Professional Documents
Culture Documents
Sesyon Guide: 1
I. LAYUNIN
Kaalaman: Natutukoy ang kahulugan at katangian ng wika.
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Wika; Katuturan at Katangian
B. SANGGUNIAN Bernales, R. et al., 2016. Komunikasyon sa Akademikong Filipino.
Malabon City. Mutya Publishing House, Inc.
p.1-7
Pagkalinawan, L. et al., 2004. Filipino I: Komunikasyon sa
Akademikong Filipino. Valenzuela City. Mutya Publishing House.
1
B. PAGLALAHAD Gamit ang concept map, bumuo ng mga salitang may kaugnayan sa
wika.
E. PAGLALAHAT Ano ang wika? Paano ginamit sa makabuluhang paraan ang wika?
2
3. Madali bang matutuhan ang ibang wika?
4. Nagagamit mo ba nang buong husay ang wikang natutuhan
mo sa iyong pagdayo o pangibang lugar?
5. Paano mo maihahambing ang unang wika sa wikang
natutuhan mo sa ibang lugar?
Sesyon: 1
3
PAKSA: Mga Konseptong Pangwika
1. Wika
TUKLASIN
Maglibot ka sa buong paligid at pansinin mo ang mga tao na makikita mo rito. Pagmasdan mo sila
habang nagkakaroon ng kumbersasyon.
Pagkatapos mong malibot at masdan, magkakaroon tayo ng bahagian ng mga bagay na
ating
natuklasan.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
1. Ano ang pinagkakaabalahan ng mga tao? Naririnig mo ba ang kanilang pinag-usapan?
Ano kaya ang kanilang pinag-uusapan? Ano ang nagdurugtong sa kanila?
2. Paano kung walang wika? Kaya mo bang mabuhay na wala ito? Magkakakulay kaya ang
mundo kapag walang wikang sinasalita? Magkakaunawaan at magkakaintidihan kaya tayong
lahat?
Halika ka! Ihanda mo na ang iyong sarili at lakbayin natin ang mundo ng mga wika.
Sa pagkakataong ito, magsimula kang maglakbay at inaasahan ang taos-puso mong pakikiisa sa
bawat gawain.
GAWAIN I
Pangkatang Gawain:
Character portrayal na walang salitaan. Pumili ng mga tauhan at mga eksena sa mga
sumusunod na akda: Ibong Adarna, Florante at Laura, Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Huhulaan ang karakter na ipinakita.
PAGSUSURI I
PAGSUSURI II
Gamit ang concept map, bumuo ka ng mga salitang may kaugnayan sa wika.
4
ALAM MO BA NA…
Ang wika ay instrumento ng komunikasyon. Sa pamamagitan ng wika ay naipapahayag ng tao ang kanyang
kaisipan at saloobin sa ibang tao. Nagagamit niya ito sa iba’t ibang aspekto ng kanyang buhay gaya ng pang-
ekonomiya, pampolitika, pang-edukasyon at panlipunan. Sa ganitong paraan, nalilinang niya ang kanyang sarili at
ang kanyang kapaligiran sa pamamagitan ng wikang ginagamit niya (Pagkalinawan et al., 2002).
Ang salitang Ingles na language ay mula sa Latin na lingua na ang ibig sabihin ay dila. Ang metaporikal na
relasyon ng wika at dila ay umiiral sa maraming wika at patunay ito sa historikal na pagkaprominente ng
sinasalitang wika.
Ayon kay Webster (1974 sa Bernales, 2011), ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga
tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbulo.
Ang wika ay tumutukoy sa kakayahan ng tao na mag-angkin at gumamit ng mga komplikadong sistemang
pangkomunikasyon, o sa ispesipikong pagkakataon ng nasabing komplikadong sistemang pangkomunikasyon.
Bilang isang pangkalahatang konsepto, ang wika ay tumutukoy sa kognitibong pakulti na nagbibigay-kakayahan
sa mga tao upang matuto at gumamit ng mga sistema ng komplikadong komunikasyon (Wikipedia). Bilang isang
ispesipikong linggwistik na sistema na ang kabuuan ay pinangalanan ng tiyak na katawagan tulad ng Ingles,
Pranses, Aleman, Nihonggo, Mandarin, Filipino, at iba pa.
Lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong nakasaayos sa isang tiyak na balangkas. Lahat ng wika ay
nakabatay sa tunog. Ponema ang tawag sa makahulugang tunog ng isang wika samantalang Ponolohiya
naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga ito. Kapag ang mga ponemang ito ay pinagsama,
maaaring makabuo ng maliit na yunit ng salita na tinatawag na morpema. Ang morpemang mabubuo ay
maaaring isang salitang-ugat, panlapi o morpemang ponema katulad ng ponemang /a/ na sa wika natin
ay maaaring magpahiwatig ng kasariang pambabae. Morpolohiya naman ang tawag sa makaagham na
pag-aaral ng mga morpema. Samantala, kapag ang mga salita ay ating pinag-ugnay, maaari naman
tayong makabuo ng mga pangungusap. Sintaksis naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga
pangungusap. Kapag nagkaroon na ng makahulugang palitan ng mga pangungusap ang dalawa o higit
pang tao ay nagkakaroon na ng tinatawag na diskurso.
5
Bawat wika ay may kanya-kanyang set ng mga makahulugang tunog o ponema. Makahulugan ang isang
tunog sa isang wika kapag ito ay nagtataglay ng kahulugan o di kaya’y may kakayahang makapagbabago
ng kahulugan ng isang morpema o salita.
PAGSASANAY
6
Manood Tayo…
Panoorin ang isang balita, talumpati o panayam mula sa youtube at suriin ang wikang ginamit.
Narito ang mga link sa internet na maaaring magamit.
Gabay na Tanong:
1. Ano ang wikang ginamit sa napanood na balita, talumpati o panayam?
2. Mabisa bang nagamit ang wika sa napanood na balita, talumpati o panayam? Pangatuwiranan.
3. Bakit mahalaga ang wika sa larangan ng masmidya o sosyal midya? Ano- anu ang mga
naidudulot nito sa mga tao at sa lipunan?
PAGLALAPAT
Pangkatang Gawain:
Bumunot ng isang katangian ng wika at i-peperform ito sa klase. Maaaring sa pamamagitan ng dula,
talkshow, newscasting at iba pa.
Kriterya:
Kaangkupan sa Paksa . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Pagganap . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Bigkas/Tinig . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Kabuuan 50 puntos
TANDAAN
Ang wika ay instrumento ng komunikasyon. Ito ang tulay na nagdurugtong at nag-uugnay sa ating
lahat. Wika rin ang nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman. Ginagamit ito sa pambansang
kapayapaan tungo kaunlaran. Kaya nararapat lang na gamitin nang tama upang sa gayon ay
maypagkakaintindihan at pagkakaunawaan.
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Tanong-Sagot Porsyon…
7
B. Ibigay ang katangian ng wika sa sumusunod na pahayag.
______1. Walang wika ang superyor sa ibang wika.
______2. Nagbabago ang wika.
______3. Ang panghihiram ay bahagi ng paglinang sa isang wika.
______4. Walang kulturang hindi dala ang wika.
______5. Bawat wika ay may kanya-kanyang set ng mga makahulugang tunog.
TAKDANG ARALIN
Magsagawa ng pakikipanayam hinggil sa mga wika sa Pilipinas. Maaaring
interbyuhin ang isang indibiduwal na nakaranas ng dumayo o mangibang lugar.
Sesyon Guide: 2
8
Kompetensi: 1. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang
sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati at mga panayam.
(F11PN-Ia-86)
2. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong
pangwika.
(F11PT-Ia-85)
I. LAYUNIN
Nakabubuo ng konsepto tungkol sa pambansang wika ng Pilipinas.
Kaalaman:
Saykomotor: Nakapagsasagawa ng debate hinggil sa wikang pambansa.
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Wikang Pambansa
B. SANGGUNIAN Bernales, R. et al. 2016. Komunikasyon sa Akademikong Filipino.
Malabon City. Mutya Publishing House, Inc.
p. 18
Pagkalinawan et al. 2004. Komunikasyon sa Akademikong Filipino.
Mutya Publishing. Valenzuela City
p. 149
Kriterya ng pagdedebate:
Katibayan o ebidensya 30
9
Pagbigkas 10
Pagkilos sa entablado 10
Patatanungan (Tanong-Sagot) 20
Pagtuligsa 30
Kabuuan: 100 puntos
Gabay ng Tanong:
1. Ano ang nais iparating ng talumpati?
2. Anong terminolohiya ang kadalasan ginagamit ng mananalumpati?
3. Mabisa ba ang paggamit ng wikang pambansa sa pagtatalumpati?
E. PAGLALAHAT Ano ang nakasaad sa ating Konstitusyon 1987, Artikulo XIV, Sek. 6?
IV. PAGATATAYA Sagutin ang sumusunod.
1. Ano ang wikang pambansa ng Pilipinas?
2. Paano nagkaroon ng wikang pambansa ang Pilipinas?
3. Mahalaga ba na magkaroon ng wikang pambansa? Magbigay
ng iyong ganting galaw.
Sesyon: 2
2. Wikang Pambansa
TUKLASIN
Bawat bansa ay may sariling wika. At bawat wika ay nagpapakilala ng identidad ng isang
bansa. Walang bansa na di gumagamit ng wika sapagkat ang wika ang nagdurugtong sa ating lahat.
Iba iba man ang wika sa isang bansa, nagkakaunawaan pa rin dahil sa iisang wika.
10
MOTIBISYUNAL NA TANONG
GAWAIN I
Manood Tayo…
Panoorin ang isang panayam sa isang Waray
sa https://www.youtube.com/watch?v=6ujFFEHH_RU na inilathala noong Oct 22, 2012
PAGSUSURI I
PAGSUSURI II
Concept map. Sa pamamagitan ng concept map isa-isahin ang mga wikang nauugnay sa wikang
pambansa.
ALAM MO BA NA…
Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas at mahaba ang kasaysayan ng pag-unlad nito.
Ayon sa Merriam-Webster Dictionary, ang wikang pambansa ay tumutukoy sa isang wikang ginagamit
nang pasalita at pasulat ng mga mamamayan ng isang bansa. Ito ang nag-iisang wikang ginagamit batay sa
kultura ng lipunan. Nagiging batayan din ito ng identidad o pagkakakilanlan ng grupo ng taong gumagamit
nito.
Sa Pilipinas, Filipino ang de jure at de facto na pambansang wika ng bansa. De jure sapagkat legal at
naaayon sa batas na Filipino ang pambansang wika. Tinitiyak ng ating konstitusyon ang pagkakaroon at
11
pagpapaunlad ng isang pambansang wika. Matatagpuan sa Artikulo XIV, Seksyon 6-9 ng Konstitusyong
1987 ang mga tiyak na probisyong kaugnay ng wika. Ayon dito:
Seksyon 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.
Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat
magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng
Filipino bilang daluyan ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.
Filipino ang de factong pambansang wika sapagkat aktuwal na itong ginagamit at tinatanggap ng
mayorya ng mamamayang Pilipino. Ayon sa Philippine Census noong 2000, 65 milyong Pilipino o 85% ng
kabuuang populasyon ng Pilipinas na ang nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino.
PAGSASANAY
Magsagawa ng isang pagtatalo o debate hinggil sa wikang pambansa. Narito ang mga pagpipiliang
paksa:
Kriterya ng pagdedebate:
Katibayan o ebidensya . . . . . . . . . . . . . . . . . . 30
Pagbigkas . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Pagkilos sa entablado . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Pagtatanungan (Tanong-Sagot) . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Pagtuligsa . . . . . . . . . . . . . . . . . . 30
Kabuuan: 100 puntos
PAGLALAPAT
CAPRISA Talumpati 2013 Eunice 1st place from St. Jerome Integrated School of Cabuyao
https://www.youtube.com/watch?v=js4nhJZurIk
Published on Sep 19, 2013
Gabay ng Tanong:
12
3. Mabisa ba ang paggamit ng wikang pambansa sa pagtatalumpati?
4. Masasabi bang intelektuwalisadong wika ang Wikang Filipino? Pangatuwiranan.
TANDAAN
Ayon sa Artikulo XIV, Sek. 6 ng Konstitusyong 1987, Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas.
Ginagamit ito sa ating pang-araw-araw na pakikipagkomunikasyon sa kapwa,
pasalita man o pasulat. Ito ang wikang ginagamit upang tayo’y ganap na
magkaunawaan at magkaintindihan kahit iba iba man ang wikang ating sinasalita.
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Tanong-Sagot Porsyon…
Sagutin mo...
1. Ano ang wikang pambansa ng Pilipinas?
2. Paano nagkaroon ng wikang pambansa ang Pilipinas?
3. Mahalaga ba na magkaroon ng wikang pambansa? Magbigay ng iyong ganting galaw.
TAKDANG ARALIN
Gawin mo to…
Sesyon Guide: 3
13
(F11PN-Ia-86)
2. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong
pangwika.
(F11PT-Ia-85)
I. LAYUNIN
Kaalaman: Natutukoy ang konsepto ng wikang panturo.
14
3. Ano ang tinatawag na Mother Tongue-Based Multilingual
Education (MTB MLE)?
Sesyon: 3
3. Wikang Panturo
TUKLASIN
Ang wika ay kaagapay sa pagtuturo at pagkatuto. Nakasalalay sa wikang ginamit ang makabuluhang
pagkatuto ng mga estudyante. Kaya nararapat lang na alam pareho ng
estudyante at guro ang wikang gagamitin upang maging makabuluhan ang kalalabasan nito.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
15
GAWAIN I
Manood tayo…
Panoorin ang video clip na ito na Teaching Demonstration of Filipino in the K to 12 Curriculum sa
https://www.youtube.com/watch?v=0fxZG11zTrU na inilathala noong May 1, 2014.
PAGSUSURI
ALAM MO BA NA…
Nakabatay sa pangkalahatang polisiya sa wika at programa sa edukasyon ng isang bansa, ang wikang
panturo. Ito ang wikang ginagamit na midyum o daluyan ng pagtuturo at pagkatuto sa sistema ng
edukasyon. Wikang panturo ang wikang ginagamit ng guro upang magturo sa mga mag-aaral. Sa
pamamagitan ng wikang panturo, nauunawaan ng mga mag-aaral ang iba’t ibang konsepto, teorya,
pangkalahatang nilalaman at mga kasanayan sa isang tiyak na asignatura o larangan. Inaasahan din na sa
kalaunan ng pag-aaral ay nagiging bihasa ang mag-aaral sa wikang panturo na ginagamit sa paaralan at
maging siya ay epektibong magagamit ito sa pagkakamit nang lalong mataas na kaalam.
Madalas na nagiging sentro ng usapin ang wikang panturo sa mga polisiyang pangwika sa edukasyon.
Pangunahing konsiderasyon ng wika bilang daluyan ng kaalaman kaya’t masasabing nagtatakda rin ng
tagumpay ng pagkakamit ng layunin ng anumang sistema ng edukasyon. Tinutukoy ng United Nations
Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) noong 2003 na isa sa pangunahing porma ng
eksklusyon sa edukasyon ang suliranin sa wika. Ayon sa pag-aaral, mahigit kalahati ng mga mag-aaral sa
buong mundo ay gumagamit ng wika sa edukasyon na hindi kinasanayang gamitin sa kani-kanilang tahanan
kung kaya’t nagiging sagabal ito sa proseso ng pagkatuto.
Sa Pilipinas, ipinatupad ang Bilingual Education Policy (BEP) noong 1987 bilang pagtupad sa
mandato ng Konstitusyong 1987. Pangunahing nilalaman ng polisiyang pangwikang ito ang paggamit ng
Filipino at Ingles bilang mga wikang panturo. Ipinatupad naman ang Mother Tongue-Based Multilingual
Education (MTB MLE) noong 2009 na nagbibigay-diin sa paggamit ng mga katutubong wika bilang unang
wika ng mga mag-aaral na wikang panturo sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
PAGSASANAY
Magbasa Tayo…
PAGLALAPAT
Manood Tayo…
16
Panoorin ang video clip na ito na Lesson Exemplar sa Filipino III
sa https://www.youtube.com/watch?v=rwnhwNbW_lI na inilathala noong Oct 1, 2013.
Gabay na tanong:
1. Ano ang wikang ginamit sa pagtuturo?
2. Itala ang mga terminolohiyang ginamit sa pinanood.
3. Maayos at malinaw ba ang paggamit ng wika?
4. Makabuluhan ba ang pagkatuto ng mga estudyante?
TANDAAN
Sa pamamagitan ng wikang panturo, nauunawaan ng mga mag-aaral ang iba’t ibang konsepto,
teorya, pangkalahatang nilalaman at mga kasanayan sa isang tiyak na asignatura o larangan.
Magiging makahulugan at makabuluhan ang pagkatuto ng isang estudyante kung naiintindihan at
nauunawaan niya ang mga leksyon gamit ang wikang alam niya. Sa kasalukuyan, bukod sa Ingles at
Filipino, mayroon na tayong tinatawag na MTB-MLE kung saan katutubong wika na ang ginagamit
sa pagtuturo.
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Tanong-Sagot Porsyon…
17
Sesyon Guide: 4
18
I. LAYUNIN Nabibigyan-diin na ang Filipino at Ingles ang mga wikang opisyal ng
Kaalaman: Pilipinas.
Gabay na Tanong:
1. Ano ang pinag-usapan sa balita, panayam at advertisement.
2. Ano ang wikang ginamit sa pagbabalita, pakikipanayam,
advertisment?
3. Maayos at malinaw ba ang paggamit ng wika?
4. Magbigay ng iyong reaksyon tungkol dito.
19
V. TAKDANG-ARALIN Isaliksik at pag-aralan ang mga sumusunod na paksa:
1. Bilinggwalismo
2. Code-switching o Palit-koda
3. Mga blog sa internet na ginagamitan ng dalawang wika
Sesyon: 4
Wikang Opisyal
TUKLASIN
Maglibot ka ulit sa buong kampus at magmasid sa mga silid-aralan kung saan kasalukuyang
nagkakaroon ng klase. Itala mo ang iyong naobserbahan-asignatura at ang wikang ginamit sa
pagtuturo at pagkatuto.
Pagkatapos mong mag-obserba, magkakaroon tayo ng bahagian ng mga bagay na ating
natuklasan.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
20
GAWAIN I
Magbasa Tayo…
21
22
B. Magbasa pa ng ibang mga memoramdum na ginagamitan ng mga wikang opisyal ng Pilipinas (Filipino at
Ingles).
PAGSUSURI
23
ALAM MO BA NA…
Ang wikang opisyal ay ang wikang itinadhana ng batas bilang wikang gagamitin/ginagamit sa mga
opisyal na komunikasyon ng gobyerno. Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa mga opisyal na dokumento
na may kinalaman sa korte, lehislatura at pangkalahatang pamamahala sa gobyerno, maging sa sistema ng
edukasyon. Usapin ng pagsasakapangyarihan ng isang tiyak na wika at grupo ng mga taong gumagamit nito
ang pagkapili rito bilang opisyal na wika sapagkat may kaakibat itong pribelehiyo at adbentahe.
Sa Pilipinas, itinatakda sa Konstitusyong 1987 ang Filipino at Ingles bilang mga opisyal na wika ng
bansa. Narito ang mga tiyak na probisyong pangwika sa Artikulo XIV ng Konstitusyon.
Sekyon 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at hangga’t walang itinadhana ang batas, Ingles.
Sekyon 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles; at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
PAGSASANAY
Manood Tayo…
Panoorin ang isang panayam ni Atty. Sixto Brillantes, propesor ni Duterte sa law sa
https://www.youtube.com/watch?v=4ZSsfy1-R6s na inilathala noong June 29, 2016.
Gabay na Tanong:
1. Tungkol saan ang panayam na napanood?
2. Ano ang wikang ginamit sa panayam?
3. Epektibo bang nagagamit ang mga wikang opisyal? Filipino at Ingles?
4. Magbigay ng iyong kaisipan sa napanood na panayam.
PAGLALAPAT
Pangkatang Gawain: Pumili ng isang wikang opisyal at lumikha ng isa sa mga sumusunod: Pagbabalita,
pakikipanayam at advertisment.
Kriterya:
Konsepto . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Pagganap . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Bigkas/Tinig . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Kabuuan: 50 puntos
Gabay na Tanong:
1. Ano ang pinag-usapan sa balita, panayam at advertisment.
2. Ano ang wikang ginamit sa pagbabalita, pakikipanayam, advertisment?
3. Maayos at malinaw ba ang paggamit ng wika?
4. Magbigay ng iyong reaksyon tungkol dito.
TANDAAN
Filipino at Ingles ang mga wikang opisyal ng Pilipinas (Artikulo XIV Sek. 7 ng 1987 Konstitusyon)
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
24
Tanong-Sagot Porsyon…
TAKDANG ARALIN
Isaliksik at i-print ang mga sumusunod na paksa. Pagkatapos ay pag-aralan ang mga ito.
Huwag kaligtaang ilakip ang mga pinaghanguan.
1. Bilinggwalismo
2. Code-switching o Palit-koda
3. Mga blog sa internet na ginagamitan ng dalawang wika
Sesyon Guide: 5
25
Asignatura: Komunikasyon at Baitang: 11
Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino
Petsa: Sesyon: 5
Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan at
gamit ng wika sa lipunang Pilipino.
I. LAYUNIN
Kaalaman: Naipapaliwanag ang konsepto ng bilinggwalismo.
Saykomotor: Nakagagawa ng isang pagsusuri hinggil sa konseptong
bilinggwalismo.
Bigkas/Tinig . . . . . . . . . . . 15
Kabuuan: 50 puntos
26
mga sumusunod na tanong.
1. Ano-ano ang mga terminolohiyang binigyang pansin ng may-akda
ng blog?
2. Maayos ba ang pagkakagamit ng wika sa mga binasang blog?
Pangatuwiranan.
3. Angkop ba ang impormasyong ibinibigay sa bawat blog?
4. Kung nangangatuwiran o naglalatag ng argumento, tingin mo ba
lohikal at makatuwiran ang ipinapahayag?
5. Sa kabuuan, makatutulong ba ang mga blog sa pagpapalaganap ng
tamang kaalaman sa wika o hindi? Ipaliwanag.
Halimbawa:
Cebuano Filipino Ingles
Sesyon: 5
5. Bilinggwalismo
TUKLASIN
27
Manghingi ka ng pahintulot sa iyong punong guro na magmamasid ka ng isa o dalawang klase sa iyong
paaralan. Pansinin ang mga talakayang pangklasrum. Ang bawat guro ay may kaniya-kaniyang wikang ginamit sa
pagtuturo, maaaring Filipino at Ingles.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
GAWAIN I
Manood Tayo…
Panoorin ang isang segment na ito sa teleseryeng FPJ's Ang Probinsyano: Onyok's First Day at
School sa https://www.youtube.com/watch?v=N6niHvGPZH4 na inilathala noong Nov 20, 2015.
PAGSUSURI
ALAM MO BA NA…
28
Pangunahing layunin ng BEP na makamit ang kahusayan ng mga mag-aaral sa dalawang wika sa
pambansang antas sa pamamagitan ng pagtuturo ng dalawang wika at sa pamamagitan ng pagiging wikang
panturo nito sa lahat ng antas. Sa kabuuan, nais nitong:
1. Mapataas ang pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang wika,
2. Maipalaganap ang wikang Filipino bilang wika ng literasi,
3. Mapaunlad ang Filipino bilang simbolo ng pambansang identidad at
pagkakaisa,
4. Malinang ang elaborasyon at intelektuwalisasyon ng Filipino bilang wika ng
akademikong diskurso, at
5. Mapanatili ang Ingles bilang internasyonal na wika para sa Pilipinas at
bilang wika ng syensya at teknolohiya.
PAGSASANAY
Pangkatang Gawain
Kriterya:
Kaangkupan sa Paksa . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Pagganap . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Bigkas/Tinig . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Kabuuan: 50 puntos
PAGLALAPAT
Basahin ang mga blog na sinaliksik. Sa anong bahagi ito? Assignment ba ito sa anumang leksiyon.
Pagkatapos ay suriin gamit ang mga sumusunod na tanong.
1. Anu-ano ang mga terminolohiyang binigyang pansin ng may-akda ng blog?
2. Maayos ba ang pagkakagamit ng wika sa mga binasang blog? Pangatuwiranan.
3. Angkop ba ang impormasyong ibinibigay sa bawat blog?
4. Kung nangangatuwiran o naglalatag ng argumento, tingin mo ba lohikal at makatuwiran ang
ipinapahayag?
5. Sa kabuuan, makatutulong ba ang mga blog sa pagpapalaganap ng tamang kaalaman sa
wika o hindi? Ipaliwanag.
TANDAAN
Tanong-Sagot Porsyon…
29
TAKDANG ARALIN
Halimbawa:
Cebuano Filipino Ingles
gugma nabubuhay unity
Sesyon Guide: 6
30
sitwasyong pang komunikasyon sa telebisyon (Halimbawa: Tonight
with Arnold Clavio, State of the Nation, Mareng Winnie, Word of the
Lourd (http://lourddeveyra.blogspot.com)
(F11PD-Ib-86)
2. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman,
pananaw, at mga karanasan
(F11PS-Ib-86)
31
IV. PAGATATAYA 1. Ano ang multilinggwalismo?
2. Nakatutulong ba ang multilinggwalismo sa mabilis na
komunikasyon?
3. Katanggap-tanggap ba ang multilinggwalismo sa talakayang
pangklasrum? Magbigay ng iyong ganting galaw.
Sesyon: 6
6. Multilinggwalismo
TUKLASIN
MOTIBISYUNAL NA TANONG
32
GAWAIN I
Pumili ng kapareha:
Mag-isip ng isang sitwasyon sa paligid na maaaring nangyari sa totoong buhay at gumawa ng isang dayalog na
ginagamitan ng iba’t ibang wika.
PAGSUSURI
ALAM MO BA NA…
PAGSASANAY
Magbasa Tayo…
33
Basahin ang isa pang babasahin o textong ginagamitan ng higit sa dalawang wika. I-organisa ang
mga salitang ginamit gamit ang talahanayan sa ibaba.
Halimbawa:
PAGLALAPAT
Kriterya:
Kaisahan …………. 10
Kohirens at …………. 10
Empasis …………. 10
Kabuuan 30 puntos
TANDAAN
Multilinggwalismo ang tawag sa kakayahan ng isang tao sa pagsasalita at pag-unawa ng iba’t ibang
wika.
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Tanong-Sagot Porsyon…
TAKDANG ARALIN
34
Sesyon Guide: 7
35
I. LAYUNIN
Kaalaman: Naipaliliwanag ang mga barayti at rehistro ng wika.
Pangkatang Gawain:
Sumulat ka ng isang skript tungkol sa isang sitwasyon. Isaalang-alang
ang mga barayti at rehistro ng wika.
Kriterya:
Nilalaman . . . . . . . . . . . 30
Pagkakaorganisa ng nilalaman . . . . . . . . . . . 10
Kaangkupan sa paksa . . . . . . . . . . . 10
Kabuuan: 50 puntos
D. PAGLALAPAT Ipasuri ang mga ginawang iskript sa kaklase at tukuyin ang mga barayti
ng wika sa pamamagitan ng pag-organisa nito gamit ang talahanayan.
Halimbawa:
Dayalek Sosyolek Jargon Creole
Kadyot lang Shudi ka mag- Pamamahala Suki, ikaw
tell sa akin at bili tinda
niyan dai. Pagsasabatas mura.
36
justice
rights
power
preamble
jurisdiction
Larangan Termino
a. pamamahayag
b. komersyo
c. edukasyon
37
Sesyon: 7
7. Register/Barayti ng Wika
TUKLASIN
May iba’t ibang uri ng wika kaya sinasabing may register/varayti ng wika. Nagkakaroon ng iba’t
ibang uri dahil may pagkakaiba sa mga aytem na pangwika lalung-lalo na iba’t ibang
propesyon o larangan.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
GAWAIN I
38
Pangkatang Gawain
Mag-isip ng mga sitwasyon o usapan ng mga grupo ng tao maaaring mga preso, kalalakihan,
kababaihan, kabataan, bakla at iba pa. Pagkatapos ay isadula sa klase. Gawing maikli ang pagsasadula.
PAGSUSURI
Gabay na Tanong:
1. Ano ang napapansin niyo sa wikang ginamit ng mga grupo ng tao?
2. Nagkakatulad o nagkakaiba ba ang wikang kanilang ginamit?
3. Bakit nagkakaiba-iba ang wikang ginamit?
ALAM MO BA NA…
Dayalek ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa
iba pang aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o
maliit. Ayon sa pag-aaral ni Ernesto Constantino mayroong higit sa apat na raan (400) ang dayalek na
ginaagamit sa kapuluan ng ating bansa.
Ang mga dayalek ay makikilala hindi lamang sa pagkakaroon nito ng set ng mga distinct na
bokabularyo kundi maging sa punto o tono at sa istraktura ng pangungusap. Pansinin na lamang natin ang
pananagalog ng mga naninirahan sa iba’t ibang lugar na gumagamit ng isang wika:
Maynila - Aba, ang ganda! Bataan - Ka ganda ah!
Batangas - Aba, ang ganda eh! Rizal - Ka ganda, hane!
Sosyolek naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong
sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan. Halimbawa nito ay ang wika ng
mga estudyante, wika ng matatanda, wika ng kababaihan, wika ng mga preso, wika ng mga bakla at iba
pang pangkat. Makikilala ang iba’t ibang barayti nito sa pagkakaroon ng kakaibang rehistro na tangi sa
pangkat na gumagamit ng wika. Pansinin kung paanong inilalantad ng rehistro ng mga sumusunod ng
pahayag ang pinagmulan ng mga ito:
Ang sosyolek ay maaari ring may okupasyunal na rehistro. Pansinin ang mga sumusunod na termino.
Kung maririnig mo ang mga ito sa isang taong hindi mo kilala, ano ang agad mong iisiping trabaho niya?
hearing exhibit court
pleading fiscal justice
Settlement appeal complainant
Ang mga salitang nakatala sa itaas ay mga legal jargon. Ang jargon ang mga tanging bokabularyo ng
isang partikular na pangkat ng gawain.
Ang mga sumusunod naman ay mga jargon sa disiplinang Accountancy at iba pang kaugnay na
39
disiplina:
Kung minsan, ang mga jargon ng isang larangan ay may kakaibang kahulugan sa karaniwan o sa
ibang larangan. Pansinin ang mga sumusunod na salitang gamitin sa isports na tennis at kung paano naiiba
ang kahulugan ng mga ito sa karaniwan:
Pansinin naman na ang mga sumusunod na terminolohiya ay may magkaibang kahulugan o rehistro sa
larangang nasa loob ng panaklong:
Ngunit kahit pa ang mga pangkat ay may kanya-kanyang barayti ng wikang ginagamit batay sa
dimensyong heograpikal at sosyal, indibiduwal pa rin ang paggamit ng wika. Sa madaling sabi, kahit pa
sosyal ang pangunahing tungkulin ng wika, ang indibiduwal na katangian ng bawat tao ay naiimpluwensya
pa rin sa paggamit ng wika. Ito ang nagpapaiba sa isang indibiduwal sa iba pang indibiduwal. Bawat isa
kasi ay may kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika. Tinatawag itong idyolek. Pansinin kung paano
nagkakaiba-iba ang idyolek ng mga sumusunod na brodkaster kahit pa silang lahat ay gumagamit ng isang
wika, nabibilang sa isang larangan at naninirahan marahil lahat sa Metro Manila:
May iba pang barayti ng wika na tinatawag na pidgin at creole. Ang pidgin ay tinatawag sa Ingles na
nobody’s native language. Nagkaroon nito kapag ang dalawang taal na tagapagsalita ng dalawang
magkaibang wika na walang komong wika ay nagtatangkang magkaroon ng kumbersasyong makeshift.
Madalas, ang leksikon ng kanilang usapan ay hango sa isang wika at ang istraktura naman ay mula sa isa
pang wika. Madalas na bunga ng kolonisasyon ang barayting ito ng wika. Pansinin ang pananagalog ng
mga Intsik sa Binondo. Ang salitang gamit nila ay Tagalog ngunit ang istraktura ng kanilang pangungusap
ay hango sa kanilang unang wika. Ganito ang madalas na maririnig sa kanila: Suki, ikaw bili tinda mura.
40
Ang creole naman ay isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika
(nativized). Nagkaroon nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-angkin dito bilang
kanilang unang wika. Pinakamahusay na halimbawa nito ang Chavacano na hindi masasabing purong
Kastila dahil sa impluwensiya ng ating katutubong wika sa istraktura nito.
PAGSASANAY
Pangkatang Gawain:
Sumulat ka ng isang iskript tungkol sa isang sitwasyon. Isaalang-alang ang mga barayti at rehistro
ng wika.
Kriterya:
Nilalaman . . . . . . . . . . . . . . . . . . 30
Pagkakaorganisa ng nilalaman . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Kaangkupan sa paksa . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Kabuuan: 50 puntos
PAGLALAPAT
Suriin ang ginawang skript ng kaklase at tukuyin ang mga barayti ng wika sa pamamagitan ng pag-
organisa nito gamit ang talahanayan.
Halimbawa:
TANDAAN
Barayti ng wika ang tawag sa pagkakaiba-iba ng mga indibiduwal at grupo, maging ang kani-
kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa. Ang rehistro na tumutukoy sa gamit ng
wika sa isang tiyak na larangan (de Vera et al., 2010), ay maituturing na barayti ng wika dahil sa
pagkakaiba ng gawain sa taong gumagamit nito.
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Tanong-Sagot Porsyon…
41
Larangan Termino
1. pamamahayag
2. komersyo
3. edukasyon
TAKDANG ARALIN
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
B
42
Sesyon Guide: 8
I. LAYUNIN
Kaalaman: Naipapaliwanag ang konsepto ng homogenous na wika.
43
B. SANGGUNIAN Bernales, R. et al. 2016. Komunikasyon sa Akademikong Filipino.
Malabon City. Mutya Publishing House, Inc. p. 23
C. KAGAMITANG Laptop, Ispiker
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Pakinggan at suriin ang talumpati ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte
sa Camp. Edilberto Evanglista na makikita sa
https://www.youtube.com/watch?v=_lWM4XrCxVc na inilathala
noong Aug 9, 2016.
1. Anong wika ang ginamit sa talumpati?
2. Masasabi bang may sinusunod na istandard ang talumpating
narinig?
3. Malinaw nga ba ang mensaheng nais iparating ng talumpati?
Kung hindi, kailan masasabi na ito’y malinaw?
Gabay na Tanong:
1. Ano ang wikang ginamit sa inyong binasang sanaysay?
2. Anu-anong katangian ng wika ang lumutang sa binasa?
3. Masasabi bang istandard ang anyo ng binasa? Pangatuwiranan
Gabay na Tanong:
1. Ano ang wikang ginamit sa inyong binasang sanaysay?
2. Anu-anong katangian ng wika ang lumutang sa binasa?
3. Masasabi bang istandard ang anyo ng binasa? Pangatuwiranan.
44
Sesyon: 8
8. Homogenous
TUKLASIN
Sa kasunod na mga gawain, tutuklasin natin kung ano ang tinatawag na homogenous na wika.
Ngayon, pansinin muna natin at pag-aralan ang paraan ng pagpapahayag ng tao sa
paghahatid ng mensahe, pasalita man o pasulat.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
GAWAIN I
Pakinggan at suriin ang talumpati ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte sa Camp. Edilberto
Evanglista na makikita sa https://www.youtube.com/watch?v=_lWM4XrCxVc na inilathala noong Aug 9,
2016.
PAGSUSURI
Gabay na Tanong:
1. Anong wika ang ginamit sa talumpati?
2. Masasabi bang may sinusunod na istandard ang talumpating narinig?
3. Malinaw nga ba ang mensaheng nais iparating ng talumpati? Kung hindi,
kailan masasabi na ito’y malinaw.
45
ALAM MO BA NA…
PAGSASANAY
Magbasa Tayo…
Basahin ang isang sanaysay na pinamagatang “Ang Filipino bilang Wikang Panturo” na
isinulat ni Emma B. Magracia, Ph. D. At sagutin ang mga gabay na tanong sa ibaba nito.
Ayon sa itinatakda ng Patakaran sa Edukasyong Bilingguwal ng 1987, ang lahat ng mga asignatura o kurso
maliban sa syensa at teknolohiya ay dapat na ituro sa Filipino kahit na may pasubali na hindi magiging ekslusibong
wikang panturo ang Ingles ng syensya at teknolohiya. Ang mga disiplinang nasa ilalim ng agham panlipuan na
binubuo ng antropolohiya, ekonomiks, kasaysayan, linggwistika, pilosopiya, sikolohiya, at syensya pampulitika ay
dapat na gumagamit ng Filipino bilang wikang panturo ng mga kursong nasasakop ng mga nabanggit na disiplina.
Ang mga kursong ito ay nasa antas ng kolehiyo sa sistemang pang-edukasyon ng bansa.
Sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa mga nabanggit na disiplinang akademiko, dalawang
kalalabasan ang maaaring mangyari. Una, mapapadali ang pag-intindi ng mga estudyante ng mga konsepto at
prinsipyo ng mga nabanggit na disiplina dahil ang wikang ginagamit ay wikang pamilyar sa kanila. Maaaring ito at
sabihin sa mas maraming Pilipino, ang Filipino ay maituturing na pangalawang wika lamang ngunit hindi maaaring
mapasubalian na ang Filipino ay may malaking pagkakahawig sa lahat ng wika sa Pilipinas. Maidaragdag pa ang
katotohanang kahit na hindi unang wika ng mas nakararaming Pilipino ang Filipino, tinatayang higit sa 85% ng
buong populasyon ng bansa ang nakaintindi at nakakapagsalita ng wikang pambansa. Sa ganitong paraan, ang
pagsisikap ng mga estudyante ay nakatuon lamang sa pag-unawa ng mga konsepto at hindi sa pag-unawa sa
kahulugan ng wikang ginagamit. Sa paggamit ng wikang banyaga katulad ng Ingles, ang mga estudyante ay
nagpupumilit na intindihin ang kahulugan ng wikang ginagamit nang nauuna kaysa pag-intindi sa konseptong
ipinaabot ng titser. Ang nangyayari tuloy ay kalahati lamang ng atensyon ng estudyante ang nakapokus sa konsepto
dahil ang kalahating atensyon ay nakatuon sa pag-intindi sa kahulugan ng wika.
46
Pilipino dahil sa ang resulta ng mga pananaliksik at kaalamang bunga ng pag-iisip ng mga edukado ay maari nang
maabot at magamit ng karaniwang mamamayan na bumubuo ng masa.
Gabay na Tanong:
PAGLALAPAT
Pumili ng napapanahong paksa na gagawan ng sanaysay para sa pagtatalumpati. Apat (4) hanggang
limang (5) talataan lamang at bawat talata ay bubuuin ng limang pangungusap pataas. Isaalang-alang ang
pagiging homogenous nito.
Kriterya:
Nilalaman . . . . . . . . . . . . . . . . . . 30
Pagkakaorganisa ng nilalaman . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Maayos na paggamit ng wika . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Kabuuan: 50 puntos
TANDAAN
Ang isang wika na may sinusunod na istandard o uniformidad ay tinatawag na homogenous na wika.
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Tanong-Sagot Porsyon…
Basahin ang isang sanaysay. Suriin kung homogenous na wika o hindi at sagutin ang mga sumusunod na
tanong ibaba nito.
SI RACHEL
ni Leticia Quizon
Bibihira sa mundong ito ang mga taong may panatisismo sa kaayusan kagaya ng kanibigan kong si Rachel. Si
Rachel ay isa sa mga kakaunti na lamang na nalalabi sa mabilis na nawawalang uri ng tao na tinatawag na maayos o
“orderly.”
May matang-hito si Rachel, maigsi at kulut-kulot, ang matulis ang nguso at pango ang ilong. Mataba siya--
hindi naman iyong tipong bariles; katamtaman ang kanyang pagkabilog. Pandak siya, may limang pulgada ang taas
at mukhang matatag ang kanyang mga binti. Kutis morena siya, lubak-lubak ang kanyang bilog na pisngi.
Nang una siyang dalhin ng “aming matron” sa aking silid sa dormitoryo ng Philippine Science High School,
naisip ko agad na mukhang mahirap itong makasundo. Matipid sa ngiti ang aking bagong “roommate” at para bang
hindi karapat-dapat sa kaniyang paningin ang mga bagay na mababa kaysa sa kanya. Sa madaling salita, siya’y
47
laging nakataas noo, “snob” siya, sasabihin nga ng iba.
Inayos niya ang kanyang libro mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit. Parang bago pa ang lahat ng
kanyang libro at natatakpang lahat ng plastik-- ayos na ayos talaga. Binasa ko ang mga pamagat: “For Whom the
Bells Tolls,” “World HIstory.” Aba, naisip ko, ang bigat pala nito. Hindi kaya naliligaw ito? Baka sa “college dorm”
dapat ito, ah.
Inayos din ni Rachel ang kanyang mga sapatos. Inihanay ang mga ito sa ilalim ng kanyang kama-mula sa
pinakaluma hanggang sa pinakabago, isinabit niya ang kanyang mga damit ayon sa kulay. At tiningnan niya ang
aking mga damit na nakahambalusay sa kabinet, hindi siya kumibo. “Naku, baka maulol ako rito, a,” sabi ko sa
aking sarili.
Ipinako ni Rachel ang kapirasong papel sa dingding sa tabi ng kanyang kama. Nang siya’y lumabas upang
manghilamos, lumapit ako at binasa ang kaniyang ipinako: “5:00 a.m., wake up and pray; 5:15, wash face and brush
teeth; 5:30 dress up; 5:45 review lessons; 6:00 eat breakfast; 6:30 walk to school; 6:45 arrive at school... 6 ...7:00”-
Inang ko po. Pati oras, ayos na ayos. Normal kaya ang taong ito?
Hindi naglaon ay nasanay rin ako sa kaayusan ni Rachel. Nalaman kong marunong din pala siyang ngumiti,
magkuwento at magbiro. Minsan, nang ako’y magtrangkaso, si Rachel ang tumingin sa akin at nagsilbi. Inabot niya
sa akin ang isang platito na kinalalagyan ng aking tatlong gamot na pildoras-- nakaayos mula sa pinakamakapal
hanggang sa pinakamanipis! Si rachel din ang nag-aasikaso ng aking labada ng linggong iyon. At sa aking
paggaling, nang buksan ko ang aking kabinet upang magbihis--alam ba ninyo ang aking nakita? Ang aking mga
damit-- sama-sama ang asul, sama-sama ang dilaw. Natutop ko ang aking noo at nasabi ko na lang, “Naku, Rachel!”
Isang taon kaming nagsama ni Rachel at tapos ay naghiwalay. Malimit ko siyang maalala kung nakikita ko ang
kanyang libro sa “library” na hindi ayos mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakmaliit. Minsan, naisip kong sa
ibang tao, ang buhay ay isang walang hanggang katapusang pag-aayos.
Mula sa Retorikang Pangkolehiyo nina Antonio, et al., (1976 sa Santos et. al, 2009)
Gabay na Tanong:
TAKDANG ARALIN
Sagutin ang sumusunod.
48
Sesyon Guide: 9
I. LAYUNIN
Kaalaman: Naipapaliwanag ang konsepto ng heterogenous na wika.
49
Ngayon ay subukan nating pakinggan ang dalawang taong mag-uusap
na parehong may alam na ibang wika. Paghaluin ang Filipino sa ibang
wikang alam mo habang ika’y nakikipagkomunikasyo sa kapares mo.
1. Pareho ba ang paraan ng pagsasalita ng bawat kapareha?
2. Bakit nagkakaiba iba ang paraan ng pagsasalita?
3. Masasabi bang mabisa ang paraan ng kanilang komunikasyon?
Pangatuwiranan.
4. Sa tingin mo, katanggap-tanggap ba ang paghalu-halo ng mga
salita sa pagpapahayag? Magbigay ng iyong ganting galaw.
Kriterya:
Nilalaman . . . . . . . . . . . .30
Pagkakaorganisa ng nilalaman. . . . . . . . . . .. 10
Maayos na paggamit ng wika . . . . . . . . . . . 10
Kabuuan: 50 puntos
50
Sesyon: 9
9. Heterogenous
TUKLASIN
Nalaman na natin na ang homogenous ay may sinusunod na istandard sa paggamit ng wika. Ngayon
naman, pansinin na minsan nagkakaiba-iba ang paggamit ng wika. Halimbawa na lamang ang Filish
(Filipino- English), Singlish (Singaporean English) at iba pa kung saan
nagkakaiba na ang punto at pagbubuo ng mga salita. Sa ating bansa ay mayroong iba’t ibang
pinaghalong wika rin tulad ng Filbuano (Filipino-Cebuano), Filonggo (Filipino-Ilonggo) at
iba pa.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
GAWAIN I
Mag-usap Tayo…
Maliban sa wikang Filipino, sino ang may alam sa inyo na ibang wika tulad ng Cebuano, Ilonggo, Waray,
Ilokano, Chavacano, Kapampangan at iba pa?
Ngayon ay subukan nating pakinggan ang dalawang taong mag-uusap na parehong may alam na ibang
wika. Paghaluin ang Filipino sa ibang wikang alam mo habang ika’y nakikipagkomunikasyon sa kapares mo.
PAGSUSURI
ALAM MO BA NA…
51
Maaaring magkaiba-iba ang paggamit ng isang wika batay sa iba’t ibang salik at kontekstong
pinagmumulan ng nagsasalita nito. Dito papasok ang pagiging heterogenous o pagkakaiba-iba ng uri at
katangian ng isang wika. Nakapaloob sa palagay na ito ang iba’t ibang konsepto ng dayalekta na baryasyon
sa wika. Halimbawa, maaaring magkaroon ng magkakaibang porma at uri ang wikang Ingles batay sa iba’t
ibang grupo ng taong nagsasalita nito. Ibang-iba ang punto at pagbubuo ng salita ng mga taong nagsasalita
ng British English, American English o kaya ay mga Third World Englishes gaya ng Filish (Filipino-
English), Singlish (Singaporean English) o kaya ay Inlish (Indian English). Kabaligtaran ng homogenity sa
wika, ipinakikita ng pagiging heterogenous na natural na penomenon ang pagkakaiba-iba ng paggamit ng
wika kung kaya’t mahirap takdaan ang hangganan ng estandardisasyon ng wika.
PAGSASANAY
Pangkatang Gawain:
Kriterya:
Nilalaman . . . . . . . . . . . . . . . . . . 30
Pagkakaorganisa ng nilalaman . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Maayos na paggamit ng wika . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Kabuuan: 50 puntos
PAGLALAPAT
TANDAAN
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Tanong-Sagot Porsyon…
1. Ano ang heterogenous na wika? Ipaliwanag.
TAKDANG ARALIN
Magsagawa ng panayam sa mga grupo ng mga tao (kababaihan, kalalakihan, preso, bakla at iba pa.)
52
Sesyon Guide: 10
I. LAYUNIN
Kaalaman: Naipapaliwanag ang konsepto ng linggwistikong komunidad.
53
A. PAGHAHANDA Manood Tayo…
Panoorin ninyo ang usapan ng mga grupo ng kalalakihang preso mula
sa teleseryeng FPJ's Ang Probinsyano: Inmates Assault Cardo sa
https://www.youtube.com/watch?v=ejw1cJNTWt0 na inilathala noong
Nov 22, 2016.
1. Ano ang masasabi ninyo sa usapang narinig?
2. Anu-ano ang mga salitang ginamit sa bawat usapan?
3. Nauunawaan niyo ba ang paksang pinag-usapan nila?
4. Masasabi bang epektibo ang paggamit nila ng wika?
Pangatuwiranan.
54
Sesyon: 10
TUKLASIN
Maglibot ka sa mga lugar kung saan may mga dayo mula sa ibang bansa. Ang iba sa kanila ay
matagal na sa Pilipinas at natutuhan na rin ang paggamit ngvating wika. Pansinin ang paaran ng
kanilang pagsasalita, intonasyon, diin, bigkas at iba pa. Hindi lahat ng nagsasalita sa wika natin ay
maituturing na kasapi na ng ating linggwistikong komunidad. Isang halimabawa dito ang Hapon na
nag-aaral ng Wikang Filipino sapagkat ang pagkakaiba-iba ng paraan ng paggamit ng isang wika ay
nagtatakda rin ng iba’t ibang linggwistikong komunidad.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
GAWAIN I
Manood Tayo…
Panoorin ninyo ang usapan ng mga grupo ng kalalakihang preso mula sa teleseryeng FPJ's Ang
Probinsyano: Inmates Assault Cardo mula sa https://www.youtube.com/watch?v=ejw1cJNTWt0 na
inilathala noong Nov 22, 2016.
PAGSUSURI
55
babae, bakla, bata at iba pa? Pangatuwiranan.
ALAM MO BA NA…
PAGSASANAY
Pangkatang Gawain:
Gumawa ng isang dayalogo ng isang linggwistikong komunidad. Ito’y maaaring usapan
ng mga tambay, kabataang babae, matatanda at iba pa. Ipresenta sa klase.
Kriterya:
Konsepto . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Pagganap . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Bigkas/Tinig . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Kabuuan: 50 puntos
PAGLALAPAT
Pakinggan ang usapan ng mga kabataang babae sa loob ng Bahay ni Kuya mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=bbRF6-XZmz8 na inilathala noong Nov 2, 2016.
Gabay na Tanong:
1. Ano ang paksang pinag-usapan?
2. Paano nila ginamit ang wika?
3. Anu-ano ang mga termino na kanilang ginamit? Bigyan ng kahulugan.
4. Masasabi bang epektibo nilang nagamit ang wika? Pangatuwiranan.
TANDAAN
Linggwistikong komunidad ang tawag sa grupo ng mga taong gumagamit ng iisang uri ng barayti ng
wika at nagkakaunawaan sa mga ispesifikong patakaran o mga alituntunin sa paggamit ng wika.
56
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Tanong-Sagot Porsyon…
Ano ang linggwistikong komunidad? Ipaliwanag at magbigay ng halimbawa.
TAKDANG ARALIN
Sesyon Guide: 11
I. LAYUNIN
Kaalaman: Naipapaliwanag ang konsepto ng unang wika.
57
B. PAGLALAHAD Pagtalakay sa tinatawag na unang wika.
Kriterya:
Liriko at Nilalaman
Orihinalidad at komposisyon . . . . . . . . . 50
Liriko at nilalaman . . . . . . . . . 50
Kabuuan: 100 puntos
Interpretasyon
Musikalidad at pagkamalikhain . . . . . . . . . 50
Liriko at nilalaman . . . . . . . . . 20
Paglalahad ng Interpretasyon . . . . . . . . . 30
Kabuuan: 100 puntos
IV. PAGATATAYA Gamit ang iyong unang wika, pumili ng isang taong ilalarawan at
sumulat ng isang maikling komposisyon tungkol dito.
58
Sesyon: 11
TUKLASIN
Ang pagkatuto ng unang wika ay natutuhan natin sa isang natural na proseso na tila walang
kahirap-hirap. Sapul pa noong bata pa tayo ay habang karga-karga tayo ng ating ina ay madalas
tayong kinakausap, di man natin naiintindihan ang kanilang sinasabi ngunit batid natin na nakikipag-
usap sila sa atin. Habang lumilipas ang mga panahon ay unti-unti na rin nating natutuhan ang
pagsambit ng mga salita hanggang sa tuluyan na nga tayong marunong magsalita ng unang wika.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
GAWAIN I
Pakinggan natin ito…
59
Ikaw akong langit
ug ang akong kalibutan
Ikaw lang akong akong higugmaon
Ikaw lang ako
Ako matinud-anon
(Chorus)
Ikaw akong gahapon
Ikaw akong karon
Ikaw akong kanunay
Pulong ko tinud-anay
Kasing-kasing paminawa
dinuyugan ning gitara
wa ka nag inusara
kanimu nahigugma.
Ikaw
Ikaw ang katam-is
Kalipay na walay sama
Ikaw ba nasayod?
sa likod ning pahiyum
Ikaw lang akong
Akong higugmaon
Ikaw lang ako
Ako matinud anon
(Chorus)
Ikaw akong gahapon
Ikaw akong karon
Ikaw akong kanunay
Pulong ko tinud anay
Kasing-kasing paminawa
dinuyugan ning gitara
wa ka nag inusara
kanimu nahigugma.
Tagohala na gibati sa akong kinabuhi
Ikaw lang ang bulawan gitipigan sa akong dughan
Mahanaw man ang adlaw
Magsubo man ang buwan
Dili ka gyud talikdan
Ug di gyud pasipad an.
Ikaw
PAGSUSURI
ALAM MO BA NA…
60
Ang unang wika na kadalasan ay tintawag ding katutubong wika o sinusong wika (mother
tongue) ay ang wikang natutuhan at ginamit ng isang tao simula pagkapanganak hanggang sa panahon
kung kailan lubos nang naunawaan at nagagamit ng tao ang nasabing wika. Sa ibang lipunan,
tinutukoy ang katutubong wika o mother tongue bilang wika ng isang etnolingguwistikong grupo kung
saan nabibilang ang isang indibidwal, at hindi ang unang natutuhang wika. Halimbawa, kung ang
isang bata ay Iloko at mula sa angkan ng mga taal na Iloko, ngunit simula pagkapanganak ay tinuruan
ng wikang Ingles, mananatiling Iloko ang kanyang katutubong wika o mother tongue.
Samantala, ayon kay Lee (2013) sa kanyang artikulo na The Native Speaker: An Achievable
Model? na nailathala sa Asian EFL Journal, narito ang mga gabay upang matukoy kung ang isang tao
ay katutubong tagapagsalita ng isang wika.
1. Natutuhan ng indibiduwal ang wika sa murang edad,
2. Ang indibiduwal ay may likas at instinktibong kaalaman at kamalayan sa wika,
3. May kakayahan ang indibiduwal na makabuo ng matataas at ispontanyong diskurso gamit
ang wika,
4. Mataas ang kakayahan sa komunikasyon ng indibiduwal gamit ang wika,
5. Kinikilala ang sarili bilang bahagi at nakikilala blang kabahagi ng isang lingguwistikong
komunidad, at
6. May puntong dayalektal ang indibiduwal na taal sa katutubong wika.
PAGSASANAY
Pumili ng taong nais handungan ng kanta at sumulat ng isang piyesa gamit ang ang unang
wika mo. Lapatan ito ng tono at himig. Maaari ring gumamit ng instrumento sa interpretasyon.
Pagkatapos ay iparinig sa klase.
Kriterya:
Liriko at Nilalaman
Orihinalidad at komposisyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . 50
Liriko at nilalaman . . . . . . . . . . . . . . . . . . 50
Kabuuan: 100 puntos
Interpretasyon
Musikalidad at pagkamalikhain . . . . . . . . . . . . . . . . . . 50
Liriko at nilalaman . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Paglalahad ng Interpretasyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . 30
Kabuuan: 100 puntos
PAGLALAPAT
TANDAAN
Ang wikang natutuhan at ginamit ng isang tao simula pagpanganak hanggang sa panahon kung kailan
lubos nang nauunawaan at nagagamit ng tao ang nasabing wika ay tinatawag na unang wika.
Tinatawag ding itong katutubong wika.
61
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Tanong-Sagot Porsyon…
Gamit ang iyong unang wika, pumili ng isang taong ilalarawan at sumulat ng isang maikling
komposisyon tungkol dito.
Narito ang kriterya:
Nilalaman . . . . . . . . . . . . . . . . . . 30
Pagkakaorganisa ng nilalaman . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Maayos na paggamit ng wika . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Kabuuan: 50 puntos
TAKDANG ARALIN
62
tuwing inaapi ang ating mga paborito.
Panoorin at pakinggan ang isang segment ng teleseryeng FPJ's Ang
Probinsyano: Misa de Gallo sa https://www.youtube.com/watch?
v=0OTwtDg9-ec na inilathala noong Dec 23, 2016.
1. Nagagamit ba nang mabisa ang wika?
2. Ano ang nais iparating ng teleserye sa manonood?
3. Mabisa ba ang paglalahad ng mga kaisipan gamit ang
pangalawang wika?
4. Madali lang bang matutuhan ang pangalawang wika?
Magbigay ng iyong ganting galaw.
63
Sesyon: 12
TUKLASIN
Kung may unang wika mayroon din tayong tinatawag na pangalawang wika. Ito’y di tulad ng
unang wika na natutuhan lang natin sa isang natural na proseso. Sa umpisa hindi naging madali ang
pag-aaral ng pangalawang wika sapagkat sinimulan mo pang matutuhan ang mga bagay na dapat
matutuhan. Ngunit nang lumaon ay nagiging madali na lang ito dahil madalas mo na itong ginagamit
sa larangan ng komunikasyon.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
GAWAIN I
Ang pagkatuto ng wikang Filipino bilang pangalawang wika ay natutuhan natin sa paaralan at minsan ay
sa pamamagitan ng panonood natin ng mga programa sa telebisyon kung saan wikang Filipino ang ginamit. Isa
na rito ang mahiligin natin sa panonood ng mga teleserye. Sa pagsubaybay natin dito ay di maiiwasang madala
ang ating mga emosyon, napatatawa at minsan kinukurot ang ating mga puso sa tuwing inaapi ang ating mga
paborito.
Panoorin at pakinggan ang isang segment ng teleseryeng FPJ's Ang Probinsyano: Misa de Gallo sa
https://www.youtube.com/watch?v=0OTwtDg9-ec na inilathala noong Dec 23, 2016.
PAGSUSURI
ALAM MO BA NA…
64
Ang pangalawang wika ay ang wikang natutuhan at ginagamit ng isang tao labas pa sa kanyang unang
wika. Ang wikang ito ay hindi taal o katutubong wika para sa tagapagsalita ngunit isang wikang ginagamit
din sa lokalidad ng taong nagsasalita. Iba ang ikalawang wika sa dayuhan o banyagang wika sapagkat ang
dayuhang wika ay tumutukoy sa isang wikang inaral lamang ngunit hindi ginagamit o sinasalita sa
lokalidad ng taong nag-aaral nito. Halimbawa, maituturing na ikalawang wika ng mga Pilipino ang wikang
Ingles sapagkat bukod dito sa sistema ng edukasyon at iba pang larangan habang banyaga wika ang wikang
Aleman sapagkat hindi natural na ginagamit sa ano mang larangan o lugar sa Pilipinas, liban na lamang
kung sadya itong pag-aaralan.
Isa sa mga kinilala si Krashen (1982) sa teorya ng Second Language Acquisition (SLA) na nagpalawig
sa pagkakaiba sa acquiring (Likas o natural na pagtatamo) at learning (pagkatuto) ng wika. Ayon sa kanya,
ang acquisition o pagtatamo ay isang natural na proseso habang ang learning o pag-aaral ay
kinasasangkutan ng malay o sadyang desisiyon napag-aralan ang wika. Sa una, kailangang makaagapay at
pumaloob ng isang mag-aaral sa natural na komunikatibong sitwasyon habang ang ikalawa ay nagbibigay
diin sa pagkatuto ng gramatikal na estruktura ng wikang nakahiwalay sa pagkatuto ng natural na gamit nito.
Bagama’t hindi lahat ng dalubhasa sa wika ay sumasang-ayon sa ideya ng SLA ni Krashen, malaki ang
naging ambag nito sa pagdidisenyo ng iba’t ibang modelo at proseso ng pagkatuto ng ikalawang wika.
PAGSASANAY
Pangkatang Gawain
Mag-isip ng ipapalabas na teleserye at gawan ng tatlumpong (30) segundo hanggang isang (1)
minutong trailer na nagtatampok ng mga napapanahong isyu sa paligid. Pumili ng pamagat at gawan
ito ng iskript. Pagkatapos ay pawastuhan at paabroban ito ng guro. Maaari itong i-take home. Mag-
ensayo nang mag-ensayo at kunan ng video. Pagkatapos ay ipanood sa klase sa mga susunod sesyon.
PAGLALAPAT
Bigyan ng nararapat na puntos matapos mong mapanood ang isang trailer.Hahatulan ang pinalabas
na trailer sa pamamagitan ng sumusunod na kriterya:
Orihinalidad ng iskript . . . . . . . . . . . . . . . . . . 30
Pagganap ng mga tauhan . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Produksyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Daloy ng mga pangyayari . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Paglalapat ng musika/tunog . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Kabuuan: 100 puntos
TANDAAN
Ang wikang natutuhan at ginagamit ng isang tao labas pa sa kanyang unang wika ay
tinatawag na pangalawang wika.
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Tanong-Sagot Porsyon…
Batay sa napanood na trailer ng isang teleserye na ginawa ng inyong kaklase. Sagutin ang
sumusunod na tanong:
1. Nagagamit ba nang mabisa ang paggamit ng wika?
2. Anu-ano ang dapat isaalang-alang sa paggawa ng iskript ng teleserye?
65
3. Epektibo ba ang paggawa ng trailer gamit ang pangalawang wika? Pangatuwiranan.
4. Maganda ba ang kabuuan ng napanood na trailer?
TAKDANG ARALIN
Magdala ng isang liham pangangalakal na isinulat sa wikang Filipino.
Sesyon Guide: 13
I.LAYUNIN
Kaalaman: Nabibigyang katuturan ang Instrumental na gamit ng wika sa
Lipunan.
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Gamit ng Wika sa Lipunan
Instrumental
66
2. Masasabi mo ba na mabisa ang wikang
ginamit ng tagapagpadala sa pagpapahayag ng kaniyang
pangangailangan?
Kahusayan sa pag-uulat . . . . . . . . . . . 10
Nilalaman . . . . . . . . . . . 30
Mga kagamitang ginamit . . . . . . . . . . . 10
Kabuuan 50 puntos
D. PAGLALAPAT
Basahin at suriin ang mga sumusunod na liham at tukuyin kung
anong uri ng Liham Pangangalakal ito.
67
Sesyon: 13
1. Instrumental
TUKLASIN
Bawat isa sa atin ay may mga pangangailangan. Isa na rito ay ang paghahanap ng ating
ikabubuhay upang mabigyang tugon ang ating mga pangangailangan. Iba-iba ang ating mga paraan
kung paano mabigyang tugon ang ating mga pangangailangan maaring sa pamamagitan ng personal
na pakikipag-usap o di kaya’y sa pamamagitan ng isang liham.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
GAWAIN I
PAGSUNOD-SUNURIN MO!
PANUTO: Ayusin ang mga ginulong bahagi ng isang liham pangangalakal. Lagyan ng bilang ayon sa wastong
pagkakasunod-sunod ng mga ito.
68
___ Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon XVIII, Rehiyong Isla ng Negros
Jose Marie Locsin Memorial High School
Mayabon, Zamboanguita Negros oriental
PAGSUSURI
ALAM MO BA NA…
Instrumental ang gamit ng wika sa pagtugon sa mga pangangailangan. Nagagamit ang tungkuling ito sa pakikiusap
o pag-uutos. Ang paggawa ng mga liham-pangangalakal (business letters) ay isang mahusay na halimbawa ng
pamamaraan upang matugunan ang ating iba’t ibang pangangailangan.Halimbawa, kung kailangan mo ng trabaho,
kailangan mong gumawa ng application letter bukod sa iba pang requirements.
Mga Uri ng Liham Pangangalakal
Source: http://work.chron.com/10-types-business-letters-9438.html
Ang terminong Liham pangangalakal ay isang pasulat na komunikasyon o written communication na nagsisimula
sa isang pagbati at nagtatapos sa isang lagda at ang nilalaman ay likas na propesyonal. Sa kasaysayan, ang liham
pangangalakal ay ipinadala sa via post mail o di kaya’y sa courier bagaman ang internet ay mabilis na nagbago sa
paraang hatid ng kalakal. Maraming pamantayang uri ng kalakal.
1. Sales letter o Liham pagbebenta - nagsisimula ito sa pinakamatibay na pahayag upang makuha ang
interes ng tagatanggap. Yamang ang layunin nito ay mahimok ang tagatanggap na kumilos o bumili.
Magdetalye ng mga benipisyo na sumasaklaw ng mga impormasyon gaya ng numero ng telepono o website
link na makatutulong sa pagbibigay tugon ng mambabasa o tagatanggap ng liham.
2. Order letters o Liham pang-order - ay ipinapadala sa mga konsumer o mga negosyo sa mga
tagapaggawa, mga retailer or wholesaler upang mag-oder ng mga paninda o mga serbisyo. Ang mga liham
na ito ay dapat magtaglay ng mga numero, pangalan ng produkto ang gustong dami ng order at ang mga
inaasahang presyo. Paminsan-minsan ang pambayad ay kalakip din ng liham.
3. Complaint Letters o Liham na panreklamo - ang mga piling salita o tono na ginamit sa iyong liham ay
isang salik na makapagpapasiya sa iyong reklamo. Kinakailangan ang pagiging tuwiran at mataktika o
magaling makitungo at dapat propesyonal ang tono kung gusto mong makinig ang kompanya sa iyo.
4. Adjustment Letters o Liham Pagsasaayos - ang liham na ito ay tugon sa liham na nagrereklamo. Kung
ang sulat ay pabor sa nagrereklamo simulan ang liham sa balitang ito. Kung hindi panatilihin ang tono na
nakabatay sa katotohanan at ipaalam sa kostumer na nauunawaan mo ang kanyang reklamo.
69
komunikasyon. Maari itong departamento ng pagbebenta na nagpapasalamat sa isang kostumer sa kanyang
mga order, ang isang negosyante na pinagbalik-aralan ang kinalalabasan sa isang pagpupulong o ang
naghahanap ng trabaho na nagtatanong tungkol sa istado o katayuan ng kanyang liham kahilingan.
9. Cover Letter o Liham Pabalat- ay may hatid o kasamang parsela, ulat o ibang kalakal. Ang liham na ito
ay ginagamit upang ilarawan kung ano ang kalakip, bakit ito ipinadala at kung ano ang gagawin ng
tumatanggap nito at kung mayroong aksyon na kinakailangang tanggapin o gawin.
10. Letters of resignation o Liham pagtiwalag o pagbitiw- kung ang empleyado ay may plano na umalis na
sa kanyang trabaho, ang ganitong liham ay kalimitang ipinapadala sa tagapamahala upang ipagbigay-alam
sa kanya kung kailan ang kanyang huling araw ng trabaho o tungkulin. Sa maraming kaso ang empleyado
ay magbibigay din ng detalye ng kanyang mga rason o kadahilanan kung bakit aali sa siya sa company
-Naging instrumento rin ang wika sa paglalahad ng mungkahi, panghihikayat, pagbibigay-utos at pagpapangalan.
Panghihikayat: http://www.academia.edu/11369824/Tekstong_Persweysiv
Halimbawa ng Panghihikayat at Pagmumungkahi: Isang Mabuting Desisyon ang Paghinto sa Pag-inom ng Alak
(Sanaysay)http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2011/07/halimbawa-ng-isang-tagalog-na-sanaysay.html
Pag-uutos: Ang Pag-uutos ng kabutihan (AL-MA’roof) at ang Pagbabawal ng Kasamaan (AL-Munkar), 8/11/2007.
https://islamhouse.com/tl/articles/60569/
PAGSASANAY
Kriterya:
Kahusayan sa Pag-uulat . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Nilalaman . . . . . . . . . . . . . . . . . . 30
Mga Kagamitang Ginamit . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Kabuuan 50 puntos
PAGLALAPAT
70
Basahin at suriin ang mga sumusunod na liham at tukuyin kung anong uri ng Liham Pangangalakal
ito.
LIHAM 1
G. Zoilo Villanueva
Region I General Hospital
Arellano Street
Dagupan City, Pangasinan
Ginoo:
Nabasa ko po sa Philippine Daily Inquirer na nangangailangan kayo ng isang nars sa inyong Hospital.
Naniniwala po akong taglay ko ang mga katangiang hanap ninyo para sa nasabing trabaho kaya’t gusto ko sanang
mag-aplay.
Ako po’y isang dalaga, dalawampu’t siyam na taong gulang, nagtapos ng kolehiyo sa Colegio de Dagupang noong
Marso, 2012 at ako’y isang rehistradong nars. Ako po’y masipag, matiyaga at magaling mag-alaga ng pasyente
kaya’t naniniwala akong madaling gagaling ang inyong mga pasyente. Mayroon din po akong malusog na
pangangatawan, maabilidad po ako at matalino. Katunaya’y nagtapos po ako sa kolehiyo bilang Magna Cumlaude.
Kalakip ng liham na ito ang aking resume. Handa po akong magtungo sa inyong tanggapan para isang panayam, sa
oras at petsa na nanaisin ninyo.
Lubos na gumagalang,
Niko N. Estaris
https://www.scribd.com/doc/6973284/Application-Letter-Tagalog
LIHAM 2
Magandang Araw!
Ang layunin ng liham na ito ay para sa estado ng aking negosyo. Ang aking negosyo ay nangangailangan ng
100,000Php-300,000 Php na karagdagang puhunan upang matulungan po ito upang lumago at magpatuloy na
magserbisyo hanggang sa susunod na taon.
Kung mangyari po lamang ay padalhan niyo po ako ng mga importanteng impormasyon para makakuha ng loan para
sa aking negosyo. At lalo na gusto kong malaman ang sistema o paraan ng pagpapautang ninyo sa isang negosyo.
Ano ang mga kailangang papeles at ang kaparaanan ng pagbabayad.
71
Kung kailangan pa ng inyong kompanya ang iba pang detalye ng AIXSHOP AVENUE ay maaari ninyo akong
tawagan upang mabigay ang tamang impormasyon na hinihingi. Ito po ang aking numero 09271234564, kahit
anumang oras ay maaari ninyo akong tawagan.
Lubos na gumagalang,
Bernadette, Bregania C.
AIXSHOP AVENUE Owner
https://www.scribd.com/doc/48091055/Liham-Pagtatanong
LIHAM 3
Gng. Marites
Punong Tagapangasiwa
Water Life
Tinago, Dumaguete City
Mahal na Gng:
Ako po ay taga Purok Santan ng Dumaguete, kami po ay biktima ng El Niño Phenomenon mula pa noong nakaraang
tatlong Linggo.
Sumulat po ako sa inyo upang ipagbigay-alam na hanggang ngayon ay mahina po ang daloy ng tubig sa mga gripo
namin. Naiintindihan po namin na nilimitahan po ang tubig kaya lamang po ay natuyo na po ang aming panananim
at ilang araw na rin na labis ang pagtitipid namin sa tubig. Wala po kaming nakuha na tulong mula sa tanggapan ng
aming barangay.
Kami po ay nagsusumamo na kung maaari sana ay palakasan ng konti ang aming mga gripo.
Sana po ay mabigyan ninyo kami sa aming kahilingan at mabigyan ng mabilis na aksyon ang aming mga reklamo.
Sumasainyo,
Laila T. Dominggo
TANDAAN
Ang wika ay instrumento sa pagtugon sa ating pangangailangan. Nagagamit ang tungkuling ito sa
pakikiusap o pag-uutos paglalahad ng mungkahi, panghihikayat at pagpapangalan.
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Ngayong naunawaan mo na ang paksang tinalakay, subukin mong sagutin ang mga sumusunod:
Panuto: Sabihin kung ang mga sumusunod ay paglalahad ng mungkahi, panghihikayat, pagbibigay
utos o pagpapangalan.
72
1. Mas mainam na gamiting pataba ang mga nabubulok na basura kaysa itapon.
2. Kung gusto mong makatapos, mag-aral kang mabuti.
3. Ikuha mo ako ng tubig.
4. Si Juan de la cruz ang representasyon ng masang Pilipino.
5. Kung nais mong guminhawa ang iyong buhay ay magtayo ka ng isang negosyo.
TAKDANG ARALIN
Sanggunian: work.chron.com
Badayos, R. Et al. 2010. Komunikasyon sa akademikong Filipino. Aklat sa Filipino1-
Antas Tersyarya. Malabon City. Mutya Publishing House Inc.
Bernales, R. A. et, al.2016. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Malabon City
Mutya Publishing House.
Sesyon Guide: 14
73
Pilipino
Petsa: Sesyon: 14
I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakapagbubuo nang mabisang pahayag sa regulatoryong gamit ng
wika.
C. PAGSASANAY
Gumawa ng poster o synages o babala na magpapakita ng regulatoryo
74
na gamit ng wika. Gawin itong makulay.
D. PAGLALAPAT
Ilahad sa klase kung saan nila gagamitin ang mga nabuong
regulatoryo.
At mamarkahan sa klase gamit ang sumusunod na kriterya.
Kriterya:
Kaugnayan sa paksa . . . . . . . . . . . 20
Orihinalidad . . . . . . . . . . . 15
Pagkamalikhain at Presentasyon . . . . . . . . . . . 15
Kabuuan 50 puntos
IV. PAGTATAYA Bumuo ng mga pahayag batay sa mga ipinakitang larawan. Sabihin
kung anong sitwasyon ito dapat gamitin.
Sesyon: 14
75
PAKSA: Gamit ng Wika sa Lipunan
2. Regulatoryo
TUKLASIN
Sa araw-araw nating paglilibot at paglalakad ay may nakikita tayong mga larawan, mensahe o
pahayag na siyang komokontrol o gumagabay sa ating kilos. Ang mga mensaheng ito ay maaaring
nakikita natin sa mga edipisyo, gusali, paaralan at iba pang lugar.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
GAWAIN I
IPAHAYAG MO!
Tingnan ninyo ang mga larawan sa ibaba ano ba ang ipinapahiwatig ng mga ito?
PAGSUSURI
1. Naging malinaw ba sa inyo ang mga larawan at ang nais na ipinahiwatig nito?
2. Batay sa nakikitang larawan, masasabi mo ba na ang mga ito ay
nakapagkontrol sa inyong kilos o asal?
3. Saan-saan natin makikita ang mga larawang ito?
ALAM MO BA NA…
Regulatoryo ang gamit ng wika sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao. Sa madaling sabi, ito ang
pagsasabi kung ano ang dapat o hindi dapat gawin. Pinakamahuhusay na halimbawa nito ang pagbibigay ng
direksyon, paalala o babala. Ang mga panuto sa pagsusulit at mga nakapaskil na do’s and don’t’s kung saan-saan ay
nasa ilalim ng tungkuling ito.
PAGSASANAY
76
Gumawa ng poster o synages o babala na magpapakita ng regulatoryo na gamit ng wika. Gawin itong
makulay.
PAGLALAPAT
Ilahad sa klase kung saan nila gagamitin ang mga nabuong regulatoryo. At mamarkahan sa klase
gamit ang sumusunod na kriterya.
Kriterya:
Kaugnayan sa paksa . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Orihinalidad . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Pagkamalikhain at Presentasyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Kabuuan 50 puntos
TANDAAN
Ang regulatoryo na gamit ng wika ay kumukontrol o gumagabay sa kilos o asal ng ibang tao.
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Ngayong naunawaan mo na ang paksang tinalakay, subukin mong sagutin ang mga sumusunod:
Bumuo ng pahayag batay sa ipinakitang mga larawan. Sabihin kung sa anong sitwasyon ito dapat gamitin.
Link sa Internet:
1.http://www.google.com.ph/search?
q=mga+babala+at+signages+image&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwj1k6vHgZDRAhWJoZQKHZi
kAmMQ_AUICCgB&biw=1366&bih=631
77
2.http://www.google.com.ph/search?q=different+synages+
+with+no+captions&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjht9bltovQAhUKMo8KHVvMA64Q_AUICC
gB&biw=1366&bih=667#imgrc=So1UCX_6W047MM%3A
3.http://www.google.com.ph/search?q=different+synages+
+with+no+captions&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjht9bltovQAhUKMo8KHVvMA64Q_AUICC
gB&biw=1366&bih=667#tbm=isch&q=bawal+tumawid+synages&imgrc=wLOCfjOYEF1gCM%3A
4http://www.google.com.ph/search?q=different+synages+
+with+no+captions&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjht9bltovQAhUKMo8KHVvMA64Q_AUICC
gB&biw=1366&bih=667#imgrc=YWtpuUYkhO3LGM%3A
5.http://www.google.com.ph/search?
q=signage+on+how+to+sit+on+a+toilet+properly&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwiX5I3RiJDRAh
VCObwKHUscBx4Q_AUICCgB&biw=1366&bih=624#imgrc=dUMAd5HqFL_xYM%3A
6.http://www.google.com.ph/search?
q=beware+of+dogs+synages+with+no+caption&biw=1366&bih=624&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahU
KEwiTor-
yiZDRAhWEG5QKHWf9DSAQ_AUIBigB#tbm=isch&q=beware+of+dogs+sign&imgrc=lB1uhuIM5jX_oM%3A
7.http://www.google.com.ph/search?q=non-
verbal+synages&biw=1366&bih=624&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwiO5uP2i5DRAhWDjJQKH
XfaAtwQ_AUIBigB#tbm=isch&q=synages+on+streets&imgrc=_3HwhW50UzUztM%3A
8. http://www.google.com.ph/search?q=non-
verbal+synages&biw=1366&bih=624&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwiO5uP2i5DRAhWDjJQKH
XfaAtwQ_AUIBigB#tbm=isch&q=no+radio+loud+radio+synage&imgrc=T7omqqKiA9TJZM%3A
9.http://www.google.com.ph/search?q=non-
verbal+synages&biw=1366&bih=624&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwiO5uP2i5DRAhWDjJQKH
XfaAtwQ_AUIBigB#tbm=isch&q=bawal+magtapon+ng+basura+images&imgrc=jWV0Db0mZ8gihM%3A
TAKDANG ARALIN
1. I-screenshot ang pagpapalitan ng mensahe sa inyong mga kaibigan.
2. I-print ninyo ito at ibahagi bukas.
3. Ilahad sa klase ang pinag-usapan.
Sesyon Guide: 15
78
gamit ng wika sa lipunang Pilipino.
I. LAYUNIN
Kaalaman: Nabibigyang kahulugan ang interaksyonal na gamit ng wika.
79
D. PAGLALAPAT Itanghal sa harap ng klase ang nabuong dayalogo at mamarkahan
gamit ang sumusunod na kriterya.
Kriterya:
Kaangkupan sa sitwasyon . . . . . . . . . . . 20
Pagkamakatotohanan . . . . . . . . . . . 15
Interaksyonal na pahayag . . . . . . . . . . . 15
Kabuuan 50 puntos
IV. PAGTATAYA Gamit ang video clip ng Magandang Buhay na isang talkshow ilista
ang interaksyonal na gamit ng wika mula sa pagsasalitaan ng mga
tauhan.
V. TAKDANG-ARALIN Isulat ninyo ang inyong mga karanasan na kung saan kayo ay
nagagalit, naiinis o natutuwa at iba pang emosyon.
Ibahagi ninyo ito sa klase bukas.
Sesyon: 15
80
TUKLASIN
MOTIBISYUNAL NA TANONG
GAWAIN I
ALAMIN MO!
81
Naku,
A. Tingnan mo ang pagpapalitan ng mensahe sa messenger na ito mula sa facebook. Magbigay ng iyong
pananaw tungkol sa pagkakagamit ng wika.
B. Ngayon ay ibahagi sa klase ang inyong nakaprintang pagpapalitan ng mensahe sa facebook ng inyong mga
kaklase o kaibigan.
PAGSUSURI
ALAM MO BA NA…
Interaksyonal ang gamit ng wika sa pagpapatatag, pagpapanatili at pagpapatatag ng relasyong sosyal sa kapwa tao.
Di nga kasi, ang tao ay nilikhang panlipunan (social beings, not only human beings). Sa pasalitang paraan,
pinakamahusay na halimbawa nito ang mga pormularyong panlipunan. (Magandang umaga, Maligayang kaarawan,
Hi/ Hello at iba pa.), pangungumusta at pagpapalitan ng biro. Sa pasulat na paraan, pinakamahusay na halimbawa
nito ang liham-pangkaibigan. Ang pakikipagchat sa mga kaibigang nasa malalayong lugar o sa isang bagong
kakilala ay maihahanay rin sa ilalim ng tungkuling ito.
82
PAGSASANAY
PAGLALAPAT
Itanghal sa harap ng klase ang nabuong dayalogo batay sa naisip na okasyon.
Kriterya:
Kaangkupan-sa sitwasyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Pagkamakatotohanan . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Interaksyonal na pahayag . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Kabuuan 50 puntos
TANDAAN
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Gamit ang video clip ng Magandang Buhay na isang talkshow ilista ang interaksyonal na gamit ng
wika mula sa pagsasalitaan ng mga tauhan.
Magandang Buhay with Vice Ganda Published on Apr 19, 2016 https://www.youtube.com/watch?v=UjIsvjDxwWg
Magandang Buhay with Daniel Padilla at Kathryn Bernardo Published on Apr 19, 201
https://www.youtube.com/watch?v=mzSZbGtxCe0
TAKDANG ARALIN
Isulat ninyo ang inyong mga karanasan na kung saan kayo ay nagagalit, naiinis natutuwa at iba
pang emosyon. Ibahagi ninyo ito sa klase bukas.
Sanggunian: Bernales, R. et, al. 2016. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Malabon City Mutya Publising
House Inc.p.52
Badayos, P. et.al 2010 Komunikasyon sa Akademikong Filipino Aklat sa Filipino 1-Antas Tersyaryo Malabon City.
Mutya Publishing House Inc.p. 5-6
Sesyon Guide: 16
83
Kulturang Pilipino
Petsa: Sesyon: 16
Pamantayang Pangnilalaman: Nuunawan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan at
gamit ng wika sa lipunang Pilipino.
I. LAYUNIN
Kaalaman: Nailalarawan ang personal na gamit ng wika.
Saykomotor: Nakasusulat ng isang editoryal tungkol sa isang napapanahong paksa.
84
C. PAGSASANAY Pumili ng isang napapanahong paksa at sumulat ng isang editorial
tungkol dito.
Sumulat ng Editoryal na Pumupuri, nagbigay aliw, tumutuligsa atbp.
Gamitin ang mga sumusunod na kriterya para sa pagmamarka ng
editoryal na isinusulat.
Kriterya:
Nilalaman . . . . . . . . . . . 20
Pagkakaorganisa . . . . . . . . . . . 15
Maayos na pagkagamit ng wika . . . . . . . . . . . 15
Kabuuan 50 puntos
Sesyon: 16
85
TUKLASIN
Ang buhay ay punong-puno ng misteryo. May mga pagkakataon na tayo ay natutuwa mayroon
ding nalulungkot tayo. Sari-saring ekspresyon ang makikita sa atin depende sa hinihingi ng
pagkakataon. Ang mga ekspresyon na ito ay isinasalaysay sa wikang ating ginagamit.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
(Ibahagi ninyo sa klase ang inyong mga karanasan na kung saan ay nagpapakita ng sari-saring emosyon.)
GAWAIN I
BASAHIN MO!
Basahin ang isang kolumn o komentaryo.
SA kabila ng kaliwa’t kanang pagbatikos ng mga human rights at religious groups hinggil sa extra judicial
killing at paglabag sa karapatang pantao, nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ito titigil sa kampanya
laban sa ilegal na droga.
“There will not be a let-up in this campaign against illegal drugs. We will not stop until the last drug lord,
the last financier, or the last pusher is put behind bars or below the ground if they so wish,” ayon kay Duterte sa
kauna-unahan niyang State of the Nation Address (Sona) kahapon na tumagal nang mahigit sa isa’t kalahating oras.
Sa kabila nito, sinabi niya na bibigyan niya ng proteksyon ang karapatang pantao.
Nangaral pa ito tungkol sa human rights. “Human rights must work to uplift human dignity; but human rights cannot
be used as a shield or an excuse to destroy the country,” pahayag nito.
Muli rin niyang ibinigay ang assurance ng kanyang suporta sa pulisya at iba pang ahensiya kontra sa droga. Habang
tinutugis ang mga tulak, drug dealers, prayoridad rin anya ng kanyang gobyerno ang pagrerehabilitate ng mga drug
users.
‘Endo’ dedma
Umani rin ng malakas na palakpak ang pangulo nang sabihin niya na ibaba niya ang corporate at personal
income tax.
“We will lower corporate and personal income tax and relax the bank secrecy law,” ayon sa pangulo.
Isa ang pagpapababa sa income tax sa mga pangakong binitiwan ni Duterte noong panahon ng kampanya, kabilang
na ang pagbasura sa kontrobersyal na isyu ng kontraktuwalisasyon at “endo”, na hindi man lamang nabanggit sa
halos dalawang oras na Sona.
‘Not vindictive’
Sa panimula pa lang ng kanyang talumpati, nag-abiso na agad ang pangulo na hindi niya gawi ang manuro at
manisi.
Hindi rin anya siya benggador o mapaghiganti, subalit nangako siya na hindi makaliligtas sa batas ang mga taong
sumira ng tiwala ng bayan.
“Those who betrayed people’s trust shall not go unpunished; they will have their day in court,” pahayag nito na wala
86
namang pinatutungkulan.
‘Abusado, lagot’
Nagbanta naman si Duterte na may paglalagyan ang mga opisyal na nang-aabuso ng kanilang kapangyarihan.
Kasabay nito iniuto na niya sa National Police Commission (NAPOLCOM) na pabilisin ang imbestigasyon laban sa
mga opisyal na sangkot sa mga ilegal na gawain, at magsagawa ng lifestyle check sa PNP.
Sinabi pa ni Duterte na malaki ang kontribusyon ng naging desisyon ng United Nations (UN) Permanent Court
of Arbitration para maisulong ang mapayapang resolusyon sa isyu ng West Philippine Sea. Nangako rin si Duterte
na paglipas ng anim na taon o sandaling bumaba na siya sa pwesto ay makikita ang pag-unlad ng ekonomiya ng
bansa. Kabilang dito ang pagtiyak na magkakaroon ng sapat na kita ang mga Pinoy para matustusan ang kaning
pangangailangan sa pagkain at iba pang pangangailangan.
Sa dakong huli ay siniguro ni Duterte na ang kanyang gobyerno ay magiging malinis, kasabay ang pagsusulong
sa federal system.
Sanggunian: http://bandera.inquirer.net/126951/laban-sa-droga-tuloy-duterte
PAGSUSURI
87
2. Naipapahayag ba ng may-akda ang kanyang sariling damdamin o opinyon sa akdang iyong binasa?
3. Masasabi mo ba na mahalaga ang wika sa pagpapahayag ng iyong damdamin o opinyon?
Patunayan.
ALAM MO BA NA…
Personal ang gamit ng wika sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon. Sa mga talakayang pormal o
impormal ay gamit ang tungkuling ito. Samantala, ang pagsulat ng liham sa patnugot at ng mga kolumn o
komentaryo ay mga halimbawa nito sa pasulat na anyo.
PAGSASANAY
Pumili ng isang napapanahong paksa at sumulat ng isang editoryal tungkol dito. Maaaring ito
ay pumupuri, nagbigay -aliw, tumutuligsa atbp pagkatapos ay ipabasa sa klase.
Gamitin ang mga sumusunod na kriterya para sa pagmamarka ng editoryal na isinusulat.
Kriterya:
Nilalaman . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Pagkakaorganisa . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Maayos na pagkagamit ng wika . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Kabuuan 50 puntos
PAGLALAPAT
Basahin ang Editoryal sa ibaba at at pagkatapos ay tukuyin ang personal na damdamin ng sumulat nito.
BALEWALA ang Republic Act 9211 (Tobacco Regulation Act of 2013). Sa ilalim ng batas na ito, ipinagbabawal
ang paninigarilyo sa pampublikong lugar at mga confined o enclosed areas gaya ng ospital, gusali, sinehan, school,
bus terminal, elevator, mga airconditioned room, klinika at recreational facilities para sa mga bata.
Pero ang malungkot na katotohanan, hindi naipatutupad ang batas na ito. Matapos pagkagastusan, pagbuhusan ng
oras, pagdebatehan at talakayin nang matagal ay hindi rin pala lubusang mapapakinabangan. Ang nakadidismaya,
may mga mambabatas na sila pa ang unang sumusuway sa batas. Sa halip na sila ang maging halimbawa para
maipatupad nang maayos ang batas, sila pa ang lumalabag.
Maraming naninigarilyo sa enclosed areas. Walang pakialam kahit na nasusulasok ang mga nasa loob ng kuwartong
airconditioned ng gusali. Walang pakialam kahit may magkasakit dahil sa ibinubugang second hand smoke.
Isa ang gusali ng Senado sa mga lugar na hindi nasusunod ang R.A. 9211. Umano’y may ilang senador na
naninigarilyo rito at hindi na isinasaalang-alang ang kalusugan ng iba pang nakalalanghap ng usok. May senador
umano na naninigarilyo sa loob mismo ng kanyang tanggapan. Dahil aircon ang tanggapan, hinihigop ito ng aircon
88
kaya ang mga katabing tanggapan ay nalalanghap din ang mabahong amoy ng sigarilyo. Sa halip na magbigay ng
halimbawa ang senador na huwag manigarilyo, siya pa ang pasimuno.
Sa ulat ng Department of Health, nangunguna ang cancer sa baga sa mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo at
maraming Pilipino ang nagkakaroon nito. Ang iba pang sakit ay cancer sa lalamunan, labi at dila at sakit sa puso.
Kandidato rin sa pagkakasakit ang mga nakalalanghap ng second hand smoke.
Ang mga mambabatas ang nararapat maging halimbawa sa pagpapatupad ng batas. Sila ang dapat manguna at hindi
‘yung sila pa ang nagpapakita nang kawalan ng respeto sa batas. Sundin sana ng ilang mambabatas na matakaw sa
yosi ang R.A. 9211.
Sanggunian: http://www.philstar.com/psn-opinyon/2013/06/16/954468/editoryal-paninigarilyo-sa-pampublikong-
lugar
TANDAAN
Ang wika ay nakatutulong upang ipahayag ang ating personal na damdamin o opinyon.
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
TAKDANG ARALIN
Mag-interview ng dalawang estudyante kung paano nila ginugol ang kanilang bakanteng oras.
Maaaring I- record ito sa cellphone upang mapakinggan sa klase.
Sanggunian:
Bernales, R. et, al. 2016. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Malabon City. Mutya Publising House Inc.p.53
Badayos, P. et.al. 2010 Komunikasyon sa Akademikong Filipino Aklat sa Filipino 1-Antas Tersyaryo Malabon City.
Mutya Publishing House Inc.p. 6
Sesyon Guide: 17
89
wikang Pambansa ng Pilipinas.
I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakabubuo ng mga katanungan para sa paghingi o pagtuklas ng
impormasyon.
90
pangyayari. Ilista ang mga katanungan.
1. Babae nasagasaan sa daan
2. Rally ng mga estudyante
3. Lindol sa isang barangay
4. Isang malaking sunog sa palengke
5. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin
6. Isyu o suliranin ng mga estudyante sa paaralan.
Kriterya:
Kaangkupan sa Paksa . . . . . . . . . . . 20
Kahusayan sa Pagbabalita . . . . . . . . . . . 30
(postura, kilos,ekspresyon,
bigkas at tinig)
Kabuuan 50 puntos
IV. PAGTATAYA Lagyan ng tsek (/) kung ang mga pahayag ay heuristik.
1. Ano ang nakaapekto sa mababa mong kuha sa asignaturang
Filipino?
2. Bakit palagi kang nahuli sa klase?
3. Paano mo makukuha ang iyong minimithing pangarap?
4. Huwag kang pumasok dito!
5. Ilan ang mga mag-aaral sa paaralang ito?
Sesyon: 17
PAKSA: Heuristik/Representatibo
TUKLASIN
91
MOTIBISYUNAL NA TANONG
GAWAIN I
KUNIN MO!
PAGKUHA NG IMPORMASYON SA ISANG PAKIKIPANAYAM
Mag-interview ng dalawang estudyante kung paano nila ginugol ang kanilang bakanteng oras. Iulat sa klase
ang naisagawang pakikipanayam sa mga kamag-aaral. Maaaring pakinggan ang inirecord sa cellphone.
1. Bakit kaya ginugol nila sa ganitong mga bagay-bagay ang kanilang nalalabing oras?
2. Nakuha ba ninyo ang gusto ninyong makuha na impormasyon sa mga mag-aaral?
3. Paano ninyo sinimulan ang inyong pakikipanayam?
PAGSUSURI
1. Batay sa pakikipanayam na inyong isinagawa nakuha ba ninyo ang mga impormasyon na gusto
ninyong malaman mula sa inyong mga kamag-aaral?
2. Sa pamamagitan ba ng wika ay nakukuha ninyo ang gusto ninyong malaman o
matuklasan?
3. Ano kaya ang gamit ng wika sa paghahanap ng impormasyon at ang pagbabahagi nito ng
pangyayari at detalye?
ALAM MO BA NA…
Heuristik ang tungkulin ng wikang ginagamit sa paghahanap ng impormasyon. Kabaligtaran nito ang tungkuling
impormatib na ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon.
Samakatuwid, ang pagtatanong ay heuristik at ang pagsagot sa tanong ay impormatib (maliban kung ang tanong ay
sinagot sa pamamgitan din ng tanong na kinagawian na yata ng marami). Ang pagsasarbey ay heuristik at ang
pagsagot sa survey sheets ay impormatib. Ang pakikipanayam at pananaliksik ay iba pang halimbawa ay iba pang
halimbawa ng tungkuling heuristik. Ang pag-uulat, pagtuturo at pagpapasa ng ulat o pamanahong papel naman ay
mga halimbawa ng tungkuling impormatib.
Representatibo ang gamit ng wika sa pagbabahagi ng mga pangyayari, makapagpapahayag ng detalye, gayundin
makapagdala at makatanggap ng mensahe sa iba. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
a.Pagbabalita
b.Pagbibigay-paliwanag/impormasyon
Bernales, R. et, al. 2016. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Malabon City Mutya Publising House Inc. p.51-
53
92
Badayos P. et al. 2010. Komunikasyon sa akademikong Filipino. Aklat sa Filipino1-Antas Tersyarya. Malabon
City. Mutya Publishing House Inc. P.5-6
Arreola, Fema A. Kalipunan ng mga Banghay- Aralin sa Pagtuturo ng Filipino 2 (Tuon sa Gramatika at Pagbasa)
Lungsod ng Pasig. PepEd.
PAGSASANAY
Gumawa ng isang imbestigasyon batay sa mga sumusunod na pangyayari. Ilista ang mga
katanungan.
1. Babae nasagasaan sa daan
2. Rally ng mga estudyante
3. Lindol sa isang barangay
4. Isang malaking sunog sa palengke
5. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin
6. Isyu o mga suliranin ng mga estudyante sa paaralan
PAGLALAPAT
TANDAAN
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Ngayong naunawaan mo na ang paksang tinalakay, subukin mong sagutin ang mga sumusunod:
TAKDANG ARALIN
93
Bawat grupo ay maglahad ng kani-kanilang mga na download na video na angkop sa gamit
ng wika na itinalaga sa kanila. Magbigay ng paliwanag pagkatapos ng presentasyon.
Sesyon Guide: 18
94
Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan ng
wikang Pambansa ng Pilipinas.
I. LAYUNIN
Kaalaman: Nasususuri ang mga gamit ng wika sa mula sa mga pahayag.
95
B. PAGLALAHAD I. Bawat grupo ay maglahad ng kani-kanilang mga na download na
video na angkop sa gamit ng wika na itinalaga sa kanila.
Magbigay ng paliwanag pagkatapos ng isang presentasyon.
Sundin ang sumusunod na kriterya sa pagmamarka.
Kriterya:
Kaangkupan sa paksa . . . . . . . . . . . 25
Paglalahad/Pagkamalikhain . . . . . . . . . . . 25
Kabuuan 50 puntos
Kriterya:
Pagkakabuo ng pahayag . . . . . . . . . . . 25
96
Kaangkupan sa paksa . . . .. . . . . . . . 25
Kabuuan 50 puntos
Sesyon: 18
TUKLASIN
Maaari nating makita ang mga gampaning pangwika sa inilahad ng pagsasadula, pagbabalita atbp.
Mga gawain na kung saan ay nagagamit ang wika. Sa paksang ito ay madaragdagang ang iyong
kaalaman sa iba pang gamit ng wika.
97
MOTIBISYUNAL NA TANONG
1. Ano pa kaya ang mga paraan na kung saan makikita mo ang gamit ng wika?
2. Mabisa ba ang mga paraan na ito upang ipakita ang gamit ng wika?
GAWAIN I
IPAKITA MO!
Bawat grupo ay maglahad ng kani-kanilang mga na download na video na angkop sa gamit ng wika na
itinalaga sa kanila. Habang naghahanda ang mga mag-aaral ay magbalik-aral muna sa kahulugan ng mga Gamit ng
wika sa lipunan. Magbigay ng paliwanag pagkatapos ng isang presentasyon.
Kriterya:
Kaangkupan sa paksa . . . . . . . . . . . . . . . . . . 25
Paglalahad/Pagkamalikhain . . . . . . . . . . . . . . . . . . 25
Kabuuan 50 puntos
PAGSUSURI I
Pansinin ang mga mahalagang pahayag sa ibaba. Magbigay ng reaksyon tungkol dito.
1. Mahalaga ang gampaning-papel ng wika sa ating buhay upang maipahayag at makontrol ang mga
bagay sa paligid.
2. Totoong ang mga hayop ay may sariling paraan ng komunikasyon sa mga kapwa hayop ngunit
iba ang wika ng tao.
PAGSUSURI II
1. Pansinin ang mga nakatalang pahayag sa Gawain 2 malinaw ba ang mga isinasaad ng mga ito?
2. Magkakaugnay ba ang unang kaisipan sa ikalawang kaisipan na pahayag?
3. Ano ang salitang nag-uugnay sa mga kaisipang ito?
ALAM MO BA NA…
Ang Cohesive device ay mga salita o parirala na nag-uugnay ng mga kaisipan, bagong lahad transisyon. Ginagamit
bilang pananda o pagpapatungkol, pagbibigay kahulugan ng pagkakaugnay ng dalawang sugnay o tinatawag na
pang-ugnay o tinatawag na mga pang-ugnay. Ang mga Pangtanig, pang-ukol at pang-angkop.
Isa pang halimbawa ay ang Anapora na ginagamit na pananda sa pangngalang pinalitan sa unahan at Kapora na
pinalitan sa hulihan.
Sanggunian: Arreola, Fema A. Kalipunan ng mga Banghay- Aralin sa Pagtuturo ng Filipino 2 (Tuon sa Gramatika at
Pagbasa). Kagawaran ng Edukasyon Kawanihan ng Edukasyon Sekondari DepEd Complex, Meralco Avenue
Lungsod ng Pasig.
PAGSASANAY
98
Batay sa mga sitwasyon, sumulat ng mga pahayag na nagpapakita ng mga gamit ng wika. Gumamit ng mga
cohesive device sa pagbuo ng mga pahayag.
PAGLALAPAT
Ilahad sa klase ang mga ginawa sa pagsasanay. Gawing gabay ang mga sumusunod na kriterya sa
pagmamarka:
Kriterya:
Pagkakabuo ng pahayag . . . . . . . . . . . . . . . . . . 25
Kaangkupan sa paksa . . . . . . . . . . . . . . . . . . 25
Kabuuan 50 puntos
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Ngayong naunawaan mo na ang paksang tinalakay, subukin mong sagutin ang mga sumusunod:
A. Pansinin ang usapan ng dalawang tauhan sa kasunod na dayalogo. Suriin ang tungkuling pangwika ng mga
pahayag:
TAKDANG ARALIN
Pag-aralan ang kasaysayan ng Pambansang Wika. Itala ang mga kaganapan sa Panahong binasa.
99
Sesyon Guide: 19
100
ng wika.
(F11PB-If-95)
I.LAYUNIN
Kaalaman: Natutukoy ang mga mahalagang pangyayari na may kinalaman sa
wika sa Panahon ng Kastila.
101
pangyayari sa Panahon ng Kastila na makikita sa ibaba.
D. PAGLALAPAT Ilahad sa klase ang nabuong monologo gawing gabay ang mga
sumusunod na
na kriterya sa pagmamarka.
Kriterya:
Kahusayan sa Paglalahad . . . . . . . . . . . 20
Pagkamakatotohanan . . . . . . . . . . . 20
Pagkamalikhain . . . . . . . . . . . 10 Kabuuan
50 puntos
E. PAGLALAHAT Bakit ang mga misyonerong Kastila mismo ang nag-aaral ng mga
wikang katutubo?
102
Sesyon: 19
TUKLASIN
Ang ating lupain, bago pa man natuklasan ng mga Europeo, ay may sarili nang sibilisasyon.
Mayroon na itong sistemang pampolitika sa anyo ng mga barangay, may konsepto ng mga diyos na
sinasamba sa pamamagitan ng paganismo; may sariling teknolohiya at mga kasangkapan na gamit sa
iba’t ibang gawain, may ugnayang panlabas, at may panitikan na nagsisilbing tagapag-ingat ng
kultura at kasaysayan. Isa pa sa mga dakilang patunay ng sibilisasyon ng ating mga ninuno ay ang
pagkakaroon ng sariling mga wikang buhay, estruktura, at lubos na pinakikinabangan sa araw-araw.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
1. Nagkakaintindihan kaya ang mga tao sa buong kapuluan sa pagkakaroon nila ng sariling
wikang buhay?
2. Ano kayang dayalekto ang nangingibaw kung dami ng mga taong nagsasalita nito
ang pinag-uusapan?
103
GAWAIN I
Panoorin Mo!!!
Panoorin mo ang video link na ito Learning ep 6 Spanish Subtitle by Spanish Tutors Hongkong
https://www.youtube.com/watch?v=FkiDCf5Vsas at pagkatapos ay sagutin mo ang mga katanungan sa ibaba.
PAGSUSURI
ALAM MO BA NA…
Sa panahong ito:
• Maraming pagbabago ang naganap at isa na rito ang sistema ng ating pagsulat.
• Ang sinaunang Tagalog ay isinusulat sa paraang silabiko o pantigan. Mayroon itong 17 titik:
3 patinig at 14 na katinig. Hindi tulad ng alpabetong Romano na magkabukod ang tunog
patinig at katinig na nangangailangang pagsasama ng dalawa o higit pa upang makabuo ng
pantig, ang mga titik sa baybaying Tagalog ay pinagsama ng katinig at patinig (ganap nang
pantig) na na nag-iiba-iba lamang ang bigkas depende sa pagkakaroon ng tuldok at sa
posisyon nito.
• Matagumpay na nahati at nasakop ng mga dayuhan ang mga katutubo. Napanatili nila sa
ilalim ng kanilang kapangyarihan ang mga Pilipino nang humigit-kumulang sa tatlong daang
taon.
• Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa sa naging layunin ng pananakop ng mga kastila.
Hindi naging mabilis ang pananakop na ginawa sapagkat nagkakaroon ng suliranin hinggil
sa komunikasyon.
• Kaya ang Hari ng Espanya ay nagtatag ng mga paaralang magtuturo ng wikang Kastila sa
mga Pilipino upang maging mabilis ang pagtuturo ng Kristiyanismo. Hindi naganap ang
planong ito dahil sa paglabag na ginawa ng mga prayle. Mas ninais nilang maging
mangmang ang mga Pilipino upang lalong madaling masakop.
• Ang mga misyonerong Kastila mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas.
Ayon sa kanila, may magandang epekto ito sa kanila. Una, mas madaling matutuhan ng
isang misyonero ang wika ng isang rehiyon kaysa ituro sa lahat o kahit ilan lamang sa taong
bayan ang Espanyol. Ikalawa higit, na magiging kapani-paniwala at mabisa kung ang isang
banyaga ay nagsasalita ng katutubong wika.
• Hindi naman ito mahirap dahil maraming tunog sa Tagalog ang kahawig ng tunog sa
Espanyol (San Juan, 1974).
• Sa mga wika sa Pilipinas, kahit bago pa man dumating ang mga mananakop, ang maituturing
na pinakamaunlad at nag-angkin ng pinakamayamang panitikan ay ang Tagalog. Ayon sa
paring Heswita na si Padre Chirino, sa Tagalog niya nakita ang mga katangian ng apat na
pinakadakilang wika ng daigdig: ang wika at hirap ng Ebreo, ang pagiging natatangi ng
salita ng Griyego lalo na sa mga pangngalang pantangi, ang pagiging buo ng kahulugan at
pagkaelegante ng Latin, at ang pagiging sibilisado at magalang ng Espanyol (San Juan
104
1974).
• Ang Hari sa kanyang unang atas sa mga kleriko ay ipinapagamit ang wikang katutubo sa
pagtuturo ng pananampalataya upang madaling mahikayat ng mga Pilipino sa Kristiyanismo.
Subalit hindi naman ito nasunod.
• Para kay Gobernador Tello noon May 25, 1956, iniatas niya na dapat turuan ang mga Indio
ng wikang Espanyol.
• Para naman kay Carlos I at Felipe II, kailangang maging bilinggwal daw ang mga Pilipino.
Kailangang may kakayahan at kasanayan sila sa paggamit ng wikang katutubo at Kastila.
• Noon namang 1550, iniatas ni Carlos I na ituro ang doktrinang Kristiyana sa pamamagitan
ng wikang Kastila. Inilahad ng batas ang tungkol sa pangangailangang magkaroon ng guro
ang mga Indio na magtuturo ng kanilang dapat matutuhan sa paraang hindi sila mahihirapan.
• Noon namang Marso 2, 1634, muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol sa pagtuturo
ng wikang Kastila sa lahat ng katutubo upang umunlad ang pananampalataya ng mga taong
bayan,
• Hindi naging matagumpay ang mga kautusang nabanggit kung kaya si Carlos II ay naglagda
ng isang dekreto na inuulit ang mga probisyon sa mga nabanggit na batas. Nagtakda rin siya
ng parusa para sa mga hindi susunod dito.
• Noong Disyembre 29, 1792 nilagdaan ni Carlos IV ang isa pang dekrito na nag-uutos na
gamitin ang wikang kastila sa mga paaralang itatatag sa lahat ng mga pamayanan ng Indio.
• Nakapagpalabas ang monarkiya ng Espanya mula 1867 hanggang 1899 ng 14 na atas na
nagtatakda ng paggamit at pagtuturo ng wikang Espanyol ngunit lahat ng ito ay pawang
nabigo. Isa sa mga tampok na atas-pangwika na ipinalabas ng monarkiya ng Espanya ay ang
Dekretong Esdukasyonal ng 1863 na nag-aatas ng pagtatatag ng primaryang paaralan sa
bawat pueblo sa Maynila upang mabigyan ng edukasyon sa Espanyol ang mga anak ng mga
katutubo. Itinakda rin nito na Espanyol lamang ang gagamiting midyum ng pagtuturo dahil
ang pangunahing layunin g kurikulum ay ang pagkakaroon ng literasi sa Espanyol
(Catacataca at Espiritu,.2005). Isinasaad pa sa dekreto na hindi pahihintulutang humawak ng
anumang katungkulan sa pamahalaan ang mga katutubong hindi marunong magsalita,
bumasa, o sumulat sa espanyol, apat na taon makaraan ang puublikasyon ng batas upang
mapilitan ang mga Pilipino na pag-aralan ang wika ng mga mananakop.
• Sa kabila ng pagnanais ng monarka na mabigyan ng sapat na edukasyon ang mga katutubo at
maituro sa kanila ang Espanyol, nabigo ito dahil sa paghadlang ng mga prayle. Ayon nga sa
bayaning si Marcelo H. del Pilar, sinabotahe ng mga relihiyoso ang programang pangwika.
• Sila ang may kasalanan kung bakit nananatiling mababa ang kalagayang pang-edukasyon ng
Pilipinas. Ito ay dahil natatakot ang mga prayle na maging kolonyang Hispano ang mga
Pilipino sa halip na kolonyang monastiko (Catacataca at Espiritu, 2005).
Sa mga nabanggit na batas, maliwanag na tunay ang hangarin ng pamahalaang Kastila na turuan ang
mga Pilipino ng wikang kastila. Mapatutunayan ito sa pamamagitan ng may labing-apat na dekrito na
inaprobahan mula noong 1867 hanggang 1899. Ang naging hadlang lamang upang hindi matupad ang
pagtuturo nito ay ang mga prayle na nangangasiwa at naging tagapamahala ng mga paaralan sa bansa.
Kung tutuusin may gumagana nang wika ang mga katutubo bago dumating ang mga mananakop.
Mahusay na ang wikang ito kaya minabuti ng mga misyonero na huwag na itong burahin, sa halip ay
panatilihin at gamitin sa kanilang pakikipag-ugnayan sa mga katutubo. Kung may pamanang pangwika man
na naiwan ang mga Espanyol sa kanilang mahigit 300 taong pananakop, ito ay (1) romanisasyon ng
silabaryo ng mga wikang ginagamit sa Pilipinas na nagpahintulot ng mas madaling komunikasyon ng mga
Pilipino sa daigdig na gumaamit na rin ng sistemang iyon (2) ang yaman ng bokabularyong Espanyol na
nakapasok sa talasalitaan ng ga katutubong wika sa Pilipinas. Hinahadlangan man ng mga misyonero ang
ganap na pagkatuto ng mga katutubo ng Espanyol, naging kapalit naman nito ay ang pananatiling buhay ng
ga lokal na wika sa Pilipinas na ginagamit ng mga Pilipino hanggang ngayon.
Sanggunian: Reyes, A. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Makati City
Diwa Learning Systems Inc.p. 3-8
105
Mga Karagdagang impormasyon tungkol sa Panahon ng Kastila
Xiao Time: Ang mga patakarang nagpahirap sa Indio noong kolonyalismong Espanyol || Mar. 12, '14
https://www.youtube.com/watch?v=ImOqSIRar1I
Ang Pamahalaan at Pamumuhay sa ilalim ng Kastila Published on Jul 19, 2013
https://www.youtube.com/watch?v=iisaEZ2dVEc
PAGSASANAY
PAGLALAPAT
Ilahad sa klase ang nabuong monologo gawing gabay ang mga sumusunod na kriterya sa pagmamarka.
Kriterya:
Kahusayan sa Paglalahad . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Pagkamakatotohanan . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Pagkamalikhain . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Kabuuan 50 puntos
TANDAAN
Ang mga misyonerong Kastila mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas. Ayon sa
kanila, may magandang epekto ito sa kanila. Una, mas madaling matutuhan ng isang misyonero ang
wika ng isang rehiyon kaysa ituro sa lahat o kahit ilan lamang sa taong bayan ang Espanyol. Ikalawa
higit, na magiging kapani-paniwala at mabisa kung ang isang banyaga ay nagsasalita ng katutubong
wika.
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari ayon sa ngaganap sa panahon ng kastila.Lagyan ng bilang 1-6.
__ 1956, inaatas ni Gob. Tello na dapat turuan ang wikang Kastila ang mga Indio.
__ 1550, iniatas ni Carlo I na ituro ang Doktrina Kristiyana sa pamamagitan ng wikang Kastila (Kauna-unahang
aklat na nailimbag sa Pilipinas.
__ Dumating ang mga misyonerong Kastila sa Pilipinas.
__ Ang mga misyonerong Kastila mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas
__Ang Hari sa kanyang unang atas kleriko ay ipinapagamit ang wikang katutubo sa pagtuturo ng panananmpalataya
upang madaling mahikayat ang mga Pilipino sa Kristiyanismo.
__ Noong Marso 2, 1634 muling inulit ni Haring Filipe ang utos tungkol sa pagtuturo
ng wikang Kastila sa lahat ng Katutubo upang umunlad ang pananampalataya ng mga taong bayan.
__ Nakapagpalabas ang monarkiya ng Espanya mula 1867 hanggang 1899 ng 14 na atas na nagtatakda ng paggamit
at pagtuturo ng wikang Espanyol ngunit lahat ng ito ay pawang nabigo.
106
B. Maglista ng mga pagbabagong naganap sa panahon ng Kastila. (5puntos).
TAKDANG ARALIN
1. Basahin at Pag-aralan ang Kasaysayan sa Panahon ng Rebolusyong Pilipino.
2. Sa tulong ng mga aklat at internet, magsaliksik ng mga akda at kontribusyon na isinulat ng
iilang propagandista.
Sesyon Guide: 20
107
B. SANGGUNIAN Reyes, A. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Makati City Diwa Learning
Systems Inc.p.-8
C. PAGSASANAY
PANGKATANG GAWAIN :
1. Pumili sa mga sumusunod na mga gawain na ilalahad ng pangkat.
Kailangang may tema ito nang matinding pagmamahal sa bayan sa
panahon ng rebolusyon.
a. Interpretative dance
b.Awitin
c.Pagbuo ng Tula
1.Interpretative Dance
Kaangkupan sa Tema
(Pagmamahal sa bayan) . . . . . . . . . . . 10
Musika . . . . . . . . . . . 10
Kasuotan . . . . . . . . . . . 10
Kahusayan sa Paglalahad . . . . . . . . . . . 20
Kabuuan 50 puntos
108
2.Awitin
Kaangkupan sa Tema
(Pagmamahal sa bayan) . . . . . . . . . . . 10
Timbre, Tiempo, Kalinawan . . . . . . . . . . . 20
Interpretasyon at Ekspresyon . . . . . . . . . . . 10
Pagtatatanghal . . . . . . . . . . . 10
Kabuuan 50 puntos
3.Pagbuo ng Tula
Nilalaman . . . . . . . . . . . 20
Istilo . . . . . . . . . . . 10
Pananalita . . . . . . . . . . . 10
Orihinalidad . . . . . . . . . . . 10
Kabuuan 50 puntos
E. PAGLALAHAT Anong mga katangian ang makikita ninyo sa mga bayani na
nagbibigay kontribusyon sa Panahon ng Rebolusyon?
IV. PAGTATAYA Pagpapaliwanag:
1. Anu-ano ang kontribusyon ng mga propagandistang ito sa
pagpapaunlad ng wikang Pambansa?
2. Bakit naging matindi ang damdaming nasyonalismo ng mga
propagandista sa panahon ng rebolusyon?
109
Sesyon: 20
TUKLASIN
Sa panahon ng Kastila marami ang pagbabagong naganap. Isa na rito ang sistema ng pagsulat, ang
pagpapakilala sa Kristiyanismo sa ating bansa. Ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa sa
naging layunin ng pananakop ng Kastila.
Ngayon, ay gagalugarin natin ang isang kaganapan na kung saan may mga Pilipino na nag-alsa
laban sa pamamalakad ng mga Kastila.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
GAWAIN I
KILALANIN MO!
110
http://www.google.com.ph/search?q=picture+of+marcelo+h.+del+pilar&tbm=isch&imgil=I5Nhv9Z_Y1T2BM
%253A%253BkMhfOpEc-KOnTM%253Bhttp%25253A%25252F%25252Ffilipinobiography.com
%25252Fgregorio-h-del-pilar&source=iu&pf=m&fir=I5Nhv9Z_Y1T2BM%253A%252CkMhfOpEc-KOnTM
%252C_&usg=__DKDSaQLGnA9BEBvbMVr3AHVrrqk
%3D&biw=1366&bih=588&ved=0ahUKEwik3qy8xZHQAhXGWrwKHe2BAQkQyjcIOg&ei=l8YdWOS2Nsa18Q
Xtg4ZI#imgrc=zTXOfP5sulhGfM%3A
http://www.google.com.ph/search?
q=LARAWAN+NI+ANDRES+BONIFACIO&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjJpL609pTRAhXM
l5QKHbD3BioQ_AUICCgB&biw=1366&bih=588#imgrc=MYWkV0CNHmXKOM%3A
PAGSUSURI I
Isulat ang mga akda at kontribusyon na isinulat ng iilang propagandista sa Panahon ng rebolusyon.
Isulat ang mga ito sa kahon sa tapat mismo ng kanilang pangalan.
Andres
Bonifacio
Jose Rizal
Mga
Rebolusyunista/
Propagandista Graciano
Lopez Jaena
111
Marcelo
Antonio H.
Del
LunaPilar
PAGSUSURI II
1. Malaki kaya ang naitulong ng mga propagandistang ito sa ating pambansang wika?
2. Ang kanilang mga naisulat kaya ay nakaimpluwensya sa ating ugali? Paano?
ALAM MO BA NA…
Ang Panahon ng Rebolusyong Pilipino ay tinatawag ding Himagsikang Pilipino o tinatawag ding Himagsikan ng
mga Tagalog ay tunggalian ng mga Pilipino sa Pilipinas at ng mga Espanyol na nanunungkulan sa ating bansa.
Nagsisimula ito noong ika – 1896 ng Agosto nang matuklasan ng mga Kastila ang Katipunan na pinamumunuan ni
Andres Bonifacio, ay isang kilusang magpapalaya sa mga Pilipino laban sa mga Kastila. Sa panahon ng pagmimisa
sa Caloocan ay inoorganisa ng mga namumuno ng Katipunan ang kanilang sarili upang magtayo ng isang kilusan
laban sa Gobyerno. Pinangalanan nila ang bagong naitayo na gobyerno na “Haring Bayang Katagalugan”.
Sangguin: https://en.wikipedia.org/wiki/Philippine_Revolution
Sa inilathala ni Bernardita Reyes Churchill sa kanyang “The Katipunan Revolution” sumabog ang rebolusyon sa
noong ika -23 ng Agosto 1896, sa isang pangyayari na magugunita bilang “Cry of Pugad Lawin”. Sa labas ng bayan
ng Maynila ay nagtitipun-tipon ang mga miyembro ng isang sekretong rebolusyong panlipunan na kilala bilang
Katipunan ( Kataas-taasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan.
Sanggunian: http://ncca.gov.ph/subcommissions/subcommission-on-cultural-heritagesch/historical-research/history-
of-the-philippine-revolution/
Nanawagan si Bonifacio ng isang labanan ngunit nabigo ito. Gayunman ay ang nakapaligid na lalawigan ay
nagsimulang maghimagsik. Sa katanuyan ang mga rebelde sa Cavite na pinamumunuan ni Mariano Alvarez at
Emilio Aguinaldo ay nagtagumpay sa kanilang pakikipaglaban.
Ang Propaganda ay panahon na kung saan ang mga katutubong Pilipino ay nanawagan ng reporma o pagbabago na
nagsimula noong 1868 – 1898 at ang pinakaaktibo ay noong 1880 and 1895.
Sanggunian: https://en.wikipedia.org/wiki/Propaganda_Movement
112
• Sa pagtatapos ng Kolonisasyon sa Espanya at unti-unti noong pag-usbong ng sariling pamahalaan mg mga
Pilipino, kinikilala ang halaga ng pagkakaroon ng opisyal na wika.
• Ayon sa artikulo 8 ng Konstitusyon ng Biak-na-Bato na inakda nina Felix Ferrer at Isabelo Artacho at nilagdaan
noong ika-1 ng Nobyembre 1897, Tagalog ang dapat na maging opisyal ng Republika.” Dagdag pa, ituro sa
elementarya ay wastong pagbasa, pagsasalita at pagsulat sa wikang opisyal na Tagalog.
• Sa Konstitusyon ng Malolos na inakda nina Felipe Calderon at Felipe Buencamino at nilagdaan noong ika-21 ng
Enero 1899, ibinalik naman ang Espanyol bilang pansamantalang opisyal na wika sang-ayon sa artikulo 93, habang
pinipili pa sa mga wikang sinasalita sa Pilipinas ang hihiranging opisyal na wika at Kulturang Filipino
Sanggunian: Reyes, A. 2016.Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Makati City. Diwa
Learning System.
• Tagalog naman ang ginamit ng mga manghihimagsik sa paglikha ng mga tula, sanaysay liham at talumpati.
• Sa panahong ito marami na ring mga Pilipino ang naging matindi ang damdaming nasyonalismo. Nagtungo sila sa
ibang bansa upang kumuha ng mga karunungan.
Kabilang sa mga ito ay sina:
a) Dr. Jose P. Rizal
b) Graciano Lopez-Jaena
c) Antonio Luna
d) Marcelo H. del Pilar
Sanggunian: Badayos, P. et. al. 2010. Komunikasyon sa akademikong Filipino. Aklat sa Filipino1-Antas Tersyarya.
Malabon City. Mutya Publishing House Inc.
Sanggunian: http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Marcelo_H._del_Pilar
Isa sa pinakatanyag na akda ni Antonio Luna na gumamit ng sagisag panulat na Taga-Ilog ay ang Impresiones,
isang kalipunan ng mga satirikong obserbasyon, tala sa paglalakbay at puna sa mga gawi ng Espanyol. Mailathala
ito noong 1891 habang nasa Espanya siya kasama ang mga Propagandista. Tagapagtatag din siya ng La
Independencia na lumabas noong Digmaang Filipino-Americano.
Sanggunian: http://kwf.gov.ph/si-heneral-luna-bilang-manunulat-sa-kapihang-wika-ng-kwf-2/.
Ang pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag-panulat na Laong Laan ay naging bahagi ng
pahayagang La Solidaridad; at ang may-akda ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na unang
nalimbag at nalathala sa Espanya at naging mitsa sa mga rebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas laban sa mga
Kastila. Sumulat din si Rizal ng mga sanaysay gaya ng Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino at Sa Mga
Kabataang Dalaga sa Malolos.
Sanggunian: https://libtong.wordpress.com/2011/12/02/panitikan-sa-filipino/
Sina Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena at Jose Rizal ay sumulat ng pahayagang La Solidaridadad
(Solidarity) na unang nailathala sa Barcelona noong Disyembre 13,1888. “The propagandists mainly aimed for
representation of the Philippines in the Cortes Generales secularization of the clergy, the legalization of Spanish
and Filipino equality, creation of public school system independent of Catholic friars; Abolition of polo y servicio
or labor services;among others.
113
Ang kanilang pinakapangunahing isinulat ay ang La Solidaridad dahil sa brutal na pamamahala ng mga Gobernador
Heneral.
Isunulat din ni Rizal ang mga nobelang Noli Me Tangere na inilathala noong (1887) at El Filibusterismo na
inilatahala noong (1891).
Sanggunian: https://en.wikipedia.org/wiki/Propaganda_Movement
Maraming akdang naisulat sa wikang Tagalog. Pawang mga akdang nagsasaad ng pagiging makabayan,
masidhing damdamin laban sa mga Kastila ang pangunahing paksa ng kanilang mga isinulat.
Simula ng pakikibaka sa kalayaan ginamit na ng mga Katipunero ang wikang Tagalog sa mga opisyales
na kasulatan.
Tingnan ang mga video link na ito na makapaglalarawan sa kinalalagyan ng mga Pilipino sa Panahon ng
Renolusyon.
xiao time: emilio jacinto, ang utak ng rebolusyon https://www.youtube.com/watch?v=Nt_XoWnzxGA
xiao time: Ang unang sigaw ng himagsikan sa balintawak, kalookan https://www.youtube.com/watch?
v=fdP1ycFDTSU
Sanggunian: Badayos, P. et.al 2010. Komunikasyon sa akademikong Filipino sa Aklat sa Filipino 1 Antas
Tersyaryo. Malabon City. Mutya Publishing House Inc.
Nagsanduguan sila at inilagda sa pamamagitan ng kani-kaniyang mga dugo ang kanilang pangalan bilang kasapi ng
samahan.
Ang mga manunulat na natampok sa panahong ito’y sina Andres Bonifacio (Ama ng Katipunan) at Enilio Jacinto
(Utak ng Katipunan). Kabilang dito si Pio Valenzuela. Ang wikang nagtatampok nang panahong ito’y ang Tagalog.
Kung sa panulat man ni Bonifacio’y sinasabi niyang “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog”, mababasa namang
ang tinutukoy dito’y ang mamamayang Pilipino, hindi naman niya matatawag na mga Pilipino sapagkat ang mga
Pilipino noo’y ang mga Kastilang ipinanganak sa Pilipinas, hindi rin naman maaaring gamitin ang Indio
sapagkat ito’y panlilibak ng mga Kastila.
114
pahayagang ito mula ika -28 ng Disyembre, 1898 hanggang kalagitnaan ng 1899. Layon nitong pag-alabin ang
damdaming makabayan tulad din ng mga naunang pahayagan.
4. La Independencia - naging patnugot nito si Antonio Luna. Itinatag ito noong ika-3 ng Setyembre, 1898.
5. La Republika Filipina - Pinamatnugutan at itinatag ni Pedro Paterno noong 1898.
6. Ang kaibigang Kahapis - hapis. Lumabas noong ika-24 ng Agosto, 1899.
7. Ang Kaibigan ng Bayan - Lumabas noong 1898.
8. Ang Kalayaan - Tagapamalitang Tagalog at Capampangan, Tarlac, 1899.
Sangunian: http://pinoypanitik.weebly.com/panahon-ng-himagsikan.html
PAGSASANAY
PANGKATANG GAWAIN:
Pumili sa mga sumusunod na mga gawain na ilalahad ng pangkat. Kailangang may tema ito nang
matinding pagmamahal sa bayan sa panahon ng rebolusyon.
a. Interpretative dance
b. Awitin
c. Pagbuo ng Tula
PAGLALAPAT
1. Interpretative Dance
Kaangkupan sa Tema
(Pagmamahal sa bayan) . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Musika . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Kasuotan . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Kahusayan sa Paglalahad . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Kabuuan 50 puntos
2. Awitin
Kaangkupan sa Tema
(Pagmamahal sa bayan) . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Timbre,Tiempo, Kalinawan . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Interpretasyon at Ekspresyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Pagtatatanghal . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Kabuuan 50 puntos
3. Pagbuo ng Tula
Nilalaman . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Istilo . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Pananalita . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Orihinalidad . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Kabuuan 50 puntos
TANDAAN
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Ngayong naunawaan mo na ang paksang tinalakay, subukin mong sagutin ang mga sumusunod:
115
1. Anu-ano ang kontribusyon ng mga propagandistang ito sa pagpapaunlad ng wikang Pambansa?
20 puntos.
2. Bakit naging matindi ang damdaming nasyonalismo ng mga propagandista sa panahon ng
rebolusyon? 15 puntos.
TAKDANG ARALIN
Sesyon Guide: 21
Asignatura: Komunikasyon at Baitang: Grade 11
Pananaliksik sa wika at Kulturang
Pilipino
Petsa: Sesyon: 21
I. LAYUNIN
Kaalaman: Naihahambing ang mga pananaw ng mga edukador sa paggamit ng
Ingles bilang wikang panturo sa Panahon ng Amerikano.
116
Kulturang
Pilipino. Makati City Diwa Learning Systems Inc. p.8-11
Kriterya:
Katibayan o ebidensya . . . . . . . . . . . 30
Pagbigkas . . . . . . . . . . . 10
Pagkilos sa entablado . . . . . . . . . . . 10
Pagtatanungan
(Tanong-Sagot) . . . . . . . . . . . 20
Pagtuligsa . . . . . . . . . . . 30
Kabuuan 100 puntos
117
IV. PAGTATAYA Sino-sino ang mga tao sa panahon ng Amerikano na naniniwala na
dapat gamitin pa rin ang sariling wika lalo na sa pagtuturo?
Ano naman ang kanilang dahilan?
V. TAKDANG-ARALIN
Pag-aralan ang Kasaysayan ng Pambansang wika sa Panahon ng
Hapon.
Sesyon: 21
TUKLASIN
Sa panahon ngayon marami sa mga Pilipino ang taal sa pagsasalita ng wikang Ingles.
Isang bentahe ng pagkatuto ng Ingles ang mabilis na pakikibahagi ng mga Pilipino sa
komunikasyonng internasyonal. Ang isang tao ay hindi lamang mamamayan ng Kaniyang bansa
kundi ng daigdig. Gayunpaman, dapat maging una sa Pilipino ang kaniyang kaakuhan. Wika ng iba
ang wikang Ingles ang siyang tulay sa pambasang kaunlaran.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
GAWAIN I
PANOORIN MO!
PAGSUSURI
ALAM MO BA NA…
Nang lagdaan ng mga kinatawang mula sa Espanya at Estados Unidos ang Kasunduan sa Paris noong ika-10 ng
Disyembre 1898 na nagkabisa noong ika-11 ng Abril 1899, nailipat ang pamamahala ng Pilipinas mula Espanya
118
tungo sa noon ay umuusbong pa lamang na superpower ng daigdig ang Estados Unidos.
Sa pagdating ng mga Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey ay nagsisimula na naman ang
pakikipaglaban ng mga Pilipino. Ginamit nilang instrumento ang edukasyon na sistema ng publikong paaralan at
pamumuhay na demokratiko. Mga gurong sundalo na tinatawag na Thomasites ang mga naging guro noon. Dahil
wikang Ingles laman ang alam nilang salitain, ay nagkaroon ng suliranin sa komunikasyon lalo na sa pagtuturo ng
mga aralin sa mga mag-aaral. Ayon kay William Cameron Forbes, na naniniwalang ang mga kawal na Amerikano
na mahalagang maipalaganap agad sa kapuluan ang wikang Ingles upang madaling magkaunawaanan ang mga
Pilipino at mga Amerikano.
Inihayag ni pangulong McKinley ang magiging bisa sa Pilipinas ng Kasunduan sa Paris noong ika-21 ng
Disyembre 1898 sa pamamagitan ng ng Benevolent Assimilation. Ayon dito papasok ang mga Amerikano sa
Pilipinas hindi bilang mananakop kundi bilang “kaibigang “ mangangalaga sa mga tahanan, hanapbuhay at
karapatang pansarili at panrelihiyon ng mga Pilipino. Upang mataya ng bagong teritoryong napapasailalim sa
kanilang pamamahala, nagpadala si Pangulong McKinley ng dalawang komisyong mag-aaral dito. Ang unang
komisyong binuo noong ika-20 ng Enero 1899 ay pinamunuan ni Dr. Jacob Schurman, noon ay pangulo ng Cornell
Universiy, habang ang ikalawa ay pinamunuan ni William Howard Taft, isang pederal na hukom sa Ohio na
itinalaga sa katungkulan noong ika-16 ng Marso 1900.
Ayon sa mga konsultasyon at pagdinig na isinagawa ng komisyong Schurman, napag-alaman nito na higit na
pinipili ng mga pinunong Pilipino ang Ingles bilang wikang panturo sa mga publikong paaralan kaysa mga wikang
mabisang instrument ng katutubo o Espanol dahil ingles ay “mahigpit na nagbibigkis sa mga mamamayan at
mabisang instrumento sa pagpapalaganap ng mga prinsipyo ng demokrasya” (Catacataca at Espiritu, 2005). Dahil
dito, inirekomenda ng komisyon ang agarang pagtuturo ng Ingles sa mga paaralang primary. Sinusugan ito ng
Komisyon sa bansa gayong may kani-kaniyang wika ang bawat pangkat sa Pilipinas.
Ang paniniwala ni David Doherty, isang linggwistang Amerikano na nagsasabing dapat gamitin ang wikang
Ingles sa mga paaralan sapagkat ang mga wikang bernakular ay hindi sapat para sa edukasyon.
Maging si David Borrows na naging Direktor ng Edukasyon (1903) ay naniniwalang ang pagkakaisa ay
nakasasalalay sa iisang wika tulad ng Ingles. Idinagdag pa niya na ang kaalaman sa Ingles ay nagbibigay ng
proteksyong sosyal at kakakaibang katayuan sa lipunan para sa mga mamamayan.
Dahil pinagkalooban ang ikalawang komisyon ng limitadong kapangyarihan bumuo ng batas at pamahalaan ang
bansa, ipinatupad nito ang Batas Blg. 74 noong ika-21 ng Enero 1901 na nagtatag ng Department of Public of
Instruction (ang kasalukuyang Kagawaran ng Edukasyon o Deped) na mangangasiwa sa libreng pampublikong
edukasyon sa bansa. Itinakda rin nito na hangga’t maaari ay Ingles ang gagamiting wikang panturo sa lahat ng
paaralang bayan. Ayon kay Taft, napili ang Ingles na maging wikang opisyal sa Pilipinas dahil ito ang wika ng
Silangan, wika ng isang demokratikong institusyon, wika ng kabataang Pilipinong hindi marunong ng Espanyol at
wika ng puwersang namamahala sa Pilipinas. Mas madali rin daw matutuhan ang Ingles kaysa Espanyol (Catacataca
at Espiritu, 2005).
May mga tutol din sa paggamit ng wikang Ingles isa na rito si N. M. Saleeby, isang Amerikanong
Superintendente ng mga paaralan ay naglalahad ng kanyang paniniwala sa kanyang artikulong “The Language of
Education in the Philippine Island” tungkol sa wikang panturo na dapat gamitin. Ayon sa kanya kahit na
napakahusay ang maaaring pagtuturo sa wikang Ingles ay hindi pa rin ito magiging wikang panlahat dahil sa ang
mga Pilipino ay may kani-kaniyang wikang bernakular na nananatiling ginagamit sa kanilang mga tahanan at sa
pang araw-araw na gawain.
Si Bise Gobernador Heneral Butte, dating kalihim ng Paturuang Pambayan ay pumanig sa paniniwalang
epektibong gamitin ang mga wikang bernakular sa pagtuturo sa mga Pilipino. Ito ay kanyang ipinahayag sa
pamamagitan ng kanyang talumpating binigkas sa women’s League sa Maynila noong Agosto 27, 1931 na
ikinagulat ng mga nasa larangan ng edukasyon. Naniniwala siya na ang paggamit ng mga katutubong wika sa mga
baitang primary ay makakatutulong nang malaki sa mga estudyante upang malaman ang kanilang katutubong wika
sa panitikan.
119
Pilipino. Makati City. Diwa Learning Systems Inc. p.8-11
PAGSASANAY
Bumuo ng pangkat upang magkaroon ng debate tungkol sa mga isyung pangwika “Ingles laban sa
Tagalog”. Pumili lamang sa mga sumusunod na paksa.
a. Karapat-dapat bang gawing pambansang wika ng Pilipinas ang Ingles?
b. Mababaw lang ba ang kaalaman na makukuha natin sa sariling wika?
c. Masasabi bang intelektwalisadong wika ang Tagalog?
d. Magagamit ba ang wikang Tagalog sa mataas na level ng talakayan?
PAGLALAPAT
1. Ilahad ang debateng pinaghandaan.
2. Gamitin ang sumusunod na kriterya bilang gabay sa pagmamarka.
Kriterya:
Katibayan o ebidensya . . . . . . . . . . . . . . . . . . 30
Pagbigkas . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Pagkilos sa entablado . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Pagtatanungan (Tanong-Sagot) . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Pagtuligsa . . . . . . . . . . . . . . . . . . 30
Kabuuan 100 puntos
TANDAAN
Higit na pinili ng mga pinunong Pilipino ang Ingles bilang wikang panturo sa mga pampublikong
paaralan kaysa mga wikang katutubo o Español dahil ang Ingles ay mahigpit na nagbibigkis sa mga
mamamayan at mabisang instrumento sa pagpapalaganap ng mga
prinsipyo ng demokrasya.
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Ngayong naunawaan mo na ang paksang tinalakay, subukin mong sagutin ang mga sumusunod:
1. Sino-sino ang mga tao sa panahon ng Amerikano na naniniwala na dapat gamitin pa rin ang
sariling wika lalo na sa pagtuturo?
2. Ano naman ang kanilang dahilan?
120
TAKDANG ARALIN
Sesyon Guide: 22
Pamantayang Pangnilalaman: Nuunawan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan at gamit ng
wika sa lipunang Pilipino
Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan ng wikang
Pambansa ng Pilipinas.
I. LAYUNIN
Kaalaman: Nailalarawan ang mga kaganapan at sitwasyon ng pambansang wika sa
panahon ng mga Hapon.
121
4. Mabuti o masama ba ang kanilang hangarin sa bansa natin? Pangatuwiranan.
PAGSASANAY 2
Magsagawa ng isang pakikipanayam sa mga lolo at lola ninyo na nabubuhay sa
Panahon ng mga Hapon. At sumulat ng sanaysay tungkol dito.
1. Ano ang naiambag/impluwesiya ng Hapon sa mga Pilipino? Pag-isa-isahin
at ipaliwanag.
2. Nanumbalik ba ang sigla ng mga manunulat ng Tagalog pagkaraan ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Pangatwiranan.
3. Anu-ano ang epekto ng kanilang pananakop? Makatarungan ba ito?
Ipaliwanag.
4. Bakit sinasabing pinakamasiglang talakayan sa wika noong panahon ng
Hapon?
Kriterya:
Nilalaman . . . . . . . . . . . 20
Pagkakaorganisa sa nilalaman . . . . . . . . . . . 15
Paggamt ng wika . . . . . . . . . . . 15
Kabuuan: 50 puntos
IV. PAGTATAYA Tama o Mali: Isulat ang titik T kung ang pahayag ay tama at kung mali
bilugan ang salitang mali at isulat ang tamang salita sa espasyo bago ang
bilang.
_____1. Ibig ng mga Hapon na malimutan ng mga Pilipino ang wikang Ingles.
_____2. Ipinalabas ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nagsasaad na ang opisyal
na mga wika at Ingles at Tagalog.
_____3. Hindi pa gaanong matagal na ipinaturo ang wikang pambansa ay
sumiklab na ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig na dahilan ng
sandaling pagsara ng mga paaralan.
_____4. Layunin ng KKK ang pagpapabuti ng edukasyon at moral na
rehenerasyon, pagpapalakas at pagpapaunlad ng pangkabuhayan sa Pilipinas sa
pamamatnubay ng Emperyong Hapones.
_____5. Si Jose Villa Pagkalinawan ay nagturo ng Tagalog sa mga Hapon at
mga di-Tagalog.
_____6. Sa panahon ng mga Hapon, Niponggo ang binigyang-diin upang
maalis na ang paggamit ng Ingles.
_____7. Pinakapangunahing proyekto nila ang pagpapalaganap ng wikang
122
Niponggo sa buong kapuluan sa tulong na rin ng Surian ng Wikang Pambansa.
_____8. Noong Enero 17, 1941 ang Punong Tagaatas ng Pwersang Imperyal
ng Japan ay naglahad ng “Mga Saligang Prinsipyo ng Edukasyon sa
Pilipinas”.
_____9. Napilitan ang mga mag-aaral sa Ingles na matuto ng Tagalog at
sumulat pa rin ng wikang ito.
_____10. Mahabang panahon din ang pananakop ng mga Hapon sa bansa.
Sesyon: 22
123
TUKLASIN
Hindi naging madali ang buhay ng mga Pilipino sa panahon ng mga Hapones. Malaki ang pagnanais
ng bansang Hapon na siyang maghari sa buong Asya kaya ang Pilipinas ay isa sa bansang kanyang
sinakop. Sa pamamagitan ng paaralan ay pinasimulan nila ang
paglaganap ng ideolohiyang Hapones.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
GAWAIN I
Manood tayo:
Panoorin ang mga kaganapan sa Panahon ng mga Hapon.
PAGSUSURI
ALAM MO BA NA…
Ang malungkot na pangyayari sa ating bansa ay sumapit noong Disyembre 8, 1941. Ginulantang ang
bayan nang ibalitang nagsimula na ang giyera. Napinid ang mga paaralan. Nasara ang mga pagawaan. Ang
kapaligiran ay sinaklot ng kalungkutan at takot sa bagong panginoong kakaharapin ng mga Pilipino (Lalic,
E. at Matic, A., 2004)
Malaki ang pagnanais ng bansang Hapon na siyang maghari sa buong Asya. Lihim niyang pinalakas,
ang hukbong dagat, katihan at panghimpapawid. Layunin niyang itaboy ang mga bansang Kanlurang
sumakop sa ibang bansa sa Asya gaya ng Indonesia, Malaysia, Vietnam at Pilipinas.
124
Sinakop ng mga Hapones ang Pilipinas noong taong 1941 hanggang 1945. Ipinagpatuloy ang pagtuturo
ng Wikang Pambansa sa lahat ng antas. Hindi pa gaanong matagal na ipinaturo ang wikang ito ay sumiklab
ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig (World War II) na dahilan ng sandaling pagsara ng mga paaralan.
1942 (Enero 2) - ang Maynila ay sinakop at inukupahan ng mga Hapon sa pamumuno ni Hen. Homma.
Inihayag niya sa mga Pilipino na tapos na ang pamamalakad ng mga Amerikano.
Pinayagan ng Hapon na ang pambansang pamahalaan ay hawakan ng mga Pilipino
bagamat nasa pamamatnubay ng Militar na Hapon at nasa ilalim ng Batas Militar.
Pinagsikapan nilang mapalaya ang mga Pilipino sa mga Amerikano at burahin ang lahat
ng impluwensiya ng Anglo-Amerikano sa kabuhayang pampulitika at panlipunan ng mga
Pilipino. Samantala binalaan ang mga Pilipino na makiisa sa mga Hapon, at ang isag
Hapong mapatay ay katumbas ng sampung nilalang na Pilipino.
1942 (Enero 17) - ang Punong Tagaatas ng Pwersang Imperyal ng Japan ay naglahad ng “Mga Saligang
Prinsipyo ng Edukasyon sa Pilipinas” na nagtatakda sa mga layuning:
Sa kabilang dako, ibig ng mga Hapon na malimutan ng mga Pilipino ang wikang Ingles kaya naging
masigla at umunlad ang wikang pambansa (Leyson et al., 2006).
Upang maitaguyod ang mga patakarang militar ng mga Hapon sampu ng mga propagandang
pangkultura, nagtatag sila ng tinatawag na Philippine Executive Commission at hinirang si Jorge Vargas
bilang tagapangulo. Ang komisyong ito ang inatasang magpatupad ng mga pangkalahatang kautusan buhat
sa tinatawag na Japanese Imperial Forces sa Pilipinas. Nagbukas na muli ang mga paaralang bayan sa lahat
ng antas pagkaraan ng ilang buwang pananakop ng Hapon. Itinuro ang wikang Niponggo sa lahat ng antas,
ang Tagalog ang binigyang-diin upang maalis na ang paggamit ng Ingles. Ang mga babasahin tungkol sa
Amerika’y pinatanggal sa mga aklat.
1942 (Hulyo 24)- pinalabas ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nagsasaad na ang Niponggo at Tagalog ang
siyang opisyal na mga wika, pinapayagan lamang ang paggamit ng Ingles bilang
pansamantalang wika sapagkat ang dalawang unang wikang nabanggit ang gagamitin sa
susunod na panahon pa. Nagturo ng Niponggo ang gobyerno militar para sa mga guro ng
mga pambayang paaralan upang pagkatapos na maeksamen sa kakayahan nila sa wika’y
sila naman ang magturo. Hindi lamang itinuro ang kanilang wika paksa rin nila ang
pamumuhay at kulturang Hapones, kasaysayan at kulturang Silanganin, edukasyong
fisikal at mga awiting Hapones at maging Pilipino. Binibigyan nila ng katibayan ang mga
nagsipagtapos upang maging katunayan ng kanilang kakayahan sa wikang Niponggo.
Tatlong uri ang katibayan para sa Junior, Intermediate, at Senior.
125
Aquino ang naging direktor nito. Nasa pagpapaunlad ng wika ang pagtalakay sa mga simulain ng
kapisanang ito. Pinakapangunahing proyekto nila ang pagpapalaganap ng wikang Pilipino sa buong
kapuluan sa tulong na rin ng Surian ng Wikang Pambansa.
1943 (Oktubre 14) - Ang Surian ng Wikang Pambansa’y binuhay. Dahil sa pagnanais ng mga Hapon na
mapalawak ang Wikang Pambansa, itinaguyod nila ito. Isang linggwista na Hapon si
Masao Tanaka ang nakapagpalabas pa ng mga lathalaing informativ upang sagutin ang
mga katanungan ng publiko tungkol sa usapin ng Wikang Pambansa.
Dagdag pa ni Constantino et al, 1985, si Jose Villa Panganiban ay nagturo ng Tagalog sa mga Hapon at
mga di-Tagalog; may tinatawag siyang “A Short Cut to the National Language,” sa madaling ikatututo ng
kanyang mga mag-aaral. Binigyan niya ng mga numero ang mga bahagi ng pangungusap na kaugnay ng
bahagi ng pananalita at may pormula na siyang isinasagawa, halimbawa ang unang pormula’y ang 1-4-5.
Ang 1 ay tinumbasan niya ng si at sina kasama na ang pantanging ngalan ng tao kasama ng mga
panandang ito. Ang 4 nama’y siyang kakatawan sa ay kapag ang simuno ang nauuna sa pangungusap. Ang
5 naman ang grupo ng mga pang-uri na walang ma-tulad ng banal, pilay, dukha, atbp.
Si Ana ay banal.
Iba’t ibang pormula ang ginawa niya ay siya’y may mga listahan ng mga kabilang sa numerong
binanggit niya. Madali nga ang pagkakatuto ng mga nais mag-aral sapagkat walang gaanong isinasaulo at
kakaunti lamang ang dapat tandaan at makakabuo nan g mga pangungusap at maaari nang makipag-usap o
makipag-unawaan na hindi kailangan pang mabatid ang mga tuntuning napakarami sa balarila.
Masasabing ang pinakamasiglang talakayan sa wika, ay noong Panahon ng Hapon, sanhi na rin ng
pagbabawal ng mga mananakop sa pagtangkilik sa Ingles. Marahil kung ganito kasigasig ang mga
tagapagtaguyod noong nakaraang panahon at ang dumating pang panahon hindi na pagtatalunan pa
hanggang sa ngayon (1980) ang tungkol sa Wikang Pambansa. Noong panahon ding iyon napilitan ang mga
mag-aaral sa Ingles na matuto ng Tagalog at sumulat pa rin ng wikang ito. Sayang at maikli lamang ang
panahong ito kung maipagpapatuloy lamang sana ng pamahalaan ang pagsisigasig noon ng pamahalaan sa
pagkakaroon ng wikang pagkakakilanlan (Constantino et al, 1985).
PAGSASANAY I
Pangkatang Gawain
Pumili ng mga pangyayari sa Panahon ng mga Hapon at isadula sa klase.
Kriterya:
Kaangkupan sa Paksa . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Pagganap . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Bigkas/Tinig . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Kabuuan 50 puntos
PAGSASANAY II
Magsagawa ng isang pakikipanayam sa mga lolo at lola ninyo na nabubuhay sa Panahon ng mga Hapon at
sumulat ng isang sanaysay tungkol dito.
126
2. Nanumbalik pa ang sigla ng mga manunulat ng Tagalog pagkaraan ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig? Pangatwiranan.
3. Anu-ano ang epekto ng kanilang pananakop? Makatarungan ba ito? Ipaliwanag.
4. Bakit sinasabing pinakamasiglang talakayan sa wika ang panahon ng Hapon?
PAGLALAPAT
GAWIN mo!
TANDAAN
Ang pinakamasiglang talakayan sa wika, ay noong Panahon ng Hapon, dahil sa pagbabawal ng mga
mananakop sa pagtangkilik sa Ingles. Sa panahon ding ito napilitan ang mga mag aaral sa Ingles na
matuto ng Tagalog at sumulat pa rin ng wikang ito.
Ang Surian ng Wikang Pambansa’y binuhay. Dahil sa pagnanais ng mga Hapon na mapalawak ang
Wikang Pambansa, itinaguyod nila ito.
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
I. Tama o Mali: Isulat ang titik T kung ang pahayag ay tama at kung mali bilugan ang salitang mali
at isulat ang tamang salita sa espasyo bago ang bilang.
____________1. Ibig ng mga Hapon na malimutan ng mga Pilipino ang wikang Ingles.
____________2. Ipinalabas ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nagsasaad na ang opisyal na mga wika at Ingles at
Tagalog.
____________3. Hindi pa gaanong matagal na ipinaturo ang wikang pambansa ay sumiklab na ang Pangalawang
Digmaang Pandaigdig na dahilan ng sandaling pagsara ng mga paaralan.
____________4. Layunin ng KKK ang pagpapabuti ng edukasyon at moral na rehenerasyon, pagpapalakas at
pagpapaunlad ng pangkabuhayan sa Pilipinas sa pamamatnubay ng Emperyong Hapones.
____________5. Si Jose Villa Pagkalinawan ay nagturo ng Tagalog sa mga Hapon at mga di-Tagalog.
____________6. Sa panahon ng mga Hapon, Niponggo ang binigyang-diin upang maalis na ang paggamit ng Ingles.
127
____________7. Pinakapangunahing proyekto nila ang pagpapalaganap ng wikang Niponggo sa buong kapuluan sa
tulong na rin ng Surian ng Wikang Pambansa.
____________8. Noong Enero 17, 1941 ang Punong Tagaatas ng Pwersang Imperyal ng Japan ay naglahad ng “Mga
Saligang Prinsipyo ng Edukasyon sa Pilipinas”.
____________9. Napilitan ang mga mag-aaral sa Ingles na matuto ng Tagalog at sumulat pa rin ng wikang ito.
____________10. Mahabang panahon din ang pananakop ng mga Hapon sa bansa.
TAKDANG ARALIN
Pag-aralan ang Panahon ng Pagsasarili. Alamin ang kaganapan sa wika sa panahong ito.
Sesyon Guide: 23
128
Kaalaman: Nasisiyasat nang mabuti ang mahalagang petsa, araw, mga taong
sangkot,batas at memorandum sa pagtatag at pagpaunlad ng wikang
pambansa.
129
Nilalaman . . . . . . . . . . . 25
Pagkakaorganisa ng nilalaman . . . . . . . . . . . 15
Paggamit ng wika . . . . . . . . . . . 10
Kabuuan: 50 puntos
130
Sesyon: 23
TUKLASIN
Batid na natin na sa lumipas na mga panahon ay sinakop tayo ng mga dayuhan. Bawat isa sa kanila
ay nag-iiwan ng kakintalan sa iba’t ibang larangan lalung-lalo na sa paggamit ng wika.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
131
GAWAIN I
Manood muna tayo…
Panoorin ang isang video clip na ito tungkol sa buhay ng Ama ng Wikang Pambansa.
PAGSUSURI I
PAGSUSURI II
Subukin mo ring panoorin ang walang tunog na video clip na ito https://www.youtube.com/ watch?
v=S4nqvKfjNHk na inilathala noong Aug 5, 2016 upang magkaroon ng kunting kaalaman sa wika sa Panahon ng
Pagsasarili.
ALAM MO BA NA…
1946 (Hunyo 4) - Nagsimulang magkabisa ang pinagtibay ng Batas Komonwelt Blg. 570 noong Hulyo
7, 1940, na nagproklama na ang Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay
isa nang wikang opisyal.
Sa panahong ito, maraming mga pag-aaral ang isinagawa tungkol sa gagawing wikang
panturo sa paaralan.
Ang Misyon sa Edukasyon ng UNESCO- sang-ayon sa pambansang patakaran sa
pagpapaturo ng wikang pambansa sa paaralan, Ingles ang nanatiling wikang panturo at
iminungkahing ihandog na aralin sa mataas na paaralan ang Kastila. Noong 1949, ang Lupon ng
Magkasanib na Kapulungan sa Kongreso ay nagpaalaala laban sa biglaang pagpapalit ng wikang
panturo kung walang pagbabatayang katibayan buhat sa mga pag-aaral at pananaliksik pangwika.
Gumawa ng pag-aaral si Dr. Jose Aguilar (superintende ng Iloilo) na pinamagatang “Ang
Pagsubok sa Iloilo. Napatunayan sa pag-aaral na higit na mabilis matuto ang mga batang
sinimulang turuan sa unang dalawang baitang sa wikain ng pook (Hiligaynon) kaysa sa mga
batang tinuruan sa pamamagitan ng wikang Ingles.
Gumawa rin ng pag-aaral si Dr. Clifford Prator noong 1950 at ang kinahinatnan ay katulad
din ng kay Dr. Aguilar. Ang naging rekomendasyon ni Prator ay ang mga sumusunod:
1954 (Marso 26) –Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg.12 na nagpapahayag
ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon,
sang-ayon sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa. Saklaw ng pagdiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansa ang Araw ni Balagtas (Abril 2).
132
1955 (Set.23)- Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 186 na nagsususog sa
Proklama Blg. 12 serye ng 1954, na sa pamamagitan nito’y inililipat ang panahon ng pagdiriwang
ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto.
Nakapaloob sa panahong saklaw ang pagdiriwang ng kaarawan ni Quezon (Agosto 19) bilang
pagbibigay karangalan sa “Ama ng Wikang Pambansa.”
1956 (Pebrero) – Nirebisa ang salin sa Pilipino ng Panatang Makabayan at ipinagamit ito sa mga
paaralan.
Nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng Paaralang Bayan ang
Memorandum Sirkular 21 (1956) na nag-uutos na ituro at awitin ang Pambansang Awit
sa mga paaralan.
Noong 1958, sa Binagong Palatuntunang Edukasyunal ng Pilipinas na naglalayong
magkaroon ang bansa ng isang “integrated, nationalistic and democracy-inspired
educational system,” ipinatupad ang ganitong programa: Ang paggamit ng katutubong
wika ng pook bilang wikang panturo sa unang dalawang baitang ng elementarya; ituro
ang wikang Pilipino at ang wikang Ingles simula sa unang baitang; at simula sa ikatlong
baitang ay wikang Ingles ang gawing wikang panturo.
1959 (Agosto 13)- Pinalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7, na nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang
Pilipino ay siyang gagamitin.
Ang paggamit ng Pilipino ay isang hakbang tungo sa pag-aalis ng rehiyonalismo at
nagbubunga ng pagsasabansa ng dating panrehiyon o diyalekto. Ito ay naging wikang
interehiyonal at mabisang midyum na nag-uugnay sa mga pulo at sa iba’t ibang pangkat
linggwistiko sa Pilipinas.
1962 - Ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 24, s. 1962 ay nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces
at nag- uutos na simula sa taong-aralan 1963-1964, ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay
ipalilimbag sa wikang Pilipino.
1963 (Dis. 19) - Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60. Sa bisa ng kapangyarihang ipinag- kakaloob
kay Pang. Diosdado Macapagal ng batas at bilang pagbibigay-buhay sa layunin ng Saligang-Batas
at ng Batas ng Komonwelt Blg. 570, ay nagpapahayag at nag-utos sa pamamagitan nito na ang
Pambansang Awit ng Pilipinas ay awitin sa mga titik lamang nito sa Wikang Pilipino sa alinmang
pagkakataon, maging dito o sa ibang bansa man.
1967 (Oct. 24) - Naglagda ang Pangulong Marcos ng isang Kautusang Tagapagpaganap (Blg. 96), na
nagtatadhanang ang lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay pangangalanan na sa
Pilipino.
1968 (Marso 27) - Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular
Blg. 172 na nagbibigay-diin sa pagpapairal ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, at bilang
karagdagan ay iniaatas din na ang mga “letterhead” ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay
ng pamahalaan ay nararapat na nasusulat sa Pilipino, kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles.
Iniatas din na ang pormularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at empleyado ng
pamahalaan ay sa Pilipino gagawin.
1968 (Agosto 5) - Pinalabas ang Memorandum Sirkular Blg. 199 na nilagdaan ni Kalihim
Tagapagpaganap Rafael M. Salas na nananawagan sa mga pinuno at empleyado ng pamahalaan na
dumalo sa mga seminar sa Pilipino na idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa lahat ng purok
pangwika.
1968 (Agosto 6) - Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 na nilagdaan ng Pangulo na nag-aatas sa lahat
ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang
Pilipino hanggat maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan nito, sa lahat ng opisyal na
komunikasyon at transaksiyon ng pamahalaan.
1969 (Agosto 7) - Ang Memorandum Sirkular Blg. 277 ay pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap
Ernesto M. Maceda na bumabago sa Memorandum Sirkular Blg. 199 na nananawagan sa mga
pinuno at empleyado ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na idaraos ng Surian
ng Wikang Pambansa sa lahat ng purok pangwika hanggang sa ang lahat ng pook ay masaklaw ng
kilusang pangkapuluan sa pagpapalaganap ng Wikang Pambansa.
1970 (Agosto 17) - Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ang Memorandum
Sirkular Blg. 384 na nagtatalaga ng mga may kakayahang tauhan upang mamamahala ng lahat ng
komunikasyon sa Pilipino sa lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng
133
pamahalaan, kabilang ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan.
1971 (Marso 4) - Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ang Memorandum Sirkular
Blg. 443 na hinihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa alaala
ng ika-183 anibersaryo ng kapanganakan ni Francisco (Balagtas) Baltazar sa Abril 2, 1971.
1971 (Marso 16) - Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.
304 na nagpapanauli sa Surian ng Wikang Pambansa at nililiwanag ang kanyang mga
kapangyarihan at tungkulin.
1971 (Hulyo 29) – Memorandum Sirkular Blg. 488 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan
na magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa, Agosto 13-19.
1972 (Disyembre 1) - Nilagdaan ng Pangulong Marcos ang Kautusang Panlahat Blg. 17, na nag-uutos
na limbagin sa Pilipino at Ingles sa “Official Gazette” at gayon din sa mga pahayagang may
malawak na sirkulasyon bago idaos ang plebisito para sa ratipikasyon ng Saligang Batas noong
Enero 5, 1973.
1972 (Disyembre) – Nag-atas ang Pangulong Ferdinand E. Marcos (Blg.73) sa Surian ng Wikang
Pambansa na ang Saligang Batas ay isalin sa mga wikang sinasalita ng may limampung libong
(50,000) mamamayan, alinsunod sa probisyon ng Saligang Batas (Artikulo XV, Seksiyon 3 [1]).
1973 Sa Saligang-Batas, Artikulo XV, Seksiyon 3, ganito ang sinasabi:
Ang Saligang Batas na ito ay dapat ipahayag sa Ingles at Pilipino, ang dapat na mga
Wikang Opisyal, at isalin sa bawat dayalektong sinasalita ng mahigit sa limampung libong taong-
bayan, at sa Kastila at Arabic. Sakaling may hidwaan, ang tekstong Ingles ang mananaig.
Ang Pambansang Asamblea ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pormal na adapsyon ng panlahat na Wikang Pambansa na makikilalang Filipino.
1974 (Hunyo 19) - Nilagdaan ni Kalihim Juan L. Manuel ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 25 na nagtatadhana ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang
134
Edukasyong Bilinggwal sa mga paaralan na magsisimula sa taong-aralan 1974-1975. Ang
kautusang ito ay alinsunod sa mga tadhana ng Saligang-Batas ng 1972.
Sinimulang ipatupad ang Patakarang Edukasyong Bilinggwal noong taong-aralan 1974-1975 sa
mga paaralan alinsunod sa mga itinadhana sa Saligang batas ng 1972.
1975 (Oktubre 10) - Ipinalabas ang aklat na “Mga Katawagan sa Edukasyong Bilinggwal”. Layunin
nito ang pagpapabilis ng pagpapalaganap ng bilinggwalismo.
1977 Memorandum Sirkular Blg.77 –Pagsasanay ng mga pinuno at kawani ng mga pamahalaang lokal
sa paggamit ng wikang Pilipino sa mga transaksyon, komunikasyon at korespondensya.
1978 (Hulyo 21) - Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura Juan L. Manuel ang Kautusang
Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na
pandalubhasaang antas. Magsisimula sa unang semestre ng taong-aralan 1979-1980, ang lahat ng
pangmataas na edukasyong institusyon ay magbubukas ng anim (6) na yunit sa Pilipino sa
kanilang mga palatuntunang aralin sa lahat ng kurso, maliban sa mga kursong pagtuturo na
mananatili sa labindalawang (12) yunit.
Nabanggit din sa kautusang ito na ang Pilipino ay gagamiting wikang panturo sa ilan sa
mga pandalubhasaang aralin sa pagpasok ng taong-aralan 1983-84.
Kalakip din sa kautusang ito ang pagkakaroon ng palatuntunan ng pagsasanay ng mga
guro upang magkaroon sila ng mabisang kasanayan sa pagtuturo ng Pilipino sa pandalubhasaang
antas sa pamamahala ng Ministri ng Edukasyon at Kultura.
1979 Kautusang Pangministri Blg. 40- Ang mga estudyante sa medisina, dentista, abogasya at paaralang
gradwado na magkaroon na rin ng asignaturang Pilipino pati na rin ang mga estudyanteng
dayuhan.
1980 (Nobyembre 19) - Ipinalabas ng Minister ng Lokal na Pamahalaan ang Memorandum Sirkular
Blg. 80-86 na nag-aatas na lahat ng mga gobernador at mayor ng Pilipinas ay isa-Pilipino ang mga
Sagisag-Opisyal.
1983 (Setyembre 10) - Ang Constitutional Commission ay inaprobahan na pormal na pagtibayin ang
Pilipino bilang Wikang Pambansa.
PAGSASANAY I
PAGSASANAY II
Bumuo ng isang sanaysay na may kinalaman sa pag-unlad ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Pagsasarili. Ito
ay binubuo ng 4 hanggang 5 talata. Bawat talata ay kailangang may limang pangungusap pataas. Pumili ng angkop
na pamagat sa iyong nabuong sanaysay. Sa paglalapat ay makikita mo ang kriteryang pagbabasihan.
PAGLALAPAT
GAWIN mo!
Magiging gabay mo ang sumusunod na kriterya sa pagsulat ng isang sanaysay.
Kriterya:
Nilalaman . . . . . . . . . . . . . . . . . . 25
Pagkakaorganisa ng nilalaman . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Paggamit ng wika . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Kabuuan 50 puntos
135
TANDAAN
Sa Panahon ng Pagsasarili, wikang Pilipino ang tawag ng ating pambansang wika. Maraming
kautusan ang inilabas. Nirebisa ang Panatang Makabayan at iniawit ang Pambansang Awit sa
Pilipino. Inilimbag ang mga sertipiko at diploma sa wikang binanggit at lahat ng gusali, edipisyo, at
tanggapan ay ipinangalan sa Pilipino at pati na rin ang mga opisyal na komunikasyon at transaksyon
ng pamahalaan ay sa wikang Pilipino.
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Tanong-Sagot Porsyon…
___________________ 1. Araw, buwan at taon ng ipiniroklama ang Wikang Pambansa na tinatawag na Pilipino na
isa nang wikang opisyal.
___________________ 2. Ang proklama na nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay na nagpapahayag ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4
taun-taon, sang-ayon sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa.
___________________ 3. Nilagdaan niya ang Memorandum Sirkular 21 (1956) na nag-uutos na ituro at awitin ang
Pambansang Awit sa mga paaralan.
____________________4. Nilagdaan niya at iniutos na simula sa taong-aralan 1963-1964, ang mga sertipiko at
diploma ng pagtatapos ay ipalilimbag sa wikang Pilipino.
___________________ 5. Sa Kautusang ito makikita na ang Pambansang Awit ng Pilipinas ay dapat awitin sa mga
titik lamang nito sa Wikang Pilipino sa alinmang pagkakataon, maging dito o sa ibang
bansa man.
__________________ 6. Nilagdaan niya ang Kautusang Tagapagpaganap (Blg. 96), na nagtatadhanang ang lahat
ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay pangangalanan na sa Pilipino.
__________________ _7. Ang Memorandum na ito ay nananawagan sa mga pinuno at empleado ng pamahalaan
na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa
lahat ng purok pangwika.
__________________ _8. Ang Memorandum Sirkular na ito ay humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na
magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa, Agosto
13-19.
__________________ _9. Sa Memorandum Sirkular na ito makikita ang pagsasanay ng mga pinuno at kawani ng
mga pamahalaang lokal sa paggamit ng wikang Pilipino sa mga transaksyon,
komunikasyon at korespondensya.
__________________ _10. Araw, buwan at taon inaprobahan na pormal na pagtibayin ang Pilipino bilang Wikang
Pambansa.
TAKDANG ARALIN
136
Sesyon Guide: 24
I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakalalahok nang masigla sa pagtalakay sa kasaysayan ng wikang
pambansa mula 1986 hanggang sa kasalukuyang panahon.
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA 1986 Hanggang sa Kasalukuyang Panahon
137
B. PAGLALAHAD Pagtalakay sa kasaysayan ng wikang pambansa mula 1986 hanggang
sa Kasalukuyang Panahon.
138
nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng
pamahalaan at sa mga paaralan na magsasagawa ng mga
gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.
139
Sesyon: 24
TUKLASIN
Ang pag-unlad ng ating wikang pambansa ay nasasalamin sa mga batas, proklama at kautusan na
ipinalabas ng iba’t ibang tanggapang pampamahalaan na may malaking kaugnayan sa ating wikang
pambansa (Bernales et al., 2011).
MOTIBISYUNAL NA TANONG
GAWAIN I
Pansinin ang mga larawang nasa ibaba mula sa http://www.google.com.ph.
PAGSUSURI
140
3. Ibahagi ang iyong mga nasaliksik sa mga pangulong naging bahagi sa pagpapaunlad
ng wikang Pambansa.
ALAM MO BA NA…
1986 (Agosto 12)- Nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 na
kumikilala sa Wikang Pambansa na gumawa ng napakahalagang papel sa himagsikang pinasiklab
ng Kapangyarihang Bayan na nagbunsod sa bagong pamahalaan.
Dahil dito, inihayag niya na taun-taon, ang Agosto 13 hanggang 19, araw ng pagsilang ng naging
Pangulong Manuel L. Quezon, itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa, ay Linggo ng Wikang
Pambansang Pilipino na dapat ipagdiwang ng lahat ng mga mamamayan sa buong bansa, sa
pangunguna ng mga nasa pamahalaan at mga paaralan at gayundin ng mga lider ng iba’t ibang
larangan ng buhay.
1987 (Enero 30)- Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117- Pinalitan ng Linangan ng mga Wika sa
Pilipinas (LWP) ang dating Surian ng Wikang Pambansa (SWP).
1987 (Pebrero 2) - Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Sek. 6-9,
nasasaad ang sumusunod:
Seksiyon 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Seksiyon 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbing pantulong sa mga wikang
panturo roon.
Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabik.
Seksiyon 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabik at Kastila.
Seksiyon 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo
ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa,
mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika
para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.
Ano ba ang pormal na deskripsyon ng Filipino bilang Wikang Pambansa?
Muli tayong sumangguni sa Resolusyon 96-1 ng Komisyon sa Wikang Filipino. Ganito ang
batayang deskripsyon ng Filipino:
Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino
ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika
sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para
sa iba’t ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling
pagpapahayag.
141
pamamagitan ng dalawang wika (Filipino at Ingles) upang matamo ang mataas na uri ng
edukasyon gaya ng hinihingi ng Konstitusyong 1987; palaganapin ang Filipino bilang
wika ng literasi; paglinang at pagpapayabong ng Filipino bilang linggwistikong sagisag ng
pambansang pagkakaisa at pagkakakilanlan; at patuloy na intelektwalisasyon ng Wikang
Filipino. Sa isang banda, pananatilihing wikang internasyunal para sa Pilipino ang Ingles
at bilang di-ekslusibong wika ng agham at teknolohiya.
Sa rekomendasyon ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (ang dating Surian ng Wikang
Pambansa), nilagdaan ng Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng
Edukasyon, Kultura at Palakasan ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 na nagtatakda ng
bagong alpabeto at patnubay sa pagbaybay ng Wikang Filipino.
1988 (Agosto 25) - Nilagdaan ng Pangulong Corazon C. Aquino ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.
335 na nagtatagubilin sa lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan, ahensya at
kaparaanan ng pamahalaan na gumawa ng mga kinakailangang hakbang para sa paggamit ng
Wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at korespondensya.
1989 (Setyembre 9) – Pinalabas ng Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Edukasyon, Kultura at
Palakasan ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 84 na nag-aatas sa lahat ng opisyal ng DECS
na isakatuparan ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-uutos na gamitin ang Filipino sa
lahat ng komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.
1990 (Marso 19) – Pinalabas ng Kalihim Isidro Cariño ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at
Palakasan ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 na nagtatagubilin na gamitin ang Filipino sa
pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang-Batas at sa bayan natin.
1991 (Agosto 14) - Batas Republika Blg. 7104 - Nilikha ang Komisyon sa Wikang Filipino
(KWF) bilang alinsunod sa Artikulo XIV, Seksiyon 9 ng 1987 Konstitusyon.
1993 (Marso 10) Resolusyon Blg. 93-2- Nagtatakda ng programa ng paghahanda at pagpapahanda ng
kinakailangang kagamitan sa pagtuturo at/o pagkatuto ng Wikang
Filipino at sa paggamit nito bilang midyum ng pagtuturo.
1996- Commission on Higher Education (CHED) Memorandum Blg. 59- Nagtatadhana ng panuntunan
sa pagpapatupad ng New General Education Curriculum (NGEC). Para sa Filipino ng antas
tersyarya, ang siyam (9) na yunit ay para sa mga estudyante ng kursong Humanities, Social
Sciences at Communication (HUSOCOM) o anim (6) nay unit para sa estudyante ng kursong
Engineering, Marine, Science, Mathematics, Business, Agriculture atbp. at nagbabago sa
deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalastasan), Filipino 2
(Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina) at Filipino 3 (Retorika).
1997 (Hulyo 15) - Nilagdaan at ipinalabas ni Pang. Fidel V. Ramos ang Proklamasyon Blg. 1041 na
nagtatakda na ang buwan ng Agosto taun-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at
nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsasagawa
ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.
2001- Tungo sa mabilis na istandardisasyon at intelektwalisasyon ng Wikang Filipino, ipinalabas ng
Komisyon sa Wikang Filipino ang 2001 Revisyon ng Ortografiyang Filipino at Patnubay sa
Ispeling ng Wikang Filipino.
2004- Bagong Kurikulum ng Filipino mula sa Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED)-
Enhanced General Education Curriculum: Filipino 1 (Komunikasyon sa Akademikong Filipino),
Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik) at Filipino 3 (Masining na Pagpapahayag).
2006- Sa okasyon ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Filipino, ipinagbigay alam ng Komisyon sa
Wikang Filipino ang pagsususpinde sa 2001 Revisyon ng Ortografiyang Filipino at Patnubay sa
Ispeling ng Wikang Filipino habang nagsasagawa ng mga pananaliksik, pag-aaral, konsultasyon at
hanggat walang nababalangkas na mga bagong tuntunin sa pagbabaybay, magsisilbing tuntunin
ang Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ng taong 1987.
2007 (Nobyembre 5) – Nilagdaan ni Romulo L. Neri, acting Chairman ng CHED ang CMO 54, serye
ng 2007. “Nirebisang Filipino 1, 2 at 3 sa ilalim ng New General Education Curriculum (GEC).
2013 (Hunyo 28) - Nilagdaan ni Patricia B. Licuanan, Chairperson ng Commission on Higher
Education (CHED), Memorandum Order Blg. 20, serye ng 2013, na pinamagatang “General
Education Curriculum: Holistic Understandings, Intellectual and Civic Competencies.” Ito ay
memorandum na nagmamandato ng New General Education Curriculum (GEC).
142
Ang background at rationale ng seksiyon ng CMO 20 ay nagpapatungkol sa
Konstitusyon (sa legal na basehan nito), CMO No. 2 serye ng 2011 (na nagtatag ng
“CHED’s thrust of moving towards learning competency-based standards and limits GEC
to only 36 units”), the College Readiness Standards (CHED Resolution No. 298-2011),
and CMO 59 series 1996 (the old GEC). Basically, CMO 20 mandates a paradigm shift in
the way Higher Education Institutions (HEIs) will handle General Education (GE).
Ayon sa CHED Memorandum (CMO) Blg. 20, serye ng 2013, ang Filipino ay hindi na
bahagi ng GEC sa taong 2016 at ang pagtuturo ng Filipino sa antas pangkolehiyo ay
limitado na lamang sa pandalubhasaang asignatura sa Filipino at Filipino majors.
Pinangatwiranan ng CHED ang pagtatanggal sa antas Kolehiyo ng asignaturang Filipino sa
pagsasabing ang asignaturang ito ay napapaloob sa Grades 11 at 12 sa ilalim ng bagong K-
12 Kurikulum. Paliwanag pa ni CHED Executive Direktor Julito Vitriolo, “Hanggat
maaari, pagdating mo sa college, mga major subjects na lang”.
PAGSASANAY
Katibayan o ebidensya . . . . . . . . . . . . . . . . . . 30
Pagbigkas . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Pagkilos sa entablado . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Pagtatanungan (Tanong-Sagot) . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Pagtuligsa . . . . . . . . . . . . . . . . . . 30
Kabuuan 100 puntos
4. Pakinggan ang panayam kina Ramon “BOMEN” Guillermo, Melania Flores at Rep. Antonio “Tonchi” Tinio
tungkol sa paksang “Edukasyong Pilipino, Para Kanino? Ang ugnayan ng CMO 20-2013, K12, at
Internasyunalisasyon” sa https://www.youtube.com/watch?v=K3O0U7IXdNM. Suriin at talakayin ang pananaw
ng mga kinapanayam .
PAGLALAPAT
GAWIN mo!
I. Gawan ng pagsasaliksik ang mga batayan ng pagpapatupad ng napapaloob sa CHED Memorandum Blg. 20, s.
2013 ng CHED vs. Filipino Advocates na tutol dito. Ipaliwanag ang bawat isa kung bakit ikaw ay sang-ayon dito
o di sang-ayon.
143
1.
2.
3.
4.
5.
TANDAAN
Puspusang pinauunlad ang wikang Filipino sa pamamagitan ng mga ipinalabas na mga kautusan at
proklama ng ating tanggapang pampamahalaan. Ngunit nitong taong 2013 ay
marami ang nagulat dahil sa ipinilabas na CHED Memorandum (CMO) Blg. 20, na
ang Filipino ay hindi na bahagi ng General Education Curriculum sa taong 2016 at
ang pagtuturo ng Filipino sa antas pangkolehiyo ay limitado na lamang sa pandalubhasaang
asignatura sa Filipino at Filipino majors. Gayunpaman ay hindi sumuko ang mga tagapagtanggol ng
wika at iba pang organisasyon/samahan sa Filipino na gumawa ng mga hakbangin tungkol sa isyung
ito.
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Tanong-Sagot Porsyon…
144
pambansa sa taong 1986 hanggang sa kasalukuyan.
_____________1. Nilagdaan niya ang CMO Blg. 20, serye ng 2013, na pinamagatang “General Education
Curriculum: Holistic Understandings, Intellectual and Civic Competencies.” Ito ay
memorandum na nagmamandato ng New General Education Curriculum (GEC).
_____________2. Pinalabas niya ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 84 na nag-aatas sa lahat ng opisyal ng DECS
na isakatuparan ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-uutos na gamitin ang Filipino
sa lahat ng komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.
_____________3. Nilagdaan at ipinalabas niya ang Proklamasyon Blg. 1041 na nagtatakda na ang buwan ng Agosto
taun-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at nagtatagubilin sa iba’t ibang
sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsasagawa ng mga gawain kaugnay
sa taunang pagdiriwang.
_____________4. Nilagdaan niya ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nagtatagubilin sa lahat ng
departamento, kawanihan, tanggapan, ahensya at kaparaanan ng pamahalaan na gumawa ng
mga kinakailangang hakbang para sa paggamit ng Wikang Filipino sa mga opisyal na
transaksyon, komunikasyon at korespondensya.
_____________5. Pinalabas niya ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 na nagtatagubilin na gamitin ang Filipino
sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang-Batas at sa bayan natin.
TAKDANG ARALIN
FINAL OUTPUT
Gawin ang sumusunod.
A. Magsagawa ng isang pakikipanayam sa limang (5) respondente na may
kinalaman sa aspektong kultural at lingguwistiko sa isang komunidad. Pagkatapos ay sumulat ng
isang sanaysay tungkol dito. Maaaring gawing gabay ang nirebisang talatanungan mula sa pag-
aaral ni Durano, Farahlexis (2009) na “Attitudes Towards English and Fil-English Code-
switching Amongst High School Students in Ormoc City, Philippines”.
145
Positibo:___________ Negatibo? ___________ Neutral: ___________ ug ngano? ___________
8. Sa imong paminaw, unsa man ang mga huna-huna sa mga tao kung mag-ininglis og mag-Filipino ka?
Positibo:___________ Negatibo? ___________ Neutral: ___________ ug ngano? ___________
9. Unsa man imong tan-aw sa tawo nga kusog mag-ininglis? Mag-Filipino?
Positibo:___________ Negatibo? ___________ Neutral: ___________ ug ngano? ___________
10. Unsa imong panan-aw sa pagsagul-sagul sa pinulungan?
Positibo:___________ Negatibo? ___________ Neutral: ___________ ug ngano? ___________
Sesyon Guide: 25
146
Pamantayang pangnilalaman: Nauunawaan nang may pagsasaalang-alang ang mga linggwistiko at
kultural na katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at mga
sitwasyo ng paggamit ng wika rito.
I.LAYUNIN
Kaalaman: Naipapaliwanag ang iba’t ibang sitwasyong pangwika sa Pilipinas.
Gawain 2
147
1. Tungkol saan ang napanood na panayam?
2. Anu-anong isyung pangwika o sitwasyong pangwika ang
binanggit? Magbigay ng iyong opinyon tungkol dito.
3. Bilang estudyante, anu-ano ang mga hakbang mo sa
pagpapahalaga at pagpapanatili sa wikang Filipino?
B. PAGLALAHAD
C. PAGSASANAY Gawain 3
Basahin ang artikulo/konseptong papel na ito. Pagkatapos ay suriin
gamit ang mga tanong na makikita sa ibaba.
http://d1apagsilangngmakabagongwika.blogspot.com/2015/09/pagsil
ang-ng-mga-makabagong-wika-dulot.html
Gabay na tanong:
1. Itala ang mga mahahalagang terminong ginamit sa artikulo.
2. Tukuyin ang iba’t ibang paggamit ng wika sa binasang artikulo.
Ipaliwanag at patunayan ang bawat isa.
3. Tukuyin ang tungkuling ginagampanan ng wikang Filipino ayon sa
binsasa. Ipaliwanag ang bawat isa.
4. Ibigay ang iyong opinyon tungkol sa binasang artikulo.
Gawain 4
Pangkatang Gawain
Bumuo ng isang grupo at gawin ang isa sa mga kasunod na gawain.
Sagutin ang sumusunod na tanong sa iba-iba nito. Pagkatapos,
ibahagi sa klase.
Gabay na tanong:
1. Itala ang ilang mahahalagang terminong giamit sa inyong
binasa/pinanood/pinakinggan.
2. Tukuyin ang iba’t ibang barayti at rehistro ng wikang ginamit sa
inyong binasa/pinanood/pinakinggan. Ipaliwanag ang iyong
sagot.
3. Tukuyin ang iba’t ibang paggamit ng wika sa inyong
binasa/pinanood/pinakinggan. Ipaliwanag ang inyong sagot.
4. Suriin ang lumutang na kultural na katangian ng lipunang
Pilipino sa inyong binasa/pinanood/pinakinggan. Ipaliwanag
kung paano iyon napalutang.
Gawain 5
Gawin mo to!
A. Gawan ng isang panimulang pag-aaral ang istatus ng sino mang
kaibigan o kakilala mo na nakasulat sa Filipino sa Facebook,
Instagram o Twitter. I-screenshot at i-print ito.
B. Sagutin ang sumusunod na tanong tungkol sa mga istatus na
nakalap.
1. Maayos ba ang pagkakagamit ng wika sa mga istatus o post?
Pangatuwiranan.
2. Angkop at tama ba ang impormasyong ibinibigay sa bawat istatus
148
o post? Pangatuwiranan.
3. Kung nangangatuwiran o naglalatag ng argumento, tingin mob a
ay lohika at makatuwiran ang ipinapahayag ng istatus o post?
Ipaliwang.
4. Sa kabuuan, makatutulong ba ang mga post o istatus na iyong
napili sa pagpapalaganap ng tamang kaalaman sa wika o hindi?
Ipaliwanag.
Gawain 6
Maglista ng tigsasampung (10) termino sa bawat larangan.
Larangan Termino
1. agham at teknolohiya
2. medisina
3. agrikultura
4. isports
149
1. Patinig
2. Katinig
3. Diptonggo
4. Digrapo
5. Klaster
6. Pares Minimal
7. Ponemang suprasegmental
Sesyon: 25
TUKLASIN
Halos isang siglo na rin ang lumipas simula nang buuin at paunlarin ang wikang Filipino.
Bukod sa pagpaplanong pangwika ay sarisaring hamon din ang kinahaharap nito sa gitna ng
pagbabago ng panahon at modernisasyon ng lipunan. Napapanahong patuloy na susuriin ang
kalagayan ng wika bilang isang penomenong panlipunan kaugnay ng pang-ekonomiya at
pampolitika ng Pilipinas Ang mayamang kultura, kasaysayan at makulay na politika sa bansa ang
nagbubunsod ng pagbabago sa sitwasyon ng polisiyang pangwika sa edukasyon at iba pang aspekto
ng lipunan (Bernales et al., 2016).
MOTIBISYUNAL NA TANONG
GAWAIN I
Manood tayo…
150
Panoorin ang isang panayam na ito tungkol sa kalagayan ng wika sa Pilipinas.
Insert link……
PAGSUSURI
ALAM MO BA NA…
Arkipelago ang ating bansa kung kaya’t ang katangiang heograpikal nito ang nagdudulot ng
pagkakaiba-iba ng wika at kultura. Mahigpit na magkaugnay ang wika at kultura kung kaya’t nasasalamin
sa wika ang ano mang katangiang pisikal at kultural ng bansa.
Ayon sa pag-aaral ni McFarland (2004), may lagpas isang daang magkaibang wika ang Pilipinas
samantalang sa tala ni Nolasco (2008) ay mayroong humigit-kumilang 170 iba’t ibang wika sa iba’t ibang
pulo ng Pilipinas. Ayon din kay Nolasco (2008), batay sa sensus noong 2000, ang pinakalaganap na mga
wika sa Pilipinas batay sa dami ng taal na tagapagsalita ay Tagalog (21.5 milyon), Cebuano (18.5 milyon),
Ilocano (7.7 milyon), Hiligaynon (6.9 milyon), Bcol (4.5 milyon), Waray (3.1 milyon), Kapampangan (2.3
milyon), Pangasinan (1.5 milyon), Kinaray-a 1.3 milyon), Tausog (1 milyon), Maranao (1 milyon) at
Maguindanao (1 milyon). Ang mga nabanggit na wika ay itinuturing na mayoryang wika sapagkat
relatibong mas malaking bilang ng tao ang nakauunawa at gumagamit nito kaysa sa iba pang rehiyonal na
wika ng bansa.
Bukod sa mga rehiyonal na wika sa Pilipinas, laganap na rin ang paggamit ng Filipino bilang lingua
franca ng bansa. Ipinakikita ng datos na 65 milyon mula sa kabuuang 76 milyong mga Pilipino o 85.5% ng
kabuuang populasyon ay may kakayahang magsalita ng pambansang wika (Gonzales, 1998). Itinuturing din
ang wikang Ingles bilang pangunahing ikalawang wika. Ayon sa isang sarbey na isinagawa ng Social
Weather Station (sa Gonzales, 1998) noong 1994, 74% ang nagsabing nakaiintindi sila ng wikang Ingles
kapag kinakausap sila gamit ito.
Sa kalagayang higit sa isang daan ang mga rehiyonal na wikang ginagamit sa bansa, malaki ang hamon
na makabuo ng pangkalahatang polisiyang pangwika na makatutugon sa pangangailangan ng lahat ng
etnolinggwistikong grupo. Malaki ang pangangailangang tupdin ang atas ng Konstitusyon na paunlarin at
payabungin ang isang wikang pambansa, salig sa mga umiiral na wikang katutubo sa Pilipinas.
151
Bilang pinakamakapangyarihang wika ng mundo, patuloy na lumaganapp ang wikang Ingles bilang
wikang panturo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ayon kay Macaro (2014) ng British Coucil at Direktor ng
University of Oxford, lalong dumarami ang mga akdemikong institusyon sa buong mundo na gumagamit
ng Ingles upang ituro ang mga akademikong asignatura dahil sa kagustuhang isabay sa internasyonal na
istandard ang popayl ng mga unibersidad. Sa pagpasok ng Pilipinas sa sosyo-kultural at ekonomikong
intragrasyon sa ASEAN; kapansin-pansin na ganito ang nagiging tunguhin ng mga pangunahing
unibersidad sa Pilipinas.
Sa ganitong kalagayan, ayon kay Gonzales (2003), dating Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon,
kapansin-pansin na hindi tugma ang polisiya at aktuwal na implentasyon nito. Ayon pa sa kaniya, bilang
pambansa at opisyal na wika, nararapat na paunlarin ang paggamit ng Filipino sa mga paaralan ngunit hindi
ito nangyayari. Ingles ang dominanteng wika at sa halos lahat ng asignatura sa kolehiyo. Hindi rin
nagaganap ang intelektuwalisasyon nito sa iba’t ibang disiplina at larangan sapagkat hindi ito ginagamit.
Malinaw na tinutukoy sa mga polisiyang pangwika ang pagpapaunlad ng Filipino mula Konstistusyong
1935 hanggang 1987 ngunit hindi naman ito naipatutupad.
Kung isaaalang-alang ang ideya ni Bourdieu (1991) sa kanyang aklat na Language and Symbolic
Power, tinutukoy niya ang lehitimong wika sa isang lipunan bilang wikang ginagamit sa pag-unlad ng
sistema ng edukasyon at pagpapagana ng sistema na paggawa. Ibig sabihin, pinag-iisa at pinatatatag ng
wikang ito ang ekonomiya at politika ng isang bansa. Ang lehitimong wika ay resulta ng kompleks na
prosesong historical; na madalas ay kinasasangkutan ng matinding tunggalian (halimbawa ay lumilitaw na
dominanteng wika, at ang iba pang wika at dayalekto ay nawawala o kaya ay napapailalim dito.
Kung ilalapat sa karansan ng Pilipinas ang ideya ni Bourdieu, masasabing nananatiling Ingles ang
lehitimo at makapangyarihang wika sa Pilipinas. Sa ganitong kalagayan, mahalagang isaalang-alang ang
pagtingin niya sa wika hindi lamang bilang object of study kundi instrumento ng kapangyarihan at aksyon.
Ibig sabihin, kailangang tinggnan ang wika sa kontekstong sosyo-historikal at sa kalagayang pang-
ekonomiya at pampolitika ng isang bansa. Sa ganitong pananaw, nananatiling mapaggiit ang posisyon ng
Filipino.
Ingles ang makapangyarihang wika sa Pilipinas hanggang sa kasalukuyan kung kaya laganap din ang
ilang maling pananaw sa pag-aaral ng wikang ito. Halimbawa, laganap ang pampublikong diskurso na
uunlad ang ekonomiya ng Pilipinas kung magiging mahusay sa pagsasalita ng Ingles ang mga Pilipino.
Kung susuriin sa naging karanasan ng mga mauunlad na bansa sa Asya, tila hindi siyentipiko at
makatotohanan ang ganitong paglalahad. Sa kaso ng Timog Korea, Japan, Thailand, Indonesia at Malaysia,
sariling mga pambansang wika ang naging saligan ng kani-kanilang maunlad at nagsasariling ekonomiya, at
hindi wikang Ingles.
152
gamit ang wikang Ingles sa batayang edukasyon ng Pilipinas. Nilagdaan ito ni dating Pang. Gloria
Macapagal Arroyo noong Mayo 17, 2003. Ang ilan sa mahahalagang probisyon ng kautusan ay:
Upang suhayan ang kautusang ito, ilang panukalang batas ang tinangkang ipasa sa Kongreso sa ilalim
ni dating Pang. Arroyo. Isa sa naging pinakapopular ang House Bill No. 4701 (An Act Providing for the Use
of English as a Medium of Instruction in the Philippine Schools) o mas nakilala bilang English Bill na
ipinamukha ni Rep. Eduardo Gullas mula sa Cebu. Sa paunang paliwanag sa batas, pinangatwiranan ang
pagpapalakas ng wikang Ingles bilang pangunahing wikang panturo sapagkat hindi naging matagumpay
ang bilinggwal na polisiya sa edukasyon sa hinahangad na pagkatuto ng mga mag-aaral. Gayon din,
binigyang-diin ng panukalang ito ang magiging susi upang makakuha ng mas magandang trabaho rito at sa
ibang bansa ang mga mag-aaral sapagkat ayon sa mga nagpanukala, Ingles ang wika ng pananaliksik,
siyensiya at teknolohiya, mga larangang binigyang-diin ng pandaigdigang negosyo.
Taong 2013 nang opisyal na ipatupad ng Commission on Higher Education (CHED) ang CHED
Memorandum Order 20, s. 2013 na naglalaman ng bagong listahan ng mga kurso sa General Education
Curriculum (GEC) sa kolehiyo. Dahil sa pagdaragdag ng dalawang taon sa batayang edukasyon dahil sa K-
12 Curriculum, binago rin ang mga asignaturang itinadhana ng CHED. Mula sa dating 60 units na kurso sa
GEC, ginawa itong 36 units na lamang. Narito ang listahan ng mga kurso.
Type Courses
Course 1. Understanding the Self
8 courses 2. Readings in Philippine History
3 units each 3. The Contemporary World
24 units each 4. Mathematics in the Modern World
5. Purposive Communicatiom
6. Art Appreciation
7. Science, Technology and Society
8. Ethics
Electives Choices on:
3 courses 1. Arts & Humanities
9 units total 2. Social Sciences & Philosophy
3.Mathematics, Science & Technology
Mandated Life & Works of Rizal (3 units)
Agad na naging kritikal ang ilang organisasyong pangwika sa pag-aalis ng Filipino sa GEC sa
kolehiyo. Sa CMO No. 4, s. of 1993, anim hanggang siyam nay unit ng Filipino ang orihinal na itinuturo sa
kolehiyo. Anim nay unit ng Filipino ang itinuturo para sa mga programang hindi HUSOCOM (Humanities,
Social Sciences, Communication) at siyam nay unit naman para sa mga mag-aaral ng HUSOCOM. Ang
orihinal na anim hanggang siyam na yunit ng asignaturang Filipino ay Filipino 1 (Komunikasyon sa
153
Akademikong Filipino), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik) at Filipino 3 (Retorika), ay
aalisin na sa bagong GEC ng kolehiyo.
Ang kalagayang pang-ekonomiya sa bansa ang nagtutulak sa mga Pilipinong magtrabaho sa ibang
bansa at maging Overseas Filipino Workers (OFW). Sa ganitong kalagayan, hindi maiwasan ang
paglaganap ng wika at kulturang Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ayon sa Index of Survey on
Overseas Filipinos noong 2014, tinatayang nasa 2.3 milyong OFW ang nasa iba’t ibang panig ng mundo.
Ayon sa American Community Survey (2013), pangatlo ang Filipino sa mga wikang may
pinakamaraming nagsasalita sa Estados Unidos, bukod sa Ingles. Pumangatlo ang Filipino na may 1.6
milyong gumagamit sa Espanyol na nagtala ng 38.4 tagapagsalita at Chinese na may halos 3 milyong
tagapagsalita.
Hindi maikakailang lumaganap na nga ang paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang bahagi ng
mundo. Ilan sa mga mauunlad na Departamento ng Filipino at mga kaugnay na programa ang matatagpuan
sa University of Hawaii-Manoa at Philippines Studies Program sa Osaka University sa Japan. Bukod dito,
itinuturo ang Filipino bilang asignatura sa iba’t ibang unibersidad sa buong mundo. Itinala ni San Juan
(2015), ang ilang unibersidad at kolehiyo sa ibang bansa na nagtuturo ng Filipino bilang programa o
asignatura.
Binago ng sosyal media ang pamamaraan ng pamumuhay ng milyon-milyong Pilipino. Bukod sa naging
porma ng komunikasyon, hindi rin maitatatwa na simbolo ng panlipunanng istatus ang access sa internet.
Dahil sa aktibong paggamit ng mga Pilipino ng iba’t ibang aplikasyon sa social media, tinaguriang Social
Media Capital of the World ang Pilipinas ayon sa mga eksperto sa larangan ng midya at teknolohiya. Ayon
sa wearesocial.com (2015), mula sa 100.8 milyon na kabuuang populasyon sa Pilipinas, 44.2 milyon o 44%
bahagi ng populasyon ang aktibong account sa iba’t ibang social media sites habang 30 milyon o 30% ang
may aktibong social media mobile accounts. Mula 2013 hanggang 2015, nakapagtala ng 18% na pagtaas sa
bilang ng aktibong gumagamit ng internet. Mula sa datos, makikitang malawak ang impluwensiya ng
internet at social media sa pamumuhay at pagbuo ng desiyon ng mga Pilipino.
Ang social media ay tumutukoy sa grupo ng internet-based applications na ginawa batay sa Web 2.0,
kung saan naging posible na ang pagkontrol at kontribusyon ng mga gumagamit ng internet sa nilalaman ng
iba’t ibang social media sites. Naging pamamaraan ito ng interaksyon sa pagitan ng mga tao dahil maaari na
silang magbahagi, magkomento at mag-edit ng iba’t ibang impormasyon sa isang virtual na komunidad.
Ang pagsisimula at pagsikat ng social media ay nagbigay-daan sa pag-unlad ng web publishing tools na
tumatanggap ng ambag mula sa iba’t ibang gumagamit nito na hindi naman propesyonal sa larangan ng
kompyuter. Maaari nang magbabahagi ng kaalaman at maging lunduyang diskurso ang iba’t ibang social
media sites gaya ng Facebook, Twitter, Instagram, Foursquare, Tinder at marami pang iba.
Ingles ang wika ng internet, ngunit dahil sa paglaganap ng web publishing tools, iba’t ibang wika na rin
ang nakapasok sa mundo ng cyberspace. Dahil nga sa mga Pilipino ang maituturing na pinakaaktibo sa
larangang ito, hindi na rin maiiwasan ang paglaganap at paggamit ng Filipino sa internet. Marami nang
pananaliksik ang nagsuri sa katangian ng wikang Filipino na ginagamit sa iba’t ibang social media sites.
Iba’t ibang estilo ng paggamit ng wika na rin ang lumaganap sa pamamagitan ng internet. Hindi rin
maiwasan ang iresponsable at mali-maling paggamit ng wika sa konteksto ng instant at madaliang
komunikasyon. Kapansin-pansin ang matinding code switching (pagpapalit-palit ng wika) at maling
pagpapaikli at pagsasama ng ilang mga salita.
Bukod sa estilo ng wika, kapansin-pansin din ang iresponsable, hindi makatuwiran at hindi maingat na
pagbibigay ng mga komento at pahayag na walang sapat na batayan at pananaliksik ng ilan sa mga
gumagamit ng social media. Walang pamamaraan ng pagpupulis sa katumpakan ng mga impormasyong
nakikita sa mga social media site kung kaya naglipana rin ang mali-maling impormasyong nakabatay sa
154
makitid na pananaw ng iilan. Bagama’t kalakasan ng social media ang demokratisasyon ng kaalaman,
kasabay ring nalikha ang demokratikong espasyong naging maluwag sa kababawan at kamangmangan.
Sa ganitong kalagayan nang patuloy na paglaganap ng wikang Filipino sa iba’t ibang aspekto ng
pamumuhay ng tao at iba’t ibang bahagi ng mundo, nananatili ang hamon sa intelektuwalisasyon at
istandardisasyon ng wikang pambansa. Magagawa lamang ito kung panghahawakan ng mga institusyong
panlipunan ang orihinal na mandato ng Konstitusyon na gamitin ito sa sistema ng edukasyon at
pamamahala.
PAGSASANAY I
Basahin ang artikulo/konseptong papel na ito pagkatapos ay suriin gamit ang mga tanong
na makikita sa ibaba.
KALIGIRAN/PANIMULA
Iyo pa bang ginagamit ang nakagisnang wika? O tuluyan mo na itong binalewala? Ang sariling wika ay
sumasalamin sa kulturang ating kinagisnan. Sa pamamagitan ng wika nakikilala ang kultura ng isang bansa. Dahilan sa ito ang
nagbibigay ng titulo , katawagan o paglalarawan sa kulturang mayroon tayo. Ngunit sa pagbabago ng panahon, nagkakaroon din ng
pagbabago sa wikang kinagisnan na maaaring magdulot ng paglimot sa kulturang iningatan ng ating mga ninuno.
Sa pag-usbong ng makabagong henerasyon ay marami naring pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino.
Naging madali sa atin ang makasagap ng impormasyon sa pamamagitan ng mga social networking sites, text messaging, mass
media at iba pa. Halimbawa na lamang ang pagkakaroon ng impormasyon ukol sa mga nangyayaring karahasan, kalamidad, at
kasiyahan sa bansa. Dahilan nga sa laganap na ang iba’t ibang uri ng media mabilis tayong magkaroon ng komunikasyon sa ibang
tao sa loob at labas ng bansa. Ito rin ang nagbunsod upang makagawa ng maraming bagong salita na hindi nararapat na
mabuo sapagkat ito’y hindi angkop sa lengwaheng nakasanayan. Dahilan sa kagustuhan ng mga Pilipino na
mapadali ang komunikasyon sa ibang tao kaya pinaiikli nila ang mga salita o “shortcut”. Ang pagnanais na
makisabay sa kung ano ang uso at pagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan ng grupo ay nagdudulot upang mabuo
ang mga salitang pabebe, jejemon, bekimon, mga wikang fliptop, mga ginawang bagong terminolohiya sa mga
malalalim na salita, tulad ng “beki” na ang ibig sabihin ay “bakla”, at “mudrabels” na ang ibig sabihin ay “nanay”.
Mabilis itong kumalat o matutunan ng iba sapagkat laganap ang iba’t ibang uri ng media sa bansa.
155
Ang isyung ito ang lubhang makakaapekto sa kulturang kinagisnan sa oras na hindi natin gamitin ang sariling
wika. Sa pagsilang ng makabagong wika hindi na napagtutuunan ng pansin ang wikang Pilipino halimbawa na
lamang ang mga wika sa mga literaturang Ibong Adarna kung susuriin marahil wala pa sa kalhati ng mga salitang
naroon ang alam natin ang ibig sabihin. Ito ay dahil nasakop na ang ating isipan ng makamodernong salita. Ang
isyung ito magdudulot ng kalituhan sa ating pagkakakilanlan sa oras na ibaon natin ang wikang kinagisnan.
Ang pagbabago ay lubusang nakakaapekto sa isang bagay. Pagbabagong hatid ay positibo o di kaya’y negatibo. Sa
panahong ang mundo ay gumagalaw na sa mga makabagong instrumento ng teknolohiya gaya ng media aktibo na ang mga
kabataan sa makamodernong wika. Anong epekto ang madudulot nito? Diba pagkakaroon ng kaibahan sa kulturang kinagisnan o di
kaya’y tuluyang paglimot sa kultura. Kung kaya’t ang konseptong papel na ito ay naglalayong mapagtibay ang aming napiling isyu
patungkol sa pagbabago ng wika. Nais naming maipahayag kung ano ang mga pagbabagong nagaganap sa ating lipunan na higit na
nakakaapekto sa ating wika. Ang pag-aaral na aming gagawin ay gagawin sa pamamaraang deskripto-analitik.
156
Bibigyang kahulugan nito o ilalarawan at suriin ang pagbabagong nagaganap sa wika sa makamodernong panahon at
ang epekto nito sa kultura. Upang pagtibayin ang gagawing pag aaral ang papel na ito ay isasagawa sa papamagitan
ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay maghahanda ng isang sarbey kwenstyuner upang makahanap ng mga
datos na maglalaman ng mga sanhi ng pagkalap ng makamodernong wika. Hindi lang ditto iikot ang pagkalap ng
impormasyon magsasagawa din ng pananaliksik sa iba·tibang sa mga aklat, dyaryo, magasin, at pamanahunang
papel. Kukuha din ang mga mananaliksik ng ilang datos o impormasyon gamit ang internet. Ang mga salitang
gagamitin ay pormal at hindi ganoon kalalalim upang mas madaling maintindihan ng mambabasa. Ito ay gagawing
tuwiran at direkta lalo na’t ang magsisilbing pokus ng pag aaral ay para sa mga kabataan.
Upang bigyang idea ang mga mambabasa ukol sa isyung nabanggit , narito ang ilang halimbawa ng
sitwasyon na may kaugnayan sa isyu. (1) MAHARANI MARTA SATUITO - WIKANG FILIPINO BILANG
KASANGKAPAN SA PAGLINANG NG PAMBANSANG KULTURA TUNGO SA
PAGKAKAKILANLAN; Ano ba ang kaugnayan ng wika sa kultura? “Ang wika ay nalilinang dahil sa kultura, ang
kultura ay nalilinang dahil sa wika at ang wika ay ang kultura mismo. Maari natin itong ituring bilang batayang
gabay sa matibay na kaugnayan ng wika at kultura bilang mabisang kasangkapan sa pagtataguyod ng
pagkakakilanlan nating mga Pilipino.” (2) Kimberly Q. Querubin - Ang Panahon ng mga maka-MON,
Ajejeje ayon sa kanya ; “Usong-uso ang paggamit ng mga salita o katagang, “ajejeje”, “3ow f0usz”, “akekeke”,
“pagoda lotion na aketch”, at “lafangin na itech”. Kung sa isang dayuhan, ito ay maiisip na salita ng mga nilalang
mula sa ibang planeta. Ang mga wikang ito ay nagpapakita ng pagkamalikhain ng mga Pilipino. Isa rin itong paraan
upang maipakita na buhay ang ating wika at patuloy itong nadaragdagan ng mga bagong salita. Isa ring daan upang
maipahayag ng mga tao, lalo na ang kabataan, kung ano ang nais nilang ipaabot sa kanilang sariling malikahaing
paraan. Minsan, kahit na nasa isang pulong o klase ang isang estudyante, hindi niya maiiwasang gumamit ng mga
salitang Jejemon o Bekimon. Hindi ito magandang tignan o pakinggan dahil naipapakita lamang na mas nabibigyang
pansin at mas inaalala ang mga salitang mula sa –mon language kaysa sa mga salitang mula sa wikang Filipino.
Nakakalimutan na ng mga kabataan na bigyang halaga at respeto ang sarili nating wika (3) Sa isang balita
kamakailan, sinubukan ang ilang mga kabataan na tanungin ng isnang reporter kung ano ang ibig sabihin ng salitang
“yamot”. Kakaunti lamang sa kanila ang nakasagot ng tamang kahulugan nito. Kung ang tanong siguro ay kang ano
ang kahulugan ng “badtrip” o “buraot” mas malamang na masasagot nila ito. Sa paliwanag ng ilang mga guro,
nagbabago ang wika at ang mga gamit ng salita sa paglipas ng panahon. Ito ang ontolohiya ng ebolusyon ng wika.
Ang purismo o paggamit at pagsalin ng wikang banyaga sa wikang Filipino ay mas naging mahirap para sa marami,
maging sa mga pantas. Sa ganoong kundisyon, naging limitado ang sana’y pagpapayaman ng wikang Filipino. Ang
purismo ay napakalayo sa likas na pag-unlad ng wika, kapagdaka’y nagmimistula itong banyaga sa tenga at dila ng
mga Pilipino. (4) “Late ka na naman, 7:30 na. Bakit ba kasi nagpupuyat ka online at hindi mo i-alarm ang relo mo?”
Ilang salitang halaw ang maluwag na naipaloob sa dalawang pangungusap na ito? Sumusunod pa rin ang
pangugusap sa nakigisnang balarila, ngunit ang mga salitang dayuhan ay kagyat na nagagamit na halos walang
kaibahan. Sa pormal na instruksyon, dapat ito ay sinasabi na – “Mahuhuli ka naman, ika pito’t kalahati na ng umaga.
Bakit kasi nagpupuyat ka —- at hindi mo mapakuliling ang iyong orasan? ”
Gabay na tanong:
1. Itala ang mga mahahalagang terminong ginamit sa artikulo.
2. Tukuyin ang iba’t ibang paggamit ng wika sa binasang artikulo. Ipaliwanag at patunayan ang bawat isa.
3. Tukuyin ang tungkuling ginagampanan ng wikang Filipino ayon sa binsasa. Ipaliwanag ang bawat isa.
4. Ibigay ang iyong opinyon tungkol sa binasang artikulo.
157
PAGSASANAY II
Pangkatang Gawain
Bumuo ng isang grupo at gawin ang isa sa mga kasunod na gawain. Sagutin ang
sumusunod na tanong sa iba-iba nito. Pagkatapos, ibahagi sa klase.
Gabay na tanong:
1. Itala ang ilang mahahalagang terminong giamit sa inyong binasa/pinanood/pinakinggan.
2. Tukuyin ang iba’t ibang barayti at rehistro ng wikang ginamit sa inyong binasa/pinanood/pinakinggan.
Ipaliwanag ang iyong sagot.
3. Tukuyin ang iba’t ibang paggamit ng wika sa inyong binasa/pinanood/pinakinggan. Ipaliwanag ang
inyong sagot.
4. Suriin ang lumutang na kultural na katangian ng lipunang Pilipino sa inyong
binasa/pinanood/pinakinggan. Ipaliwanag kung paano iyon napalutang.
PAGSASANAY III
Gawin mo to!
A. Gawan ng isang panimulang pag-aaral ang istatus ng sino mang kaibigan o kakilala
mo na nakasulat sa Filipino sa Facebook, Instagram o Twitter. I-screenshot at
i-print ito.
B. Sagutin ang sumusunod na tanong tungkol sa mga istatus na nakalap.
1. Maayos ba ang pagkakagamit ng wika sa mga istatus o post? Pangatuwiranan.
2. Angkop at tama ba ang impormasyong ibinibigay sa bawat istatus o post?
Pangatuwiranan.
3. Kung nangangatuwiran o naglalatag ng argumento, tingin mob a ay lohika at
makatuwiran ang ipinapahayag ng istatus o post? Ipaliwang.
4. Sa kabuuan, makatutulong ba ang mga post o istatus na iyong napili sa pagpapalaganap
ng tamang kaalaman sa wika o hindi? Ipaliwanag.
PAGSASANAY IV
Maglista ng tigsasampung (10) termino sa bawat larangan.
Larangan Termino
1. agham at teknolohiya
2. medisina
3. agrikultura
4. isports
PAGLALAPAT
Gawin ang sumusunod.
Magsagawa ng isang pakikipanayam/ surbey sa limang (5) mag-aaral na may kinalaman sa sitwasyong
pangwika sa Pilipinas. Pagkatapos ay sumulat ng isang teksto /sanaysay tungkol dito. Maaaring gawing gabay ang
158
nirebisang instrumentong ginamit mula sa tesis ni Chona C. Quitevis (2008) ng Gradwadong Paaralan ng
Unibersidad ng Silliman.
Panuto: Lagyan ng markang tsek () ang loob ng kolom batay sa mga pahayag sa ibaba.
159
ay gumagamit din Cebuano dahil nakatutulong itong
maunawaan ng mga estudyante ang mga leksiyon.
14. Mas gusto ko ang gurong nagsasalita lamang ng Filipino
sa klasrum.
15. Karamihan sa mga guro ay gumagamit ng Cebuano at
Ingles, bilang karagdagan sa Filipino panahon ng talakayan
sa klase at mga gawaing pangklasrum.
TANDAAN
Ang Pilipinas ay binubuo ng libu-libong kapuluan kung kaya’t nagdudulot ito ng pagkakaroon ng
iba’t ibang wika at wikain. Kaya naman tinawag itong isang multilinggwal at multikultural na bansa.
Ngunit, sa kabila ng pagiging multilinggwal at multikultural ay nagkakaunawaan at nagkakaisa pa
rin ang mga Pilipino tungo sa pagpapaunlad nito. Dahil sa teknolohiya at impluwensiya ng ibang
bansa ay maraming mga pagbabagong nagaganap at isa na nga rito ay ang sistema ng edukasyon.
Hindi lang mga wikang opisyal ang ginagamit at pinag-aaralan ng mga Pilipino ngunit pinag-aaralan
na rin ang katutubong wika.
Kahit na maraming isyu at sinasabing Ingles ang makapangyarihang wika ng ating lipunan, hindi
maikakaila na kilala pa rin tayo sa pagsasalita ng ating sariling wika. At hindi lang sa Pilipinas
ginagamit ang wikang Filipino kundi pati na rin sa iba’t ibang panig ng mundo.
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
TAKDANG ARALIN
160
Sesyon Guide: 26
161
Balarilang Filipin Ikatlong Edisyon. Quezon City Rex Ptinting Press
Company Inc. p.14-20
B.
1. Malinaw ba ang pahayag na inyong nabasa?
2. May organisasyon ba ang inyong binasa?
3. Naunawaan ba ninyo ito?
4. Kung hindi ay paano ninyo itama ito?
5. Ano kaya ang tawag sa kakayahang makabuo ng isang malinaw na
pahayag at organisado?
6. Bakit kinakailangan nating makabuo ng isang malinaw na
pahayag?
162
Kriterya:
Mga nakuhang salita o pahayag
sa Liriko ng awitin . . . . . . . . . . . 25
Piniling awitin . . . . . . . . . . . 15
Pagkamalikhain
(presentasyon gamit
ang power point) . . . . . . . . . . . 15 Kabuuan
50 puntos
163
Sesyon: 26
TUKLASIN
Ang wika ay isang intrumento sa pakikipagtalastasan ng tao. Sapagkat isang instrumento ang
wika, ang wika ay maaring iebalweyt, baguhin, ayusin kontrolin at paunlarin. Mapapakinabangan
ito ng mga tao upang ibahagi sa iba ang kanilang mga ideya, saloobin at nais gawin. Sa
pamamagitan ng komunikasyon nagkaroon ng mga palitan ng kaalaman na siya namang nagiging
simula ng mga mas makabuluhang pagbabago at pag-unlad sa lipunan.
Esensyal ang kakayahan sa mahusay na komunikasyon para sa lahat ng tao. Mahalaga ito sa
pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat isa. Higit itong mahalaga sa mga propesyunal na
pagganap sa kanilang mga trabaho. Dahil sa halagang ito ng komunikasyon, kinakailangang maging
mahusay ang bawat isa sa lahat ng pagkakataong siya’y nasasangkot sa mga komunikatibong
sitwasyon. Subalit upang lubos na epektibo sa larangan ng komunikasyon ang isang indibiduwal,
kailangan niyang paghusayin ang kanyang iba’t ibang kakayahang komunikatibo.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
1. Sapat ba na taglay lamang ng isang indibiduwal ang kaalaman sa wika upang maituturing na
siya ay epektibo rito?
2. Anong kakayahan ang dapat malaman at mahasa ng isang indibiduwal para sila ay
higit na epektibo sa komunikasyon?
GAWAIN I
SURIIN NATIN!
http://www.google.com.ph/search?q=mga+quotes+sa+fb+tungkol+sa+pag-
ibig+na+mali+ang+pagkakasulat&tbm=isch&imgil=NkkurjoZkqGxXM%253A%253BTNWA9LLs3-WgKM
%253Bhttp%25253A%25252F%25252Fcrocoquotes.blogs
164
PAGSUSURI I
Ilahad ninyo mga nakuha na mga posts at quotes sa facebook. Pansinin kung may maling
balarila, baybay o ginamit na salita katulad ng ipinakitang halimbawa.
ALAM MO BA NA…
Ayon kay Dell Hymes (1972), isang linggwista at antropologo, hindi lamang dapat sinasaklaw ng kasanayan ang
pagiging tama ng pagkakabuo ng mga pangugusap, kundi ang pagiging angkop ng mga ito, depende sa sitwasyon.
Dapat alam ng tao, hindi lamang ang tamang ayos ng sasabihin, kundi kailan dapat sabihin; ano lamang ba ang dapat
pag-usapan; kanino lamang ito puwedeng sabihin; saan sasabihin; at paano sasabihin. Samakatuwid, hindi lamang
dapat tuntunin ang maging tuon ng kasanayan, kundi maging ang dapat iasal sa paggamit ng wika. Tinatawag naman
itong “Kakayahang Komunikatibo.”
Natutuhan natin ang isang wika buhat sa pakikinig at pakikisalamuha natin sa komunidad na ating
kinabibilangan. Ito ang dahilan kung bakit kahit hindi inaral nang pormal ng isang tao ang wika ng kanyang
komunidad ay nagagamit niya ito nang tama ayon sa gramatika ng wikang ito. Naniniwala si Noam Chomsky na
isinilang ang tao na may language acquisition device o LAD na responsible sa natural na paggamit ng wika. Dahil
sa LAD nagagawa ng taong masagap ang wika, maiintindihan at magamit ito at matiyak na tama ang ayos nito
upang madaling maintindihan.
Bagaman tooo ito, napaiigting ang kaalaman sa wika, lalo na sa gramatika nito, kung mayroong kaalaman ang
nagsasalita nito sa mga pormal na tuntunin sa gramatika ng wikang kanyang ginagamit. Ito ang dahilan kung bakit
habang tumataas ang antas ng pag-aaral ng isang estudyante, tumataas din ang kanyang kakayahang linggwistiko
sapagkat kabilang ang mga asignatura sa wika sa mga asignaturang kanyang kinukuha. Sa pagkuha niya sa mga
asignaturang may kinalaman sa wikang Filipino, tuwiran at di-tuwirang tinatalakay ang gramatika nito.Dahil dito,
humuhusay din siya sa gramatika ng Filipino at mas nagigiging epektibo siya sa paggamit ng wikang Filipino sa
mga komunikatibong sitwasyon na ito ang pangunahing midyum ng talakayan.
165
Ang kaalamang ponolohikal ay tumutukoy sa pamilyaridad sa tunog ng wika. Samantala, nabibilang ang
kaalamang morpolohikal sa kakayahan sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng mga iba’t ibang proseso na
ipinahintulot sa isang partikular na wika. Sa kaso ng Filipino halimbawa, ay ang paglalapi na maaring pag-uunlapi,
paggigitlapi, paghuhulapi, paglalaping kabilaan at paglalaping laguhan. Mapapabilang din dito ang mga itinakdang
tuntunin sa pagbabaybay na ipinatutupad ng isang wika. Sa kabilang banda tumutukoy ang kaalamang sintaktika sa
kakayahan ng isang indibiduwal na makabuo ng mga makabuluhang pahayag mula sa pag-uugnay sa mga salita na
nakabubuo ng mga parirala, mga sugnay at mga pangungusap.
Sa pagpapahusay ng mga kaalamang ito ay tatalakayin dito ang ilang mahalagang konsepto na makatutulong sa
higit na pag-unawa sa estruktura ng wikang Filipino. Sa paglalahad ni Gonzales (1992), may dalawang mahalagang
uri ng ponema sa Filipino. Ito ang ponemang segmental at ponemang suprasegmental.
Ang ponemang segmental ay tumutukoy sa mga indibiduwal na tunog ng wikang Filipino. Ang mga tunog na
ito ay nirerepresenta ng mga simbolong ponemiko na halos katulad din ng titik. Kabilang sa mga ponemang
segmental ang mga patinig, katinig, diptonggo, klaster, digrapo at pares minimal.
Diptonggo sa Filipino
May mga tunog na nabubuo sa pamamamagitan ng pag-uugnay ng mga patinig at malapatinig na /w/ at /y/. Ang
sikwens ng mga tunog na ito ay tinatawag na diptonggo. Sa wikang Filipino, kabilang ang mga ponemang / aw/, /iw/,
/ay/, /ey/, /iy/, /oy/, at /uy/ sa mga diptonggong ito. Tunghayan ang ilang halimbawa ng mga salitang nagtataglay ng
mga tunog na diptonggo.
/aw/: awtor /ay/: bahay /uy/: aruy
pwede braso
pyesa blusa
166
prito dwelo
plano drama
twalya gwantes
troso grado
Ponemang suprasegmental
Tono- ang taas baba na inuukol natin sa pagbigkas ng pantig ng isang salita upang higit na maging mabisa
ang ating pakikipag-usap sa ating kapwa.
Hal:
(a) (b)
3 3
2 pon 2 pon
ka 1 ka 1
ha pon
Sa kahapon (a) ang nagsasalita ay nagdududa o nagtatanong, samantalang sa kahapon (b) siya ay sa
pagsasalongay.
Diin- Ito ay ang bigat ng pagbigkas ng pantig na makapag-iba sa kahulugan ng mga salita maging ang mga
ito man ay magkapareho ng baybay.
Hal:
/ha.pon/ bigkas malumay at may diin sa unang pantig.
(afternoon)
/Hapὀn/ bigkas mabilis at may diin sa ikalawang pantig
(Japanese)
/bu.hay/ bigkas malumay at may diin sa unang pantig
(life)
/buhaἀy bigkas mabilis at may diin sa ikalawang pantig
(alive)
167
Hal:
/Pilipi:no/ /paya:paˀ/
/mata:o/ / mala:yaˀ /
/da:gat/ / di:waˀ /
/gu:bat/ /wi:kaˀ/
/Pilipi:nas/
Sa pagbigkas ng mga salitang ito, mapapansin na ang tono, haba at diin ay matatagpuan sa hulihang pantig ng
salita. Kinakatawan ng simbolong /ˀ/ ang impit na tunog. Tinatawag itong malumi na mabanayad ang bigkas
ngunit may impit na tunog sa huling pantig ng salita. Nagtatapos lamang ito sa patinig. Ang unang mga salita
ay binibigkas nang mabanayad at maluwag ang hulihang pantig ng salita. Tinatawag itong malumay at
maaari itong magtapos sa patinig at katinig.
Ang mga salitang nasa unang hanay ay binibigkas nang tuloy-tuloy na ang diin ay matatagpuan sa huling
pantig ng salita. Tinatawag itong mabilis at maaari rin itong magtapos sa patinig at katinig samantalang ang
mga salitang nasa ikalawang hanay bagamat binibigkas din ng tuloy-tuloy ay mararamdaman na may impit
na tunog o glottal na pasara sa huling pantig ng salita. Ang simbolong /ˀ/ ay kumakatawan sa impit na tunog
o glottal na pasara. Tiantawag itong maragsa at nagtatapos lamang ito sa patinig.
Hinto o Antala- tumutukoy sa saglit na pagtigil ng pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ipinapahayag. May hinto bago magsimula ang isang pangungusap at may hinto rin pagkatapos
nito. May hinto rin sa loob ng pangungusap kung may kailangang ihiwalay na mga ideya upang higit na
maunawaan ang nais nitong ipahayag. Kuwit (,) ang ginamit sa hintong ito na sinisimbolo ng /.
Hal:
Hindi siya si Jose Nasa dulo ang hinto at nagsasaad na hindi si Jose ang
taong pinag-uusapan.
Hindi, siya si Jose Ipinapahayag ng hinto pagkatapos ng “hindi” na
siJose ang taong pinag-uusapan.
Hindi siya, /si Jose Ipinapahihiwatig ng hinto pagkatapos ng “siya na
hindi ang taong napagbibintangan ang gumawa kundi si Jose.
PAGSASANAY I
1. Maghanap ng awitin mula sa radyo at telebisyon at kunin ang mga salita na may
168
tunog Patinig, katinig, diptonggo, digrapo, klaster at Pares Minimal.
2. Kunin din ang mga salita o pahayag na magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang
nais ipakahulugan nito.
3. Ilahad ang mga ito sa pamamagitan ng isang powerpoint presentation.
PAGLALAPAT
a. Ipakita ng bawat grupo ang kanilang nakuhang salita pati ang liriko ng awitin sa harap sa pamamagitan
ng isang powerpoint upang masubaybayan kong tama ang ginawa.
b. Mga katanungan sa awitin?
1. Ano ang paksa ng awitin?
2. Sino ang pinatutungkulan sa awitin?
3. Ilahad ang detalye ng napakinggan o napanood na awitin. Tukuyin ang mga angkop na salita na
makapaglalahad sa detalye ng awitin.
Kriterya:
Mga nakuhang salita o pahayag sa
Liriko ng awitin . . . . . . . . . . . . . . . . . . 25
Piniling awitin . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Pagkamalikhain
(presentasyon gamit ang power point) . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Kabuuan 50 puntos
TANDAAN
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Ngayong naunawaan mo na ang paksang tinalakay, subukin mong sagutin ang mga sumusunod:
I. Isulat ang DP kung ang mga salita ay may Diptonggo, DG kung Digrapo, KL kung may klaster at PM kung Pares
Minimal.
1. relaks 11. Sabaw
2. Shampoo 12. Balak- balag
3. Baliw 13. Trak
4. pantay-panday 14. Tseke
5. dyanitor 15. apoy
6. Tsuper 16. Ulam-ulang
7. Taray 17. Breyk
8. baka-baga 18. Tsinelas
9. Kwento 19. bataw
169
10. Tsokolate 20. Baha-basa
TAKDANG ARALIN
170
Sesyon Guide: 27
I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakapagbibigay kahulugan at halimbawa sa mga balarilang
tinalakay.
171
Cion, L. 2002. Dagitab III Batayang Aklat sa Filipino Para sa
Ikatlong Taon. Quezon City. JMC PRESS, INC. p.264-265.
C. KAGAMITANG Aklat, laptop at manila paper
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Basahin ang sumusunod na talata. Buuin ang diwa ng teksto sa
pamamagitan ng paglalagay ng angkop na mga salita sa patlang.
Tingnan ang manwal para dito…
B. PAGLALAHAD TALAKAYAN
Inilalahad ng mga mag-aaral ang kani-kanilang mga ulat.
Bigyang katuturan ang mga terminolohiya.
Kakayahang linggwistiko/ istruktural/ gramatikal
Pandiwa, Mga Panuring, Mga Pang-ugnay , Pagbuo ng Salita,
Pagpapalitan ng Ponema/Grapema pagbabaybay at kaalamang
Sintaktik.
C. PAGSASANAY PANGKAT 1
1. Mula sa inyong napanood na palabas sa telebisyon o youtube.
Isulat ang pamagat ng palabas na pinanood.
2. Ilista ang mga narinig o napanood sa screen na mga panggalan,
panghalip at pandiwa.
3. Suriin ang mga sumusunod:
a. kung tama ang pagkakasulat ng mga pangngalan
pantangi o pambalana.
b. kung ang panghalip na tinutukoy ay panao o personal,
pamatlig o demostratibo, pnananong o interogatibo,
panaklaw o indefinite
c. ang pokus ng pandiwa ang relasyon ng pandiwa sa
simuno.
PANGKAT 2
1. Kumuha ng mga larawan sa internet at bumuo ng mga
tigsasampung mga pangungusap na may kaantasan ng pang-uri at
may mga pang-abay.
2. Ilahad ang mga ito sa pamamagitan powerpoint presentation.
Gawing makulay ang presentasyon.
PANGKAT 3
Kumuha ng isang sanaysay o editoryal sa internet tukuyin ang mga
pang-ugnay at pantukoy na ginamit at salungguhitan ang mga ito .
Tingnan din kung tama ang pagkakabaybay ng mga salita. Bilugan
ang mga kamalian sa pagbaybay at itama ang ito. Kopyahin ang link
bilang patunay na ito ay kinuha mula sa internet.
172
PANGKAT 4
Magkaroon ng paligsahan!
Round 1 “Paramihan ng Salitang Magagawa”
PANGKAT 5
Mgadownload ng dalawang dokumentaryo o di kaya ay
napapanahong pagbabalita. Mula sa pinanood at na down-load ay
panoorin ito sa klase. Bigyang pansin ang pagpapalitan ng
ponema/Grafema. Itala ang mga pagkakamali sa pagpapalitan ng d sa
r.
D. PAGLALAPAT PANGKAT 1
Kahusayan sa Paglalahad . . . . . . . . . . . 30
(Mga napunang kamalian o
kawastuan sa balarila; pangngalan,
panghalip at pandiwa)
PANGKAT 2
Pagkakabuo ng mga pangungusap . . . . . . . . . . . 30
Pagkamalikhain . . . . . . . . . . . 20
Kabuuan 50 puntos
PANGKAT 3
Piling paksa sa internet . . . . . . . . . . . 15
Mga natukoy na balarila at
Kamalian sa pagbabaybay . . . . . . . . . . . 35
Kabuuan 50 puntos
PANGKAT 4
Nakabatay ito sa puntos ng paligsahan na isinagawa.
PANGKAT5
Piling dokumentaryo o pagbabalita . . . . . . . . . . . 10
Kapanabikan o interes sa . . . . . . . . . . . 15
tagapakinig o manonood
Kamalian sa pagpapalitan ng d sa r . . . . . . . . . . . 20
Kabuuan 50 puntos
173
lingguwistiko?
174
Sesyon: 27
TUKLASIN
MOTIBISYUNAL NA TANONG
1. Anu-ano kaya ang mga paraan upang makabuo ng mga salita at makabuluhang pahayag?
2. Gaano kahalaga ang mga paraang ito sa mabisang pakikipagtalastasan?
GAWAIN I
BUUIN MO!
Basahin ang sumusunod na talata. Buuin ang diwa ng teksto sa pamamagitan ng paglalagay ng ankop na mga
salita sa patlang.
KAPALIGIRAN
Mapalad ang Pilipinas sa pagkakaroon ng isang _____ lupa at maaliwalas na kapaligiran. Isa itong dahilan
kung bakit taun-taon ay _____ turista ang nagtutungo sa ating _____upang tunay na madama ang init ng ating
pagtanggap at makita ang ganda ng ating bansa.
Kung gayon tungkulin ng bawat isa sa atin na ______ ang tanging yamang maipagmamalaki natin sa mga dayuhan.
Ito ay tungkuling __bigat din ng pananagutan natin sa sarili, sa kapwa at sa Diyos.
Ang ating kapaligiran ay tunay na maipagmamalaki natin kahit kanino ang karagatang _____ sa mga isda at
iba pang yamang-dagat, ang kagubatang tahanan ng ______ na punong ______ ang laki, ang ating mga bundok na
susi naman sa di-mapapantayang yamang tulad ng ginto, pilak, tanso at iba pang mineral.
Anupa’t dapat nating alalahaning higit kaninuman tayo, bilang mga Pilipino, ang siyang unang dapat ______,
________ at ________ sa ating kapaligiran.
PAGSUSURI
ALAM MO BA NA…
175
Mahalagang pamilyar ang gumagamit ng Filipino sa bahagi ng pananalita at gayon din sa proseso ng
pagbubuo ng mga salita sa wikang ito upang magamit niya ang mga ito sa kaniyang pakikipag-ugnayan.
2. Pandiwa- Mga salitang nagsasaad ng kilos. May tatlong aspekto ito a. Perpektibo o tapos na b.
imperpektibo o ginaganap pa at kontemplatibo o gaganapin pa lamang. May mga pokus din ang
pandiwas aktor, layon, benepaktibo, direksyonal, lokatibo, instrumental, kosatibo, at resiprokal.
a. Aktor Tumula ng isang madamdaming piyesa si Franceska
b. Layon Tinula ni Franceska ang isang madamdaming piyesa.
c. Benepaktibo Idinalaw ni Kyeli ang anak sa kanyang ama.
d. Direksyonal Tinunton ni Kyeli ng anak niya niya ang landas patungo sa
liblib na gubat.
e. Lokatibo Pinag-enrolan ni Vian ang Unibersidad ng Pilipinas para sa
kanyang araling gradwado
f. Instrumental Ipinang-enrol ni Vian sa Unbibersidad ng Pilipinas para sa
kanyang araling gradwado ang naipong pera.
g. Kosatibo Ikinatuwa ni Lyndon ang pagdalaw ni Kenneth.
h. Resiprokal Sa pagdalaw ni Lyndon kay Kenneth, nagkatuwaan sila.
3. Mga Panuring
a. Pang-uri. Mga salitang naglalarawan o nagbibigay turing ito sa pangangalan o panghalip.
Ilang halimbawa nito sa kanilang kaantasan ay ang (a) lantay: dakila, matalino, (b)
pahambing: simbango, mas matarik, di-gaanong maasim, at (c) pasukdol: lubhang
mahirap, napakatanyag.
b. Pang-abay- Mga salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa pang-uri, pandiwa o kapwa
pang-abay. Ang mga pang-abay ay nauuri sa (a). pamanahon: bukas, kagabi, (b)
panlunan: sa ibabaw ng mesa, sa likod ng bahay, (c).pamamaraan: patalikod, padapa, at
(d) panggaano: katamtamang kumain.
176
1. Paglalapi. Tumutukoy ang prosesong ito sa paggamit ng panlapi upang makabuo ng mga bagong
salita. Kabilang dito ang pag-uunlapi; paggigitlapi; paghuhulapi; paglalaping kabilaan at
paglalaping laguhan.
a. Pag-uunlapi nagtapos, umawit, maganda
b. Paggigitlapi tinapos, gumanda
c. Paghuhulapi tapusin, gandahan, baguhin
d. paglalaping kabilaan nagpuntahan, pagbutihin
e. paglalaping laguhan nagsumigawan
2. Pag-uulit. Tumutukoy ang prosesong ito sa pag-uulit sa salita o bahagi ng salita. Kung inuulit
lamang ang bahagi ng salita na karaniwang ang unang pantig nito, tinatawag itong pag-uulit na di-
ganap. Tinatawag namang pag-uulit na ganap kung ang buong salita ay inuulit upang makabuo ng
bagong salita, at haluang pag-uulit kung ang buong salita at bahagi nito ay inuulit.
a. Pag-uulit na Di-Ganap sasayaw, uuwi, tatakbo
b. Pag-uulit na ganap bahay-bahayan, ang bilis-bilis, damay-damay
c. Haluang Pag-uulit sasayaw-sayaw, pipikit-pikit, loloko-lokohin
3. Pagtatatambal. Tumutukoy ang prosesong ito sa pagbubuo ng bagong salita mula sa dalawang
magkaibang salita. Maaaring may linker o wala ang pagtatambal.
Pagtatambal na Walang linker hampaslupa, pataygutom, bahaghari
Pagtatambal na May Linker dalagang-bukid, dugong-bughaw
177
acid, metal oxide
c. Mahirap Dagliang Baguhin ang Baybay- banquet, cauliflower, bouquet
4. Samantala, maari ang reispeling batay sa prinsipyong kung ano ang bigkis ng salita ay
siya ring baybay nito maliban kapag (a) nagiging katawa-tawa ang anyo nito sa Filipino,
(b) nagiging mahirap basahin ang bagong anyo kaysa sa orihinal, (c) nasisira ang
kabuluhang pangkultura, panrelihiyon o pampolitika ng pinagmulan, (d) higit na popular
ang anyo sa orihinal, at /e/ Lumilikha ng kaguluhan ang bagong anyo dahil may kahawig
na salita sa Filipino.
PAGSASANAY
PANGKATANG GAWAIN
PANGKAT 1
1. Mula sa inyong napanood na palabas sa telebisyon o youtube. Isulat ang pamagat ng palabas na
pinanood.
2. Ilista ang mga narinig o napanood sa screen na mga panggalan, panghalip at pandiwa.
3. Suriin ang mga sumusunod:
a. kung tama ang pagkakasulat ng mga pangngalan pantangi o pambalana.
b. kung ang panghalip na tinutukoy ay panao o personal, pamatlig o demostratibo, pnananong o
interogatibo, panaklaw o indefinite
c. ang pokus ng pandiwa ang relasyon ng pandiwa sa simuno.
PANGKAT 2
1. Kumuha ng mga larawan sa internet at bumuo ng mga tigsasampung mga pangungusap na may
kaantasan ng pang-uri at may mga pang-abay.
2. Ilahad ang mga ito sa pamamagitan powerpoint presentation. Gawing makulay ang presentasyon.
PANGKAT 3
Kumuha ng isang sanaysay o editoryal sa internet tukuyin ang mga pang-ugnay at pantukoy na ginamit at
salungguhitan ang mga ito . Tingnan din kung tama ang pagkakabaybay ng mga salita. Bilugan ang mga kamalian sa
pagbaybay at itama ang ito. Kopyahin ang link bilang patunay na ito ay kinuha mula sa internet.
PANGKAT 4
Magkaroon ng paligsahan!
Round 1 “Paramihan ng Salitang Magagawa”
Dapat magbigay ng salitang –ugat ang lider ng pangkat at bubuo ang mga kasamahan ng iba’t ibang salita buhat sa
salitang-ugat sa pamamagitan ng paggamit ng mga panlapi. Ang makakaabot na ng 25 na puntos ay siyang panalo.
PANGKAT 5
Magdownload ng dalawang dokumentaryo o di kaya ay napapanahong pagbabalita. Mula sa pinanood at na
down-load ay panoorin ito sa klase. Bigyang pansin ang pagpapalitan ng ponema/Grafema. Itala ang mga
pagkakamali sa pagpapalitan ng d sa r.
178
PAGLALAPAT
Gamitin ang mga Kriterya sa ibaba para sa pagbibigay marka sa mga Pangkatang Gawain.
PANGKAT 1
Kahusayan sa Paglalahad . . . . . . . . . . . . . . . . . . 30
(Mga napunang kamalian o
kawastuan sa balarila; pangngalan,
panghalip at pandiwa)
Piling palabas, balita o dokumentaryo . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Kabuuan 50 puntos
PANGKAT 2
Pagkakabuo ng mga pangungusap . . . . . . . . . . . . . . . . . . 30
Pagkamalikhain . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Kabuuan 50 puntos
PANGKAT 3
Piling paksa sa internet . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Mga natukoy na balarila at
Kamalian sa pagbabaybay . . . . . . . . . . . . . . . . . . 35
Kabuuan 50 puntos
PANGKAT 4
Nakabatay ito sa puntos ng paligsahan na isinagawa.
PANGKAT5
Piling dokumentaryo o pagbabalita . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Kapanabikan o interes sa
tagapakinig o manonood . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Kamalian sa pagpapalitan ng d sa r . . . . . . . . . . . . . . . . . . 25
Kabuuan 50 puntos
TANDAAN
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Ngayong naunawaan mo na ang paksang tinalakay, subukin mong sagutin ang mga sumusunod:
I. Suriin ang mga kasunod na pangungusap. Tukuyin ang bahagi ng pananalita ng bawat salitang sinalungguhitan.
179
D. Naggagandahan ang mga kandidatong lumahok sa patimpalak na idinaos sa awditoryum.
E. Nagalak ang buong bansa sa pagkakapanalo ni Pia Wurtzbach bilang Miss Universe 2015.
II. Bumuo ng iba’t ibang salita batay sa mga salitang-ugat na nakalahad. Gawing gabay ang mga kahulugang nasa
mga sumusunod na titik. Isulat sa patlang ang sagot.
1. bahay
a. taong ang bahay ay malapit lang sa inyo: _______________
b. karaniwang laro ng mga bata: ______________________
c. mga taong kasama mo sa bahay: ______________________
2. aral
a. batang pumapasok sa paaralan: ____________
b. mga bagay na pinag-aralan: _______________
c. mga gawaing ipinauuwi ng guro upang sa bahay gawin: _______
3. yaman
a. taong maraming salapi at ari-arian: ________
b. ginto, pilak, salapi at ari-arian: _______________
c. taong tagapangasiwa ng salapi o yaman ng isang kumpanya o organisasyon:
________________________________
2. luto
a. lagyan ng maraming sahog at panlasa: ____________
b. isang kurso o gawain sa araw-araw: _______________
c. uri ng pagkain o ulam na niluluto sa bahay:______________
5. anak
a. tawag sa bata na kung saan ikaw ang ninong o ninang: ________________
b. organisayon na nag-aaklas laban sa gobyerno: _____________
c. tawag sa tao o batang mahirap: _________________________
III. Sabihin kung ano ang pokus ng pandiwa sa mga sumusunod na pangungusap.
1. Gumanap siya bilang leading man sa isang pelikula.
2. Papuntahan nila ang magandang tanawin sa Banaue at Sagada.
3. Ikinuha siya ng scholarship sa Estados Unidos.
4. Ikinalulusog ng kanyang katawan ang bitaminang iniinom niya.
5. Ang barena ay ipinanghukay nila sa pagkuha ng nakatagong kayamanan.
IV. Lagyan ng tamang pang-ugnay at pananda ang talata na nasa ibaba at tukuyin kung anong uri ng pang-ugnay at
pananda ito.
A. Sinasabing sa likuran ng bawat magiting ____ lalaki ay may isang babae. ____Josefa Gabriela kay Diego
Silang: ___ Gregoria de Jesus kay Andres Bonifacio. Kakaiba ngayon ____iba na ang daigdig na kanilang
ginagalawan. Lubhang naging maliit ang tahanan _____ kanila, ____tumayo sila sa daigdig. Naging
layunin nila ang mamuno ___ maglingkod, _____ nagtataglay sila ng talino ng isang Rizal, ng katwiran ng
isang Mabini, at ng tapang ___ lakas ng isang Bonifacio at Del Pilar. ____may matibay na panininindigan.
Halaw mula sa “Makabagong Pilipina” ni Dillague Nora M. et al.Sandigan Ikatlong Taon. Ikalawang Edisyon p.30
B. Sa matandang kulturang Pilipino, ang babae __ pantahana. ____ay tagapagsinop, tagapangalaga at ingat-
yaman ng pamilya. Katulong siya ng lalaki sa pagpapaunlad ng kabuhayan __ hindi niya tungkulin ang
maghanapbuhay at wala siyang karapatang makilahok sa mga gawaing panlipunan at pampulitika. Sa
madaling sabi siya ay pantahanan lamang.
Sa ngayon, bunga ng mga pagbabago na dulot ng modernisasyon at paraktikalidad, ang mga babaeng
Pilipina ay binigyan na ng pagkakataon __karapatang makilahok sa pulitika at mga gawaing may
kaugnayan __ pagbubuo __ pagpapa-unlad ng kalagayan ng bansa.
180
Mula sa aklat na Dagitab III 2002 Batayang Aklat sa Filipino Para sa Ikatlong Taon.ni:Ligaya Bernales-Cion. P.
264-265.
TAKDANG ARALIN
Pag-aralan ang Kaalamang Sintaktik. Ano ang ibig sabihin ng Kaalamang Sintaktik?
Sanggunian:
Bernales, R. et.al.2016. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Malabon City. Mutya Publising House Inc.
p.146-151
Dillague N. et.al Sandigan Ikatlong Taon. Ikalawang Edisyon. Sining ng komunikasyon Para Sa Mataas Na
Paaralan. Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc. 1997.
Sesyon Guide: 28
181
linggwistiko at kultural na katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang
Pilipino at mga sitwasyon sa paggamit ng wika dito.
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA KAKAHAYANG KOMUNIKATIBO
Kaalamang Sintaktik
182
Walang Paksa.
C. PAGSASANAY Pagpapangkat-pakatin ang mga mag-aaral at pumili lamang sa mga
pangkatang gawain sa ibaba.
PANGKATANG GAWAIN 1
Magtanghal ng isang dula-dulaan na kung saan ay makikita ang
Ayos at uri ng pangungusap
PANGKATANG GAWAIN 2
Maglahad ng isang talkshow gamit ang mga Kayarian ng
Pangungusap.
PANGKATANG GAWAIN 3
Maglahad ng isang pagbabalita na kung saan ay maririnig natin ang
mga pangungusap na walang paksa.
Kriterya:
PAGSASADULA
Nilalaman o kaangkupan sa Paksa
(Ayos ng pangungusap) . . . . . . . . . . . 25
Pagkamakatotohanan . . . . . . . . . . . 15
Pagkamalikhain
(Kasuotan, props atbp.) . . . . . . . . . . . 10
Kabuuan 50 puntos
TALKSHOW
Nilalaman o kaangkupan sa Paksa
(Gamit ang mga Kayarian
ng Pangungusap ) . . . . . . . . . . . 25
Pagkamakatotohanan . . . . . . . . . . . 15
Pagkamalikhain
(Kasuotan, props atbp.) . . . . . . . . . . . 10
Kabuuan 50 puntos
PAGBABALITA
Nilalaman o kaangkupan sa Paksa
(Gamit ang pangungusap . . . . . . . . . . . 25
na walang paksa)
Pagkamakatotohanan . . . . . . . . . . . 15
Pagkamalikhain
(Kasuotan, props atbp.) . . . . . . . . . . . 10
Kabuuan 50 puntos
183
Isalin naman sa karaniwan ang mga di-karaniwan.
Sesyon: 28
TUKLASIN
Tunay na malaki ang maitutulong kung gamay ng isang indibiduwal ang mga tunog at salita sa
wikang Filipino, ngunit higit na makabubuti kung ang mga ito ay kanyang mapag-uugnay-ugnay
upang ipahayag ang kanyang mga saloobin o ideya o damdamin.
184
MOTIBISYUNAL NA TANONG
1. Ano kaya ang isa sa mga kaalaman na makatutulong upang maiuugnay ang mga
tunog at salita sa wikang Filipino?
2. Malaki kaya ang maitutulong ng kaalamang ito upang maipahayag ang iyong
saloobin, ideya o damdamin? Bakit?
GAWAIN I
PANOORIN MO!
PAGSUSURI
ALAM MO BA NA…
185
KAALAMANG SINTAKTIK
Anomang ayos ng pangungusap ay maaring gamitin tulad nang nabanggit na mas idyomatiko kung ito
ay nasa karaniwang ayos ng pangungusap. Bagaman idyomatiko ang paggamit ng karaniwang ayos ng
pangungusap, may mga sitwasyong kinakailangang gamitin ang di-karaniwang ayos nito, lalo na sa pasulat,
kung ikokonsidera ang poramlidad ng pahayag.
Sa pagbuo ng mga simuno at panaguri para sa isang pangungusap, maaaring gamitin ang iba’t ibang
mga parirala.
1. Pariralang Nominal-
Pangngalan: Nakapag-enrol na si Piolo sa Unibersidad.
(Ang mga batang ito ay mag-aaral ng Philippine
Science High School)
Mas magiging kapaki-pakinabang ang kaalaman sa mga pangungusap kung magagamit ng isang
indibiduwal ang mga ito ayon sa kaniyang mga layuning Nais isakatuparan. Halimbawa, may mga
pagkakataong kailangan niyang magbigay ng impormasyon, magtanong, mag-utos o humingi ng pabor.
Makatutulong, kung gayon, na alam niya ang kumbensyon ng wikang kanyang ginagamit sa mga ganitong
pagpapahayag. Mauuri ang mga pangungusap ayon sa layunin nito:
Pagpapangkat-pakatin ang mga mag-aaral at pumili lamang sa mga pangkatang gawain sa ibaba.
PANGKATANG GAWAIN 1
Magtanghal ng isang dula-dulaan na kung saan ay makikita ang Ayos at Uri ng pangungusap.
PANGKATANG GAWAIN 2
Maglahad ng isang talkshow gamit ang mga Kayarian ng Pangungusap.
PANGKATANG GAWAIN 3
Maglahad ng isang pagbabalita na kung saan ay maririnig natin ang mga pangungusap na walang paksa.
PAGLALAPAT
Gamitin ang mga kriterya sa ibaba para sa pagmamarka at upang magabayan kayo sa sa inyong gagawin na
pagtatanghal.
Kriterya:
PAGSASADULA
TALKSHOW
Nilalaman o kaangkupan sa Paksa
(Gamit ang mga Kayarian
Pagkamakatotohanan . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Pagkamalikhain
(Kasuotan, props atbp.) . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Kabuuan 50 puntos
PAGBABALITA
Nilalaman o kaangkupan sa Paksa
(Gamit ang pangungusap
na walang paksa) . . . . . . . . . . . . . . . . . . 25
Pagkamakatotohanan . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Pagkamalikhain
(Kasuotan, props atbp.) . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Kabuuan 50 puntos
TANDAAN
187
Ang kaalamang sintaktik ay tumutukoy sa pagbuo ng mga parirala, sugnay at pangungusap na may
kabuluhan. Anumang ayos ng pangungusap ay maaring gamitin subalit ngunit mas idyomatiko kung
ito ay nasa karaniwang ayos. Mas kapaki-pakinabang ang kaalaman sa mga pangungusap kung
magagamit ng isang indibiduwal ang mga ito ayon sa kaniyang mga layuning nais isakatuparan.
Maliban pa sa layunin, mahalaga ring may kakayahan ang gumagamit ng Filipino na itaas ang antas
ng kompleksidad ng kanyang mga pahayag. Mahalaga rin ang kaalaman sa mga pangungusap na
walang paksa upang mas madulas at idyomatiko ang komunikasyon. Epektibo ang paggamit nito
sapagkat natural at ordinaryo ito sa mga talastasang gamit ang wikang Filipino.
Ang mga mahahalagang konsepto ng Kakayahang Linggwistik ay makatutulong sa higit na pag-
unawa sa estrukturang Filipino.
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
I. Isalin sa di-karaniwan ang mga pangungusap na karaniwan. Isalin naman sa karaniwan ang
mga di-karaniwan.
1. Masipag ang mag-asawang Alex at Rose.
2. Nangingisda ang lalaki at nananahi naman ang babae.
3. Bukod dito, sila ay mayroong maliit na bakuran sa likod-bahay.
4. Sila ay may tanim na kalabasa, talong, upo at okra.
5. Madalas ay dito na sila kumukuha ng gulay na panahog sa kanilang ulam.
6. Sila ay mayroon ding alagang inahing baboy baka at manok.
7. Tumutulong ang mga bata sa pag-aalaga nito.
8. Pinatutuka ng panganay na si Dayana ang mga manok.
9. Si Albert naman ay tagalinis ng kulunhan ng baboy.
10. Ang lahat ay gumagaan kapag may pagtutulungan.
11. Ang pagiging malinis ay kasunod ng pagiging maka-Diyos.
12. Ang kalusugan ay maituturing na kayamanang walang kapantay.
13. Maiiwasan ang malubhang sakit gaya ng malaria, dengue at iba pang nakakahawang sakit.
14. Maiiwasan din ang malaking paggastos ng ating mga pamilya.
15. Ang malusog na mag-anak ay karaniwang masaya.
II. Isulat ang PS kung ang pangungusap ay pasalaysay, PN kung patanong, PU kung pautos o pakiusap at PD kung
padamdam.
1. Ang ating mga ilog ay nangamatay na.
2. Yeheey! May pag-asa pa ang ating mga ilog.
3. Saan ka pupunta?
4. Pakikuha ng aking mga gamit.
5. Wow! may bago na akong cellphone.
6. Maari bang bigyan mo ako ng larawang may lagda?
7. Marami ang nanonood ng parade.
8. Siya ay nakasakay sa karosa.
9. Igawa mo ako ng saranggola.
10. Hoy! akin ang sapatos na iyan.
III. Lagyan ng tsek (/) ang patlang ng mga pangungusap na walang paksa.
___1. Magandang hapon.
___2. Isa siyang nars
___3. Nakakainis!
188
___4. Halika!
___5. Naku!
___6. Lumilindol.
___7. Mayroon pa.
___8. Aruy!
___9. Ibig ko rin.
___10. Pakikuha.
TAKDANG ARALIN
Sesyon Guide: 29
189
Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan nang may masusing pagsasaalang-alang ang mga
lingguwistiko at kultural na katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang
Pilipino at mga sitwasyon sa paggamit ng wika dito.
I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakabubuo ng konsepto sa kakayahang sosyolinggwistiko.
190
1. May dumating na isang Amerikano sa inyong lugar, siya ay
isang guro at nais na kumuha ng mga bata na maging
iskolar. Paano ninyo kausapin ito?
2. Sa isang job interview paano mo ipakilala ang iyong sarili,
at ano ang tamang pagsasalita?
3. Sa isang silid-aralan na kung saan nagsagawa ng
pagpupulong ang isang guro sa mga magulang na galing sa
bundok.
Kriterya
Kaangkupan sa Paksa . . . . . . . . . . . 25
Pagganap . . . . . . . . . . . 30
Pagkamalikhain . . . . . . . . . . . 15
Kabuuan 70 puntos
Sesyon: 29
191
TUKLASIN
Nag-iiba ang paggamit ng wika ng isang indibiduwal depende sa taong kanyang kinakausap.
Minsan inaayon din niya ito sa lugar at okasyon na kung saan siya naroon at kaniya ring
kinokonsidera ang paksa ng usapin na tinatalakay. Lahat ng mga ito ay paktor na bibigyang-pansin
ng isang indibiduwal sa kanyang pakikipag-ugnayan sa iba.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
GAWAIN I
BASAHIN AT UNAWAIN MO!
Wala na ang
Nanay…Huhuhu
PAGSUSURI
192
2. May pagkakatulad ba o pagkakaiba ang pagkakabuo sa mga pahayag?
3. Tama ba ang ginawang tugon ng mga nag-uusap sa dayalogo?
ALAM MO BA NA…
KAKAYAHANG SOSYOLINGGWISTIK
ay ang kakayahang gamitin ng angkop ang wika depende sa sitwasyon. Hindi lamang ito nakatuon sa
pagiging tama ng kayarian ng pahayag kundi sa pagiging nararapat nito, depende sa kung sino ang kausap, saan
nagaganap ang usapan, ano ang gamit sa pakikipag-usap at kailan ito nagaganap.
Sa pagpapaliwanag ni Savignon (1997), sinabi niyang ang kakayahang sosyolingguwistik ay isang
kakayahan na gumagamit ng wika na nangangailangan ng pag-unawa sa konteksto ng lipunan kug saan niya ito
ginagamit. Kabilang sa pag-unawang ito ang kaalaman sa gampanin ng mga sangkot sa komunikasyon, ang mga
ibinahagi nilang kaalaman, at ang tunguhin ng pag-uugnayang nagaganap. Sinabi rin niyang sa sapat lamang na
kaalaman sa mga bagay na ito masasabing angkop ang isang pahayag.
Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon ni Dell Hymes 1974
1. Setting- Saan ang pook ng pag-uusap o ugnayan ng mga tao?
2. Participants- Sino-sino ang mga kalahok sa pag-uusap o pakikipagtalastasan?
3. Ends- Ano ang pakay o layunin ng pag-uusap na ito?
4. Act Sequence- Paano ang takbo ng usapan?
5. Keys- Ano ang tono ng pag-uusap Pormal ba o di Pormal?
6. Intrumentalities Anong tsanel ang ginagamit?Pasalita ba o pasulat?
7. Norms- Ano ang paksa ng usapan? Ano ang umiiral na panuntunan sa pagtatalakay sa nasabing paksa?
8. Genre- Ano ang diskursong ginagamit? Nagsasalaysay ba, nangangatuwiran o nakikipagtalo? Ano ang
espesipikong sitwasyong ginagamit?
Mahalaga na pag-ibayuhin ang kakayahang unawain ang mga ekspektasyon sa lipunan at kung kailan ang
akmang panahon pagpapahayag. Kaakibat nito, lagi ring isaisip kung ano ang dapat sabihin at kung paano ito
sasabihin. Umaayon ito sa pahayag nina Jocson, et.al (2014) na upang mas maging epektibo sa pakikipag-ugnayan
sa lipunang ginagalawan, dapat na:
1. Pahalagahan ang lugar ng usapan, igalang ang kausap, maging konsistent sa paksang pinag-usapan, isaalang-alang
ang genre ng usapan gayon din ang layunin ng pag-uusap, at higit sa lahat, pasalita man o pasulat ang
komunikasyon, linawing mabuti ang mga mensaheng pinag-uusapan; at
2. Kapag ang mabisang konsiderasyong ito na ipinapahayag ay masusunod at magagawa ng isang indibiduwal, hindi
magiging mahirap ang ganap na pag-unawa. Buong-layang magkakaroon ng palitan ng mga kaalaman,
komprehensibong impormasyon tungkol sa mga kaganapan sa paligid at paggalang sa damdamin ng kausap.
Sanggunian:
193
http://www.google.com.ph/search?
q=isang+dayalogo+ng+titser+at+guro&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwir_PPJ7trQAhUHMY8KHf
0mAqIQ_AUICCgB&biw=1366&bih=631#tbm=isch&q=isang+larawan+na+may+
+dayalogo+ng+titser+at+guro+komiks+type&imgrc=8-scnOYra-tjtM%3A
PAGSASANAY
PAGLALAPAT
Gamitin ang mga kriterya sa ibaba para sa pagmamarka at upang magabayan kayo sa inyong gagawin na
pagtatanghal. Gamitin ang sumusunod na kriterya sa pagmamarka at pagkatapos ay magbibigay ng puna ang uong
klase kung nasunod ang panutong ibinigay sa pagsasanay.
Kriterya:
Kaangkupan sa Paksa . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Pagganap . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Pagkamalikhain . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Kabuuan 50 puntos
TANDAAN
Hindi lamang nakatuon ang Kakayahang Sosyolinggwistik sa pagiging tama ng kayarian ng pahayag
kundi sa pagiging nararapat nito, depende sa kung sino ang kausap, saan nagaganap ang usapan, ano
ang gamit sa pakikipag-usap at kailan ito nagaganap.
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Ngayong naunawaan mo na ang paksang tinalakay, subukin mong sagutin ang mga sumusunod:
TAKDANG ARALIN
194
Pilipino
Petsa: Sesyon: 30
Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan nang may pagsasaalang-alang ang mga linggwistiko at
kultural na katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at mga
sitwasyo ng paggamit ng wika rito.
I. LAYUNIN
Kaalaman: Naipapaliwanag ang konsepto ng kakayahang pragmatik: speech act
at cooperative principle.
Saykomotor: Nakagagawa ng isang pagsusuri sa konsepto ng kakayahang
pragmatik.
Nakapagsasadula ng isang sitwasyon na ginagamitan ng kakayahang
pragmatik.
Gawain 2
1. Masasabi mo ba na ang iyong pahayag ay nagpapakilos sa tao?
2. Ito ba ay pinakamainam na paraan sa pagpapahayag ng iyong
195
mensahe?
3. May kaugnayan ba ang kahulugan ng iyong pahayag at kilos sa
wika?
4. Mayroon ka pa bang ibang paraan sa pagpapahayag ng mensahe?
C. PAGSASANAY PAGSASANAY 1
Mungkahing Gawain:
1. Makinig, manood ng isang programa sa radyo/ telebisyon na
maaaring may pormat sa pagbabalita, pagtatalakayan o
dokumentaryo.
2. Suriin kung angkop o tama ba ang mga ginamit na salita at
pangungusap sa konteksto ng paksang napakinggan/
napanood.
3. Isulat ang layunin ng bawat partisipant sa programang
pinakinggan o pinanood.
4. Suriin kung malinaw o hindi malinaw ang mga pahayag ng
partisipant. Kung ito ay may nakatagong kahulugan ibigay
ang ibig sabihin nito.
PAGSASANAY 2
Tukuyin ang tagong mensahe sa mga sumusunod na pahayag.
1. Lalaki: Maganda ka pala sa malapitan.
2. Doktor: Kailangan mong bawasan ang pagkain ng mga fast
food.
3. Ina: Itigil mo na ang negosyong iyan.
4. Guro: Ipapatawag ko ang magulang mo.
5. Babae: Ihahanda mo na ang mga papeles natin.
Gawain 4
Pangkatang Gawain
Mag-isip ng mga sitwasyong maaaring nangyari na sa totoo ninyong
buhay. Gumawa ng isang pagsasadula tungkol dito. Isaalang-alang
ang kabisaan ng pagpapahayag.
Kaangkupan sa Paksa . . . . . . . . . . . 25
Pagganap . . . . . . . . . . . 15
Bigkas/Tinig . . . . . . . . . . . 10
Kabuuan: 50 puntos
196
Sesyon: 30
TUKLASIN
MOTIBISYUNAL NA TANONG
GAWAIN I
Tingnan ang mga sitwasyon at ibigay ang hinihingi ng mga ito. Paano ka magpahayag sa pinakamabisang
paraan sa mga sumusunod na sitwasyon?
1. Nais mong paalisin ang iyong katulong dahil hindi niya ginampanan ang kanyang tungkulin.
2. Nais mong anyayahan ang iyong kaibigan na kumain.
197
3. Kaarawan mo bukas at inaasahan mong dadalo ang iyong kaklase na pumunta.
PAGSUSURI
ALAM MO BA NA…
KAKAYAHANG PRAGMATIK
Isa pang mahalagang kakayahang dapat taglayin ng isang indibiduwal para sa mabisang
komunikasyon ay ang kakayahang pragmatiko. Tumutukoy ang kakayahang ito sa abilidad niyang ipabatid
ang kanyang mensahe nang may sensibilidad sa kontekstong sosyo-kultural at gayon din sa abilidad niyang
mabigyang-kahulugan ang mga mensaheng nagmumula sa iba pang kasangkot sa komunikatibong
sitwasyon (Fraser, 2010). Mahihinuhang kaakibat ng pagkatuto sa pragmatika ang pag-aaral ng kahulugang
ibinabahagi ng pinagmulan ng mensahe, ng kahulugang batay sa konteksto ng mensahe, ng mas epektibong
pagpapabatid liban sa paggamit ng mga salita, at ng nosyon ng agwat o distansya (Yule, 1996 & 2003).
Inaasahan, kung gayon, na ang isang indibiduwal na may kakayahang pragmatiko ay mabisang naihahayag
ang kanyang mga mensahe sa pinakamainam na paraan, hindi-lamang sa paggamit ng salita kundi ng iba
pang estratehiya. Liban dito, inaasahan din sa kanya ang sinasabi, o di nasasabi na may lubos na
pagsasaalang-alang sa konteksto ng komunikasyon.
Dahil hindi lamang nakatuon sa kontekstong gramatikal ang pragmatika kundi sa mga mas malalalim
at tagong kahulugan ng mga salita at mga pagganap sa sitwasyong komunikatibo, maiuugnay kung gayon
dito ang teorya ng speech act. Ang naturang konsepto ay pinasimulan ng pilosopong si John Austin (1962)
at ipinagpatuloy nina Searle (1969) at Grice (1975). Pinaniniwalaan ng teoryang ito na nagagamit ang wika
sa pagganap sa mga kilos at kung paanong ang kahulugan at kilos ay maiuugnay sa wika (Clark, 2007). Sa
pagpapaliwanag ni Yule (1996 & 2003) ang mga speech act na ito ay mga kilos na ginanap sa pamamagitan
ng mga pagpapahayag. Kabilang sa mga ito ang paghingi ng paumanhin, pagrereklamo, papuri, paanyaya,
pangako, o pakiusap.
Halimbawa, sa pahayag ng isang amo sa kanyang epleyado na Magpaalam ka na sa iyong mga
kasama, higit pa ito sa isang linggwistikong pahayag. Maliban sa gramatikal na kahulugan nito, maaaring
pamamaraan ito ng pagsasabing tinatanggal na ang nasabing empleyado sa trabaho. Isa itong halimbawa ng
tinatawag na speech act.
Samantala, tinawag ni Austin (sa Clark 2007) ang berbal na komunikasyon bilang speech act at
tinukoy niyang sa bawat speech act, may tatlong magkakaibang akto na nagaganap nang sabay-sabay. Ang
mga ito ay tinawag niyang locutionary act, perlocutionary act, at illocutionary act. Sa pagpapaliwanag ni
Yule (1996) sa kanyang aklat na Pragmatics, inilahad niya na:
1. Ang locutionary act ay ang batayang akto ng pahayag o ang paggawa ng isang makabuluhan na
linggwistikong pahayag.
2. Ang illocutionary act ay tumutukoy sa intensyon at gamit ng pahayag. Ang paggawa ng mga
lingguwistikong pahayag ay hindi lamang ginawa nang walang dahilan. May nasasaisip na tiyak na
paggagamitan sa mga ito.
3. Ang perlocutionary act naman ay tumutukoy sa epekto ng mismong pahayag.
Pansinin bilang halimbawa ang pahayag na Nagtimpla ako ng lemonada.
Sa kasong ito, ang locutionary act ay ang mismong pagsasabi ng naturang pahayag na Nagtimpla ako
198
ng lemonada. Dahil ang intensyon nito ay upang anyayahan ang kausap na uminom, maituturing kung
gayon na illocutionary act ang pag-anyayang ito. Mula sa intensyong yayain ang kausap, inaasahang
sasaluhan siya nito sa pag-inom ng lemonada. Ito naman ang perlocutionary act na tinatawag ding
perlocutionary effect.
Upang maging epektibo sa mga ugnayang kinabibilangan, mahalaga kung gayon ang masusing
pagtukoy ng pinatutungkulan sa illocutionary act at ang mahusay nitong pagganap sa perlocutionary effect.
Inaasahan ding maging mahusay ang pinagmumulan ng mensahe sa kanyang paghahayag ng locutionary
act. Sa ganitong paraan, nagiging maayos ang daloy ng komunikasyon at masasabing matagumpay na
naisagawa ang mga layunin ng akto.
Gayon pa man, gaano man kahusay ang mga kasangkot sa isang sitwasyong komunikatibo, naririyan
pa rin ang posibilidad ng mga suliranin lalo na kung may hindi nabigyang-kahulugan nang tama ng
pinatutungkulan ang illocutionary act sa isang sitwasyon. Ipinakikita nito ang kompleksidad ng
komunikasyon at ang pagiging di-perpekto ng prosesong ito. Halimbawang sinabing Mag-uusap tayo
mamaya, maaring nagbabadya ito ng pagbabanta dahil may nagawang kasalanan ang pinatutungkulan ng
pagkagiliw sapagkat matagal nang di-nagkakausap ang mga kasangkot sa sitwasyon, o ng pagkakaroon ng
mahalagang sasabihin ng nagsasalita sa nakikinig. Mahirap ang pagbibigay-kahulugan sa mga ganitong
pahayag sapagkat hindi lamang ito nangangailangan ng pag-alam ng mga naitalagang kondisyon ayon sa
lingguwistikong pahayag kundi nagsasangkot din ito ng iba pang paktor tulad na lamang ng kaalaman sa
nakagawiang paggamit ng salita ng kausap, mga nakagawiang tradisyon, at ng mismong sitwasyon.
Cooperative Principle
Upang mapagtagumpayan ang mga ganitong hamon sa komunikasyon, isa pang paraan ang
makatutulong para sa ikalulutas ng mga hamong ito- ang pagsasanay sa prinsipyo ng kooperasyon o mas
kilala bilang cooperative principle (Grice, 1975). Ayon sa prinsipyong ito, ang mga kasangkot sa
komunikasyon ay inaasahang makikiisa para sa isang makabuluhang pag-uugnayan. Naglahad si Grice
(1975; nasa Clark,2007) ng apat na prinsipyo na magagamit bilang gabay sa pakikisangkot sa mga
interaksyong interpersonal. Tinawag niyang maxims of conversation ang mga ito. Narito ang mga prinsipyo
sa kumbersasyon na kaniyang binanggit:
1. Ang prinsipyo ng kantidad ay naiuugnay sa dami ng impormasyong kailangang ibigay.
a. Ibigay ang inaasahang dami ng impormasyong mula sa iyo.
b. Huwag lalampas sa impormasyong inaasahan mula sa iyo.
2. Ang prinsipyo ng kalidad ay naiuugnay sa katotohanan ng ibinibigay na impormasyon.
a. Huwag sabihin ang pinaniniwalaan mong hindi totoo.
b. Huwag mong banggitin ang mga bagay na wala kang sapat na katibayan.
3. Ang prinsipyo ng relasyon ay naiuugnay sa halaga ng ibinibigay na impormasyon.
a. Panatilihing mahalaga ang mga ibinibigay na impormasyon.
4. Ang prinsipyong pamaraan ay naiuugnay sa paraan ng pagbibigay sa impormasyon.
a. Iwasan ang pagbibigay ng mga pahayag na mahirap maunawaan.
b. Iwasan ang pagbibigay ng malalabong ideya.
c. Gawing maiksi at huwag magpaligoy.
d. Ayusin ang pagpapahayag.
Batay sa prinsipyong ito, pansinin ang kasunod na sitwasyon:
Lalapit si Vincent kay DJ na nakaupo sa may bangko sa ilalim ng punong mangga. Sa ilalim ng
bangko ay isang nakahilatang pusang puting-puti ang balahibo.
Vincent: Maamo ba ang pusa mo?
DJ: Oo naman.
Bubuhatin ni Vincent ang puting pusa sa ilalim ng bangkong inuupuan ni DJ.
Vincent: Aray, kinalmot ako! Sabi mo, maaamo?
DJ: Hindi ‘yan ang pusa ko!
199
intensyon ni DJ para makiisa sa ugnayan.
May dalawang aral, kung gayon na, maaaring makuha sa sitwasyong nailahad. Una, bilang kasangkot
sa isang komunikatibong sitwasyon, dapat may kakayahan kang malaman kung nakikiisa ang iyong mga
kasama sa sitwasyong kinasasangkutan. Ito ay upang makapag-adjust sa mga bagay-bagay na dapat mong
gawain. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pagbasa o pagpapakahulugan sa mga senyas na di-berbal na
namamayani sa konteksto ng usapan. Ikalawa, dapat sikaping magbigay ng sapat at makabuluhang mga
impormasyon ang bawat kasapi sa usapan upang maging matagumpay ang komunikasyon.
Kung papansinin, umaayon ito sa prinsipyo ng kooperasyon. Una, kompleto ang detalye ng
impormasyong kinakailangan. Hindi labis at hindi rin kulang. Naibigay ang ninanais na impormasyon.
Ikalawa, sinabi ni Macy ang totoong kinalalagyan ng mga hinahanap na file ayon sa katiyakang
pinanghahawakan niya base marahil sa personal niyang pagkakaalam sa aktuwal na kinaroroonan ng mga
ito. Ikatlo, dahil tiyak at totoo ang mga impormasyong ibinigay ng mga kasangkot, naitanong ang nais
malaman, at naibigay ang kasagutang hinahanap, napanatili ang halaga ng bawat impormasyon. At ikaapat,
malinaw at di-maligoy ang palitan ng pahayag. Naging maaayos kung gayon ang daloy ng kumbersasyon.
PAGSASANAY I
Mungkahing Gawain:
3. Suriin kung angkop o tama ba ang mga ginamit na salita at pangungusap sa konteksto ng
paksang napakinggan/ napanood.
4. Isulat ang layunin ng bawat partisipant sa programang pinakinggan o pinanood.
5. Suriin kung malinaw o hindi malinaw ang mga pahayag ng partisipant. Kung ito ay may
nakatagong kahulugan ibigay ang ibig sabihin nito.
PAGSASANAY II
PAGSASANAY III
Pangkatang Gawain
PAGLALAPAT
200
Mamarkahan ang bawat grupo batay sa sumusunod na kriterya:
Kaangkupan sa Paksa . . . . . . . . . . . . . . . . . . 25
Pagganap . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Bigkas/Tinig . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Kabuuan 50 puntos
TANDAAN
Mahalaga na mabisa ang iyong paraan ng pagpapayahag upang matugunan din ito nang wasto sa
taong kausap o kaharap mo.
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Tanong-Sagot Porsyon…
Ilahad kung paano mo sasabihin ang iyong intensyon sa mga kasunod na sitwasyon.
1. Pagpapaalam sa magulang na hindi ka makauuwi nang maaga dahil kailangan tapusin ang
proyekto sa kabila ng curfew na ipinatutupad sa iyo.
2. Makikiusap ka sa iyong guro na ipapasa mo ang iyong proyekto kahit huli na at kahit
pangatlong beses kanang napagsabihan.
TAKDANG ARALIN
201
Sesyon Guide: 31
I.LAYUNIN
Kaalaman: Natutukoy ang mga uri ng di-berbal na komunikasyon.
202
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Kakayahang Pragmatik-- Komunikasyong Di- Berbal
B. SANGGUNIAN Bernales, Rolando A. et al. 2016 .Komunikasyon sa Makabagong
Panahon. Malabon City. Mutya Publishing House. Inc.
pp. 176-183
C. KAGAMITANG Laptop
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Maglaro ng picture frame sa loob ng klase. Isakilos ang mga ibinigay
na kaganapan na hindi gumagamit ng salita, kailangan puro kilos
lamang at senyas. Kapag sinabing “FREEZE” ang bawat pangkat ay
huminto at manigas. Kung may gagalaw na kasapi sa pangkat ay ma
disqualified na. Ang may pinakamahusay na ekspresyon at kilos ay
makakakuha ng malaking marka.
1. Kasalan
2. Binyagan
3. Paglalamay
4. Pagtawid sa daan
5. Hinahabol ng kriminal
1. Nagagawa ba ninyo nang maayos ang mga ipinapagawa sa
inyo na mga eksena? Bakit?
2. Alin ang mas madaling isakilos iyong puro senyas lamang o
iyong may kasamang salita? Magbigay ng iyong ganting
galaw.
1.
https://www.google.com.ph
203
2.
https://www.google.com.ph
3.
4.
5.
204
3. Paggamit ng simbolo ng babaeng nakapiring at may tangang
espada at timbangan sa mga gusali at tanggapan ng korte o
hukuman.
________________________
Sesyon: 31
205
PAKSA: Kakayahang Pragmatik-- Komunikasyong Di- Berbal
TUKLASIN
Napag-alaman na natin ang mabisang paraan ng pagpapahayag gamit ang pasalita, ngayon ay pag-
aaralan naman natin ang iba’t ibang paraan sa pagpapahayag gamit ang mga di-berbal.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
1. Naranasan niyo na bang magpahayag gamit ang mga senyas? O kaya nama’y ekspresyon at
iba pang mga kilos at galaw?
2. Anu-ano ang mga sitwasyon o pangyayari na ginamit mo ang mga kilos at galaw sa
pagpapahayag?
3. Mabisa ba ang paggamit ng mga ito sa pagpapahayag?
GAWAIN I
Maglaro ng picture frame sa loob ng klase. Isakilos ang mga ibinigay na kaganapan na hindi gumagamit ng
salita, kailangan puro kilos lamang at senyas. Kapag sinabing “FREEZE” ang bawat pangkat ay huminto at manigas.
Kung may gagalaw na kasapi sa pangkat ay ma disqualified na. Ang may pinakamahusay na ekspresyon at kilos ay
makakakuha ng malaking marka.
1. Kasalan
2. Binyagan
3. Paglalamay
4. Pagtawid sa daan
5. Hinahabol ng kriminal
PAGSUSURI
1. Nagagawa ba ninyo nang maayos ang mga ipinapagawa sa inyo na mga eksena? Bakit?
2. Alin ang mas madaling isakilos iyong puro senyas lamang o iyong may kasamang
salita? Magbigay ng iyong ganting galaw.
ALAM MO BA NA…
Dahil kasama sa kakayahang pragmatik ang pag-unawa sa tagong kahulugan na hindi matutunghayan
sa mga salitang inihahayag sa usapan, mahalaga, kung gayon, ang kaalaman sa di-berbal na komunikasyon.
Tinatayang 70% ng mga pakikipagtalastasang interpersonal ay binubuo ng mga di-berbal na simbolo. Ito
ang mga senyas na hindi gumagamit ng salita subalit mas nakapagpapalinaw sa kahulugan ng mga pahayag.
Ang mga di-berbal na senyas ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
1. Chronemics. Mahalaga ang oras. Ito ay isang bagay na kulang sa maraming tao. Ang paggamit ng oras,
kung gayon, ay maaaring kaakibatan ng mensahe. Halimbawa, ang pagdating nang huli sa isang job
interview ay maaaring iinterpret na kakulangan ng disiplina. Samantala, ang pagdating naman nang maaga
sa isang salu-salo maaaring makainsulto sa magbibigay ng salu-salo dahil maaari niya itong ikataranta sa
206
paghahanda. Ang pagtawag sa telepono sa madaling araw ay malamang na ikagalit ng ibang tao. Maaari
niyang ipalagay iyong sinasadyang pang-iistorbo sa kanyang pagpapahinga at kung gayo’y isang
kabastusan. Ngunit maaari rin naman niya iyong ipalagay na isang matinding pangangailangan o isang
emergency.
2. Proxemics. Maaring may kahulugan dina ng espasyong inilalagay natin sa pagitan ng ating sarili at ng
ibang tao. Ano ang iyong iisipin kung ang kaharap mo sa jeep na iyong sinasakyan ay halos magkapalitan
na ng mukha, ika nga, sa kabila ng kaluwagan ng sasakyan? Paano ka makipag-usap sa iyong kasintahan?
Gaano ang layo ninyo sa isa’t isa kadalasan? Gayon din ba ang layo mo kapag ika’y nakikipag-usap sa
isang kaibigan, o sa isang di-kakilala o sa isang pangkat ng tagapakinig kapag ika’y nagtatalumpati? Hindi,
di ba? May iba’t ibang uri ng proxemic distance tayong ginagawa sa iba’t ibang pagkakataon at ang
distansyang ito ay maaaring mangahulugang intimate, personal, social o public.
May mga pagkakaibang kultural kaugnay ng distansyang pisikal at pag-aayos ng pisikal na setting ng
mga bagay-bagay. Sa Britanya, halimbawa, bibihira ang pisikal na kontak sa pagitan ng mga tao. Maliban
kung sila ay magkakaibigan, pakikipagkamay na ang pinakatanggap na anyo ng kontak.
Sa pakikipag-usap, ang pagkakalayo o pagkakapalit-palit ay maaaring magpahirap sa kumbensasyon.
Sa kulturang British muli, ang pinaktanggap na distansya ay 2 1/2 feet. Pansinin ang ugnayang ipinakikita
ng mga tauhan sa mga kasunod na larawan sa pamamagitan ng distansya.
Nakapaloob din sa kategoryang ito ang pisikal na kaayusan ng mga bagay-bagay sa isang lugar.
Maaaring maging pormal o impormal ang isang okasyon bunga ng pagkakasaayos ng mga kagamitan tulad
ng silya at mesa. Kung ang isang silid ay pinalamutian ng mga loob, ano ang maaaring maisip mo? Paano
naman kung kandila ang iyong makita? Anong mensahe ang maaari mong makuha sa mga gayong
kaayusan?
3. Kinesics. Maraming sinasabi ang ating katawan, minsan pa nga’y higit pa sa tunog na lumalabas sa
ating bibig kaya nga may tinatawag sa Ingles na body language.
Ang ating pananamit at kaanyuan ay maaaring may mensahe rin. Ano ang iyong iisipin kung may
makita kang babaeng napakaikli ng palda at halos lumabas na ang dibdib? Ano ang iyong iisipin sa isang
taong patpatin ang pangangatawan at halos kuba na kung maglakad?
Ang ating tindig at kilos ay maaari ring magsalita para sa atin. Kapag nakakakita tayo ng isang lalaking
tuwid na tuwid at matikas ang tindig, ano ang agad na inaakala nain sa kanya? Kung sa lobby ng isang
ospital ay may makita kang isang lalaking paroo’t parito, ano ang ipapalagay mo sa kanya?
Ang kumpas ng kamay ay isa ring mayamang pinanggagalingan ng mensaheng di-berbal. Maaaring
ang kumpas ay regulative katulad ng kumpas ng pulis sa pagpapahinto ng mga sasakyan sa daan o kumpas
ng isang guro sa pagpapatahimik ng mga bata. Mayroon din tayong tinatawag na descriptive na kumpas na
maaaring maglarawan ng laki, haba, layo, taas at hugis ng isang bagay. Ang mga kumpas naman na
nagpapahiwatig ng damdamin tulad ng paghampas ng kamay sa mesa, sabay ng pagtaas ng dalawang
kamay, pagkuyom ng mga palad at pakikipagkamay ay tinatawag na mga kumpas na emphatic.
4. Haptics. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch sa pagpapahatid ng mensahe. Sa ating wika,
may iba-iba tayong tawag sa paraan ng paghawak sa ibang tao o bagay at bawat paraan ay may kanya-
kanyang kahulugan. Ilarawan ang mga sumusunod at tukuyin ang posibleng kahulugan ng bawat isa:
hawak, pindot, hablot, pisil, tapik, batok, haplos at hipo.
5. Iconics. Sa ating paligid ay marami kang makikitang simbolo o icons na may malinaw na mensahe. Sa
pintuan ng mga palikuran, ano’ng simbolo ang nagpapahiwatig na ang isa ay pambabae at ang isa ay
panlalaki? Paano sinisimbolo na bawal manigarilyo sa isang lugar? Anong simbolo ang ginagamit sa mga
lugar na para sa mga may kapansanan? Anong simbolo ang makikita sa botelya ng lason, o sa reseta ng mga
duktor, o sa tanggapan ng mga husgado? Sa mga kalsada o daan, ano-anong mga simbolong panlansangan
ang iyong makikita? Ilarawan ang bawat isa at sabihin ang kahulugan ng mga iyon.
6. Colorics. Ang kulay ay maaari ring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon. Ano ang ipinahihiwatig
ng damit na itim? Ng bandilang pula? Ng taling dilaw sa noo? Sa mga interseksyon ng daan, ano ang ibig
sabihin ng ilaw na dilaw, berde at pula? Ano ang ipinahihiwatig ng puting panyo? Sadya ngang ang kulay
ng mga bagay-bagay ay madalas nating nilalapatan ng kahulugan.
7. Paralanguage. Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas sa isang salita. Ang salitang oo, halimbawa, ay
maaaring mangahulugan ng pagsuko, pagsang-ayon, galit, kawalan ng interes o paghamon, pagbibigay diin
sa mga salita, bilis ng pagbigkas, paghinto sa loob ng pangungusap, lakas ng boses at taginting ng tinig.
Ang mga ito ay maaaring magpabago-bago sa kahulugan kahit ng isang salita lamang. Halimbawa,
susubukan mong bigkasin ang tunog na oh sa iba’t ibang paraan. Ano ang posibleng kahulugan ng bawat
207
paraan mo ng pagbigkas ng tunog na iyon?
8. Oculesics. Tumutukoy ito sa paggamit ng mata sa paghahatid ng mensahe. Hindi nga ba’t may iba’t
ibang kahulugan ang pamumungay, pagkindat, panlalaki at panlilisik ng mga mata?
9. Objectics. Paggamit ito ng mga bagay sa paghahatid ng mensahe. Paano mo ipapahayag ang galit gamit
ang tsinelas o sinturon? Paano mo ipapahayag ang pag-ibig gamit ang bulaklak? Anong bagay ang
ginagamit ng mga holdaper upang makapanakot ng kanilang mga biktima?
10. Olfactorics. Nakatuon naman ito sa pang-amoy. Isipin na lang, bakit nagpapabango si misis bago
dumating si mister mula sa opisina? Bakit nilalagyan ng pandan ang sinaing? Bakit ka nagtatakip ng ilong
magkaminsan? Sadyang may kaakibat na mensahe ang mga nasabing halimbawa.
11. Pictics. Hindi rin maitatago ang ating damdamin at tunay na intensyon sa ating mukha. Sa ating
mukha, maaaring makita kung ang isang tao ay masaya, umiibig, malungkot, nag-aalala, natatakot may
suliranin, nahihirapan, galit o di kaya’y nag-iisip. Pansinin ang mga kasunod na larawan.
12. Vocalics. Paggamit ito ng tunog, liban sa pasalitang tunog. Halimbawa nito ay ang pagsutsot sa
pagtawag ng pansin ng isang tao. Ilan pang halimbawa nito ay pag-ehem, pag-tsk-tsk at pagbuntong-
hininga.
Ang kahandaang bigyang-kahulugan ang mga simbolong di-berbal na karaniwang pumapaloob sa mga
talastasang interpersonal at pampubliko ay isang malaking hakbang para maging mas mahusay na
partisipant sa isang sitwasyong komunikatibo. Mahalaga ito para makita ang mga lingguwistikong pahayag.
PAGSASANAY
Magtanghal ng isang pantomina batay sa ibinigay na sitwasyon gamit ang tinalakay sa iba’t-
ibang anyo ng komunikasyong di-berbal.
Kriterya:
Kaangkupan sa Paksa . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Pagganap . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Konsepto . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Kabuuan 50 puntos
PAGLALAPAT
GAWIN mo!
Hinuhain kung ano ang sinasabi o iinisip ng mga tauhan sa ipinakitang larawan. Magbigay ng reaksyon batay
sa ibilahad ng mga kaklase sa harap.
1.
https://www.google.com.ph
208
2.
https://www.google.com.ph
3.
209
4.
5.
TANDAAN
Ang paggamit di-verbal na paraan ng pagpapahayag ay nakatutulong sa verbal na komunikasyon
upang epektibong maipahayag ang saloobin at kaisipan sa taong kanyang kausap.
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
________________________
2. Pagsusuot ng t-shirt na kulay pula at pagtatali ng ribbon nakulay pula sa noo sa isang rali sa Mendiola.
________________________
3. Paggamit ng simbolo ng babaeng nakapiring at may tangang espada at timbangan sa mga gusali at
210
tanggapan ng korte o hukuman.
________________________
4. Pagsimangot sa harap ng isang kakilalang kinayayamutan.
________________________
5. Pag-upo nang magkalapit na magkalapit ng isang magkasintahan sa loob ng isang jeep na may ilang
pasahero lamang.
________________________
6. Pagtawag ng anak sa cellphone ng kanyang mga magulang nang hatinggabi.
________________________
7. Pagkaway sa asawa ng OFW na papasakay nang eroplano.
________________________
8. Pagkindat ng isang mata bilang paghiwatig ng pagbibiro lamang.
________________________
9. Pasigaw na pagtawag sa pangalan ng isang tao dahil sa matinding galit.
________________________
10. Pagsusuot ng isang babaeng ng blouse na may malalim na neckline upang ipangalandakan ang kanyang
malalim na cleavage.
________________________
TAKDANG ARALIN
211
Sesyon Guide: 32
Petsa: Sesyon: 32
Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan nang may pagsasaalang-alang ang mga linggwistiko at
kultural na katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at mga
sitwasyo ng paggamit ng wika rito.
I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakikilala ang konsepto ng presupposition.
C. KAGAMITANG PPT
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Gawain 1
Ibigay ang nais ipakahulugan ng mga pahayag.
1. Bagsak ka na naman.
2. Sino na naman iyang kausap mo?
3. Kailan ka pa magpapakatino sa pag-aaral?
Gawain 2
1. Ano ang mahihinuha mo sa mga pahayag na ito?
2. Sa tingin niyo ba ay alam kaya ng kinakausap ang mga bagay na
ipinapalagay ng kumakausap sa kanya?
3. Ano kaya ang magiging reaksyon niya rito?
212
C. PAGSASANAY Gawain 3
Kumuha ng kapareha. Bumuo ng isang dayalogo na kung saan ay
nagpapakita ng presupposition at ipakita rin kung tinanggap ba o
hindi ang nasabing palagay. Salungguhitan ang mga pahayag na
presupposition.
Gawain 4
Sumulat ng isang komposisyon ng natatanging karanasan na kung
saan ay nakaranas ka ng presupposition. Pagkatapos ay ibahagi sa
klase.
IV. PAGATATAYA I. Tukuyin ang mga tiyak na palagay mula sa mga sumusunod na
pahayag.
1. Inantay ka ng kuya mo sa labas.
2. Manonood ka na naman ng sine ngayon.
3. Kailan ka pa tumigil sa pagsusugal.
4. Bakit ka lumipat sa Silliman University?
5. Mahal na mahal pa rin kita.
Sesyon: 32
TUKLASIN
Minsan may mga pangyayari sa buhay natin na nagpapahayag tayo ng pagpapalagay sa mga
nasaksihan sa paligid. Tulad na lamang kung gaano kabilis ang mga pangyayari o aksidente.
213
MOTIBISYUNAL NA TANONG
1. Naranasan niyo na bang masaksihan ang isang di kanais-nais na pangyayari? Ano ang
ginawa mo?
2. Inimbitahan ka ba upang maging testigo sa pangyayari iyon?
3. Paano mo isinalaysay ang mga pangyayari?
4. Tinanggap ba nila ang isinalaysay mo?
GAWAIN I
PAGSUSURI
ALAM MO BA NA…
Upang lalo pang mapaigting ang kakayahang makita ang mga bagay-bagay na tago at di-sinasabi nang
tuwiran ng taong kausap o ng tekstong binabasa, mahalaga ring tingnan ang presupposition. Tumutukoy ito
sa isang bagay na ipinapalagay ng nagsasalita na totoo at ipinagpapalagay din niyang nalalaman ng
nakikinig. Mahalaga ang pagtukoy ng nakikinig sa mga pagpapalagay na ito sapagkat may mga
pagkakataong kailangang linawin o baguhin ang mga pagpapalagay lalo na kung hindi naman ito totoo. Ang
kabiguang masuri ang mga pahayag at malinaw ito ay nangangahulugang pagtanggap na lamang sa
pagpapalagay na ito ng nagsasalita. Sa kabilang dako, upang mapaghusay ang kabuuan ng komunikasyon,
inaasahang hindi lamang ang nakikinig o tumatanggap ng mensahe ang kailangang maging masusi sa
pagtukoy sa mga ganitong pagpapalagay. Kinakailangan ding ang nagsasalita ay may pagsusuri sa
katotohanan mula sa kanyang pagpapalagay bagamat ipinagpapalagay niya itong totoo, makabubuti sa isang
ugnayan kung malilinaw pa rin ang mga prinsipyo sa kooperatibong pakikipag-usap. Pansinin ang mga
sumusunod na pahayag:
a. Huli ka na naman. [Ipinapalagay na nahuli ka na dati.]
b. Nagkukunwari siyang may sakit. [Ipinapalagay na wala talaga siyang sakit.]
c. Walang nakakapansin na siya’y may problema. [Ipinapalagay na siya’y may
problema]
d. Kailan ka pa tumigil uminom? [Ipinapalagay na siya’y dating umiinom.]
Ang katanungan: sa mga pagkakataon na isang talastasan ay may pagpapalagay ang nagsasalita, pareho
ba sila ng pagpapalagay ng taong pinatutungkulan niya? Nagkakaroon ng suliranin sa pagpapabatid ng
mensahe kung may magkaibang pagpapalagay ang mga taong kasangkot sa eksena. Suriin ang kasunod na
eksena:
Halimbawang ikaw ay testigo sa isang aksidenteng kinasangkutan ng isang rumaragasang motorsiklo na
214
nakabangga sa isang batang babae. Patawid noon ang bata habang ang stop light ay nakapulang signal
subalit humaharurot ang motorsiklo at nabangga niya ang bata. Hindi mo napansin kung naging berde na
ang ilaw ng traffic light at tanging komosyon na ang iyong napansin.
Pulis: Gaano kabilis ang motor nang humarurot ito habang naka-red light?
Ikaw ...
Kung sasagutin mo, halimbawa, ang katanungan ng pulis ayon sa iyong tantiya o pagsasabing mabilis
talaga ito at sinasagot mo lamang ang kanyang katanungan, tinatanggap mo na kung ano ang pagpapalagay
o presupposition sa pahayag na mabilis na tumatakbo ang motor, at naka-red light nang tumatakbo ito. Ang
totoo, hindi mo napansin kung naka-red light pa nang mabangga ang bata. Hindi ka tiyak kung nabangga
siya habang nakahinto dapat ang mga sasakyan. Ipinahihiwatig ng halimbawang ito na may mga pahayag
na may kasama nang mga pagpapalagay at kapag hindi ito nasuri nang maigi ng pinatutungkulan, maaring
tanggapin na lamang niya ang pagpapalagay kahit hindi siya sigurado sa katotohanan nito.
PAGSASANAY I
PAGSASANAY II
Sumulat ng isang komposisyon ng natatanging karanasan na kung saan ay nakaranas ka
ng presupposition. Pagkatapos ay ibahagi sa klase.
PAGLALAPAT
GAWIN mo!
TANDAAN
Presupposition ang tawag sa isang bagay na ipinapalagay ng nagsasalita na totoo at ipinagpapalagay
din niyang nalalaman ng nakikinig. Ngunit mahalaga na matukoy ng nakikinig ang mga
pagpapalagay na ito sapagkat may mga pagkakataong kailangang linawin o baguhin ang mga
pagpapalagay lalo na kung hindi naman ito totoo.
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Tanong-Sagot Porsyon…
215
I. Tukuyin ang mga tiyak na palagay mula sa mga sumusunod na pahayag.
II. Bumuo ng limang pahayag at ipakita ang maaaring maging palagay sa mga ito at nais
ipakahulugan sa mga pahayag,
TAKDANG ARALIN
Sesyon Guide: 33
216
Kompetensi: 1. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa
talakayan. (F11PT-IIe-87)
2. Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito
sa mga usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan,
lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan.
(F11PS-IIe-90)
3. Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit
ng mga salita at paraan ng pagsasalita. (F11WG-IIf-88)
I. LAYUNIN
Kaalaman: Nabibigayang-pansin paggamit ng magalang na mga salita.
C. KAGAMITANG PPT
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Tingnan ang mga sitwasyon at ibigay ang hinihingi ng mga ito.
217
upang makabuo ng mga pahayag.
Kriterya:
Kaangkupan sa paksa . . . . . . . . . . . 20
Pagganap . . . . . . . . . . . 20
Bigkas/tinig . . . . . . . . . . . 10
Kabuuan: 50 puntos
D. PAGLALAPAT Bigyang pansin ang mga pahayag na ginagamit. Suriin ang mga
pahayag at bigyan ng kahulugan. Pagkatapos ay ipahayag ang mga ito
nang may paggalang.
1. Kunin mo ang pera.
2. Akin na ang regalo.
3. Labhan mo ang uniporme.
4. Lagdaan mo.
5. Itapon ang basura.
6. Magluto ka.
7. Bilhan mo ako ng ulam.
8. Umalis ka.
9. Pakainin mo ang aso.
10. Akin ang damit.
Sesyon: 33
TUKLASIN
Taglay nating mga Pilipino ang pagiging magalang hindi lang sa salita pati rin sa gawa.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
218
GAWAIN I
Sa pagpapahayag ninyo ng komplimento at pagtugon, alin ang mas pipiliin ninyo ang pagsasabi nang
totoo kung ano ang nasa isip o ang pagbibigay ng komplemento? Bakit? Ipaliwanag.
ALAM MO BA NA…
Upang maging lubos ang kakayahang pragmatiko ng isang tao, kailangan din niyang matutunan ang
konsepto ng pagkamagalang o politeness. Iba’t-iba ang asosasyon sa konsepto ng pagkamagalang.
Maaaring iugnay rito ang pagkamahinahon, pagkamabuti, o hindi pagiging taklesa. Sa lingguwistika, ito ay
iniuugnay sa konsepto ng mukha o face. Sabi ni George Yule (2003), ang mukha ng tao ay ang kanyang
imaheng pampubliko. Ito raw ang kanyang emosyonal at sosyal na pagtaya sa sarili na inaasahan din niyang
makikita ng iba. Ang pagkamagalang, kung gayon, ay ang pagpapakita ng pagpapahalaga sa mukha ng
ibang tao.
Sa pahayag (a), ipinakita rito ang kapangyarihang sosyal. Magagawa lamang ito kung ang nagsasalita
ay may mas edad na ang nag-uutos sapagkat isang kabastusan kung ganito ang pagsasabi ng isang
nakababata sa isang nakatatanda. Samantala, sa pahayag (b), makikita ang pagtatanggal sa kaakibat na
kapangyarihang sosyal sa pahayag (a). Ipinapakita nito ang isang pakiusap na sa kaso ng kulturang Pilipino
ay laging inaasahan maging ano man ang katayuan sa buhay.
219
PAGSASANAY
Kriterya:
Kaangkupan sa paksa . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Pagganap . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Bigkas/tinig . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Kabuuan 50 puntos
PAGLALAPAT
GAWIN mo!
Bigyang pansin ang mga pahayag na ginagamit. Suriin ang mga pahayag at bigyan ng kahulugan.
Pagkatapos ay ipahayag ang mga ito nang may paggalang.
TANDAAN
Sakop ng kakayahang pragmatik ang pagkamagalang o politeness. Nararapat lang na
magalang tayo sa kilos maging sa ating pananalita upang i-respeto tayo. Taglay ng mga
Pilipino ang pagiging magalang at dapat taglay din ito ng mga kabataang tulad ninyo.
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Ibigay ang iyong salaysay sa mga sitwasyong ibinigay:
1. Pagkuha ng tubig.
2. Hindi mo nagustuhan ang makalumang tugtugin.
3. Hindi mo naibigan ang pagkaing inihanda ng iyong kaibigan.
TAKDANG ARALIN
220
Sesyon Guide: 34
221
lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan.
(F11PS-IIe-90)
4. Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit
ng mga salita at paraan ng pagsasalita. (F11WG-IIf-88)
I. LAYUNIN
Kaalaman: Napag-iiba-iba ang gamit ng kohisyon at kohirens sa loob ng isang
talata.
Saykomotor: Nakasusulat ng isang talata na naisaalang-alang ang kohisyon at
kohirens.
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Kakayahang Diskorsal- Kohisyon at Kohirens
C. KAGAMITANG PPT
PAMPAGTUTURO:
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Gawain 1
Basahin ang dalawang pahayag:
Pahayag 1: Pinahahalagahan niya ang kanyang dangal.
Pahayag 2: Hindi mainam sa isang kabataan ang mahumaling sa
larong pangkompyuter.
Gawain 2
1. Wasto ba ang gramatika sa mga pahayag?
2. Nauunawaan ba ninyo ang mga pahayag?
3. Magkaugnay ba ang dalawang pahayag? Paano ninyo ito
nasabi? Patunayan.
222
dumadalaw sa bansa.
2. Puspusan ang ginawang kampanya ng Kagawaran ng Kalusugan.
Marami ang mga batang natulungan ng kagawarang ito.
3. Ipinagmamalaki natin ang mga magagandang kaugaliang Pilipino.
Nawawala na ang magandang kaugaliang ito.
Sesyon: 34
TUKLASIN
Ang pagbuo ng isang diskurso ay di madaling gawain. Marami kang dapat isaalang-alang sa pagbuo
mo nito. Pasulat man o pasalita ay dapat pagtuunan mong pansin ang kohisyon at kohirens upang
matamo ang kabisaan at kagalingang pangkomunikasyon.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
GAWAIN I
Basahin ang dalawang pahayag:
223
PAGSUSURI
1. Wasto ba ang gramatika sa mga pahayag?
2. Nauunawaan ba ninyo ang mga pahayag?
3. Magkaugnay ba ang dalawang pahayag? Paano ninyo ito nasabi? Patunayan.
ALAM MO BA NA…
Kohisyon at Kohirens
224
PAGSASANAY
Sumulat ng dalawang magkaibang talata tungkol sa napapanahong isyu. Dapat taglay nito ang
kohisyon at kohirens. Halimbawa, maaaring tungkol sa ating mahal na Pangulo ng Pilipinas o
kilalang manlalaro. Salungguhitan ang mga cohesive device na ginagamit.
PAGLALAPAT
GAWIN mo!
Kriterya:
Nilalaman . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Pagkakaorganisa ng nilalaman . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Maayos na paggamit ng wika . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Kabuuan 50 puntos
TANDAAN
Magtatagumpay ang isang talata kung magkakaugnay-ugnay at may kaisahan ang mga bahagi nito at
iyan ang tinatawag na kohisyon at kohirens.
PAGTATAYA
TAKDANG ARALIN
Pag-aralan ang tungkol sa pagpapalawak ng pangungusap. Anu-ano ang mga paraan sa
pagpapalawak ng pangungusap?
Magdala ng isang larawan ng napapanahong isyu sa bansa.
225
Sesyon Guide: 35
I. LAYUNIN
Kaalaman: Naiisa-isa ang mga paraan sa paggamit ng mga kataga sa
pagpapalawak sa pangungusap.
Saykomotor: Nakasusulat ng isang kritikal na sanaysay gamit ang mga paraan sa
pagpapalawak ng pangungusap.
226
Apektiv: Nakapag-uugnay-ugnay ng mga kaisipan tungkol sa mga
napapanahong isyu sa bansa.
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Kakayahang Diskorsal- Pagpapalawak ng Pangungusap
C. KAGAMITANG PPT
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Gawain 1
Palawakin ang pangungusap na ito. Magbigay ng tatlong anyo nito
sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga kataga.
Mababa ang kuha niyang iskor.
Gawain 2
Pansinin ang nabuong mga pangungusap nariyan pa ba ang ideya
nito? Pangatuwiranan.
227
Sesyon: 35
TUKLASIN
Ang pagsulat ay isang sining kung kaya’t kinakailangan itong masusing pagtuunan ng pansin
higit lalo sa pagbuo ng mga pangungusap gayon din ang pagpapalawak nito.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
GAWAIN I
Palawakin ang pangungusap na ito. Magbigay ng tatlong anyo nito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng
mga kataga.
PAGSUSURI
Pansinin ang nabuong mga pangungusap nariyan pa ba ang ideya nito? Pangatuwiranan.
ALAM MO BA NA…
Datapuwa’t bahagi ng kakayahang lingguwistik ang pagbuo ng pangungusap, mahalaga ang kaalaman
sa pagpapahaba ng mga pangungusap upang mas mailarawan at mailahad ang mga ideyang nais ibahagi sa
isang pahayag. Ilan sa mga pamamaraan ng pagpapahabang ito ay ang:
1. Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga. Napapahaba ang mga pangungusap gamit ang mga katagang
228
pa, ba, man, naman, nga, pala, at iba pa. Pang-abay na ingklitik ang tawag sa mga salitang ito.
Halimbawa:
Mabilis ang pagtakbo ng oras.
Mabilis pala ang pagtakbo ng oras.
Mabilis nga ang pagtakbo ng oras.
Mabilis nga pala ang pagtakbo ng oras.
2. Pagpapahaba sa pamamagitan ng panuring. Nakapagpapahaba rin ng pangungusap ang mga panuring
na na at -ng.
Halimbawa:
Si Carlo Miguel ay estudyante.
Si Carlo Miguel ay estudyanteng manlalaro.
Si Carlo Miguel ay estudyanteng manlalaro ng basketbol.
3. Pagpapahaba sa pamamagitan ng komplemento. Ang mga komplemento ng pandiwa ay isang paraan
ng pagpapahaba sa mga pangungusap. Ito ang bahagi ng berbal na panaguri na nagbibigay kahulugan sa
pandiwa. Ang mga uri nito ay aktor, layon, benepaktibo, lokatibo, direksyonal, instrumental, at kawsatibo.
a. Komplementong Aktor. Nagsasaad sa gumanap sa kilos. Pinangungunahan ito ng panandang ang at
mga panghalip.
Halimbawa:
Iwinagayway ang bandila.
Iwinagayway ni Mark Alvin ang bandila.
b. Komplementong Layon. Tinutukoy rito ang bagay na ipinapahayag ng pandiwa. Ginagamit dito ang
panandang ng.
Halimbawa:
Sumasayaw si Fe.
Sumasayaw ng ballet si Fe.
c. Komplementong Benepakribo. Isinasaad kung sino ang makikinabang sa sinasabi ng pandiwa.
Ginagamitan ito ng para sa, para kay, at para kina.
Halimbawa:
Nagpakain ng sopas at pandesal si Susan.
Nagpakain ng sopas at pandesal para sa mga kapuspalad si Susan.
d. Komplementong Lokatibo. Isinasaad dito ang ginapan ng kilos.
Halimbawa:
Namamasyal sina Gunding at Tinang.
Namamasyal sa Windmill Farm sina Gunding at Tinang.
e. Komplementong Direksyonal. Isinasaad nito ang patutunguhan ng kilos.
Halimbawa:
Dumalaw si Elsa.
Dumalaw si Elsa kay Dario.
f. Komplementong Instrumental. Nagsasaad ito sa instrumentong ginamit upang isagawa ang kilos.
Ginagamit na pananda ang sa pamamagitan ng at ng.
Halimbawa:
Inikot ni Alex ang buong village.
Inikot ni Alex sa pamamagitan ng bisekleta ang buong village.
g. Komplementong Kosatibo. Isinaad ang kadahilanan ng pagkilos. Ginagamitan ito ng panandang sa o
kay at mga panghalili nito.
Halimbawa:
Si Nancy ay nakapag-aral.
Si Nancy ay nakapag-aral dahilan sa iskolarsyip grant.
h. Pagpapahaba sa pamamagitan ng pagtatambal. Napapahaba pa ang isang payak na pangungusap
kung gagawin itong tambalan. Gagamitin ang mga pangatnig o panimbang na at, ngunit, datapwat,
subalit, saka, at iba pa upang maisagawa ito.
Halimbawa:
Kabahagi ng teatrong pangkultura si Susan.
Myembro si Susan ng isang NGO.
Kabahagi si Susan ng teatrong pangkultura at miyembro din siya ng isang NGO.
Tunay ngang isang masalimuot na proseso ang mga sitwasyong komunikatibo, ngunit sa tulong ng
229
mga kakayahang pangkomunikatibo ng mga kasangkot sa prosesong ito, malalampasan ang mga hamong
dala nito at magiging matagumpay bawat komunikasyong kinasasangkutan.
Dahil ang wika na isang instrumento sa komunikasyon ay patuloy na umuunlad at nagbabago, isang
hamon din sa bawat taong gumagamit nito na patuloy na paunlarin ang kanyang kakayahang komunikatibo:
linnguwistik, sosyolingguwistik, pragmatik, at diskorsal upang laging makaagapay sa pagbabago nito at sa
kompleksidad ng proseso ng komunikasyong kinasasangkutan.
PAGSASANAY
Photo Essay…
Mula sa mga paksang tinalakay, gamit ang larawan, bumuo ng isang kritikal na sanaysay na
kinapalolooban ng iba’t ibang pamamaraan sa pagpapalawak ng pangungusap.
PAGLALAPAT
GAWIN mo!
Nilalaman . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Pagkakaorganisa ng nilalaman . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Pagkamalikhain . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Kabuuan 50 puntos
TANDAAN
Mga kataga at salita ang bumubuo sa pangungusap. Mga pangungusap ang bumubuo sa mga talata at
mga talata naman ang bumubuo sa isang komposisyon o diskurso. Samakatuwid, ang pagsulat at
pagbuo ng mga pangungusap ay nararapat na masusing pag-aralan upang
mabisa, malinaw at makabuluhan ang paglalahad ng mga ideya at kaisipan.
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
TAKDANG ARALIN
Isaliksik ang sumusunod:
1. Kahulugan ng Pananaliksik
2. Layunin ng Pananaliksik
3. Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik
4. Mga Uri ng Pananaliksik
5. Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mananaliksik
6. Mga Pananagutan ng Isang Mananaliksik
7. Ang Isyu ng Plagyarismo
8. Bahagi ng Sulating Pananaliksik
230
Sesyon Guide: 36
LAYUNIN:
Nakapaghihinuha sa kahulugan, katangian at layunin ng isang
Kaalaman: pananaliksik.
231
Panoorin ang video link na Poverty in the Philippines sa
https://www.youtube.com/watch?v=XldM4DtlA-Y na
inilathala noong Sept. 23, 2012.
1. Ano ang nakita mo sa video clip na iyong pinanood?
2. May mga bata ba sa inyong lugar na katulad ng
kalagayan sa mga batang pinanood mo? Ilan?
3. Ano kaya ang mga dahilan kung bakit naghihirap ang
mga batang nakita mo sa video? Matutulungan kaya
sila ng ating gobyerno?
4. Ano kaya ang isa sa mga paraan upang masiyasat
natin ang mga isyu at problema sa lipunan nang
mabigyan ng rekomendasyon at solusyon ang
kalagayang napanood sa video?
C. PAGSASANAY Pagsasanay 1
Pagpapaulat sa mga paksang tatalakayin tungkol sa
Pananaliksik.
Kriterya
Kaangkupan sa nilalaman ng
paksang tinatakay .……….25
Kahusayan sa presentasyon ….…….15
Kahandaan ………..10
Kabuuan 50 puntos
Pagsasanay 2
Gamit ang semantik map, ibigay ang mga salita/parirala na
may kaugnayan sa konsepto ng pananaliksik. Isulat ang iyong
sagot sa loob ng mga bakanteng bilog.
232
D. PAGLALAPAT Pagkatapos ng bawat isinagawang pag-uulat ay
magkakaroon ng Pasalitang Pasulit ang buong klase.
1. Ibigay ang iba’t ibang kahulugan ng pananaliksik
ayon sa mga awtor? Ipaliwanag.
2. Ano-ano ang layunin ng pananaliksik? Ipaliwang at
magbigay ng halimbawa rito.
3. Magbigay ng mga katangian ng mabuting
pananaliksik at palawakin ito.
4. Ano-ano ang iba’t ibang uri ng pananaliksik?
5. Ibigay ang iba’t ibang katangiang dapat taglayin ng
isang mananaliksik.
6. Ano-ano ang pananagutan ng isang mananaliksik?
7. Ipaliwanag ang tinatawag na plagyarismo. Ibigay ang
mga parusang maaaring ipataw sa isang plagyarista.
233
Sesyon 36
TUKLASIN
234
Ang sulating pananaliksik ay kahilingan ng halos lahat ng paaralan. Makabuluhan ang iyong pagkatuto kung
naranasan mong gumawa ng isang sulating pananaliksik.
MOTIBISYUNAL NA TANONG:
GAWAIN 1
GAWAIN 2
ALAM MO BA NA…
Kahulugan ng Pananaliksik
Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inkwiri sa
pamamagitan ng iba’t-ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo
sa klaripikasyon at resolusyom nito.
Ayon kina Atanacio, et.al. (2009), ang pananaliksik ay isang mapanuring pagsisiyasat ng mga ideya,
isyu, konsepto, o anumang bagay na nangangailangan ng ganap na paglilinaw, pagpapatunay at maari ring
pagpapasubali sa mga kaisipang inilatag ng mga naunang pag-aaral. Ito ay aktibong pakikilahok sa mga
talakayan upang makabuo ng panibagong kaalaman. Nangangailangan ito ng kritikal at mataas na antas ng
pagsusuri upang maayos na mailatag ang perspektibo at mga argumento. Ayon naman kay Good (1963 sa
Bernales et al., 2016), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng
iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon
at/o resolusyon nito.
Samantala si Aquino, (1974) naman ay may detalyadong depinisyon. Ayon sa kanya, ang
pananaliksik ay isang sitematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak
235
na paksa o suliranin. Matapos ang maingat at sistematikong paghahanap ng mga pertinenting impormasyon
o datos hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin at matapos suriin at lapatan ng interpretasyon ng
mananaliksik ang mga nakalap niyang datos ay mahaharap siya sa isa pang esensyal na gawain – ang
paghahanda ng kanyang ulat pananaliksik.
Masasabi ring ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos upang malutas ang isang
partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan (Manuel at Medel: 1976).
Halos gayon din ang sinabi ni Parel (1966). Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang
sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang
mananaliksik.
Maidaragdag din sa ating mga depinisyon ang kina E. Trece at J.W Trece (1973) na nagsasaad na
ang pananaliksik… ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa
nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng
prediksyon at eksplanasyon.
Layunin ng Pananaliksik
Ayon kina Atanacio, et al. (2009), layunin ng pananaliksik na bumuo ng isang pag-aaral gamit ang
mga datos ng mga naunang pag-aaral at iba’t ibang lapit sapagkat ito ang nagsisilbing pundasyon sa
katatagan, kalinawan, at katotohanan ng ginawang pananaliksik.
Samantala, sina Calderon at Gonzales (1993 sa Bernales et al., 2016), ay nagtala ng mga tiyak na
layunin ng pananaliksik. Ilan sa mga ito ang sumusunod:
236
Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik
a. Sistematiko. May sinusunod itong proseso o magkakasunud-sunod na mga hakbang tungo sa pagtuklas
ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon sa pananaliksik.
b. Kontrolado. Lahat ng mga baryabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling constant. Sa madaling salita,
hindi dapat baguhin, nang sa gayon, ano mang pagbabagong magaganap sa asignatura na pinag-aaralan ay
maiuugnay sa eksperimental na baryabol. Ito ay kailangan lalung-lalo na sa mga eksperimental na
pananaliksik.
d. Mapanuri. Sa pananaliksik, ang mga datos na nakalap ay kailangang suriin nang kritikal upang hindi
magkamali ang mananaliksik sa paglalapat ng interpretasyon sa mga datos na kanyang nakalap. Kadalasan
pa, gumagamit ang mga mananaliksik ng mga nabalideyt na pamamaraang pang-estadistika sa pagsusuri ng
mga datos upang masabing analitikal ang pananaliksik.
e. Obhektibo, lohikal at walang pagkiling. Lahat ng tuklas at mga konklusyon ay kailangang lohikal na
nakabatay sa mga empirikal na datos at walang pagtatangkang ginawa upang baguhin ang resulta ng
pananaliksik. Walang puwang dito ang mga pansariling pagkiling.
f. Kwantiteytiv o istatistikal na metodo. Ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerical at
masuri sa pamamagitan ng istatistikal na tritment upang matukoy ang bahagdan, isa sa sampung mag-aaral
(ratio) at limang tanong bawat respondent (distribusyon) ay ilang mga halimbawa ng kwantiteytib na datos,
kumpara sa mga pahayag na tulad ng marami, ilan, humigit kumulang na walang malinaw na istatistikal na
halaga.
g. Orihinal na akda. Maliban sa historikal na pananaliksik, ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay
sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o lathala ng ibang mananaliksik. Idagdag pa na ang mga
datos ay kailangang nagmula sa mga praymari sorses o mga hanguang first-hand.
l. Maingat na pagtatala at pag-uulat. Lahat ng datos na nakalap ay kailangang maingat na maitala. Ang
maliit na pagkakamali ay maaaring makaapekto sa mga tuklas ng pananaliksik. Kailangan din itong maiulat
sa pasulat na paraan sa anyo ng isang papel-pampananaliksik.
237
Mga Uri ng Pananaliksik
a. Analisis. Sa pananaliksik na ito, kinakalap ang iba’t ibang uri ng datos at pinag-aaralan upang hanapan
ng patern na maaaring magsilbing gabay sa mga susunod pang hakbangin.
b. Aral-Kaso o Case Study. Inoobserbahan dito ang mga gawi o pagkilos ng isang subject sa isang
sitwasyon o kaligiran. Sinisiyasat din ang mga sanhi nito, maging ang maaaring maging tugon o reaksyon
sa panibagong kaligiran.
c. Komparison. Dalawa o higit pang umiiral na sitwasyon o subject ang pinag-aaralan dito upang tukuyin
ang kanilang mga pagkakatulad at pagkakaiba.
d. Korelasyon-Predikasyon. Sinusuri rito ang mga estadistikal na datos upang maipakita ang
pagkakaugnay ng mga ito sa isa’t isa upang mahulaan o mahinuha ang kalalabasan ng mga baryabol sa
katulad, kahawig o maging sa ibang sitwasyon.
e. Ebalwasyon. Inaalam sa pananaliksik na ito kung nasunod nang wasto ang mga itinalagang pamamaraan
kaugnay ng pagsasagawa o pamamahala ng isang bagay at sinusuri kung nakamit ba ang mga inaasahang
bunga.
h. Istatus. Masusing sinusuri ang isang piniling sampol upang matukoy ang kanyang mga natatanging
katangian at kakayahan.
j. Trend Analisis. Hinuhulaan dito ang maaaring kahinatnan ng mga bagay-bagay o pangyayari batay sa
mga napansing trend o mga pagbabagong naganap sa mga
sitwasyong sangkot sa pag-aaral.
a. Masipag at matiyaga. Kailangang maging masipag sa pangangalap ng mga datos at pagsisiyasat sa lahat
ng anggulo at panig na pinapaksa ng pananaliksik.
b. Maingat. Sa pagpili at paghimay-himay ng mga makabuluhang datos, kailangang maging maingat ang
isang mananaliksik.
d. Kritikal o mapanuri. Ang pananaliksik ay isang iskolarling gawain. Pinaglalaanan ito ng buhos ng isip.
238
Mga Pananagutan ng Isang Mananaliksik
Idinagdag pa nina Atienza, et. al (1996) ang isa pang napakahalagang pananagutan ng isang
mananaliksik – ang pagtiyak na mapanindigan ng mananaliksik ang lahat ng interpretasyon na kanyang
binuo batay sa kanyang masinop at maingat na pagsusuri ng kanyang mga datos na nakalap.
Ang plagyarismo ay pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng
isang akda, programa, himig at iba pa, nang hindi kinikilala ang pinagmulan o kinopyahan. Ito ay isang uri
ng pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inaangkin mo ang hindi sa iyo (Atienza et al.,1996 sa Bernales et
al., 2016)
Samantala bumuo naman sina Atanacio et al. (2009), ng mga dapat isaalang-alang sa sulating
pananaliksik.
a. Plagiarism- literal na kahulugan nito ay kidnapping. Paggamit ito ng mga salitang hinango mula
sa ibang teksto at inangkin ng buong-buo.
Samantala, ayon naman kina Atienza et al., (1996 sa Bernales, et al., 2016), ang mga parusang
maaaring ipataw sa isang plagyarista ay ang sumusunod :
239
2. kung mapatunayan na matindi ang pagnanakaw na ginawa, maaaring patalsikin
ang estudyante sa paaralan;
3. kahit nakagradweyt na ang estudyante at ilang taon na ang nakalipas, ngunit
natuklasan na ang kanyang pananaliksik ay kinopya, maaari siyang bawian ng
diploma o digri;
4. maaari ring ihabla ang sino mang nangongopya batay sa Intellectual Property
Law at maaaring sentensyahan ng multa o pagkabilanggo.
Tandaan ang mga kasunod na tagubilin nina Atienza, et al. (1994 sa Bernales, et al., 2016):
Walang nagtitiwala sa isang magnanaaw at sinungaling. Kung matuklasan na ang isang
mananaliksik ay nangopya at hindi kumilala sa kanyang pinagkukunan, sapat na ito para mabura ang
lahat ng iba pa niyang pinagpaguran. Hindi na kapani-paniwala ang kanyang saliksik at hindi na
mapagkakatiwalaan pa ang kanyang gawain. Parang sinisira na rin niya ang kanyang pangalan at
kinabukasan...
Alalahaning kung madali para sa sino mang estudyante ang mangopya, magiging madali rin para
sa kanya ang gumawa ng korapsyon kung siya ay nagtatrabaho.
PAGSASANAY 1
Gamit ang Powerpoint Presentaion, iulat ang mga paksa tungkol sa pananaliksik.
Mamarkahan kayo sa batay sa mga sumusunod:
Kriterya
Kaangkupan sa nilalaman ng paksang tinatakay ………………………..25
Kahusayan sa presentasyon …….………………….15
Kahandaan ………………………..10
Kabuuan 50 puntos
PAGSASANAY 2
Punuin ang semantik map sa pagbibigay ng mga salita/parirala na may kaugnayan sa
konsepto ng pananaliksik. Isulat ang iyong sagot sa loob ng mga bakanteng bilog.
240
PAGLALAPAT
Pagkatapos ng bawat isinagawang pag-uulat ay magkakaroon tayo ng Pasalitang Pagsusulit sa buong klase.
1. Ibigay ang iba’t ibang kahulugan ng pananaliksik ayon sa mga awtor? Ipaliwanag.
2. Ano-ano ang layunin ng pananaliksik? Ipaliwang at magbigay ng halimbawa rito.
3. Magbigay ng mga katangian ng mabuting pananaliksik at palawakin ito.
4. Ano-ano ang iba’t ibang uri ng pananaliksik?
5. Ibigay ang iba’t ibang katangiang dapat taglayin ng isang mananaliksik.
6. Ano-ano ang pananagutan ng isang mananaliksik?
7. Ipaliwanag ang tinatawag na plagyarismo. Ibigay ang mga parusang maaaring ipataw
sa isang plagyarista.
TANDAAN
Katapatan ang pinakapangunahing pananagutan ng isang mananaliksik. Kaya nararapat lang na
kikilalanin ang mga ideya o datos na ginamit sa isang pananaliksik.
PAGTATAYA
Ngayong naunawaan mo na ang paksang tinalakay, subukin mong sagutin ang mga sumusunod:
I. TAMA O MALI. Isulat ang T kung tama ang pahayag at M kung mali. At pagkatapos ay bigyang
patunay ang iyong kasagutan sa dalawang pangungusap lamang.
241
______11. Sa pananaliksik ay walang sinusunod na etika .
______12. Walang parusang maaaring ipataw sa isang plagyarista.
______13. Sa pananaliksik na analisis sinisiyasat ang mga sanhi ng isang gawi o kilos ng sabjek.
______14. Sa pagpili at paghihimay ng mga makabuluhang datos, kailangang maging maingat ang
isang mananaliksik.
______15. Ang plagyarismo ay isang uri ng pagnanakaw.
II.Tukuyin kung anong uri ng pananaliksik ang tinutukoy sa mga sumusunod na pahayag.
1. Isinasagawa sa mga tuklas ng nakaraang pananaliksik upang subukin ang baliditi at relayabiliti ng mga
iyon.
2. Kinakalap ang iba’t ibang uri ng datos at pinag-aralan upang hanapan ng patern na maaaring magsilbing
gabay sa susunod pang hakbangin.
3. Hinuhulaan ang maaaring kahinatnan ng mga bagay-bagay o pangyayari batay sa mga napansing trend.
4. Sa pamamagitan ng isang talatanungan, inaalam at iniinterpret ang mga gawi, pananaw, kilos paniniwala o
presensya ng iba’t ibang pangkat hinggil sa isang paksa o usapin.
5. Isang pagtatangkang makahanap o makabuo ng mga prinsipyong magpapaliwanag sa pagkabuo, pagkilos o
ang pangkalahatang kalikasan ng mga bagay-bagay.
6. Inobserbahan ang mga gawi o pagkilos ng isang sabjek sa isang sitwasyon o kaligiran
7. Sinsuri ang mga estadistikal na datos upang maipakita ang pagkakaugnay ng mga ito sa isa’t-isa upang
mahulaan at mahinuha ang kalalabasan ng mga baryabol sa katulad, kahawig o maging sa ibang sitwasyon.
8. Dalawa o higit pang umiiral na sitwasyon o sabjek ang pinag-aaralan upang tukuyin ang kanilang mga
pagkakatulad at pagkakaiba.
9. Masusing sinusuri ang isang piniling sampol upang matukoy ang kanyang mga natatanging kakayahan.
10. Inaalam kung nasunod nang wasto ang mga itinalagang pamamaraan kaugnay ng pagsasagawa o
pamamahala ng isang bagay at sinusuri kung nakamit ang mga inaasahang bunga.
TAKDANG ARALIN
A. Pumili ng paksa na nauugnay sa wika at kulturang Pilipino. At isaliksik sa internet
o aklatan ang napiling paksa. I-print ito upang pag-aralan at masuri at nang
masimulan ang pagsulat ng sulating pananaliksik.
B. Magsaliksik din ng tatlo hanggang limang kaugnay na pag-aaral sa napiling paksa.
Sesyon Guide: 37
242
sa Wika at Kulturang Pilipino
Petsa: Sesyon: 37
Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan nang may masusing pagsasaalang-alang ang mga
lingguwistiko at kultural na katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang
Pilipino at mga sitwasyon sa paggamit ng wika rito.
Apektiv: Nakikinig nang may pag-unawa upang maiugnay ang mga hakbang
sa pananaliksik na sinuri.
II. PAKSANG-ARALIN:
C. PAKSA Introduksyon sa Pananaliksik sa wika at Kulturang Pilipino: Bahagi
ng Sulating Pananaliksik
Gawain 1
Pag-aralan ang isang halimbawa ng pananaliksik at sagutin ang
sumusunod na tanong:
243
1. Ano ang nag-udyok sa mananaliksik
na gumawa ng isang pananaliksik?
2. Sino-sino ang makikinabang sa isinagawang
pananaliksik?
3. Saan nakaangkla ang kanyang pananaliksik?
4. Sino at ano ang sakop ng kanyang pananaliksik?
A. Pahinang Preliminari
A.1. Pahina ng Pamagat
A.2. Talaan Ng Nilalaman
A.3. Talaan ng Talahanayan
C.PAGSASANAY Gamit ang isang tseklist ay susuriin ng mga mag-aaral ang isang
pananaliksik na kanilang nakalap o nabasa sa internet o maaaring
nakuha mula sa unibersidad.
D.PAGLALAPAT Susuriin ng mga mag-aaral ang iba pang print-out ng isang pag-aaral
o tesis na kanilang sinaliksik gamit ang tseklist.
244
gawin ang naturang pananaliksik.
Pasulat na Pagsusulit
1. Isulat ang mga bahagi ng sulating pananaliksik at
ipaliwanag.
245
Sesyon 37
PAKSA: Introduksyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Bahagi ng Sulating Pananaliksik
TUKLASIN
Lahat ng gawain ay may proseso at hakbang. At hindi eksemted dito ang pagsulat ng isang
sulating pananaliksik na kung saan may hakbang na dapat sundin upang maging organisado at
maayos ang paglalahad ng impormasyon maging ang presentasyon ng mga datos na nakalap.
MOTIBISYUNAL NA TANONG
GAWAIN 1
246
2. Sino-sino ang makikinabang sa isinagawang pananaliksik?
3. Saan nakaangkla ang kanyang pananaliksik?
4. Sino at ano ang sakop ng kanyang pananaliksik?
ALAM MO NA BA?
A. Pahinang Preliminari
A.1. Pahina ng Pamagat- Sa bahaging ito nakasaad ang pamagat ng pananaliksik,
kanino ipapasa (pangalan ng guro) at sino ang mga mag-aaral na bumubuo ng papel-
pananaliksik na ipinasa.
247
B.6 SAKLAW AT LIMITASYON
Sa saklaw ng pag-aaral, naglalatag ng mga pamantayan na gagamiting batayan,
alin ang maaaring isama sa pananaliksik at alin ang hindi, kasama ang paliwanag
dito. Ang limitasyon naman ay ang mga sitwasyon o pangyayaring kinakaharap ng
mga mananaliksik na maaaring nakaapekto sa resulta ng pag-aaral.
B. 9.1. Respondente – Ipaliliwanag sa bahaging ito kung ilan ang mga respondent,
dahilan kung bakit sila ang mga napili at kung sa papaanong pamamaraan sila
napili upang maging respondent sa pananaliksik na isinasagawa. Ang
bahaging pagpapaliwanag ay ilalahad sa patalatang pamamaraan subalit ang
pagpapakita ng aktwal na respondent ay maaaring gawin sa pamamagitan ng
isang talahanayan.
B.9.3. Tritment ng mga Datos- Nasa anyong patalata ang bahaging ito ng
pananaliksik. Inilalarawan dito kung anong istatistikal na paraan ang ginamit
upang ang mga numerical na datos aymailalarawan. Sa simpleng
pamanahong-papel na gagawin para sa pananaliksik na ito, ipopokus lamang
ang tritment ng mga datos sa pamamagitan ng pagta-tallyat pagkuha sa
pangkalahatang porsyento ng nasabing datos ang gagawin ng mga
248
mananaliksik.
Sa bahaging ito inilahad ang mga resulta natuklasan ng pag-aaral; matutunghayan din
na dito na mismo sinasagot ang mga tanong na layong matugunan ng pananaliksik. Ang
anyo nito ay isinusunod sa disenyo ng pananaliksik.
GAWAIN 2
Gamit ang isang tseklist o pormularyo sa pag-eebalweyt ay susuriin mo ang isang pananaliksik na
iyong nakalap o nabasa sa internet o maaaring nakuha mo mula sa unibersidad.
Panuto: Lagyan ng tsek () ang patlang kung ang iyong sagot sa tanong ay oo at ekis (x) naman
kung hindi.
A. PAKSA AT SULIRANIN
1. Signipikant at napapanahon ba ang paksa ng pananaliksik? ________
2. Sapat ba ang pagtatalakay sa introduksyon ? ________
3. Malinaw at sapat ba ang saklaw at limitasyon ng paksa upang makalikha ng mga valid
na paglalahat? _______
4. Maayos at malinaw ba ang pamagat at angkop ba iyon sa paksa ng pag-aaral? ________
5. Malinaw, ispesipik at sapat ba ang mga tiyak na layunin ng pag-aaral? __________
6. Sapat at matalino ba ang pagkakapili sa mga terminong binigyan ng depinisyon at malinaw ba ang
249
pagpapakahulugan sa bawat isang termino? __________
C. DISENYO NG PAG-AARAL
1. Angkop ba sa paksa ang pamamaraan/ metodong ginamit sa pananaliksik? ___________
2. Malinaw ba ang disenyo ng pananaliksik at naaayon ba iyon sa sayantifik
Na metodo ng pananaliksik?__________
3. Sapat at angkop ba ang mga respondenteng napili sa paksa ng pananaliksik? _____________
4. Malinaw at wasto ba ang disenyo ng instrumenting ginamit sa pangangalap ng mga datos?_______
F. MEKANIKS AT PORMAL
1. Wasto ba ang pormat ng bawat bahagi ng pamanahong-papel? Nasunod ba ang mga tuntunin at
tagubiling tinalakay sa klase? __________
2. Nasunod ba ang mga tuntuning panggramatika sa teksto ng pamanahong-papel?
3. Sapat at maayos ba ang pagkaka-proofread at pagkakaedit sa teksto ng pamanahong-papel?
250
Mga Mungkahi sa Pagpapabuti ng Pananaliksik:
GAWAIN 3
Susuriin ang iba pang print-out ng isang pananaliksik o tesis gamit ang tseklist.
TANDAAN
Gumawa ng isang pag-aaral ang isang mananaliksik dahil nais niyang masagutan ang mga
katanungan na bumabagabag sa kaniyang isipan at nang matugunana ang mga pangangailangan ng
isa/maraming indibidwal o kaya’y pangkat ng mga tao.
Ang pagpili ng paksa na gagawan ng isang pananaliksik ay hindi basta-bastang gawain.
Nangangailangan ito nang masinsinang pagsusuri at pinag-aaralang mabuti ang magiging
awtput nito.
PAGTATAYA
Pasalitang Pagsusulit
PASULAT NA PAGSUSULIT
GAWAIN 4
Magsagawa ng isang pag-aaral ukol sa iba’t ibang sitwasyon ng paggamit ng wikang Filipino sa
loob ng kultura at lipunang Filipino.
Ang mga sumusunod ay maaaring maging gabay upang makabuo o makaisip ng
isang sulating pananaliksik na tumatalakay sa penomenang kultural at panlipunan sa bansa.
10 Weird Phenomena that Perfectly Sum Up Todays Filipino Culture
251
http://www.filipiknow.net/modern-filipino-culture-phenomena/ By Filipiknow
Sesyon Guide: 38
LAYUNIN:
Maingat na nakapagbabalak sa mga hakbang na
Kaalaman: gagawin para sa pagbuo ng isang panimulang
pananaliksik.
252
gamit ang mga kaalaman sa angkop na mga salita at
pangungusap na mag-uugnay-ugnay samga ideya.
253
C.PAGSASANAY Pagkatapos ng unang draft ay gawin ang ikalawa at
isunod ang ikatlong draft.
Magsulat… magsulat… magpatuloy sa pagsusulat
ng isang panimulang pananaliksik gamit ang mga
kaalaman sa wasto at angkop na mga salita at
pangungusap na magkaka-ugnay-ugnay ng mga
ideya.
KRITERYA:
Nilalaman (wastong balarila
at pagsasalita) ………….40
Presentasyon ………….30
Kahandaan ………….20
Kabuuan 100 puntos
254
Sesyon 38
Pinal na Awtput
TUKLASIN
Ngayong alam mo na ang mga bahagi ng sulating pananaliksik ay sisimulan mo nang isulat ang
panimulang pag-aaral.
GAWAIN 1
Pumili ng paksa na gagawan ng panimulang pananaliksik ukol sa iba’t-ibang sitwasyon ng paggamit ng wikang
Filipino sa loob ng kultura at lipunang Filipino.
GAWAIN 2
GAWAIN 3
Pagkatapos ng unang draft ay gawin ang ikalawa at isunod ang ikatlong draft. Magsulat…
magsulat… magpatuloy sa pagsusulat ng isang panimulang pananaliksik gamit ang mga
kaalaman sa wasto at angkop na mga salita at pangungusap na magkaka-ugnay-ugnay ng
255
mga ideya. Ipasa ang mga draft sa napagkasunduang araw at oras.
GAWAIN 4
TANDAAN
GAWAIN 5
KRITERYA:
Napapanahong Paksa …………………….30
Nilalaman at Wastong balarila ..…………………..50
Kaayusan ng mga bahagi …………………….20
Kabuuan: 100 puntos
GAWAIN 6
KRITERYA:
Nilalaman (wastong balarila at pagsasalita) …………………….50
Presentasyon …………………….30
Kahandaan …………………….20
Kabuuan 100pts
xxx
256
257
LISTAHAN NG SANGGUNIAN
Anastacio, Teresita M. at Cruz, Teresita C. 1994. Filipino sa bagong henerasyon. Quezon City. Studio Printing
Corps.
Atanacio, Heidi C., Yolanda S. Lingat at Rita D. Morales. 2009. Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik. Quezon
City. C & E Publishing, Inc.
Baisa, Ailene G. at Dayag, Alma M. 2009 Pluma Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan Ikalawang Edisyon
Quezon City Phoenix Publishing House.
Badayos, et al. 2010. Komunikasyon sa akademikong Filipino. Aklat sa Filipino1-Antas Tersyarya. Malabon Mutya
Publishing House Inc.
Badayos, Paquito B., Mary Ann C. Escoto, German B. Rosales, Marga B. Carreon, Christian George C. Francisco at
Jasmin P. Medellin. 2007. Masining na pagpapahayag: Aklat sa Filipino 3 antas tersyarya. Valenzuela City. Mutya
Publishing House, Inc.
Belida, M. et al. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik. Malabon City. Mutya Publishing
House.
Bernales, Rolando A., et al. 2011. Komunikasyon sa makabagong panahon: Batayan at sanayang aklat sa Filipino 1
antas tersyarya. Malabon City. Mutya Publishing House, Inc.
Bernales, Rolando A., Eriberto R. Astorga, Jr. et al. 2012. Komunikasyon sa akademikong Filipino. Malabon City.
Mutya Publishing House, Inc.
Bernales, Rolando A., et al. 2014. Kaalaman at kasanayan sa pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksi: Batayan at
sanayang-aklat sa Filipino 2. Malabon City. Mutya Publishing House, Inc.
Bernales, Rolando A., Maria Esmeralda A. Pascual, Elimar A. Ravina, Maria Elma B. Cordero, Jose Sonny N.
Soriano, Gerry G. Abenilla at Anna Lissa M. Gonzales. 2016. Komunikasyon sa makabagong panahon: Filipino
alinsunod sa.K-12 kurikulum ng batayang edukasyon. Malabon City. Mutya Publishing House. Inc.
Dillague Nora M. et al., 1997. Sandigan Ikatlong Taon. Ikalawang Edisyon. Sining ng komunikasyon Para Sa
Mataas Na Paaralan. Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc.
Espina, Letecia D., Norly R. Plasencia, Victoria R. Ramos at Corazon C. Gregorio. 2009. Pagbasa at pagsulat tungo
sa pananaliksik. Intramuros, Manila. Mindshapers Co., Inc.
Reyes, Avin Ringgo C. 2016. Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino. Makati City Diwa
Learning Systems Inc.
Santiago, Alfonso O. at Tiangco Norma G. 1991. Makabagong Balarilang Filipino Ikatlong Edisyon. Quezon
City .Rex Ptinting Press Company Inc.
Santos, Angelina L., Nerissa L. Hufana, Emma B. Magracia, Araceli S. Cabanlong, Marilou J. Dosdos at Teresita P.
Garcia. 2009. Ang akademikong Filipino sa komunikasyon: Teksbuk-Workbuk sa Filipino 1. Malabon City. Mutya
Publishing House, Inc.
Isang panayam sa isang Waray. Kinuha mula sa https://www.youtube.com/ watch? v= 6u jFFEHH_RU na inilathala
noong Oct 22, 2012
CAPRISA Talumpati 2013 Eunice 1st place from St. Jerome Integrated School of Cabuyao. Kinuha mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=js4nhJZurIk. Published on Sep 19, 2013
Timpalak Talumpati 2016. Kinuha mula sa https://www.youtube.com /watch? v=1 MsU yO73UaU. Published on
Aug 14, 2016
Araw ng Lahi - Vane's Talumpati. Kinuha mula sa https://www.youtube.com /watch? v= DaHZBBkr8dw. Uploaded
on Aug 12, 2009
Lesson Exemplar sa Filipino III. Kinuha mula sa https://www.youtube.com /watch? v= rwnhwNbW_lI na inilathala
noong Oct 1, 2013.
Isang panayam ni Atty. Sixto Brillantes, propesor ni Duterte sa law. Kinuha mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=4ZSsfy1-R6s na inilathala noong June 29, 2016.
Isang segment na ito sa teleseryeng FPJ's Ang Probinsyano: Onyok's First Day at School. Kinuha mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=N6niHvGPZH4 na inilathala noong Nov 20, 2015.
Talumpati ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte sa Camp. Edilberto Evanglista. Kinuha mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=_lWM4XrCxVc na inilathala noong Aug 9, 2016.
FPJ's Ang Probinsyano: Inmates Assault Cardo. Kinuha mula sa https://www.you tube. com/watch?v=ejw1cJNTWt0
na inilathala noong Nov 22, 2016.
FPJ's Ang Probinsyano: Misa de Gallo. Kinuha mula sa https://www.youtube.com /watch ?v=0OTwtDg9-ec na
inilathala noong Dec 23, 2016.
Isang Mabuting Desisyon ang Paghinto sa Pag-inom ng Alak (Sanaysay). Kinuha mula sa http://sanaysay-
filipino.blogspot.com/2011/07/halimbawa-ng-isang-tagalog-na-sanaysay.html
Pag-uutos: Ang Pag-uutos ng kabutihan (AL-MA’roof) at ang Pagbabawal ng Kasamaan (AL-Munkar), 8/11/2007.
Kinuha mula sa https://islamhouse.com/tl/articles/60569/
Magandang Buhay with Vice Ganda. Kinuha mula sa https://www.youtube.com/ watch? v=UjIsvjDxwWg.
Published on Apr 19, 2016
Magandang Buhay with Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Kinuha mula sa https://ww w.youtube.com/watch?
v=mzSZbGtxCe0
Ang Pamahalaan at Pamumuhay sa ilalim ng Kastila Published on Jul 19, 2013 https://www.youtube.com/watch?
v=iisaEZ2dVEc
Bloody War with the Japanese Invaders - The Philippines Hell_WWII Documentary on the Pacific Theatre. Kinuha
mula sa https://www.youtube.com/watch?v=bLq1DPbVoXE.
Published on May 4, 2013
GMB - Special Feature: Manuel L. Quezon, Ama ng Wikang Pambansa. Kinuha mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=ulPWYMV7Zq8 na inilathala noong Aug 6, 2014.
Panayam kina Ramon “BOMEN” Guillermo, Melania Flores at Rep. Antonio “Tonchi” Tinio tungkol sa paksang
“Edukasyong Pilipino, Para Kanino? Ang ugnayan ng CMO 20-2013, K12, at Internasyunalisasyon”. Kinuha mula
sa https://www.youtube. com/watch?v=K3O0U7IXdNM.
Isang panayam ng Rappler kay Virgilio Almario, tagapangulo ng Komisyon ng Wikang Filipino. Kinuha mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=K36PKvcEpVQ
na inilathala noong Aug 20, 2014.
Poverty in the Philippines. Kinuha mula sa https://www.youtube.com /watch?v =XldM 4DtlA-Y . Published on
Sept.23,2012.
10 Weird Phenomena that Perfectly Sum Up Todays Filipino Culture. Kinuha mula sa
http://www.filipiknow.net/modern-filipino-culture-phenomena/
Mga Suliraning Kinakahara ng mga Kalinga sa Pagsasalita ng Wikang Filipino. Kinuha mula sa www.academia.edu.
Wikang Filipino sa Makabagong Panahon. Kinuha mula sa https://www.slideshare.net.