Professional Documents
Culture Documents
1. Si Irish ay isang mag-aaral ng isang tinatawag na “Catholic School” kung saan nag-darasal tuwing
sumasapit ang ika-3 ng hapon na tinatawag na “3 O’clock prayer” sunod sa nakagawain ng simbahang
katoliko. Ang ganitong gawi ay ating natutunan sa anong panahon ng kasaysayan ng Pilipinas.
a. Panahon ng Amerikano c. Panahon ng Kastila
b. Panahon ng Hapones d. Panahon ng Pagsasarili
2. Pagkapasok pa lamang ni Genesis sa kanyang unang baitang na elementarya kapansin-pansin ang kanyang
husay sa pagsasalita ng wikang Ingles at ito ay kanyang natutunan sa kanyang lola na si Aling Medy. Ayon
sa kanyang kwento, ibinahagi ng kanyang lola kung paano niya rin ito natutunan at dahil iyon sa kanilang
naging unang guro sa Ingles noong panahon ng mga Amerikano. Ano ang tawag sa mga naging Unang
Guro ng mga Pilipino sa pagkatuto ng wikang Ingles?
a. Heswita b. Rekolekto c. Agustino d. Thomasites
3. Ang mga mag-aaral ng isang mababang paaralan sa Manila noong panahon ng mga Kastila ay naatasang
makakuha ng mga impormasyon tungkol sa mga dasal at turo ng simbahang Katoliko kagaya ng; “Pater
Noster” (Ama namin) “Ave Maria” (Hail Mary) at “Ten Commandments of God” (10 utos ng Diyos), na
kanilang magagamit para kanilang darating na pagsusulit. Sa anong libro na nailimbag noong panahon na
iyon nila makukuha ang kanilang hinanap na impormasyon?
a. Arte De La Lengua Tagala c. Urbana at Felisa
b. Doktrina Chistiana d. Nuestra Senora del Rosario
4. Ang Lolo at Lola ni Geraldine ay palaging nag babahagi ng kanilang karanasan noong sila ay bata pa
lamang. Isa sa mga ito ay ang kanilang sinapit na hirap sa paglakad mula sa probinsya ng Bataan hanggang
sa Camp O’Donell sa probinsya ng Tarlac na tinawag sa kasaysayan ng Pilipinas bilang “Death March”. Sa
anong panahon ng kasaysayan ng Pilipinas ito nangyari?
a. Panahon ng Amerikano c. Panahon ng Kastila
b. Panahon ng Hapones d. Panahon ng Pagsasarili
5. Nagkaroon ng isang patimpalak ang pinapasukang paaralan ni Daicy kung saan naghahanap sila ng
mapipiling mag-aaral na may kakayahang makapagsulat sa kanilang opisyal na pahayagan. Batid ni Daicy
na siya ay may abilidad sa pagsulat ng ganitong klase ng patimpalak dahil kanyang hinahangaan ang ating
pambansang bayani sa Dr. Jose Rizal na naging manunulat din ng isang opisyal na pahayagan noong
Panahon ng Rebolusyong Pilipino sa Panahon ng Kastila. Ano ang tawag sa pahayagan na ito?
a. Propagandista b. La Solidaridad c. KKK d. Katipunan
6. Si Joshua ay nagkabuo ng isang tanog sa kanyang sarili kung paano nabubuo ang mga salita base sa mga
letrang bumubo ditto. Kaya naman sya ay nagkaroon ng pagsisiyasat kung paano niya matutukoy ang
pagkabuo ng isang salita. Sa anong kakayahang Linggwistiko niya maaring malalaman ang pagkakaiba-iba
ng tunog ng isang letra.
a. Klaster b. Diptonggo c. Ponemang Segmental d. Digrapo
7. Tuwing pumapasok ang mga mag-aaral ng Elementarya sa isang mababang paaralan sa Malabon, ang
kanilang mga guro ay gumagamit ng dalwang wika sa kanilang pagtuturo sunod sa wikang panturo na
ginagamit ng mga Pilipinong guro sa ating bansa. Ano ang wikang panturo na ginagamit sa paaralan sa
Panahon ng Pangkasalukuyan?
a. Filipino at Kastila c. Ingles at Nihonggo
b. Filipino at Ingles d. Filipino lamang
8. Habang nag-aaral ng mga salitang Pilipino si Anna, kanyang napansin ang mga magkakabit na dalawang
magkaibang katinig sa isang patinig at ang mga ito ay maaring matagpuan sa unahan o inisyal, sa gitna, at
sa hulihan o pinal na pusisyon ng salita. Ang mga halimbawa ng mga ito ay; braso, kontrata at klerk. Ano
itong halimbawa o parte ng kakayahang linggwistiko?
a. Diptonggo b. Klaster c.Digrapo d. Ponemang Segmental
9. Ang mga trabahador ng isang sangay ng pamahalaan ay naatsang gumawa ng mga dokumento na
nagpapatunay ng kanilang mga nagawang proyekto sa nakaraang buwan. Anong Opisyal na wika ang
kanilang gagamitin sa dokumento?
a. Filipino at Kastila c. Ingles at Nihonggo
b. Filipino lamang d. Filipino at Ingles
10. Nagkaroon ng pangkatang gawain ang grupo nila Lucky at sila ay naatasan upang malaman ang mga
nangyari na pagmamalupit sa Pilipinas noong Panahon ng mga Kastila. Anong nailimbag na libro ang
kanilang pwedeng gamitin para rito.
a. Doctrina Cristiana c. Barlaan at Josaphat
b. El Filibusterismo at Noli Me Tangere d. Arte de la Lengua Tagala
II. True or False: Ilagay ang salitang “True” kung ang pahayag ay tama at “False” kung ang pangungusap
ay hindi nagbibigay ng katotohanan at ilagay ang dapat na salita o pahayag para maitama ang
pangungusap.
____1. Ang Ponemang Segmental na katinig at mayroong (13) labing tatlong katinig at (5) limang patinig.
(F/16)
_____2. Nang dumating ang mga sundalong Hapon sa ating bansa, nagkaroon ng tinatawag na “Death
March” kung saan pinag-lakad ang mga sundalong Amerikano at Pilipino mula Bataan hanggang
Pampanga. (F/Tarlac)
_____3. Ayon sa Proklamasyon Blg. 13 na pinirmahan ni Pangulong Magsaysay ay nagsasaad na kailangan
ipagdiwang ang Linggo ng Wikang Bansa tuwing ika-29 ng Marso hanggang ikaw-4 ng Abril. (F/12)
_____4. Noong Pebrero, 1956 nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng Paaralang Bayan ang Sirkular
21 na nag-uutos na ituro at awitin ang Pambansang Awit sa mga paaralan. (T)
_____5. Ayon sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 98 na nag tatadhana ng pagsasa-Filipino ng mga
pangalan ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan noong Oktubre 24, 1967(F/96)
_____6. Base sa Memorandum Sirkular Blg. 488 noong Hulyo 29, 1972 na humihiling sa lahat ng
tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng Linggong Wika. (T)
_____7. Noong Marso 27, 1968, nilagdaan ni Rafael Salas, Kalihim Tagapagpaganap, ang Memorandum
Sirkular Blg. 91 nanag-aatas ng paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na komunikasyon sa mga
transaksyon ng pamahalaan. (F/96)
_____8. Si Pangulong Manuel L. Quezon ang kinikilal bilang “Puppet President”. (F/ Pangulong Jose P.
Laurel)
_____9. Ayon sa nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal, binago ang pagdiriwang ng Araw ng
Kalayaan ng Pilipinas na maging Hunyo 12 mula ika-04 ng Hulyo. (T)
_____10. Ang Ordinansa Militar Blg. 11 ay nag-utos na gawing opisyal na wika ang Tagalog at ang wikang
hapones (Nihonggo). (F/12)
300 taon ang pananakop ng mga kastila, namulat sila sa kaapihang dinanas.
Sa panahong ito, maraming Pilipino ang nagging matindi ang damdaming nasyonalismo
Tumungo sa ibang bansa upang kumuha ng mga karunungan.
Nagkaroon ng propagandista ng kilusan noong 1872 na siyang nagging simula ng
kamalayan upang maghimagsik.
Sa panahon ng rebolusyon, sumisibol sa mga maghihimagsik ang kaisipang “Isang
Bansa, Isang Diwa” laban sa mga Espanyol. Pinili nila ang Tagalog sa pagsusulat ng
sanaysay, tula, kuwento, liham at talumpati. Masidhing damdamin laban sa mga
Espanyol ang pangunahing paksa ang kanilang sinulat.
Si Jose Rizal ay naniniwala na ang wika ay malaking bagay upang mapagbuklod ang
kanyang kababayan.
NOLI ME TANGERE- ang nobela ni Rizal ay tumatalakay sa mga kinagisnang
kultura ng Pilipinas sa pagiging kolonya nito ng Espanya. Binabatikos din ng
nobela ang mga bisyo na nakasanyan ng mga Pilipino at ang kapangyarihang
taglay ng simbahang katoliko.
LA SOLIDARIDAD- opisyal na pahayagan noong panahon ng himagsikan noong
Pebrero 19, 1889.
Pinangunahan nina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena at Marcelo H. Del
Pilar.
Isang peryodiko ng mga artikulong tumatalaky sa reporma ng Pilipinas.
Wikang Espanyol ang kanilang gamit sa kanilang pagsulat.
EL FILIBUSTERISMO- inialay sa tatlong pari martir na lalong kilala sa bansag
na GOMBURZA o Gomez, Burgos, at Zamora.
Konstitusyon ng Biak-na-Bato noong 1989 ni Emilio Aguinaldo, ginawang opisyal na
wika ang Tagalog, ngunit walang isinasaad na ito ang magiging wikang pambansa ng
republika.
Andres Bonifacio ang nagtatag ng Katipunan, wikang Tagalog ang ginagamit nila sa
mga kautusan at pahayagan. Ito ang unang hakbang sa pagtataguyod ng wika,.
Itinatag ang unang republika kung saan isinasaad sa konstitusyonal na ang
paggamit ng wikang tagalog ay opsyonal. Sa mga nangangailangan lamang n g
wikang Tagalog ito gagamitin, ang pamamayani ng mga ilustrado sa
asembleyang konstitusyonal ang nagging pangunahing dahilan nito.
Pinakita ng Kalayaan ang plano ng Katipunan. Kinalat ito sa iba’t ibang kalapit na
probinsya at naktulog ito sa paglaki ng pwersan ng Katipunan mula 300 naging
3000.
Isang kopya lamang na iprenta at naikalat
Unang Republika; Ang pagtatag ng republika ng Pilipinas na nagging
pinakamahalagang pangyayari sa himagsikan ng mgab Pilipino laban sa pamamahala ng
mga Espanyol. Ipinahayag ang kalayaan noong 12 Hunyo 1898 at ang pamahalaang
dikstatoryal na umiiral noon ay napaliotan ng pamahalaang rebolusyonaryo na
pinamunuan ni Emilio Aguinaldo bilang panguo noong 23 Hunyo 1898.
Paggamit ng Wikang Tagalog ay opsyonal.
Panahon ng Amerikano
Dumating ang Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey.
Ingles ang nagging wikang panturo noong panahong ito.
Ginamit na instrumento ang pambansang edukasyon sa pagnanais na maisakatuparan
ang mga plano alinsunod sa mabuting pakikipag-ugnayan.
Ang mga sundalo ang kinilalang UNANG GURO at tagapagturo ng Ingles na kilala sa
tawag na THOMASITES.
Noong 1931, ang Bise Gobernador-Heneral George Butte ay nagpahayag na kanyang
panayam ukol sa paggamit ng bernakular sa pagtuturo sa unang apat na taong pag-
aaral. Sumang-ayon sa kanya sina Jorge Bacobo at Maximo Kalaw.
Ayon sa kawanihan ng Pambayang Paaralan noong ika-21 ng Marso 1901, nararapat na
Ingles ang ituro sa pambayang paaralan. Ilan sa mga kadahilanan ay:
Ang pagtuturo ng bernakulat sa mga paaralan ay mag-reresulta sa suliraning
administratibo.
Ang paggamit ng iba’t ibang bernakular sa pagtuturo ay magdudulot lamang ng
rehiyolanismo sa halip na nasyonalismo.
Hindi magandang pakinggan ang magkahalong wikang Ingles at bernakular.
Malaki ang nagasta ng pamahalaan para sa edukasyong pambayan at paglinang
ng Ingles upang maging wikang pambansa.
Ingles ang nakikitang pag-asa upang magkaroon ng pambansang pagkakaisa.
Ingles ang wika ng pandaigdigang pangagalakal.
Ang igles ay mayaman sa katawagang pansining at pang-agham.
Dahil narito na ang wikang Ingles ay kailangang hasain ang paggamit nito.
Ilan sa mga katwiran ng mga tagapagtaguyod ng bernakular ay ang mga sumusunod:
Walumpong porsyento ng mag-aaral ang nakaabot ng hanggang ikalimang grado
lamang.
Kung bernakular ang gagamiting panturo, magiging epektibo ang pagtuturo sa
primary.
Nararapat lamang na tagalog ang linangin sapagkat ito ang wikang komon sa
Pilipinas.
Hindi magiging maunlad ang pamamaraang panturo kung Ingles ang gagamitin.
Ang paglinang ng wikang Ingles bilang wikang pambansa ay hindi nagpapakita
ng nasyonalismo.
Nararapat lamang na magsagawa ng mga bagay para sa ikabubuti ng lahat
katulad ng paggamit ng bernakular.
Walang kakayahang makasulat ng klasiko sa wikang Ingles ang mga Pilipino.
Hindi nangangailangan ng mga kagamitang panturo upang magamit ang
bernakular, kailangan lamang na iyo ay pasiglahin.
GEORGE BUTTE- Kalihim ng Pambayang pagturo; sinabing hindi kailanman magiging
pambansang wika ng mga Pilipino ang Ingles
HENRY JONES FORD- ang unang gumawa ng pagsisiyasat upang malaman kung
epektibo ang pagtuturo gamit ang wikang Ingles.
PROPESOR NELSON, DEAN FANSLER- Sumang-ayon kay Henry Jones Ford.
NAJEEB MITRO SALEEBY, DR. PAUL MONROE- natuklasang hindin pwede maging
wikang panlahat ang wikang ingles.
LOPE K. SANTOS- iminungkahi na isa sa mga wikang katutubo o wikang bernakular ang
gawing wikang pambansa at sumang-ayon ditto si Manuel L. Quezon.
KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 134- nag-atas na Tagalog ang magiging
batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang pambansa.
BATAS KOMONWEKLT BLG. 184- nagsaad ng opsiyal na pagklikha sa Surian ng
Wikang Pambansa; Nobyembre 13, 1936
SURIAN NG WIKANG PAMBANSA- tungkuling magsagawa ng pananaliksik, gabay, at
alintuntuning magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa sa Pilipinas
Noong Hulyo 4, 1946, ipinahayag na ang wikang opisyal sa Pilipinas ay Tagalog batay sa Batas Komonwelt Bilang
570.
Sa panahong ito naabala na naman ang pagpapaunlad sa wikang pambansa dahil muling namayagpag ang
wikang Ingles bilang midyum ng komunikasyon sa mga pahayagan at pamahalaan.
Sa pamamagitan ng Proklamasyong Bilang 12 na nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay noong Marso 26,
1951, ipinagdiwang ang Linggo ng Wikang Pambansa.
Nagsimula ang pagdiriwang mula Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon.
Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 186 noong Setyembre 23, 1955 na nag-uutos
sa paglilipat ng petsang Linggong Wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto bilang pagbibigay ng kahalagahan sa
kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon (Agosto 19).
Higit na binigyang halaga ang paggamit ng wikang Filipino sa panahong ito.
Lahat ng tanggapan at gusali ay ipinangalan sa wikang Filipino.
Ang mga dokumentong pang gobyerno tulad ng panunumpa sa trabaho, pasapporte at visa ay nakasaad sa
Pilipino.
Ginamit rin ang wikang Filipino sa iba’t ibang lebel ng edukasyon sa panahong ito.
Ginamit rin ang wikang Filipino sa mass media tulad ng telebisyon, radio, komiks, magasin at dyaryo.
Noong Pebrero, 1956, nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng Paaralang Bayan ang Sirkular 21 na nag-
uutos na ituro at awitin ang Pambansang Awit sa mga paaralan.
Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nag tatadhana ng
pagsasa-Filipino ng mga pangalan ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan noong Oktubre 24, 1967.
Noong Marso 27, 1968, nilagdaan ni Rafael Salas, Kalihim Tagapagpaganap, ang Memorandum Sirkular Blg. 96
nanag-aatas ng paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na komunikasyon sa mga transaksyon ng
pamahalaan.
Memorandum Sirkular Blg. 488 noong Hulyo 29, 1972 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na
magdaos ng Linggong Wika.
Sakabila ng mga pagbabagong ito, hindi pa rin matanggap ng ibang sektorang Filipino ang wikang Pambansa.
Maraming mga pagtatalong pangwika ang naganap sa 1972 Kombensyong Konstitusyunal
Naging mainit na isyu ang probisyong pang wika hanggang sa ang naging resulta ng maraming pagtatalo at pag-
aaral ay ang probisyong Seksiyon 3 (2) ng Artikulo XV sa kasalukuyang Konstitusyon ng Pilipinas.
Samantalang ang “Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal
na paggamit ng pambansang wikang Pilipino at hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang
mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas.”
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO
PONEMANG SEGMENTAL
PATINIG
KATINIG
Ang kakayahang lingguwsitiko ay tumutukoy sa anyong gramatikal ng wika sa lebel ng
pangungusap. Kinakailangan malaman kung ano ang mga wastong gamit ng mga salita at
kakayahang umunawa ng morpolohikal, ponolohikal, sintaktik na katangian ng wika na may
kakayahang magamit ang mga ito sa pagbuo ng mga sa lita, parirala, sugnay at mga
pangungusap, at gayon din sa pagbibigay ng interpretasyon o kahulugan sa mga ito.
Ang ponemang segmental ay tumutukoy sa mga indibiduwal na tunog ng wikang Filipino. Ang
mga tunog na ito ay nairerepresenta ng mga simbolikong ponemiko na halos katulad din ng mga
titik. Kabilang sa mga ponemang segmental ang mga patinig, katinig, diptonggo, klaster, digrapo at
pares-minimal.
KAKAYAHANG LINGGWISTIKO
DIPTONGGO
DIGRAPO
Ang diptonggo ay ang tunog na nabubuo sa pagsasama ng alin man sa limang patinig at ng mga
malapatinig na w o y.
Ang diptonggo ay alin man sa mga tunog na /aw/, /ay/, /ey/, /iw/, /iy/, /oy/, o /uy/ sa isang pantig ng
salita.
Ang /ew/, /ow/, at /uw/ay mga diptonggo subalit walang salita sa Filipino na may tunog na ganito.
Walang diptonggo sa mga salita na may mga titik aw, ay, ey, iw, iy, oy, o uy kapag nahihiwalay ang
dalawang titik sa pagpapantig.
Mga halimbawa:
Ang salitang aliw (a-liw) ay may diptonggo. Ang diptonggo ay ang tunog na /iw/ dahil ang
tunog na ito ay nasa pantig na liw.
Ang salitang sampay (sam-pay) ay may diptonggo na /ay/ dahil ang tunog na ito ay nasa
pantig na pay.
Ang salitang aliwalas ay may iw ngunit wala itong diptonggo na /iw/ dahil ang titik i at w ay
nahihiwalay sa pagpapantig ng salita (a-li-wa-las).
Ang digrapo ay kombinasyon ng dalawang letrang pinagsama para katawanin ang isang tunog.
Sa Filipino, kadalasang maririnig ang mga digrapo sa mga salitang hiram, ngunit maging sa mga
taal na salita ay maririnig na rin ito dahil sa proseso ng simplipikasyon.
a) Digrapong “ch”
-Panatilihin ang digrapong ”ch” kapag ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.
Halimbawa: chopsuey, chips, Chavez, charter
-Palitan ang digrapong “ch” ng “ts” kung ang tunog ay /ts/ sa hiniram na salita.
Halimbawa:
o chalk – tsok
o cochero – kutsero
o checklist – tseklist
o chocolate – tsokolate
o channel – tsanel
b) Digrapong “sh”
-Panatilihin ang digrapong ”sh” kapag ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.
Halimbawa: Sharon, shampoo, shangri-la, shamrock
-Palitan ang digrapong “sh” ng “sy” kung ang tunog ay /sy/ sa hiniram na salita.
Halimbawa:
o workshop – worksyap
o shooting – syuting
o censorship – sensorsyip
o scholarship – iskolarsyip
KAKAYAHANG LINGGWISTIKO
KLASTER
PARES-MINIMAL
Ang klaster, o kambal katinig, ay magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang patinig.
Ang klaster ay maaaring matagpuan sa unahan o inisyal, sa gitna, at sa hulihan o pinal na pusisyon ng
salita.
Hal. kr, pl, br, tr, rd, rs, ks, etc.
Mga halimbawa:
Unahan: Gitna: Hulihan:
Ang pares na salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban sa
isang ponema sa magkatulad na pusisyon ay tinatawag na pares minimal. Ito ay ginagamit upang ipakita
ang pagkokontrast ng dalawang ponema sa magkatulad na kaligiran.
Pansinin na ang mga ponemang /p/ at /b/ ay nasa magkatulad na kaligiran – pala:bala. Nasa magkatulad na
kaligiran ang /p/ at /b/ sapagkat magkatulad ang kanilang kinalalagyan – kapwa nasa pusisyong inisyal: na
kung aalisin ang /p/ at /b/ sa mga salitang /pala at bala/, ang matitira ay dalawang anyong magkatulad – ala
at ala. Sa ganitong kalagayan ay masasabi natin na ang pagkakaiba sa kahulugan ng pala at bala ay dahil
sa mga ponemang /p/ at /b/ at hindi dahil sa alin mang tunog sa dalawang salita. Kung gayon ang /p/ at /b/
ay masasabing magkaibang ponema sa Filipino sapagkat kapag inilagay sa magkatulad na kaligiran na
tulad nga ng pala at bala, nagiging magkaiba ang kahulugan ng dalawang salita.
Matunghayan sa ibaba ang ilang halimbawa ng pares-minimal upang ipakita ang dalawang magkahiwalay
na ponema.
o tela - tila
o belo – bilo
o butas – botas
o mesa – misa
o diles - riles
o ewan - iwan
Tingnan naman natin ang halimbawang /pala:alab/. Nasa magkatulad na kaligiran ba ang /p/ at /b/? Wala,
sapagkat ang /p/ ay nasa pusisyong inisyal ng salita samantalang ang /b/ naman ay nasa pusisyong pinal.
Samakatwid, hindi magagamit ang /pala:alab/ na halimbawa upang ipakita na ang /p/ at /b/ ay magkaibang
ponema.
Sa halimbawa namang /doon:roon/ ay nasa magkatulad na kaligiran ang /d/ at /r/. Ngunit hindi natin
masasabing magkaibang ponema ang mga ito sapagkat hindi nakapagbabago ang mga ito sa kahulugan ng
salita. Magkatulad ang kahulugan ng /doon:roon/.
KAKAYAHANG LINGGWISTIKO
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Ang mga ponemang suprasegmental ay tumutukoy sa mga makahulugang yunit ng tunog na karaniwang
hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat.Sa halip, sinisimbulo ito ng mga notasyong ponemiko upang
matukoy ang paraan ng pagbigkas. Ang mga uri ng ponemang suprasegmental ay ang diin, intonasyon
at hinto.
Ito ay ang makahulugang tunog. Sa paggamit ng suprasegemental, malinaw na naipahahayag ang
damdamin,saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita. Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin
ang kahulugan,layunin o intension ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono, o
intonasyon, at antala o hinto sa pagbibigkas at pagsasalita.
1. Haba (length) - ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig (a, e, i, o, u ) ng isang pantig.
Maaaring gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba.
Halimbawa:
o bu.kas - nangangahulugang susunod na araw
o bukas - hindi sarado
2. Tono/ Intonasyon (pitch)- Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla,
makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin, makapagbigay-kahulugan, at makapagpahina ng
usapan upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapuwa. Nagpalilinaw ito ng
mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit. Sa pagsasalita ay may
mababa,katamtaman, at mataas na tono. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2
sa katamtaman, at bilang 3 sa mataas.
Halimbawa:
o Kahapon - 213 (pag-aalinlangan)
o Kahapon - 231 (pagpapatibay)
o Talaga - 213 (pag-aalinlangan)
o Talaga - 231 (pagpapatibay)
3. Antala o hinto (juncture)- bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw
ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap. Maaaring gumamit ng simbolo kuwit (,), dalawang
guhit na pahilis (//), o gitling (-).
Halimbawa:
o Hindi/ ako si Joshua.
(Pagbigkas na ito ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay ito ng kahulugan na
ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Joshua na maaaring siya’y napagkamalan
lamang na si Arvyl.)
o Hindi ako, si Joshua.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na ang kausap ay
maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi ginawa. Kaya sinasabi niyang
hindi siya ang gumawa kundi si Joshua.
o Hindi ako si Joshua.
(Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na ang nagsasalita ay
nagsasabing hindi siya si Joshua.)
4. Diin (stress o emphasis) - Ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbibigkas ng
isang pantig sa salita. Ang diin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog o
baybay, ang pagbabago ng diin ay nakapagpapabago ng kahulugan nito. Maaaring gamitin sa
pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
Halimbawa:
o BU:hay- kapalaran ng tao------ bu:HAY-humihinga pa
LA:mang- natatangi ------------la:MANG- nakahihigit; nangunguna
KAKAYAHANG LINGGWISTIKO
KLASTER
PARES-MINIMAL
Ang klaster, o kambal katinig, ay magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang patinig.
Ang klaster ay maaaring matagpuan sa unahan o inisyal, sa gitna, at sa hulihan o pinal na pusisyon ng
salita.
Hal. kr, pl, br, tr, rd, rs, ks, etc.
Mga halimbawa:
Unahan: Gitna: Hulihan:
Ang pares na salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban sa
isang ponema sa magkatulad na pusisyon ay tinatawag na pares minimal. Ito ay ginagamit upang ipakita
ang pagkokontrast ng dalawang ponema sa magkatulad na kaligiran.
Pansinin na ang mga ponemang /p/ at /b/ ay nasa magkatulad na kaligiran – pala:bala. Nasa magkatulad na
kaligiran ang /p/ at /b/ sapagkat magkatulad ang kanilang kinalalagyan – kapwa nasa pusisyong inisyal: na
kung aalisin ang /p/ at /b/ sa mga salitang /pala at bala/, ang matitira ay dalawang anyong magkatulad – ala
at ala. Sa ganitong kalagayan ay masasabi natin na ang pagkakaiba sa kahulugan ng pala at bala ay dahil
sa mga ponemang /p/ at /b/ at hindi dahil sa alin mang tunog sa dalawang salita. Kung gayon ang /p/ at /b/
ay masasabing magkaibang ponema sa Filipino sapagkat kapag inilagay sa magkatulad na kaligiran na
tulad nga ng pala at bala, nagiging magkaiba ang kahulugan ng dalawang salita.
Matunghayan sa ibaba ang ilang halimbawa ng pares-minimal upang ipakita ang dalawang magkahiwalay
na ponema.
o tela - tila
o belo – bilo
o butas – botas
o mesa – misa
o diles - riles
o ewan - iwan
Tingnan naman natin ang halimbawang /pala:alab/. Nasa magkatulad na kaligiran ba ang /p/ at /b/? Wala,
sapagkat ang /p/ ay nasa pusisyong inisyal ng salita samantalang ang /b/ naman ay nasa pusisyong pinal.
Samakatwid, hindi magagamit ang /pala:alab/ na halimbawa upang ipakita na ang /p/ at /b/ ay magkaibang
ponema.
Sa halimbawa namang /doon:roon/ ay nasa magkatulad na kaligiran ang /d/ at /r/. Ngunit hindi natin
masasabing magkaibang ponema ang mga ito sapagkat hindi nakapagbabago ang mga ito sa kahulugan ng salita.
Magkatulad ang kahulugan ng /doon:roon/.
KAKAYAHANG SOSYOLINGGWISTIKS
Telebisyon
Ang telebisyon ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami
ng mamamayang naaabot nito, wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa ating
bansa. Ang madalas na exposure sa telebisyon ang isang malaking dahilan kung bakit sinasabing
99% ng mga mamamaya sa Pilipinas ang nakapagsasalita ng Filipino.
Radyo at Dyaryo
Katulad ng telebisyon, Filipino rin ang nangungunang wika sa radio. Ang halos lahat ng mga
estsyon AM man o sa FM ay gumagamit ng Filipino at iba’t ibang barayti nito,
Sa mga dyaryo naman ay wikang ingles ang ginagamit sa mga broadsheet at wikang Filipino sa
mga tabloid.
Pelikula
Bagamat mas maraming banyaga kaysa local na pelikula ang naipalalabas sa ating bansa taon-
taon ang mga local na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at mga barayti nito ay mainit
ding tinatangkilik ng mga manonood.
FlipTop
Ito’y pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Nahahawig ito sa balagtsan dahil ang mga
bersong nira-rap ay magkakatugma bagama’t sa Flip top ay hindi nakalahad o walang malinaw
na paksang pagtatalunan
Pick-up lines
May mga nagsasabing ang Pick-up lines ay makabagong bugtong kung saan may tanong na
sinasagot ng isang bagay na madalas maiugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay
Hugot lines
Ang hugot lines kaiba sa pick-up lines ay tinatawag ding love lines o love quotes. Ito ay isa pang
patunay na ang wika ay malikhain, hugot lines ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakakilig,
nakatutuwa, cute cheesy o minsa’y nakakainis
Text
Sa pagbuo ng minsahe sa text, madalas ginagamit ang code switching o pagpapalit-palit ng Ingles
at Filipino sa pagpapahayag madalas ding binabago o pinapaikli ang baybay ng mga salita para
mas madalio mabilis itong mabuo
KAKAYAHANG PRAGMATIK
Pagtukoy sa kahulugan ng sitwasyong sinasabi, di-sinasabi, at ikinikilosng taong kausap.
Ang isang tao ay may kakayahang pragmatiks kung natutukoy nito:
Ang kahulugan ng mensaheng sinasabi at di sinasabi, batay sa ikinikilos ng taong kausap.
Ang kaugnayan ng mga salita sa kanilang kahulugan , batay sa paggamit at sa konteksto
Speech Act Theory – nagagamit ang wika sa pagganap ng kilos at kung paanong ang
kahulugan at kilos ay maiuugnay sa wika. Sa pagpapaliwanag ni Yule (1996 & 2003) ang mga
speech act na ito ay mga kilos na ginanap sa pamamagitan ng mga pagpapahayag. Kabilang
sa mga ito ang paghingi ng paumanhin, pagrereklamo, papauri, paanyaya, pangako at
pakiusap.
Komunikasyong Di-Berbal
Ito ang mga senyas na hindi gumagamit ng salita subalit mas nakapagpapalinaw
sa kahulugan ng
mga pahayag. Ang mga di-berbal na senyas ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
1.
Oras/kronemika (Chronemics)-
a. Teknikal o siyentipikong oras - ginagamit lamang ito sa laboratoryo atkaunti
lamang ang kaugnayan nito sapang- araw-araw nating pamumuhay.
b. Pormal na Oras - tumutukoy kung paano binibigyan ng kahuluganang kultura
at kung paano ito itinuturo.Halimbawa, sa kultura ng ating oras, hinahati ito sa
segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan at taon. Sa eskwelahan
c. Impormal na Oras - medyo maluwag sapagkat hindi eksakto.hal.
Magpakailanman, agad-agad,sa madaling panahon atngayon din
d. Sikolohikal na Oras- tumutukoy sa kahalagahan ng pagtatakda ng oras
sanakaraan, sa kasalukuyan at sa hinaharap.
2. Proksemika (Proxemics)- Pag–aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang
katawagang binuo ni Edward T. Hall (1963), isang antropologo.
Uri ng Proxemic Distance
1. Espasyong Intimate up to 1- ½ ft.
2. Espasyong Public- 12 ft. o higit pa
3. Espasyong Sosyal- 4 -12 ft.
4. Espasyong Personal- 1- ½ - 4 ft.
3. Galaw ng Katawan (Kinesics)- Pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. May
kahulugan ang paggalaw na iba’t ibang bahagi ng ating katawan.
a. Ekspresyon ng Mukha “Nagpapakita ng Emosyon”
Halimbawa: masaya kung siya ay naka ngiti, malungkot kung umiiyak.
b. Galaw ng Mata - Nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nag- iiba ang
mensaheng ipinahahayag
batay sa tagal, direksyon at kalidad ng kilos ng mata.
c. Kumpas “Galaw ng Kamay” - ay maraming bagay at kapamaraanang magagawa.
1. Regulative – kumpas ng isang pulis o kumpas ng isang guro.
2. Descriptive –kumpas na maaring naglalarawan sa isang bagay.
Halimbawa: laki, haba, layo, taas at hugis ng isang bagay
3. Emphatic – Kumpas na nagpapahiwatig ng damdamin
Halimbawa: paghampas ng kamay sa mesa, pagpalakpak, pagtaas
ng kamay
a. Tindig o Postura - Tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay na ng
hinuha kung anong
klaseng tao ang iyong kaharap o kausap.
4. Simbolo (Iconics)- mga simbolo sa paligid na may malinawna mensahe
Halimbawa. Sa palikuran, bawal manigarilyo atbp.
5. Kulay (Colorics)- nagpapahiwatig ng damdamin o oryentasyon. Halimbawa: kulay
asul at pula sa bandila ng pilipinas.
6. Paralanguage- tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng isang salita pagbibigay diin sa
mga salita. Halimbawa: bilis ng pagbigkas,paghinto sa loob ng pangungusap, lakas
ng boses, kasama rin sa bahaging ito ang pagsutsot, buntung-hininga, ungol at
paghinto.
7. Oculesics- Tumutukoy ito sa paggamit ng mata sa paghahatid ng mensahe.
8. Bagay (Objectics)- Tumutukoy sa paggamit ng mga bagay sa pakikipagtalastasan.
Kabilang rito ang mga elektronikong ekwipment.
9. Olfactorics- Nakatuon naman ito sa pang-amoy.
10. Pictics- Sa mukha, maaaring makita kung ang isang tao ay masaya, umiibig,
malungkot, nag-aalala, natatakot, may suliranin, nahihirapan, galit o di kaya ‘y nag-
iisip.
11. Vocalics- Paggamit ito ng tunog, liban sa pasalitang tunog.
12. Haptics- tumutukoy sa paggamit ng sense of touch sa paghahatid ng mensahe.
Kohesiyon at Kohirens
1. Kohisyon- Ang kohisyon, ayon kina Halliday at Hassan (1976), ay tumutukoy sa ugnayan ng
kahulugan sa loob ng teksto. Maituturing na may kohisyon ang mga pahayag kung ang
interpretasyon ng isang pahayag ay nakadepende sa isa pang pahayag.
Halimbawa:
Maraming pagbabago sa pakikisama ni Sarah. Naging madalas na ang kanyang
pagdalo sa mga gawain sa komunidad. Napapadalas na rin ang pagboboluntaryoniya
upang manguna sa mga gawain.
2. Kohirens- Tumutukoy naman ang kohirens sa kaisahan ng lahat ng pahayag sa isang sentral
na ideya. Dapat malaman ng isang nagdidiskurso na may mga pahayag na may lekiskal at
semantikong kohisyon ngunit walang kaisahan.
Halimbawa:
Maraming pagbabago sa pakikisama ni Sarah. Naging madalas na ang kanyang pagdalo
sa mga gawain sa komunidad. Napapadalas na rin ang pagboboluntaryo niya upang manguna
sa mga gawain. Si Sarah ay may asawa.
Pagpapalawak ng Pangungusap
Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, displinadong
inkiwiri sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at
kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at/o resolusyon nito.
Samantala, si Aquino (1974) naman ay may detalyadong depinisyon. Ayon sa
kanya, ang pananaliksik at isang sistematikong paghahanap sa mga
mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
Masasabi ring ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos
o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang
siyentipikong pamamaraan (Manuel at Medel:1976)
LAYUNIN NG PANANALIKSIK
Sina Calderon at Gonzales (1993) ay nagtala ng mga tiyak na layunin ng
pananaliksik. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: