You are on page 1of 2

Kabanata 4

RESULTA AT DISKUSYON

Sa Relasyon ng Gawain at Aktibidad ng mga Mag-aaral sa Kanilang Oras ng

Pagtulog:

Ang mga katanungan ng mga mananaliksik ay sinagot ng dalawampung (20) tao

na binubuo ng labindalawang (12) babae at walong (8) lalaki. Sa unang tanong, halos

lahat ng mga sumagot ay natutulog sa gabi sa pagitan ng oras ng 10:00 ng gabi

hanggang 3:00 ng madaling araw. Ibig sabihin nito ay wala sa tamang oras ang

kanilang oras ng pagtulog. Sa ikalawang tanong naman, ang oras ng gising ng mga

sumagot ay nasa pagitan ng oras ng 4:00 ng madaling araw hanggang 7:00 ng umaga

na nagpapakita na karamihan sa mga sumagot ay maaga pa din nagigising kapag may

klase. Ayon din sa naging resulta ng mga kasagutan, halos lahat sila ay hindi

nasusunod ang tamang bilang ng oras ng pagtulog lalo pa at ang mga sumagot ay mga

estudyante. Sa pang-apat na katanungan, nasa pagitan ng 3 o higit pa ang dami ng

bilang ng gawain nila sa kanilang mga asignatura na maaaaring sanhi ng hindi nila

pagsunod sa tamang oras ng pagtulog.

Sa Epekto ng Dami ng Gawain sa Oras ng Pagtulog ng mga Mag-aaral:

Labing-pito sa mga respondante ang umaayon na nakaaapekto ang dami ng

gawain sa kanilang oras ng pagtulog. Kapag mas marami ang mga nakaatang na

gawaing pang akademiko, mas kaunti ang nakalaan na oras sa pagtulog. Dahil sa

kagustuhang matapos ang mga gawain, kadalasan ay nagpupuyat o di kaya'y hindi na


sila natutulog para lamang matapos ang kanilang mga gawain. Ang kawalan ng tulog ng

mga mag-aaral ay nagiging sanhi ng kanilang kaantukan pagdating sa klase.

Sa Paggamit ng Konseptong Time Management ng mga Mag-aaral:

Isa sa mga responsibilidad ng isang mag-aaral ay ang pagtatakda ng tamang

bilang oras sa bawat gawain o tinatawag na time managment. Base sa naging resulta

ng isinigawang sarbey, kalahati ng bilang ng mga nagsagot ang nagsabing nagagamit

nila ang konsepto ng time management sa paggawa ng kanilang mga gawain at ang

kalahati nito ang sumagot ng hindi. Tuwing sila ay may libreng oras at walang nakalaan

na importanteng gawain sa oras na iyon, kanila na nilang sisimulan ang mga gawaing

pang-akademiko upang mabawasan ang ilan sa mga ito. Ang iba naman ay nagsabi na

nagtatakda sila ng eksaktong oras sa bawat gawain o tinatawag na schedule na

kanilang susundin upang maging balanse ang kanilang oras sa iba't ibang gawain.

Bilang karagdagan, ilan sa mga respondente ang nagsabing mas inuuna nila ang mga

madadaling gawain at unti-unting susundan ng mas mabibigat na gawain. Sa paraang

ito, mas napapagaan ang gawain ng mga mag-aaral. Hindi rin dapat kalimutan ng isang

mag-aaral na bigyan ng sapat na oras ang kanyang sarili.

You might also like