You are on page 1of 13

6

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 3- MODULE 7

Pagpapahalaga sa Pagtatanggol
ng mga Pilipino sa Pambansang
Interes
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda upang maging kagamitan sa asignatura ng ikaanim na


baitang para sa matagumpay na pagkatuto at maging mahusay na mag-aaral. Natutuhan mo
na ang Pilipinas ay naging malaya sa kamay ng mga dayuhan. Mahalagang malaman mo
kung ano ang naitulong ng mga Pilipino noon upang makapagsarili ang ating bansa at maging
malaya.

Ang modyul na ito ay tumatalakay sa:


1. Pagpapahalaga sa Pagtatanggol ng mga Pilipino sa Pambansang Interes.

MELC (Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto) Napapahalagahan ang pagtatanggol


ng mga Pilipino sa pambansang interes.
K to 12 BEC CG: AP6SHK-IIIh7

Matapos mong basahin at sundin ang mga gawain sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang :
1.Makaunawa ng kahulugan ng pambansang ineteres.
2.Makapagbibigay pagpapahalaga sa pagtatanggol ng mga Pilipino sa pambansang interes.

Tuklasin/Suriin

Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng kalayaan? Ang pagiging malaya ay isang
katangian ng pagiging makapangyarihan at walang anumang pinangangambahan, hindi
nakasandig, umaasa o nakatali sa iba, matatag at taas noong ipinaglalaban ang pansariling
kapakanan para sa lahat. Walang nangingibabaw sa mga karapatang pantao. Sa kabuuan, ang
wastong katawagan nito ay kasarinlan.
Nang ipahayag ng mga Amerikano ang kalayaan ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946,
nagsumigasig ang mga Pilipino na matamo ang inaasam-asam na mithiin: isang bansang
mapayapa, may pagkakaisa at maunlad. Hindi naging madali ang daan upang magkaroon ng
katuparan ang mga pangarap na ito. Masalimuot at puno ng iba’t ibang balakid ang daan

1
tungo sa inaasaam-asam ng mga Pilipino upang matugunan ang hamon sa pagsasarili at
pagiging malaya.

Sa panahon ng pagsasarili, ang mga Pilipino ay nakaranas ng mga pagsubok na akala


nila ay hindi na nila malalampasan. Gayunpaman, bawat nagdaang administrasyon ng
Republika ay nakaranas din ng tagumpay. Bawat isa ay may kani-kaniyang programang
ipinatupad at may kani-kaniyang ring paraan ng paglutas ng suliranin ng bansa. Ngunit lahat
sila ay naglayon na mapanatili ang demokrasya at matugunan ang lumalaking
pangangailangan ng bansa. Bagamat binabatikos ang kawalan ng kakayahan ng mga naging
pangulo na lutasin ang dumaraming suliranin ng bansa, ang bawat pangulo ay nagsikap na
tugunan ang hamon ng pagsasarili at pagiging malaya. Ipinagtanggol ng mga Pilipino ang
pambansang interes ng ating bansa.

KAHULUGAN NG PAMBANSANG INTERES

1. Itinuturo ng ating pambansang interes bilang mga Pilipino na lahat ng ating


ispiritwal, moral, intelektwal, likas, pisikal at makataong kayamanan ay pag-aari ng mga
Pilipino lamang at hindi ng kung sinupaman. Ang kayamanang ito ay dapat na nasa
kumpletong kontrol, pag-aari at pamamahala ng mga tunay na Pilipino.

2. Ang isang Pilipino ay ipinanganak dito sa Pilipinas o sinumang ang kanyang mga
magulang ay Pilipino, o sinumang tao na pinili niyang tumira dito sa ating bansa at nanumpa
hanggang kamatayan ng kanyang katapatan sa Perlas ng Silangan. Siya ay nabubuhay,
nagtatrabaho, lalaban at mamamatay para sa Pambansang Kapakanan ng ating lahi.

3. Tayong mga Pilipino ay may ideyolohiya, ang diwang Pilipino o Pilipinismo na


bunga ng ating makasaysayang pakikibaka para sa kalayaan na nagsilbing mitsa ng
Himagsikang 1896 laban sa mga mananakop na Kastila. Wakasan na natin ang kabulaanang
isinalaksak sa ating diwa ng mga banyaga na tayo, bilang isang lahi ay walang sariling
ideyolohiya. Sinadya itong gawin ng mga dayuhan upang mapanatili sa ating sikolohiya at
kaisipan ang mababang pagtingin sa ating mga sarili, sa ating dignidad at kakayahan bilang
isang lahi, hangad nilang tayo ay manatiling bihag ng isang “Pambansang Inferiority
Complex”.

2
4. Ang mga elemento ng ideyolohiya ay nandiyan lahat sa diwang Pilipino, sa ating
kasaysayan, sa ating pilosopiya sa buhay, sa mga sinulat ng ating mga bayani, mga pantas at
marurunong, sa mga payak na kasabihan at salawikain ng sambayanan, sa ating saligang
batas at sa ating mga pinaiiral na batas ng lipunan.

5. Ang pambansang interes ay kailangang nasa isang demokratikong pagbabagong


Pilipino na ginagabayan ng gabay pangkaisipan na diwang Pilipino. Ang kahulugan nito, ang
Pilipino ang siyang tanging may tangan ng kapangyarihang pampulitika na malaya sa kontrol,
maniobra at manipulasyon ng anumang dayuhang lakas, mga oligarko, Burgesya-Kumprador
at mga lokal nilang kasabwat. Kailangang tayo, tayong mga Pilipino ang dapat na
dominanteng puwersang pangkabuhayan na may ganap na kontrol at hindi kahati lamang ng
buong ekonomiya ng bansa o ng lahat ng mga sangay nito.

6. Tayong mga Pilipino ang siyang dapat na naghahari dito sa ating bansa sa larangan
ng kultura, wika, sining, musika, pintura, agham at teknolohiya, mass print at broadcast
media, pelikula, TV Programs, recording industry, kontrol sa pagpapalimbag ng mga aklat
pangkasaysayan, magazines at pahayagan. Dapat nating makontrol ang mga susing industriya
kagaya ng langis, bakal, kemikal, telekomunikasyon, elektroniks, pagmimina, paggawa ng
gamot at maging sa importasyon at eksportasyon ng mga produkto rito sa Pilipinas.

7. Ang pambansang interes ay kailangang laging nasa kamalayan ng lahat ng Pilipino.


Kaya maging ang proseso ng pakikipag-ugnayan, paghubog sa karakter, pag-uugali at
personalidad ng isang indibidwal mula sa sinapupunan ng isang ina hanggang sa libingan ay
dapat na maidiin at makintal ang pambansang kapakanan. Kailangang maituro sa pakikipag-
ugnayang ito ang pakikiisa ng pamilya, simbahan, paaralan at ng pamahalaan.

8. Tinitiyak at tinutukoy ng ating pambansang interes ang teritoryong sakop ng


Pilipinas sa lupa, hangin, karagatan at maging ang Sabah Claim ng Sultanate ng Sulu.
Gamitin natin at ipagtanggol ang ating soberanya laban sa sinumang nanghihimasok sa ating
pamahalaan at sa ating bansa.

3
10. Ang soberanya ay mula sa mga Pilipino at ang lahat ng kapangyarihan ng
pamahalaan ay nagmula sa mamamayang Pilipino. Nasa diwang Pilipino ang lubusang
pagkontrol ng mga Pilipino sa ating pamahalaan na malaya sa dikta at impluwensya ng mga
dayuhan.

11. Kaakibat ng pambansang interes na sa pamamagitan ng diwang Pilipino ay


mapigilan natin ang panunulsol ng mga dayuhang lakas na ginagabayan ng mga banyagang
ideyolohiya upang maglaban-laban ang kapwa Pilipino.

12. Nasa ating pambansang interes, sa ilalim ng diwang Pilipino na tayo ay magkaisa
sa isang ideyolohiya tungo sa isang mapayapang paglutas ng ating salungatan. Kadalasan,
ang pinagmumulan ng mga tunggaliang ito ay likha rin ng mga banyaga. Layunin natin na
mapigilan at masolusyonan ang hindi pagkakaunanwaan. Tayo ay magkapitbisig upang
isulong ang tunay na maka-Pilipinong pagbabago sa ating bansa.

13. Higit sa lahat, ang ibig sabihin ng pambansang interes ay ang kapakanan ng
nakararaming Pilipino; hanay ng mga magsasaka, mangingisda, manggagawa, propesyonal,
sundalo, pulis, kabataan at iba pa.

14. Itinuturo ng diwang Pilipino na tayong mga Pilipino ay may kakayahang mamulat
at maunawaan kung ano ang ating interes bilang isang lahi, tayo ay may kakayahang hubugin
ang ating tadhana sa tulong ng Panginoon upang maitayo ang isang malaya, malakas,
maunlad at dakilang bansa. https://www.facebook.com/notes/batingaw

4
Gawain 1
Panuto: Hanapin at bilugan ang mga salitang nasa kahon na tumutukoy sa pagsulong ng
pambansang kalayaan. Maaring hanapin nang pataas, pahalang, pababa, pahilis o pabaliktad.
Gawin ito sa malinis na papel.

ispiritwal pakikibaka pagkakaisa malaya ideyolohiya


moral kasarinlan kapangyarihan soberanya Pilipinismo

R N B A I S P I R I T W A L Q

A A I M S G A N M V E C M S P

K L Z L N I J Y L P X F A Y I
A N R J H Q A M N F K Y N S L

B I S C Y L A K U A A G C J I

I R Z R U A Y E A L R U F E P

K A Y E W R I X A K N E Y W I

I S U G T O H M O C G C B T N

K A T B K M O N J F I A L O I

A K U Q J Y L G K P B M P Y S

P I R B H B O C B G V X C T M

K A P A N G Y A R I H A N G O

N F Q O X C E F P S E X K M B

R B E N G P D W H W V C Z O F

F K S I T K I G B Y T B D Y B

5
5
Gawain 2

Panuto: Isulat ang TAMA o MALI ayon sa pahayag ng bawat bilang. Kung mali, palitan
ang salitang may salungguhit sa pangungusap. Isulat ang iyong mga sagot sa malinis na
papel.

1. Itinuturo ng ating pambansang interes bilang mga Pilipino na lahat ng

ating ispiritwal, moral, intelektwal, pisikal at makataong kayamanan ay

pag-aari ng mga Pilipino lamang at hindi ng kung sinupaman.

2. Ang ibang lahi ang siyang dapat maghari sa bansang Pilipinas.

3. Ang ibig sabihin ng pambansang interes ay ang kapakanan ng mga

Pilipino.

4. Bawat pangulo ng Republika ng Pilipinas ay nagsumikap upang

matugunan ang mga hamon sa pagsasarili ng ating bansa.

5. Kung walang soberanya ang isang bansa, ito ay walang kapangyarihan

na maging malaya sa dikta at impluwensiya ng mga dayuhan.

Gawain 3

Panuto: Sagutin ang tanong. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. Gamitin ang naibigay
na rubrik bilang gabay sa pagsagot ng tanong.

Para sa iyo, bilang pag-asa ng bayan, paano mo


mapapanatili ang kalayaan ng ating bansa?
Bigyang katwiran o paliwanag ang iyong kasagutan.

6
Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos sa Gawain 3

Pamantayan Pinakamahusay Mahusay-husay Nangaingailangan


ng Iba Pang
4-5 2-3 Pagsasanay
1
Kawastuhan ng Malinaw ang Hindi gaanong Malabo ang
diwang nais mensahing nais malinaw ang mensahe
ipahayag iparating mensahing nais
iparating
Organisasyon ng Mahusay ang Hindi gaanong Walang
Ideya pagkakasunod-sunod mahusay at maayos organisasyon ng
ng ideya ang pagkakasunod- pagkasunod-sunod
sunod ng ideya ng ideya
Nilalaman Malawak ang Hindi gaanong Walang bagong
kaalamang malawak ang kaalamang
ibinabahagi kaalamang ibinabahagi
ibinabahagi

Tayahin 1
I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na pangungusap. Piliin ang
letra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang kahulugan ng kalayaan?


A. kasarinlan B. may kapangyarihan
C. pagiging malaya D. lahat ng nabanggit
2. Kailan ipinahayag ng mga Amerikano ang kalayaan ng bansa?
A. Hulyo 4, 1946 B. Hulyo 14,1946
C .Hunyo 4,1946 D. Hunyo 12,1946
3. Ang lahat ay itinuturo sa pambansang interes na kayamanan bilang isang Pilipino
maliban sa .
A. intelektuwal B. ispiritwal C. moral D. pera
4. Sino ang itinuturing na isang Pilipino?
A. Nakatira sa Pilipinas.
B. Naipanganak sa Pilipinas.
C. Ang mga magulang ay isang Pilipino.
D. Lahat ng Nabanggit

7
5. Ano ang kailangan upang makamit ang kalayaan ng isang bansa?
A. magkaisa B. magkapit-bisig
C. mangtulungan D. Lahat ng nabanggit.
6. Anon ang kailangan upang maisulong ang tunay na pagbabago ng ating bansa?
A. Isipin ang sariling kapakanan.
B. Magpagalingan ang mga namumuno.
C. Magkaroon ng iisang ideyolohiya ang mga Pilipino.
D. Wala sa nabanggit.
7. Ano ang ibig sabihin ng “ang Pinoy ay taga-igib ng tubig sa sarili niyang bansa”?
A. Hari sa sariling bansa.
B. Alila sa sariling bansa.
C. Mahirap sa sariling bansa.
D. Katulong sa sariling bansa.
8. Ito ay nangangahulugang “Diwang Pilipino”.
A. Ideyoholiya B. Makabansa C. Pilipinismo D. Pambansang Interes

9. Paano mapapahalagahan ang mga nagawa ng mga Pilipino noon sa pagtatanggol sa


ating bansa para makamtam ang kalayaan?
A. ikahiya B. ipagmalaki C. ipagwalang bahala D. limutin

10. Ano ang dapat na maging katangian ng isang lider?


A. Isipin ang pansariling interes
B. Tulungan lang ang nasasakupan
C. Isipin muna ang ikabubuti ng nasasakupan bago ang pansariling interes.
D. Lahat ng nabanggit

8
Tayahin 2
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa sagutang papel ang T kung ang
pahayag ay totoo at HT naman kung ang pahayag ay hindi totoo.

1. Naging madali ang pagsusumigasig ng mga Pilipino noon na matamo ang


inaasam na kalayaan at pagsasarili ng bansa.

2. Ang bawat administrasyon noon ay hindi nakaranas ng tagumpay sa kanilang


panunungkulan.

3. Matatamo ang inaasam-asam na kalayaan at kapayapaan, kung tayo dapat ay


magpapadikta sa mga dayuhan.

4. Ang mga Pilipino ay dapat magkanya-kanya sa sariling bansa.

5. Sa tulong ng Panginoon kayang-kaya ng mga Pilipino na maitayo ang isang


mapayapa, maunlad, at dakilang bansa.

9
Sagot sa Pagwawasto ng mga Gawain
Gawain 1

R N B A I S P I R I T W A L Q
A A I M S G A N M V E C M S P

K L Z L N I J Y L P X F A Y I

A N R J H Q A M N F K Y N S L

B I S C Y L A K U A A G C J I

I R Z R U A Y E A L R U F E P

K A Y E W R I X A K N E Y W I

I S U G T O H M O C G C B T N

K A T B K M O N J F I A L O I

A K U Q J Y L G K P B M P Y S

P I R B H B O C B G V X C T M

K A P A N G Y A R I H A N G O

N F Q O X C E F P S E X K M B
R B E N G P D W H W V C Z O F

F K S I T K I G B Y T B D Y B

Gawain 2
1. Tama

2. Mali- Pilipino

3.Tama
4. Tama
5. Tama
Gawain 3 (5 puntos)
Gamitin sa pagpupuntos ang naibigay na rubrik)

10
Sangggunian:
A. Aklat
Arlene Domingo-Calara,MA.2014. Tanglaw ng Kabihasnan 6Aklat ng Sibika at Kultura.#8
Sampaguita St. Gloria V Subd,Talipapa, Quezon City: BNA Publishing House.pp.297-305

B. Websites

https://www.facebook.com/notes/batingaw-fabregas/batingaw-ng-bayan-ang-mga-
batayang-paninindigan/10150563796581051/

https://www.scribd.com/doc/62310327/aralin-panlipunan-modyul-16-mga-
pagbabago-sa-iba-t-ibang-pamamahala

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Maria Isabel C. Soriano


Tagasuri:
A. Pang Distrito: Dr. Baby Jean L. Collado Florence C. Mercurio
Miamy P. Licudo Marilou C. Sembran
Frederick V. Agayo

B. Pang Dibisyon:

Dr. Nelda S. Rabang Marlyne S. Asuncion


Dr. Lea C. Cacayan Luzviminda S. Dizon
Dr. Ma. Ruby L. Caballero Nida C. Bautista
Frederick V. Agayao Marissa S. Quinto
Myrna B. Paras Olivia L. Delos Santos
Analisa M. Mulato May Ann L. Aglosolos

Tagapamahala:

Dr. Danilo C. Sison


Mario S. Carino
Dr. Cornelio R. Aquino
Dr. Jerome S. Paras
Dr. Maybelene C. Bautista

11
Sagot sa Pagwawasto ng mga Tayahin

Tayahin 1
1. D
2. A
3. D
4. D
5. D
6. C
7. B
8. C
9. B
10. C
Tayahin 2
1. HT
2. HT
3. HT
4. T
5. T

12

You might also like