You are on page 1of 12

ANG PILIPINAS

BILANG ISANG
GANAP NA
ESTADO
ELEMENTO NG ESTADO
• Mamamayan – taong naninirahan sa
bansa
• Teritoryo – bahagi ng bansa na
nasasakupan
• Sariling pamahalaan – samahang
pampolitikang itinatag
• Soberanya – ganap na kapangyarihang
upang magpasunod at magpakilos
SOBERANIYA
Ang Soberaniya ay ang sukdulan o
pinakamataas na kapangyarihan ng
estado o bansang mag-utos at
pasunurin ang mga tao. Sumasaklaw
ang pagkilos nito sa lahat ng nagyayari
sa bansa.
KAHALAGAHAN NG SOBERANIYA
• Palagian o Permanente
• Malawak
• Di nasasalin
• Lubos
PANLOOB AT PANLABAS NA
SOBERANIYA
Ang panloob na soberaniya ay
tumutukoy sa kapangyarihan ng estadong
magpasunod sa lahat ng taong naninirahan
sa teritoryong nasasakupan nito.
Ang panlabas na soberaniya naman ay
ang kalayaan ng estadong itaguyod ang
lahat ng gawain at naisin ng bansa sa
ekonomiya, edukasyon, buwis, at iba pa.
KARAPATAN NG ISANG BANSANG
MALAYA
Kagaya ng mga tao, ang isang bansa ay
mayroon ding mga karapatang tinatamasa
upang umunlad at maproteksiyunan ang
sarili mula sa pang-aabuso ng ibang bansa.
Ang mga karapatang ito ay tiniyak ng mga
batas pandaigdig. Ito ay ang mga
sumusunod:
KARAPATAN SA KALAYAAN
Karapatan ng bawat estadong
pangasiwaan o pamahalaan ang sarili, ito
man ay pang-ekonomiya, panlipunan, o
pampolitika. Walang ibang bansang
maaaring manghimasok, makialam at
pumigil sa mga desisyon nito para sa bansa.
KARAPATAN SA PANTAY NA
PRIBILEHIYO
Sa batas pandaigdig, ang bawat estado
ay may pantay na karapatan, tungkulin, at
pribilehiyo o anuman ang kanilang laki,
yaman, at kulturang mayroon. Ang
malalakas o makapangyarihang bansa ay
walang karapatang makialam sa mga
papaunlad na bansa.
KARAPATAN SA SAKLAW NA
KAPANGYARIHAN
Ito ang karapatan ng estadong gumawa
at ipatupad ang mga batas at kautusan sa
kanyang nasasakupan. Walang ibang
magagawa ang mga bansa sa mga patakaran
at batas na nais ipatupad nito.
KARAPATAN SA PAGMAMAY-ARI
Karapatan ng bawat estado ang
pagmamay-ari o pag-aangkin ng lahat ng ari-
arian at bagay-bagay na nasa kanyang
teritoryo. Kabilang dito ang lahat ng likas na
yaman maging ang yamang-tao at mga
embahada sa ibang bansa at lupaing
kinatatayuan nito.
KARAPATAN SA PAKIKIPAG-UGNAYAN
Isa pa sa mga karapatan ng bawat
estado ay ang malayang pakikipag-ugnayan
sa ibang bansa. Kabilang dito ang
karapatang magpadala at tumanggap ng
mga pambansang kinatawan sa ibang bansa
gaya ng mga diplomat at konsul.
ANG PAGTATANGGOL SA ATING
TERITORYO
Ang pagtatanggol sa ating teritoryo o
bansa ay napakahalagang tungkulin ng
pamahalaan at ng sambayanan ayon sa
Artikulo II Seksiyon 3 at 4. Kabilang dito
Hukbong Katihan (Philippine Army),
Hukbong Dagat (Philippine Navy), Hukbong
Himpapawid (Philippine AirForce).

You might also like