You are on page 1of 1

GRADE 5

Si Lino at ang Kanyang Matalik na Kaibigang Si Tomas


Parang magkapatid na sina Lino at Tomas. Sabay silang lumaki at lagi ring nagtutulungan lalong-lalo
na sa mga gawain sa paaralan at pangangailangan. Subalit, isang insidente ang nagbago sa masayahing
si Tomas.
Hindi inakala ni Lino na lubos na naapektuhan ang kaibigan sa nangyari sa mga magulang niya.
Naging abala rin siya sa buhay niya hanggang sa isang araw ay nagising siya sa balita na nagdulot ng
maraming panghihinayang sa kanya.

Noong nagkasakit ang aking tita, at ako lang ang kasama niya sa bahay, iniwan ko
siya sa kanyang kuwarto upang makapagpahinga. Habang siya ay tulog, tahimik akong
naglilinis ng bahay at ibinigay ko rin sa kanya ang kanyang gamot. Nagdala ako ng balde
na may tubig at tuwalya sa kanyang kuwarto upang siya ay punasan.

GRADE 6

Panuto: Pakinggang mabuti ang tekstong babasahin ng guro upang masagot ang katanungan sa
bilang 6.
May kani-kaniyang paraan ang mga magulang sa paghubog at pagpapalaki ng kanilang
mga anak. May mga magulang na mapagpalayaw at sinusunod ang kapritso ng mga anak. May
mga maunawain at inuunawa ang mga problema ng mga anak. Mayroon namang ubod ng higpit
dumisiplina sa mga anak.
Ano ang lagom o buod ng tekstong napakinggan?

BILANG 7
( Note: ang bahaging ito ay hindi kasali sa printing)
Ang pag-aalaga ng manok ay isang libangan na maaaring pagkakitaan. May mga manok
na kinakarne kapag malaki na katulad ng mga nabibili natin sa palengke. Ito ay inaalagaan
lamang sa loob ng apatnapu’t limang araw. Meron din naming mga manok na nagbibigay ng mga
itlog na pwedeng ibenta. Mayroon din naming mga hybrid at gusto lamang alagaan at paramihin
bago ito ibenta. Anumang uri ng manok ito, ang sipag at tyaga pa rin ang kailangan upang ito ay
pagkakitaan.

You might also like