You are on page 1of 7

Pamamahala ng mga Amerikano sa

Pilipinas

• Ang Pamahalang Militar


• Nang mailipat ng mga Espanyol sa mga
Amerikano ang Pilipinas, pinairal kaagad ang
isang pamahalaang militar.
• Inatasan ng Amerika si Heneral Wesley
Merritt na manungkulan sa Pilipinas bilang
unang gobernador-militar.
• Binigyan siya ng kapangyarihang
tagapagpaganap, tagapagbatas, at
tagapaghukom.
Mga Patakarang Pasipikasyon
• Nagpatupad ang mga Amerikano ng
mga patakaran at batas upang
masupil ang diwang makabayan ng
mga Pilipino.
 Sedition Law ng 1901 or Act No. 292
• Nobyembre 4, 1901, ipinalabas ang
batas na nagpapataw ng parusang
kamatayan o matagalang
pagkabilanggo sa mga Pilipinong
nangampanya ng kalayaan ng
Pilipinas mula sa Estados Unidos.
 Brigandage Act ng 1902
• Nobyembre 12, 1902, ipinalabas ang
batas na nagbabawal sa mga Pilipino
na magtayo o bumuo ng mga
samahan at kilusang makabayan.

 Reconcentration Act noong 1903


• tumutukoy sa patakaran ng
mga Amerikano na naglayong ilipat
ang mga taga-rural sa isang lugar
upang hindi makapagbigay ng suporta
sa mga pangkat ng tao o rebelde
laban sa mga Amerikano.
 Flag Law ng 1907
• Ang Batas sa Bandila ay pinagtibay ng
Komisyon ng Pilipinas noong Agosto 23,
1907.
• Ito ay nagbabawal sa paggamit o
paglalabas ng lahat ng bandila,
banderitas, sagisag, o anumang ginamit
ng mga kilusang laban sa Estados Unidos
lalung-alo na ang sagisag ng katipunan.
• Ayon sa Batas Bandila, hindi
pinahihintulutan ang pagwagayway ng
bandilang Pilipino at ang mga simbolo at
kulay na may kaugnayan sa unang
republika.
• Pinarusahan ng mga Amerikano ang
sinumang nahuling lumabag sa mga
batas at mga nagtangkang tumakas
sa mga bilangguan.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Siya ang inatasan ng Amerika na


manungkulan sa Pilipinas bilang unang
gobernador-militar.
2. Ayon sa batas na ito, pinagbabawal
ang paggamit, paglalabas at
pagwagayway ng bandila ng Pilipinas.
3. ipinalabas ang batas na nagpapataw
ng parusang kamatayan o matagalang
pagkabilanggo sa mga Pilipinong
nangampanya ng kalayaan ng Pilipinas
4. Tumutukoy sa patakaran ng
mga Amerikano na naglayong ilipat ang
mga taga-rural sa isang lugar upang
hindi makapagbigay ng suporta sa mga
Pilipino.

5. Ipinalabas ang batas na nagbabawal


sa mga Pilipino na magtayo o bumuo ng
mga samahan at kilusang makabayan.

You might also like