You are on page 1of 33

KABANATA IV: PAGLALAHAD, PAGSUSURI, AT

PAGPAPAHALAGA SA DATOS
KABANATA V: PAGLALAHAD NG NATUKLASAN,
KONGKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Luaña, Mary Jane


Luardo, Ruel
Mabolo, John Lenard
1A3
YUNIT XI: KABANATA IV:
PAGLALAHAD, PAGSUSURI, AT PAGPAPAHALAGA SA
DATOS
KABANATA IV:

Sa kabanatang ito, ipinapakita ang pagsusuri at


pag-iintindi ng mga datos na nakalap batay sa
instrumentong ginamit sa pag-aaral. Ang mga datos
ay inilalarawan sa grapikal na pamamaraan.
KABANATA IV:
Narito ang ilang mga paraan na maaaring gamitin
upang mailahad ang mga datos:

• Bar Graph – ito ay ginagamitan ng mga patayo at


pahigang linya. Komon ito sa mga paghahambing o
comparative study. Ang pamagat nito ay nagsasabi
kung tungkol saan ang graph. Matatagpuan naman sa
gawing ilalim ang pinagkunan ng datos.
KABANATA IV:
KABANATA IV:

• Pie Graph – katulad ng bar graph, mayroon itong


pamagat, legends, at source. Dito ay hinahati sa
bawat bahagi ang kabuuan.
KABANATA IV:
KABANATA IV:

• Line Graph – ito ay madalas gamitin upang ipakita


ang pagbaba o pagtaas ng halaga ng mga
pangangailangan sa pagdaan ng panahon. Bawat
balyu ay kinakatawan ng mga tuldok na nagpapakita
ng scale kapag naikonekta.
KABANATA IV:
KABANATA IV:

• Pictograph – ito ay ginagamitan ng mga larawan na


nagrerepresenta sa isang produkto, dito ay madaling
makita ang pagkakaiba.
KABANATA IV:
KABANATA IV:

• Flow Chart – nagpapakita ito ng proseso o mga


hakbang na kailangang isagawa mula umpisa
hanggang huli. Layunin nito na makatipid sa oras o
maging maayos o epesyente ang paggawa ng mga
bagay-bagay.
KABANATA IV:
KABANATA IV:
• Istruktura ng Organisasyon – pinapakita nito ang
istruktura o ang pagkakasunod-sunod ng
katungkulan mula sa pinakamataas hanggang sa
pinakamababa. Madalas natin itong makita sa lobby
ng mga tanggapan upang madali nating matukoy ang
mga taong dapat puntahan sakaling mayroon tayong
sadya sa isang tanggapan.
KABANATA IV:
KABANATA IV:

• Talahanayan – ito ang pinakagamitin sa lahat ng


larangan o disiplina dahil ito ang pinakamadaling
unawain. Makikita dito ang mga tiyak at aktuwal na
impormasyon hinggil sa isinasagawang pananaliksik
na maayos na nakahanay sa mga kolum.
KABANATA IV:
YUNIT XII: KABANATA V:
PAGLALAHAD NG NATUKLASAN, KONGKLUSYON, AT
REKOMENDASYON
KABANATA V:
Sa kabanatang ito, ipinapakita ang
pangkalahatang lagom ng pag-aaral. Lagom ng
natuklasan, kongkulsyon, at rekomendasyon.
Ito ang huling kabanata ng isang saliksik at siyang
pinakamahalaga sapagkat dito matatagpuan ang
lagom ng natuklasan, paglalahat sa pamamagitan ng
kongklusyon at mga rekomendasyon para sa mga
natuklasan.
KABANATA V:
Bahagi ng Kabanata V:
• Lagom ng Natuklasan
• Kongklusyon
• Rekomendasyon
KABANATA V:

LAGOM NG NATUKLASAN
Naglalaman ito ng buod ng mga natuklasang
datos. Sa bahaging ito nakalista (enumerate) lamang
ang mga natuklasan mula sa pananaliksik.
KABANATA V:
Sa pagsulat nito ay nararapat na:
1. Ito ay pagsasama-sama ng mga natuklasan subalit
kinakailangang unang sulatin o isulat ang mga
tiyak na katunayan ayos sa pagkakasunod-sunod
at susundan ng natuklasan.
2. Walang bagong datos ang nararapat na ipakita o
isama sa lagom ng natuklasan at kongklusyon.
KABANATA V:

3. Hindi na kabilang sa bahaging ito ang mga


grapikong pantulong, bagkus, ito ay mga natuklasan
na lamang.
4. Inilalahad ito sa paraang maikli lamang.
Ang unang bahagi ang nagmula sa unang datos. At
ang pangalawang bahagi ay nagmula sa pangalawang
datos.
KABANATA V:
KONGKLUSYON
Ito ay mga makatuwirang sagot o kasagutan
samakatuwid ay di nararapat na gamitan ng
tambilang sapagkat ito ay magbibigay ng limitadong
kinalalabasan ng pag-aaral.
KABANATA V:
Nagpapakita o tumutukoy sa mga tiyak na
natuklasan o natutunan mula sa mga suliraning
inilahad sa pananaliksik.
Maikli subalit nagpapabatid o nagpaparating ng
lahat ng mahahalagang impormasyon hinggil sa
isinagawang pananaliksik.
KABANATA V:
Itinuturing na isa sa pinakamahirap na bahagi ng
pananaliksik.
Dapat na matandaan ng mananaliksik na
karaniwang natatandaan ng mga mambabasa ang
kongklusyon kaya’t higit na kailangang ito ang bahagi
na pinakamalakas sa pananaliksik.
KABANATA V:
REKOMENDASYON
Naglalaman ito ng mga panawagan o pakiusap sa
mga tao o sinumang may pag-aalala o nababalisa
kaugnay ng pag-aaral na isinagawa.
Ang pagsasagawa ng rekomendasyon ay higit na
madaling gawin. Ang tanging dapat na gawin ng
mananaliksik ay hayaan ang kanyang pananaliksik na
masipi.
KABANATA V:
Katangiang dapat taglayin ng Rekomendasyon:
1. May layuning malutas o tumulong sa paglutas sa
natuklasang suliranin.
2. Walang rekomendasyong ibibigay para sa isang
suliraning hindi natuklasan o tinatalakay sa pag-
aaral.
3. Maaaring magkaroon ng mga mungkahi o
rekomendasyon para sa isa pang pananaliksik o
rekomendasyon para sa ikagaganda o
pagsasaayon ng pag-aaral at upang mabigyan ng
katiyakan ang isang patukoy na kapakinabangan.
KABANATA V:
4. Maisagawa (feasible), praktikal, maabot,
makakamtan, at matatamo (attainable).
5. Makatwiran (logical), at may saligan (valid).
6. Ituon sa kinauukulan lamang.
7. Magkaroon ng panibagong pag-aaral ukol sa
kapareho ring paksa subalit sa ibang lugar isagawa.
Kung ang resulta o natuklasan ng pananaliksik at
katulad din ng nauna ay maaari nang magsagawa ng
malawakang pagpapairal o pagpapatupad.
KABANATA V:
Paalala:
Kung ilan ang bilang ng Lagom ng Natuklasan ay
gayundin ang bilang ng Kongklusyon. At ang bilang
ng rekomendasyon ay nakabatay sa bilang ng
Kongklusyon ngunit maaari kayong magdagdag.

You might also like