You are on page 1of 16

• Ano ang Pilipinisasyon?

Unti-unting pagsasalin ng
pamahalaang Amerikano sa Pilipinas
ng kapangyarihang mamahala sa
mamamayang Pilipino

• Philippine Organic Act of 1902 ay


kilalarin sa tawag na?

Batas Cooper
• Ano ang Philippine Organic Act of
1902 o Batas Cooper?

- unang batas na nilikha ng Kongreso


ng Estados Unidos tungkol sa
pamamahala sa Pilipinas.

• Siya ang naghain ng batas na ito


kongreso ng Amerika?

Henry Allen Cooper


• Ito ang pumalit sa batas cooper?

Batas Jones o Philippine Autonomy


Act of 1916

• Siya ang naghain ng batas Jones?

William Atkinson Jones


Mga Misyong Pangkalayaan
• Ang Batas Jones 1916 ay
nagtatadhana ng kalayaan para sa
Pilipinas subalit hindi nito tiniyak ang
takdang taon ng pagbibigay kalayaan.

• Nagpadala ang Pilipinas sa Estados


Unidos ng mga misyong
pangkalayaan upang makatiyak na ito
ay matutupad.
• Maraming misyon ang ipinadala mula noong
1925 hanggang 1930.
• Bigo ang lahat ng misyon dahil nangamba ang
mga Amerikano na mawala ang Pilipinas
bilang mamimili ng kanilang kalakal.
• Ang misyong OsRox (1931) ay isang
kampanya na pinangunahan nina Sergio
Osmeña at Manuel Roxas upang makamit ang
pagkilala ng Estados Unidos ng kalayaan ng
Pilipinas at pamumuno sa sarili ng Pilipinas.
• Nakamit ng misyong OsRox ang pagpasa ng
Kongreso ng Estados Unidos ng Batas Hare–
Hawes–Cutting na nangangakong magbibigay
ng kalayaan sa Pilipinas pagkalipas ng 10
taon.
• Nang iuwi ito nina Sergio Osmeña at
Manuel Roxas (Misyong OSROX), ito
ay hindi naibigan ni Quezon.
• Humingi si Quezon ng mas mabuting
probisyon ngunit kaunti lamang ang
nailagay na pagbabago sa Batas
Hare-Hawes-Cutting.
• Nagtungo si Manuel Quezon sa
Estados Unidos noong 1934, upang
maipasa ang Batas Tydings-McDuffie
o ang Philippine Independence Act.
• Itinatadhana ng batas na ito ang
Sampung Taong pamahalaang
Komonwelt bilang paghahanda sa
pagkilala sa kasarinlan ng Pilipinas
na itinatadhana ng batas sa Hulyo 4,
1946.
• Nilagdaan ito ni Pangulong Franklin D.
Roosevelt ng Amerika noong Marso
24, 1934.
• Ang pamamahala sa bansa ay unti-
unting inilipat ng mga Amerikano sa
mga Pilipino sa bisa ng Batas
Tydings-McDuffie.
• Para maihanda ang bansa ay gagawin ang
sumusunod:

1. Ang pagtatatag ng Malasariling Pamahalaan


sa Pilipinas na tatagal ng sampung taon;
2. Ang pagkakaroon ng kumbensiyong
maghahanda ng Saligang Batas;
3. Ang pagkakaroon ng plebisitong
magpapatibay sa Saligang Batas;
4. Ang paghahalal ng mga mamumuno sa
Malasariling Pamahalaan; at
5. Ang pagtatakda ng araw ng pagpapahayag
sa kasarinlan ng Pilipinas sa Hulyo 4, 1946,
matapos ang sampung taon ng Malasariling
Pamahalaan.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Misyong pinangunahan nina Sergio
Osmeña at Manuel Roxas upang makamit
ang pagkilala ng kalayaan ng Pilipinas.
2. Siya ang pangulong lumagda ng Batas
Tydings McDuffie?
3. Kailan ito nilagdaan?
4. Itinatadhana ng batas na ito ang
Sampung Taong pamahalaang
Komonwelt bilang paghahanda sa
pagkilala sa kasarinlan ng Pilipinas.
5. Kailan itatadhana ang kasarinlan ng
Pilipinas mula sa pamamahala ng mga
Amerikano?
Saligang Batas ng 1935
• Gaya ng itinadhana ng Philippine
Independence Act of 1934 o Batas Tydings-
McDuffie, nagkaroon ng halalan sa
pagkadelegado sa Kumbensiyon sa Maynila
para sa paghahanda sa Saligang Batas noong
Hulyo 10, 1934.
• Dalawang delegado ang nahalal na bubuo sa
Kumbensiyon.
• Nahalal na pangulo ng Kumbensiyon si Claro
M. Recto at si Ruperto Montinola bilang
pangalawang pangulo.
• Ilang buwan din nilang pinag-usapan at
pinagtalunan ang mga tadhana ng Saligang
Batas.
• Pinagtibay ito noong Pebrero 8, 1935.
• Hindi lahat ng kagustuhan ng mga
Pilipino ay nailagay sa Saligang Batas
dahil may mga bagay na nais ng mga
Amerikano ang nasunod.
• Ang Saligang Batas na ito ay hindi
lamang para sa bagay na nais ng mga
Amerikano ang nasunod. Ang
Saligang Batas na ito ay hindi lamang
para sa Malasariling Pamahalaan o
Commonwealth kundi para na rin sa
hahaliling Republika.
Ang mahahalagang itinadhana ng Saligang
Batas 1935

1. Tatlo ang sangay ng pamahalaan na may


magkakapantay na kapangyarihan: ang
ehekutibo, lehislatibo, at hudikatura.
2. Ang pangulo at ang Pangalawang Pangulo
ay halal ng bayan. Maglilingkod sila sa loob
ng anim na taon at hindi na maaaring
mahalal muli.
3. Ang kapangyarihan ng lehislatibo o
tagapagbatas ay nasa Asamblea na bubuuin
ng 98 kagawad na ihahalal ng mga
mamamayang may karapatang bumuto at
manunungkulan sila sa loob ng tatlong taon.
4. Ang kapangyarihang hudisyal o
panghukuman ay nasa Kataas-taasang
Hukuman at iba pang mababang hukuman
5. Ang pagkakaroon ng talaan ng mga
karapatan ng mga mamamayan, tulad ng
kalayaan sa pagsusulat, paglalathala,
pagsasalita, pagsamba sa anumang relihiyon,
at iba pa ay ipagkakaloob sa mga
mamamayang Pilipino
• Noong Mayo 14, 1935, pinagtibay ng mga
Pilipino ang nasabing Saligang Batas sa
pamamagitan ng isang plebesito.
• 1,212,046 ang bumuto ng pagsang-ayon at
kulang pa sa 45,000 ang bumuto ng
salungat.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. itinatadhana ng batas na ito ang


pagbibigay ng kasarinlan sa Pilipinas
pagkaraan ng 10 taon.
2. Pangulo ng Amerika na lumagda sa
Batas Tydings-McDuffie?
3. Itinatadhana ng batas na ito ang
Sampung Taong pamahalaang
Komonwelt bilang paghahanda sa
pagkilala sa kasarinlan ng Pilipinas
na itinatadhana ng batas sa Hulyo 4,
1946.
4. Siya ang nahalal na pangulo ng
Kumbensiyon?

5. Kailan nilagdaan ni Pangulong


Franklin Roosevelt ang Batas
Tydings-McDuffie?

You might also like