You are on page 1of 36

PANANALIKSIK

Umiinog ang daigdig sa ibat iba ng suliraning nakakaharap ng bawat tao sa kanyang lipunan. Nagiging makulay at makabuluhan ang isang bagay sa patuloy na paghahanap ng tao sa mga sagot sa kanyang mga katanungan. At upang matugunan ang ksabikan ng tao sa kaalaman, gumagamit ito ng isang mataas na antas ng pangangalap ng datos, pag-iimbestiga, panunuri, pagbibigay-hinuha na kanyang tinatapos sa pagbibigay ng konklusyon at rekomendasyon.

Ang pananaliksik ay nagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Ang pananaliksik ay isang maingat na pagbababala sa mga taong magtatangkang umalam sa mga kasagutan sa mga tanong na kanyang nakakalap sa araw-araw.

Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.

Nagpakahulugan sa pananaliksik nang ganito, . Isang maingat, kritikal, disiplinadong pagtatanong sa pamamagitan ng ibat ibang pamamaraan. Maingat sapagkat maaaring makatuklas ang isang mananaliksik ng isang solusyon na makakasama o makabubuti sa nakararami.

ANO ANG PANANALIKSIK PARA SA INYO ?

1. Upang makakalap ng mga bagong kaalaman. 2. Upang maging katugunan sa isang suliranin. 3. Upang mapaliwanag ang kamalayan sa mga pangyayari sa kapaligiran. 4. Upang matukoy ang mga makabagong pagkatuto na umiiral sa lipunan. 5. Upang mabatid ang saklaw ng kaalaman ng mga tao sa lipunan.

Magbigay ng tig-iisang halimbawa para sa 5 kahalagahan ng pananaliksik.

1. Ang pananaliksik ay sistematiko. Ang pananaliksik ay umaayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga panuntunan upang makatuklas ng mabisang sagot sa isang suliranin.(Data-Gathering)

2. Ang pananaliksik ay kontrolado. Mahalaga ang katiyakan sa lahat ng datos sa pananaliksik. Kailangang makakaugnay ang mga ito mula sa simula hanggang sa wakas ng papel.(Data-Gathering)

3. Ang pananaliksik ay empirikal.


Sa pananaliksik, mahalaga ang pamamaraang gagamitin at mga baryabol upang maging katanggap-tanggap ang resulta nito. Lahat ng mga datos ay nakatuon sa katotohanan at hindi sa mga opinyon ng mananaliksik.(Data: variables)

4. Ang pananaliksik ay mapanuri. Ang lawak ng isip ng mananaliksik at kanyang mapanuring panghuhusga sa mga datos na kanyang nakalap ay kailangang nasusuring mabuti.(Data-analysis)

5. Ang pananaliksik ay obhektibo, lohikal at walang pagkiling. Ang mga saloobin ng mananaliksik maging ang kanyang opinyon ay kailangan iwasan upang makita ang obhetibong kasagutan sa suliranin.(Data-analysis)

6. Ang pananaliksik ay gumagamit ng kwantiteytib o istatiskal pamamaraan. Ang mga saloobin ng mananaliksik maging ang kanyang opinyon ay kailangan iwasan upang makita ang obhetibong kasagutan sa suliranin.(Statistical treatment of data)

7. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda. Makikita sa pananaliksik ang mga datos na mula sa mga nakalap ng mananaliksik. Ang kakaibang pananaw ng manunulat ang magiging gabay upang makita ang pangunahing pinagmulan ng mga datos.(Dataanalysis)

8. Ang pananaliksik ay kailangan ng tiyaga at hindi minamadali. Ang isang pananaliksik ay hindi madalian. Ito ay nangangailangan ng mahaba-habang panahon upang magkaroon ang mananaliksik ng pagkakataong masuri at makalap ang mga angkop na datos para sa paksang kanyang tinatalakay. (scope and limitation)

8. Ang pananaliksik ay kailangan ng tiyaga at hindi minamadali. Ang isang pananaliksik ay hindi madalian. Ito ay nangangailangan ng mahaba-habang panahon upang magkaroon ang mananaliksik ng pagkakataong masuri at makalap ang mga angkop na datos para sa paksang kanyang tinatalakay. (scope and limitation)

9. Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tapang. Isa sa pinakamalaking sagabal sa pananaliksik ang hindi pagsang-ayon ng lipunan sa resulta ng isang pag-aaral o gagawing pag-aaral. Bunga nito hindi nagiging madali para sa mananaliksik na ipakita ang katotohanan sa kanyang pag-aaral sapagkat walang tulong na makikita mula sa lipunan. (results, findings, conclusion, recommendation)

10. Ang pananaliksik ay isang tiyak na imbestigasyon, obserbasyon at deskripsyon. Mahalaga ang magiging resulta sa bawat pagaaral. Ito ay pagpapatunay na ang ginawang pagaaral ay makatotohanan at hindi gawa-gawa lamang ng mananaliksik. Mahalaga ang konklusyon sa ginawang pag-aaral.(data analysis)

Magbigay ng tig-iisang kongkretong halimbawa ng mga katangian ng mabisang pananaliksik.

MADALAS MAKITA SA HULIHANG BAHAGI NG PAHINA NG ISANG SULATING PAPEL.

KINAPALOOBAN NG MAPAKARAMING KASALANAN. KABILANG ANG PAGNANAKAW NG MGA SALITA, NG IDEYA O DILI KAYAY MGA KONKLUSYON NA NAGMULA SA ISANG MANUNULAT.

Isang kalahatan ng mga nabuong ideyamula sa isang framework na proproblemahin. Apat na bahagi ng konseptong papel: 1. Rasyunal 2. Layunin 3. Metodolohiya 4. Inaasahang resulta

Ipinapahayag sa bahaging ito ang kaligiran o kasaysayan ng ideya kung bakit napili ang paksa na sasaliksikin.

Tutukuyin sa bahaging ito ang layon na nais makamit sa pananaliksik ukol sa napiling paksang sasaliksikin.

Tutukuyin naman dito ang metodo o pamamaraan na gagamitin upang makalap ang mga datos sa pamamagitan ng pagpunta sa laybari, interbyu, questionnaire, internet at iba pa. Ito ang magiging bunga ng pananaliksik. Ipapahayag sa bahaging ito ang konkretong kinalabasan.

Mga Metodo
1. 2. 3. 4. Metodong Eksperimental Metodong Deskriptibo Metodong Historikal Metodong Case Study

SW 2
Humanap ng tig-iisang halimbawa ng pananaliksik na gumagamit ng mga tinalakay na metodo.

Q#3
Gumawa ng sariling konseptong papel.

Bahagi ng Sulating Pananaliksik


1. Panimula
A. B. C. D. E. F. Kaligiran ng Pag-aaral Paglalahad ng Suliranin Kahalagahan ng Pag-aaral Saklaw at Limitasyon Metodolohiya Kahulugan ng mga Terminolohiya

2. Kaugnay na Pag-aaral
A. Panitikan B. Pag-aaral

Bahagi ng Sulating Pananaliksik

3. Pagtalakay
A. Suliranin bilang 1 B. Suliranin bilang 2 C. Suliranin bilang 3

Bahagi ng Sulating Pananaliksik


4. Konklusyon
A. Paglalagom B. Rekomendasyon

5. Mga Sanggunian
Proseso ng Pananaliksik: pagsulat ng pananaliksik
A. B. C. D. E. Pagsulat ng introduksyon Pagsulat ng katawan ng pananaliksik Pagsulat ng konklusyon Pagdodokumentasyon Pagkilala sa pinagkunan ng datos at impormasyon

SW 3

Pumili ng inyong pamagat at isulat ang panimulang bahagi nito.

SW 4

Isagawa ang inyong pangangalap ng datos

Q4

Isulat ang mga kaugnay na panitikan/ literatura at pag-aaral ng inyong napilingpaksa .

SW 5

Isulat ang mga sangguniang inyong ginamit sa pananaliksik

Q5

Isulat ang inyong kongklusyon / rekomendasyon hinggil sa inyong pag-aaral na isinagawa.

PAGSUSULIT

Pagsulat ng sulating pananaliksik. Idedepensa sa ika-17ng Linggo ng pagkikita

You might also like