You are on page 1of 11

6

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 2 – MODULE 2
Ang Pagsusumikap ng mga Pilipino
tungo sa Pagtatatag ng Nagsasariling
Pamahalaan
Alamin
Alam mo na ba ang mga patakaran at batas na ipinatupad ng Estados Unidos sa Pilipinas
tungo sa pagsasarili? Isinulong ng mga pinunong Pilipino ang mahinahong paraan sa halip na
dahas. Nagsagawa ng mga misyon para sa kalayaan dito sa Pilipinas at sa Amerika, hanggang
sa magbunga ang kanilang mga pagsisikap – ang makapagtaguyod ng batas pangkalayaan at
makapagtatag ng Pamahalaang Komonwelt. Sa araling ito, maliliwanagan mo kung anu-ano
ang mga patakarang iyon.
Inaasahang magagawa mo ang sumusunod na kasanayan pagkatapos matutunan ang
bawat aralin sa modyul na ito.
 Matutukoy ang mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa unti-unting pagsasalin
ng kapangyarihan sa mga Pilipino tungo sa pagsasarili.
 Mabibigyang-halaga ang pagsusumikap ng mga Pilipino tungo sa pagtatatag ng
nagsasariling pamahalaan.
 Masusuri ang mga probisyon ng bawat misyong pangkalayaan ng mga Pilipino.

MELC: Naipaliliwanag ang mga pagsusumikap ng mga Pilipino tungo sa


pagtatatag ng nagsasariling pamahalaan.

Tuklasin

Pagsusumikap ng mga Pilipino tungo sa Pagtatatag ng Nagsasariling


Pamahalaan
BATAS PILIPINAS NG 1902

Konsepto:
 Maraming mga patakaran at batas ang ipinatupad ng mga Amerikano bilang
paghahanda sa Pilipinas tungo sa pagsasarili nito. Dumaan ang bansa sa mga proseso
ng pagtuklas, pag-aaral at pagsasarili bago tuluyang nakamit ang soberanya.
 Isa sa mga batas na pinagtibay ay ang Batas Pilipinas ng 1902 (Philippine Bill of 1902).
Kilala rin ang batas na ito bilang Cooper Act dahil ang may akda nito ay si Kongresista
Henry Allen Cooper. Napagtibay ito noong Hulyo 2, 1902. Ito ang naging batayan ng
pamahalaang demokratiko sa Pilipinas.

ITINAKDA NG BATAS NA ITO ANG SUMUSUNOD:


1. Pagbibigay ng talaan ng mga karapatang tatamasahin ng mga Pilipino tulad ng
pagkakapantay-pantay sa ilalim ng batas; mga kalayaan sa pananalita, pagpupulong,
panulat at pamamahayag, at pananampalataya; karapatang mabuhay, maging malaya,
at mag-angkin ng mga ari-arian; at karapatang huwag mabilanggo dahil sa
pagkakautang;
2. Pagtatakda ng isang pambansang halalan para sa Philippine Assembly. Magaganap
lamang ito kung matutupad ang mga kondisyon na magkakaroon ng pangkalahatang
kapayapaan at kaayusan sa buong bansa, pagkuha at paglathala ng sensus, at
pagpapalipas ng dalawang taon pagkatapos ng sensus;

1
3. Pangangalaga ng mga likas na yaman ng bansa para sa mga Pilipino
4. Pagpapadala ng dalawang Pilipinong kinatawan sa Kongreso ng US.
5. Matapos matupad ang mga kondisyon ng batas, idinaos ang kauna-unahang halalang
pambansa noong Hulyo 30, 1907. Naghalal ng 80 na kasapi ng Asamblea ng Pilipinas.
Ang pagpapasinaya ay ginanap noong Oktubre 16, 1907 sa Grand Opera House. Naging
ispiker si Sergio Osmeña at si Manuel L. Quezon naman ang pinuno ng higit na
nakakaraming kasapi. Nahirang din sina Benito Legarda, Sr. at Pablo Ocampo bilang
kinatawan ng Pilipinas sa Kongreso ng US.
Source: https://lrmds.deped.gov.ph/grade/6

PHILIPPINE AUTONOMY ACT OF 1916


(BATAS JONES)

Konsepto:
 Nagkaroon ng pag-asa ang mga Pilipino sa matagal nilang pangarap na kalayaan nang
lumabas ang Batas Jones o Philippine Autonomy Act of 1916. Ito ay nilagdaan noong
Agosto 29, 1916. Ang batas na ipinanukala ni William Atkinson Jones sa Kongreso ng
US at ipinagtibay ng pangulong Woodrow Wilson. Ang batas na bunga na rin ng
pagpupunyagi nina Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña.
 Ipinahayag ng batas na ito ang layunin ng US na bigyan ng lubos na kalayaan. Ayon sa
batas na ito, kailangang masanay ang mga Pilipino sa kanilang sariling pamamahala
lalo na sa paggawa ng batas. Subalit nanatiling Amerikano pa rin ang may hawak ng
Sangay Tagapagpaganap at sila pa rin ang tutukoy sa kahandaan ng mga Pilipino.
Samakatuwid, walang katiyakan ang kalayaan sa ilalim ng Batas Jones.
 Ang Batas Jones ay naglalaman ng kalipunan ng mga karapatan. Binigyang
pakahulugan nito kung sino ang mamamayang Pilipino, probisyon para sa sistema ng
pagbabadyet, kapangyarihan para sa pamahalaan tulad ng pagpapataw ng taripa, at
pagtatag ng mga kawanihan.
 Sa bisa ng Batas Jones, nalikha ang Senado ng Pilipinas mula sa dating Philippine
Commission. Isa din ito sa mga batas na naglatag ng magiging kasarinlan ng Pilipinas
sa paglikha nitó ng mga kondisyon, gaya ng eleksiyon, sa bansa para sa isang matatag
at makapagsasariling pamahalaan.
 Sa bisà ng batas, pinaghiwalay ang kapangyarihan ng ehekutibo at ng lehislatibong
sangay ng pamahalaan. Hindi na maaaring maging kasapi ng lehislatura ang gobernador
heneral, ang pinakamataas na opisyal sa bansa noon. Bago ang 1916, siyá ang
namamahala pati sa Philippine Commission, ang katumbas ng lehislatura. Hinati ng
batas sa dalawang kapulungan ang Commission—ang mataas na kapulungan (Senado)
at ang mababàng kapulungan (Kapulungan ng Kinatawan). Binigyan ang mga ito ng
kapangyarihang lumikha at bumuwag ng mga departamento sa ilalim ng ehekutibo at
pagtatalaga o pagtanggal ng mga pinunò ng mga naturang departamento.
 Naibigay sa mga Pilipino ang kapangyarihang patakbuhin ang lehislatura ng bansa sa
pamamagitan ng eleksiyon. Ang mga miyembro ng Senado ay kumatawan sa 12
distrito. Ihahalal ang 22 senador mula sa 11 distrito na may anim na taóng termino.
Dalawang senador naman mula sa Mindanao at Sulu ang hinirang ng gobernador
heneral at humawak ng kanilang posisyon hanggang hindi silá inaalis ng gobernador
heneral. Mayroon namang 90 miyembro ang Kapulungan ng Kinatawan, 81 ang inihalal
at 9 ang hinirang upang katawanin ang mga hindi Kristiyano.

Source: https://lrmds.deped.gov.ph/grade/6

2
TYDINGS- MCDUFFIE ACT

Konsepto:
 Dahil tutol sa Batas Hare–Hawes–Cutting, nagpunta si Manuel L. Quezon sa
Washington DC upang hikayatin ang Kongreso ng Amerika na bumuo ng isang batas
para sa kalayaan ng Pilipinas. Ang pagpupursige niya ay natumbasan ng bagong batas
na tinawag na Batas Tydings–McDuffie. Nilagdaan ito ni Pangulong Franklin
Roosevelt noong Marso 24, 1934. Pormal itong tinanggap ng lehislatura ng Pilipinas
noong Mayo 1, 1934.
 Kilala rin bilang Batas ng Kalayaan ng Pilipinas (Philippine Commonwealth and
Independence Act of 1934), ang batas ay isinulat nina Senador Milliards Tydings at
Kongresista John McDuffie
 Ito ang batas na nagbigay ng kalayaan ng Pilipinas na naging ganap noong Hulyo 4,
1946, matapos ang sampung taong transisyon ng Pamahalaang Commonwealth.

MGA BAGAY NA DAPAT TUPARIN AYON SA BATAS TYDINGS-MCDUFFIE:


1. Pagbubuo ng isang kumbensiyon na maghahanda sa Saligang Batas;
2. Pagpapatibay ng Pangulo ng US sa Saligang Batas;
3. Pagpapatibay ng Saligang Batas sa pamamagitan ng isang plebisito
4. Paghahalal ng mga pinuno ng malasariling pamahalaan;
5. Pagpapahayag ng kalayaan pagkatapos ng 10 taong malasariling pamahalaan.

 Nang mapagtibay ng Lehislatura ng Pilipinas ang Batas Tydings-Mc Duffie, kaagad


itinatag ang Kumbensyong Konstitusyonal noong Hulyo 10, 1934. Naganap ang halalan
para sa dalawandaan at dalawang (202) delegado. Napili na Pangulo ng Kumbensyong
Konstitusyonal si Claro M. Recto.
 Karamihan sa kasapi ng Kumbensyong Konstitusyonal ay mga nag-aral bilang
pensionados sa Estados Unidos at nagnais na makaranas ng pagsasarili sa pamahalaan.
Noong Marso 8, 1935 natapos ang Saligang-Batas ng 1935. Pinirmahan ito ni
Pangulong Franklin Roosevelt noong Marso 23, 1935, at napagtibay sa pamamagitan
ng plebisito noong Mayo 14, 1935.
 Natapos ang mahaba at matiyagang paghihintay ng mga Pilipino at sa kauna-unahang
pagkakataon ay nakapaghalal ang sambayanang Pilipino ng Pangulo at Ikalawang
Pangulo para sa Pamahalaang Komonwelt.
 Noong Nobyembre 15, 1935, pinasinayaan ang Pamahalaang Komonwelt. Sa harap ng
halos kalahating milyong Pilipino ay nanumpa si Manuel L. Quezon bilang Pangulo at
si Sergio Osmeña, bilang Pangalawang Pangulo. Silang dalawa ang nagwagi sa
naganap na halalan laban kina Emilio Aguinaldo, Gregorio Aglipay, at Pascual
Racuyal. Tinuligsa ng ilan ang muling koalisyon nina Quezon at Osmeña, subalit tulad
ng inaasahan ay nagwagi ang dalawa sa halalan noong Setyembre 17, 1935. Naging
hudyat ito sa pagsasarili ng mga Pilipino tungo sa kalayaan.

Source: https://lrmds.deped.gov.ph/grade/6

3
MGA MISYONG PANGKALAYAAN
Konsepto:
 Sa pagnanais ng mga Pilipinong makamtan kaagad ang kasarinlan, naglunsad sila ng
mga misyong nangampanya para ipagkaloob ng US ang kasarinlan ng Pilipinas.

MGA MISYONG PANGKALAYAAN

A. ANG UNANG MISYON (1919)—Ipinadala sa Washington sa pamumuno ni Manuel


L. Quezon, ang Pangulo ng Senado. Hiniling ng misyon na ipagkaloob na ng US ang
kalayaan ng Pilipinas ngunit hindi nagtagumpay ang misyon dahil hindi kumbinsido ang
Kongreso ng US ukol sa kahandaan ng Pilipinas sa pagsasarili.

B. MISYONG WOOD-FORBES (1921)—Ipinadala ng US sa Pilipinas sina Leonard


Wood at William Forbes. Ayon sa resulta ng kanilang pagsisiyasat, hindi pa handa ang
mga Pilipino sa pagsasarili.

C. MISYONG QUEZON-OSMEÑA (1922)—Layunin ng misyong ito nina Quezon at


Osmeña na pasinungalingan ang ulat ng Misyong Wood-Forbes. Hindi nagtagumpay
ang kanilang misyon.

D. ANG IKALAWANG MISYON (1924)—Ipinadala ito sa US na pinamunuan ni Isauro


Gabaldon at ipinagpatuloy nina Claro M. Recto at Manuel L. Quezon ngunit hindi rin
ito nagtagumpay. Hindi rin ito sinang-ayunan ng sumunod na Pangulo ng United States
na si Pangulong Calvin Coolidge.
Ang ibang misyon ay ipinadala noong 1925, 1927, 1928, 1930, at 1931. Bigong
lahat ang mga misyong ito dahil nangamba ang mga Amerikanong mawala ang Pilipinas
bilang mamimili ng kanilang kalakal at hindi na nila magagamit ang estratehikong lugar
na ito sa Asia na magsisilbing depensa para sa kanilang sariling kapakanan.

E. MISYONG OS-ROX NG 1931


Tumungo sina Osmeña at Roxas sa US upang asikasuhin ang kalayaan ng Pilipinas.
Sa wakas, noong 1933, nakuha nila ang Batas Hare-Hawes-Cutting, ang batas na
nagtatadhana ng sampung taong pamahalaang Komonwelt, at pagkatapos nito ay saka
ipagkakaloob ang kalayaan ng Pilipinas. Tinutulan ni Quezon ang batas na ito dahil may
mga probisyon ito na hindi makabubuti sa mga Pilipino.

F. MISYONG QUEZON NG 1934


Tumungo si Quezon sa Estados Unidos upang kumuha ng mas mabuting batas.
Nahirapan si Quezon dito, subalit nagtagumpay rin siyang makakuha ng bagong batas
ang Batas Tydings-McDuffie (binagong Batas Hare-Hawes-Cutting).
May mahahalagang probisyon ang nakapaloob sa Batas Tydings-McDuffie. Ayon
sa batas na ito, magkakaroon ng: (1) sampung taong pamahalaang Komonwelt, (2)
Constitutional convention upang maghanda ng Konstitusyon, (3) plebisito na
magpapatibay ng Konstitusyon, (4) halalan, at (5) paghahayag ng kalayaan ng Pilipinas
pagkatapos ng Komonwelt.
Source: https://lrmds.deped.gov.ph/grade/6

4
Suriin
GAWAIN 1
PANUTO: Isulat sa patlang ang W kung wasto ang sinasabi ng pangungusap at DW kung ito
ay hindi wasto.
_______1. Nagsilbing saligang batas sa Pilipinas ang Batas Cooper sa ilalim ng pananakop ng
Estados Unidos

_______2. Sa bisa ng Batas Cooper, naitatag ang Asemblea ng Pilipinas, na nagsilbing kauna-
unahang lower house ng Pilipinas mula 1907 hanggang 1916.

_______3. Itinakda sa Batas Cooper na ang isang taong may pagkakautang na mahirap niyang
bayaran ay maaaring mabilanggo habambuhay.

_______4. Ang Batas Pilipinas ng 1902 ang naging batayan ng pamahalaang demokratiko sa
Pilipinas.

_______5. Nagsilbi sa Pilipinas sina Benito Legarda, Sr. at Pablo Ocampo bilang mga kauna-
unahang kinatawan ng bansa sa Kongreso ng Amerika.

GAWAI N 2. WORD PUZZLE


Panuto: Ibigay ang hinihinging sagot ng bawat pangungusap sa baba ng mga bilang at ilagay
ang angkop na sagot sa mga kahon sa itaas ng pangungusap.

1.

-Kongresistang may akda sa Cooper Act na napagtibay noong Hulyo 1, 1902

2.

-Ibang tawag sa Cooper Act.

3.
-Nanalong lider ng mayorya ng Asemblea ng Pilipinas sa naganap na halalan
noong Hulyo 30, 1907

4.

-Nahalal na ispiker sa Asemblea ng Pilipinas noong Hulyo 30, 1907

5.
-Uri ng pamahalaang itinakda ng Batas Cooper

5
GAWAIN 3. CONCEPT MAP
Panuto: Anu-anong yunit ang may kapangyarihan sa pamumuno sa bawat sangay ng
pamahalaan sa Pilipinas na siyang mahalagang probisyon ng Batas Jones? Ilagay ito sa bawat
kahon sa concept map.
Sangay ng Pamahalaan sa Pilipinas

LEHISLATURA EHEKUTIBO HUDIKATURA

1. ____________ 3. ____________ 4. ____________

2. ____________ 5. ____________

GAWAIN 4
Panuto: Kilalanin ang mga probisyon ng Batas Tydings-McDuffie na nakapagpasaya sa mga
Pilipino sa pamamagitan ng pagpuno ng semantic web nito. Mamili ng 4 na ilalagay sa loob ng
lobo. Isulat lamang ang titik ng iyong sagot.

a. May kota o limitasyong pagpapasok ng mga kalakal na Pilipino sa Amerika.


b. Pagbubuo ng isang kumbensiyon na maghahanda sa Saligang Batas
c. Pagpapatibay ng Saligang Batas sa pamamagitan ng isang plebisito
d. Paghahalal ng mga pinuno ng malasariling pamahalaan
e. Libreng pagpasok ng mga kalakal ng Amerika sa Pilipinas.
f. Pagpapahayag ng kalayaan pagkatapos ng 10 taong malasariling pamahalaan
g. Limitahan sa 50 taon ang pagpasok ng mga mangagawang Pilipino sa
Amerika

BATAS TYDINGS-MCDUFFIE
6
Tayahin

I. PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa patlang
ang titik ng wastong sagot.
_________1. Kilala bilang Batas Kalayaan ng Pilipinas ng 1934.
A. Jones Law C. Tydings-McDuffie Act
B. Cooper Act D. Hare-Hawes-Cutting Act
_________2. Alin sa mga sumusunod ang kabilang na probisyon ng Batas Tydings-McDuffie?
A. Pambansang Halalan
B. Paghahanda ng Konstitusyon
C. Lahat ng nabanggit

_________3. Maraming patakaran at batas ang Amerika para sa pagsasarili ng Pilipinas, subalit
tanging ang Batas Tydings-McDuffie ang nagbigay ng probisyon tungkol sa:
A. Wastong pamamaraan ng paggamit ng salapi ng bayan
B. Takdang kalayaan ng Pilipinas sa loob ng sampung taon
C. Paglaganap ng kulturang Amerikano sa kabuhayan ng mga Pilipino
D. Paghirang ng kinatawang Pilipino sa Kongreso ng Estados Unidos

_________4. Paano naging mahalaga ang Batas Tydings-McDuffie sa unti-unting pagsasalin


ng kapangyarihan sa mga Pilipino tungo sa pagsasarili?
A. Pinalaganap ang tau-tauhang pamahalaan na mga dayuhan ang nasusunod
B. Binuhay ang rebolusyonaryong pamahalaan laban sa mga dayuhan
C. Nagtatag ng pamahalaang militar na magpapanatili ng katahimikan at
kaayusan.
D. Itinadhana ang Pamahalaang Komonwelt na may sampung taong
paghahanda para sa pagsasarili ng mga Pilipino

_________ 5. Siya ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa


A. Manuel Quezon C. Franklin Roosevelt
B. Harry Hawes D. John McDuffie

_________ 6. Alin sa sumusunod ang naramdaman ng mga Pilipino nang waging umuwi si
Manuel Quezon sa Pilipinas nang mapagtibay ang Batas Tyding-McDuffie?
A. Natakot C. Nalungkot
B. Masaya D. walang pakiramdam

_________ 6. Anong batas ang nilagdaan ni Pangulong Woodrow Wilson ng Estados Unidos
noong Agosto 29, 1916?
A. Jones Law C. Philippine Bill of 1902
B. Hare- Hawes Law D. Tydings- McDuffie Law

__________8. Sino ang naghain ng Philippine Autonomy Act sa Kongreso ng Amerika?


A. Manuel Quezon C. Woodrow Wilson
B. Sergio Osmeña . D. William Atkinson Jones

7
__________9. Alin sa sumusunod ang naglalaman ng kalipunan ng mga karapatan at binigyang
pakahulugan nito kung sino ang mamamayang Pilipino?
A. Philippine Bill of 1902 C. Tydings-McDuffie Law
B. Jones Law D. Hare-Hawes Law

_________10. Anong sangay ng pamahalaan ang pagkakaroon ng isang gobernador-heneral


na taglay ang kapangyarihang tagapagpaganap?
A. Lehislatura C. Hudikatura
B. Ehekutibo D. wala sa nabanggit

_________11. Anong sangay ng pamahalaan ang pagkakaroon ng batasang Pilipino na


binubuo ng Senado o Mataas na Kapulungan at ng Mababang Kapulungan?
A. Lehislatura C. Hudikatura
B. Ehekutibo D. wala sa nabanggit

_________12. Alin sa sumusunod ang naging pangako ng Batas Jones sa mga Pilipino?
A. Ipinakilala ang relihiyong Protestantismo.
B. Ipalaganap ang pamahalaang demokratiko.
C. Gawing ganap na kolonya ng Amerika ang Pilipinas.
D. Bigyan ng lubos na kalayaan ang Pilipinas sa sandaling magkaroon ng
isang matatag na pamahalaan.

_________13. Paano naging mahalaga ang Batas Jones o Philippine Autonomy Act of 1916
sa unti-unting pagsasalin ng kapangyarihan sa mga Pilipino tungo sa pagsasarili?
A. Pinatibay ang paniniwalang magagaling ang mga Pilipino.
B. Pinahina ang loob ng mga Pilipino na magsarili sa pamamahala.
C. Inihanda ang mga Pilipino sa demokrasiya at sa paggawa ng mga batas.
D. Tumaas ang tingin sa sarili ng mga Pilipino dahil sa kahandaang magsarili.

_________14. Ano ang layuning ibinigay ng Amerika sa Pilipinas sa ilalim ng Batas Jones?
A. kalayaan C. kaparusahan
B. katarungan D. kayamanan

_________15. Anong kondisyon ang hinihingi ng Batas Jones para lubusang mapalaya ang
Pilipinas?
A. kahandaan sa digmaan C. kahandaan sa kalamidad
B. kahandaan sa pamamahala D. kahandaan sa mga sakit

8
Sagot ng Pagwawasto sa mga Gawain:
Demokratiko 5.
W 5. 4. F
Sergio Osmeña 4.
W 4. 3. D
Manuel Quezon 3. 2. C
DW 3.
Batas Pilipinas 1902 2. 1. B
W 2.
Henry Allen Cooper 1.
W 1.
Gawain 1 Gawain 2 Gawain 4

Kapulungan Hukuman_____
2. Mababang 5. Mababang
Kapulungan Heneral Suprema
1. Mataas na 3. Gobernador- 4. Korte

LEHISLATURA EHEKUTIBO HUDIKATURA

Sangay ng Pamahalaan sa Pilipinas


Gawain 3

Sanggunian:
A. Tanglaw ng Kabihasnan, Aklat sa Araling Panlipunan 6,
Batayang Aklat sa Makabayan, Kasaysayang Pilipino 5,
B. Website: https://lrmds.deped.gov.ph/grade/6 , https://en.wikipedia.org/wiki

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jinky F. Lavarr

Tagasuri:

a. Pangdistrito:

Dr. Dominga C. Mercado Jocelyn M. Magana


Rebecca R. Pagarita Elizabeth U.Obaña
May Ann L. Aglosolos
b. Pangdibisyon:

Dr. Marilex A. Tercias Dr. Elizabeth M. Alcaide


Dr. Lea C. Cacayan Dr. Maribel G. Carpio
Teresita S. Roxas Myrna B. Paras
Analisa M. Mulato Geni M. Sarmiento
Tagapamahala:

Dr. Danilo C. Sison Mario S. Cariño


Dr. Cornelio R. Aquino Dr. Jerome S. Paras
Dr. Maybelene C. Bautista

9
10
I
1. C
2. D
3. B
4. D
5. A
6. B
7. A
8. D
9. B
10. B
11. A
12. D
13. B
14 . A
15. B
Sagot ng Pagwawasto sa mga Gawain:

You might also like