You are on page 1of 4

BAPTIST BIBLE SPECIAL LEARNING CENTER OF ORMOC

Brgy. Punta, Ormoc City


Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Sibika V

Pangalan: Petsa: Iskor:


A. Isulat ang titik ng wastong sagot.
1. Pagdiriwang na ipinakilala ng mga Espanyol bilang parangal sa santong patron ng isang pook o lugar
a. Flores de Mayo
b. Pista
c. Santacruzan
d. Prusisyon
2. Tagapamahala ng mga encomienda
a. gobernadora-heneral
b. prayle
c. encomendero
d. alcalde mayor
3. Patakaran kung saan ang mga lalakihang katutubo na may gulang na 16 hanggang 60 ay sapilitang maglilingkod sa mga
pagawaang bayan sa loob ng 40 na araw
a. Tributo
b. Bandala
c. Polo y Servicio
d. Encomienda
4. Pagdiriwang ng ginaganap tuwing ikatlong lingo ng Enero sa Cebu bilang parangal sa Santo Niño
a. Maskara
b. Moriones
c. Sinulog
d. Pinagbenga
5. Ito ang katumbas ng community Residence Tax Certificate sa kasalukuyan
a. Vinta
b. Bandala
c. Cedula Personal
d. Samboangan
6. Buwis na ibinabayad para sa pagpapatayo ng mga depensa laban sa mga Moro sa Bulacan at Pampanga
a. Vinta
b. Falla
c. Samboangan
d. Tributo
7. Mga piling encomienda na nakalaan sa Hari
a. Encomienda Regular
b. Encomienda Real
c. Encomienda Particular
d. Encomienda de Leyes
8. Halagang ibinabayad ng bawat pamilya bilang tributo
a. 2 reales
b. 4 reales
c. 6 reales
d. 8 reales
9. Pumalit sa tributo noong 1884 na nagsilbing pagkakakilanlan ng mga katutubo
a. Cedula personal
b. Rentas estancados
c. Vinta
d. Diezos prediales
10. Unang hakbang sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo
a. polo y servicio
b. tributo
c. encomienda
d. reduccion
11. Relihiyosong orden na namahal sa Cagayan at Pangasinan sa pagpapatupad ng reduccion
a. Franciscan
b. Dominican
c. Augustinian
d. Jesuit
12. Sentro ng lahat ng gawain ng mga naninirahan sa pamayanan
a. Plaza
b. Paaralan
c. Kumbento
d. Simbahan
13. Gobernadora-Heneral na nagpatupad ng reduccion
a. Luiz Perez Dasmariñas
b. Narciso Claveria
c. Jose Basco
d. Manuel Ortega
14. Relihiyosong orden na namahala sa buong rehiyon ng Bicol
a. Franciscan
b. Dominican
c. Augustinian
d. Jesuit
15. Lugar sa tabi ng baybaying-dagat o pampang ng ilog
a. irisan
b. ilalim
c. ilaya
d. ilawud
16. Ang reduccion ay galing sa salitang reducer na nangangahulugang
a. Pagsupil
b. Pagbawal
c. Pagsaway
d. Paglipat
17. Sapilitang pagbebenta ng mga produktong ani ng mga magsasaka tulad ng palay, tabako, at bulak
a. Residencia
b. Monopoly
c. Bandala
d. Samboangan
18. Unang aklat na isinulat at nailimbag sa Pilipinas noong 1890
a. Doctrina Christiana
b. Diccionario Espanyol-Tagalog
c. Florante at Laura
d. Catechismo Espanol
19. Bayad na ibinabayad ng mga gusting umiwas sa polo y servicio
a. falla
b. bandala
c. tributo
d. reduccion
20. Nagsilbing gantimpala ng mga Espanyol sa mga sundalo o conquistador sa kanilang pagtulong sa pagsakop sa bansa at
mga katutubo
a. polo y servicio
b. tributo
c. reduccion
d. encomienda
21. lugar sa mga bukirin patungo sa kabundukan
a. ilawud
b. ilaya
c. irisan
d. ibabaw
22. lalawigan kung saan matatagpuan ang pinakamalaking kampana sa Asya
a. Capiz
b. Cebu
c. Samar
d. Leyte
23. Pagpapatrabaho sa mga bata na nasa murang gulang at wala pang sapat na kasanayan at kakayahan na magtrabaho sa
isang mabigat at mapanganib na trabaho
a. Special Labor
b. Manual Labor
c. Forced Labor
d. Child Labor
24. Sa kaniya napunta ang mga encomienda sa Bataan
a. Pedro de Chavez
b. Juan de Macapagal
c. Francisco Liwag
d. Juan Esguerra
25. Sistematikong paglipat ng mga mamamayan tungo sa mga sentrong nasa tuwirang control ng mga prayle
a. encomienda
b. reduccion
c. bandala
d. kristiyanisasyon
26. Papa na unang nagbigay ng Patronato Real kay Haring Ferdinand
a. Papa Urban II
b. Papa Felipe III
c. Papa Alexander VI
d. Papa Carlos IV
27. Mga encomienda na matatagpuan sa gilid ng mga burol at mga bundok na ibinibigay sa mga pangkaraniwang
conquistadores
a. encomienda real
b. encomienda regal
c. encomienda particular
d. encomienda primera
28. Itinuturing na ambag ng mga katutubo sa mga gastusin ng kolonisasyon at pagtanggap ng kanilang pagiging sakop ng Hari
ng Spain
a. reduccion
b. buwis
c. tributo
d. encomienda
29. Buwis para sa simbahan na nagkakahalaga ng 1 real
a. samboangan
b. diezos prediales
c. rentas estancadas
d. cedula personal
30. Tawag sa mga katutubo na tumakas sa kabundukan dahil sa takot na maparusahan ng mga prayle
a. fallador
b. polista
c. remontados
d. bandidos
B. Tukuyin at isulat ang wastong sagot.
1. ____________________ kilusan upang bawiin ang Banal na Lupain mula sa mga Muslim
2. ____________________, 3. _______________, 4. _______________, 5. _______________ mga instrumento na
nakatutulong sa mga manlalayag
6. ____________________ gamit ng mga Kanluranin bilang pampalasa ng pagkain at pagpapapreserba ng karne sa
mahabang panahon.
7. ____________________ Kapuluan sa Indonesia na tinaguriang Spice Island
8. ____________________ Isang kilusan upang was akin ang lakas ng Islam sa Spain at Portugal
9. ____________________ nagsasaad na ang kapangyarihan ng isang bansa ay batay sa kaniyang naipon na gintoat pilak
10. ____________________ lugar na nagkaroon ng monopoly sa pagbebenta ng mga produkto galing sa Silangan matapos
bumagsak ang Constantinopole noong 1453
C. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa paglalakbay ng Spain sa Pilipinas. Gumamit ng bilang 1 hanggang 5.
a. _____ pagbabalik ng barkong pinamunuan ni Sebastian del Cano sa Spain
_____ pagdaraos ng unang misa sa Pilipinas
_____ labanan sa pagitan ni Magellan at Lapu-lapu
_____ sanduguan sa pagitan ni Magellan at Raja Humabon
_____ pagdaong ng pangkat ni Magellan sa Homonhon

b. _____ pagtatag sa lungsod ng Cebu


_____ pagsakop sa lungsod ng Maynila
_____ pagdaong ng pangkat ni Legaspi sa Samar
_____ pagsakop sa lungsod ng Panay
_____ pagdedeklara sa Maynila bilang kabisera ng Pilipinas
D. Isulat ang T kung tama ang pahayag at M kung hindi tama ang pahayag.
1. _____ Ang simbahan ay malaki ang bahaging ginampanan sa pananakop at Kristiyanisasyon ng mga katutubong
Pilipino.
2. _____ Magkasama ang tirahan ng mga principalia at ordinaryong mamamayan.
3. _____ Sa reduccion, ang mga katutubo ay malapit sa kanilang kabuhayan.
4. _____ Ang buhay sa ilalim ng reduccion ay kontrolado ng mga prayle.
5. _____ Ang reduccion ay unang hakbang sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa mga katutubo.
6. _____ Ang pinakamalaking kampana sa Asya ay matatagpuan sa Capiz.
7. _____ Lahat ng lugar sa bansa ay napasailalim sa reduccion.
8. _____ Kaagad-agad na natanggap ng mga katutubo ang reduccion.
9. _____ Si Padre Juan de Plasencia ang nagharap ng ideya ng reduccion.
10. _____ Inatasan ni Haring Felipe II si Gobernador-Heneral Jose Basco na magptupad ng reduccion.
E. Tukuyin at isulat ang wastong sagot.
1. ____________________ Isang tradisyonal na sasakyan (bangka) na ginagamit na sasakyan ng mga tao at produkto sa
ilang bahagi ng Mindanao
2. ____________________ Kahulugan ng salitang “encomendar”
3. ____________________ Namumuno sa isang encomienda
4. ____________________ Ito ay itinuturing na ambag ng mga katutubo sa mga gastusin ng pamahalaan at pagtanggap
sa kanilang pagiging sakop ng mga Espanyol
5. ____________________ Ang panimulang halaga ng tribute na ibinabayad ng bawat pamilya
6. ____________________ Pumalit sa tribute noong 1884
7. ____________________ Mga piling encomienda na nakalaan sa Hari ng Spain
8. ____________________ Mga encomienda na matatagpuan sa gilid ng mga burol o mga bundok
9. ____________________ Tawag sa mga katutubo na tumakas sa kabundukan dahil sa takot na maparusahan ng mga
encomendero
10. ____________________ Katumbas ng Cedula Personal sa kasalukuyan
F. Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali kung ang pahayag ay hindi wasto.
1. _______ Ang tawag sa mga naglilingkod sa sapilitang paggawa ay polista.
2. _______ Ang polo y servicio ay tumatagal ng 60 araw
3. _______ Upang makaiwas sa sapilitang paggawa, kailangang magbayad ng boleta
4. _______ Ang datu at ang kaniyang pinakamatandang anak ay hindi kasama sa polo y servicio
5. _______ Lahat ng kalalakihang katutubo na may edad 16 hanggang 60 ay kasama sa polo y servicio
6. _______ Ang mga kasama sa polo y servicio ay binabayaran
7. _______ Dahil sa sapilitang paggawa, nakaligtaan ang agrikultura
8. _______ Ang pangunahing dahilan ng child labor ay kahirapan
9. _______ Pinahihintulutan ang child labor basta may permiso ng magulang
10. _______ Bumuti ang buhay ng mga Pilipino dahil sa sapilitang paggawa.
G. Tukuyin at isulat ang wastong sagot.
1. Hinirang bilang Real Patron na may kapangyarihang magtalaga ng mga obispo sa mga kolonya
2. Maikling listahan ng mga taong inirerekomenda ng Papa para sa ilang posisyon sa Simbahan
3. Halaga ng suweldo ng mga misyonero
4. Mahabang panahon ng digmaan sa pagitan ng mga kahariang Kristiyano at mga Muslim Moors para sa control ng
Iberian Peninsula
5. Ilang taon tumagal ang digmaang ito?
6. Hinirang bilang Vice-Real Patron na nagkaroon din ng kapangyarihang panrelihiyon
7. Papa ng simbahan sa Roma na unang naggawad ng Patronato Real
8. Hari ng Spain na humiling na mabigyan ng Patronato Real matapos matalo ang mga Moors sa Granada
9. Pagtitiwalag sa simbahang katoliko
10. Mga Muslim na nakatira sa mga baybayin ng Hilagang Aprika na sumakop sa halos kabuoan ng Iberian Peninsula
H. Isulat ang + kung ang mga sumusunod na pahayag ay gawain ng mga prayle at – kung hindi nila gawain.
1. Magturo ng relihiyon _____
2. Makilahok sa kalakalang galyon _____
3. Maging tagapayo sa mga taong may suliranin _____
4. Mangolekta ng buwis _____
5. Magturo ng mga industriya _____
6. Manggamot ng mga maysakit _____
7. Magsilbi bilang opisyal ng pamahalaan _____
8. Mamahala sa mga encomienda _____
9. Magturo sa mga paaralan _____
10. Maging hukom sa mga nagkasala _____

You might also like