You are on page 1of 10

MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK

• Ang Suliranin at Kaligiran Nito


• Rebyu ng mga kaugnay na literatura at Pag-aaral
• Metodolohiya
• Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos
• Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
A. Ang Suliranin at Kaligiran Nito
-Nagsisilbing tagapagpakilala ng nilalaman ng pananaliksik.
Mga napapabilang:
• Rasyonale- pagtalaka y sa magiging kabuluhan ng resirts.
• Paglalahad ng Suliranin- inilalahad ang panlahat na pagpapahayag ng suliranin.
• Kahalagahan ng Pananaliksik- tumatalakay kung sino ang makikinabang sa
magiging resulta ng pag-aaral at kung paano sila makikinabang.
• Balangkas Konseptuwal- kailangang naglalaman ng batayan, proses at
kinalalabasan.
• Batayang Teoritikal- naglalaman ng teorya ng pag-aaral o konsepto.
• Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral- tinatalakay problema, instrument, panahon,
sino at bilang ng respondante at gawain ng pagaaral.
• Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita
• Konseptuwal na kahulugan- kahulugang makikita sa mga diksyunaryo
• Operasyonal na kahuluhan- kahulugan ng salita ayon sa pagkakagamit sa
pag-aaral.

ANG PROSESO NG PANANALIKSIK


• Pagpili ng Paksa
“hindi mahirap maghanap ng paksa”
“kinakailangan lang maging mapagmasid”
-Alfonso Santiago

B. Gabay sa Pagpili ng Paksa


1. Tiyaking may interes ka sa paksa.
2. Napapanahon ang paksa.
3. May tiyak na layunin ang pagpili.
4. May sangguniang magagamit bilang basehan.
5. Magbibigay kasagutan sa mga kasalukuyang pangyayari sa mundo.
6. Hindi nangangailangan ng matagal na panahon ng pagsasagawa.

C. Pagpili ng Baryabol
-umiikot ang imbestigasyon, pagsusuri o pag-aaral.

D. Pagkalap ng mga Literatura at Pag-aaral ng Kaugnay na Pananaliksik


- nagbibigay linaw sa kung pagpaanong paraan ang gawain ng mananaliksik.

E. Pagbuo ng Teoritikal at Konseptuwal na Balangkas


• Teoritikal na Balangkas- paglalarawan ng mga dali o bagong teorya na may
kaugnayan sa isinasagawang pag-aaral.
• Konseptuwal na Balangkas- bunga ng kaniyang pagbabasa ng mga kaugnay na
literature at pag-aaral na nakatulong sa kaniya upang makabuo ng kanyang
iskema.
• Balangkas Konseptuwal- karaniwang inilalahad sa pamamagitan ng isang
diyagram o paradigm at lalakipan ng pagtalakay upang mas lalong maunawaan ng
sinomang magbabasa ng pag-aaral.

F. Pagtukoy sa Disenyo ng Pananaliksik


NAKAKAPALOOB:
• Ang mga respondente.
• Ang sampling technique sa pagpili ng mga respondente.
• Instrumento/Kagamitan ng pananaliksik.
• Pamamaraan sa Pagvalidate.
• Estadistikang Pamamaraan.

MODERN LANGUAGE ASSOCIATION


• MLA- gamitin sa mga pananaliksik sa laranga ng humanidades na
kinabibilangan ng wika at panitikan.
• PARENTHETICAL CITATION- “Ang antas at lawak ng ating kamalayan
sa pagbabasa ay salamin ng ating pansarili, panlipunan at
pambangsang pag-uunlad (Canega, 121)
• PAGLALAHAD NG MGA SANGGUNIAN- Pangalan at numerikon nasa
loob ng panaklong ang nagsisilbing gabay upang madali itong
mahanap sa bibliograpiya.
-Canega, Jomar I. Manuwal sa Leksigrapiya.
Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino, 2011.
• APA- gamitin sa mga pananaliksik sa larangan ng siyensiya at
binigyang priyoridad nito ang taon at pahina [na dinadaglat ng p.]
dahil kailangan ng pananaliksik ang batayan o ebidensiya.

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK


• Ang disenyo ng pananaliksik ay ang pangkalahatang estratehiya na
pinipili ng mananaliksik upang pagsama-samahin ang lahat ng bahagi
ng proseso ng pananaliksik sa maayos at lohikal na paraan. Ito ang
nagtitiyak na masasagot ng pananaliksik ang suliranin at matutupad
ang layuning na itinakda nito. Ang bahaging ito ng pananaliksik ay
kadalasang naglalaman ng paraan ng pangongolekta, presentasyon,
at pagsusuri ng datos.
• Ayon sa Business Dictionary (2011), ang disenyo ng pananaliksik ang
detalyadong balangkas kung paano isasagawa ang imbestigasyon.
Kadalasang nilalaman nito kung sa paanong paraan mangagalap ng
datos ang mananaliksik, ano at paano gagamitin ang napiling
instrument at ang mga pamamaraan kung paanong susuriin ang
datos.
• Ayon kay David de Vaus (2011), kung mailalatag ng maayos ng isang
mananaliksik ang sistema at disenyo ng pananaliksik, tiyak na
makakamit nito ang sumusunod:
-Matutukoy nang malinaw ang suliraning ng pananaliksik at
mapangangatuwiranan ang pagkakapili nito;
-Madaling makabubuo ng rebut at sintesis ng mga naunang pag-aaral
na may kinalaman sa paksa at suliranin ng ginagawang pananaliksik;
-Malinaw at tiyak na matutukoy ang mga haypotesis na pinakasentral
sa pag-aaral;
-Epektibong matutukoy at mailalaraawan ang mga datos na kailangan
sa pagsubok ng mga haypotesis at maipaliliwanag kung paanong
makakalap ang mga datos na ito; at
-Mailalarawan ang mga pamamaraan ng pagsusuri na gagamitin
upang alamin kung tama o mali ang haypotesis.

IBA’T IBANG PARAAN AT KATEGORYA NG DISENYO NG PANANALIKSIK


PANGKALAHATANG DISTINKSIYON NG DISENYO NG PANANALIKSIK
• Kuwantitatibo (Quantitative)
Ang kuwantitatibong pananaliksik ay tumutukoy sa sistematiko at
empirical na imbestigasyon ng iba’t ibang oajsa at penomenang panlipunan
sa pamamagitan ng matematikal, estadistikal, at mga teknik na
pamamaraan na gumagamit ng kompyutasyon. Kadalasang sarbey,
eksperimentasyon, at pagsusuring estadistikal. Kapaki-pakinabang ang
mga kuwantitatibong pananaliksik sa mga mananaliksik na nais mag-aral at
mag-imbestiga ng mga malakihan at pangkalahatang padron ng pagkilos at
pag-uugali ng tao.
HALIMBAWA:
Sensus sa populasyon, mga panlipunang indikasyon gaya ng antas ng
kawalang ng trabaho, dami ng paghihirap, o kaya mga impormasyong pang-
ekonomiya gaya ng paraan ng paggastos ng mga mamamayan.
• Kuwalitatibo (Qualitative)
Ang kuwalitatibong pananaliksik ay kinapapalooban ng mga uri ng
pagsisiyat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at
ugnayan ng mga tao at dahilan ng gumagabay rito. Ang disenyong
ito ay pinapatnubayan ng paniniwalang ang pag-uugali ng tao ay
laging nakabatay sa mas malawak na kontekstong pinangyayarihan
nito ang mga panlipunang realidad gaya ng kultura, institusyonm at
ugnayang pantao na hindi maaaring mabilang o masukat.

IBA’TIBANG PARAAN AT KATEGORYA NG DISENYO NG PANANALIKSIK


KLASIPIKASYON NG PANANALIKSIK
• Deskriptibo- Pinag-aaral sa mga palarawang pananaliksik ang
pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan, at kalagayan. Nagbibigay ito ng
tugon sa mga tanong na sino, ano, kailan, saan at paano na may kinalaman
sa paksa ng pag-aatal. Hindi ito makatutugon sa mga tanong na “bakit”
sapagkat naglalarawan lamang ito ng tiyak at kasalukuyang kondisyon ng
pangyayari at hindi ng makalipas o hinaharap.
HALIMBAWA:
-Persepsyon ng mga pag-aaral sa Divorce Bill
-Antas ng paggamit ng apat na core values ng UST ng mga guro sa
pagtuturo
• Disenyong Action Research- Kaiba sa deskriptibong pananaliksik,
inilalarawan at tinatasa ng isang mananaliksik ang isang tiyak na kalagayan,
pamamaraan, modelo, polisiya, at iba pa sa layuning palitan into ng mas
epektibong pamamaraan. Habang isinasagawa ang pananaliksik ay
bumubuo rin ng mga plano at estratehiya ang serye ng ebalwasyon kung
nakakamit o hindi ang ideyal na awtput. Angkop na gamitin ang action
research sa larangan ng edukasyon upang mapabuti ang mga programa o
pamamaraan sa pagtuturo.
HALIMBAWA:
-Tunay nga bang epeko ang modelong Outcome-Based Education (OBE) sa
lalong pagkatuto ng mga mag-aaral ng arkitektura?
-Anong estratehiya sa pagtuturo ang pinakaepektibo sa pagkatuto ng mga
mag-aaral na may suliranin sa pandinig?
3. Historikal- ang historikal na pananaliksik ay gumagamit ng iba’t ibang
pamamaraan ng pangangalap ng datos upang makabuo ng mga kongklusyon
hinggil sa nakaraan. Batay sa mga datos at ebidensiya, pinalalim ang pag-
unawa sa nakaraan, kung paano at bakit nangyari ang mga bagay-bagay, at
ang pinagdaang proseso kung paanong ang nakaraan ang naging
kasalukuyan.
HALIMBAWA:
-Pag-unlad ng General Education Curriculum (GEC) sa kolehiyo
-Pag-unlad ng Wikang Pambansa Pilipinas
4. Pag-aaral sa Isang Kaso/ Karanasan (Case Study)
Ang mga pananaliksik na nasa ganitong disenyo ay naglalayong malalimang
unawain ang isang particular na kaso kaya magbigay ng pangkalahatang
konklusyon sa iba’t ibang paksa ng pag-aaral. Ginagamit ito upang paliitin,
maging mas espisipiko, kaya’y pumili lamang ng isang tiyak na halimbawa
mula sa isang napakalawak na paksa.
HALIMBAWA
-Antropolohikal na Pag-aaral ng Iglesia Watawat ng Lahi ni Prospero Covar
(1978)
-Kaso ng isang doctor na piniling maging caregiver sa Estados Unidos
-KAhirapan sa Pagkatuto ng Ikalawang Wika: Kaso ng Ilang Mag-aaral ng UST na
may Dalawang Pagkamamamayan.
5. Komparatibong Pananaliksik
Ang komparatibong pananaliksik ay naglalayong mahambing ang anumang
konsepto, kultura, bagay, pangyayari, at iba pa. Madalas na gamitin sa mga
cross-national nap ag-aaral ang ganitong uri ng disenyo upang mailatag ang
mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng mga lipunan, kultra, at
institusyon.
HALIMBAWA
-Komparatibong pagsusuri ng mga panitikang pambata ng mga Tagalog at
Bisaya
-Komparatibong pagsusui ng mga editorial cartoon ng Philippine Satr at
Philippine Daily Inquirer sa pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas.
6. Pamaraang Nakabatay sa Pamantayan (Normative Studies)
Madalas na inihahanay sa deskriptibong uri ng pananaliksik ang disenyong
normative naglalayon itong maglarawan ng anumang paksa. Gayunpaman,
naiiba ang disenyong ito sapagkat hindi lamang simpleng deskripsiyon ang
layuning ito, kung nagbibigay-diin sa pagpapabuti o pagpapaunlad ng
populasyon pinag-aralan batay sa mga tanggap na modelo o pamantayan.
Madalas na bahagi ng rekomendasyon ng ganitong pananaliksik ang
proyekto o pagpapalano upang makasapat o makasunog sa hinhinging
batayan ng sinumang kalahok sa pananaliksik.
HALIMBAWA:
• Pagsusuri ng Kakahayan sa Matematika ng mga Mag-aaral ng Magsaysay
High School batay sa itinakdang kompetensi ng DepEd.
• Bumababang Kakayahan ng mga guro sa Ingles sa pagsasalita at pagtuturo
ng wikang Ingles.
7. Etnograpikong Pag-aaral
Ang etnograpiya ay isang uri ng pananaliksik sa agham panlipunan na nag-
iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay, at iba't ibang gawi ng isang
panlipunang konteksto at mga taong naninirahan dito sa pamamagitan ng
pag-unawa sa kanilang mga pagpapahalaga, pangangailangan, wika, kultura
at iba pa.
Nangangailangan ito ng matapat na pag-uulat ng naranasan o naobserbahan
ng isang mananaliksik. Madalis na ginamagamit ng pamamaraan ang
partisipasyong etnograpiko o mas kilala bilang participant observation
(Reich 1998; sa pagbanggit nina Tatel, 2011)
HALIMBAWA:
-Pagpapakahulugan kay Rizal ng Milinaryong Kilusan ng Banahaw
8. Disenyong Eksploratori
Isinasagawa ang disenyong eksploratori kung wala pang ganoong pag-aaral
na naisagawa tungkol sa isang paksa o suliranin. Ang pokus nito ay upang
magkaroon ng mas malawak na kaalaman sa isang paksa na maaaring
magbigay-daan sa mas malawak at komprehensibong pananaliksik.
HALIMBAWA:
-Panimulang Pag-unawa sa Masaker sa Mamasapano Kaugnay ng Usapang
Pangkapayapaan sa Mindanao
METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK
Ang Metodolohiya ay isang sistematikong kalipunan ng mga metodo o
pamamaraan at proses ng imbestigasyon na ginagamit sa pangangalap ng
datos sa isang pananaliksik. Nagmula ito sa mga katagang Latin na
methodus na nangangahulugang larangan sa pag-aaral. Samakatuwid, ang
metodolohiya ay tumutukoy sa isang organisadong larangan ng pag-aaral
ng mga pamamaraan at tuntunin na ginagamit sa pagtuklas ng bagong
kaalaman.
Ang metodo ay tumutukoy sa pamamaraan ng pagtuklas; ang
metodolohiya naman ay kalipunan at pagkakaayos ng mga kaalamang ito.
LIMANG BAHAGI NG NILALAMAN NG METODOLOHIYA
Nahahati sa limang mahahalagang bahagi ang nilalaman ng metodolohiya
ng pananaliksik:
1. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
Ang disenyo ay tumutukoy sa kabuuang balangkas at pagkakaayos ng
pananaliksik. Ang pamamaraan naman ay kung paanong mabibigyang katuparan
ang disento. Narito ang ilang batayang pamamaraan:
• Sarbey
• Pakikipanayam o Interbyu
• Dokumentaryong Pagsusuri
a. Sarbey
Isang modelo na ginagamit upang mangalap ng datos sa sistem atikong
pamamaraan sa isang tiyak na populasyon o sapol ng pananaliksik. Gingamit ang
sarbey sa mga siyentipikong layuning tulaf ng marketing research, sikolohiya,
kalusugan at medisina, at sosyolohiya. Ang tagumpay na ito ay batay sa husay ng
pagpili ng representatib ng populasyon (sampling). Sinusuri ang sarbey sa
pamamagitan ng iba't ibang estadistikal na pamamaraan.
Ang sumusunod ang halimbawa ng mga suliranin sa pananaliksik na maaaring
gamitan ng sarbey
-Ilang bahagdan ng mga Pilipino ang nagtitiwala pa sa pangulo ng Pilipinas?
-Gaano karaming mag-aaral ang nakauunawa sa isyu ng Charter Change?
b. Pakikipanayam o Interbyu
Ito ay pagkuha ng impormasyon sa isang kalahok na may awtoridad o di
kaya ay may personal na pagkaunawa sa paksa ng pananaliksik. Kaiba sa sarbey na
naglalaman ng mga simpleng tanong, naglalayon ang pakikipagpanayam na
kumuha ng malalaim at malawak na impormasyon mula sa taong kakapanayamin.
May tatlong uri ng pakikipanayam: structure interview, semi-structured
interview, o unstructured interview.
LIMANG BAHAGI NG NILALAMAN NG METODOLOHIYA
a. Structure Interview o Nakabalangkas na Pakikipanayam
ito ay uri ng pakikipanayam na kung saan halos eksakto o tiyak ang
pagtatanong gaya ng mga nasa talatanungan na ginagamit sa sarbey. Ang kaibahan
lamang ay pasalita ang pamamaraan nito at binabasa ng mananaliksik ang mga
tanong sa tagasagot.
b. Semi-structured Interview o Pakikipanayam na Bahagyan Nakabalangkas
ito ay isang uri ng pakikipanayam na mas nagbibigay ng kontrol sa
mananaliksik o tagtanong sa magiging daloy na panayam. Ginagamitan lamang ito
ng mga gabay na tanong upang maging maayos at sistematiko ang daloy ng
panayam ngunit hindi istrikto ang pasgsunod nito.
c. Unstructured o Walang Estraktura
ang layunin nito ay upang galugarin ang nararamdaman ng kalahok tungkol
sa paksa ng panayam. Maaari ding maging paksa ng panayam ng kuwentong-
buhay o partikular na karanasan ng kalahok. Kadalasang impormal ang paraang ng
pagtatanong sa ganitong uri ng panayam.
Narito ang ilang paalala sa pagsasagawa ng pakikipanayam:
• Maging maagap sa itinakdang oras ng panayam.
• Ihanda ang gabay sa panayam at iba pang kakailanganing materyales gaya
ng recorder, camcorder, o anumang kasangkapan sa pagtatala.
• Magsagawa ng inisyal na pananaliksik ungkol sa kakapanayamin. Alamin ang
mga batayang impormasyon tungkol sa kanya gaya ng buong pangalan,
propesyon, organisasyon, o institusrong kinabibilangan, a t iba pang
impormasyon na makakatulong sa mananaliksik na munawaan ang kanyang
mga tugon.
• Magsalita ng malinaw kung nagtatanong o nagpapaliwanag at maging
magaling sa bawat kilos o pagsasalita. Maging handa na ipaliwanag ang
tanong o konsepto kung malabo ito sa kinakapanayam.
• Maging simpleng token o sulat ng pasasalamat sa taong kinapanayam, hindi
bilang suhol, kundi pagpapakita ng pagpapahalaga sa oras na inilaan ng
kalahok.
c. Dokumentaryong Pagsusuri
Ang dokumentaryong pagsusuri ay isang paamaraan sa pananaliksik na
ginagamit upang kumapal ng impormasyon na susuporta at magpapatibay sa mga
datos ng apnanaliksik sa pamamagitan ng analitikal na pagbasa sa mga nasusulat
na komunikasyon at mga dokumento upang malutas ang mga suliranin.
Ang iba't ibang uri ng dokumentaryong pagsusuri ay: pagsusuri ng nilalaman
(content analysis), pagsusuring semyotiko (semiotics), pagsususring diskorsal
(discourse analysis), at interpretatibong pagsusure (interpretative analysis.)
2. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik
Sa bahaging ito ng metodolohiya, nakasaad ang mga batayang
impormasyon tungkol sa kalahok sa pananaliksik. Kabilang sa mga ito ay kung sino,
tagasaan, o kaya ay kung sa anong institusyon o organisasyon ang kalahok.
Ibinibigay ang batayang impormasyon gaya ng propesyon, edad, at kasarian
depende sa pangangailangan ng mananaliksik.
3. Kasangkapan sa Paglilikom ng Datos
Sa bahaging ito, ilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong gagamitin
uopang maisagawa ang pamamaraan ng pananaliksik. Nakabatay sa disenyo at
pamamaraan ang instrumento.
4. Paraan sa Paglikom ng Datos
Nilalaman naman ng bahaging ito ang hakbang-hakbang na plano at
proseso sa pagkuha ng datos. Maaaring gumawa ang mananaliksik ng diyagram
upang mapakita ang mga hakbang sa pangangalap ng datos o kaya ay ilahad ang
mga tao.
5. Paraan sa Pagsusuri ng Datos
Kung kuwantitatibo ang pananaliksi, nakapaloob sa bahaging ito ang iba't
ibang estadistikal na pamamaraan para sa kompytasyon at pagsusuri ng datos.
Kung kuwalitatibo naman, madalas na tinutukoy rito kung paanong isasaayos at
buuin ang mga kategorya o maliit na paksa sa magpapaliwanag sa mga datos na
nakalap.
PAGSUSURI NG MGA DATOS
Ang mga pagsusuring nahalaw mula sa pagsukat ng antas ng integrasyon ng
transpormatibong edukasyon na nilalaman at pamamaraan, makabuluhang
ugnayan ng dalawa at antas ng kalubhaan ng suliranin ng mga guro sa
integrasyon ay naging batayan sa pagbuo ng modelong pampagtuturo na
inaasaahan makakatulong sa pagbuo ng programang ekstensyon sa Kagawaran
ng Filipino.

You might also like