You are on page 1of 12

6

ARALING PANLIPUNAN
Quarter 1 – Module 4
Ang Partisipasyon ng mga
Kababaihan sa Rebolusyong Pilipino
Alamin
Ang modyul na ito ay inihanda upang maging kagamitan sa ika-anim na baitang para
sa matagumpay na pagkatuto bilang isang mag-aaral at maging mahusay na kasapi ng ating
lipunan. Ito ay naibuod upang bigyan ng kaalaman ang mga batang katulad mo tungkol sa
partisipasyon ng mga kababaihan sa rebolusyong Pilipino.

Matututuhan mo ang kahalagahan ng mga kababaihan noong panahon ng rebolusyon


laban sa mga Kastila. Makikita mo ang ilan sa mga kababaihan na naging aktibo na sa
pagtulong na makamit ang kasarinlan ng bansang Pilipinas.

MELC (Most Essential Learning Competency)


Natatalakay ang partisipasyon ng mga kababaihan sa rebolusyong Pilipino
• K to 12 BEC CG: AP6PMK-Ie-8

Sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


1. matukoy ang mga kababaihan na nakilahok sa rebolusyong Pilipino;
2. mailarawan ang kahalagahan ng mga kababaihan sa rebolusyong Pilipino; at
3. makagawa ng isang venn diagram ukol sa katungkulan ng mga kababaihan noon at ngayon.

TUKLASIN AT SURIIN
Bibihira lamang ang mga kababaihang bayani na kilala ng karamihan sa mga kabataan
ngayon sa ating bansa. Kung ikaw ay tatanungin, marahil ay mas marami kang maisasagot na
bayaning lalaki kaysa sa mga bayaning babae. Halika! Ating palawakin ang iyong kaalaman
tungkol sa mga kababaihan na naging parte ng rebolusyong Pilipino.

Sa panahon ng mga Kastila, ang mga kababaihan ay nararapat na mamalagi sa kani-


kanilang mga bahay upang gawin ang mga gawaing bahay. Darating man ang pagkakataon na
sila’y papayagang lumabas, ito ay kapag pupunta lamang sila sa simbahan. Pagdating sa
kanilang pag-aaral, iba ang natututunan ng mga lalaki sa mga babae. Ngunit hindi pumayag
ang ilan sa mga kababaihan na ganito lamang ang kanilang papel sa lipunan.

Ang kababaihang Pilipino ay may malaking papel na ginampanan noong panahon ng


Himagsikan. Sa labis na pagmamahal sa Kalayaan, ang iba sa kanila ay napilitan ding

1
makipaglaban sa kabila ng kanilang kasarian. Narito ang mga natatanging kababaihan na
naging parte ng rebolusyong Pilipino.

Mga Kababaihan sa Rebolusyong Pilipino


Mga kababaihan sa Cigarrera

National Historical Commission of the Philippines

Malaon nang pinangungunahan ng kababaihang manggagawa ang mga kilusang sosyal


at pulitikal. Sa katunayan, ang unang batid na welga ng manggagawa sa Pilipinas ay gawa ng
mga cigarrera noong 1816. Nag-aklas ang mga cigarrera ng Maynila para taasan ang sahod at
mapabuti ang kondisyon ng trabaho. Hindi sila pumasok sa trabaho upang ipabatid na sila ay
nag-aaklas. Humiling sila ng tamang mga kundisyon sa paggawa, tamang oras ng paggawa, at
tamang sahod. Isa sa kanilang mga kahilingan ang pagbigay sa kanila ng mga dahon ng tabako
nang ibibilot na lamang, sapagkat hindi sila binabayaran para sa dagdag na trabaho ng paglinis
at pagbanat sa mga dahon. Mabilis at paborableng tumugon ang pangasiwaan.

Gabriela Silang
Anak si Gabriela Silang ng isang magsasakang
Ilokano at kasambahay na Itneg at inampon siya ng isang
prayle na nagpalaki at nagpaaral sa kanya. Noong siya ay 20
na taong gulang, siya ay nagpakasal sa isang mayamang
matanda na kalaunan ay namatay pagkatapos ang tatlong taon.
Pagtapos ng limang taon na ligawan, ikinasal sila ni Diego
Silang sa Vigan, Ilocos Sur. Dahil sa pagtaas ng buwis at
tinyurl.com/57vdt8p5

2
sapilitang pagtatrabaho, nag-alsa ang mga Ilokano sa pamumuno ni Diego. Pinatay si Diego
noong ika-28 ng Mayo 1763. Siya ang nagpatuloy sa pakikipaglaban sa mga Kastila ng
namatay ang kanyang asawa na si Diego Silang. Siya ang unang Pilipinong babae na namuno
sa isang paghihimagsik noong kolonisasyon ng mga Kastila sa Pilipinas.

Melchora Aquino
Si Melchora Aquino o Tandang Sora ay
ipinanganak noong Enero 6, 1812. Tinagurian siyang “Ina
ng Katipunan” at Tandang Sora, sapagkat matanda na siya
noong sumiklab ang himagsikang pinamumunuan ni
Andres Bonifacio noong taong 1896. Sa edad na 84 taong
gulang, aktibo siya sa pakikibaka para sa kasarinlan o
kalayaan. Sa kamalig niya nagpulong ang mga pinuno ng
Katipunan. Binuksan rin niya ang kanyang tahanan para
tinyurl.com/zzykk3s7
sa mga sugatang katipunero na kanyang ginamot at
binigyan ng pagkain. Sinimulang dakpin ng mga Espanyol ang mga Katipunero. Pinayuhan
siya ni Andres Bonifacio na tumakas at magtago sa Novaliches. Dinakip siya sa Novaliches
noong ika-29 ng Agosto 1896. Siya ay ikinulong sa bilibid at pinahirapan dahil ayaw niyang
ibunyag kung saan nagtago ang mga Katipunero. Ipinatapon siya sa Marianas (Guam) kasama
ng ibang insurrecto. Pagkatapos ng anim na taon, ibinalik siya sa Pilipinas sa edad na 91. Si
Melchora Aquino ay namatay noong Marso 2, 1919.

Agueda Kahabagan
Si Agueda Kahabagan ay taga Sta. Cruz,
Laguna at walang naitala tungkol sa magulang at pamilya
niya. Sumapi siya sa Katipunan bago pa ang taong 1896. Lagi
siyang nakaputi, sumusugod na may dalang itak sa isang
kamay at baril sa kabilang kamay. Pagkatapos niyang sugpuin
ang isang malaking pwersang Espanyol, binigyan siya ng
titulong ‘Henerala Agueda’ ni Emilio Aguinaldo. Hinirang
siyang heneral ng hukbong rebolusyonaryo noong ika-4 ng
tinyurl.com/nr67xnwt Enero 1899. Nagsilbing tagapuslit ng mga gamit pandigma
noong 1896. Nakulong si Heneral Agueda sa Pila, Laguna. Akusado siya sa pag-utos sa ilang
pagpatay.

3
Patrocinio Gamboa
Sa kanyang pagdadalaga, nabasa na niya ang mga
isinulat ni Jose Rizal at ng mga propagandista. Noong 1898,
naging kasapi siya ng Comite Central Revolucionario de
Visayas. Bilang espiya, siya mismo ang naghatid ng utos ng
mga militar sa mga pinuno ng rebolusyon sa Kabisayaan. Siya
ay nagpanggap na maingay na asawa upang hindi mapansin
ang mga armas na nakatago sa kariton at sa ilalim ng kaniyang
damit, ang bandila ng Republika ng Pilipinas. Sila ay
tinyurl.com/y5uf8bnz pinadaan ng Guardia Sibil na walang hinala. Pagkatapos ng
digmaan, inalok siya ng mga Amerikano ng pensyon para sa kanyang kabayanihan. Tumanggi
siya dahil ang paniniwala niya ay “hindi mababayaran ang pagmamahal sa bayan.”

Teresa Magbanua
Si Teresa Magbanua ay isinilang noong
Nobyembre 4, 1869 sa mayaman at tanyag na angkan sa
Pototan, Iloilo. Mula pagkabata ay wala na siyang
kinakatakutan. Isa siya sa maipagkakapuring Pilipina sa
rebolusyong Pilipino. Sumabak siya sa laban bilang
tanging babaeng namuno sa hukbo sa rebolusyon sa
Kabisayaan. Nakilala siya sa husay ng pagsakay sa kabayo
at paggamit ng baril. Kahit tutol ang asawa niya, sumali pa
rin siya sa hukbo ng rebolusyon. Lumaban siya sa dalawang
tinyurl.com/kt5u3rcv
digmaan at sinuportahan ang mga gerilya sa paglaban sa
mga Hapon. Pagkamatay ng asawa niya, ibinenta niya lahat ng ari-arian para tustusan ang
paglaban ng mga gerilya. Pagkatapos ng digmaan, lumipat siya sa Pagadian at nanirahan doon
hanggang sa namatay siya noong 1947. Ang kakayahang mamuno, lakas ng loob at kagitingan
ng babae ay ilan lamang sa mga katangian na naipakita ni Teresa. Binansagang Joan of Arc ng
kabisayaan na sumisimbolo sa kanyang katapangan at kahusayan.

4
Clemencia Lopez
Si Clemencia Lopez ay isinilang sa mayamang
pamilya sa Balayan, Batangas noong 1873. Siya ay ang
panganay na babae sa sampung magkakapatid. Lumaban
silang magkakapatid sa rebolusyon laban sa Espanya at
Amerika. Nahuli at ipinatapon ang tatlong kapatid na lalaki
sa Isla ng Talim sa Laguna de Bay. Siya ay nagtungo sa
Amerika pagkatapos ng rebolusyon. Noong Mayo 29, 1902,
nagtalumpati siya sa New England Woman Suffragette
Association. Umuwi siya sa Pilipinas noong 1904 at
tinyurl.com/5dy7am22 nagpatuloy siya sa pagsulong ng karapatan ng kababaihan.

Gregoria de Jesus
Si Gregoria de Jesus ay ipinanganak sa
Kalookan noong ika-9 ng Mayo, taong 1875. Siya ay anak
ng ulirang mag-asawang sina Nicolas de Jesus (isang dating
gobernadorcillo) at Baltazara Alvarez. Siya ay kabiyak ng
dibdib (asawa) ng supremo ng Katipunan na si Andres
Bonifacio. Nakilala sa bansag na “Ina ng Katipunan, “Ina ng
Himagsikan”, “Lakambini ng Katipunan “, at “Orang
Dampuan”. Siya ay isang sundalo, tagapag-ingat ng lihim at
tinyurl.com/9nyjxpcj isa sa pinakamataas na pinuno ng Katipunan. Siya ay
matalino ngunit natigil siya sa pag-aaral para mamahala sa lupa na kanilang sinasaka at
tumulong sa gawaing bahay. Napakarami niyang dinanas, kasama na ang pagpatay sa kanyang
asawa.

May dalawang papel ang mga kababaihan sa ating kasaysayan: mga babae na sumunod
sa kung ano ang dikta ng lipunan sa kanila at mga babae na nag-iba ng landas para ipaglaban
ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa mga banyaga. Hindi biro ang pinagdaanan ng mga
kababaihan sa rebolusyong Pilipino ngunit hindi sila nagpatinag sa mga diskriminasyon kundi
nagpakita sila ng lakas at tapang upang ipaglaban ang naangkop na lugar ng mga kababaihan
sa ating lipunan.

5
Gawain 1
Panuto: Lagyan ng (tsek) ang patlang kung ito ay papel na ginampanan ng mga kababaihan
sa panahon ng rebolusyong Pilipino at X (ekis) kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

_________ 1. Sumasali sila sa mga labanan.


_________ 2. Nag-aalaga ng mga sugatang katipunero.
_________ 3. Naglilinis ng kani-kanilang tahanan.
_________ 4. Namamahala ng mga lupang sinasaka.
_________ 5. Tagapag-ingat ng mga importanteng dokumento.

Gawain 2
Panuto: Tukuyin ang mga inilalarawan ng pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Sa edad na 84 taong gulang, aktibo siya sa pakikibaka para sa kasarinlan o kalayaan.


a. Melchora Aquino c. Trinidad Tecson
b. Teresa Magbanua d. Josephine Bracken
2. Ang nagpatuloy ng pakikipaglaban sa mga Kastila ng namatay ang kanyang asawa.
a. Gregoria De Jesus c. Trinidad Tecson
b. Josefa Rizal d. Gabriela Silang
3. Kilala sa bansag na “Ina ng Katipunan, “Ina ng Himagsikan”, “Lakambini ng Katipunan ”,
at “Orang Dampuan”.
a. Marina Dizon Santiago c. Gregoria De Jesus
b. Teresa Magbanua d. Elena Montoya
4. Nagpunta sa Amerika at nakapagbigay ng talumpati sa New England Woman Suffragette
Association.
a. Gregoria Montoya c. Melchora Aquino
b. Trinidad Tecson d. Clemencia Lopez
5. Nagpanggap na maingay na asawa upang itago ang mga armas sa loob ng kariton.
a. Trinidad Tecson c. Gregoria De Jesus
b. Patrocinio Gamboa d. Elena Montoya

6
6. Binansagang “Joan of Arc” ng kabisayaan na sumisimbolo sa kanyang katapangan at
kahusayan.
a. Gregoria De Jesus c. Marina Dizon Santiago
b. Teresa Magbanua d. Elena Montoya
7. Natatanging babaeng heneral ng himagsikan at nagsilbing tagapuslit ng mga gamit
pandigma noong 1896.
a. Teresa Magbanua c. Gregoria De Jesus
b. Agueda Kahabagan d. Elena Montoya
8. Sila ay nag-aklas at hiniling nila ang pagbigay sa kanila ng mga dahon ng tabakong ibibilot
na lamang, sapagkat hindi sila binabayaran para sa dagdag na trabaho ng paglinis at
pagbanat sa mga dahon.
a. Kababaihan sa Cigarrera c. Kababaihan sa Biak na Bato
b. Kababihan sa Malolos d. Kababaihan sa Katipunan
9. Nagbenta ng mga ari-arian upang suportahan ang mga gerilya sa pakikipaglaban.
a. Melchora Aquino c. Trinidad Tecson
b. Teresa Magbanua d. Josephine Bracken
10. Ang mga sumusunod ay pangalang itinatawag kay Gregoria de Jesus, maliban sa isa.
a. Ina ng Katipunan c. Joan of Arc
b. Ina ng Himagsikan d. Lakambini ng Katipunan

Gawain 3
Panuto: Punan ang Venn Diagram na nagpapakita ng pagkakatulad ng kalagayan ng mga
kababaihan noon at ngayon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Kababaihan Noon Kababaihan Ngayon

7
Prosesong mga tanong.
1. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kalagayan ng mga kababaihan noon at ngayon?
2. Paano hinarap ng mga kababaihan ang hamon ng kanilang kalagayan?
3. Bakit napakahalaga na matutunan ang kahalagahan ng mga kababaihan noon at ngayon?

Tayahin

A. Panuto: Tukuyin ang mga mga inilalarawan ng pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa papel.
1. Kalihim ng KKK at kauna-unahang babaeng kasapi ng Katipunan.
A. Marina Dizon Santiago C. Melchora Aquino
B. Teresa Magbanua D. Josephine Bracken

2. Ipinuslit niya ang watawat ng Republika ng Pilipinas sa ilalim ng kanyang damit.


A. Marina Dizon C. Gabriela Silang
B. Melchora Aquino D. Patrocinio Gamboa

3. Anong taon nag-aklas ang mga kababaihan ng cigarrera?


A. 1816 C. 1818
B. 1817 D. 1819

4. Binansagang “Joan of Arc” ng kabisayaan na sumisimbolo sa kanyang katapangan at


kahusayan.
A. Gregoria De Jesus C. Marina Dizon Santiago
B. Teresa Magbanua D. Elena Montoya

5. Natatanging babaeng heneral ng himagsikan at nagsilbing tagapuslit ng mga gamit


pandigma noong 1896.
A. Teresa Magbanua C. Gregoria De Jesus
B. Agueda Kahabagan D. Elena Montoya

6. Sa edad na 84 taong gulang, aktibo siya sa pakikibaka para sa kasarinlan o kalayaan.


A. Melchora Aquino C. Trinidad Tecson
B. Teresa Magbanua D. Josephine Bracken

7. Isang tubong Ilokano na nanguna sa pag-aaklas matapos mamatay ang kanyang asawa.
A. Gregoria De Jesus C. Trinidad Tecson
B. Josefa Rizal D. Gabriela Silang

8. Nakilala sa bansag na “Ina ng Katipunan, “Ina ng Himagsikan”, “Lakambini ng Katipunan”,


at “Otang Dampuan”.
A. Marina Dizon Santiago C. Gregoria De Jesus
B. Teresa Magbanua D. Elena Montoya

8
9. Ang nagbansag kay Agueda Kahabagan na ‘Henerala’.
A. Andres Bonifacio C. Melchora Aquino
B. Jose Rizal D. Emilio Aguinaldo

10. Taon ni Melchora Aquino noong bumalik na siya sa Pilipinas galing Marianas (Guam)?
A.90 C. 99
B. 91 D. 95

B. Panuto: Sagutin ang mga katanungan batay sa iyong nabasa at sa iyong perspektibo bilang
isang mamamayan ng ating lipunan. Isulat ang sagot sa sagutang papel
1. Bakit mahalaga ang mga kababaihan sa rebolusyong Pilipino?
___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. May nagbago ba sa mga ipinaglalaban ng mga kababaihan noon at ngayon? Bakit?


___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

9
Sagot sa mga Gawain
10. C 5. B
5.
9. B 4. D
4.
8. A 3. C
3.
7. B 2. D
2.
6. B 1. A
1.
Gawain 2
Gawain 1

Nasa paghuhusga ng guro.


Gawain 3

Sanggunian
A. Books
Torres, Mary Joy P. Ed. D, LAHING KAYUMANGGI Batayang Aklat sa Araling
Panlipunan 6 , Units T & U, 5F Future Point Plaza3, No 111 Panay Ave. Quezon
City, THE LIBRARY Publishing House, Inc. (2017) , pp. 48-61

Mortel, Daryll A., BAYANIHAN Araling Panlupinan 6, Lower Ground Unit LG 10


Tower D Victoria Towers, Mother Ignacia St., Brgy. Paligsahan, Quezon City,
The Inteligence Publishing, Inc. (2017), pp. 76-9

B. Government Publications
K to 12 Araling Panlipunan Gabay Pangkurikulum Mayo 2016
K to 12 Curriculum Implementation and learning Management Matrix

C. Online and Other Sources


Department of Education. http://lrmds.deped.gov.ph
National Historical Commission of the Philippines
https://www.youtube.com/watch?v=LqUsd2URcjo&t=519s
https://brainly.ph/question/11671221

BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL


Manunulat: Shaira Nadine A. Capiral
Tagasuri:
A. Pangdistrito:
Dr. Jocelyn R. Mina Dr. Ariel M. Fernandez Orville L. Benigno
Dr. Nelda S. Rabang Monaliza M. Bajo Evelyn R. Toralba
Dr. Blesilda C. Costales Joel M. Solomon Eddie M. Quiming
B. Pangdibisyon:
Dr. Marlyne S. Asuncion Luzviminda S. Dizon Jacqueline D. Calosa
Myrna B. Paras Nida C. Bautista Dr. Olivia L. Delos Santos
Marissa S. Quinto Analisa M. Mulato
Tagapamahala:
Dr. Danilo C. Sison Dr. Cornelio R. Aquino Dr. Jerome S. Paras
Dr. Wilfredo E. Sindayen Dr. Maybelene C. Bautista

10
Sagot sa Tayahin
A.
1. C Nasa paghuhusga ng guro.
2. D B.

3. A
4. B
5. B
6. A
7. D
8. C
9. D
10. B

11

You might also like