You are on page 1of 1

Kalakalang Galyon.

-Isa sa mga patakarang pangkabuhayan na inilunsad ng Espanya sa bansa

-Nagsimula noong 1565. Nang buksan ang daungan ng Maynila, malayang
nakakadaan sa Look ng Maynila ang mga galyon o sasakyang dagat na may dalang mga kalakal.
- Mula Maynila patungong Acapulco pabalik ang ruta ng galyon.
-Tanging ang mga pinuno ng pamahalaan at mga pinunongbayan na mga Pilipino
ang maaaring makalahok sa Kalakalang Galyon. Naging monopolyo ng pamahalaan ang Kalakalang
Galyon sa pamamagitan ng pagkontrol ng kalakalang panlabas.
Mabuting Epekto ng Kalakalang Galyon
1. Natustusan ang pangangailangan ng pamahalaan lalo na ang pagpapanatili ng Kristiyanismo.
2. Naging daan ito sa pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa.
3. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga taga-Mexico na tangkilikin ang mga produkto na galing Asya.
4. Nagdala ito ng mga makabagong pamamaraan at teknolohiya sa pagpapaunlad ng kabuhayan.
5. Nakilala ang kasanayan ng Pilipinas sa makasining na paggawa ng barko.

Di-Mabuting Epekto ng Kalakalang Galyon

1. Napabayaan ang pangangasiwa sa maraming pamayanan dahil naging abala ang mga opisyales sa
paglahok sa kalakalang galyon.
2. Hindi nabigyang pansin ang puspusang paglinang ng mga likas na yaman ng bansa.
3. Nagpahirap ito sa mga Pilipino na kailangang maparami nila ang mga produktong panluwas na binibili
lamang sa kanila sa mababang halaga.
4. Naging sapilitan ang pagbili ng mga Pilipino ng mga produktong mula sa Espanya at Mexico.

Kalakalang Galyon. -Isa sa mga patakarang pangkabuhayan na inilunsad ng Espanya sa bansa

You might also like