You are on page 1of 2

Gat Andres Bonifacio Elementary School

Ikalawang Lagumang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 5


2nd Quarter
Pangalan ____________________________ Petsa: ___________
Pangkat: ________________________ Skor: __________

I. Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat ang titik ng tamang sagot.


1. Dito naganap ang unang pagmimisyon ng mga misyonerong prayle
a.Bohol b. Maynila c. Cebu d.Leyte
2. Oras ng pagdaral sa hapon.
a.ika-apat b.ika-anim c. ikatlo d.ikalima
3. Tawag sa pinagsama-samang Parokya
A. diocese C. kristiyanisasyon B. orasyon D. paganismo
4.Sila ang mga misyonerong prayleng dumating noong 1565.
a. Dominikano b. Pransiskano c. Heswita d. Augustino
5. . Ang nanguna sa pagpapalaganap ng relihiyong Romano Katoliko sa Pilipinas ay______.
a.pinunong Espanyol b. sundalong Espanyol c. misyonerong Espanyol d.katutubong bininyagan
6. Tawag sa kasiyahan sa isang lugar upang ipagdiwang ang araw ng kaniyang santong patron.
A. diocese B. kristiyanisasyon C. orasyon D.pista
7. Ang mga sumusunod ay mga misyonerong prayleng dumating sa Pilipinas maliban sa ______.
a.Recoletos b. Pransiskano c. babaylan d. Augustino
8. Ang tawag sa yunit ng pananalapi na ginamit ng Espanya na nagsimula noong 1571.
A. dollar B. escudo C. peso D. reales
9. Tumutukoy sa karaniwang ibinabayad sa sapilitang pagbili ng pamahalaan sa ani ng mga magsasaka.
A.bandala B. pera C. promisory note D. tributo
10. Sino ang unang tumanggap ng Kristiyanismo sa Cebu?
a. Raja Tupas b. Pisuncan c.Isabel D. Camotuan
11.Taon kung kailan nagsimula sa pangongolekta ng tributo ang mga Espanyol sa bansa?
A. 1589 B. 1571 C.1851 D. 1868
12. Ito ay paraan ng pagbabayad ng buwis na ipinalit sa tributo noong 1884
A.bandala B. pera C. cedula D. tributo an
13. Tumutukoy sa sapilitang pagbili ng pamahalaan ng ani ng mga magsasaka.
A.bandala B. pera C. cedula D. tributo
14. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagtanggap sa relihiyong Kristiyanismo maliban sa isa.
a. pagpapabinyag b. pagpapakasal sa simbahan c. pagdarasal tuwing orasyon d. pagdalo sa mga kasayahan
15 Karaniwang ibinabayad ng mga espanyol sa mga magsasaka na naging dahilan kung bakit nawalan ng kita at nalugi ang mga
mamamayan. A.bandala B. pera C. promisory note D. tributo
16. Siya ang Gobernador Heneral na nagpatupad ng dalawang paraan ng pagbabayad ng tributo.
a.Gob. Hen. Luiz Perez Dasmariñas b. Gob. Hen. Pedro Bravo de Acuña
c. Gob. Hen. Juan Niño de Tabora D. Gob. Hen. Miguel Lopez de Legaspi
17. Ang mga sumusunod ay nagpapahayag ng paniniwalang Kristiyanismo maliban sa________.
a. paghalik ng kamay sa magulang at nakakatanda b.pagsamba sa kalikasan
c.pagpapakasal sa simbahan d.orasyon
18. Sino ang naging unang obispo ng Maynila?
A. Andres de Urdaneta B. Pedro de Valderrama C. Domingo de Salazar D. Juan de Salcedo
19. Ang tawag sa pagsamba sa maraming diyos at diyosang pinaniniwalang naninirahan sa kalikasan ay _________.
A. Animismo B. Islam C. Katolisismo D. Paganismo
20. Ito ang tulong na salapi mula sa Mexico na dating kolonya ng Espanya.
a. falua b. royal subsidy c. reales d.salapi

B. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI naman kung hindi.
_________21. Ang ekspedisyon na pinamunuan ni Magellan ang nagsimula sa pagtatag ng relihiyong Romano Katoliko sa Pilipinas.
________22 Malaki ang bahaging ginampanan ng simbahan sa pamamahalang mga Espanyol sa Pilipinas.
________23 .Ang mga katutubong espanyol ang nagtatag ng relihiyong Romano katolika sa Pilipinas.
________24 Ang ekspedisyon na pinamunuan ni Legazpi ang nagtatag ng unang pamahalaan ng Espanyol.
________25 Ang tributo o sistema ng pagbubuwis ang una sa patakarang ekonomikong ipinatupad ng mga Espanyol.
_______26.Noong 1600, sa pamamahala ni Gobernador Heneral Pedro Bravo de Acuña,ipinatupad ang dalawang paraan ng
pagbabayad ng tribute
_______27. Ang pagbabayad ng buwis ay simbolo ng pagkilala sa kapangyarihan ng Hari ng Espanya.
______28. . Dumanas ng maginhawang pamumuhay ang mga Pilipino sa ilalim ng sistemang pagbubuwis at
bandala.
______29. Sa panahon naman ni Gobernador Heneral Juan Niño de Tabora (1626-1632), ipinagbawal ang pagbabayad ng salapi.
______30. Noong 1564,sinimulan ang pagkolekta ng tributo na 8 reales

You might also like