You are on page 1of 12

6

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5
Ikalimang Linggo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Ano ang Target ko?
Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahang naipapaliwanag mo ang kahalagahan ng
deklarasyon ng kasarinlan ng Pilipinas at ang pagkakatatag ng Unang Republika.

Ano ako magaling?


Basahing mabuti ang mga pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot.
1.Ano ang nagtulak sa mga Pilipino sa pamumuno ni Felipe Calderon na itatag ang Kongreso
ng Malolos?
A. Dahil sa pagnanais na maging malaya .
B. Upang magtatag ng panibagong pamahalaan.
C. Upang pagplanuhan ang panibagong digmaan.
D. Lahat ng nabanggit
2. Ano-ano ang mga katangian ng mga nahalal na kumakatawan sa Kongreso ng Malolos?
A. Sila ay mga nagmamay-ari ng pabrika sa lungsod.
B. May mga matataas na katungkulan sa pamahalaan.
C. Sila ay nabibilang sa may mataas na pinag-aralan, matalino,inhenyero at maykaya
sa buhay.
D.Wala sa nabanggit
3. Kailan pinasinayaan ang Kongreso ng Malolos na naganap sa simbahan ng Barasoain sa
Bulacan?
A. Enero 15, 1899 C. Setyembre 23, 1898
B. Setyembre 15, 1898 D.Enero 23, 1899
4. Sino ang nahalal na unang pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas na pinasinayaan
noong Enero 23, 1899?
A. Felipe G. Calderon C. Pedro Paterno
B. Emilio Aguinaldo D. Benito Legarda
5.Ilang sangay ang bumubuo sa pamahalaang naitatag batay sa Saligang Batas ng Malolos?
A. 2 B. 3 C. 4 D. 5
6. Ang mga kinatawan ng kongreso ay naghanda ng Saligang Batas na nagtadhana ng
isang ________________
A. Pamahalaang Sibil C. Pamahalaang Demokratiko
B. Pamahalaang Militar D. Lahat ng nabanggit
7. Saan matatagpuan ang simbahan ng Barasoian kung saan pinasinayaan ang
Unang Republika ng Pilipinas?
A. San Isidro Bulakan C. San Miguel Bulakan
B. Hagonoy Bulakan D. Malolos Bulakan
8. Anong katangian ang dapat taglayin ng isang pinuno sa isang lalawigan?
A. May sariling lupang sakahan at ari-arian
B. May malasakit, mapagmahal sa nasasakupan at iniisip ang kapakanan ng lahat
C. May sariling layuning mapaganda ang pamumuhay
D. lahat ng nabanggit
9. Ano ang pangunahing layunin bakit nabuo ang kongreso ng Malolos?
A. Dahil ninais ng mga Pilipino na maging masaya
B. Dahil sa pangarap ng makabayang Pilipino na makapwesto sa loob ng pamahalaan

1
C. Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na maging malaya
D. Lahat ng nabanggit
10. Ano ang pangunahing kapangyarihan at tungkulin ng kasapi ng Asamblea?
A. Paggawa ng Batas
B. Tagapagpaganap o ehekutibo
C. Tagapagbatas o lehislatibo
D. Hudikatura
ANG DEKLARASYON NG KASARINLAN
Aralin
NG PILIPINAS AT ANG UNANG
5
REPUBLIKA
Ang Kongreso ng Malolos ay naitatag dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na maging
malaya. Dahil sa pagsisikap ng mga natatanging Pilipino nakabuo ng isang pamahalaan na
kinakatawan ng mga Pilipinong maykaya sa buhay at may mataas na pinag-aralan. Ito rin ang
nagsilbing daan upang maitatag ang unang republika ng Pilipinas.

Ano ang balik-tanaw ko?


Bilugan ang mga pangalan o salitang hahanapin na may kinalaman tungkol sa
ginampanan ng mga kababaihan sa rebolusyong Pilipino. Ito ay maaaring patayo, pahiga o
pahalang.
A K A L I N G A D F T M A H U S A Y A K B C V
D A A C S S A S P L B A W S E D U L A A E W A
V T C T E Q G A S G F H N Q E T Y U L P T A S
B I G A I V F P P O I N N D L P P P A A S S A
N P B J O P D A S D F G H N A J K L K T E I W
M U N G P O U T Y G H B N B B N R T B I A W A
M N M N D N C N Q Q E R C V N M G A A D D A J
B E M A S A Y A A T X N N X X R D S Y S E S Y
G R D J H B F B V N A O C C E P C N O V U G I
H A D A S D F G H C Y C I G A D F T H R G H K
U D B D F G H V V S R I O O W T Y I O B A Q R
I C R B A N D S U E E R V B D O K U M E N T O
O C T L E R T L A S I K A L A Y A A N B A T A
A S U S E N O V B A V C X I W R T X Z Q Q A S
B A Y A N I D E D G H B N C V X Z E W W Q A S
T l F V E V A E W D Q L A K A M B I N I D M S
E Z B A G U E D A E S T E B A N M F G A A A D
M E L C H O R A A Q U I N O S E S P U L O N G
E G H N M Q W Z R E B O L U S Y O N V C S D H
Mga salitang hahanapin:
1. Katipunan 6. Kalayaan
2. Tandang Sora 7. Agueda Esteban
3. Katipunera 8. Melchora Aquino
4. Lakambini 9. Rebolusyon
5. Dokumento 10. Bayani

2
Ano ang gagawin ko?

1. R P E B U L K I A NG P L I S I P A N I
S L O M A OL GN K N O R O E G S
Ano ang mga salitang mabubuo ? _________________________________
2.Ilarawan ang mahalagang pangyayari sa ating kasayasayan ? ___________

3. Ano ang naging kahalagahan nito sa ating kasalukuyang panahaon?______

Ano ang kahulugan?

ANG KONGRESO NG MALOLOS AT ANG PAGKAKATATAG NG UNANG


REPUBLIKA

Sa pagnanais ng mga Pilipino na maging Malaya, minarapat nilang tumawag ng


kongresong bubuuin ng mga kinatawang halal ng mga lalawigan. Noong ika-15 ng Setyembre
1898, pinasinayaan ang Kongreso ng Malolos sa Bulacan. Pinamunuan ito ni Felipe G.
Calderon. Nahalal na pangulo ng kongreso si Dr. Pedro Paterno, si Benito Legarda naman ang
pangalawang pangulo. At ang mga kalihim ay sina Gregorio Araneta at Pablo Ocampo .
Binubuo ng 85 na kinatawan na mga mamamayang nabibilang sa may mataas na pinag-aralan
at may kaya sa buhay. Ang iba pang kinatawan ay mga abogado, manunulat, inhinyero,
mangangalakal, manggagamot, parmasyutiko at mga magsasaka.

Ang mga kinatawan ng kongreso ay naghanda ng Saligang Batas. Ang Saligang Batas
ng Malolos ay nagtadhana ng isang pamahalaang demokratiko. Itinatag ng Konstitusyong ang
isang malayang Republika ng Pilipinas. Pinasinayaan ang Unang Republika ng Pilipinas noong
Enero 23, 1899 at si Heneral Emilio Aguinaldo ang nahalal na unang pangulo nito.
Ang itinatag na Republika ng Pilipinas ay binubuo ng tatlong sangay. Ito ay ang
tagapagpaganap o ehekutibo, tagapagbatas o lehislatibo at hudikatura. Magkakahiwalay ang
mga kapangyarihan ng mga ito. Pinaghiwalay rin nito ang tungkulin ng simbahan sa tungkulin

3
ng estado. Ang mga karapatan ng tao at ang kapangyarihan at tungkulin ng mga opisyal ng
pamahalaan ay nakasulat din dito. May kalayaan ang mga mamamayan sa pagpili ng kanilang
relihiyon. Ang kapangyarihan sa paggawa ng batas ay nakaatang sa Asamblea at ang mga
kasapi nito ay inihalal ng mga tao. Ang Pangulo ang tumatayong tagapagpaganap kasama ang
pitong kalihim. Ang mga kalihim ay hinirang ng Pangulo at ang mga ito ay mananagot sa
Kongreso. Mga Nagawa ng Kongreso ng Malolos: Pagpapatibay ng kalayaan ng Pilipinas,
Paggawa ng isang Saligang Batas, Pagpapahintulot ng pag-utang ng P20,000,000.00 para sa
pamahalaan, pagtatatag ng Unibersidad Literaria de Filipinas ( Literary University of the
Philippines).

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Kailan naganap ang pulong sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos
Bulacan?
____________________________________________________________
2. Ibigay ang mga sektor ng lipunan na nabanggit bilang kinatawan sa
Kongreso ng Malolos?
____________________________________________________________
3. Sino ang nahalal bilang pangulo ng Kongreso ng Malolos?
____________________________________________________________
4. Ibigay ang tatlong sangay ng pamahalaan na naitatag at ilarawan ang
kapangyarihan ng bawat isa.
____________________________________________________________
5. Ano ang mahahalagang naiambag ng kongreso ng Malolos matapos itong
maitatag?
________________________________________________________________

Ano pa ang gagawin ko?

A. Panuto: Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa linya.

Malaya Tagapagpaganap o ehekutibo Pamahalaang Demokratiko

Enero 23, 1899 Hudikatura Tagapagbatas o lehislatibo

Benito Legarda Emilio Aguinaldo Setyembre 15, 1898

1. Sino ang nahalal bilang pangalawang pangulo kongreso ng


Malolos?____________________________
2. Kailan pinasinayaan ang Unang Republika ng Pilipinas?____________________
3. Ano ang tatlong sangay na binuo sa Unang Republika ng
Pilipinas?_____________________________
4. Anong uri ng pamahalaan ang naitatag ng Saligang Batas ng
Malolos?______________________________
5. Ano ang nais o minimithi ng mga Pilipino?_______________________________

4
B. Lagyan ng tsek ( √ ) ang angkop na hanay na nagpapahayag sa kahalagahan ng
Kongreso ng Malolos ng paglalahad ng kasarinlan ng bansa. Lagyan ng ekis( × ) ang
hindi.
Mga Gawain Nagawa Binalak Hindi

1.Pagbubuo ng
Saligang Batas
2. Pagtatag ng
malayang bansa
3. Pagtatatag ng
republika
4. Paghahalal ng
pangulo ng bansa
5.Pagkilala bilang
malayang bansa ng
iba’t-ibang bansa
C. Sagutin ang mga susmusunod na tanong ayon sa iyong pagkakaunawa.
1 . Nakatulong ba ang pagkakatatag ng Kongreso ng Malolos sa bansa?
_____________________________________________________________________
1. Alin sa mga katangiang ipinakita ng mga Pilipino noon ang dapat nating gayahin?
Alin ang dapat iwasan? Bakit?
_____________________________________________________________________
2. Sino sa mga Pilipinong nagpakita ng kabayanihan noon ang dapat tularan? Paano
mo magagawa ito?
_____________________________________________________________________

Ano ang natamo ko?

Tandaan Natin Ito


Ang Kongreso ng Malolos na pinasinayaan noong Setyembre 15, 1898 na
naging daan sa pagbuo ng Saligang Batas ng Malolos. Ang batas na ito ang nagtadhana ng
isang pamahalaang demokratiko na pinasinayaan noong Enero 23, 1899 sa Simbahan ng
Barasoain , Malolos Bulacan. Ito ang nagbigay daan upang maipakita ng mga Pilipino ang
kakayahan sa pamamahala ng sariling bansa. Nagkaroon ng katuparan para sa kanilang
minimithing kalayaan.

Ano ang kaya kung gawin?


A. Kung ikaw si Felipe Calderon ano-anong mga katangian ng mga Pilipino ang nais
mong makita sa mga nahalal bilang kinatawan ng
kongreso?_____________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5
Kumusta na ang target ko?

Piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik ng iyong sagot sa isang papel.
1. Ano ang dahilan ng pulong na pinamunuan ni Felipe Calderon ?
A.Upang utusan ang mga lumahok na mag-aklas
B.Para bumuo ng isang alyansang kakalaban sa mga mananakop
C.Upang maghalal ng mga kinatawan ng Kongreso ng Malolos
D.Lahat ng nabanggit
2. Ang mga sumusunod ay nagawa ng Kongreso ng Malolos maliban sa isa.
A.Pagpapatibay ng kalayaan ng Pilipinas
B.Paggawa ng Saligang Batas
C.Pagtatatag ng isang rebolusyunaryong pamahalaan
D.Pagtatatag ng Unibersidad Literaria de Filipinas(Literary University of the
Philippines)
3. Bakit minarapat ng mga Pilipino na bumuo ng Kongreso na kumakatawan sa mga
halal ng lalawigan?
A. Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na maging malaya
B. Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na makarating sa ibang bansa
C. Dahil sa adhikin ng mga Pilipino na maging tanyag
D. Dahil sa minimithi ng mga Pilipino na yumaman
4. Alin sa mga sumusunod ang tamang pangkat ng kinatawan ng Kongreso ng Malolos?
A.Manunulat, Abogado, mangangalakal, may mababang pinag-aralan
B.Inhinyero, parmasyutiko, sakim, ganid sa kapangyarihan
C.Magsasaka, manunulat, mataas ang pinag-aralan, may kaya sa buhay
D.Lahat ng nabanggit
5. Anong mga sangay ang bumubuo sa Unang Republika ng Pilipinas.
A.Tagapagpaganap,Tagapagbatas, at Tagapangasiwa
B.Tagapangasiwa, Hudikatura at Tagapagbatas
C.Tagapagpaganap, Tagapagbatas at Hudikatura
D.Hudikatura, Tagapangasiwa at Tagapagpaganap
6. Kailan nahalal bilang kalihim ng kongreso sina Gregorio Araneta at Pablo Ocampo?
A. Agosto 29, 1898
B. Septyembre 29,1898
C. Oktubre 29,1898
D. Nobyembre 29, 1898
7. Ang tumatayong tagapagpaganap na kasama ng pitong nahirang na kalihim ay ang
__________________
A. Pangulo
B. Pangalawang Pangulo
C. Sekretarya
D. Ingat-yaman
8. Isa sa nagawa ng Kongreso ng Malolos ay ang pagpapahintulot ng pag-utang sa
halagang ___________
A. 10,000.00 C.30,000.00
B. 20,000.00 D.40,000.00

6
9. Sa inyong palagay, naging matagumpay ba ang Kongreso ng Malolos sa paggawa ng
Saligang Batas?
A. Marahil
B. Hindi
C. Oo
D. Wala sa nabanggit
10. Alin sa mga sumusunod ang mahalagang naiambag ng Kongreso ng Malolos?
A. Paggawa ng imprastraktura
B. Pagpapalawak ng sakahan
C. Pagpapahintulot ng pag-utang ng halagang 20,000,000.00 para sa pamahalaan
D. Lahat ng nabanggit

Ano pa ang kaya kung gawin?

A. Punan ang talahanayan ng mga pangalan na may mahalagang ginampanang papel


sa pagkakatatag ng Kongreso ng Malolos.
Pangalan
1.___________________________________
2.___________________________________
3.___________________________________
4.___________________________________
5.___________________________________

B. Panoorin ang inihandang video at sagutin ang mga sumusunod na tanong.


https://www.youtube.com/watch?v=30hCuQTAe5E
1. Ano-ano ang mahahalagang pangyayaring naganap sa napanood mong video?
2. Sino-sino ang mga bayaning Pilipinong nabanggit ang may mahalagang
ginampanan sa pagkakaroon ng deklarasyon ng Pilipinas at sa pagkakatatag ng
Unang Republika?

Sanggunian
• Antonio, Eleonor D, Emilia L. Banlaygas, and Evangeline M.
Dallo(2017) : KAYAMANAN 6. Rex Publishing; Sampaloc Maynila. pp.
59
• https://historyangphil.wordpress.com
Araling Panlipunan 6, Kongreso ng Malolos
• https://www.youtube.com/watch?v=30hCuQTAe5E

7
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS


Vice-Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS

Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA


Team Leader/Facilitator: DR. DANILO S. GUTIERREZ

Writer: DOLLY V. FERNANDO


Content Evaluators: JULITA L. MACARANAS
Language Evaluator: NAPOLEON G. JUNIO
Reviewers: FERDINAND PAGGAO
JULITA L. MACARANAS
NAPOLEON G. JUNIO
Illustrator: CRISELLE G. FERRERAS
Lay-out Artist: CHERYL IBARRETA
BOBBY G. CELESTE
Content Validator: JULITA L. MACARANAS
Format and Language Validators: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES
School Head In-Charge: JOSEFINA R. GRANADA (Primary)
DR. MA. CHERYL S. FERNANDEZ (Intermediate)
EPS In-Charge: FERDINAND PAGGAO, EPS – ARALING PANLIPUNAN
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros, Upper Bicutan Taguig City

Telefax:

Email Address:

You might also like