You are on page 1of 70

Inihanda ni: Bb. Vie-Ann U.

Sibayan
TAGALOG ILOKANO

KAPAMPANGAN

WARAY CEBUANO

ILONGGO BICOLANO
Biblical (Tore ng Babel) Malinaw na ipinahayag sa bibliya na
ang wika ay kaloob ng Diyos. Batay din sa istorya ng Bibliya,
matapos ang matinding pagbaha noong panahon ni Noah,
binigyan uli ng pagkakataon ng Diyos ang mga tao na
magbago. Iisa lang ang wika noong unang panahon kaya’t
walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Ngunit,
mayroon silang lider, si Nimrod, na naging maramot at nais
makita ang kaharian ng Diyos sa alapaap. Naghangad din
ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging
mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit. Hinimok
ni Nimrod ang mga tao na gumawa ng tore para maabot
ang kaharian ng Diyos. Nagtayo ng pagkataas-taas na tore
ang mga tao. Nang nalaman ito ng Diyos, nagalit Siya na
naging ganid, mapangahas at mayabang na ang mga tao.
Pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya
sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho niya
ang tore at nahulog ang mga tao. Ginawa ng Diyos na
magkakaiba ang wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan
at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita. (Genesis 11:1-9)
1. Bakit kaya ginawa ng Diyos na may iisang wika
lamang ang sangkatauhan noong unang panahon?
2. Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi
pinagiba-iba ng Diyos ang wika ng sangkatauhan?
3. Ano ang nagtulak sa Diyos upang pag-iba-ibahin
Niya ang wika ng sangkatauhan?
4. Bakit mahalaga ang wika sa tao?
5.Magsaliksik ng isang kuwento o alamat tungkol sa
wika. Ibahagi ito pagkatapos ilahad ang inyong
sariling pananaw o konklusyon tungkol dito.
nagmula sa salitang Latin na “lengua” na
ang kahulugan ay dila.
Ito’y isang masistemang gamit sa
pakikipagtalastasan na binubuo ng mga
simbolo at panuntunan.
Ito’y paraan ng pagpapahayag ng
damdamin at opinyon sa pamamagitan
ng mga salita upang magkaunawaan
ang mga tao (Panganiban).
KAHULUGAN NG WIKA PARA SA MGA DALUBHASA:
1.Sapir (1961) – tanging tao lamang
ang nakagagawa ng wika, at dahil
dito likas niyang naipapahayag ang
kanyang kaisipan, damdamin at
mga ninanais sa pamamagitan ng
mga sadyang isinagawang
simbolona kinokontrol nila. Ito ang
kakayahang nagpatangi sa tao sa
iba pang nilikha, at ang ikinaiba niya
sa mga hayop.
KAHULUGAN NG WIKA PARA SA MGA DALUBHASA:

2.Henry Gleason – Ang wika ay


masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong
kabilang sa isang kultura.
KAHULUGAN NG WIKA PARA SA MGA DALUBHASA:
Gleason – na binanggit sa aklat ni Rolando A.
Bernales et.al, ang wika ay masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog. Lahat ng wika
ay nakabatay sa tunog na kung tawagin ay
ponema, na ang maagham na pag-aaral nito
ay tinatawag na ponolohiya. Kapag ang
ponema ay pinagsamasama, maaaring
makabuo ng maliliit na yunit ng salita na
tinatawag na morpema. Sintaksis naman ang
tawag sa makaagham na pinag-ugnay-ugnay
na mga pangungusap. Diskors naman kapag
nagkaroon ng makahulugang palitan ng
dalawa o higit pang tao.
KAHULUGAN NG WIKA PARA SA MGA DALUBHASA:

3.George Lakoff – Ang wika ay


politika, nagtatakda ng
kapangyarihan, kumukontrol ng
kapangyarihan kung paanong
magsalita ang tao at kung paano
sila maunawaan.
KAHULUGAN NG WIKA PARA SA MGA DALUBHASA:

4. Jose Villa Panganiban: Ang wika ay


paraan ng pagpapahayag ng
damdamin at opinyon sa
pamamagitan ng mga salita upang
magkaunawaan ang mga tao.
KAHULUGAN NG WIKA PARA SA MGA DALUBHASA:

5.Nenita Papa – wika ang


ginagamit natin upang
malayang maipahayag ang
ating iniisip at nadarama.
KAHULUGAN NG WIKA PARA SA MGA DALUBHASA:

6.Pamela Constantino at Monico


Atienza – ang wika ay mahalagang
kasangkapan sa pag-unlad kapwa ng
indibidwal at ng bansa.
KAHULUGAN NG WIKA PARA SA MGA DALUBHASA:

7.Archibal A. Hill – sa kanyang papel na


What is Language? Na binanggit sa aklat
ni Alcomtiser P. Tumangan et.al., ang
wika ay pangunahing anyo ng
simbolikong gawaing pantao. Ang mga
simbolong ito ay binubuo ng mga tunog
na nililikha ng aparato sa pagsasalita at
isinasaayos sa mga klase at patern na
lumilikha sa isang komplikado at
simetrikal na istruktura.
KAHULUGAN NG WIKA PARA SA MGA DALUBHASA:
8. San Buenaventura (1985) – mula sa
Wikipediang Tagalog: “Ang wika ay isang
larawang binibigkas at isinusulat. Isang
kahulugaan, taguan, imbakan o deposito ng
kaalaman ng isang bansa.” isang ingat-yaman
ng mga tradisyong nakalagak dito, sa
madaling salita ang wika ay kaisipan ng isang
bansa kaya’t kailanman ito’y tapat sa
pangangailangan at mithiin ng sambayanan.
Taglay nito ang haka-haka at katiyakan ng
isang bansa.
KAHULUGAN NG WIKA PARA SA MGA DALUBHASA:

9. Ayon sa pagsusuri ni Gordon Wells, ang wika ay may


limang tungkulin:
a.Pagkontrol sa kilos at gawi ng iba.
b.Pagbabahagi ng damdamin.
c.Pagpapanatili sa pakikipagkapwa at pagkakaroon
ng intensyon sa kapwa.
d.Pangarap at paglikha.
e.Pagbibigay o pagkuha ng impormasyon.
Midyum ng Binibigkas na
Komunikasyon tunog

Nagpapakita
ng identidad WIKA Kaugnay ng
kultura

Patuloy na Simbolo ng
nagbabago sagisag
KATANGIAN NG WIKA:
1.ANG WIKA AY PANTAONG TUNOG
Hindi lahat ng tunog na maririnig ay maituturing na
wika.
 Ang wika ay nabubuong tunog sa pamamagitan ng
sangkap ng pagsasalita tulad ng labi, dila,
ngipin, ngalangala, babagtingang tinig at
iba pang bahagi ng speech organ o mga
bahagi ng katawan sa pagsasalita ng tao.
 Masasabing ang wika ay wikang sinasalita,
ang mga nakasulat na mga salita ay
larawan o simbolo lamang ng wikang
ginagamit.
KATANGIAN NG WIKA:
2. ANG WIKA AY MASISTEMANG BALANGKAS
May sistema ang wika.
 Ito ay ang palatunugan(ponolohiya),
palabuuan(morpolohiya), at palaugnayan(sintaks).
 Mapapatunayan din ito sa pamamagitan ng
kataga, ang gamit ng katinig at patinig sa
pagbuo ngsalita (PK, KP, KPK, KKP, KPKK,
KKPK, KKPKK).Gayundin ang gamit, ayos at
anyo ng pangungusap (nauuna ang simuno
sa panaguri o ang panaguri sa simuno).
KATANGIAN NG WIKA:
3. ANG WIKA AY ARBITRARYO
 Ang wika ay pinili at isinaayos ang mga tunog sa
paraang pinagkasunduan sa isang pook o lugar. Ang
pagbabagong naganap ay dala marahil ng
impluwensya ng ibang bansang naging kaugnay
ng isang bansa dahil sa pampulitika,
panlipunan o pangekonomiyang karanasan.

TAGALOG PAMPANGA PANGASINAN AKLAN WARAY


baliktad baligtad baliktar baliskad balikad
KATANGIAN NG WIKA:
4. ANG WIKA AY PATULOY NA NAGBABAGO O
DAYNAMIKO
 Ang panahon ay patuloy na nagbabago kaya ang
pamumuhay ng tao ay nagbabago din dulot ng
agham at teknolohiya.
 Ang wika, patuloy lumalawak ang
talasalitaan ng wika kaya kailangang
mabago rin ang ortograpiya at alfabeto
maging ang sistema ng palabaybayan.
ALIBATA (17) ABAKADA (20) ABICEDARIO (31)
ALPABETO (20+8) ALFABETO (28)
KATANGIAN NG WIKA:
5. ANG WIKA AY KABUHOL NG KULTURA
 Ang wika at kultura ay dalawang bagay na hindi
pwedeng paghiwalayin. Nakikilala ang kultura ng isang
tao ayon sa kanyang wikang ginagamit.
 Sa pamamagitan ng wika, nakakaalam at
nagkakaugnayan sa pamumuhay, saloobin,
tradisyon, mithiin at paniniwala ang mga tao.
KATANGIAN NG WIKA:

6. ANG WIKA AY KOMUNIKASYON


 Ang wika ay behikulo ng komunikasyon ng dalawang
taong nag-uusap. Ginagamit ang wika upang
ipahayag ang ating damdamin,
pangangailangan, at iniisip. Ang wika ay
ginagamit sa pakikipagtalastasan sa lahat ng
pagkakataon.
KATANGIAN NG WIKA:

7. ANG WIKA AY MALIKHAIN


 Taglay ng wika ang set ng mga tuntunin na
makapagbubuo ng kahit na anong haba ng
pangungusap. Naging malikhain din ito sa
paraang nakabubuo tayo ng tula, kuwento,
awitin, sanaysay at iba pang akdang
pampanitikan gamit ang wika.
KATANGIAN NG WIKA:
8. ANG WIKA AY NATATANGI
 Ang bawat wika ay may kanyang set ng mga tunog,
mga yunit panggramatika at kanyang sistemang
palaugnayan. Ang bawat wika ay may katangiang
pansariling naiiba sa ibang wika. Walang wika
na magkatulad na magkatulad. Kung may
pagkakatulad marahil ito ay nasa piling
salita lamang.

“kung anong bigkas ay siyang sulat, kung anong


baybay ay siyang basa”
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA:

Espanyol at Niponggo
Espanyol Ingles at Tagalog
“Gintong Panahon
Komisyon Ingles ng Tagalog
Schurman (1899)
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA:
Artilulo 14 Seksyon 3 ng Konstitusyon

Pangulong Manuel L. Quezon

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 - Tagalog

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 203

Kautusang Blg. 7 - Pilipino

Artikulo 15 Seksyon 2 at 3 – Pambansang Wikang Pilipino

Artikulo 14 Seksyon 6 - Filipino


KATUTUBONG WIKA/ PANGUNAHING WIKA SA PILIPINAS:
 Cebuano
 Pangasinan
 Hiligaynon
 Kapampangan
 Samar-Leyte o Waray
 Tagalog
 Bikol
 Ilokano
TUNGKULIN NG SWP:
1. Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng
may kalahating milyong Pilipino man lamang;
2. Paggawa ng paghahambing at pagaaral ng
talasalitaan ng mga pangunahing dayalekto;
3. Pagsusuri at pagtiyak sa fonetika at ortograpiyang
Pilipino;
4. Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging
batayan ng wikang pambansa na dapat umaayon sa
(a) ang pinakamaunlad at mayaman sa panitikan, at
(b) ang wikang tinatanggap at ginagamit ng
pinakamaraming Pilipino.
ANG MGA NAHIRANG NA KAGAWAD:
Jaime C. Veyra (Visayang Samar) – Tagapangulo
Cecilio Lopez (Tagalog) – Kalihim at Punong Tagapagpaganap
Santiago A. Fonacier (Ilokano) - Kagawad
Filemon Sotto – (Visayang Cebu) - Kagawad
Felix S. Rodriquez (Visayang Hiligaynon) – Kagawad
Casamiro F. Perfecto (Bikol) – Kagawad
Hadji Butu (Muslim) – Kagawad
Mga Kagawad
Lope k. Santos (Tagalog)
Jose I. Zulueta (Pangasinan)
Zoilo Hilario (Kapampangan)
Isidro Abad ( Visayang Cebu)
Tagalog ang ginawang saligan ng Wikang Pambansa sa
dahilang ito’y nahahawig sa maraming wikain sa bansa.
59.6% sa Kapampangan
48.2% sa Cebuano
46.6% sa Hiligaynon
49.5% sa Bikol
31.3% sa Ilokano
9 to 10 libong salitang magkakatulad at
magkakahawig sa bigkas, baybay at kahulugan sa
pangunahing wika natin
Inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263.
Ipinag-uutos nito ang:
1. pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at
ng isang aklat sa gramatika na pinamagatang Ang
Balarila ng Wikang Pambansa; at
2. pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19,
1940 sa mga Paaralang Publiko at Pribado sa buong
kapuluan.
Tagalog – katutubong Wikang pinagbatayan ng
pambansang wika ng Pilipinas (1935)
Pilipino – unang tawag sa pambansang wika ng
Pilipinas
Filipino – kasalukuyang tawag sa pambansang wika
ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at isa sa mga
opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987)
isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-
tanging istatus sa saligang batas ng mga bansa,
mga estado, at iba pang teritoryo
wikang kadalasang ginagamit sa lehislatibong
mga sangay ng bansa
 Opisyal na wikang ginagamit sa pormal na
edukasyon
 Ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa
mga eskwelahan
 Ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang
panturo sa mga silidaralan.

 Sa pangkalahatan, FILIPINO at INGLES ang mga


opisyal na wika at wikang panturo sa mga paaralan.
ang pagpapatupad ng iisang wikang
panturo sa lahat ng larangan o
asignatura, (England, Pransya, South
Korea, at Japan), iisang wika sa
larangan ng komersyo, wika ng
negosyo, at wika ng
pakikipagtalastasan sa pang-araw-
araw na buhay.
 Ito ay paggamit at pagkontrol ng tao sa
dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay
kanyang katutubong wika. (Leonard Bloomfield,
1935)
 Taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na
makrong kasanayang pangwikang
kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa
at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang
unang wika. (John Macnamara, 1967).
 Ang pagkakaroon ng dalawang wikang
panturo sa mga paaralan at wikang opisyal na
iiral sa lahat ng mga pormal na transaksyon sa
pamahalaan man o sa kalakalan. (Artikulo 15,
Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973)
 Magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at
Ingles bilang wikang panturo mula Grade 1
pataas sa mga tiyak na asignatura. (D.O. No.
25, s. 1974)
ang tawag sa patakarang pangwika
kung saan nakasalig ito sa paggamit ng
wikang pambansa at katutubong wika
bilang pangunahing midyum sa
pakikipagtalastasan at pagtuturo,
bagamat hindi kinakalimutan ang
wikang global bilang isang mahalagang
wikang panlahat
Register ng Wika

 Mga wika/salitang partikular ang


gamit sa isang tiyak na disiplina.

Halimbawa:
• Kapital – puhunan
• Punong lungsod - kabisera
Barayti ng Wika

 Ito ay pagkakaiba ng mga wikang


sumusulpot at nagiging bahagi ng
pamumuhay ng mga tao sa iba’t
ibang larangan o panig sa bansa.
Homogenous

 Homogenous ang wika kung


pare-parehong magsalita ang
lahat ng gumagamit ng isang
wika (Paz, et al., 2003).
Heterogenous

Heterogenous ang wika kung


hindi pare-parehong magsalita
ang gumagamit ng isang wika
dulot ng mga salik panlipunan
Linggwistikong Komunidad
binubuo ng grupo o pangkat ng mga taong
kabahagi ng tradisyon, paniniwala at
kaugalian at wika.
Ayon kay Gumperz (1968), ang kabuuang
katangian ng taong kinakatawan ng regular
at kadalasang interaksyon sa pamamagitan
ng katawan at berbal na senyales at ang
makabuluhang pagkakaiba sa gamit ng
wika.
Unang Wika

Ito ay ang wikang kinagisnan mula


sa pagsilang at unang itinuro sa
isang tao. Kilala din itong katutubong
wika, mother tongue, arterial na wika
at kumakatawan sa L1.
Pangalawang Wika
alinmang wikang natutuhan ng
isang tao matapos niyang
maunawaang lubos at magamit ang
kanyang sariling wika o ang kanyang
unang wika
Ito ay bunga ng kanyang exposure
sa iba pang wika.
Idyolek
ang uring ito ay tangi sa isa o pangkat ng
mga tao na may komon na wika. May mga
taong kilometriko at mabulaklak kung
magpahayag. May mga ilan ding
nakagawiang magsalita nang malakas o di
kaya ay mahina. Mayroon ding mga tao na
may isang salitang nakasanayan nang
banggitin nang paulit-ulit sa bawat linya ng
kanilang pangungusap.
Idyolek
Halimbawa:
“Siguro nga ammm….dapat tayong
magkaisa ok….Ito ay ammm….susi sa
pagkakaroon ng katahimikan sa
bansa, ok? Kung hindi ngayon,
ammm…kailan pa kaya? Dapat ay
ngayon na, ok?
Dayalekto
ang barayting ito ay inuuri ayon sa
lugar, panahon at katayuan sa
buhay ng mga taong nagsasalita at
kabilang sa isang heyograpikal na
komunidad. Tinatawag din itong
panrehiyunal o wikain.
Sosyolek
sinasabi naman itong
pansamantalang barayti. Tinatawag
itong pansamantala dahil
nadedevelop ito sa pamamagitan
ng malayang interaksyon at
sosyalisasyon natin sa isang
partikular na grupo ng mga tao.
Sosyolek

Halimbawa:
• Allergy ( Galis para sa mahihirap)
• Gravy ( Sarsa para sa ordinaryong
tao)
• Slim ( tawag sa mga payat na tao)
Etnolek
barayti ito ng wika na nadedevelop
mula sa mga salita ng mga
etnolinggwistikong grupo.

Halimbawa:
Waray, Bukidnon, B’laan, T’boli
Ekolek
tumutukoy ito sa mga salita na
kadalasang nagmumula o sinasalita sa
loob ng bahay.

Halimbawa:
Inihaw/Sugba, Tinola/ Sinabawan/
Sinigang
Pidgin
 ito ay tumutukoy sa wikang walang
pormal na estruktura. Nadedevelop ito
dahil na rin sa pangangailangan na
makabuo ng isang pahayag. Kadalasan,
napaghahalu-halo ng nagsasalita ang
kanyang unang wika sa wikang sinasalita
ng isang komunidad na bagong
kinabibilangan niya.
Halimbawa:
1. Ikaw aral Mabuti para ikaw kuha taas
grado. ( Mag-aral ka ng Mabuti upang
mataas ang iyong grado.)
2. I no no. (I don’t know.)
Creole

ito ay produkto ng pidgin na wika, kung


saan, nadedevelop naman ang pormal
na estruktura ng wika sa puntong ito.

* Chavacanon wika
Halimbawa:
1. Mi nombre. (Ang pangalan ko.)
2. Di donde lugar to? (Taga saan ka?)
3. Oks na oks
4. Me ganun?
C
H
A
V
A
C
A
N
O
N
C
H
A
M
O
R
R
O

You might also like