan bilang
pangulo ng Komonwelt hanggang sa
siya ay namatay. Humalili sa kanya
ang pangalawang Pangulong si
Osmeña.
Tinupad ng Estados Unidos ang
pangako nitong pagkakaloob ng
kasarinlan ng Pilipinas tulad ng
itinatadhana sa Batas Tydings-
McDuffie. Kaya naman, noong Hulyo
4, 1946 ay ipinahayag ni Pangulong
Harry S. Truman ang kasarinlan ng
Pilipinas.
HAMON AT SULIRANIN
SA KASARINLAN
PAGKATAPOS NG
IKALAWANG
DIGMAANG
PANDAIGDIG
Labis ang pinsalang natamo
ng Pilipinas dulot ng nagdaang
digmaang pandaigdig. Kaya
naman, nang maging isang ganap
na Republika ang Pilipinas noong
1946 ay naharap sa malalaking
suliranin tulad ng sumusunod:
• Pagsasagawa ng malawakang
pagbabagong-tatag upang
muling maibangon ang mga
nawasak na mga tirahan at
gusali
• Pagresolba sa pagkakaroon ng
malaking kakulangan sa mga
hayop na gagamitin sa
pagsasaka
• Pagsasaayos ng mga taniman at
sakahan upang muling
mapakinabangan at mataniman
• Paglutas sa suliranin sa salapi
dulot ng pagkakabangkarote ng
pamahalaan sanhi ng
pananakop ng mga Hapones.
• Pagsasaayos ng mga
Industriyang nasira sa
pamamagitan ng pag-aangkat
ng bagong makinarya
• Pag-aangkop ng sistema ng
edukasyon sa bagong kalagayan
ng bansa
• Pag-aangat ng pagpapahalagang-
moral at espiritwal ng mga
Pilipinong lubos na naapektuhan
sanhi ng pananakop ng mga
Hapones at ng nagdaang digmaan.
SULIRANING
PANGKABUHAYAN
AT
PANLIPUNAN
Tinatayang pangalawa ang
Pilipinas sa Warsaw, Poland sa
lawak ng pinsalang natamo nang
bagsakan ito ng bomba ng mga
bansang Alyado. Nasunog ang
mga kilalang gusali katulad ng
Phippiline General Hospital, U.P.
at Batasan.
Sadyang nabago ang takbo ng
kalakan at kalinangan sa muling
pagtatatag ng lungsod matapos ang
digmaan. Ang Intramuros, na siayng
kinagawiang sentro ng kultura at
politika ay naging bodega ng mga
kompanyang nagkakargamento at
naging tirahan ng mga Informal
Settler.
Upang masolusyunan ang
problemang ito ay itinatag ng
pamahalaan ang Pambansang
Pangasiwaan ng Paglilipat-
Tirahan at Pagsasaayos (National
Ressetlement and Rehabilitation
Administration o NARRA).

You might also like