You are on page 1of 22

Ang Batas Militar sa Pilipinas

I. Isulat ang tama o mali.


1. Sa bisa ng PD Blg. 27, nabibigyan ng
pagkakataon ang magsasaka na
makapagmamay-ari ng lupang pansakahan.
2. Hindi pinapayagan ng pamahalaan ang mga
Pilipinong manggagawa na makapagtrabaho
abroad.
3. Isa sa programa ng pamahalaang Marcos
ukol sa edukasyon ay ang Back to Basics o
3Rs
4. Upang matiyak ang kahandaan ng mga mag-
aaral na papasok sa kolehiyo, nagkaroon ang
pamahalaan ng isang National College
Entrance Examination.
5. Ang kampanyang Bagong Lipunan ay may
islogan na “Sa ikauunlad ng bayan,
karunungan ay kailangan.
II. Tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang.
Proklamasyon Blg. 1081
- Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos sa
mga estasyon ng radyo at telebisyon ang
pagsasailalim sa bansa sa batas militar noong
Setyembre 21, 1972.
Kapag pinairal ang batas militar, ang isang bansa ay:
1. Sumasailalim sa kapangyarihan ng militar
2. Sinususpinde ang pag-iral ng saligang batas
3. Inaalis ang pamahalaang sibil
4. Lahat ng opisyal ng pamahalaan ay maaaring
alisin sa posisyon kasama na ang mga kasapi ng
lehislatura
Pinairal ito hanggang Enero 17, 1981
SALIGANG BATAS NG PILIPINAS 1935
-naging batayan ni Pangulong Marcos sa
pagdedeklara ng Batas Militar. Sa Artikulo VII,
Seksyon 10 ng Saligang Batas, nasasaad na:
“Ang Pangulo ang kumandante ng lahat ng
sandatahang lakas ng Pilipinas.
Mga Suliraning Pangkabuhayan
- Patuloy na lumaki ang panlabas na utang ng
pamahalaan
- Tumaas ang halaga ng langis at mga bilihin sa
palengke
- Binuksan ni Marcos ang bansa sa mga
dayuhang mamumuhunan
Mga Suliraning Panlipunan
- Ang mga mayayaman at pulitiko ay nagtatag
ng kani-kanilang private army. Madali ang
pamimili ng mga armas at baril; karamihan ay
galing sa ibang bansa
- Dahil sa pahirap nang pahirap ang buhay at maliit na kita ng
mga manggagawa, nagsimula ang pag-aaklas na
sinusuportahan ng mga aktibistang mag-aaral. Dito
nagsimula ang parliaments of the streets
Mga Suliraning Pampulitika
- Dumami ang nawalan ng tiwala sa pamahalaan at sa
mapayapang reporma
Kaya, iba’t ibang samahan ang naitatag:
- CPP (Communist Party of the Philippines)
- New People’s Army
- MNLF (Moro National Liberation Front)
Agosto 21, 1972
- Dahil sa mga kaguluhan, nilagdaan ni Pangulong Marcos
ang Proklamasyon 889 o pagsuspindi sa
Writ of Habeas Corpus – karapatang dinggin sa hukuman
ang mga kaso ng mga inaaresto sa pamahalaan
Juan Ponce Enrile – kalihim ng Tanggulang Pambansa
Setyembre, 1971 – si Kalihim Juan Ponce Enrile
ng Tanggulang Pambansa ay tinambangan ng
mga rebelde at muntik ng mapatay
- Nahuli din ang MV Karagatan sa Palanan,
Isabela na lulan ng mga di-rehistradong armas
- Ibinunyag ni Senador Benigno “Ninoy” Aquino
ang planong pagdedeklara ng Batas Militar ni
Pangulong Marcos sa ilalim ng planong “Oplan
Sagittarius”
1. Tawag sa araw-araw na pagrarali ng mga Pilipino
noong 1970
2. Karapatang humarap sa korte ang nahuli upang
malaman kung legal ang kanyang pagkakaditene
3. Mga nahuli sa Palanan, Isabel, Sakay ng MV
Karagatan
4. Kasama ng mga manggagawa sa araw-araw na
pagrarali
5. Grupo ng mga Muslim na kumakalaban sa
pamahalaang Marcos noon
6. Organisasyong may kakaibang simulain, nabuo
noong 1963
7. Sec. of Defense na kunwaring inambush
noong Setyembre, 1971
8. Pangulong nagdeklara ng Batas Militar
9. Mga dayuhang umalis sa Pilipinas dahil sa
tumataas na bilang ng krimen
10. Kalakal mula sa Saudi na patuloy na
tumataas, dahilan ng pagtaas ng lahat ng
presyo noon sa Pilipinas
11. Lugar kung saan nagdaos ng political rali ang
Liberal Party, binomba ng mga di pa rin
nakikilalang mga tao hanggang ngayon
Ang Bagong Pamahalaang
Awtoritaryan
- Pagkatapos magdeklara ng Batas-Militar,
pinirmahan ni Pangulong Marcos ang
tinatawag na “Presidential Decrees”, upang
maging gabay sa kanyang pamahalaan.
Tinawag niya itong Awtoritaryong
Konstitusyonal. Lahat ng mga direktiba ay
itinuring na utos ng Pangulo
Batas Senado 77
Nag-utos sa pagdaos ng Con-con o Kumbensyon
Pangkonstitusyon. Sa kumbensiyong ito, binago
ang Saligang Batas ng Pilipinas at nilagdaan
noong Nobyembre 30, 1972. Ito ang naging
Saligang Batas 1973
Referendum ng 1973
- Pagtatanong sa mga taong bayan tungkol sa
kanilang pagsang-ayon o di-pagsang-ayon sa
pamahalaan ng barangay, bagong saligang batas,
pagpapatuloy ng Batas Militar at plebisito
Parlyamentaryong Pamahalaan
- Ang kapangyarihan ng tagapagpaganap at
tagapagbatas ay napasailalim ng isang Punong
Ministro at Pangulo
Interim Batasang Pambansa
- Ito ang naging Pambansang Asambleya
Militar
- Ang ministro ng tanggulang pambansa at ang
hepe ng sandatahang lakas ay direktong nasa
ilalim ng opisina ng Punong Ministro at
Pangulong Marcos
Ang Bagong Lipunan
- Inihayag ng pamahalaan ang kampanya nito
upang maipatupad ang mga pagbabago sa
lipunan o ang pagkakaroon ng Bagong Lipunan
- Ginamit sa kampanyang ito ang ang islogan na
“Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan”
- Ito ay kinapapalooban ng kapayapaan at kaayusan,
reporma sa lupa, pangkabuhayang pagpapaunlad,
kaunlarang pangmoral, reporma sa pamahalaan,
reporma sa edukasyon, at mga panlipunang
paglilingkod
Mga Unang Hakbang
1. Pinatigil ang operasyon ng media
2. Kinontrol ng pamahalaan ang malalaking
kampanya tulad ng San Miguel Corp, PLDT at
MERALCO
3. Pinairal ang curfew sa buong bansa –
pagtatakda ng oras na hindi na maaaring
lumabas ng bahay ang mga tao
4. Ipinagbabawal ang rally, welga, pagbuo ng
pampublikong pagtitipon-tipon
Kapayapaan at Kaayusan
- Nagtakda ang pamahalaan ng paglilinis ng
mga gusali, lansangan, kanal at pali-paligid ng
mga tahanan
Reporma sa Lupa
- Ang Presidential Decree Blg 27 ang nagbigay
ng pagkakataon sa mga magsasakang walang
lupa na ariin ng isang bahagi ng lupang
sinasaka nila. Inilunsad din ang Masagana 99 o
pagpapadami ng ani at produksiyon sa palay
sa pamamagitan ng pagpapabuti ng uri ng
binhi ng palay at bigas
Pangkabuhayang Pagpapaunlad
-Itinatag ni Pangulong Marcos ang
National Grains Authority upang
mamahala sa mabisa at mabilis na
pamamahagi ng bigas at mais.
-Upang mapadali ang pagluluwas ng mga
produktong pansakahan ipinagawa niya
ang Pan-Philippine Highway at ang pulo
ng Samar at Leyte ay pinag-ugnay ng San
Juanico Bridge
Kaunlarang Pangmoral
- Iniutos ng Pangulo na maging magalang at matulungin
ang lahat ng pinuno at kawani ng pamahalaan
Reporma sa Edukasyon
- Programang Back to the Basics o pagbibigay-diin sa 3Rs
(reading, writing, at arithmetic)
- Patakarang bilingual o paggamit ng dalawang wika sa
pagtuturo
- Pagkakaroon ng Youth Civic Action Program (YCAP)
upang matuto ng iba’t ibang uri ng paglilingkod na
panlipunan ang kabataan
- Pagkakaroon ng National College Entrance Examination
(NCEE)- upang matiyak ang kahandaan ng mga mag-
aaral na papasok sa kolehiyo
-Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang bagong Philippine
Labor Code – layunin nitong pangalagaan ang mga
karapatan ng mga manggagawa at pagkasunduin sa
mapayapang paraan ang mga trabahador at kapitalista
sa panahon ng di-pagkakaunawaan
- Upang lutasin ang problema sa kawalan ng hanapbuhay,
binuo ang Overseas Employment Development Board
(OEDB), National Seaman Board (NSB), National
Manpower and Youth Council (NMYC) upang tulungan
ang mga Pilipino na makahanap ng trabaho sa ibang
bansa
Panlipunang Paglilingkod
- Pabahay para sa mga kawani ng pamahalaan
- Pre-natal care center at makabagong ospital
para sa publiko
- Bagong Lipunan Improvement Sites and
Services
1973 Konstitusyon ng Pilipinas
- Nilagdaan ng pangulo ang 1970 Constitutional
Convention Act at inihalal ang mga delegado
sa kumbensiyon
Pangulo ng kumbensiyon si dating Pangulong
Diosdado Macapagal
-inihain ni Pangulong Marcos sa mga
mamamayan ang saligang batas sa
pamamagitan ng CITIZEN ASSEMBLY
a. Writ of habeas corpus 2
b. PHILCAG 8
c. Miracle rice 4
d. MNLF 1
e. CPP 5
f. Ferdinand Marcos 3
g. Nur Misuari 7
h. Proklamasyon 1081 6

You might also like