Ikaapat na Markahan- Modyul 2 at 3: Mga Konseptong Kaugnay ng Pananaliksik Kasanayang Pampagkatuto
• nabibigyang-kahulugan ang mga konseptong
kaugnay ng pananaliksik (Halimbawa: balangkas konseptwal, balangkas teoretikal, datos empirikal, atbp.), (F11PT-Ivcd-89). Hakbang sa Pagpili ng Paksa PANUTO: Basahing mabuti ang bawat aytem at tukuyin ang tamang sagot. Letra lamang ang isulat sa iyong sagutang papel. 1. Ito ay isang mahalagang gawaing nakatuon sa pagpapayaman ng kaalaman hinggil sa isang napapanahon at makabuluhang paksa. A. Pagtatanong C. Panayam B. Pananaliksik D. Forum 2. Ang unang hakbang sa pagbuo ng pananaliksik ay ang _________. A. pangangalap ng datos C. pagpili ng paksa B. pangangalap ng pondo D. interes 3. Alin sa sumusunod ang HINDI dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa? A. Interes at kakayahan C. Limitasyon ng panahon B. Kabuluhan ng paksa D. Layunin ng pananaliksik 4. Ayon kay __________, ang pamagat ng pananaliksik ay kailangan maging malinaw at hindi matalinghaga, tuwiran hindi maligoy at tiyak. A. Bernales (2009) C. Atienza (1998) B. Langan (1992) D. Bernal (2009) 5. Mainam kung ang paksang pipiliin ay iyong interes. Mas magiging kasiya-siya ang iyong pananaliksik dahil ito ang paksang nais mo pang matutuhan at matutuklasan. A. Interes at kakayahan C. Kakayahang pinansiyal B. Mga sanggunian D. Kabuluhan ng paksa 6. Ang pananaliksik ay pangangalap ng impormasyon. A. Kabuluhan ng paksa B. Kakailanganing gastusin C. May sapat na impormasyon D. Nakalaang panahon sa pananaliksik 7. Ito ay tumutukoy sa panahong iyong kakailanganin para sa iyong pananaliksik. A. Interes sa paksa B. May sapat na impormasyon C. Kahalagahan at kabuluhan ng paksa D. Haba ng nakalang panahon para isagawa ang pananaliksik 8. Isa sa mahahalagang puntos sa pagpili ng paksa ay ang pag-iisip sa mga praktikal na aspeto nito gaya ng gastusin. A. Kabuluhan ng paksa B. Nakalaang panahon C. Sapat na impormasyon D. Kakailanganing gastusin 9. Sa anyo ng isang papel na _________ , naitatala ang mga natutuklasang kaalaman na inaasahang makapag- aambag sa pagpapaunlad ng isang larangan. A. Konsepto C. Bibliyograpi B. Balangkas D. Pananaliksik 10. Iminungkahi ni Bernales (2009) na ang salitang gagamitin sa pamagat ay_________. A. hindi kukulangin sa 5 at hindi hihigit sa 10 B. hindi kukulangin sa 7 at hindi hihigit sa 12 C. hindi kukulangin sa 13 at hindi hihigit sa 15 D. hindi kukulangin sa 10 at hindi hihigit sa 20 Suriin ang larawan at sagutin ang mga kasunod na tanong. 1. Ano-anong paksa ang maaaring mahinuha mula sa mga larawan?
2. Paano magagamit ang mga ito bilang
paksa sa pananaliksik?
3. Paano masasabi kung ang isang paksa ay
mainam gawan ng pananaliksik? Ayon kay Bernales (2009), ng pamagat ng pananaliksik ay kailangan maging malinaw at hindi matalinghaga, tuwiran hindi maligoy at tiyak, hindi masaklaw. Iminungkahi rin niya na ang mga salitang gagamitin sa pamagat ay hindi kukulangin sa sampu at hindi hihigit sa dalawampu. PAKATANDAAN Pagsulat ng Tentatibong Balangkas
Subukin Natin
1. Ito ay nagsisilbing larawan ng mga
pangunahing ideya at mahahalagang detalye tungkol sa paksa. A. Balangkas C. Pagpili ng Paksa B. Bibliyograpiya D. Sulating Pananaliksik THANK YOU