You are on page 1of 2

SILANGIT ELEMENTARY SCHOOL

EDUKASYON SA PAGPAPAKATO 6
ASSESSMENT TEST
S.Y. 2020-2021

Pangalan: ________________________________________ Iskor: ________


Direksyon: Basahin ang bawat pangungusap at bilugan ang titik na nagpapakita ng tamang gawin sa bawat sitwasyon.

1. Pinipilit ka na pasamahin manood ng palabas sa bahay ng iyong kaibigan.


A. sasama B. magpapa-alam sa magulang C. mangangako D. sasama kahit na hindi payagan

2. Hindi mo nagawa ang takdang-aralin na ibinigay ng iyong guro sa iyo. Nagsisimula na siyang mag tsek.
A. liliban sa klase B. mangongopya C. magbibing-bingihan kung tatawagin D. kausapin ang guro at sabihin ang dahilan

3. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestiyon bilang kasapi?
A. sisigawan ni Jose si Maria habang nagsasalita B. sinasabihan ng walang mabuting maidudulot ang suhistiyon ni Ana
C. Antaying matapos ang nagsasalita bago magsimula sa inyong sasabihing ideya D. wala akong pakialam

4. Alam mo na napakaingay ng katabi mo habang nagsasalita ng kanyang opinyon ang isa nyo pang kasapi. Lumilikha siya
ng ingay dahil sa ayaw nyang marinig ang sinabi nito. Ano ang maaari mong gawin?
A. gagawin mo din ang kanyang ginagawa B. hahayaan na lamang siya sa kanyang ginagawa
C. Pagsasabihan siya na itigil ang kanyang ginagawa bilang paggalang sa nagsasalita D. lumikha din ng ingay

5. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestiyon bilang isang kasapi maliban sa isa.
A. Maupo ng maayos at makinig ng mabuti sa nagsasalita B. Alamin ang ideyang ibinabahagi ngnagsasalita
c. Antaying matapos ang nagsasalita bago mo sabihin ang iyong ideya o suhestiyon
D. lumikha ng ingay at sirain ang konsentrasyon ng bawat isa sa pakikinig at sabihing walang mabuting maidudulot ang
kanyang suhestiyon

6. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng HINDI paggalang sa ideya o suhestiyon bilang kasapi?
A. Sinisigawan ang isang kasapi dahil sa maling ideya B. Nakikinig sa nagsasalita
C. Magsalita ng mahinahon D. Antaying matapos ang nagsasalita

7. Kung ang lahat ng kasapi ay may paggalang sa ideya o suhestiyon ng bawat isa, ano kaya ang maaring maidulot nito?
A. Magulong usapan B. Hindi natapos ang usapan
C. Magkakaroon ng iisang mabuting desisyon D. May mga di kanais-nais na pagbubulungan matapos ang usapan

Lagyan ng tsek (/) ang mga usali o gawaing nakatutulong upang tumibay ang pagkakaibigan at ekis (X) kung hindi.

_______8. Gusto kong ako lagi ang kasama ng aking kaibigan.

_______9. NAgagalit ako sa kanya kapag hindi sumasama sa lakad ng tropa.

_______10. Nag-uukol ako ng panahon ng damayan at tulungan ang aking kaibigan sa mga pagkakataong kailangan niya
ng karamay.
SILANGIT ELEMENTARY SCHOOL
FILIPINO 6
ASSESSMENT TEST
S.Y. 2020-2021

Pangalan: ________________________________________ Iskor: ________


PAGBABAHAGI NG ISANG PANGYAYARING NASAKSIHAN –MODYUL 1
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na salita upang mabuo ang talata. Isulat ito sa patlang.

Kumakain malulusog

Pinakamasayang pinagmamasdan maingay

Ang Masayang Pangyayari sa Buhay Ko

Ang pagsalubong sa Bagong Taon ang isa sa (1) ______________________ pangyayari sa buhay ko. Sama-sama
kaming magpapamilya at (2) ____________ sa handaang hinain ng bawat isa. Sabay din kami nanonood at nakatingala sa
kalangitan habang (3) _________________ ang magagandang kulay na sumasabog sa itaas. (4) ___________ at masaya
ang buong kapaligiran. PInapanalangin ko sa Poong Maykapal na bigyan niya kami ng (5) ___________ na panganga
tawan araw-araw.

PAGBIBIGAY NG MAARING MANGYARI SA TEKSTO GAMIT ANG DATING KARANASAN/KAALAMAN- MODYUL 2


Panuto: Piliin ang inyong hinuha sa sumusunod na mga sitwasyon. Maglagay ng tsek (/) sa patlang na katapat ng sagot
mo.
6. Nagtatrabaho sa araw at nag-aaral sa gabi si Roy.
_______Magkakasakit siya at titigil na sa pagtatrabaho at pag-aaral.
_______Makatatapos siya ng pag-aaral at makakukuha ng mas magandang trabaho.

7. Inutusan ng nanay si Ben na maghatid ng labada sa bahay ni Gng. Santos. Nagmamadali siyang makabalik sa paglalaro
kaya tumakbo siya habang bitbit ang balutan ng damit.
_______Gusto na ang mga damit nang iabot ni Ben ang mga iyon kay Gng. Santos
_______Madarapa si Ben sa daan at marurumihan ang malinis na damit.

8. Nag brown-out habang tinatapos ni Third yang kanyang proyekto sa TLE na ipapasa na kinabukasan.
_______Hihintayin niyang bumalik ang kuryente para matapos ang kanyang proyekto.
_______Matutulog na siya at idadahilan sa guro ang brown-out kaya hindi niya natapos ang kaniyang proyekto.

9. May piknik ang mag-anak . Malayo na ang natatakbo ng kanilang sasakyan nang maalala ng nana yang dessert nilang
salad na pinalalamig sa ref.
_______Ipipilit ng nanay na bumalik sila para kunin ang salad
_______Imumungkahi ng nanay na bumili na lamang sila ng ibang dessert sa daan.

10. Tuwang-tuwa si Alex dahil binigyan siya ng kaibigan ng isang napakagandang tuta. Subalit mula nang alagaan niya ito,
nagkaroon ng asthma.
_______Pakikiusapan niya ang kanyang kapatid na alagaan ang tuta para sa kanya.
_______iiwan niya sa daan ang tuta kasi iyon ang dahilan ng kanyang asthma.

You might also like