You are on page 1of 31

FILIPINO 6

IKALAWANG MARKAHAN
Modyul 10
Paggamit ng Uri ng Pang-abay (Panlunan, Pamaraan,
Pamanahon) sa Pakikipag-usap sa iba’t ibang Sitwasyon.
(F6L-IIF-j-5)

Inihanda ni:

ROCHELLE E. MATIRA
Teacher III
Teacher III
Magandang Buhay!!!
Tingnan ang larawan. Sabihin ang mga salitang kilos
(pandiwa) na makikita sa larawan.
Magtanungan
Tayo!
Basahin ang usapan.

Isang araw, habang naglalakad ang mag-ama papuntang plasa,

napag-usapan nila ang Nanay Beng na nasa Maynila.
Ted: Tatay, bakit po pumunta ang nanay sa Maynila?
Tatay: Ted, maghahanap ng trabaho ang nanay mo roon.
Ted: Sa panaderya po ba magtatrabaho ang nanay doon?
Tatay: Oo, anak!
Ted: Wow, tiyak kong may pasalubong sa akin ang Nanay.
Boomer, narinig mo iyon? Itay, tingnan mo matangkad na ang
ating alagang asong si Boomer.
Tatay: Halika Ted, dalhin natin ang aso mo sa plasa.
Narinig kong may palatuntunan doon. Manonood tayo.
Ted: Itay, kailan po ba uuwi ang nanay? Araw-araw
kasi akong nasasabik sa makasama siya.
Tatay: Sa susunod na linggo, uuwi na ang nanay mo
anak.
Ted: Talaga ba itay? Sasalubungin ko po ang nanay
nang mahigpit na yakap.
Tatay: Sosorpresahin ko naman siya nang bonggang-
bongga. Halika ka na nga anak. Pupunta na tayo sa
plasa kasama si Boomer.
Sagutin ang mga tanong.Isulat ang sagot sa
metacard.
1. Sino ang pinag-uusapan ng mag-ama?
2. Bakit pumunta sa Maynila ang nanay ni Ted?
3. Saan patungo ang mag-ama?
4. Ilarawan ang mag-ama sa usapang binasa.
5. Paano sasalubungin ng mag-ama si nanay Beng?
6. Pansinin ang pagkakagamit sa pangungusap ng mga
salitang nakaitaliko. Suriiin kung paano ito ginamit at ang
binibigyang-turing nito sa pangungusap.
Ang pang-abay ay bahagi ng
pananalita na nagbibigay-
turing o naglalarawan sa
pandiwa, pang-uri, at kapwa
pang-abay.
1. Pang-abay na Panlunan- uri ng pang-abay na
nagsasaad ng lugar na pinangyarihan ng kilos. Ito
ay maaaring magsabi kung saan ginawa, ginagawa, o
gaganapin ang kilos. Sumasagot ito sa tanong na
saan.
Halimbawa:
Sa panaderya po ba magtatrabaho ang nanay
doon?
Tanong: Saan magtatrabaho ang nanay doon?
Sagot: Sa panaderya magtatrabaho ang nanay.
2. Pang-abay na Pamanahon- uri ng pang-abay na
ay nagsasaad kung kailan nangyari, nangyayari,
mangyayari ang kilos. Ang mga salitang maaaring
gamitin ay araw-araw, tuwing, ngayon, bukas,
kahapon, noon, hanggang, mula at iba pa.
Sumasagot ito sa tanong na kailan.
Halimbawa:
Araw-araw kasi akong nasasabik sa makasama siya.

Tanong: Kailan siya nasasabik makasama siya?

Sagot: Araw-araw siyang nasasabik na
makasama siya.
3. Pang-abay na Pamaraan- uri ng pang-abay na
naglalarawan kung paano ginawa, ginagawa, o gagawin
ang kilos. Ginagamitan ito ng panandang nang, na, at
–ng. Sumasagot ito sa tanong na paano.
Halimbawa:
Sasalubungin ko po ang nanay nang mahigpit na
yakap.
Tanong: Paano niya sasalubungin ang kaniyang
nanay?
Sagot: Sasalubungin niya nang mahigpit na yakap ang
kaniyang nanay.
Panoorin natin ang video tungkol sa pang-abay.
https://m.youtube.com/watch?v=dozRdzpLB08
Mga gabay na tanong habang nanonood ng
video:
1. Ano ang pang-abay?
2. Ano-ano ang mga uri nito?
3. Paano ito matutukoy?
Gawain 1:
Panuto: Tukuyin ang mga salitang may salungguhit. Iguhit
ang kung ang salitang may salungguhit ay pang-abay na
pamaraan, kung pang-abay na panlunan, at kung
pang-abay na pamanahon.
1. Mabagal na sumunod si Mary sa kaniyang kapatid.
2. Nagkita sa simbahan ang magkakaibigan.
3. Si Marie ay umuwi na sa kanilang lugar kahapon.
4. Sa susunod na buwan ay babalik na sa trabaho niya ang
tatay.
5. Pabulong na nag-uusap ang magkakapatid upang hindi
magising ang ina.

Gawain 2:
Panuto: Punan ng tamang pang-abay ang sumusunod na sitwasyon. Tukuyin
kung anong uri ito ng pan-abay. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Tuwing orasyon, umuupo si inay sa harapan ng altar at _________ siyang
nagdarasal.
2. Nanalo sa liga ng basketbol ang pangkat nina Ariel. Nagplano silang
ipagdiwang ito sa _______________.
3. Maaga pa, gumigising na si Lory para samahan ang kaniyang ina na
pumupunta ________________ upang mamili.
4. Mahal na mahal ni Marlon ang anak na si Liza kaya hindi siya nakalilimot
na tuparin ang kaniyang pangako na ipasyal siya tuwing ________.
5. Maagang natulog si Aling Rita. Sinilip siya ng bunso sa kuwarto at
_________ pumasok.

pabulong dahan-dahan magaling

sa resort sa palengke Biyernes
Gawain 2:
Panuto: Punan ng tamang pang-abay ang sumusunod na sitwasyon. Tukuyin
kung anong uri ito ng pan-abay. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Tuwing orasyon, umuupo si inay sa harapan ng altar at pabulong
_________ siyang
nagdarasal.
2. Nanalo sa liga ng basketbol ang pangkat nina Ariel. Nagplano silang
sa resort
ipagdiwang ito sa _______________.
3. Maaga pa, gumigising na si Lory para samahan ang kaniyang ina na
sa palengke upang mamili.
pumupunta ________________
4. Mahal na mahal ni Marlon ang anak na si Liza kaya hindi siya nakalilimot
na tuparin ang kaniyang pangako na ipasyal siya tuwing Biyernes
________.
5. Maagang natulog si Aling Rita. Sinilip siya ng bunso sa kuwarto at
_________ pumasok.
dahan-dahan
A. Ibahagi ang iyong mga natutuhan sa aralin, sagutin ang
sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.
Ang pang-abay ay bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing
o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.
Ang pang-abay ay may mga uri tulad ng:
1. Pang-abay na Panlunan-uri ng pang-abay na nagsasaad
ng lugar na pinangyarihan ng kilos. Ito ay maaaring magsabi
kung saan ginawa, ginagawa, o gaganapin ang kilos.
Sumasagot ito sa tanong na saan.
2. Pang-abay na Pamanahon- uri ng pang-abay na ay
nagsasaad kung kailan nangyari, nangyayari, mangyayari
ang kilos. Ang mga salitang maaaring gamitin ay araw-araw,
tuwing, ngayon, bukas, kahapon, noon, hanggang, mula at
iba pa. Sumasagot ito sa tanong na kailan.
3. Pang-abay na Pamaraan- uri ng pang-abay na
naglalarawan kung paano ginawa, ginagawa, o
gagawin ang kilos. Ginagamitan ito ng panandang
nang, na, at –ng. Sumasagot ito sa tanong na
paano.
B. Tukuyin ang uri ng pang – abay sa bawat salita/parirala.
a. sa tabi ng daan
b. magalang
c. sa susunod na Linggo
d. sabay – sabay
e. sa kabilang kuwarto
f. nagmamadali
g. mamaya
h. sa may silid – aralan
i. bukas ng hapon
j. malungkot
B. Tukuyin ang uri ng pang – abay sa bawat salita/parirala.
a. sa tabi ng daan (panlunan)
b. magalang (pamaraan)
c. sa susunod na Linggo(pamanahon)
d. sabay – sabay(pamaraan)
e. sa kabilang kuwarto(panlunan)
f. nagmamadali(pamaraan)
g. mamaya(pamaraan)
h. sa may silid – aralan(panlunan)
i. bukas ng hapon (pamanahon)
j. malungkot(pamaraan)
Bakit mahalaga ang paggamit ng pang-abay
sa pakikipag-usap sa iba’t-ibang sitwasyon?
Mahalaga ang paggamit ng pang-abay na
pamanahon, panlunan at pamaraan dahil
sumasagot ito sa iba't-ibang kalagayan at
kumokumpleto ng mga kinakailangang
impormasyon tungkol sa panahon at oras, lugar at
pamamaraan ng pagsasagawa ng aksiyon at kilos.
Basahin ang usapan.Tukuyin ang mga salitang may
salungguhit.Isulat sa papel kung ito ay pang-abay na
pamaraan, panlunan, o pamanahon.
Maagang nagising si Aling Tess para maghanda ng mga lulutuin niya
nang pumasok sa kusina ang kaniyang anak na si Heaven.
Heaven: Magandang umaga po Nanay!
Aling Tess: Magandang umaga rin anak. Mamayang hapon ay may
kaunting salo-salo tayo bilang pasasalamat sa pagkapanalo mo.
Heaven: Wow! Salamat po nanay.
Aling Tess: Walang anuman anak. Talagang pinaghandaan namin ng
itay mo ito. Kunin mo muna sa kuwarto ang aking pitaka at may
ipabibili ako sa iyo.
Heaven: Sige po, Nanay.
Aling Tess: Dahan-dahan sa pagpasok sa kuwarto anak,
natutulog pa nang mahimbing ang iyong kapatid.
Heaven: Gabi na po ba dumating ang kuya?
Aling Tess: Oo anak. Nahirapan daw siyang mag-abang ng
sasakyan.
Heaven: A, kaya pala. Heto na po ang iyong pitaka Inay.
Aling Tess: Salamat anak. Heto ang pera. Bumili ka ng isang
kilong asukal sa tindahan ni Aling Merly. Mag-ingat ka sa
pagtawid sa kalye.
Basahin ang usapan.Tukuyin ang mga salitang may
salungguhit.Isulat sa papel kung ito ay pang-abay na
pamaraan, panlunan, o pamanahon.
Maagang nagising si Aling Tess para maghanda ng mga lulutuin niya
nang pumasok sa kusina ang kaniyang anak na si Heaven.
Heaven: Magandang umaga po Nanay! 1. Pamanahon
Aling Tess: Magandang umaga rin anak. Mamayang hapon ay may
kaunting salo-salo tayo bilang pasasalamat sa pagkapanalo mo.
Heaven: Wow! Salamat po nanay.
Aling Tess: Walang anuman anak. Talagang pinaghandaan namin ng
itay mo ito. Kunin mo muna sa kuwarto ang aking pitaka at may
ipabibili ako sa iyo. 2. Panlunan
Heaven: Sige po, Nanay. 3. Pamaraan
Aling Tess: Dahan-dahan sa pagpasok sa kuwarto anak,
4. Pamaraan
natutulog pa nang mahimbing ang iyong kapatid.
5. Pamaraan
Heaven: Gabi na po ba dumating ang kuya?
Aling Tess: Oo anak. Nahirapan daw siyang mag-abang ng
sasakyan.
Heaven: A, kaya pala. Heto na po ang iyong pitaka Inay.
Aling Tess: Salamat anak. Heto ang pera. Bumili ka ng isang
kilong asukal sa tindahan ni Aling Merly. Mag-ingat ka sa
pagtawid sa kalye. 6. Panlunan
TAKDANG-ARALIN:
Panuto: Sumulat ng limang pangungusap tungkol sa
karaniwang naoobserbahan mong kilos na ginagawa
ng mga kasama mo/o ninyo sa bahay. Gumamit ng
pang_x0002_abay na panlunan pamanahon, at
pamaraan sa pangungusap. Bilugan ang pang-abay
na ginamit at tukuyin kung anong uri ito ng pang-
abay.
Halimbawa: Tuwing Linggo nagsisimba kaming
mag-anak. –Pang-abay na Pamanahon anong sa
iyong sagutang papel.
MARAMING
SALAMAT!
INGAT...

BUREAU OF LEARNING DELIVERY - TEACHING AND LEARNING DIVISION

You might also like