You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Lanao del Norte
LALA NATIONAL HIGH SCHOOL
Maranding, Lala, Lanao del Norte

Banghay Aralin sa Filipino 11


PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Tagapakitang Turo: Keziah Anne L. Procianos

I. MGA LAYUNIN:

1. Natututunan ang depenisyon ng Basic, Action at Applied na Mga Uri ng


Pananaliksik
2. Natutukoy ang kahalagahan ng bawat uri ng pananaliksik tungo sa
komunidad kung saan ito inilalaan.
3. Nailalahad ng pagkakaiba ng Tatlong Uri ng Pananaliksik.

II. PAKSANG ARALIN: MGA URI NG PANANALIKSIK

A. Sanggunian
Aklat: Pinagyamang Pluma: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, (pp. 125 –
126)
B. Mga Kagamitan
Laptop, projector, chalk at pisara, mga inimprentang kagamitan
C. Estratehiya
Panonood, Pangkatang Gawain, Malayang Talakayan

D. GAWAING PAMPAGKATUTO

a. Panimulang Gawain
Magsimula sa isang panalangin. Pagkatapos i tsek ang atendans.
b. Pagbabalik-aral
Gabay na tanong:

c. Proseso ng Pagkatuto

1. Pagganyak
Ano-anong mga programa sa telebisyon ang nagustuhan
ninyo?
2. Paglalahad
3. Pagtalakay
Pagpapakita ng mga video clips tungkol sa iba’t ibang tao
na gumagamit ng wika.
Mga gabay na tanong:
a. Ano ang masasabi ninyo batay sa ipinakitang videos?
b. Mula sa napanood ninyong videos, maaari ba kayong maglahad ng
mga salita sa iba’t ibang antas ng wika?
c. Maaari ba kayong maglahad ng iba pang mga salita na maiuugnay sa
formal at di-formal na antas ng wika?
4. Paglalapat (Pangkatang gawain)
Ipangkat ang klase sa apat. Bawat pangkat ay bubunot ng isang
antas ng wika. Mula sa kanilang nabunot, gagawa sila ng isang diyalogong
nagpapakita sa mga antas ng wika. Bibigyan lamang ang bawat pangkat
ng sampung minuto para makapaghanda. Pagkatapos ng sampung
minuto tatawagin isa-isa ang pangkat para ipakita ang kanilang naihanda.
5. Paglalahat
Instrumento ng tao ang wika sa pagpapahayag ng kanyang sarili para
makamit ang mithiin at adhikain niya sa buhay. Magkaiba man ang antas
ng wika ang ginagamit ng bawat tao, ang mahalaga naipaparating nila
ang mga impormasyon na gusto nilang maibahagi sa iba.

1. PAGTATAYA
Tukuyin kung anong antas ng wika nabibilang ang mga salitang makikita
sa pisara. Isulat ito sa talahanayan na makikita sa ibaba at gamitin ang mga
salita sa sariling pangungusap. Isulat ito sa kalahating papel.

erpat crayola ilaw ng tahanan papel

nasa’n yosi ilista sa tubig

olats balat-sibuyas bulaklak

Pormal Di-Pormal

2. KARAGDAGANG PAGSASANAY
Magbigay ng isang sanaysay. Mula sa ibinigay na sanaysay bilugan ang
mga salita na nagpapakita ng formal na wika at salungguhit naman para sa di-
formal na wika.

3. TAKDANG-ARALIN
Mag-isip ng isang paksa na gagawan ng maikling kwento. Dapat
naglalaman ito ng antas ng wika na maaaring nasa anyong formal o di-formal.
Salungguhitan ang mga salitang nagpapakita ng antas ng wika. Gawin ito sa
isang buong papel at ipasa sa susunod na pagtatagpo.

Inihanda ni:
KEZIAH ANNE L. PROCIANOS

You might also like