You are on page 1of 15

Filipino Reviewer

Lesson 13: Paglalahad ng resulta ng pananaliksik

● Maituturing na isa sa pinakamahahalagang bahagi ng pananaliksik ang


paglalahad ng resulta at pagtalakay nito. Ito ang nagpapakita ng
kontribusyon ng mananaliksik sa pag-unlad ng kaalaman sapagkat binibigyan
niya ng panibagong pagsusuri ang mga orihinal na datos na nalikom sa
pananaliksik

Designing Qualitative Research - ang pagsusuri ng datos ay binubuo ng


pagsasaayos at pagsisiyasat ng mga ebidensiya upang patunayan o pasubalian ang
inisyal na mga proposisyon ng pag-aaral. Ito ay proseso ng pagbibigay ng kaayusan
o estruktura sa napakaraming datos na nakolekta sa mga naunang bahagi ng
pananaliksik

Presentasyon ng Datos
● Bago ang presentasyon ng datos, mahalagang gawin muna ang proseso ng
paghahanay at pagsasaayos ng impormasyong nakalap. Pangunahing
hakbang dito ang pagkalap ng mga datos mula sa pinasagutang
talatanungan, transkripsiyon ng panayam o interbyu, o pagsasaayos ng mga
tala sa ginawang obserbasyon
● Magkaiba ang pamamaraan sa presentasyon ng datos para sa kuwantitatibo
at kuwalitatibong uri ng pananaliksik. Sa kuwantitatibong pananaliksik, ang
dalawang pangunahing paraan ng presentasyon ay sa pamamagitan ng
graph, talahanayan, o tsart.

Talahanayan - ay pinakasimpleng paraan ng buod ng mga obserbasyon.


Naglalaman ito ng mga tiyak na datos gaya ng mga bilang, bahagdan(%), at iba
pang maaaring pagmulan ng paghahambing.

Mga graph at tsart - ay biswal na presentasyon ng mga numero o bahagdan na


nagpapakita ng kabuoang padron(pattern), ugnayan, o kalakaran batay sa uri nito.

Bar graph - kadalasang nagpapakita ng mga datos na nasa iba’t ibang kategorya o
kaya ay paghahambing.

Pie graph- ay nagpapakita ng bahagdan o pagkakahati-hati ng bawat bahagI

● Anuman ang mapiling paraan ng presentasyon ng datos ay kinakailangang


maging payak at madaling maunawaan. Upang agad na maunawaan ng
babasa ang talahanayan o graph, kailangang ilagay ang pamagat,
pinagmulan ng datos, angkop na grid, at kung sino ang kalahok na
pinatutungkulan ng datos. Maaari ding maglagay ng maikling tala kung
mahihirapan ang mambabasa na unawain ang dayagram.
● Sa mga kuwalitatibong pananaliksik, mas madalas na gamitin ang hindi
nakabalangkas(unstructured) na paraan ng presentasyon
● Kadalasang umaasa ang mananaliksik sa husay ng paglalahad ng mga
natuklasan. Upang mas sistematiko ang paglalahad ng resulta, inoorganisa
ang pagtalakay sa pamamagitan ng paulit-ulit na mga tema o paksang
lumalabas mula sa datos. Maaaring gumamit ng checklist o anumang
balangkas sa obserbasyon upang mapadali ang paghahanap ng mga temang
ito. Maaari ding bumuo ng iba’t ibang kategorya ng datos ang mananaliksik
upang hindi maging sabog ang pagtalakay.
● Ang mga talahanayan naman na hindi gaanong mahalaga ngunit
makatutulong sa lalong pag-unawa ng pananaliksik ay nilalagay sa apendiks.
Kailangang isaisip ng mananaliksik na walang istandard o istriktong
pamamaraan sa presentasyon ng datos. Mananaliksik ang magpapasya nito
batay sa suliranin at kabuoang disenyo ng pananaliksik.

Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos


● Kapag naiayos na ang mga datos at nakabuo na ng mahahalagang
impormasyon sa pamamagitan ng sistematikong presentasyon, tutuloy na ang
proseso sa interpretasyon ng datos.

Interpretasyon - isang paraan na ang mananaliksik ay umuusad mula sa


deskripsiyon ng pangyayari tungo sa pagpapaliwanag kung bakit ito naging
sitwasyon. Ibig sabihin, kung sa presentasyon ay sinasagot ng mananaliksik ang
tanong na “ano,” mas binibigyang-diin naman niya sa interpretasyon ang tanong na
“bakit.”

● ” Sa bahaging ito, kailangang isaalang-alang ang kabuluhan ng mga


impormasyong natuklasan—potensiyal na mga dahilan na nagbunsod sa
impormasyon at mga posibleng susunod na hakbang o rekomendasyon.
Binibigyan ng kahulugan ang impormasyon, bumubuo ng mga ugnayan at
paghahambing, at tinutukoy ang mga sanhi at posibleng kahihinatnan.
● Iwasan ang mapanlahat na pahayag o sweeping statement na
nagpapahayag nang walang batayan. Mahalaga ang cross-referencing o
pag-uugnay-ugnay ng mga resulta mula sa iba’t ibang bahagi ng pagtalakay

Halimbawang Interpretasyon ng Datos


1. Pagtukoy sa mahahalagang datos sa talahanayan
Hindi kailangang basahin ang lahat ng value o numero na makikita sa
talahanayan. Ilagay lang ang pokus ng mambabasa sa mahahalagang resulta
2. Pagpapaliwanag ng mga posibleng dahilan mula sa lokal na konteksto
ng mga kinalabasan sa talahanayan
Sinagot ng mananaliksik kung ano ang mga posibleng dahilan kung bakit
mababa o mataas ang antas ng integrasyon sa mga tiyak na bahagi ng
pagtuturo ng pananaliksik.
3. Pagsusog o pagpapasubali sa haypotesis batay sa kinalabasan ng
pag-aaral
Ipinaliwanag ng mananaliksik na hindi nag-iiba ang datos na nakuha mula sa
mga naunang pagpapalagay ng pananaliksik.
4. Pag-uugnay ng mga impormasyon sa iba pang bahagi ng resulta at
pagtalakay o cross-referencing
Iniugnay ng mananaliksik ang pagsusuri sa mga impormasyong nakalap sa
ibang bahagi ng pagtalakay ng resulta na lalong nagpatibay sa
interpretasyon.
5. Pag-uugnay ng kinalabasan sa iba pang pag-aaral o literatura
Kaugnay ng datos,tinalakay ng mananaliksik ang mahahalagang konsepto ng
ibang pag-aaral o literatura upang maging gabay kung paanong tatasahin ang
umiiral na praktika. Sa pamamagitan din ng kaugnay na literatura,
nakapagbibigay ng angkop na rekomendasyon ang mananaliksik.
Lesson 14: PAGSINOP NG MGA TALA AT BIBLIYOGRAPIYA
● Ang kabuoan ng pagtalakay sa pananaliksik ay kinapalolooban ng iba’t ibang
pagbanggit sa mga kaugnay na konsepto, teorya, o kinalabasan ng pag-aaral
ng ibang pananaliksik na nagpapatibay sa isinasagawang pag-aaral.
Mahalaga ang masinop na dokumentasyon upang kilalanin ang mga
pinagmulan ng ideya at batis ng impormasyon na ginamit sa buong
pananaliksik.
● Bukod sa paglalatag ng kredibilidad ng pananaliksik, mahalagang ibigay rin
ang karampatang pagkilala sa pinaghiraman ng ideya para sa
argumentasyon.
● Tungkulin ng mananaliksik ang maingat na pagtatala ng lahat ng sangguniang
ginamit at eksaktong materyales na pinagmulan ng mga ito
Dalawang uri ng dokumentasyon sa pananaliksik
Ang una ay Parenthetical o in-text citation o yaong pagkilala sa awtor sa loob ng
papel o mismong pagtalakay

Ang ikalawa naman ay dokumentasyon sa pamamagitan ng talababa (footnote) at


talahuli (endnote)

American Psychological Association (APA)


Ang estilong APA ay kadalasang ginagamit sa mga siyentipikong pananaliksik sa
larangan ng sikolohiya, medisina, agham panlipunan at iba pang teknolohikal na
larangan. (Ex. Gadon, 2014)

- Maikling Sipi
Kung direkta kang sumisipi sa tiyak na gawa ng isang manunulat, kailangan mong
isama sa pagbanggit ang pangalan ng awtor, taon ng publikasyon, at bilang ng
pahina para sa sanggunian. Ipinakikilala ang sipi sa pamamagitan ng isang
panandang diskurso na naglalaman ng apelyido ng awtor na sinusundan ng petsa
ng publikasyon na nasa loob ng saknong. (Ex. Lumbera, 2000, p. 130)

- Mahabang Sipi
Ilagay ang mahabang sipi, na naglalaman ng 40 salita pataas, sa hiwalay na talata
at alisin na ang panipi (quote)

- Buod o Parapreys
Kapag naman nagbubuod o nagpaparapreys mula sa isang tiyak na gawa ng
manunulat, kailangang banggitin ang awtor at taon ng publikasyon sa loob ng teksto.
Hindi rekisito na ilagay pa ang pahinang pinagmulan ng buod o parapreys ngunit
makabubuti kung titiyakin din ang impormasyong ito.

Pagbanggit sa Higit sa Isang Awtor


- Pagbanggit sa dalawang awtor. Ang pangalan ng dalawang awtor ay
kailangang banggitin sa panandang diskurso at maging sa loob ng saknong
tuwing kikilalanin ang kanilang akda. Ginagamit ang “at” sa pagitan ng mga
apelyido ng awtor kung nasa loob ng teksto at ampersand (&) naman kung
nasa loob ng panaklong
- Pagbanggit sa tatlo hanggang limang awtor. Ilista ang pangalan ng lahat ng
awtor sa panandang diskurso sa unang pagkakataon na tukuyin ang
sanggunian. Ginagamit ang “at” sa pagitan ng mga apelyido ng awtor kung
nasa loob ng teksto at ampersand (&) naman kung nasa loob ng panaklong.
- Sa mga susunod pang pagbanggit, tanging ang apelyido na lamang ng unang
awtor na sinusundan ng et al. ang inilalagay sa panandang diskurso o sa loob
ng saknong

Pagbanggit sa Akdang Hindi Tiyak ang Awtor


Kapag ang akda ay walang awtor, banggitin ang sanggunian(reference) sa
pamamagitan ng pamagat ng akda sa panandang diskurso at gamitin ang una
hanggang dalawang salita ng pamagat sa loob ng saknong. Ang pamagat ng aklat
ay may salungguhit habang ang pamagat ng artikulo, kabanata, o web page ay nasa
loob ng panip

Organisasyon Bilang Awtor


Kapag ang awtor ay organisasyon o ahensiya ng gobyerno, banggitin ang pangalan
ng organisasyon sa panandang diskurso at sa loob ng saknong sa unang
pagkakataon.

Pagbanggit sa mga Personal na Komunikasyon


Para sa mga panayam, sulat, e-mail, o iba pang personal na komunikasyon,
banggitin ang pangalan ng nagbigay ng impormasyon at ang petsa ng
komunikasyon. Hindi na kailangang ilagay sa talaan ng sanggunian ang mga
personal na komunikasyon.

Pagbanggit sa Hindi Direktang Sanggunian

Elektronikong Sanggunian

Pagsulat ng Bibliyograpiya
Ang talaan ng sanggunian ay nasa pinakahuling bahagi ng papel-pananaliksik. Dito
makikita ang mga impormasyon na kailangan upang mahanap ang lahat ng
sanggunian na ginamit sa pananaliksik. Lahat ng binanggit na ideya at impormasyon
mula sa ibang sanggunian ay kailangang isama sa talaang ito. Gayundin, lahat ng
sangguniang nakatala sa bahaging ito ay kailangang ginamit lamang sa loob ng
pape

Narito ang mga tiyak na pamantayan at halimbawang pagsulat ng bibliyograpiya sa


iba’t ibang uri ng materyales.
● Aklat
● Aklat na Pinamatnugutan (Edited)
● Isinaling Akda
● Artikulo o Kabanata mula sa Pinamatnugutang Aklat
● Akdang Maraming Tomo (Volume)
● Artikulo sa Journal na may Iba’t Ibang Tomo
● Artikulo mula sa Magasin
● Artikulo mula sa Pahayagan(newspaper)
● Artikulo mula sa Pahayagang Online
Para sa lahat ng sangguniang nakukuha mula sa Internet, mahalagang ilagay
ang tiyak na URL (uniform resource locator) kung saan tiyak na nakuha ang
artikulo.
● Artikulo mula sa Online Journal
● Elektronikong Aklat (e-book)
● Online na Panayam
● Blog

Modern Language Association (MLA)


Kung ang estilong APA sa dokumentasyon ay ginagamit sa mga siyentipikong
pananaliksik sa mga larangan ng medisina at agham panlipunan, ang estilong MLA
(Modern Language Association) naman ay angkop gamitin sa mga pananaliksik na
nakalinya sa disiplina ng panitikan at iba pang malalayang sining at
humanidades(humanities)
● Sa estilong MLA, ang pagbanggit at pagkilala sa akda ng iba ay isinasagawa
sa sariling pananaliksik sa pamamagitan ng parenthetical citation o paggamit
ng panaklong(brackets) kung saan kadalasang nakapaloob ang pangalan ng
awtor at ang pahina ng aklat kung saan sinipi o nakuha ang impormasyon.
Gaya sa APA, anumang pagbanggit na ginawa sa katawan ng pananaliksik ay
kailangang itala sa talaan ng bibliyograpiya na makikita sa hulihan ng
papel-pananaliksik.Works Cited List ang tiyak na terminong gamit ng MLA
para sa bahaging ito.

Estilong Awtor-Pahina sa Pagbanggit sa Loob ng Teksto


Sa estilong MLA, mahalaga ang metodong awtor-pahina sa pagbanggit ng mga
direktang sipi o buod na hinalaw mula sa ibang aklat.

Pagbanggit sa Akda na may Higit sa Isang Awtor


Para sa mga akdang may dalawa hanggang tatlong awtor, maaaring ilista ang mga
apelyido ng awtor sa mismong teksto o sa loob ng saknong.

Pagbanggit ng mga Sanggunian na Hindi Nakalimbag o mula sa Internet

Maramihang Pagbanggit

Pagsulat ng Bibliyograpiya

Narito ang mga tiyak na pamantayan at halimbawang pagsulat ng bibliyograpiya sa


iba’t ibang uri ng materyales.

● Aklat
● Aklat na may Higit Dalawang Awtor
● Isinaling Akda
● Artikulo o Kabanata mula sa Pinamatnugutang Aklat
● Akdang Maraming Tomo (Volume)
Tinutukoy pagkatapos ng pamagat ng aklat ang tiyak na tomo o bahagi ng
akda na ginamit. Introduksiyon, Paunang Salita, at Panapos na Bahagi ng
Aklat
● Artikulo sa Research Journal
● Artikulo mula sa Magasin

Aralin 15: Rebisyon ng Papel-Pananaliksik

● Rebisyon ang pinakahuling proseso sa produksiyon ng


papel-pananaliksik. Kailangang maunawaan ng isang mananaliksik na ang
pananaliksik at pagsulat ay nagpapatuloy na proseso. Sa rebisyon, mulat na
tinatanggap ng isang mananaliksik ang posibilidad na ang isang bahagi ng
papel o buong papel-pananaliksik ay kailangang muling pag-isipan, baguhin,
at isulat. Mahirap kamtin ang ganitong uri ng kaisipan para sa isang
mananaliksik. Madalas na nahihirapan ang isang mananaliksik na tanggapin
na may kahinaan o problema ang kaniyang pananaliksik. Ilan din sa problema
ang kakulangan ng oras o pagkasawa sa paulit-ulit na proseso ng rebisyon at
editing.

May iba’t ibang uri ng rebisyon ayon sa Odegaard Writing and Research Center
(2014):
● Ang malawakang rebisyon ay may kinalaman sa pagtatasa ng kabisaan ng
kabuoang papel. May kinalaman ito sa pagdaragdag ng mas matibay na mga
ebidensiya o kaya’y pagpapatibay ng mga pangangatwiran. Nagiging suliranin
din kung mali ang tinahak ng kabuoang papel- pananaliksik at hindi nasagot
ang mga layunin o suliranin ng pananaliksik. Sa uri ng rebisyong ito, maaaring
magdesisyon ang mananaliksik na muling isulat ang buong papel kung mas
epektibo ang estrukturang naisip.
● Maaaring hindi malawakan ang uri ng rebisyon at mangailangan lamang ng
kaunting pagbabago kung isang bahagi lamang ang makitaan ng suliranin.
Maaaring may kakulangan lamang ito sa introduksiyon o pagpapaliwanag ng
ilang termino. Sa rebisyong ito, muling basahin ang papel upang makita kung
nakakonteksto sa kabuoan ang ginawang pagbabago

Editing - Kadalasang ipinagkakamali ng mga mag-aaral na ang rebisyon ay editing


lamang, ngunit hindi ito iisang proseso sapagkat isang maliit na bahagi lamang ng
rebisyon ang editing. Ang editing ay paghahanap ng maliliit na suliranin sa teksto na
madaling masolusyonan gaya ng pag-aalis o pagdaragdag ng salita o pangungusap,
pag-aalis o paglilipat ng talata, at iba pa

Proofreading - may kinalaman sa mga pagkakamaling gramatikal,


tipograpikal(typo), at pagbabantas(punctuation). Kailangang maging maingat sa
pagbasa ang mananaliksik sa bahaging ito dahil tinitingnan ang baybay at tamang
gamit ng bawat salita.

Narito ang ilang gabay sa mananaliksik sa pagsasagawa ng rebisyon. Gamitin ang


sumusunod na mga tanong upang bigyang ebalwasyon ng mananaliksik ang
borador.
1. Tukuyin ang pangunahing punto ng papel-pananaliksik
2. Tukuyin kung sino ang mga magbabasa ng pananaliksik at kung ano ang mga
layunin nito
3. Tasahin ang iyong mga ebidensiya
4. Panatilihin lamang ang mahahalagang punto ng pananaliksik.
5. Pakinisin ang gamit ng wika sa kabuoan ng papel-pananaliksik
6. Alisin ang mga pagkakamaling gramatikal.
7. Baguhin ang punto de bista mula sa pagiging mananaliksik tungong
mambabasa

● Bukod sa mga nabanggit na gabay, narito ang ilan pang praktikal na


pamamaraan upang mapadali ang rebisyon. Kailangang maglaan ang
mananaliksik ng sapat na panahon sa pagsulat ng papel-pananaliksik bago
ang nakatakdang petsa ng pagpapasa nito. Isagawa ito upang may panahon
pa sa rebisyon ng papel. Makabubuti rin kung matapos ang pananaliksik ay
i-print ito para sa editing at proofreading. Madalas na hindi gaanong nakikita
ang mga pagkakamali kapag sa kompyuter lamang binasa ang manuskrito.
Ang pagbasa nang malakas ay makatutulong din kung nais alisin ang mga
salitang magulo ang kahulugan o hindi akma ang pagkagamit. Sa
pamamagitan nito ay mas dumudulas din ang gamit ng wika. Ipinapanukala
rin ng mga eksperto na “ipahinga” ang manuskrito o patulugin nang ilang araw
bago muling basahin para sa rebisyon
Aralin 16: Presentasyon at Paglathala ng Pananaliksik

● Ang presentasyon at paglalathala ang pinakahuling bahagi ng proseso ng


pananaliksik bagaman hindi na ito bahagi ng mismong produksiyon.
Gayunpaman, kasing halaga ng pagbuo ng pananaliksik ang pagbabahagi
nito sa pamamagitan ng paglalathala o presentasyon. Hindi kompleto ang
proseso ng pananaliksik kung wala ito
● Lagpas pa sa pangako ng popularidad,promosyon sa trabaho,o mataas na
grado ang pagbabahagi ng pananaliksik. Ito ay may dakilang layunin na
pataasin ang antas ng kaalaman at kamalayan ng mga taong pinag-uukulan
ng pananaliksik. Mahalaga ang publikasyon at presentasyon ng pananaliksik
upang ibalik sa mga mamamayan ang sistematikong kaalamang nakuha mula
sa kanila.

Ayon kay Angela Neal-Barnett(2003),na binanggit ni Kathryn Hewlett sa artikulong


“How toPublish Your Journal Paper,” ang susi sa tagumpay ng pagkalathala ng isang
pananaliksik ay dakilang bisyon at layunin kung bakit siya nagsusulat at
nananaliksik. Madalas na gumagabay sa mga mananaliksik ang ideyang “publish or
perish” (maglathala o kaya’y masawi) lalo na sa loob ng akademya, ngunit mas
kailangang tandaan ang sinaunang kasabihan na “without vision, the people will
perish” (kung walang bisyon, masasawi ang sangkatauhan).

Akademikong Publikasyon
Hindi kompleto ang anumang pananaliksik na walang publikasyon. Maaaring ilathala
ang pananaliksik, buod, pinaikling bersiyon, o isang bahagi nito sa pahayagan
o pamahayagang pangkampus, conference proceedings, monograph, aklat, o
sa refereed research journals.

● Gayunpaman, ang pinakatanggap at balidong paraan sa akademikong


publikasyon ay mapasama ang pananaliksik sa isang refereed research
journal sa anumang larangan. Sa pamamagitan nito, opisyal na kinikilala at
tinatanggap bilang bahagi ng kaalaman sa isang tiyak na paksa ng pag-aaral
ang kinalabasan ng pananaliksik. Ito ay dahil sa dumaraan ang refereed
journals sa tinatawag na peer review. Ang peer review ay isang proseso o
serye ng ebalwasyon na pinagdaraanan ng manuskrito o artikulo bago ito
mailimbag sa mga journal. Ginagawa ang ebalwasyon upang salaing maigi
ang mga output sa pananaliksik at maiwasan ang paglilimbag ng mga hindi
kapaki-pakinabang na resulta ng pananaliksik. Ibig sabihin, tanging mga
kapaki-pakinabang at makabuluhang pananaliksik lamang sa iba’t ibang
larangan ang may puwang sa publikasyon.
● Isinasagawa ng mga eksperto ang peer review. Ang mga eksperto ay may
kakayahan sa disiplina (nag-aral at nagtapos ng mga programa o kurso) at
nakapagtatag na ng kredibilidad bilang mga mananaliksik at awtor ng mga
siyentipikong artikulo sa kanilang larangan o disiplina.

● Tinatayang may 80,000 hanggang 100,000 journals sa buong mundo. May


sistema ng citation index ang mga refereed journal sa buong mundo.
● Ilan sa mga pinakakilala at may pinakamalaking bilang ng journal ang
Institute for Scientific Information (ISI) na may tinatayang higit 12,000 na
journals at Scopus na may higit 16,500 journals
● Ang ilan pang kilalang citation index sa buong mundo ay ang Science
Citation Index (SCI), Social Sciences Citation Index (SSCI), at Arts and
Humanities Citation Index (AHCI) (Thomson Reuters, 2015)
● Prestihiyoso ang mga journal na napabibilang sa mga citation indexing na ito
sapagkat pinaniniwalaang masalimuot at mahirap ang pinagdaraanang
proseso ng ebalwasyon ng mga pananaliksik na nailalathala rito.

● Ang istandard na ito ay ginagamit na batayan o sanggunian para sa paggawa


ng mga polisiya at pananaliksik sa iba’t ibang institusyon. Ginagamit din ito
para sa promosyon at ranking ng mga indibidwal na mananaliksik lalo na sa
konteksto ng akademya at karaniwang ginagamit ng pamahalaan sa ranking
ng mga higher education institution (HEI). Madalas din na batayan ng
maunlad na sosyo- ekonomikong istatus ng isang bansa ang dami ng mga
pananaliksik na napabibilang sa international citation-indexed journals. Ibig
sabihin, ang maunlad na siyentipikong pananaliksik ay nangangahulugan ng
isang maunlad na lipunan.
● Malaki ang maitutulong kung magbabasa ng mga back issue o mga
nailathala nang pananaliksik sa target na journal. Kapag natukoy na ang
journal, mahalagang pag-aralan din nang mabuti ang mga pamantayan nito.

● Kapag napag-aralan na ang pamantayan(criteria), maaari mo nang rebisahin


ang papel-pananaliksik batay sa mga kahingian ng journal. Kung paiikliin ang
papel, kailangang tiyakin na lalamanin pa rin nito ang mahahalagang bahagi
ng kinalabasan ng pananaliksik. Tiyakin din ang mahusay na daloy at
pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya. Kapag natapos na ang inisyal na
rebisyon, maaari mo itong ipabasa sa isang kakilala na pamilyar sa paksa o
kaya ay sa mismong guro o tagapayo sa pananaliksik. Pagkatapos ay
rebisahin muli ito batay sa mga komento ng nagbigay ng ebalwasyon. Kapag
narebisa na, maaari mo na itong isumite sa journal.

Presentasyon ng Pananaliksik
● Isa pang paraan ng pagbabahagi ng pananaliksik ang presentasyon nito sa
mga lokal, pambansa, at pandaigdigang kumperensiya. Isa sa mga
mahalagang linangin sa loob at labas ng akademya ang maunlad na
pagpapalitan ng kaalaman sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa mga
talakayan(discussion) sa simposyum, forum, kumperensiya, at iba pa. Sa
pamamagitan nito ay nalilinang ang kagustuhan ng mga miyembro ng
akademya na maghanap ng mas mataas na antas ng kaalaman o pag-iisip.
● Naisasapraktika rin nito ang “pampublikong ispero” (public sphere) na
ideya ni Jürgen Habermas (1989), isang Alemang sosyolohista at pilosopo.
Isinasaad niya na mahalagang likhain ang pampublikong ispero sa loob ng
mga edukasyonal na institusyon upang ipalaganap ang demokratikong
proseso ng pagkonsulta sa mga miyembro ng akademya sa iba’t ibang isyu at
larangan ng kaalaman. Sa pamamagitan nito, nagiging makabuluhan at
napapanahon ang kaalaman ng mga guro at mag-aaral at nadadala ito sa
loob ng silid- aralan. Sa kabuoan, nailulugar din nito ang silbi ng akademya sa
lipunan.

Narito ang ilang hakbang at gabay sa pag-organisa ng isang forum o colloquium sa


pananaliksik.
1. Linawin ang katangian ng forum at kung ano ang mga paksang tatalakayin.
Buoin ito bilang isang colloquium o research forum na ibabahagi ang iba’t
ibang resulta ng mga pananaliksik sa klase. Linawin din ang format o daloy ng
pagtalakay.
2. Hikayatin ang buong klase na magbahagi ng mga pananaliksik na ginawa sa
klase.
3. Hikayatin ang mga mag-aaral, guro, at iba pang bahagi ng akademikong
komunidad na manood at aktibong lumahok sa forum. Mahalagang marami
ang makapakinig sa mga pananaliksik na ibabahagi ng mga mag-aaral. Sa
pamamagitan nito, makalilikha ng akademikong kultura na makahihikayat sa
mga mag-aaral sa senior high school sa mga paaralan.
4. Iplano ang petsa at lugar ng forum. Iplano rin ang tiyak na paghahati ng
programa, ang oras na ilalaan sa bawat bahagi, at pagkakasunod-sunod ng
presentasyon ng pananaliksik batay sa bilang ng mga naipasang abstrak.
Maaaring bigyan ng 15 hanggang 20 minuto ang bawat kalahok na
magbabasa ng papel. Maging tematiko ang pagkakasunod-sunod nito. Kapag
pinal na ang programa, i-lay out ito batay sa tema o layunin ng programa.
5. Itakda kung sino-sino ang magiging moderator at reaktor sa bawat papel na
tatalakayin. Linawin kung ano-anong punto ang dapat na maging pokus ng
reaksiyon sa papel. Bago magsimula ang forum, kailangang talakayin ng
moderator ang paksa at mga tema na aasahang marinig ng mga tagapakinig
sa buong araw.
6. Maglaan ng sapat na oras para sa mga komento,reaksiyon, at tanong na
padadaluyin ngmoderator. Pagdesisyunan din kung ang bukas na talakayan
(open forum) ay pagkatapos ng bawat pagbasa ng papel o pagkatapos ng
isang sesiyon na tumalakay sa halos magkakatulad na paksa.
7. Bumuo ng mga komite para sa mas madulas na pagdaloy ng
aktibidad—programa, imbitasyon ng kalahok at tagapakinig, rehistrasyon,
lohistika, pagkain, at iba pa na tutukuyin batay sa inyong pangangailangan

You might also like