You are on page 1of 6

( SAM’s Answer )

GRADE 5 FILIPINO

PAGYAMANIN

1. Ang nakitang alternatibong transportasyon ng mga tao ngayong panahon ng pandemya ay ang
pagbibisekleta.

2. Pormal na kinikilala ng lokal na pamahalaan ng Silangang Samar ang kauna-unahang naipasa at


naaprubahang Bike Ordinace sa Pilipinas dahil ito ay mabisang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng
COVID-19.

3. Mahalaga ang pagbibisekleta dahil ito ay ang nakitang alternatibong transportasyon ng taumbayan
para malimita ang pampublikong sasakyan sa panahon ng pandemya.

4. Maipapakita ang suporta sa Bike Ordinace ng Silangang Samar sa pamamagitan ng pagsunod ng batas
o ordinansya na ipinapatupad sa lugar na ito. Dapat din na sumunod sa ipinatutupad na mga health
protocols para maiwasan ang pagkalat ng virus.

ISAISIP

1. mayroong pananda upang lubos na maintindihan ang opinyon o reaksyon.

2. hindi makasakit sa iba at maiwasan ang gulo.

3. hindi makasakit sa kapwa at para lubos na magkakaintindihan ang bawat isa at maiwasan ang gulo.

ISAGAWA

1. Ang nabanggit na problema na nakakaalarma sa napakinggang teksto ay tungkol sa droga at ang mga
epekto na dulot nito sa paggamit nang sobra nito.

2. Sa aking palagay, ang dahilan kung bakit naligaw ng landas ang mga bata ay dahil sa kapabayaan at
kulang sa pagmamahal at pag-aaruga ng mga magulang sa kanilang mga anak para maging dahilan na
maligaw sila sa maling landas ng buhay.

3. Para sa akin, masasabi kong hindi pa huli ang lahat dahil marami pang panahon at paraan para
mabago ang buhay ng isang tao. Kapag naligaw sa landas ay huwag sumuko at dapat na lumaban sa
hapon ng buhay upang maging maayos at maganda ang landas ng buhay at huwag kalimutan na may
Diyos na tutulong sa atin.
4. Ang tamang pag-aaruga at pagmamahal ng mga magulang sa kanilang mga anak ay paraan upang
mapahahalagahan ang kapakanan ng mga anak at para hindi maligaw sa maling landas.

TAYAHIN

1. Mahalagang alamin ang pinagmulan ng problema o ng isang balita para mas matiyak ang kasiguruhan
ukol dito at para maiwasan ang fake news. Dapat na suriin ng mabuti ang pinagmulan nito para sa
ikabubuti ng nakakarami.

2. Para sa akin naniniwala akong malaki ang impluwensiya ng mga dayuhan sa ating mga Pilipino dahil
sinakop tayo noon ng mga dayuhan ng napakahabang panahon kaya nakukuha at nagagamit natin ang
ibang mga kaalaman na nakasanayan ng mga dayuhan kaya tayo na impluwensiya nila.

3. Iba’t-ibang pangkat ng tao ang bumubuo sa ating bansa. Ang mga taong ito ay mayroon ding iba’t-
ibang mga paniniwala, kultura at tradisyon. Nag-iiba-iba man ang mga pananaw ay iisa lamang tayo dahil
ang mga Pilipino ay mga taong mapagmahal, matulungin at mahabagin sa Poong Maykapal.

4. Dapat lamang na ipagmalaki ang ating kultura at tradisyon dahil parte ito n gating nakagisnang kultura
at tradisyon. Nararapat lamang na atin itong gamitin sa tama at wasto at dapat din natin itong
ipagmalaki sa buong mundo dahil ito ay napakahalaga sa atin bilang isang mamamayang Pilipino.

KARAGDAGANG GAWAIN

Pangangalaga Sa Kalikasan

Ang mundo ay ibiniyaya sa atin ng panginoon bilang maging tahanan natin, ibinigay sa atin ito
upang alagaan at mahalin. Pero sa haba ng panahon ay unti - unti nang nasisira ang kalikasan dahil sa
ating kapabayaan. Paano nga ba natin mapapangalagaan ang ating kalikasan? Ang mundo ay ang ating
tahanan, ito ay dapat nating pangalagaan, kung atin itong papabayaan ay tayo rin ang mahihirapan,
kaya naman habang may pagkakataon pa ay pagsikapan nating linisin at maisa-ayos ang ating
kayamanang nabaon sa karumihan, sabi nga nila "Ang kalikasan ay karugtong ng ating kalusugan".
Ang Kinatatakutang Sakit

Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong


coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang
sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at
mga may dati nang karamdaman. Nararapat na ating sundin ang mga panunutunan ukol sa pag-iwas at
pagsugpo ng paglaganap sa sakit na ito na ibinahagi sa atin n gating pamahalaan. Para sa aking dapat
lamang nating sumunod sa mga panuntunang ito dahil ito ay makakatulong sa atin na makaiwas sa
nakakahawang sakit.

Tamang Pagtatapon ng Ating Basura

Ang basura ay isa sa mga pangunahing bagay na nakasisira sa ating kalikasan at kapaligiran kung
kaya't nararapat itong masolusyonan. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng disiplina sa tamang
pagtatapon ng basura o kahit sa simpleng paghihiwa-hiwalay ng mga ito ay makatutulong tayo upang
mabawasan ang suliranin ukol sa mga basura.Makakatulong tayo na mapanatili ang kalinisan ng ating
bahay, komunidad o pamayanan sa pamamagitan ng tamang paglagay o paghihiwalay ng mga basurang
naipon sa ating mga tahanan ay isang paraan para makatulong tayo na mapanatili an gating kaayusan at
kalinisan ng pamayanan maging sa ating bahay.

Pangangalaga Sa Kalikasan
Ang mundo ay ibiniyaya sa atin ng panginoon bilang maging tahanan natin, ibinigay sa atin ito
upang alagaan at mahalin. Pero sa haba ng panahon ay unti - unti nang nasisira ang kalikasan dahil sa
ating kapabayaan. Paano nga ba natin mapapangalagaan ang ating kalikasan? Ang mundo ay ang ating
tahanan, ito ay dapat nating pangalagaan, kung atin itong papabayaan ay tayo rin ang mahihirapan,
kaya naman habang may pagkakataon pa ay pagsikapan nating linisin at maisa-ayos ang ating
kayamanang nabaon sa karumihan, sabi nga nila "Ang kalikasan ay karugtong ng ating kalusugan".
Kapaligiran ay Ating Alagaan

Ang Kapaligiran ay likha ng Poong Maykapal para sa bawat nilalalng dito sa mundong ibabaw. Ang
mga bagay na makikita natin sa ating kapaligiran ay nagbibigay saya at buhay. Bilang isang mag-aaral
tungkulin ko na mapangalagaan ang kapaligiran .Maraming paraan para mapangalagaan ang
kapaligiran . Ang ating kapaligiran ay mapangalagan sa pamamagitan ng pagwawalis araw-araw.
Pagtapon ng basura sa tamang basurahan. Mahalagang mapanatiling malinis ang ating kapaligiran dahil
dito nakasalalay ang ating kalusugan. Isa sa pinaka-mahalagang paraan upang maibsan ang klima ay ang
hindi pagsunog ng plastik at hindi paggamit ng nakasasamang bagay sa ating kapaligiran. Madaling
sabihin ang paglilinis pero mahirap itong gawin pero kung iisipin natin na para sa kabutihan nating lahat
ito. Ang mapanatiling malinis ang ating kapaligiran ay isang mahalagang bagay dahil dito natin
masasabing umunlad ang ating lugar. At masasabing ang kalinisan ng ating lugar ay katulad ng kalinisan
ng ating kalooban.

You might also like